Actions

Work Header

Stupid Chemical Formula of Loving You

Summary:

[CAPKRYS] x Chemical Engineering AU x Bardagulan AU

"Excuse me? Bakit pangalan mo ang nauna sa listahan?" taas-kilay na tanong ni Caprice habang tinitignan ang poster na parang may bacteria ito. "The printer must have a glitch. My GWA is 1.02, Krystal. Statistically, I should be the lead! and you’re just the... support reagent."

"Support reagent?!" bulyaw ni Krystal, sabay harap kay Caprice. "Hoy, Cayetano! Baka nakakalimutan mo, ako ang pumatay sa Plant Design project natin! Kung wala ako, hanggang ngayon nagka-calculate ka pa rin ng pipe diameter! I deserve the Captain seat because I have better intuition under pressure!"

Notes:

CapKrys hanggang mag-violet!

Chapter 1: The 'Power Couple' of St. Ava's

Chapter Text

 

Sa St. Ava's International University, may isang kasabihan ang mga estudyante ng Engineering:

 "Huwag kang dadaan sa hallway ng 4th floor nang walang dalang shield." 

Hindi dahil sa nagigiba ang building, kundi dahil doon madalas mag-engkwentro ang dalawang pinakamatalino, pinakamaganda, at pinakamalditang estudyante ng batch 2026, sina Krystal Mejes at Caprice Cayetano.

Si Krystal ang tinaguriang "Ice Queen." Ang kanyang mga lab report ay parang gawa ng isang robot! perfect spacing, walang bura, at laging may "extra" na data. 

Sa kabilang banda, si Caprice ang "The Catalyst." Yung tipo na hindi na kailangan mag-review nang matagal pero laging nakakakuha ng perfect score sa Chemical Engineering Thermodynamics.

Ang tanging common ground nila? Ang pagnanais na maging Top 1 at ang pagiging paborito ng mga "Masters" o ang mga terror na Professors.

 

Martes ng hapon ... 

Katatapos lang ng isang nakakapanghina na board exam review. Bitbit ni Krystal ang kanyang Perry's Chemical Engineers' Handbook, ito ay isang libro na kasing bigat ng kasalanan ng sangkatauhan. Dahil sa puyat at pagmamadali, hindi niya napansin ang dilaw na "Caution: Wet Floor" sign sa dulo ng pasilyo.

SPLAT!

Bumagsak si Krystal. Nagkalat ang kanyang mga yellow paper na puno ng differential equations. Ang kanyang mamahaling calculator ay tumalsik sa paanan ng isang taong dahan-dahang naglalakad.

Si Caprice. 

Huminto si Caprice. Tiningnan niya ang calculator, tapos ang nakasubsob na si Krystal. Imbes na abutan ng kamay, kinuha ni Caprice ang kanyang tumbler at uminom nang dahan-dahan habang nakatingin sa relo.

"9.8 meters per second squared," simula ni Caprice. "Standard gravity. At least napatunayan mo na constant pa rin siya, Krystal. Very dedicated, literal na 'grounded' ang approach mo sa pag-aaral."

"Caprice... tulungan mo ako," bulong ni Krystal habang sinusubukang pulutin ang mga papel niya.

Ngumiti lang si Caprice. Isang ngiting nakaka-insulto. 

"Sorry, Krystal. I don't touch hazardous waste. At saka, engineering student ka, 'di ba? Use your own leverage para makatayo. You're blocking the laminar flow ng hallway. Nakaka-abala ka sa productivity ko."

Dahan-dahang nilakdangan... NILAKDANGAN ni Caprice si Krystal. Ang dulo ng kanyang sapatos ay muntik nang sumagi sa kamay ni Krystal.

"Sama ng ugali mo! Punyeta!" sigaw ni Krystal habang nagpupulot ng gamit, namumula ang mukha sa galit. "Kahit aso tutulungan ako, pero ikaw, mas masahol ka pa sa toxic chemical!"

"Mas masahol?" Lumingon si Caprice, nakataas ang kilay. "At least I'm a stable isotope. Ikaw, konting dulas lang, nagde-decay na ang composure mo. Ayusin mo 'yan, baka mapagkamalan kang basahan ng janitor."

 

Kinabukasan, pumasok sila sa Chemical Reaction Engineering. Ang Professor nila na si Dr. Locsin, ang pinaka-terror sa lahat ... ay may announcement.

"For your Final Plant Design, you will work in pairs. I chose the pairs myself based on your GWA. Miss Mejes and Miss Cayetano, you are Group 1. Miss Alim and Miss B---"

Parang gumuho ang mundo sa loob ng silid.

"Sir!" Sabay silang tumayo.

"I object, Sir!" sabi ni Krystal. 

"The reaction rate between us is too high. Magpapasabog lang kami ng computer lab."

"Sir, I prefer to work alone," dagdag ni Caprice. "I don't want my grades to suffer because of someone who can't even walk straight in a hallway."

"No excuses," matigas na sabi ni Dr. Locsin. "Either you work together, or you both fail. Dismissed."

 

 

Sa loob ng isang linggo, naging impyerno ang library. Nag-aagawan pa sila sa keyboard ng computer.

"Krystal, ang pangit ng graph mo. Mukhang heartbeat ng taong malapit na mamatay," asar ni Caprice habang kinukuha ang mouse.

"Excuse me? That's a non-linear regression! Baka naman gusto mong gawing straight line lahat para kasing-flat ng personality mo?" balik ni Krystal.

"Mas okay na ang flat personality kaysa sa logic mong puro butas. Isang tanong lang ni Dean sa defense, siguradong mag-e-evaporate ka na sa hiya," sabi ni Caprice sabay lapag ng isang can ng kape sa harap ni Krystal. "Inumin mo 'yan. Masyado nang mabagal ang brain processing mo."

 

Sa kabila ng asaran, narealize ni Krystal na si Caprice lang ang only person (person? CHEE!) na nakaka-intindi kung gaano kahirap ang pressure nila sa sarili na maging perfect. 

At narealize ni Caprice na si Krystal lang ang may sapat na talino para hamunin ang bawat ideya niya.

 

 

Final Defense

 

Nakaharap nila ang Board of Examiners. Isa-isang binusisi ang kanilang design ng isang Ethanol Plant.

Wala ang salitang "KABA" sa bokabularyo ng dalawang maldita sa harap ng Board of Examiners. 

"Miss Mejes, your energy balance seems off," sabi ng isang examiner.

Bago pa makasagot si Krystal, sumingit na si Caprice.

"Actually, Sir, it's not off. If you look at the heat exchanger specifications on page 43, which Krystal meticulously calculated, you'll see that the bypass flow accounts for that deviation."

Nagkatinginan sila. 

Sa unang pagkakataon, hindi sila magkaaway. Sila ay isang team. 

Noong si Caprice naman ang ginisa tungkol sa environmental impact, agad siyang sinalo ni Krystal gamit ang isang complex na waste management formula na silang dalawa ang nag-isip.

Pagkatapos ng defense, lumabas sila ng room na may 'mayabang na ngiti' AT bitbit ang "High Distinction" na grade.

 

 

Nakaupo sila sa bench sa labas ng Engineering building, parehong pagod pero may ngiti sa mga labi.

"So..." simula ni Krystal. "Hindi ka pala ganoon katanga sa simulation."

"And you..." sagot ni Caprice habang tinitingnan ang kanyang kuko. "Hindi ka rin pala ganoon kabagal mag-isip. You're... acceptable."

Tumayo si Caprice at inilahad ang kanyang kamay. Ang kamay na hindi niya ibinigay noong nadapa si Krystal.

"Tara na. Gutom na ako," sabi ni Caprice. "Dahil nilakdangan kita noong isang araw, ako na ang magbabayad ng lunch. Pero huwag kang masanay."

Kinuha ni Krystal ang kamay niya, tumayo, at sabay silang naglakad palayo. "Siguraduhin mong masarap ang kakainan natin, Cayetano. Ayaw ko ng cheap, katulad ng mga insulto mo."

"Shut up, Mejes. I-calculate mo na lang kung ilang calories ang makukuha mo para hindi ka na ulit mahimatay sa hallway."

Naglakad silang dalawa ng magkasabay, parehong matayog ang noo, at handang pasabugin ang sinumang haharang sa kanilang dalawa. Dahil sa dulo ng araw, ang positive-to-positive charge, kapag nahanap ang tamang catalyst, ay gumagawa ng pinakamalakas na energy! CHEE!

 

 

Pumasok sila sa isang upscale na Italian restaurant malapit sa university. Kahit parehong haggard mula sa defense, nagawa pa rin nilang magmukhang mga modelong naligaw sa Engineering building. 

Pag-upo pa lang, ramdam na ng waiter ang tensyon ... yung tipong akala mo ay mag-a-announce sila ng engagement, pero sa totoo lang ay baka nga maghagisan pa ng tinidor o kutsilyo!

"I'll have the Penne Arrabiata," maikling sabi ni Krystal. "And make sure the pasta is al dente. Ayaw ko po ng malata, parang yung logic po ni Caprice sa reactor design kanina."

Tinaasan siya ng kilay ni Caprice bago tumingin sa waiter. "I'll have the same. Pero sa akin po, dagdagan niyo po ng chili flakes. Kasing-anghang nung ugali ng kasama ko. At pakibilisan po, bago pa mag-spontaneous combustion yung upuan niya sa sobrang init ng ulo. Thank You!"

Nang umalis ang waiter, katahimikan ang nagwagi ng ilang segundo, Yun yung uri ng katahimikan na may naririnig kang static.

"You know, Krystal," panimula ni Caprice habang pinaglalaruan ang table napkin. "You almost messed up the mass balance sa Page 12. Kung hindi ko lang nire-check 'yun habang natutulog ka sa library, baka 'Low Pass' lang tayo ngayon."

"Excuse me?" Muntik nang maibuga ni Krystal ang iniinom niyang tubig. "I was not sleeping! I was... internalizing the data. At saka, Page 12? I checked that thrice! Baka naman ikaw ang nag-iba ng values para magmukha kang bida? Bida-bida ka diba?"

"Bakit ko naman gagawin 'yun? I'm already the protagonist of this university," nakangising sagot ni Caprice habang dramatic na hinawi ang buhok nya. "You're just the... very persistent antagonist na laging nadadapa sa hallway. Palibhasa kasi lampa ka!"

"Oh, please! Huwag mo na ipaalala yung hallway. Nilakdangan mo ako, Caprice! Sa harap ng maraming tao! Hindi mo man lang naisip ang coefficient of friction ng sapatos ko?"

"Kasalanan ko bang hindi ka marunong mag-calculate ng center of gravity mo? It's basic Physics, Krystal. Siguro nung itinuro 'yun, busy ka sa pagpili ng shade ng lipstick mo."

Dumating ang pagkain. Pero imbes na kumain nang tahimik, ginamit pa nung dalawa ang pasta para mag-demonstrate ng stress and strain.

"Tingnan mo 'tong pasta," sabi ni Krystal habang itinataas ang isang penne gamit ang tinidor. "Parang ikaw 'to. Mukhang matigas sa labas, pero hollow naman ang loob."

Humalakhak si Caprice, yung tawang nakaka-insulto pero elegante pa rin. "At least ako, hollow pero functional. Eh ikaw? Para kang distillation column na barado. Puro buga ng hangin, pero walang lumalabas na distillate."

"Kaysa naman sa'yo! Akala mo kung sinong 'Master's Pet.' Balita ko, binigyan mo pa ng kape si Dr. Locsin nung isang linggo? What's next? Ipagda-drive mo na rin siya? SIPSIP!"

"It's called networking, Krystal. Something you wouldn't understand kasi busy ka sa paggawa ng 50-page appendix na wala namang nagbabasa. You're so inefficient, it hurts my Engineering soul at SIPSIP? ang cheap mo!"

Nagpatuloy ang asaran hanggang sa dessert. Kahit ang paghati sa isang slice ng Tiramisu ay naging calculus problem.

"I'll take 60%," deklara ni Caprice. "Ako ang nag-defend ng major parts kanina."

"No way! 50-50 tayo rito," giit ni Krystal. "Ako ang nag-puyat sa simulation. Without my code, ang presentation mo ay puro lang aesthetic na PowerPoint."

"Fine! 50-50. Pero kukunin ko yung part na may maraming cocoa powder. Parang yung future mo ... dark."

"At kukunin ko yung part na may maraming cream. Parang yung utak mo ... puro fluff."

Habang naglalakad sila palabas ng restaurant, bitbit ang kani-kaniyang designer bags at ang parehong matayog na pride, lumingon si Krystal kay Caprice.

"Same time tomorrow? Sa library?" tanong ni Krystal, kahit halatang naiinis pa rin.

"Bakit? Mamimiss mo ba ang panlalait ko?" asar ni Caprice.

"Hindi. Gusto ko lang siguraduhin na hindi ka magpapakopya sa iba. Ako lang ang pwedeng kumuha ng original ideas mo para ma-debunk ko."

Ngumiti si Caprice, yung totoong ngiti na bihira niyang ipakita. "Deal. Pero bukas, Krystal, please... isuot mo yung sapatos na may grip. Ayaw ko nang may nakaharang na basahan sa hallway."

"Bwisit ka talaga, Cayetano!"

At doon, sa gitna pa talaga ng init ng araw at usok ng Manila, naglakad ang dalawang pinakamatalinong "bitchesa" ng Engineering. Walang tahimik na araw, walang preno ang dila, pero sa mundo nilang puno ng variables, sila lang ang tanging constant ng isa't isa. 





Wednesday - Morning - Room 402 - Engineering Building

Mas maingay pa sa andar ng isang cooling tower ang mga estudyante. Nakaupo si Krystal sa front row, seryosong nagbabasa ng Fluid Mechanics, habang si Caprice naman ay nasa gilid, prenteng nag-aayos ng kuko gamit ang isang glass file.

Pumasok si Marco, ang class clown at laging biktima ng panlalait ng dalawa. May dala itong kape at malapad ang ngisi.

"Good morning, St. Ava's International Power Couple!" sigaw ni Marco.

Sabay na lumingon sina Krystal at Caprice. Kung nakakamatay ang tingin, malamang ay abo na si Marco sa pintuan pa lang.

"Anong tawag mo sa amin?" matalim na tanong ni Krystal.

"Power Couple? Marco, baka gusto mong i-calculate ko kung gaano kabilis tatama ang sapatos ko sa mukha mo?" dagdag ni Caprice, hindi man lang tinitigilan ang pag-file ng kuko.

"Wala lang! Kasi naman, simula nung Plant Design project, parang hindi na kayo mapaghiwalay," tawa ni Marco habang lumalapit sa ibang kaklase. "Sabi nga ng iba, 'Opposites attract,' pero sa inyo? 'Toxic attract.' Para kayong may away-mag-asawa araw-araw. Kulang na lang, mag-agawan kayo sa sustento ng anak!"

Nagtawanan ang buong klase. May sumipol pa mula sa likod.

"Oo nga!" hirit pa ni Fred. "Krystal, si Caprice ba ang 'asawa' mong bungangera? O si Caprice ang 'mister' mong laging late umuwi?"

"Excuse me!" Tumayo si Krystal, hinampas ang Perry's Handbook sa table. 

BLAG! 

"First of all, our interaction is purely academic. Second, hindi ko 'partner' ang isang taong ang tanging skill ay ang maging 'The Catalyst' ng gulo. At higit sa lahat, wala kaming 'chemistry' dahil pareho kaming positive charge. Repulsion, people! Basic Physics!"

"Wow, defensive si Ice Queen," pang-aasar ni Caprice, bagaman nakataas din ang kilay niya. "Marco, let's be clear. If ever mag-aasawa ako, I'd choose someone with a functional prefrontal cortex. Someone who can actually contribute to a conversation without referencing a bibliography every five seconds."

"Aba!" Humarap si Krystal kay Caprice. "At least my conversations have substance! Kaysa naman sa'yo na puro 'personal branding' ang alam. You're not my partner thing, Caprice. You're more like a... parasitic variable in my GWA."

"Parasitic? Darling, I'm the independent variable rito," sagot ni Caprice sabay tayo at lapit kay Krystal. "Ikaw ang dependent sa akin kasi kung hindi ko nire-check ang heat duty mo, baka 'Incinerator' ang tawag sa plant design natin ngayon, hindi Ethanol Plant."

"Guys, tama na!" tawa ni Marco. "Ganyan na ganyan yung intro sa mga rom-com, eh. 'Yung kunwari galit pero sa dulo, sila rin pala. Ano, Krystal? Kailan ang kasal? Isasama ba natin ang mga Professors as Ninong at Ninang?"

"Over my dead, calculated body," sabay na sabi nina Krystal at Caprice. Nagkatinginan silang dalawa at sabay ding umiwas nang mabilis.

"See?" turo ni Marco. "Sabay pa magsalita! In sync ang brain waves. Sabi sa inyo, thing na 'yan, eh!"

"It's not a 'thing'!" bulyaw ni Krystal. "It's a statistical anomaly! Isang error sa matrix ng university na ito!"

"O baka naman," bulong ni Caprice pero sapat na para marinig ni Krystal, "Natatakot ka lang aminin na ako lang ang tanging tao rito na kayang sumabay sa bilis ng utak mo?"

Natahimik si Krystal. 

Namula ang kanyang tenga pero hindi siya nagpatalo. "Natatakot? Caprice, ang tanging kinatatakutan ko ay ang posibilidad na mahawa ako sa delusions mo. Partner thing? I'd rather be a lab rat in a radiation study kaysa maging 'partner' mo."

"Then stop looking at me like I'm the answer to your exam questions," nakangising hirit ni Caprice sabay kindat kay Marco.

Eksaktong pumasok ang Professor nila. "Class, settle down. Miss Mejes, Miss Cayetano, why are you both standing in the middle of the room? Are you planning a debate or a wedding?"

Muling naghiyawan ang klase. Napaupo ang dalawa nang mabilis, parehong diretso ang tingin sa blackboard pero ang kanilang mga ballpen ay parehong mabilis na nag-s-scribble sa papel, hindi notes, kundi mga "insulto" na ipapasa nila sa isa't isa mamaya sa break.

Dahil sa Chemical Engineering, ang bawat "action" ay may katapat na "reaction." At ang reaction nilang dalawa? Laging explosive!

 

Paglabas na paglabas ng Professor, parang sumabog ang bulkan sa Room 402. 

Nagmamadaling lumabas si Krystal, bitbit ang kanyang mga gamit, habang nakabuntot sa kanya si Carmel, isa sa mga taong may sapat na "immunity" sa kamandag ng dila ni Krystal.

"Krystal, wait! Grabe 'yung kanina, 'yung sabay kayong nagsalita ni Caprice? Syncing ang soulmates!" tawang tawa ang gagang si Carmel habang sinusubukang habulin ang mabilis na lakad ng kaibigan.

"Gaga, isa ka pa. Kung wala kang sasabihing matino tungkol sa Reynolds Number, manahimik ka mainit ang ulo ko!" asar na sagot ni Krystal.

Eksaktong lumabas din si Caprice mula sa pinto, kasabay si Marco na tila hindi pa natututo sa muntik nang "death threat" sa kanya kanina. 

Nagpang-abot silang apat sa tapat ng bulletin board.

"Oh, look. The Ice Queen and her loyal subject," nakangising bati ni Caprice.

Inabot ni Krystal ang isang piraso ng papel kay Caprice, ang "insult note" na isinulat niya habang nagle-lecture ang Prof.

Note ni Krystal:

"Caprice, paki-calculate ang rate of evaporation ng brain cells mo. Masyado kasing mabilis, baka by Finals, 'yung hairstyle mo na lang ang matira."

Hindi nagpatalo si Caprice. Inabot niya rin ang kanyang "counterattack" na nakasulat sa likod ng isang resibo ng Starbucks.

Note ni Caprice:

"Krystal, i-check mo 'yung pH level ng laway mo. Masyadong acidic. Baka 'pag kinausap mo si Dean, matunaw 'yung diploma nating dalawa. Control your toxicity, it's affecting the environment."

"Wow, exchanging love letters?" singit ni Marco, na tila may death wish talaga. "Ang sweet niyo naman. May pa-secret code pa kayo."

Doon na nagdilim ang paningin ni Krystal. Sa isang iglap, nahawakan niya ang kwelyo ng polo ni Marco at isinandal ito sa pader. Muntik na itong ma-choke sa bilis ng kilos ni Krystal.

"Marco, isang salita pa tungkol sa 'love letters,' gagawin kitang sample ng impulse and momentum sa labas ng bintana ng 4th floor. Do you understand?" bulong ni Krystal na parang mamatay-tao.

"K-krystal... oxygen... low concentration..." nauutal na sabi ni Marco.

"Bitawan mo na 'yan, Krystal," sabi ni Caprice habang tumatawa nang mahinhin. "Sayang ang energy mo sa taong ang IQ ay mas mababa pa sa freezing point ng helium. Let him live... para may mapag-tripan pa tayo bukas."

Binitawan ni Krystal si Marco, na agad na humawak sa leeg niya at kumaripas ng takbo palayo.

"See?" tawa ni Carmel, na imbes na matakot ay lalo pang naaliw. "Krystal, aminin mo na kasi. Kay Caprice ka lang nagiging ganyan ka-passionate. Maski si Marco, napansin 'yun. Bagay talaga kayo, 'yung isa mapang-asar, 'yung isa pumapatol. Perfect stoichiometry!"

"Carmel! Kakampi ba kita o ano? Kaibigan mo'ko! Kaibigan kita!" singhal ni Krystal.

"O YES KAIBIGAN MO LANG AKO! KAIBIGAN MO AKO at kakampi mo ako HEHE, pero fan ako ng 'Krys-Price'!" banat ni Carmel sabay takbo bago pa siya ang masakal ni Krystal.

Naiwan sa hallway sina Krystal at Caprice. Nagkatinginan pa silang dalawa, parehong matalas ang titig, parehong hindi magpapatalo.

"Krys-Price? Really?" pagtataray ni Caprice. "Ang baho ng ship name natin. It sounds like a discount store."

"At least it's a discount store. Ikaw, mukha kang surplus na hindi nabenta," sagot ni Krystal habang inaayos ang kanyang blazer.

"Whatever, Mejes. Kitakits sa Lab mamaya. Siguraduhin mong hindi ka na naman 'ma-o-out of balance.' Baka sa susunod na lakdangan kita, hindi na sapatos ko ang makita mo, kundi 'yung siko ko sa mukha mo."

"Subukan mo, Cayetano. I'll make sure your 'reaction' will be irreversible."

Naghiwalay sila ng landas, magkaiba ang direksyon, pero parehong may tipid na ngiti sa kanilang mga labi na pilit nilang itinatago. 

Para sa kanilang dalawa? Ang bawat asaran ay ang tanging paraan para sabihing: "Ikaw lang ang kalevel ko rito." CHEE ang korny!


Ang Unit Operations Laboratory ay parang pugon sa init at pressure. Lahat ay naka-goggles, lab coat, at gloves. 

Sa gitna ng ingay ng mga pump at boiling liquids, abala si Krystal sa pag-aayos ng isang glass distillation setup. 

Ang mortal nyang 'ka-laitan' na si Caprice naman ay nasa kabilang table, nag-a-analyze ng pressure drops.

"Krystal, i-check mo 'yung pressure regulator. Masyadong mabilis ang build-up," babala ni Caprice, pero sa tono na parang nangiinsulto. "Baka pati 'yung hairspray mo, sumabog sa init."

"Kaya ko 'to, Caprice. Mag-focus ka na lang sa sarili mong setup na mukhang gawa ng Grade 1 student," sagot ni Krystal habang hinihigpitan ang isang clamp.

Pero bago pa makasagot si Caprice -------- 

BOOM!

Isang maliit pero malakas na pagsabog ang nagmula sa glass joint ng setup ni Krystal dahil sa thermal stress. Nagtilamsikan ang mga bubog. Ang buong klase ay napayuko.

"Krystal!" sigaw ni Caprice.

Napa-upo si Krystal sa sahig. Isang piraso ng matulis na bubog ang tumama sa tuhod niya, tumagos sa maong niya at nagdulot ng sugat. Dumugo ito agad.

Sa isang iglap, nandun na si Caprice sa tabi niya. Hindi siya naglakad .., tumakbo ang gaga! at halos matumba niya pa ang isang stool sa pagmamadali.

"Krystal! Are you stupid?! Sabi ko sa'yo i-check mo, 'di ba?" galit na sabi ni Caprice habang mabilis na nilalabas ang first aid kit mula sa bag niya. Pero kahit galit ang boses, nanginginig ang mga kamay niya habang nililinis ang paligid ng sugat ni Krystal.

"Aray... Caprice, dahan-dahan! Masakit kaya! bwiset ang bigat ng kamay mo!" angal ni Krystal, gulat na gulat sa bilis ng paglapit ng karibal.

"Masakit talaga 'yan! Buti nga sa tuhod lang, paano kung sa mukha mo tumama 'yan? Paano ka na makakapag-inarte sa harap ng salamin?" bulyaw ni Caprice, pero maingat niyang tinanggal ang bubog gamit ang forceps. "Wag kang gagalaw, baka lalong bumaon."

Dahil sa gulo, lumapit ang mga kaklase nila. Sina Eliza at Reich, na laging tahimik na nanonood ng away ng dalawa, ay nagkatinginan at ngumisi.

"Look at that," bulong ni Eliza. "Si Caprice na 'I don't touch hazardous waste,' ngayon hawak-hawak ang binti ni Krystal."

"Ayiee! First aid or first date?" hirit ni Reich habang kumukuha ng picture (palihim HAHA).

Pati ang mga "silent types" ng klase, hindi na nakatiis. Si Miguel, na laging nakasubsob sa libro, ay tumingala at nag-adjust ng salamin. "Based on the velocity of Caprice's run, the force of her concern is directly proportional to her hidden feelings. Just stating the physics of the situation."

"Agreed," dagdag ni Heath, ang pinakatahimik sa lahat. "Caprice, bakit pawis na pawis ka? Hindi naman mainit 'yung apoy, pero 'yung kaba mo, ramdam hanggang dito sa dulo ng lab."

"Manahimik kayo!" singhal ni Caprice habang binabalot ng bandage ang tuhod ni Krystal. "Inaalagaan ko lang 'tong investment ko. Paano matatapos ang project natin kung pilay ang taga-type ng appendix?"

"Investment daw," bulong ni Krystal, namumula ang pisngi hindi dahil sa init, kundi dahil sa lapit ng mukha ni Caprice sa kanya. "Salamat, Caprice. Pero binitawan mo 'yung kape mo kanina para lang tumakbo rito. Ganun ba ako ka-importante sa 'investment' mo?"

 

Tumingin si Caprice nang diretso sa mga mata ni Krystal. Saglit na nawala ang "bitchesa" look. Nawala? Huh! Concern? Yiehhh---

 

"Krystal, kung mamamatay ka, gusto ko ako ang papatay sa'yo gamit ang talino ko. Hindi ng isang hamak na bubog lang. Understood?" 

Okay na sana eh nawala yung 'bitch look' ng gaga... kung hindi lang si Caprice yung kausap ko! Bwiset na buhay talaga oh!

"Understood, bitch," sagot ni Krystal na may kasamang mahinang tawa.

"See?" sigaw ni Marco mula sa likod, habang hawak pa rin ang leeg niya. "Away-mag-asawa pa rin kahit may dugo na! Miguel, Heath, pustahan tayo, bago matapos ang sem, may announcement na 'yang dalawa!"

"Shut up, Marco!" sabay na sigaw ng dalawa.

Inalalayan ni Caprice si Krystal na tumayo. Kahit nakapulupot ang braso ni Krystal sa balikat ni Caprice para sa support, hindi pa rin natapos ang asaran.

"Ang bigat mo, Krystal. Siguro puro sama ng loob ang laman ng katawan mo," reklamo ni Caprice habang papunta sila sa clinic.

"At ikaw bitch, ang bilis ng tibok ng puso mo," ganti ni Krystal. "Baka kailangan mo rin ng check-up. Masyadong 'unstable' ang heart rate mo para sa isang taong 'walang pakialam'."

Naglakad sila palabas ng lab, habang ang buong batch ng Chemical Engineering ay naghihiyawan at nagpapalakpakan.