Actions

Work Header

uso pa ba ang harana?

Summary:

It was supposed to be another boring school year for Wonwoo. He already planned it. Mag-aral, makakuha ng matataas na grades, maging honor student like he always is, magbakasyon, magdasal na sa matinong section mapunta next school year, repeat.

Okay naman na sana. He’s been doing this for the third time already. Isa na lang next year, good bye junior high school na.

Eh, kaso, may transferee. Tapos hindi na nasunod yung mga plano ni Wonwoo.

Notes:

me lang ba yung nag-peak yung love life in highschool tapos never na ulit nagka-jowa 🫩 anwww i found this 10-month-old 7k words draft inspired by ~that~ era of my life, picked it up once again and here we are :DD

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

Mingyu Kim sent you a friend request. · 6h ago



“Wons! I-accept mo na ‘yan!” Tila kinikilig na suggest ni Seungkwan sa kaniya. Nasa canteen sila ngayon, nagpapalipas ng oras kasi may 20 minutes pa si Wonwoo bago ang next class niya tapos si Seungkwan naman ay may 30 minutes pa.



He was busy with his turon nang makita niyang may add friend notification from his classmate.



Hindi niya gets. Hindi naman sila close ni Mingyu kahit mag-iisang buwan na silang magkaklase. Hindi rin sila nagkakasama sa isang group. In short, wala silang dahilan para mag-usap kaya nga never pa silang nag-usap in person. So, bakit siya ia-add nito?



“Bakit?” Tanong nito sa kaibigan. Baka may matinong conclusion si Seungkwan tungkol sa friend request. 



Pero mukhang wala. Kasi ibinaba nito ang sariling phone para tumitig sa kaniya at sabihing: “Bakit hindi? Pogi siya.”



Juskopo. Hindi na lang siya pinansin ni Wonwoo.



Napaisip din siya lalo. Baka naman ino-overthink niya lang ito at wala naman talaga dapat meaning. Nakikipagkaibigan lang ba, ganun. Oo nga naman. Siguro siya na lang yung hindi friend ni Mingyu sa section nila.



So with a held breath, which he wasn’t aware of, at hindi niya rin alam kung bakit siya kabado, he accepted Mingyu’s friend request.



“Okay na.” He announced. Hinarap niya pa yung screen ng phone niya kay Seungkwan. “Happy?”



Tuwang-tuwa namang tumango si Seungkwan. “Yes! Pwede ko na kayong i-ship!”



Kumunot ang noo ni Wonwoo sa komento ng kaibigan. “Saan?” Pinagsasabi nitong ship? Package?



Seungkwan was dumbfounded at that. He looked—horrified. Literal na may tangina, seryoso ka ba? look on his face.



Eh, sa hindi siya maintindihan ni Wonwoo?



“Ewan ko sayo, Won. Paaraw ka minsan.” Sabi nito bago binalik ang atensyon sa yakisoba niyang lumamig na. So much for his shipping agenda na hindi rin naman pala gets ni Wonwoo!



Habang hinihintay ni Wonwoo na matapos kumain ang kaibigan, napagdesisyonan niya na lang i-stalk yung kaklase niya. Curious din naman siya. 



Tahimik kasi sa room si Mingyu. Minsan, nakikita niya ito sa may hagdan pag break time, kasama yung ibang boys na hindi na siya tinigilan mula noong first day nila. Pero mas madalas, sa room lang ito kumakain ng baon niya. Naririnig niya rin naman itong makipagbiruan pero madalang lang. Parang may sarili lang itong mundo.



Fair, ganoon din naman si Wonwoo. Magulo rin naman siya, kaya niya ring maging makulit. Pero kasi, nahiwalay talaga siya sa mga kaibigan niya. Si Jeonghan at Joshua ay ahead sa kaniya ng one year habang si Seungkwan ay nasa lower year. Wala rin talaga siyang ka-close sa mga kaklase niya, kahit maliit lang yung community nila at kakilala niya halos lahat. Kaya wala talaga siyang choice kung hindi manahimik.



Alam ni Wonwoo na nakakasama ni Mingyu si Seokmin at Minghao, minsan kasama rin nila si Soonyoung, lalo na pag uwian. Or yun ang ina-assume niya. Sabay-sabay kasi sila madalas lumabas sa room unless may cleaners sa kanilang tatlo. So, in-expect niya nang Facebook friends na nito yung dalawa. 



What he didn’t expect was the zero mutuals they have. At mas lalong napanganga ang binata nang makitang eleven lang ang friends nito. That means, before he accepted him, Mingyu only had 10 friends, three of them are his family pa. 



Ang ending, mas lalong nagtaka si Wonwoo kung bakit siya in-add nito. He even went as far as overthinking na baka napindot lang ni Mingyu ang add friend button and that he’s intruding the guy’s personal life.



I-u-unfriend ko ba? Or tatanungin ko kung bakit niya ako in-add? Pero hindi naman malakas ang loob niya like that so, baka i-unfriend niya na lang, ‘no?



Akmang ia-unfriend niya na si Mingyu nang may magsalita sa likod niya.



“Uy, ‘wag naman.” 



“Ay, mama mo!” Gulat na bigkas ni Wonwoo. Agad niyang nilingon kung sino ito at, jusko po, si Mingyu pa talaga ang nakahuli sa kaniya in action?!



Natawa si Mingyu nang makitang nagpa-panic si Wonwoo. At talaga namang napa-shet, pogi pala talaga siya si Wonwoo kasi sobrang boyish ng tawa nito? Tapos kalmado lang yung mukha niya kahit may hint ng kapilyuhan? Hello, Lord, thank you for your blessings— ha?



“Bakit bigla kang sumusulpot diyan?” Medyo inis na sabi ni Wonwoo, akala mo naman ay ka-close niya yung kausap niya. 



Mas lalong natawa si Mingyu. “Napadaan lang. At saka, pwede mo akong i-unfriend, ikaw bahala. Pero kung ako masusunod, ‘wag sana.” Sabi nito na parang normal na conversation talaga ‘to.



Well, normal para sa mga taong close na sa isa’t isa pero, hello! Isang hi muna diyan? Hindi naman sila close!



“Pag-iisipan ko,” sagot niya na lang, kasi nararamdaman niya na yung ngisi ng katabi niya. 



Ngumiti si Mingyu at tumango. “Okay! Bye, classmate.” Saka lang ito umalis. Mukhang may bibilhin talaga siya sa canteen, nasaktuhan lang si Wonwoo sa pinaggagawa niya. Malas, slight.



“Shet, friend,” bulong ni Seungkwan nang makalayo si Mingyu. “Kinikilig ako sa inyo?”



“Baliw ka ba?” Hindi makapaniwalang sagot ni Wonwoo. “Ngayon ko lang nakausap ‘yon?”



“Exactly! Ngayong may interaction na kayo, is-ship ko na kayo nang tuluyan!” Tuwang-tuwa pa talaga ito. 



Doon lang din na-gets ni Wonwoo yung ship na sinasabi nito. Walanghiya talaga.



“Ewan ko sayo, beh. Akyat na ako. Che!” At rinig na rinig niya ang tawa ng kaibigan habang naglalakad siya palayo. 



Siya na naman ang napagtripan!



──────



An entire week has passed at hindi in-unfriend ni Wonwoo si Mingyu. Hinayaan niya na lang ang Facebook friendship nila. Wala namang mawawala sa kaniya.



Hindi na rin nasundan yung interaction nila ni Mingyu sa canteen. Dedmahan galore na ulit sila. Ganoon pa rin naman ito as a classmate. Tahimik, may sariling buhay, at occasionally nakikihalubilo sa selected classmates.



Hindi na rin inisip ni Wonwoo na kakausapin pa ulit siya nito. Baka naman gusto lang talaga ng pang-eleven na friend.



That is, until Mingyu messaged him personally.



Mingyu Kim



Mingyu

Hello

 

Wonwoo

hi?

 

Mingyu

Hindi mo pala ako in-unfriend, hahaha

 

Wonwoo

sabi mo wag

unfriend na ba kita?

 

Mingyu

Huy, wag naman

 

Wonwoo

eh parang hinihiling mo 🤨

 

Mingyu

Hahahaha hindi naman

Nagulat lang ako, akala ko itutuloy mo

 

Wonwoo

ituloy na nga para di ka na magulat

 

Mingyu

Hahahaha

Gusto lang makipagfriends eh

 

Wonwoo

may friends ka naman, yan sila seokmin

ako rin meron na, i’m good

 

Mingyu

😂😂

Okay, next time na lang pag nagbago na isip mo



Napairap na lang si Wonwoo. Bakit parang iba talaga vibes nitong si Mingyu pag kausap siya? Parang may tinatagong kulit, eh.



The next day, naabutan niya yung boys na nakapalibot may upuan ni Mingyu sa harap ng room. Tumutugtog si Seokmin ng gitara habang sabay-sabay silang kumakanta ng Magbalik by Callalily.



Pinapanood niya lang ang mga ito habang abala siya sa french fries na binili niya sa canteen. In fairness naman sa boys at the side nila (nakaupo sila sa last column ng room), magagaling kumanta.



Pero halos mapanganga si Wonwoo nang biglang kantahin ni Mingyu ang pre-chorus ng kanta. Grabe. Pogi (hindi naman siya sinungaling, ok!), magaling sa recitation (na-observe niya ito within the past month kasi madalas mag-recite si Mingyu), tahimik, mukha namang mabait, tapos ngayon marunong pang kumanta?



Maybe you can have it all pala talaga, ‘no?



Hindi naman ide-deny ni Wonwoo. Papasang campus crush na ‘to si Mingyu sa dami ng nagkaka-crush sa kaniya sa batch nila at maging sa other batches, kahit wala pang dalawang buwan nang magsimula ang klase. Pansinin kasi talaga ito kahit tahimik. Malakas ang dating niya like that. For sure uulanin ng love letters ‘to sa Valentine’s at maraming magpapa-picture sa Intrams. 



“Ay, Wons! Ayaw mo ba maki-jam dito?” Pansin sa kaniya ni Soonyoung. 



“Hi, Kuya Wons!” Bati rin ni Minghao. 



“Tara rito, Kuya!” Dagdag ni Seokmin. “Kanta tayo ng Kahit Ayaw Mo Na!”



Tatanggi sana si Wonwoo kay Soonyoung kaya lang dumagdag na si Seokmin at Minghao, at ipinaghila na siya ng upuan ng mga ito.



Lumapit na siya sa mga ito at nakisabay sa kantahan. What’s a school break time without a jamming session with your classmates nga naman kasi, ‘di ba?



So they spent their break time singing to the iconic highschool jam songs hanggang sa nagsibalik na ang mga kaklase nila mula sa labas. Most of them joined the jamming session, too. At parang yun din ang naging susi para maging close ang block nila. They were sure that their voices were heard in the corridors but they paid no mind. Break naman ng lahat at nagsasaya lang sila.



Hininto lang nila ang kantahan nang dumating ang teacher nila for the next subject. That became their routine tuwing break time. And before Wonwoo realized it, hindi na siya mag-isa sa section na ito.



──────



Mingyu officially became Wonwoo’s friend after that, too. Napansin ni Wonwoo na mahilig ito sa acts of service, parang hindi ito mapapakali kung wala siyang gagawin para sa mga kaibigan niya.



Minsan din nakikita niya itong tumulong sa random schoolmate, sa teachers, kay Manong na nagtitinda ng tusok-tusok sa labas.



Mingyu’s a genuine person. May substance din itong kausap. Minsan, kahit kung ano-ano na lang ang topic nila, may sense pa rin itong sumagot. Tahimik lang talaga ito sa una pero tama nga siya at may tinatagong itong kulit. He knows a pilyo when he sees one.



Nasa canteen silang dalawa ngayon, wala kasi sila Seokmin at nag-se-serve bilang sakristan sa misa ng mga Grade 6.



“Wons, wala na yung chicken sisig mo,” Mingyu said, placing two plates on their table. “Yung barbeque na lang binili ko, naubusan ka nito kahapon, eh.”



Tumango naman si Wonwoo roon. “Okay lang! Thanks, Min.” He smiled at his friend.



Bago kumain ay binuksan ni Mingyu yung bottled water na binili niya. Akala ni Wonwoo ay para sa sarili niya ito kaya hindi niya na pinansin at nagsimula nang kainin yung pagkain niya. 



Nagulat siya noong iabot sa kaniya ni Mingyu yung tubig. “Huy, kaya ko naman. Thank you. Nasaan pala yung tubig mo?”



Mingyu shrugged. “Wala, share na lang tayo.”



Medyo natigilan si Wonwoo roon. Pero friends naman kasi sila, normal ‘to, ‘di ba? Kahit naman sila nila Seungkwan nags-share sa tubig. Oo, normal ‘yan. No meaning. As in.



Eh, kaso, naalala niyang laway conscious daw itong si Mingyu. Noong PE kasi nila last time, naki-inom sa kaniya si Seokmin. Sagot lang nito, “Gagi, pre. LC ako. Kay Hao ka na lang makiinom.” So what is the meaning of this?! 



Pero one thing he learned from Mingyu is he’s always full of surprises, kaya parang wala na lang din yatang meaning ‘to. In the end, pinagsawalang bahala niya na lang. Baka naman sobrang comfy lang talaga ni Mingyu sa kaniya. Di niya na pinuna, baka mailang pa, eh.



Kumain na lang siya tapos nagdaldalan sila hanggang sa mag-ring ang bell.



──────



Naging hobby na rin nilang dalawa na magsabay papunta sa parking. Nandoon kasi ang service ni Wonwoo, habang si Mingyu naman ay naglalakad papunta sa sakayan ng tricycle sa kanto.



Paminsan-minsan ay tumatambay sila sa tindahan sa tabi ng parking lot kapag wala pa yung mga kasabay ni Wonwoo sa service. Bibili lang sila ng Piattos at Mountain Dew tapos uupo sa bench sa gilid. 



Wonwoo found comfort in their routine. Unknowingly, nasanay na siya na ganito ang takbo ng araw-araw niya. And he’d gladly repeat everything over and over again if it meant having calm days like this.



“Lalim naman niyan,” pagbabasag ni Mingyu sa iniisip niya. Gaya ng nakasanayan, may hawak itong dalawang Piattos, green para sa kaniya at red naman kay Wonwoo. Tapos dalawang Mountain Dew.



“Napagod ako. Ang dami nang gagawin para sa foundation week program tapos mag-i-Intrams prep pa.” Reklamo ni Wonwoo habang tinatanggap yung bigay ni Mingyu.



“Rinig ko nga kina Sir, busy na raw kayo this week. Nagpapahinga ka naman ba?” Tanong ni Mingyu. 



Napansin niya kasing parang kinukulang sa tulog si Wonwoo dahil sa mata nito. Wala namang malaking pagbabago, it’s just that Mingyu has spent so much time looking at those eyes that he notices if Wonwoo’s tired, happy, or even uncomfortable.



Right now, it lacks a certain spark which it usually has. Paniguradong hindi nito nabuo ang 8 hours of sleep niya kaya ganiyan. Napansin niya ring mas lalong naging tahimik ang kaibigan.



“Oo naman. Ako pa ba?” Wonwoo takes pride in his afternoon nap times. Lagi niyang pinagmamalaki kay Mingyu ‘yon. Si Mingyu kasi, mula noong bata pa siya, ayaw na ayaw na natutulog pag hapon.



“Nakailang pigil ka rin kaya ng hikab kanina sa room. Uwi na kaya tayo?” Alok niya sa kaibigan. Mag-aalas kwatro na rin kasi, oras ng tulog nito.



Nag-angat naman ng tingin si Wonwoo. “Eh. Wala pa yung mga grade school. Mga 4:30 pa bababa yun.” He answers while munching on his snack.



“‘Di na, sabihin na lang natin kay Kuya Emil na uuna ka na. Ihahatid na lang kita, para makatulog ka na.” Yun lang ang sabi ni Mingyu bago ito tumayo. Inayos niya lang saglit ang bag niya bago ibinalik ang tingin kay Wonwoo. “Tara na.”



Hindi na rin nakipagtalo si Wonwoo. Alam niya rin sa sarili niyang kailangan niya nang matulog. Kaya after kausapin ang service niya, sumama na siya kay Mingyu sa sakayan at sabay na silang umuwi.



If Wonwoo fell asleep on Mingyu’s shoulder on the ride home, they didn’t speak of it.



──────



“Teh, feeling ko may chismis ka,” siniko siya ni Seungkwan habang naglalakad sila sa kalye palabas sa compound ng school nila. 



Magkasama kasi silang dalawa sa student council. Habang busy ang officers for the foundation week preparations, nautusan silang dalawa na bumili sa bayan ng ibang materials na kailangan sa decorations at prizes. 



Dapat ay sasakay sila ng tricycle, kaso ay namamahalan sila. 90 pesos papunta sa Puregold na 5 minutes away lang? No thanks!



Kaya ‘yan, nasa initan silang dalawa ngayon, nagtitiis na maglakad papuntang sakayan.



Napakunot ang noo ni Wonwoo sa sinabi ng kaibigan. “Wala naman, bakit?” 



Nakatutok lang yung paningin niya sa kalsada, minsan may sinisipa siyang bato, panglibang lang. Malayo-layo rin kasi yung nilalakad nila at naiinitan na rin silang dalawa, wala kasi silang payong. For sure may sasakit ang ulo sa kanila mamaya. The consequences of their actions!



“Hindi, eh,” Seungkwan pressed on further. “Kita ko kayo ni Mingyu!” Puno ng malisya ang boses nito.



“Saan?” 



“Duh! Sa canteen. Tapos sa room niyo. Minsan sa may bridge. Or sa tindahan sa may parking. Sa may library. Sa lobby.” Seungkwan rolled his eyes. “Naghihiwalay pa ba kayo?”



“Duh ka rin. Malamang. Nakikita mo ba siya ngayon? ‘Di ba, hindi?” Irap niya rin.



Hinampas siya ni Seungkwan doon kaya natawa silang dalawa. 



“‘Wag kang magaslaw, pag tayo na-shoot sa kanal!” Saway ni Won dahil baka mapalakas pa ang tulak sa kaniya ng kaibigan.



Umayos naman sa paglakad yung isa. “Pero ‘di nga. May something kayo?”



“Wala, baliw. Tsaka hindi namin napag-uusapan kaya hindi ako sure if he swings this way. Ako kasi, born this way lang, Beyonce!” Hirit niya. ‘Yan na, lumalabas na yung tunay niyang kulit.



Kahit nasaway na si Seungkwan kanina, hindi niya mapigilang itulak ulit ang kaibigan, though hininaan niya naman this time.



“Tanginamerls! Kahit Lady Gaga ‘yon?” 



“Weh? Binago na? Parang kahapon si Shakira pa.” 



Sobrang ingay ng tawa nilang dalawa sa kalsada.



Aware si Wonwoo sa sexuality niya. He knew he liked boys, too. Bata pa lang siya ay pansin niya na ito. Kaya ganoon na lang din ang pang-aasar sa kaniya ng kaibigan. Pero kahit malakas ito mang-trip ay nirerespeto nito ang boundaries niya.



Aminado rin naman siyang attractive si Mingyu. Mula pa noong hindi pa sila magkaibigan, alam niyang maraming nagkakandarapa rito. Pero sa ngayon, magkaibigan lang talaga sila. Kahit paminsan-minsan ay nawiwindang si Wonwoo sa mga kilos ni Mingyu, alam niyang his friend is doing it out of platonic love. Kaya hindi niya makita sa sarili niyang bigyan ng malisya ang mga ito.



Though he’s not closing his doors. After all, it’s too early to tell. Bahala na lang daw when the time comes.



──────



Mingyu tried out for the Grade 9 basketball team for upcoming Intramurals. He knew this dahil hiningian pa siya ni Mingyu ng opinyon tungkol dito when they were studying together for a short quiz sa Filipino sa classroom nila.



“Wons,” tawag ni Mingyu sa kaniya.



Busy si Wonwoo sa pagbabasa ng Kabanata 10 ng Noli Me Tangere kaya hindi niya agad pinansin ang kaibigan. Hanggang dito raw kasi yung coverage ng quiz nila mamaya. 



“Pst, Wonwoo.” Ulit pa nito. Alam niyang magtatampo si Mingyu kapag hindi niya pa ito pinansin kaya sinara niya muna ang hawak niyang libro at nilingon ito.



“Ano?”



“Anong gagawin mo sa Intrams?” Tanong ni Mingyu sa kaniya.



Nagtaka naman si Wonwoo dahil parang biglaan ang tanong na ito. “Council lang. Tapos Mr. and Ms. Intrams sa opening. Siguro maglalaro ako ng parlor games kapag kinulang yung players.” 



Ganoon lang naman lagi ang ginagawa niya tuwing Foundation Week. Mas active din siya sa pagbuo ng cheer ng section nila at sa pag-oorganize ng boodle fight o potluck kaysa maglaro ng official games. Kasama rin siya sa nag-design ng section banner nila.



Hindi man halata ay competitive yung section nila. Target nilang maghakot awards three weeks from now. Yung ibang class officers nga nila ay abala na sa panliligaw sa ipanglalaban nila bilang Mr. and Ms. Intramurals.



“‘Pag ba sumali ako sa basketball, papanoorin mo lahat ng laro ko?” Mahinang sambit ni Mingyu.



Buong atensyon niya na ang binigay niya sa kaibigan pagkatapos nito. 



“Oo naman! Sasali ka?” Excited niyang sagot.



“Sana. Kaso baka manood ka lang dahil required kayo sumuporta sa official games ha.” Pagda-drama nito.



“Ngek. Pwede ba ‘yon? Ako pa talaga mapipilitan? Hindi ‘no. Sali ka, dali! Sabihan ko ba sila Jeonghan? Sila may hawak sa tryouts.”



Natawa si Mingyu dahil doon. Halata mong mas excited pa si Wonwoo kaysa sa kaniya mismo. 



Basketball din kasi ang P.E. nila this year, at alam niyang suportado siya ni Wonwoo palagi dahil kahit sa shooting activity nila sa MAPEH ay grabe ito kung mag-cheer sa kaniya.



So he tried his luck in the tryouts. And luckily enough, he actually got in. Wonwoo was so happy to the point na nilibre niya pa si Mingyu ng merienda sa canteen when they both found out na makakapaglaro si Mingyu.



People think he’s always the one giving and giving, never receiving something in return. Lalo na kay Wonwoo. 



But they’re really, really wrong. Lalo na kay Wonwoo. 



His friend cheers him on in every little thing he does. He never forgets to encourage Mingyu, especially in trying new opportunities. Gaya na lang noong in-offer-an si Mingyu na sumayaw for the intermission number during their quarterly awarding ceremony. 



Mingyu manifests his affection loudly, while Wonwoo settles in the silence. His love is silent, but never unnoticed. It is never unnoticed because his love is vivid. 



They balance each other out. Perfect as they are.



──────



Mingyu Kim



Mingyu

Wonssssss

 

Wonwoo

anoooo

 

Mingyu

Gala unif bukas di ba kasi mass

 

Wonwoo

oo 

ikaw hah di ka nakikinig kay ms kanina 🤨

 

Mingyu

Ay hahaha

Sorry

Ano pala

 

Wonwoo

ano?

 

Mingyu

9 am pa naman yung misa

Sinusundo ka ng service mo pag mass?

 

Wonwoo

depends pero since buong school naman magma-mass oo yan kasi sasabay samin mga grade school

 

Mingyu

Ah

 

Typing…

 

Wonwoo

be send mo na yang tinatype mo

 

Mingyu 

HAHAHAHAHAHA

 

Mingyu

Aayain sana kita sabay na lang tayo pumunta sa simbahan kesa sumabay ka sa service niyo

 

Wonwoo

ngek!!! baket ☺️

 

Typing…

 

Wonwoo

lilibre mo ba ako ng vitamilk sa 7/11 after mass ☺️ libre mo rin ba tricycle papunta sa school ☺️

 

Mingyu

Wow

Hahahahaha sige

 

Wonwoo

g na agad 👍🏻 see u tom bes

sa kanto na lang kita kitain!!!

 

Mingyu 

Hindi

Sunduin kita sa inyo

 

Wonwoo

NYE sige 🥴 buhay mo yan

goodnight!!!!!!!!!!

 

Mingyu

Goodnight, Wons

 

Mingyu

Nga pala

Blue bench bath gagamitin ko bukas

 

Wonwoo

ha?

 

Mingyu

Baka lang gusto mo matchy tayo ng bench bath :) hahahaha

 

Wonwoo

TANGAAAA bahala ka diyan



──────



Wonwoo didn’t mean to use matching bench baths with Mingyu, actually. Sadyang pareho lang yata yung collection nila ng colors at natataon din na nagkakasabay silang gumamit ng magkaparehong kulay.



Gaya noong one time na naiwan sina Mingyu at Wonwoo bilang cleaners. Si Mingyu ang nagbubura sa board habang si Wonwoo at Jennie, isa pa nilang kaklase ang nag-aayos ng mga upuan.



Iniwan ni Wonwoo yung red towel niya sa desk niya. Saktong red din yung gamit ni Mingyu, nakalagay din sa sarili nitong desk. Accidentally na napagpalit ni Jennie ang upuan noong dalawa.



“Omg, sorry, Wons at Gyu! Napagbaliktad ko pala gamit niyo.” Sabi ni Jennie sa kanila noong patapos na silang magligpit. 



Tumawa lang si Wonwoo at nagsabing “Okay lang!” kasi okay lang naman sana talaga. Kaso bumalik si Soonyoung sa room nila para sumigaw ng “Naks! Matchy matchy kayo ng pamunas, ha!”



From then on, tinatanong niya na talaga si Mingyu kung anong gagamitin niyang bench bath para hindi sila magkapareho. 



Well… except for now. Because Wonwoo did use his blue bench bath. And true to Mingyu’s words, he did too.



Maagang dumating si Mingyu sa bahay nila Wonwoo kahit taga-kabilang subdivision pa siya. Kakatapos lang kumain ng binata nang mag-doorbell ito sa bahay nila. Binilisan niya na lang mag-ayos para hindi na maghintay nang matagal ang kaibigan.



Habang naglalakad sila palabas ng subdivision nila Wonwoo, inilabas ni Mingyu yung payong niya at saka tinapat kay Wonwoo.



“Bakit?” Gulat na tanong ni Wonwoo. “May payong naman ako sa bag.”



“Eh, ‘di mo naman nilalabas. Pinagpapawisan ka na, oh.” Sagot ni Mingyu bago lalong inilapit kay Wonwoo yung payong. “Punas ka muna ng pawis mo. Akin na bag mo.” Hinila siya ni Mingyu pagilid sa kalsada para hindi sila makaharang.



Aangal pa sana si Wonwoo kaso kinukuha na ni Mingyu yung bag niya, kaya wala na siyang nagawa.



Sakto namang may dumaan na tricycle sa harap nila kaya pinara na rin nila ito at sumakay na papuntang simbahan.



“Gagi,” bulong ni Wonwoo sa loob ng tricycle.



Nilingon naman kaagad siya ng isa. “Bakit? Nasisikipan ka ba? Sa likod na lang ako.”



“Tangek, hindi! Mahal yung pamasahe kasi. 50 pesos ‘to, huy.” Reklamo niya.



“Ah, ayos lang. Sagot na kita.”



Para namang nagningning yung mata ni Wonwoo dahil doon. “‘Di nga?”



“Hindi. Biro lang. Pagbaba mo mamaya, 25 lang ibabayad ko. Lagot ka kay Kuya.” Tawa ni Mingyu.



“Napaka-epal mo!”



──────



They sat side-by-side during the mass. Habang nakikinig sila sa homily ay biglang naglabas si Mingyu ng pamaypay at pinaypayan ang katabi.



Hindi na lang din pinagtuonan ng pansin ni Wonwoo kasi normal naman daw sa kanila yun. Okay, sure! Kwento niya ‘yan.



Pagkatapos ng misa, tumambay muna sila sa 7/11 malapit sa simbahan dahil may isang oras pa sila bago magsimula yung klase nila. Gaya ng naipangako ni Mingyu, nilibre niya ng Vitamilk si Wonwoo, at sinamahan pa ng Big Bite hotdog sandwich.



Salamat sa wallet mo, Mingyu Kim.



Akala ni Wonwoo ay tapos na ang panlilibre ni Mingyu nang makalabas sila sa 7/11. Malaki na rin ang nagastos nito. Kahit naman malaki ang allowance ng kaibigan, impractical pa rin ‘yon, at isa pa ay may sarili naman siyang pera. Minsan pinagti-tripan niya lang si Mingyu kaya lang ay kumakagat talaga ito.



“Lakad na lang tayo papunta sa school. Wala pa pala akong barya pamasahe sa tricycle,” offer niya sa kaibigan. 



Mainit sa totoo lang, at ilang minutong lakaran din ‘to. Pero 500 kasi ang pera niya, eh 15 pesos lang yung pamasahe. Baka iwan siya ni Kuya Driver sa highway. Hesos. ‘Wag naman sana.



“Baliw, bakit? Ako nga magbabayad.” Sagot ni Mingyu sa kaniya na parang wala lang.



“Hoy!” Saway ni Wonwoo. “Nakailang gastos ka na today, wala pang alas diez. Kala mo sa 500 mo, unlimited? Wednesday pa lang, may pasok pa bukas at sa Friday.”



Natawa si Mingyu kasi nakakunot na ang noo ni Wonwoo habang sinasabi yun. 



“Okay lang, ‘di ako papagalitan ni Mama kasi ikaw naman nilibre ko.” Kumindat pa talaga siya! Edi lalong kumunot ang noo nitong isa.



“Ay, bahala ka. Halika na! Lakad na.” Maglalakad na sana ito paalis.



Umiling si Mingyu. “Hindi pwede. Pawisin ka nga. Mainit. Halika na, sakay na tayo. If it makes you feel better, bayaran mo na lang ako mamaya.” 



Tumango na lang si Wonwoo at sumunod na sa kaibigan. Para tapos na!, according to him. Pero ang totoo niyan, medyo nanghina rin siya sa pinagsasabi ni Mingyu.



Jusko, ganiyan ba talaga siya? I mean, oo ganiyan talaga. Pero bakit iba ang feeling today? 



Pero in true Wonwoo fashion, pag may kakaibang nararamdaman, ang tugon: Bahala na!



──────



When Wonwoo said Mingyu has it all, he didn’t mean all responsibilities. 



Kung alam niya lang na pipilitin si Mingyu na maging escort ng section nila, hindi niya na sana ito in-encourage na sumali sa basketball. 



Ngayon tuloy ay doble-doble ang pagod ng kaibigan. Everyday, may 1-2 hours practice sila for Mr. Intramurals, tapos kada uwian, may practice pa ito para sa basketball.



Kapag si Mingyu talaga nagkasakit dahil sa pagod, ipapatigil niya itong foundation week! (Charot, wala siyang power na gawin ‘yan. At sino ba siya?) 



Wonwoo couldn’t do much for his friend this time, too, kasi maski siya ay punong-puno ng gawain. Nakakasama niya ito sa practice for the pageant since sila Wonwoo ang may handle sa event na iyon, pero after that ay halos hindi na rin sila nagkikita dahil nakukulong si Wonwoo sa SC office to finish other works.



Sa Messenger na lang talaga sila nakakapag-usap, na madalas ay 10 minutes lang ang itinatagal dahil agad din silang nakakatulog pagkauwi.



Aaminin niya, miss niya na ang kaibigan niya. He treasures their after-school ganaps so much that he couldn’t help but miss it ngayong na-disrupt ang routine nila. Pero tiis-tiis lang. Para sa section at para sa school naman nila ito.



He watched all of Mingyu’s practices for the Mr. Intramurals that he had already memorized Mingyu’s introduction.



Come competition day, halos sabayan niya na ito kahit pati sa pagrampa. 



Napuno ng sigawan ang gymnasium nila nang maglakad na si Mingyu papunta sa mic. He exudes aura. Sobrang boyish talaga nito. 



He looked very confident, and Wonwoo would’ve believed that if only hindi niya kilala si Mingyu. With the slight twitch in Mingyu’s hand, alam na kaagad ni Wonwoo na kabado ang kaibigan.



“Mingyu Kim, proudly representing the home of grace and intellect, Grade 9 - Michelangelo!” He spoke with elegance. 



After ng Introduction of Candidates, may intermission muna from their official drum and lyre, kaya nakaalis si Wonwoo sa post niya at nalapitan si Mingyu.



He handed him a towel and a red Gatorade. “Punas ka muna tapos rehydrate. Galing mo kanina! Baka kaklase ko ‘yan!” He said proudly.



Tumaas naman ang kilay ni Mingyu dahil doon. “Kaklase na lang ako sayo ngayon?”



Natawa si Wonwoo sa itsura ng kaibigan, akala mo talaga ay offend na offend. “Sorry, kamahalan. One true friend ko pala ‘yon.” He corrected, sarcastically.



Mingyu rolled his eyes at that. Syempre ay gaganti siya. “Thanks, fan.”



Nag-asaran pa sila saglit bago nagseryoso ulit si Wonwoo. “Kinabahan ka?” 



Mingyu knew better than to answer playfully. So sinabi niya yung totoo.



“Oo naman. It’s my first time in front of these people. At isa pa, transferee din ako. Baka hindi nila nagustuhan performance ko.” He said sincerely.



Isa talaga ito sa inaalala niya. Alam niyang hindi magkukulang sa suporta yung mga kaklase niya, lalo na si Wonwoo, pero kasi iba pa rin sa pakiramdam yung kilala mo na yung mga taong manonood sayo. May comforting feeling doon. And although Mingyu has been studying here for a few months already, he still couldn’t help but worry.



Wonwoo smiled genuinely at him. Inabot nito ang kamay niya at hinawakan. “You did well out there. Sobrang galing mo. I know you did your best. Proud na agad ang Michelangelonatics sayo. Paano pa kaya ako na nakita ka mula first practice mo, ‘di ba?” They both chuckled at that.



“No matter what the results are, proud kami sayo. No need to worry kung ano naiisip nila, okay? We got you.” And Mingyu cannot thank the heavens enough for giving him Wonwoo.



He gave his friend a hug longer and tighter than usual.



Wonwoo might have internally panicked but he never called Mingyu out for it.



The Mr. and Ms. Intramurals event was wrapped up with the announcement that Mingyu won the title for the gentlemen while a girl from Grade 10 secured the Ms. Intramurals title.



After all the formalities, Mingyu hurriedly went down the stairs and ran to Wonwoo who was waiting for him backstage.



Sinalubong ni Wonwoo ng mabilis na yakap ang kaibigan. “Congrats, Min! Grabe ka na talaga, Mr. Pogi!” Asar niya nang bumitaw sila sa yakap.



There was a genuine smile on Mingyu’s face. He’s so happy. 



And Wonwoo was happy, too. So much that his heart started hammering against his chest.



──────



Sobrang bilis lang ng mga pangyayari after the pageant. Naka-schedule ang basketball game nila Mingyu on the second day of the foundation week, at kung suswertehin sila ay may laro pa ulit sila sa third day. Finals will be held on the fifth day, habang ang awarding ceremony ay sa last day.



Sa ngayon, naghihintay ang section nila na magsimula ang first game nila Mingyu. Halos lahat sila ay nandito ngayon dahil tapos na ang parlor games na sinalihan nila kanina. So far, wala pang talo ang section nila.



Hindi rin nagtagal ay pumasok na sa court ang players. This would be the first time Wonwoo sees Mingyu today. Kaya nabigla siya nang makita ang jersey number nito.



17, Kim.



Wonwoo racked his brain para maisip kung ano ang ibig sabihin ng number na ‘yon. Pero wala rin siyang maisip na posibleng dahilan.



“Number 17?” Rinig niyang sabi ni Joy. “Akala ko April 6 si Mingyu?”



“Baka naman may meaning, like 1 and 7 ganon. Or ewan ko,” Jennie answered.



Baka ganoon nga, sa isip ni Wonwoo. Ganoon nga sana ang iisipin niya kaya lang agad siyang nahanap ng mga mata ni Mingyu at saka lang ito ngumiti magmula nang pumasok sila sa court.



Juskopo. Tao lang ako. Tinatablan din.



Gustuhin niya mang magmuni-muni pa kung ano bang pagbabago ang nafe-feel niya lately, hindi niya na nagawa dahil nagsimula na rin ang laro.



The game finished smoothly. 51-36, in favor of Grade 9. At isa na namang panalo para sa section nila.



The court erupted with cheers from their batch, lalong-lalo na sa section nila dahil dalawang players ang galing sa kanila. Si Mingyu at Seokmin.



The Grade 9 team won two more games the following days and were headed to play during the Finals. 



Crucial ang Final game for them. They are one win away from getting the overall champion the entire Intramurals. Paramihan din kasi ng panalo ang bawat section para makuha ang trophy on the rewarding day. Ito na lang ang laro na meron sila, katatapos lang ng volleyball kanina at hindi sila nag-succeed against the Grade 10 players.



Mingyu, Seokmin, and the team were tensed. Halata sa mga mukha nilang gustong-gusto nilang manalo. Their classmates were also on the edge of their seats. 



To be fair, ayos lang naman sa kanila kung hindi sila manalo. They’re here to give their best after all. Pero they know how their boys can be competitive, too. The best they could do is support their classmates during the game, and that’s exactly what they were doing.



Wonwoo was nervous, akala mo naman maglalaro rin siya. He could see Mingyu from the side; he was fidgeting.



Lumapit siya sa side nito para kausapin ito saglit, hindi pa naman nagsisimula ang preparation ng official game.



“Min,” he called out.



Agad namang lumingon si Mingyu sa kaniya at tila parang kumalma ito nang makita ang nakatatanda.



“Hi,” Mingyu offered a small smile.



“Good luck. Don’t hurt yourself, ha? Libre kita ng quesadilla ni Ate Michi kapag wala kang galos by the end of the game.” Tumawa siya pagkasabi nito.



He knew Mingyu could be irritable when he’s agitated. Kaya hinihiling niyang sana ay hindi ito mapasabak sa mga kalaban nila.



Mingyu chuckled lightly when he realized what was happening. 



“I’ll do my best, master.” Ani niya at sumenyas ng saludo.



“Go na, balik ka na roon. Hanap ka na ata ni coach. Good luck ulit!” Bumalik na rin si Wonwoo sa pwesto niya after that.



The game started not long after. ‘Di gaya ng previous games nila, mas nahirapan ang team nila para lumamang. Every quarter ay naggigitgitan ang scores ng dalawang team. 



After what seems like forever, the buzzer sound rings around the court and the scoreboard blinks 58-56. In favor of Grade 9.



Halos mamaos ang buong batch nila sa lakas ng sigaw nila nang makitang pumasok ang huling bolang pinakawalan ni Seokmin.



They all chanted their batch cheer while the players gathered in the middle.



At habang busy pa ang team na i-congratulate ang isa’t isa, humiwalay si Mingyu sa kanila para hanapin si Wonwoo. Nanatili si Wonwoo sa gilid kaya agad niya itong nahanap.



Imbes na magsaya kasama ang teammates niya, mas pinili niyang lumapit kay Wonwoo para iabot ang medal niya.



Akala naman ni Wonwoo ay pinapahawak lang ito sa kaniya. “Bakit pinapahawak mo na sa akin?” Salubong niya kay Mingyu. “Sayo muna ito, magpi-picture pa kayo mamaya, oh.”



“Hindi. Lapit ka rito.” Lumapit naman si Wonwoo sa kaibigan. Nagulat siya nang isuot sa kaniya ni Mingyu ang medalya na natanggap nito. “Para sayo ‘yan.” 



Wonwoo was left dumbfounded because after giving him his medal, tumakbo na si Mingyu pabalik sa court dahil tinatawag na siya ng coach nila.



In the end, si Mingyu lang ang walang suot na medal sa picture nila.



──────



Something shifted after the Intramurals, hindi lang ma-pinpoint ni Wonwoo kung ano yun. 



Dahil diyan, he needed to debrief with his friends. Nasa SM sila today para gumala. Sapilitan pang napapayag ni Wonwoo yung mama niya para rito.



“Kilala mo pa pala kami,” Jeonghan says dramatically.



Honestly, he had the right to be. Totoo naman kasing hindi nila mahagilap si Wonwoo, kahit noong Intrams.



“Sorry, okay!” He even raised his both hands as if in surrender. “Pero to compensate, may kwento ako. At feel ko matagal nang ina-anticipate ni Seungkwan ‘to,” umismid siya sa kaibigan.



“Bakit ako? Ano ‘yan?” Naiintrigang tanong ni Seungkwan.



“Kung hindi ‘to tungkol kay MVP, ‘wag na lang,” side comment ni Joshua.



Natawa si Wonwoo. “Well, lucky for you, tungkol sa kaniya ‘to.”



Wonwoo proceeded to tell them about how he was feeling about his friend lately. It was a vague story, one that is not fully formed yet.



Hindi sigurado si Wonwoo kung nagugustuhan niya na ba si Mingyu, o baka nasasanay lang siyang lagi itong nakabuntot sa kaniya. 



He told them that what Mingyu’s doing lately is not news to him. In fact, ganito na talaga ang kaibigan simula noong naging close sila. What he’s confused about is his reactions towards said actions. 



“Bakit parang may kakaiba akong nafi-feel tuwing ginagawa niya ‘yon when he’s been doing it before pa?” Wonwoo asked, distressed.



If this was any other day, pagti-tripan lang siya ng mga kaibigan niya, saying “I told you so!” or “Everyone, act surprised!” Pero they all know this is a serious matter for Wonwoo, and so they tried their best to help.



“Kailan pa ‘yan?” Joshua asked seriously.



“Alin?” Sagot ni Wonwoo. “‘Yung weird feeling?” When Joshua nodded, tinuloy niya ang pagsasalita. “Noong before Intrams. Pero mas lumala noong matapos yung Intrams.”



“Oh well, ikaw ba naman suotan ng medal after nila manalo ng finals, may mafi-feel ka talagang kakaiba!” Gatong ni Seungkwan.



He’s right. Mas lalong lumala yung kabag ni Wonwoo after that event. 



Sino ba naman kasing magiging normal pa rin after receiving a medal from your best friend ‘di ba? At medal pa talaga na nakuha niya after playing for finals! Again, tao lang naman siya. Tinatablan talaga. 



Sino bang hindi tatablan kay Mingyu? Sa totoo lang tayo!



“Gusto mo ba ng payo from us o you want to figure things out on your own?” Tanong sa kaniya ni Jeonghan. 



And he appreciated that so much. His friends were making sure he heard what he needed to hear.



“Payo sa ngayon. Medyo nakakapraning siya i-figure out on my own.” He answered honestly.



“Well, from what we see, bago-bago lang din siguro, friend. Posibleng it’s just a crush. Pero for sure hindi siya friend lang para sayo.” Sagot ni Seungkwan.



“I know this kasi dati naman tinanong kita tapos sure na sure ka namang sumagot na walang something, pero ngayon naghe-hesitate ka na. So yes, may nagbago nga.” He added.



“What do you want to happen pag na-figure out mo na?” Dagdag ni Joshua sa usapan.



“Ewan ko… gusto ko lang maging sigurado muna.” Wonwoo thought about it.



“Well, alam ko namang nakakabigla yung changes, lalo na at aware na aware ka sa nangyayari, pero pwede kang magsimula sa pinakasimpleng bagay, Wons. Just to make it less scary for you.” Seryosong sabi sa kaniya ni Jeonghan. Seungkwan and Joshua nodded at that. 



“Pwede mong i-consider na crush mo siya. Or if that’s still a scary though, ibaba mo pa sa potential crush mo siya.” Joshua suggested.



And he kept that in mind. Siguro nga ay potential crush niya lang si Mingyu kaya may sparks. O ‘di kaya ay crush niya ito.



However, days rolled by and Wonwoo could feel that calling him his crush or something similar to it is an understatement. But he didn’t rush himself. Hinayaan niya lang muna yung ganoong pakiramdam hanggang sa maging sigurado siya.



──────



Mingyu Kim



Mingyu

Wonsss

 

Mingyu

Ano suot mo sa christmas party?

 

Wonwoo

bakit mo natanong

 

Mingyu

Matchy tayo dali 😊

 

Wonwoo

ikaw naman pala may gustong maka-matchy ako 😆

 

Mingyu

True 👍🏻

So ano nga

 

Wonwoo

ewan ko, denim naman diba

 

Mingyu

Oo

 

Wonwoo

baka magdenim jacket nalang ako hahahha

 

Mingyu

Okayyy noted

 

Mingyu

Sino nabunot mo sa exchange gift

 

Wonwoo

dame tanong

tito boy ka ba

 

Mingyu

Hahahahahahahaha

Ansungit

 

Wonwoo

🙄

at secret

baka pagkalat mo pa

 

Mingyu 

Susss

Ako si Soonyoung nabunot ko

 

Wonwoo

LUL

AKO NAKABUNOT KAY SOONS 🙄

 

Mingyu

Hahahaha 😂 got you

 

Wonwoo

anla epal 

dahil alam mo na sino akin

obligado ka nang sabihin sino nabunot mo

 

Mingyu

Hahahaha

Si Jennie

 

Wonwoo

ah okie

baka naman bongga gift mo hah

350 lang dapat

 

Mingyu

Hahaha di naman

Pero may binili akong mahal

 

Wonwoo 

ano???

 

Mingyu

Secret :)



──────



Wonwoo didn’t think much about it noong nag-usap sila ni Mingyu. Kaso ngayon, nagsisisi na siya na hindi niya kinulit si Mingyu.



Because why’s Mingyu in front of their door on the morning of their Christmas party, holding a huge paper bag of Blue Magic! and wearing an outfit closely similar to his?



“Anong ginagawa mo rito?” Gulat na sambit ni Wonwoo nang pagbuksan si Mingyu ng kanilang gate.



“Ibibigay ko lang sana ‘to sayo,” he gestured to the huge paper bag he’s holding before continuing. “Pero dahil nandito na rin naman ako, sinusundo ka na rin.”



Tahimik na sinipat ni Wonwoo yung bitbit ni Mingyu. Ano namang dahilan niya para rito? 



“Ano ‘yan?” na lang ang nasagot niya.



Mingyu grinned, “Christmas gift ko sayo.” Saka niya ito inabot kay Wonwoo. “Merry Christmas, Wons.” 



“Merry Christmas, Min. Wala pa akong gift sayo…” bulong niya.



“Ayos lang. Hindi naman ako nanghihingi. Wala na rin akong mahihiling pa.” There was something in his smile that Wonwoo cannot pinpoint. 



It’s like he’s smiling wider but he’s actually not. Maybe it’s the sparkle in his eyes. Wonwoo didn’t want to think much about it.



“Halika, pasok ka muna,” aya ni Wonwoo sa kaibigan. “Nag-breakfast ka na ba?” Maaga pa kasi. Hindi niya alam kung anong na-tripan ni Mingyu at dumayo sa kanila nang ganito kaaga.



“Ah, oo, nakakain na ako.” 



Wonwoo’s mom was by the kitchen when they entered. “Good morning, Tita!” Masiglang bati ni Mingyu.



“Good morning, Gyu. Naku, hindi pa nagb-breakfast si Wonwoo. Ikaw ba? Halika muna rito sa lamesa.” Pakikipag-usap sa kaniya ng ginang.



“Ah, nag-breakfast na po ako, Tita. Thank you po. At okay lang po, hintayin ko na lang si Wons.”



Hinayaan na sila ng ginang at bumalik na sa ginagawa niya sa kusina.



Kahit nag-almusal na si Mingyu ay inabutan pa rin siya ni Wonwoo ng sandwich. They shared a comfortable silence over breakfast and by the time Wonwoo’s done preparing, they headed out and talked about mundane things.



Iniwan na rin ni Wonwoo ang regalo ni Mingyu sa ilalim ng Christmas tree nila sa bahay.



“Nga pala,” he opened when they were nearing the tricycle terminal. “Bakit pumunta ka pa sa bahay para magbigay ng gift? Magkikita naman tayo dapat mamaya.”



“Para ako unang magbigay sayo ng regalo,” Mingyu chuckled. 



Napairap naman si Wonwoo. Napaka-competitive naman? Ka-exchange gift lang naman ni Wonwoo yung makakasabay niyang magbigay mamaya. Napailing na lang siya sa mga gimik ng kaibigan.



“At…” the other added. “Baka kasi mailang ka pag nang-asar yung mga kaklase natin eh. I don’t want to put you in a situation like that.” His voice became softer and softer.



Wonwoo froze at that. Of course, his ever so considerate friend has already thought that far. Ni hindi nga sumagi sa isip niya na baka asarin sila at baka maging uncomfortable siya, which he now thought posible ngang mangyari. Pero Mingyu being Mingyu, he made sure that won’t happen.



“Ah, oo nga. Galing mo do’n,” Wonwoo couldn’t help but smile. “Thank you.”



──────



Pagbalik nila after their Christmas break, inulan na rin sila ng mga gawain. Their Filipino teacher suggested they start the preparations for their Noli Me Tangere play as early as January para hindi sila mangarag pagdating ng March, habang ang PE teacher naman nila ay nag-propose na ng prom theme sa Pebrero. 

 

 

As for Mingyu’s gift, it was a big siberian husky stuffed toy they named Murphy, as suggested sa card nito. Ani Mingyu, anak daw nila. Siraulo ‘di ba? Alam niya ba anong epekto noon kay Wonwoo? Hindi na naawa!



Over the break, Wonwoo became sure of what he really felt for his friend. Pinag-isipan niya talaga ito, lalo na dahil pakiramdam niya ay palala nang palala ang bilis ng tibok ng puso niya tuwing malapit ito. 



Now he could say he really likes him. He’s certain of that. And he’s happy it’s Mingyu he got to like.



Kung hindi man siya nito magustuhan pabalik, he has faith in the other and their friendship that they won’t drift away if ever Wonwoo decides to confess. Or maybe he wouldn’t—and still nothing would change between them, because he has faith in himself that he treasures Mingyu more than his own feelings.



Pero syempre, mas masaya ‘yon kung gusto rin siya nito pabalik. Who wouldn’t like that, ‘di ba?



But for now, he’s content with what they have. This friendship is something he would never trade for anything in the world. He is Mingyu’s friend above anything.



Sinigurado rin ni Wonwoo na hindi niya makalimutang bigyan ng update ang mga kaibigan niya upon his realization. He laughed at the “congrats, wonu!!!!” and “yessss success ang ship ko!!!!” messages he received from them.



Nasa canteen siya ngayon kasama ang mga kaibigan. A rare sight lately dahil sobrang abala rin ng mga Grade 10 para sa El Fili play nila pati sa prom. Ang mga Grade 8 naman sa Florante at Laura. Talagang nasaktuhan lang ni Wonwoo ang break time nina Jeonghan kaya nag-merienda na muna sila.



“Kita ko kayo kanina,” pang-aasar agad ni Jeonghan nang makabalik mula sa tindahan ng turon.



“‘Di ba! In fairness bagay talaga kayo,” gatong ni Joshua.



Natawa naman si Wonwoo. “Baliw. Kahit wala kaming ginagawa?”



“Duh!” Si Seungkwan. “‘Di ba nga, in-add ka pa lang no’n, kinikilig na ako sa inyo? Paano pa ngayon na hindi na kayo naghiwalay!”



Wonwoo recalled that first encounter. Oo nga naman, si Seungkwan nga pala puno’t dulo ng lahat ng ‘to.



He threw the younger a sarcastic smile. “Oo nga pala, pasimuno ka nga pala ng lahat ng ‘to.”



Jeonghan couldn’t help but laugh at that. “Sus, tuwang-tuwa ka naman,” anito sabay hampas kay Wonwoo.



“Kaya kayo mga kuya,” turo ni Seungkwan kay Joshua at Jeonghan. “Sa akin na kayo magpalakad. Tumatalab ‘tong shipping skills ko!” Proud na proud pa nitong sabi.



Umiling na lang si Wonwoo.



“Kita mo naman ‘yan si Wonwoo, sumakses sa crush niya, ‘di ba?” Tuloy niya pa.



“Wons…” sabay-sabay silang napatingin sa likuran ni Wonwoo nang marinig iyon. 



It was Mingyu. May hawak siyang dalawang baso ng kwekkwek at isang baso ng siomai. Dahan-dahan niya itong inilapag sa harap ni Wonwoo.



“Snack mo,” mahinahon nitong sabi.



Hindi kaagad nakapagsalita si Wonwoo. He felt his heart race. What if narinig ni Mingyu pinagsasabi ng mga kaibigan niya, ‘di ba? I mean, hindi naman sila nag-name drop, pero what if? Hindi naman slow si Mingyu para ‘di makuha ‘yon.



“Lumabas kayo?” He said instead. 



Tumango si Mingyu, nag-iiwas ng tingin. “Oo, nagyaya sila Hao at Seokmin, e. Binilhan na kita.”



Napangiti naman si Wonwoo doon. He didn’t even have to tell Mingyu about anything! Kusa lang nitong binibigay sa kaniya. Sinong ‘di tatamaan niyan?



“Thank you, Min. Ano kinain mo?” His attention was fully on Mingyu now, his friends across the table forgotten.



“Siomai lang din at fishball. Gusto mo ba ng inumin?” 



Doon lang tuluyang napansin ni Wonwoo na hindi siya tinitingnan ni Mingyu. Agad din tuloy siyang napasimangot dahil doon. 



“Hindi na, balik ka na kayla Seok,” mahinang sagot niya. “Thank you ulit.”



Mingyu gave him a small smile and a pat on his head before he turned his back.



Nang muling mag-angat ng tingin si Wonwoo sa mga kaibigan pagkaalis ni Mingyu, nakangising aso na ang tatlo sa kaniya.



“Langya! Mas sweet pa kayo sa nanay at tatay ko?” Imik ni Jeonghan.



“See! Ganiyan na vibes nila nung June pa lang,” bida ni Seungkwan.



“Mga bwiset kayo. Malaman-laman ko lang na narinig ni Mingyu pinagsasabi niyo, babatukan ko talaga kayo!” Medyo inis na sabi ni Wonwoo. 



Lalo kasi siyang kinabahan sa katahimikan ni Mingyu. What if nailang yun?



Nawala lang ang pangamba niya pansamantala nang maging busy na ulit sila sa mga ginagawa nila for the rest of the day.



Ngayon, kasalukuyan pa rin silang nasa school kahit lampas alas singko na ng hapon. Their class officers decided to plan everything ahead of time for their upcoming play. Alam kasi nilang sa susunod na linggo ay magsisimula na rin ang practice nila para sa cotillion.



Naka-assign si Wonwoo sa scriptwriting, habang si Mingyu naman ay sa props and design. 



Katatapos lang ng committee nila Mingyu na mag-sketch ng ilang props na ifa-finalize nila bukas. Sila Wonwoo naman ay hindi pa natatapos sa pag-aayos ng dalawang scene. Minamadali na nila ito dahil kailangan na ring mag-practice ng mga aktor nila.



Tahimik na naghihintay si Mingyu kay Wonwoo sa isa sa mga upuan ng classroom nila. Unti-unti nang nauubos ang mga kaklase nila, tanging ang grupo na lang nila Wonwoo ang nakaupo sa lapag at nagtatrabaho.



Mingyu was eyeing Wonwoo. Ilang beses na kasi itong nagkusot ng mata, hudyat na inaantok na.



Lumapit ang binata kay Seokmin, isa kasi ito sa mga bibida kaya naiwan ding kausap nila Wonwoo.



“‘Tol, tagal pa kayo?” Mahinang tanong niya. Ayaw niya namang makaabala dahil seryoso ang pinag-uusapan ng pangkat.



Nilingon naman agad siya ng isa. “Medyo, ‘tol. Sabi nga ni Jihoon kanina, ipagpabukas na ‘to, eh.”



“Eh, bakit nga hindi na lang?”



“Si Wonwoo, ayaw na may isipin pa ulit bukas,” paliwanag nito sa kaniya.



Muling nilingon ni Mingyu ang nakatatanda. Ngayon ay tila hindi na nito napipigilan ang mga hikab. Minabuti na rin ni Mingyu na lapitan ito.



“Won,” tawag niya.



The older groggily looked up at him. “Oh. Dito ka pa?” Hindi yata siya napansin ni Wonwoo kanina dahil nakatalikod ito sa kinauupuan niya. 



Tumango si Mingyu bilang sagot. “Tara na kaya? Antok ka na.” Mahina lang ang boses ni Mingyu pero sigurado siyang narinig siya nila Seokmin.



“Oo nga, Wonwoo,” sang-ayon ni Jihoon. “Kanina ko pa napapansin na pinipigil mo antok mo. Para makapagpahinga na rin tayong lahat.”



Sunud-sunod din ang pagsang-ayon ng mga kausap ni Wonwoo. Kaya in the end, umoo na rin siya dahil totoo naman. 



Puyat din talaga sila lately dahil nga sa pag-aayos ng mga kakailanganin. Kahit sila Mingyu ay abala na sa pagpapabalik-balik sa bayan para sa mga materials. Ang dami rin nilang ambagan kaya sobrang stressed na ng klase nila.



Agad siyang inalalayan ni Mingyu sa pagtayo nang tuluyan nang matapos ang meeting nila. Halos walang gana na siyang naglakad papunta sa kinaroroonan ng bag niya, which, surprisingly, ay nakaligpit na. Kanina kasi ay nakapatong pa sa desk niya yung AP book at notebook niya pati yung pencil case niya. 



He faced Mingyu with a questioning look. Mukhang agad naman itong naintindihan ni Mingyu dahil nakasagot na agad siya bago pa ito nagtanong.



“Niligpit ko na para makalabas tayo kaagad. Grabe na antok mo, e.” 



Wonwoo’s hand made its way to Mingyu’s waist. It was a quick touch, a side hug. Pero pakiramdam ni Wonwoo ay tumakbo siya sa marathon dahil sa bilis ng tibok ng puso niya.



Walangya, dito pa yata mawawala yung antok niya, ah.



“Thank you,” he whispered and retrieved his hand from his hold.



Ngumiti lang si Mingyu sa kaniya bago binuhat ang bag niya. If he didn’t know better, he would’ve missed the way the younger’s cheek turned red. But he still knew less, because he didn’t quite catch what that actually meant.



──────



Mula nang bumalik sila from Christmas break ay hindi na nakakasabay si Wonwoo sa kaniyang service pauwi, dahil na rin sa late ng uwi nila. Ang huling sundo kasi ng school service niya ay 5 p.m., at kadalasan, lumalampas ang klase nila sa oras na ‘yon.



Kaya ang ending, sumasabay na lang siya kay Mingyu pauwi. Gaya na lang ngayon, naghihintay sila ng tricycle sa paradahan. Nakaupo sila sa waiting shed, si Mingyu kalong ang bag at case ni Wonwoo, habang ang suot niya pa rin sa likuran niya ang sariling bag. 



Wonwoo’s head was also resting on his shoulder. Kaya habang nag-aabang ng pampasaherong tricycle at nagpapahinga si Wonwoo, nag-iisip siya ng paraan para mabawasan ang mga gawain nito.



He enumerated the other’s things to do in his mind, intentionally skipping over Wonwoo’s homeworks. Sigurado kasi siyang hindi papayag si Wonwoo na tutulungan siya sa academics, kaya sa other tasks na lang naghanap si Mingyu.



He soon realized that the older’s biggest burden for now is scriptwriting. Kaya nang maihatid niya si Wonwoo nang may masakyan na silang trike, dali-dali siyang nag-chat kay Jihoon para makatulong kahit papaano.



Jihoon Lee

 

Mingyu

Hi, Jihoon. Tanong lang sana kung ano pa need niyo tapusin sa script?

 

Jihoon

loeee

yung Scene #43 na lang tska #29, di kase namin makuha yung saktong timing para fit pa rin sa novel kahit may mga pinaikling parts

 

Mingyu

Pwede ko bang makita yung gawa niyo? Baka may matulong ako

 

Jihoon

hesos boi di ka pa ba papahinga

 

Mingyu

Hahaha sisilipin ko lang naman

 

Jihoon

osige sige

9-Michelangelo-Noli-Script.doxc

 

Mingyu

Salamat!

 

-

 

Mingyu

9-Michelangelo-Noli-Script-edited.doxc

 

Jihoon

grabeng utakkkk

maraming salamat gyu!!

 

Mingyu

Haha welcome



──────



Wonwoo arrived at school at exactly 6:00 am, 30 minutes earlier than usual. Naisip niya kasing ituloy na yung mga naiwan niyang gawain kagabi para hindi na ulit sila abutin ng pasado alas singko mamaya. 



Ine-expect niyang wala pang tao sa room nila, alam niya kasing 6:30 pa ang napagkasunduan ng props committee na pasok para matuloy na rin nila ang mga props at backdrop na ginagawa nila. 



Laking gulat niya nang makitang nakabukas na ang ilaw ng room nila nang makarating siya sa third floor, hudyat na may tao na sa loob.



“Bonak ka talaga, Gyu!” Dinig niyang sabi ng isang pamilyar na boses. “Ala una ka na ata nakatulog kagabi, ba’t pumasok ka pa nang maaga?” 



When Wonwoo was close enough to the door, he realized that it was Soonyoung who was with Mingyu.



At ano? Ala una? Eh hindi naman ugali ni Mingyu na mag-stay up lampas sa alas onse ng gabi.



Nakakunot tuloy ang noo niya nang pumasok sa room. True enough, nandoon na si Mingyu at Soonyoung, parehong abala sa paggugupit at pagpipinta sa mga illustration board at cartolina. 



Hindi siya kaagad napansin ng mga ito dahil bahagyang nakatalikod ang mga ito sa kaniya. 



“Para di na tayo mag-stay pa nang matagal mamaya. Ayain ko kaagad umuwi si Wonwoo, eh. Grabe pagod no’n kahapon,” diretsang sagot ni Mingyu.



Pakiramdam ni Wonwoo ay umakyat ang puso niya sa lalamunan niya at gusto niya itong ilabas.



“Sus, eh ikaw rin naman grabe pagod mo?” 



Wonwoo knew that. 



Kasi habang naghihintay sila ng trike kahapon ay naramdaman niya ring ipinatong ni Mingyu ang ulo nito sa ulo niya at huminga nang malalim bago tuluyang naging steady ang paghinga nito. And when he heard a tricycle arriving, siya pa ang tumapik sa braso ni Mingyu para tumayo na sila. 



Kaya naguguluhan si Wonwoo kung bakit nagpuyat pa si Mingyu kagabi kung ganoon na lang din ang pagod nito? At bakit inuuna pa rin nito ang kapakanan niya?



“Uy, Won!” Halos mapatili si Wonwoo nang may biglang magsalita sa likod niya. Nalingunan niya ang bagong dating na si Jihoon. “Aga mo?”



Agad namang tumayo si Soonyoung at Mingyu mula sa kinaroroonan nila.



“Won? Dito ka na?” Bati ni Mingyu sa kaibigan. 



Wonwoo felt like he couldn’t speak properly so he just nodded. Tuluyan na siyang pumasok sa room nila dahil alam na rin naman ng mga kaklase niyang nandito na siya.



“Gagawin ko sana yung ‘di natin natapos kahapon, Ji,” sambit ni Wonwoo sa kagrupo.



“Ah…” Jihoon scratched his nape. “Natapos ni Gyu, Won, eh. Kagabi. Pina-print ko para ipa-check sayo. Teka kunin ko sa bag.” 



Laglag ang panga ni Wonwoo nang lingunin si Mingyu. That’s when he noticed the dark circles under the latter’s eyes.



“Ginawa mo? Bakit?” 



Wonwoo wasn’t sure whether he’d be offended or grateful. Syempre naman ay nagpapasalamat siya rito, but at the expense of himself? Mingyu didn’t have to do that.



Mingyu must’ve noticed the depth of the crease between Wonwoo’s brows.



“Sorry… ang dami ko lang talagang creative juices kagabi kaya… ayon. Pero pwede mong palitan kung hindi mo gusto, Won. Ayos lang naman,” tunog guilty si Mingyu nang sagutin si Wonwoo.



Wonwoo couldn’t help but draw deep breaths. Tumango na lang siya nang walang sali-salita sa kaibigan bago lumapit kay Jihoon.



Mingyu’s revisions to the script made sense. Sure si Wonwoo na maa-approve na ‘to ng buong committee nila pati na rin ng actors. Pero hindi pa rin niya alam kung paano kakausapin si Mingyu dahil hindi rin siya sigurado kung ano bang dapat maging reaksyon dito.



But their friendship was built on talking, so alam niya ring hindi niya matitiis na hindi sabihin kay Mingyu ‘to. 



“Min,” he called out when they were having lunch the same day. Like usual, Mingyu got him his chicken sisig and got sinigang for himself. One bottle of water between them. Share pa rin sila.



Kahit abala sa pagnguya ay agad na nag-angat ng tingin si Mingyu sa kaniya. “Po?”



“Bakit mo ginawa yung script?” Malumanay niyang tanong. He didn’t want Mingyu to get the impression that he’s mad, or ungrateful. He just wanted to know.



Was it so worth it to give up a couple of hours of his sleep just for Wonwoo to be comfortable? 



“Sorry…” sagot ni Mingyu. “‘Di mo ba gusto?” There was a forlorn smile on his lips. “Pwede mo palitan, Won. Wala naman sa’kin ‘yon.”



Wonwoo shook his head immediately. “‘Di ganon, Min. Narinig ko kayo ni Soons kanina magkausap. You slept late? Tapos dahil pala sa script? Min, if anything, puyat ka rin. Kung totoosin mas pagod ka nga kaysa sa akin, eh. Kasi physical work yung ginagawa niyo sa props.” He explained, trying not to raise his voice kasi wala naman silang mapapala kung mauuna ang init ng ulo kaysa magkaintindihan.



“Why would you give up your rest for something na kaya ko namang gawin kinabukasan?” 



Kita niyang napalunok si Mingyu doon. “I’m sorry… hindi naman ako pagod eh.”



Wonwoo was trying to be level-headed, really. Pero naiinis na rin siya sa pagpapakumbaba nito ni Mingyu kaya hindi niya na napigilang mapairap. 



“Kahit nakaidlip ka rin sa terminal kahapon?” Now there was an edge to his voice. 



Mingyu’s eyes widened a fraction at that. “Sorry…”



“Puro naman sorry, Min, eh. ‘Di ka ba mag-eexplain?” May pagmamaktol na sa boses ni Wonwoo. Padabog niya na ring pinulot yung kubyertos niya kasi nafu-frustrate na talaga siya sa kaharap.



“Sorry…” Mingyu reached for his hand on the table. “Kasi, ilang linggo ka nang ‘di nakakatulog after school, tapos pag-uwi may gagawin ka pa rin. Kaya naisip kong tumulong doon sa script para kahit papaano gumaan naman yung gagawin mo.”



“Wala ka bang ibang gagawin para maisip mo ‘yan?” Wonwoo answered.



“Meron, pero manageable naman yung sa props, Wons. Kahit hanggang March pa kami gumawa, kaya pa yun. Hindi gaya ng script niyo.” Mahinahong paliwanag ni Mingyu.



Marahang binawi ni Wonwoo ang kamay niya sa pagkakahawak ni Mingyu saka tahimik na nagpatuloy sa pagkain. He didn’t speak a word all throughout their lunch.



Tahimik lang din sila buong araw, kahit hanggang noong pauwi na sila. The older only met Mingyu’s gaze noong nasa tapat na sila ng gate nila.



He pulled Mingyu into a hug, bagay na ikinagulat ng isa. 



“Sorry, Min. I get your concern now,” bulong niya. “But please, don’t do that again, okay? Kaya ko naman. Marunong akong humingi ng tulong pag kailangan, okay? You taught me that, ‘di ba?”



Mingyu tightened the hug. “I know. Sorry ulit, Wons.”



Nang mag-angat ulit si Wonwoo ng tingin ay nakita niyang namumula ang mata ni Mingyu. “Huy, umiiyak ka ba?” Gulat niyang usal.



Natawa naman si Mingyu bago siya hilain ulit para sa isa pang yakap. “Natakot ako. ‘Wag mo na akong dededmahin ulit, please,” may nginig sa boses nito kahit na bakas din ang ngiti.



This time, it was Wonwoo’s turn to tighten the hug.



“Sorry for worrying you.”



──────



Kani-kaniyang magagarang damit ang buong Grade 9 at Grade 10 sa prom nila, following the theme Masquerade Ball. 

 

The dance hall was filled with extravagant decorations, mula sa dalawang chandelier sa taas, sa gold carpet na nakalapat sa hagdan pababa sa sahig, maging sa mga side pieces at tables and chairs. 

 

Halos umiikot sa mga kulay na puti at ginto ang buong lugar. It was almost as if they were inside a castle or something equally royal.

 

Wonwoo was in his black prince suit, may gold na intricate details sa bandang kwelyo at manggas. Medyo mahaba rin ang likuran ng kaniyang coat, giving him that prince aura. He tied the entire fit with a matching black and gold mask.



He was yet to see Mingyu, pero kasama niya na ngayon si Jeonghan at Joshua. Jeonghan was wearing an all-white suit and a mask with feather details, while Joshua was in a white vest layered with a black coat. 



Puno na ang hall nang dumating silang tatlo. Kabi-kabila ang kamustahan at kwentuhan kasama ang mga kaklase at kakilala. 



Wonwoo saw a lot of boys and girls with breathtaking get ups, marami ring couples na may dalang bouquets at nagte-take ng pictures. 



It was a lovely evening, to say the least. Ramdam mong pinaghandaan ito hindi lang ng school kundi maging ng mga estudyante. 



It was 30 minutes before the start when Wonwoo received a message from Mingyu. 



Labas ka sa garden saglit, please.



So Wonwoo made his way out, excusing himself from his friends.



Hindi naman siya nahirapang hanapin si Mingyu dahil sa tangkad nito. The guy was standing under the arch leading to the garden. He was dressed in a red suit and a black mask with a deep red lining. In his hands was a bouquet of red and white roses.



Kinabahan naman si Wonwoo dahil baka… may aayain si Mingyu na date dito? 



Wag naman sana sa harap ko, ‘no? Kahit sa likod ko na lang. Please lang.



He was already bracing himself for a brewing heartbreak as he made his way to the stone path where the other was standing. 



“Uy,” bati niya. “Gwapo natin, boss, ah.” He was full-on grinning when he said that.



Totoo naman. Juskopo, pakiramdam niya nga mauubusan siya ng hininga noong maaninag niya si Mingyu kanina, eh. Lalong lumitaw ang morenong kulay nito dahil sa suot. Tapos sinasabayan pa ng boyish na ngiti? Hesos. Talaga naman.



Ganda mo,” salubong naman sa kaniya ni Mingyu. 



Sure na sure si Wonwoo na kasing pula ng pisngi niya yung damit ni Mingyu, kaya laking pasasalamat niya na hindi masyadong maliwanag sa kinaroroonan nila kaya hindi agad ito mahahalata ng kaharap.



“Bagay mo suot mo, Won, mukha kang prinsipe,” dugtong pa nito.



Ayaw paawat? Grabe sa compliments?!



Simpleng ngiti na lang ang naisagot niya. Nanginginig na kasi ang tuhod niya, if we’re  being honest. 



“Salamat,” sagot niya habang sinisipat din si Mingyu. “Ikaw din, litaw na litaw kagwapuhan, ah.” 



It was meant to be teasing, but for some reason, it came across rather softly. Like affection unintentionally seeping through the compliments.



Bumaba ang tingin niya sa bulaklak na hawak ni Mingyu. “Naks,” asar niya nang mahanap na muli ang boses. “Sino namang pinopormahan mo?”



Tumawa si Mingyu. Syempre nandiyan na naman ‘yang boyish na tawa na ‘yan. Hindi na lang talaga maawa kay Wonwoo, eh!



“Wala, tangeks,” and then he handed the bouquet to Wonwoo. “Para sayo.”



Wonwoo wasn’t sure if the poor lighting did trick him somehow, but Mingyu’s smile was softer than ever tonight. Pwede namang ipagpasawalang bahala, ganoon naman lagi ang ginagawa niya, eh. 



But Mingyu’s next words completely took away his ability to breathe.



“I wanted to dance with you tonight, but this will do for now.”



──────



Mingyu didn’t dance the entire night, save for the few moments he had with his classmates. Nakapabilog sila sa gitna ng dance floor nang matapos ang dinner at cotillion, sumasayaw sa ilang upbeat songs at gumigilid naman para kumuha ng pwedeng inumin o kainin kapag slow songs naman ang nagpi-play. Oras na kasi for socialization. 



Wonwoo didn’t dance with anyone either. Kahit sila Joshua at Jeonghan ay hindi niya sinamahan sa dance floor. He was busy playing cupid for the two instead. Alam niya kasing type ni Joshua si Seokmin, at si Jeonghan naman ay interesado kay Seungcheol, yung council president nila.



“Sana nandito si Seungkwan,” biro niya sa dalawa noong makabalik na ang mga ito sa pakikipag-usap sa mga crush nila.



“Oo nga, hina mong shipper,” pambibwiset ni Jeonghan.



“Leche ‘to. Ungrateful!” Irap niya sa kaibigan. “Baka mahina ka lang kumilos, ah, kita ko naman sila Seok at Shu sumayaw naman saglit sa dance floor. Ikaw usap lang talaga,” balik pang-iinis niya.



Jeonghan feigned offense at that. “Aba! At least kausap ko? Ikaw? Nasaan darling mo?”



Wonwoo smirked. Sinenyas niya ang bouquet na misteryosong nag-appear na lang sa kamay niya kanina, sabi nga ni Joshua.



“Tingin mo kanino galing ‘yan?” Pagmamayabang niya.



And he was sure that if they weren’t in a formal setting, his friends would’ve hit him and screamed. For now, though, nakuntento na lang ang dalawa sa impit na tili at mariing bulungan.



“Gagi! Seryoso ka ba?!” Halos dumiin na rin ang hawak ni Jeonghan sa braso niya.



“‘Te, masakit talaga hawak mo ha,” saway niya.



Dali-dali naman siyang binitawan ng isa. “Sorry, Madam,” sarkastikong sagot nito.



Joshua was now scrutinizing the bouquet. “Shuta, Wons, ganiyan pala kayo sa Grade 9, ha? Aabangan ko kayo next prom talaga!” Deklara nito.



Nagpatuloy ang usapan nila hanggang sa makabalik na ang iba nilang kasama sa table. Mingyu was seated on the table next to them, but he managed to slip into the chair beside Wonwoo. Syempre with the sacrifice of Jeonghan The Great. His words, not Wonwoo’s.



“Nag-enjoy ka?” Tanong ni Mingyu nang makalapit. “‘Di ka umalis sa table niyo.”



“Oo, nag-enjoy pa rin naman. Ikaw?” Nakangiting baling niya rito.



“Yeah. Mas masaya sana kung…” he trailed off.



“Kung?”



Umiling lang si Mingyu. “Wala. Masaya ako,” there was a gentle smile on his face.



Wonwoo smiled, too. Tila nahawa ng kaginhawaan sa mukha ni Mingyu. “Ako rin.”



“Kahit ganito pa lang?”



“Kahit ganito pa lang.”



“Ako rin,” Mingyu whispered. “Basta ikaw kasama ko.”



Wonwoo’s hand found Mingyu’s own under the table. He squeezed it lightly, so as to say, I know, me too.



When the time is right, and when they’re both braver and wiser, they’d finally say it aloud. 

 

For now, this shared understanding and the warmth from each other’s hands would be enough to convey the words their hearts are most familiar with but their mouths are still learning to speak.

 

For now, this will be enough.

Notes:

salamat po sa pagbabasa! ◡̈