Actions

Work Header

nandito ka, nag-iisa

Summary:

Walong araw bago sila magpakasal, napagdesisyonan ni Shane na makipaghiwalay kay Ilya.

Notes:

naisip ko itong scene na ito habang nakikinig ako ng podcast ni miss dani barretto. gusto ko rin matry mag sulat ulit ng angst. dont worry, romcom hollanov naman next!

please ignore na lang if may grammatical errors/typos kasi tamad ako mag proof read

title from: Huling uyayi ko, sinta by Ian Quiriz

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

Pumukaw sa atensyon ni Shane ang isang malaking billboard sa EDSA Balintawak. Tuwing dumadaan sila dito ay hindi niya maiwasang titigan ito at ngumiti. Minsan pa nga ay kinukuhaan niya ito ng bidyo kahit hindi naman nagbabago kung ano at sino ang nakalagay doon. Ngunit iba ata ngayon. Hindi siya napangiti, bagkus nakaramdam siya ng kirot sa dibdib.

“Papalitan na raw iyang billboard ng BINI, sabi sa akin ni Manager Sveta.” Ramdam niya ang haplos ng kamay nito sa kanyang maumbok na tiyan. Napalingon siya kay Ilya na lumingon din sa kanya saglit bago binalik ang tingin sa daan. “Wala eh, patapos na kontrata ko sa Penshoppe.” At wala rin naman itong balak magrenew.

Hindi na lang nagsalita si Shane katulad nang ginawa niya buong araw. Nanahimik lang siya dahil parang may nakabarang salita sa lalamunan niya na hindi niya masabi. 

Walong araw na lang bago ang kasal nila. Intimate wedding. Mga pamilya at kaibigan lang na nakasaksi sa walong taong pagmamahalan nila ang imbitado. Si Shane pa nga ang pumili kung saan, anong date, hanggang sa motif, siya ang in-charge. Kaya paano niya sasabihin kay Ilya na ayaw niya na ituloy ang kasal at makikipaghiwalay siya? 

Matagal na niya itong naiisip. Nagsimula nang pinaalam ni Ilya sa publiko na magpapakasal na ito sa long time non-showbiz partner niya. Alam naman ng mga fans ni Ilya na may boyfriend na ito. Matagal na rin nang may lumabas na blind item patungkol sa kanila pero tila nakalimutan na ng publiko gawa nang nalinis din ng management ang issue. One of the greatest actors of his generation, Ilya Rozanov. Pangalan pa lang, alam na agad na bankable at iniingatan ng management si Ilya. 

Gumulo ulit ang tahimik nilang paghahanda sa pagdating ng anak nang halungkatin ulit ng netizens ang blind item nang pagbubuntis niya. Biglaan kasing lumabas ang headline na: Nag-propose na si Ilya Rozanov sa kanyang non-showbiz partner na si Shane Hollander. 

Sinama pa ng isang article ang instagram post ni Ilya na tanging mga kamay lang nila na magkasalikop ang kita. Opisyal nang inanunsyo ng aktor na si Ilya Rozanov ang kanyang engagement sa longtime boyfriend. Pagkatapos din ng ilang taon, ngayon lang pinakilala ng aktor sa publiko ang partner niyang si Shane Hollander. “Walong taon na kasama ka. At ikaw ka pa rin hanggang sa isang milyong bukas, @shanehollander” saad ni Ilya sa caption ng post. 

Hindi detalyado. Hindi nito nilahad lahat at nagtira pa rin para sa relasyon nila. 

Ngunit, ang mga tao na sa social media ang gumawa ng sariling kwento sa mga detalyeng hindi nila binahagi sa mundo. Tinadtad sila ng sari-saring komento patungkol sa engagement nilang dalawa. 

Ah totoo ngang sila yung blind item noon, kaya naman pala papakasalan kasi buntis na. Tama naman sila. Pero pakakasalan siya ni Ilya dahil mahal din siya nito. Diba?

Kaya pala biglang kumonti projects ni Ilya kasi nag focus sa jowa. Hindi niya naman ito hiniling kay Ilya. Ito ang nag desisyon na samahan siya sa pagbubuntis, lalo na’t masyadong maselan ito.

Nasa peak pa naman ng career si Ilya, tinali na agad ng jowa. Siya rin naman may trabahong inaalagaan. Parehas silang hindi naging maingat ni Ilya pero bakit sa kanya lang lahat ang sisi? 

Hindi na namamalayan ni Shane na paunti-unti nang pumasok sa ulo niya ang mga komento ng tao sa relasyon nila. Kahit anong sabi ni Ilya na huwag siyang mag-scroll sa social media, hindi niya maiwasan tumingin. Gusto niyang sisihin ang hormones niya dala ng pagbubuntis. Gusto ring sisihin ni Shane ang magulang niyang matagal nang hiwalay at nagkaroon ng sariling pamilya. Gusto niya sisihin ang sarili sa pagkakaroon ng abandonment issues. Alam niyang sa kanya ang may mali at hindi si Ilya.

Sinubukan naman ni Shane pigilan na mag-isip nang nakakaapekto sa relasyon nila. Isang linggo pagkatapos nitong mag-propose sa kanya, tinanong niya pa si Ilya. “Ilya, bakit ka nagpropose? Ngayon na buntis na ako?”

Napatigil ito sa ginagawa niyang pagkukumpuni ng crib ni Lia. “Kasi mahal kita, Shane. Mahal ko kayo ni Lia at gusto ko kayong makasama bilang pamilya ko.” Nagawa naman niyang ngumiti sa harap nito pero tila hindi siya kumbinsido. Ilang buwan din itong namalagi sa utak ni Shane. Ilang buwan ding walang palya si Ilya sa pag-assure na pakakasalan niya si Shane dahil mahal siya nito. 

 

“Love, nandito na tayo kela Mama Yuna.” Umangat ang tingin niya kay Ilya na marahang hinaplos ang balikat niya para makuha ang kanyang atensyon. Nakatanggal na ang seatbelt nito at tila hinihintay na lang siya. “Tulungan kita magtanggal ng seatbelt, love?” 

Hindi pa rin siya gumagalaw sa kinauupuan niya. Akala ni Ilya ay nahihirapang gumalaw ang buntis kaya lumapit siya para tulungan ito nang magsalita si Shane. “Ilya… You don’t have to marry me.” 

Unting-unti lumayo si Ilya at bumalik sa kinauupuan niya para tignan kung nagbibiro lang si Shane. Mali ba pagkakaintindi niya sa sinabi nito? “Pwede pa naman tayong maghintay pa ng ilang taon. O pwede ring kahit huwag na talaga. Okay lang, Ilya. You don’t have to marry me. You can be a dad to our Lia, hindi ko siya ipagdadamot. Just… run.” Hindi na napigilan ni Shane ang pag-agos ng luha niya. 

Hindi na niya hinintay pang sumagot ang gulat na gulat na si Ilya. “Baka tama nga yung mga tao… I am trapping you—”

“Shane, dahil ba ito sa mga sinasabi ng taong hindi naman kasama sa relasyon natin?” Hindi sumagot si Shane at tumungo lang. “For god’s sake… Shane! Relasyon natin ito, tayo lang may alam kung anong nangyayari dito. Nobody helped us through 8 years, not even our families. Bakit ka makikinig sa iba? Am I not assuring you enough that I love—”

“No no no… Ilya, listen.” Nakaramdam si Shane ng taranta dahil ayaw niyang sisihin ni Ilya ang sarili nito. Kahit kailan, hindi nagkulang ang lalaki sa pagiging mabuting partner sa kanya. “It’s not your fault. It’s because I feel guilty… And I just want you to have the life that you want—”

“Alam mo ba talaga ang gusto kong buhay, Shane? I want to live a life with you, being your husband and a father to our future kids.” Lumamlam ang mata ni Ilya na kanina’y puno ng galit at pagtataka. 

“Ilya, you were on top of your career. Pinag-uusapan ka dahil sa mga projects mo before tapos ngayon pinag-uusapan ka dahil satin. And I know it’s not easy for you to make this decision… that you had to jump from being the Ilya Rozanov to someone’s husband.” Kinailangan niyang huminto sa pagsasalita dahil hindi niya makalma ang sarili niya. “I know you had plans… Gusto ko pagpatuloy mo muna yun, Ilya. I’m so sorry for ruining—”

“Mga plano na kasama ka, Shane.” Narinig niya na rin ang hikbi ni Ilya kaya lumingon siya rito. Nawala sa harap niya iyong Ilya na tuwang-tuwang haplusin ang tiyan para damahin ang sipa ng anak nila. Iyong Ilya na excited magkwento sa mga nangyari sa maghapong taping nito. Nakikita niya ang Ilya ngayon na pagod na pagod nang intindihin ang takbo ng utak niya. Sunod sunod na ang daloy ng luha nito sa pisngi kaya hindi na napigilan ni Shane na hawakan ang magkabilang pisngi nito. 

“Lahat ng ginagawa kong desisyon nasa isip kita, love. Naiintindihan kita na mas mahirap sa iyo ito, na mas sensitive ka ngayon. All of these are so sudden, and maybe unexpected. But never unwanted, Shane. I want to marry you kahit pa nung wala si Lia. Mas lalo ngayong nandito ang anak natin,” hinawakan ni Ilya ang bump niya. “Hindi mo ko kailangan papiliin kasi ikaw na agad ang pinili ko. Ang pamilya na bubuuin natin.” 

Sa pagkakataong ito, nabuwag na lahat ng pader na tinayo ni Shane at tuluyan nang nag break down habang yakap-yakap si Ilya. “Takot na takot ako, Ilya. Na baka isang araw matauhan ka at magsisi na pinakasalan mo ko, na pinili mo ko. It’s my fault. I should’ve been more responsible kasi may iniingatan kang pangalan. Baka iwanan mo lang din ako.” Humiwalay siya kay Ilya at tinignan ito sa mata. “Ayokong magaya sa parents ko, ayokong magaya si Lia sa sarili ko. Ngayon pa lang, I am asking you to leave before you blame me that I stripped away your life—”

“I don’t want to leave! Shane! Ilang beses ko pa bang uulitin? Why do you keep pushing me away?!” 

Napahinto si Shane habang pinapanood si Ilya na tuliro na paano siya kumbinsihin, na walang magawa kundi umiyak sa steering wheel. Sa ilang taon nilang pagsasama, bilang lang sa daliri ni Shane na marinig itong sumigaw. Pero ngayon, rinig niya ang pagkadesperado sa tono nito. Alam niyang nasasaktan niya na si Ilya. 

Bigla siyang natauhan. Bumuhos sa kaniya ang lahat nang ginawa nito para sa relasyon nila sa nagdaang walong taon. Ni-isang beses hindi siya nito sinukuan, hindi siya nito hiniwalayan. Kahit si Ilya ang sumasalo sa lahat ng issues ni Shane sa sarili niya, hindi ito nagsawang intindihin siya. Ilang beses itong binigyan ng tadhana at ni Shane ng rason para sumuko pero pinaglaban pa rin nito ang relasyon nila. Kahit pa na may risk na masira ito sa mata ng publiko. Si Ilya ang sobrang nag-ingat at nagprotekta sa relasyon nila na hindi na nila namalayan na umabot na sila ng walong taon. 

Bakit nga ba hindi niya nakita na kahit ngayon na biglaan si Lia, gumawa na agad si Ilya ng plano para sa kanilang munting pamilya? Laging may plano si Ilya para sa kanila at ang tanging gagawin na lang ni Shane ay magtiwala sa partner niya. Iyon na nga lang ay hindi niya pa nagawa. 

Nanginginig man ang kamay, inabot niya ang braso ni Ilya para patahanin ito. “I am so sorry, Ilya. Mahal na mahal kita. I’m sorry nasaktan kita sa mga nasabi ko.” Lumingon ito sa kanya at saka siya niyakap. “Hindi ko na sasabihing umalis ka. Alam ko na nandito ka lang.” Ramdam niya ang paghigpit ng yakap nito sa kanya.

“Sobrang nasasaktan ako marinig galing mismo sayo na parang hindi sapat ang pagmamahal ko para pakasalan ka. Para iwan ko saglit iyong buhay na nasa harap ko ngayon. It’s all worth it kung para sayo.” Hinawakan nito ang dalawang pisngi niya at tinignan nang diretso sa mata. “Kung sa tingin mo, ang pangarap ko sa buhay iyong career na meron ako… mali ka, Shane. Kasi ikaw ang unang pinangarap ko. Ang sumunod ay iyong pamilya na bubuuin natin. Huwag mong kakalimutan iyon.” 

Hindi niya napigilang halikan ang mapapangasawa niya. Ramdam ni Shane ang tulo ng luha niya nang pumikit siya at ang luha na natuyo sa pisngi ni Ilya nang magdikit ang mukha nila. “Aray…” sabi niya nang may sumipa sa tiyan niya.

“Sumipa?” Tinanggal ni Ilya ang seatbelt ni Shane na ilang oras nang hindi pa natatanggal. Bumaba ang ulo nito para kausapin ang anak. “Sorry, Lia. Paniguradong naramdaman mong nagtalo kami ni Papa Shane. I love you, anak.” 

Tumitig siya sa mag-ama niya at saka hinaplos ang buhok ni Ilya. Ngayon pa lang, hindi na siya makapaghintay na makita ang lalaking minahal niya nang walong taon na maging mabuting asawa niya at ama sa anak nila.

 

Isa sa mga natutunan ni Shane ngayong gabi na ang klase ng pagmamahal ni Ilya ay sigurado at nananatili. 

 

Notes:

leave kudos and comments pls gusto ko malaman ang thoughts niyo <33