Actions

Work Header

sabay natin gawing kahapon ang bukas

Summary:

Sabi sa kanta ng shirebound, hindi mo naman yata ikamamatay kung hindi mo mahawakan ang kamay ng taong gusto mo. Buti na lang ay pinalaki ni Taylor Swift si Mingyu dahil dedma sa shirebound, always ruin the friendship ang advice na isinasabuhay niya ngayon. Ikamamatay ni Mingyu kung hindi niya mahawakan ang kamay ni Wonwoo.

Kaya naman nang mag-aminan sila ay sobrang saya ni Mingyu. Ang bagong theme song ng buhay niya? Ikaw At Ako in public pero They Don't Know About Us sa office dahil sinikreto nila ang relasyon nila mula sa mga chismoso nilang officemates. Pero talaga namang walang sikretong hindi nabubunyag, lalo na kung may madaldal kang kapatid.

Notes:

Dedicated sa atin na mga pagod na manggagawa. Sana ay makahanap tayong lahat ng rason na magpapagaan ng bawat araw natin.

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

Sabi sa kanta ng shirebound, hindi mo naman yata ikamamatay kung hindi mo mahawakan ang kamay ng taong gusto mo. Buti na lang ay pinalaki ni Taylor Swift si Mingyu dahil dedma sa shirebound, always ruin the friendship ang advice na isinasabuhay niya ngayon. Ikamamatay ni Mingyu kung hindi niya mahawakan ang kamay ni Wonwoo.

 

Fresh grads sina Mingyu at Wonwoo nang una silang magkakilala sa opisina. Bilang silang dalawa lang ang new hires ng kanilang department ay unang araw pa lang nila sa trabaho ay palagi na silang magkasama. Magpa-photocopy ng ID na kailangan ipasa ni Wonwoo sa HR? Nakabuntot sa kanya si Mingyu. Kailangan ni Mingyu magpasa ng requirement sa company clinic? Nakaupo si Wonwoo sa labas, nagseselpon habang hinihintay si Mingyu.

 

Kaya naman sa loob ng dalawang taon nila bilang officemates ay nakagawa na sila ng routine. Sa umaga ay naghihintayan sila sa labas ng Subway sa Ayala Station ng MRT at kakainin ang baon na pandesal ni Wonwoo habang naglalakad papuntang office. Sa hapon naman ay sabay silang umuuwi, pwera na lang kung may kailangan sa kanilang mag-OT. Para kina Mingyu at Wonwoo, malaking tulong ang presensya ng isa’t isa para ma-survive ang araw-araw na kalbaryo nila bilang mga alipin ng salapi. 

 

Dalawang taon na silang magkaibigan, kaya naman hindi malaman ni Mingyu kung kailan nagsimula na mag-iba ang tingin niya kay Wonwoo. Don’t get him wrong, unang beses pa lang niya itong nakita ay nabighani na siya rito. Mataas lang ang grado ng mga mata ni Mingyu, pero hindi siya bulag para hindi makita na parang may sariling ring light si Wonwoo. Pero dahil ang goal ni Mingyu ay kumita ng pera ay kinibit na lang niya ang kanyang balikat at nagfocus na lang sa dinidiscuss sa orientation.

 

Heto na siya ngayon, two years in sa pagiging corporate slaves. Halos ibalibag na ni Mingyu ang keyboard niya nang ayaw pa rin gumana ng formula niya sa data na ni-paste niya sa Excel. Tinignan niya ang maliit na relo sa baba ng screen at 10:30 pa lang ng umaga. Hindi pa nakakalahati ang araw ay sinusubok na siya ng trabaho niya.

 

Muli niyang sinubukang paganahin ang formula at isa-isang chineck ang values, pero ayaw pa rin gumana nito. Napa-buntong hininga na lang siya at ni-recline ang upuan palikod.

 

“Ano nangyari sa’yo.”

 

Napaayos ng upo si Mingyu at nilingon si Wonwoo na palapit sa kanya. Hinila nito ang bakanteng upuan sa tabi ni Mingyu at umupo.

 

“Ayaw gumana ng formula ko, Won. Ang sakit na ng ulo ko,” sumbong ni Mingyu.

 

“Patingin nga.”

 

Kinuha ni Wonwoo ang mouse niya at inusog ang keyboard palapit sa kanya. Umusog naman si Mingyu pagilid para makita nang maayos ni Wonwoo ang screen at in-explain kung ano ang gusto niyang mangyari. Pabalik-balik si Wonwoo sa sheets na pagkukuhanan ng values at pagkatapos ng ilang minuto ay nagsimula na mag-type ng formula.

 

Ang pogi talaga ng matatalinong lalaki, naisip ni Mingyu habang pinanonood si Wonwoo. 

 

Hindi rin nagtagal ay pinindot ni Wonwoo ang enter. Pagkatapos i-double check kung tama ang resultang lumabas ay inusog na niya ulit ang keyboard pabalik sa gitna ng mesa. “Doon ka sa dulo nagkakamali, Min. Kailangan yung date column din yung piliin mo. Kalma ka lang kasi, nakakaramdam ‘yang Excel na nagmamadali ka. Inaasar ka tuloy,” sabi nito.

 

Halos maiyak si Mingyu. Kaya naman niya most days, in fact, sa kanilang dalawa ay siya ang madalas na tumutulong kay Wonwoo sa Excel. Sadyang may hinahabol lang siyang deadline ng 4PM. Mabuti na lang at nandyan si Wonwoo.

 

“Thank you, Won. Sobrang-sakto yung dating mo,” sabi ni Mingyu. Ni-minimize niya muna ang Excel at binigay ang buong atensyon sa katabi. “Bakit ka pala nandito?”

 

“Wala lang. Bored na ako, ang aga ko natapos yung allocation ko sa project namin. Ayaw ko naman sabihin kasi baka ibigay yung mga hindi pa tapos sa akin.”

 

“Wow, congrats, Won. Narinig ko, isusunod daw agad Phase 2 niyang project niyo.”

 

Sumimangot si Wonwoo. Kinagat ni Mingyu ang loob ng labi niya para pigilan ang sarili na sabihin na ang cute ni Wonwoo. Para kasi ito yung galit na cat emoji. “Hindi na natapos yung project na ‘yan, nakakaumay na.”

 

Nag-cellphone lang si Wonwoo sa tabi niya habang siya naman ay muling inabala ang sarili sa Excel. Maya-maya pa ay muling nagsalita ang katabi niya.

 

“Min, napakinggan mo na ba yung kanta ng Fleetwood Mac na Silver Springs?”

 

“Hindi ako familiar. Baka narinig ko na pero hindi ko lang alam yung title.”

 

“Pakinggan natin. Stuck na siya sa utak ko mula kagabi kasi paulit-ulit kong naririnig sa TikTok.”

 

Muling kinuha ni Wonwoo ang mouse ni Mingyu at binuksan ang Spotify app sa computer niya. Inalis naman ni Mingyu ang kaliwang earphone niya at binigay kay Wonwoo.

 

“Pakinggan mo,” sabi nito. Pinindot pa ni Wonwoo ang video kaya pinanood nila ang live performance ng Fleetwood Mac.

 

Sinubukan ni Mingyu na pakinggan ang kanta, pero hindi niya mapigilang madistract dahil:

  1. Pinuntahan siya ni Wonwoo dahil lang bored siya
  2. Effortlessly siyang tinulungan nito sa problema niya sa Excel
  3. Share sila ngayon ng earphones kahit na hindi romantic ang pinakikinggan nila.

 

Ilang beses siyang kumurap to snap back to reality. Kalahati na ang kanta at tumatango-tango si Wonwoo habang pinakikinggan ito. “Hindi mo pa ‘to narinig?”

 

“Hindi pa. Hindi nakarating sa FYP ko ‘yan sa TikTok.”

 

Tumawa si Wonwoo. “Paano, puro kalokohan nasa FYP mo. Yung streak natin, ah?”

 

Patuloy silang nakinig ng iba’t ibang kanta hanggang sa naalala ni Wonwoo na may inutos sa kanya ang manager niya.

 

Ginanahan na si Mingyu magtrabaho hanggang uwian at natapos pa nang maaga sa kailangan niyang ipasa.



⋆。𖦹°⭒˚。⋆



“Hala, mukhang paulan,” sabi ni Wonwoo.

 

Nakatayo sila ngayon sa tapat ng bintana, parehas na may hawak na mug. Kape kay Mingyu at hot chocolate naman ang kay Wonwoo. Isa sa hilig nilang gawin tuwing inaantok na sila ay kumuha ng maiinom sa vending machine nila at tanawin ang mga dumadaan na tao at sasakyan sa baba. 

 

Madilim ang langit at mukha ngang uulan. Napatingin si Mingyu sa suot ni Wonwoo na puting pantalon at naawa rito. Ngayon na nga lang ito nagsuot ng puti, mukhang mapuputikan pa.

 

“Sana bumuhos na bago pa tayo umuwi. Nagdala ka na ba ng payong?” tanong ni Mingyu.

 

Tumingin sa kanya si Wonwoo at ngumiti. “Hehe. Siyempre nalimutan ko na naman sa bahay.”

 

“Para saan pa ang payong mo kung hindi mo naman dadalhin? Bahala ka mabasa mamaya, ah!”

 

Pero siyempre ay hindi hahayaan ni Mingyu na mabasa si Wonwoo. Madali itong magkasakit, kaya naman kahit na ang bigat ng bag ni Mingyu ay palagi siyang may dalang payong. May isang beses kasi dati na parehas silang walang dala at tinakbo na lang ang daan papuntang office. Kalagitnaan ng araw ay singhot na nang singhot si Wonwoo at kinagabihan ay may lagnat na.

 

Kawawa ang baby niya.

 

Bumalik na sila sa kani-kanilang upuan. Ilang oras pa bago mag-uwian, kaya naman kailangan muna nilang magpaka-productive. Pero hindi rin nagtagal ay nakatanggap ng notification si Mingyu mula kay Wonwoo sa Teams.



Wonwoo Raphael Jeon

min

nag-offer si hannie isabay tayo

may dala raw na kotse si cheol



Mingyu Rafael Kim

Sakto. Di na mapuputikan pants mo 😁



Isa sa dahilan kung bakit kambal ang tawag sa kanila ng officemates nila ang pareho nilang second name na magkaiba lang ng spelling. Bukod pa rito ay pareho silang matangkad (mas matangkad lang nang kaunti si Mingyu), pareho silang nakasalamin (mas mataas lang ang grado ni Wonwoo), at ayon sa iba ay magkamukha na sila dahil lagi nga silang magkasama.

 

Para sa officemates nila, coincidences ‘yon. Para rin naman kay Mingyu dati. Pero siyempre ngayon na crush niya na si Wonwoo ay kinikilig na siya tuwing nakikita ang pangalan nila. Kung dati ay coincidence lang, ngayon ay tadhana na ito para sa kanya.



trueee

magddate raw kasi sila sa glo



Tayo rin



“Hala, gago, nasend,” nasabi ni Mingyu nang malakas. Napatingin sa kanya ang senior nilang si Joshua kaya nginitian niya ito at nag-sorry.



sa glo ang punta

Diba sabi mo rin titingin ka ng hydroflask?



Napaupo siya nang maayos. Salamat naman at naitawid niya ‘yon. Hay nako, Mingyu!



sa sweldo na langgg

diretso uwi na tayo

baka ma-stranded pa tayo :(



Malapit na sila sa Glorietta nang bumuhos ang malakas na ulan. Ibinaba sila ni Cheol sa labas ng SM para kaunti na lang daw ang lalakarin nila. Naunang bumaba si Wonwoo at tumakbo sa may silong para hindi mabasa.

 

“Wait lang, Min, nag-fog yung salamin ko,” sabi nito.

 

Natawa si Mingyu at tinabihan ito. Naramdaman niya ang bahagyang pagtaas ng laylayan ng damit niya nang ito ang gamitin ni Wonwoo na pamunas. Kahit nag-fog din ang salamin niya ay hinayaan niya muna itong matapos.

 

“Nag-fog din yung sa’yo! Amin na, pupunasan ko.”

 

Nakangiti siyang pinanonood si Wonwoo na punasan ang salamin niya. Hindi nawala sa paningin niya ang unti-unting pagbalik ng fog sa gilid ng salamin ng kasama.

 

Hala, ang cute.

 

Nang matapos ay binigay na ni Wonwoo ang salamin niya. 

 

“Thank you, Won. Okay ka na?”

 

“Hehe, papunas ulit ako ng salamin ko.”

 

Binuksan na ni Mingyu ang payong niya at nang isuot na ni Wonwoo ang salamin niya ay naglakad na sila papunta sa tawiran. Habang naghihintay tumawid ay nagkatinginan sila ni Wonwoo at pareho silang natawa dahil nag-fog na naman ang mga salamin nila. Napapaligiran sila ng mga taong nagmamadaling umuwi at mga sasakyang binubusinahan ang isa’t isa. Pero sa sandaling iyon ay tila silang dalawa lang ang nandoon. 

 

Sa sandaling iyon ay ginusto ni Mingyu na hawakan ang kamay ni Wonwoo.

 

Pero hindi niya ginawa. 

 

Mag-iipon muna ako ng lakas ng loob para umamin.



⋆。𖦹°⭒˚。⋆



Pero naunahan si Mingyu.

 

Mariin niyang ipinikit ang mga mata niya at palihim na kinurot ang likod ng palad niya. Ilang beses na itong napanaginipan ni Mingyu kaya naman akala niya ay nananaginip siya. Hindi rin nakatulong na medyo tinamaan na siya ng ininom nilang Cuervo. Hindi siya mabilis malasing, pero dahil pati ang shots ni Wonwoo ay siya ang uminom ay medyo nahihilo na siya.

 

“Min?” 

 

Muling napakurap si Mingyu. “Won…”

 

Umamin si Wonwoo sa kanya. Matagal na raw siyang gusto nito.

 

Parang pinipiga ang puso ni Mingyu nang makitang unti-unti nang naluluha si Wonwoo. 

 

“Oh my God. This is a mistake. Hindi dapat ako umam-“

 

Hindi na pinatapos ni Mingyu si Wonwoo sa sinasabi nito. Niyakap niya si Wonwoo at napa-buntong hininga. Ang tagal na niyang pinapangarap ito. Hindi lang niya inaasahan na sa team building ng department nila ito mangyayari. Parang nawala ang tama niya sa katawan. Gusto niyang maalala ang sandaling itong ang tagal na niyang pinapangarap.

 

“Gusto rin kita, Wonwoo.”

 

“Talaga ba? Baka napipilitan ka lang.”

 

Natawa si Mingyu. “Gustong-gusto kita. Nag-iipon lang ako ng lakas ng loob para umamin sa’yo pero naunahan mo na ako.”

 

Magkahawak-kamay silang naglakad papunta sa mga upuan sa tabi ng pool. Mula sa kinauupuan nila ay rinig nila ang paghampas ng alon ng dagat sa dalampasigan. Hinubad ni Mingyu ang suot niyang jacket at isinuot ito kay Wonwoo.

 

“Alam mo, ang tagal bago ko inamin sa sarili ko na gusto kita. Palagi ko nakikita sa TikTok yung videos na hindi mo gusto yung kasama mo sa work, confused ka lang kasi palagi mo silang kasama,” panimula ni Wonwoo. “Naisip ko tuloy, baka tama sila. Kaso, patagal nang patagal, mas dumarami yung paruparo sa tiyan ko tuwing kasama kita. You make me happy, Min. You understand me more than anyone else. Nandyan ka palagi para pagaanin ang bawat araw ko. Mas malaki pa tiwala mo sa akin kesa sa tiwala ko sa sarili ko.”

 

“Malaki tiwala ko sa’yo kasi nakikita ko just how capable you are in everything you do, Won. Kaya palagi lang akong nandito para ipaalala sa’yo ‘yon.” Hinawakan ni Mingyu ang kamay ni Wonwoo. “Sorry dahil hindi ako nagkaroon agad ng lakas ng loob para umamin. Aaminin ko, natakot talaga ako. Friendship natin ang itataya natin, Won. Masyado na akong nasanay na nasa buhay kita na hindi ko alam anong gagawin ko kapag nawala ka. You make me so happy, too. Hindi ako morning person, Won. Pero nagkaroon ako ng rason para gumising sa bawat umaga nang nakangiti kasi alam kong makikita kita. Kahit pa gaano kasiksikan sa tren pauwi, masaya ako dahil kasama kita. Gusto kita pasayahin katulad ng pagpapasaya mo sa akin.”

 

Sa ilalim ng langit na puno ng tala ay hinaplos ni Mingyu ang pisngi ni Wonwoo at hinalikan ito sa noo.



⋆。𖦹°⭒˚。⋆



Oo, nag-aminan na sila, pero walang alam ang mga tao sa office. Gusto nilang dalawa na i-enjoy ang ligawan phase nang hindi minamata ng mga chismoso at chismosa nilang katrabaho. Wala naman kasing nagbago; kung paano sila sa mutual pining era nila ay ganoon pa rin sila ngayon. Sa office.

 

Kung sa office ay walang nagbago, ibang-iba sila sa labas ng 8 to 5 nila. Nahahawakan na niya ang kamay ni Wonwoo. Palaging si Wonwoo ang unang humahawak ng kamay niya o kung hindi naman ay nililingkis ang braso nito sa kanya. Isa ito sa nalaman ni Mingyu, na touchy pala si Wonwoo. Wala naman itong problema sa kanya. Hello, ang tagal niya itong pinangarap at sobra-sobra pa ang binigay ni Lord.

 

Maraming bago, pero ang pinaka-favorite niya sa lahat? Good morning texts galing kay Wonwoo. Kung dati ay notifications galing sa GCash sa kung ano na namang pinopromote nito ang una niyang nakikita niya sa cellphone niya, ngayon ay notification na galing kay Wonwoo. Mas nauuna kasi itong magising dahil galing pa itong Bulacan, habang si Mingyu naman ay taga-QC lang.

 

Messenger

4:33 AM

won 😼

good morning, min

sobrang nakakatamad pumasok

mag-sl kaya ako

joke sayang pto



5:15 AM

nakaalis na meeee

hinatid ako ni papa sa sakayan ng bus yay



5:30 AM

good morning, won

ingat kayo ni tito 😸

may baon akong kaldereta hehe



yayyyy

nakasakay na ako ng bus

ingat papasok, min



i will po. ingat ka rin

babangon na rin ako

see you :)

 

Kung dati ay motibasyon lang niya sa pagbangon sa umaga ay makita si Wonwoo (at honestly, para kumita ng pera), ngayon nakangiti na siyang gumigising dahil alam niyang may naghihintay na good morning text sa kanya. Minsan ay naiisip ni Mingyu na para siyang tanga dahil kahit nasaan siya, basta maisip lang niyang ganito na sila ni Wonwoo ngayon ay napapangiti siya.

 

Si Mingyu ang palaging nauuna sa labas ng Subway. Parehas silang sa North EDSA station ng MRT sumasakay, pero dahil unpredictable ang traffic, lalo na para kay Wonwoo na galing pang Malolos ay sa Ayala na sila nagkikita dahil malapit na ito sa office. 

 

Inabala niya muna ang sarili niya sa pagbabasa ng emails at messages sa Teams para alam niya kung ano ang aasahan niya pagdating sa office. Nakakunot na ang noo ni Mingyu dahil ang haba ng email thread kung saan siya dinamay ng manager niya nang makita siya ni Wonwoo.

 

“Ayan, kaya sabi sa’yo ‘wag ka magbukas ng office apps outside of work eh,” sabi nito.

 

Agad na nawala ang inis ni Mingyu at ngumiti. “Won,” bati nito. Nasa likod ni Wonwoo nanggagaling ang sinag ng araw, kaya para itong galing sa liwanag. Sobrang ganda, isip ni Mingyu. Kinuha niya ang dalang lunch box ni Wonwoo at hinawakan ang kamay nito.

 

“Traffic?” tanong ni Mingyu habang naglalakad sila pababa ng istasyon. 

 

“Medyo lang. Ano na naman pinapagawa sa’yo niyang manager mo at kunot na kunot noo mo?”

 

Hinayaan ni Wonwoo na magkwento si Mingyu. Sa kanilang dalawa kasi ay si Wonwoo ang sinwerte na magkaroon ng manager na mabait at hindi inaasa sa kanya ang lahat, habang kabaliktaran naman ang kay Mingyu na ginagawang personal secretary ng manager nito. 

 

Naalala tuloy niya ang chismis noon na bet daw si Mingyu ng manager nito na pinagtawanan lang nila. Bet na utusan, ang sabi ni Mingyu.

 

“Sorry sa rant, Won. Ang aga-aga pa. I-uuninstall ko na talaga ‘yang work apps sa phone ko.”

 

Mahinang hinampas ni Wonwoo ang braso ni Mingyu. “Bakit ka naman nagsosorry? Pwede kang magsabi sa akin anytime, okay? Kakampi mo ako inside and outside of work. Kahit ano pa ‘yan, kahit sa tingin mo ay sobrang babaw, i-share mo sa akin. Ganun ka rin naman sa akin, diba?”

 

Tumango si Mingyu at tatlong beses na hinigpitan ni Wonwoo ang hawak nito sa kamay niya. “Kainin na natin yung pandesal dyan sa baunan ko para magkalaman sikmura mo kasi paniyak hindi ka na naman makakakain sa sobrang busy. Ipapakulam ko na talaga ‘yang manager mo.”



⋆。𖦹°⭒˚。⋆



Hindi mapakali si Mingyu sa kaba.

 

Simula pagkabata ay madali para sa kanyang makasundo ang magulang ng mga kaibigan niya. Pero ngayon na ipakikilala siya ni Wonwoo sa pamilya niya ay para siyang uod na inasinan.

 

Siyempre, gusto niyang maganda ang first impression sa kanya ng pamilya nito. Sa mahigit dalawang taon nilang magkaibigan ay alam ni Mingyu kung gaano kaimportante para kay Wonwoo ang pamilya niya. Madalas ay nakukwento nito ang nakababatang kapatid na si Seokmin na five years old pa lang.

 

Naka ilang check pa si Mingyu sa itsura niya sa rearview mirror bago siya bumaba ng kotse, bitbit ang paper bag na may ilang boxes of cookies na siya mismo ang nag-bake. Nabanggit kasi ni Wonwoo na mahilig ang pamilya niya sa cookies. Para maging special ay naisipan niyang ipag-bake na lang sila sa tulong ng kapatid niyang si Minseo. Pumasa naman ito sa mama at kapatid niya, kaya kampante siya ngayon. Sa arte ba naman ni Minseo, eh.

 

Bumukas ang gate at tinakbo ni Wonwoo ang distansya nila para yumakap. Habang magkayakap sila ay hinalikan ni Mingyu ang noo nito. Isa ang height difference nila sa mga gusto ni Mingyu dahil madali niyang mapatakan ng halik ang noo ni Wonwoo. Perfect height difference, kumbaga.

 

“Ano ‘yang dala mo, Min?” tanong ni Wonwoo.

 

Tinaas ni Mingyu ang paperbag na dala. “Cookies, Won. Binake namin ni Minseo.”

 

“Hala, excited na akong matikman! Ang dami rin niluto ni Mama. Tinanong niya kasi kung ano mga paborito mong pagkain. Sinabi ko lahat ng alam ko, pero hindi ko naman alam na halos lahat eh lulutuin niya.”

 

Agad na nakaramdam si Mingyu ng hiya. “Hala, baka naman masyadong napagod si Tita?”

 

“Si OA. Love language ni Mama ‘yan, kaya okay na okay lang sa kanya. Excited kasi silang makilala ka. Tsaka isa pa, tinulungan ko siya magluto, ‘no.”

 

“Naks, pwede na mag-asawa,” pang-aasar ni Mingyu.

 

“Ako?”

 

“Hindi, baka si Tita.”

 

Sinamaan siya ni Wonwoo ng tingin at hinila na siya papasok ng bahay. Ang malawak na sala ng mga Jeon ang agad na sumalubong sa kanya at nakaupo ang Papa ni Wonwoo sa sofa, nanonood ng TV. Nang marinig nito ang pagpasok nila ay lumingon ito.

 

“Ma, nandito na sila!” sigaw ni Bobby, ang papa ni Wonwoo.

 

Inalis ni Mingyu ang sapatos niya at sinundan si Wonwoo na umupo sa tabi ng papa nito. Nilahad ni Mingyu ang kamay niya para magmano at binigay naman nito ang kamay niya. Pagkamano ay mahinang tinapik nito ang ulo niya.

 

“Pa, si Mingyu.”

 

“Hello po, Tito. Nice to meet you po.”

 

Tumango si Tito Bobby. “Hindi ka naman ba nahirapan hanapin itong bahay namin?”

 

“Hindi naman po. Buti na lang po hindi nagloko yung Waze,” sagot ni Mingyu, kahit na ang totoo ay naligaw siya saglit dahil nawalan siya ng signal. Nasa bandang dulo ng subdivision ang bahay nila Wonwoo at malayo mula sa main gate.

 

“Mabuti naman kung ganoon. Nagbibihis pa ang mama ni Wonwoo. Umupo ka na muna.”

 

Nagtama ang tingin nila ni Wonwoo na ngiting-ngiti sa kanya, kaya napawi kahit papaano ang kaba niya. Tinabihan niya ito at iginala ang tingin sa paligid. Nakita niya ang mga picture frame sa ibabaw ng TV shelf at nakuha ang atensyon niya ng isang graduation picture na sigurado siyang si Wonwoo noong preschool.

 

Sobrang cute! Gusto niya itong kuhanan ng picture sa cellphone niya para magkaroon siya ng kopya, pero dahil nahihiya siya ay nanatili na lang siyang nakaupo.

 

Lahat sila ay napalingon nang marinig nila ang pagkalabog sa hagdan.

 

“Oopsie, my toy fell,” sabi ng cute na cute na kapatid ni Wonwoo. Tumakbo ito papunta sa kuya niya at tinuro si Mingyu.

 

“Who are you?”

 

Natawa sila. “Hi, Seok. I’m Kuya Mingyu.”

 

“Okay,” sagot ni Seokmin, dahilan para matawa ulit sila. Totoo nga ang sabi ni Wonwoo noon na masungit ang bata sa mga hindi nito kilala.

 

“Seok, I told you to be careful while going down the stairs!”

 

Tumayo na sina Mingyu at Wonwoo nang marinig na pababa na rin si Annie, ang mama ni Wonwoo. Lumapad ang ngiti nito nang makita si Mingyu.

 

“Ay nako, nadagdagan na naman ng matangkad ang pamilyang ito,” sabi ni Tita Annie.

 

Lumapit si Mingyu rito at nag-mano. “Hello po, Tita. Mingyu po.”

 

“Kaawaan ka ng Diyos. Halika na, kumain na tayo bago lumamig yung mga niluto namin ni Wonwoo.”

 

Iba’t ibang putahe nga ang inihanda nila. Habang kumakain ay halos hindi tumigil si Tita Annie sa pag-abot ng pagkain sa kanya. Nagkwentuhan din sila tungkol sa trabaho, sa kabataan ni Wonwoo, at tungkol na rin sa mga interes ni Mingyu. Base pa lang sa mga kwento noon ni Wonwoo sa pamilya niya ay alam na niyang masaya sa tahanan nila, pero ngayon na first hand na niya itong naranasan ay alam niyang kaya puno ng pagmamahal si Wonwoo ay dahil ganito ang kinalakihan niya.

 

“Busog?” tanong ni Wonwoo.

 

Nagpresenta si Mingyu na tumulong sa paghugas ng plato. Ayaw pa sana ni Tito Bobby dahil siya sana ang gagawa, pero sinabi ni Wonwoo na silang dalawa na ang bahala. Kaya heto sila ngayon, parehas na naka-apron, naghuhugas ng plato. Si Mingyu ang nagsasabon habang si Wonwoo ang nagbabanlaw.

 

“Super. Grabe yung sinigang, ayun yata pinaka favorite ko sa lahat.”

 

“Nakahanda na rin yung pabaon sa’yo ni Mama. Ibalik mo sa akin yung tupperware pagpasok sa Monday, ah? Mas mahal ni Mama ‘yon kesa sa akin.”

 

Akala ni Mingyu ay nagjojoke lang si Wonwoo, pero nang paalis na siya ay binigyan siya ni Tita Annie ng dalawang mabibigat na paperbag.

 

“Hala, Tita, nag-abala pa po kayo,” sabi ni Mingyu. 

 

Umiling ang mama ni Wonwoo. “Ano ka ba, okay lang ‘yan. Mag-ingat sa pagmaneho, ah?”

 

“Thank you po, Tita.”

 

Nagmano na ulit si Mingyu sa magulang ni Wonwoo at nakipag-apir naman si Seok. Pagkatapos magpasalamat muli ay lumabas na sila ni Wonwoo. Hawak ni Mingyu ang dalawang paperbag sa isang kamay, habang ang kamay ni Wonwoo naman sa isa.

 

Pinagbuksan niya ng pinto si Wonwoo at hinintay siyang makasakay bago sinara ito. Nilagay na rin niya ang pabaon sa backseat at siniguradong hindi ito tatapon.

 

“Thank you for meeting my family, Min.” 

 

“Thank you for allowing me to meet your family. Alam ko kung gaano sila kaimportante sa’yo.”

 

“Hmm. Ikaw pinakaunang pinakilala ko sa kanila.”

 

In that moment, wala nang ibang gustong gawin si Mingyu kundi mahagkan si Wonwoo. Ilang segundo niya itong pinag-isipan, at nang makita niyang bumaba ang tingin ni Wonwoo sa labi niya ay marahan niyang hinawakan ang pisngi nito at sinara ang maliit na distansya sa pagitan nila.



⋆。𖦹°⭒˚。⋆



Be my Valentine?

 

You

To Wonwoo Raphael Jeon

 

Hi Wonwoo,

Valentine’s Day is just around the corner, and it would be an honor to have you as my date. If you say yes, I would love to pick you up at your home at five o’clock in the afternoon so we can arrive in time for our reservation at your favorite restaurant. I promise to take care of you throughout the evening and bring you home safely before Tito and Tita’s curfew, though I wish the night did not have to end.

I would love to hear your thoughts.

 

Yours forever,

Mingyu Rafael Kim



RE: Be my Valentine?

 

Wonwoo Raphael Jeon

To You

 

Hi Mingyu,

 

I would love to be your date. I cannot wait to spend our first valentines together.

 

With all my love,

Wonwoo Raphael Jeon



⋆。𖦹°⭒˚。⋆



Nagkukumpulan ang officemates nila nang dumating sina Mingyu at Wonwoo sa office. Paniyak ay may bagong pinagchichismisan ang mga ito, kaya hindi sila pinansin ng dalawa at dumiretso na lang sa kani-kanilang upuan. Ngunit hindi rin nagtagal ang kapayapaan ni Mingyu nang lumapit sa kanya si Jaehyun habang naglo-login siya.

 

“Gyu,” bati nito. Nginitian siya ni Mingyu at nagpatuloy sa pagbukas ng Outlook at Teams.

 

Alam ni Mingyu na hindi lang magiging mabilis ang usapan nila nang hilahin ni Jaehyun ang bakanteng upuan sa tabi niya at umupo. Mabait naman si Jaehyun at maayos katrabaho. Hindi lang masyado itong gusto ni Mingyu dahil dati pa lang ay nagpapapansin na ito kay Wonwoo. Walang isyu kay Mingyu noon, pero ngayon na nililigawan niya si Wonwoo ay badtrip na siya rito.

 

Biglang nagka-ideya si Mingyu sa kung anong pakay ni Jaehyun.

 

“Nakita mo mga story ni Wonwoo nung Sabado sa Instagram?”

 

Siyempre, nakita ni Mingyu dahil naka-mention siya doon. Pinost ni Wonwoo sa story niya ang binigay niyang bouquet, nakalagay sa hita nito at kinuhanan sa loob ng kotse siya. Ang kasunod naman na story ni Wonwoo ay kinuhanan sa restaurant at kita ang pagkain nila. Hindi kita si Mingyu sa stories, pero sa pangalawang story ay kita ang kamay niya. Ni-restory ‘yon ni Mingyu pero naka-close friends lang, katulad ng napagkasunduan nila ni Wonwoo. Wala pa rin alam ang mga tao sa office, maliban na lang kina Seungcheol at Jeonghan na kaibigan nilang dalawa.

 

Ngayon na nagtatanong ng ganito si Jaehyun ay naisip ni Mingyu na i-add si Jaehyun sa close friends niya nang makita nitong siya ang kasama ni Wonwoo kagabi. Pero dahil ayaw niya ng gulo sa kapayapaan nila ni Wonwoo ay pinatulan na lang niya ang tanong ni Jaehyun. “Hindi ko nakita, ‘tol. Patingin?” tanong niya.

 

Nilabas ni Jaehyun ang cellphone niya at nakita niyang nasa tuktok ng search history nito si Wonwoo. “Expired na yung story, pre. May ka-valentines na pala si Wonwoo. Kilala mo kung sino?”

 

Kinagat ni Mingyu ang dila niya para pigilan ang sariling mapangiti. Para siyang tanga dahil kinikilig na naman siya. “Hindi, pre. Hindi naman namin napag-uusapan mga lovelife namin.”

 

“Hay, namiss ko yung chance. Sige pre, lulunurin ko na lang sarili ko sa trabaho,” sabi ni Jaehyun. Tumayo na ito at tinapik ang balikat niya bago umalis.

 

Sorry na lang, Jaehyun.



⋆。𖦹°⭒˚。⋆



Teams

March 31 12:25 PM

 

Mingyu Rafael Jeon

Won, kaya lunch ng 12:30?



Wonwoo Raphael Jeon

minnn

mukhang hindi kaya :(

internal deadline nung proj today

ang dami ko pang pending

una na kayo



babe, hindi pwedeng hindi ka maglunch

malilipasan ka ng gutom niyan.

kumain tayo saglit and i won’t bother you

again until EOD



sige na nga

kanina pa kumukulo tiyan ko tbh



kawawa ang baby ko na yan

papasara ko na ‘tong kumpanya eh

hala, joke lang po IT

pero save mo na muna yung ginagawa mo

daanan kita diyan



⋆。𖦹°⭒˚。⋆




Nagrerewatch si Mingyu ng Season 1 ng The Office sa kwarto niya. Patapos na ang weekend, pero hindi niya kailangan pilitin ang sariling matulog na dahil naka-leave siya bukas. Maagang natulog si Wonwoo, kaya heto siya ngayon, nagbi-binge watch.

 

Ni-pause niya ang pinanonood nang may kumatok sa pinto niya. Hinayaan lang niya dahil pumapasok din naman si Minseo pagkatapos ng ilang katok. Pero matapos ang ilang katok ay hindi pa rin ito pumapasok, kaya napilitan si Mingyu na tumayo at buksan ang pinto.

 

“Happy Birthday, Kuya!”

 

Hindi makapaniwala si Mingyu sa nakikita. Nandoon ang mama at papa niya, pati na rin si Minseo na hawak ang aso nilang si Bobpul. Pero ang nagpagulat kay Mingyu ay nandoon si Wonwoo, hawak ang cake at may suot din na party hat.

 

“Won?!” sabi niya, gulat na gulat. 

 

“Blow your candles na, Gyu!” sabi ng mama niya.

 

Kung hindi nasurpresa si Mingyu ay kukuhanan niya ng litrato ang nasa harapan niya, pero dahil nga sinurpresa siya ay wala na siyang ibang nagawa kundi i-blow ang candles sa cake.

 

Sinundan ni Mingyu ng tingin si Wonwoo na lumikod para hayaan ang pamilya niyang yakapin at batiin siya. Nilapag nito ang cake sa ibabaw ng drawer na nasa pagitan ng kwarto nilang dalawa ni Minseo.

 

“Happy Birthday, Kuya! Gulat ka, ‘no?” sabi ni Minseo. “Enjoy!”

 

Hinila ni Minseo ang mama at papa nila pababa at silang dalawa na lang ni Wonwoo ang naiwan. Doon lang naalala ni Mingyu na wala siyang suot na pantaas at tanging shorts lang ang suot niya.

 

Hinila niya si Wonwoo palapit at niyakap ito. “Akala ko ba, tulog ka na?”

 

“Siyempre, hindi ko papalagpasin birthday mo, ‘no. Nagtampo ka ba?”

 

“Hindi naman. Naisip ko baka masyado kang antok kaya nawala sa isip mo.”

 

Tumingala si Wonwoo at mabilis siyang hinalikan. “Happy birthday, Min.”

 

Bago pa masyadong malunod si Mingyu ay hinila niya papasok si Wonwoo ng kwarto at muling siniil ng halik ang labi nito.



⋆。𖦹°⭒˚。⋆



Nag-file rin pala ng vacation leave si Wonwoo. Ang kwento nito, March pa lang ay magkausap na sila ni Minseo sa Messenger para paghandaan ang surprise na ito. Kinausap din ni Wonwoo ang Mama Carmella at Papa Steven niya. Apparently, kinita na sila ni Wonwoo sa SM North kasama si Minseo dahil nahihiya siyang ang maging unang meeting nila ay makiki-sleepover agad siya. 

 

Mingyu felt his heart soar dahil sa effort ni Wonwoo. Kung kailan lang ay pinapangarap niyang hawakan ang kamay ni Wonwoo. Ngayon ay heto sila, magkayakap sa kama niya. Minsan ay hindi pa rin makapaniwala si Mingyu na nasa loob siya ng isa sa mga panalangin niyang sinagot ng Panginoon.

 

“Nag-drive ka papunta dito, babe? Nagpaalam ka ba kina Tita?”

 

Siniksik ni Wonwoo ang mukha niya sa leeg ni Mingyu at hinigpitan ang yakap sa kanya. “Hmm. Basta raw mag-behave tayo.”

 

Uminit ang mukha ni Mingyu nang makita ang nagkalat na mga markang ginawa niya sa leeg hanggang balikat ni Wonwoo. Papasuotin na lang niya ito ng jacket pauwi.

 

Kumawala si Wonwoo sa pagkakayakap sa kanya at kinuha ang dalang paperbag. Sinundan siya ni Mingyu ng tingin at nakangiti itong pinanood bumalik sa tabi niya.

 

“Gift ko sa’yo.”

 

Kinuha ni Mingyu ang paperbag at binuksan ito. Sa loob ay cap na katulad ng binigay sa kanya ng lola niyang namayapa na. Ilang taon itong iningatan ni Mingyu, hanggang sa nanakaw ito sa Elyu. Ilang araw siyang hinayaan ni Wonwoo na maging malungkot tungkol dito. Ilang beses niyang sinubukan na humanap ng katulad nito, pero wala siyang nakita.

 

Hanggang ngayon.

 

Unti-unting namuo ang luha sa mata ni Mingyu. Ginapang ni Wonwoo ang distansya nila at niyakap siya. Marahang pinadadaanan ni Wonwoo ng daliri ang buhok niya, hinihintay siyang tumahan.

 

“‘Wag ka na umiyak, babe. May isa pa akong regalo sa’yo.”

 

Kinuha ni Wonwoo ang envelope sa loob ng paperbag at binigay sa kanya. Agad na napangiti si Mingyu nang makitang kopya ng graduation picture niya noong elementary ang nasa loob. Nakwento niya kasing nanhihinayang siyang hindi niya nakuhanan ito ng picture nang pumunta siya sa kanila.

 

“Thank you, Won.”

 

Hinalikan siya ni Wonwoo sa pisngi. “You’re welcome. May isa pa.”

 

“Dami, ah. Ano ‘yon?”

 

“Sinasagot na kita.”



⋆。𖦹°⭒˚。⋆



Teams

May 15 3:34 PM



Mingyu Rafael Kim

babe

samahan ko lang si cheol

smoke break



Wonwoo Raphael Jeon

okayyy

okay ka lang?

 

yes, my love.

stressed lang talaga

daming utos ni JEL, sabay-sabay pa



baka may pwede akong saluhin?

kahit isa lang



okay langgg. baka busy ka pa

friday pa naman



patapos na ko sa ginagawa ko, babe

sige na, para matulungan kita



kung wala ka na talagang ibang gagawin, 

pwedeng paki-run na lang ng lahat 

ng pumasok na tasks para sa project 

namin mula monday, babe?

paki-paste yung data sa excel and send mo

sa akin. para pagbalik namin ni cheol

masimulan ko na gawan ng running stats



okay po

yan lang?



last na, babe, yung new hire

si dongjun nagpapatulong

kasi hindi maintindihan yung gagawin

sa pag-screen ng notes

paki tulungan na lang din, please



ako na bahala, min. kaya ko na ‘to

sige na, baba na kayo ni cheol



thank you, won.

i appreciate you

so much



Pagbalik ni Mingyu mula smoke break ay may naghihintay na mainit na kape sa mesa niya. Mula sa mesa niya ay natanaw niya si Wonwoo na tinuturuan si Dongjun. Napangiti siya at muling umupo para tapusin ang mga inuutos sa kanya.

 

Hindi niya namalayan ang oras, hanggang sa makita niyang nag-aayos na ng gamit ang mga katabi niya dahil uwian na. Napa-buntong hininga si Mingyu at siniguradong naka-save ang ginagawa. 

 

Isang linggo na naman ang na-survive niya.

 

Matapos magpaalam sa mga katabi ay naglakad na si Mingyu papunta kay Wonwoo. Nginitian siya nito at sinuot na ang bag niya.

 

Tahimik lang sila habang nilalakad ang kahabaan ng Ayala Ave papunta sa istasyon ng MRT. Pakiramdam ni Mingyu ay parang hihiwalay ang kaluluwa niya sa sobrang pagod. Pampalubag loob na lang niya ay ang fact na weekend na.

 

Lalagpasan na sana nila ang llaollao nang hilahin siya pabalik ni Wonwoo. “Tara, babe, bili tayo. Deserve na deserve mo ‘to,” sabi nito.

 

Kaya heto sila ngayon, nakatayo sa gilid ng llaollao, kinakain ang in-order ni Wonwoo para sa kanila at pinagtatawanan ang kwento nito tungkol sa ginawa ni Seokmin sa school.

 

Sinwerte sila dahil inaanunsyo ng guard na four car train ang paparating nang makababa sila sa station platform. Halos takbuhin na nila papunta sa dulo kung saan wala masyadong nakapila. Sinwerte rin ulit sila nang parehas silang makaupo at ang lamig ng buga ng aircon sa ulunan nila. Hinawakan ni Wonwoo ang kamay niya at minasahe ito.

 

Sobrang nagpapasalamat si Mingyu dahil may mga araw man na sobrang bigat ay binibigyan pa rin siya ng mundo ng mga rason para magpatuloy. Nagsisilbi itong paalala sa kanya na kahit gaano kabigat ang araw ay lilipas din ito. It’s a bad day, not a bad life.

 

Nang makatulog si Mingyu ay hinilig ni Wonwoo ang ulo nito sa balikat niya at hinawakan ang gilid nito para manatili lang doon.



⋆。𖦹°⭒˚。⋆



Mid-Year Promotions

 

Jihoon Lee

To Financial Data & Analytics Team, +17

 

Hello everyone,

Please join me in recognizing and celebrating @Mingyu Rafael Kim and @Wonwoo Raphael Jeon who have been promoted this mid-year, effective July 1, 2026. 

Your hardwork, dedication, and contributions have truly paid off, and this milestone is well deserved. Congratulations on this achievement, and we wish you continued success and growth as you step into your new roles. We’re excited to see all that you will accomplish in this next chapter!

Regards,

Jihoon 

 

RE: Mid-Year Promotions

 

Jieun Lee

To Financial Data & Analytics Team, +17

 

Congratulations, Mingyu and Wonwoo, on your well-deserved promotions!

 

Regards,

Jieun Lee

Business Analyst

PLD Philippines, Inc

[email protected]



Teams

July 1 9:30 AM

smoke break

 

Jeonghan Mikhail Yoon

ayan ang couple goals!

congrats, lovebirds Wonwoo Mingyu

❤️2

 

Seungcheol Choi

congrats mga tol!

celebrate natin yan

❤️2

 

Wonwoo Raphael Jeon

thank you guys huhuhuhu

kain tayo sa glo mamaya nyahaha

🎉1 ❤️1

 

Mingyu Rafael Kim

congrats lang Seungcheol,

wala man lang kiss sakin?



Seungcheol Choi

😘



Jeonghan Mikhail Yoon

nasobrahan ka yata sa pagmanifest

ng ganito Wonwoo

puro ganyan ba naman isend mo

sakin sa tiktok



Wonwoo Raphael Jeon

tama na kabaklaan na yan



Mingyu Rafael Kim

babe bakla ka rin

😆3



Teams

July 1 9:45 AM

FD&A All GC

 

Junmyeon Kim

Let us congratulate our newly-promoted

team members, Mingyu and Wonwoo

Congratulations, guys! Job well done.



Soonyoung Kwon

at sabay ring na-promote ang kambal!

congraaats gyu and won!



Seungkwan Boo

congrats, kambal!



Hansol Chwe

sana may pa-pizza

😆 22

 

Seungkwan Boo

beh Hansol wrong send ka yata mhie,,,,,



Hansol Chwe

ay hindi, sadya ‘yan

😆 37



Jieun Lee

Hi Everyone, a gentle reminder that the Cornwell &

Rue project is due today. Thanks. 

 

RE: Mid-Year Promotions

 

Wonwoo Raphael Jeon

To You

 

Congratulations, my love. I have witnessed how dedicated you are to your job, and I feel so happy knowing that your hard work has finally started to pay off. I will always be here whenever you need a helping hand.

Thank you for being the best partner, both at work and especially outside of it.

Love always,

Won



RE: Mid-Year Promotions

 

You

To Wonwoo Raphael Jeon

 

My love,

I am so proud of you. Since day one, you have shown just how knowledgeable you are, and it is evident in everything you do. I wish I were as natural as you at leading people. The future is very bright for you, Won, and I will always be here, cheering you on through the good and the bad.

I would not have done this without you. Thank you for being my anchor.

With all my love,

Min



⋆。𖦹°⭒˚。⋆



Pinatay ni Mingyu ang makina ng kotse at agad na bumaba. Naghihintay sa kanya si Wonwoo at hawak nito si Seokmin na kumakaway sa kanya. Tinakbo niya ang distansya at hinalikan si Wonwoo sa pisngi.

 

“Happy birthday, babe,” bati ni Mingyu. Hinawakan niya ito sa bewang at tsaka tinuon ang pansin kay Seokmin.

 

“Kuya Gyu, karga!”

 

Parehas silang nagulat nang magpakarga ito, kaya hindi inaksaya ni Mingyu ang pagkakataon at agad na binuhat si Seok papasok ng bahay.

 

“Seok, hindi naman ikaw pinunta niyan si Gyu!” pang-aasar ni Wonwoo. Hindi alam ni Mingyu ay kinukuhanan sila ni Wonwoo ng video at bumelat pa ang kapatid.

 

Birthday ni Wonwoo at naka-file rin ng leave si Mingyu. Para hindi halata ay mula Wednesday ay naka-leave na siya. Sakto rin at pinagagamit siya ni Ms. Jieun ng leaves dahil hindi ito ginagamit masyado ni Mingyu. Hindi naman kasi lahat, maco-convert sa pera sa dulo ng taon kaya sayang lang.

 

Inimbita siya ni Tita Annie na sumama sa kanila sa La Union para i-celebrate ang birthday ni Wonwoo. Siyempre ay agad na pumayag si Mingyu. Pinaiwan na lang sa kanya ni Tito Bobby ang kotse niya para isang kotse na lang sila papunta doon. Nag-volunteer si Mingyu na mag-drive para hindi mapagod ang papa ni Wonwoo, pero sinabi nitong sanay siya sa long drives.

 

Hindi rin nagtagal ay kinarga na nila ang mga gamit sa compartment ng kotse. Tamang pagpapasikat lang ang ginawa ni Mingyu habang walang kahirap-hirap na nilagay ang mga gamit sa likod. Nang nagtama ang tingin nila ni Wonwoo ay pasimple niyang kinindatan ito.

 

“Is your eye okay, Kuya Gyu? It did this, eh,” inosenteng sinabi ni Seok at ginaya ang pagkindat ni Mingyu.

 

Tawang-tawa si Wonwoo at sinakay na si Seok sa loob. Nang masigurado nila ni Tito Bobby na okay na ang lahat ay sumakay na rin sila. Nasa gitna nina Mingyu at Wonwoo si Seokmin na nakaupo sa car seat niya.

 

Mula Malolos ay halos apat na oras ang biyahe papuntang Elyu. Inabala na lang ni Mingyu ang sarili sa pagsiguradong entertained si Seokmin habang gising ito. Nanood sila ng paborito nitong movie na Cars at nang makatulog ang bata ay nagkwentuhan na lang silang matatanda.

 

Lagpas lunch time na nang makarating sila sa Elyu. Tumulong lang sila Mingyu at Wonwoo sa pagbaba ng gamit, nagpalit ng damit, at sinimulan nang puntahan ang mga coffee shop at food stalls na gustong subukan ni Wonwoo. Mamayang gabi pa ang celebration nila sa isang restaurant, kaya pumayag ang magulang ni Wonwoo na gumala muna sila ng sila lang dalawa.

 

Sa unang stop nila ay punong-puno ng tao, kaya naman nang makakita sila ng bakanteng upuan ay pinaupo ni Mingyu si Wonwoo.

 

“Maiinitan ka, babe. Ako na lang oorder at ikaw ang maupo rito,” sabi ni Mingyu.

 

“Babe, nasa beach tayo kaya okay lang na mainitan ako. Kaya sige na, umupo ka na dyan. Paki kuha na lang dyan sa bag ko yung fan ko, please.”

 

Kaya naman wala nang nagawa si Mingyu kundi maupo doon at hintayin si Wonwoo na bumalik. Alam ni Mingyu kung gaano ka-excited si Wonwoo dahil ilang araw na puro tungkol sa Elyu ang sinesend nitong videos sa Tiktok. Pinanood niyang lahat ‘yon at gumawa ng listahan. Isang araw, sa isa sa mga rare days sa opisina na wala siya masyadong kailangang gawin, ay nag-research siya kung ano ba talaga ang mga dapat i-try, kasama na ang mga recommendations ng mga tao, inalis ang mga tourist trap lang, at sinend iyon kay Wonwoo. Ayaw niya kasing ma-disappoint ang baby niya kung hindi masarap ang ma-order nila sa birthday nito.

 

Habang naghihintay ay nilibang na lang niya ang sarili sa kanyang cellphone. Binuksan niya ang Instagram at nakita na ang dami niyang notifications. Nag-post kasi siya kaninang 12 AM ng bati niya kay Wonwoo. Puro pictures ito ni Wonwoo at sa dulo ay may picture nilang dalawa.

 

Liked by choicheol and others

mingyukim happy birthday, my partner in crime

 

Ilang minuto ring pinag-isipan ni Mingyu kung okay lang na iyon ang gamitin niyang caption, pero sa huli ay hinayaan na lang niya kung anong isipin ng mga hindi alam ang relasyon nila. Isa pa, may approval din ito ni Wonwoo.

 

Ang daming dala ni Wonwoo nang bumalik ito. Akala ni Mingyu ay tapos na siya mag-order, pero sabi ni Wonwoo ay may babalikan pa raw siya. Alam na niya ang ending nito, siya ang uubos ng lahat ng pagkain dahil mahina kumain ang baby niya.

 

“Kumpleto na, babe?” tanong ni Mingyu nang umupo na si Wonwoo.

 

“Yes, pero wait lang, kukuhanan ko muna ng picture hehe.”

 

Ilang minuto rin ang lumipas at ilang angle ang ginawa ni Wonwoo. Kumuha rin ito ng ilang pictures na kasama si Mingyu at kinuhanan din siya ni Mingyu ng pictures sa cellphone niya. Pinanood niya si Wonwoo na tikman ang isa sa mga kape at napangiti siya nang manlaki ang mata nito. Doon pa lang ay alam ni Mingyu na masarap ang lasa nung kape.

 

“Babe, you should try this. Ang sarap.”

 

Busog na busog si Mingyu nang maubos nila ang mga inorder ni Wonwoo. Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang gilid ng labi ni Wonwoo na may kaunting natira na sauce ng kinain nilang chicken.

 

“Satisfied?” tanong ni Mingyu.

 

Tumango si Wonwoo. “Very. Lakad tayo para mapababa yung kinain natin.”

 

Habang naglalakad sila at hawak ni Mingyu ang kamay ni Wonwoo, hiniling niyang magkaroon ng marami pang araw na katulad nito. Mabagal at walang ibang iniisip kundi saan ang kasunod nilang pupuntahan.

 

Pagsapit ng gabi, kinuha ni Mingyu ang cake na dala niya mula sa ref. Sila ulit ni Minseo ang nag-bake at nagdala siya ng cooler para hindi ito matunaw sa biyahe. Dahil nakumbinsi niya si Tito Bobby na payagang siya naman ang mag-drive papuntang restaurant ay sila ni Wonwoo ang nasa unahan ngayon.

 

Masarap ang pagkain sa napili ni Wonwoo na restaurant. Buti na lang ay nakatulong ang lakad na ginawa nila kanina pagkatapos kumain dahil nagkaroon ulit ng space sa tiyan niya para sa hapunan. Pagkatapos kumain ay pina-serve na ni Mingyu ang cake na ginawa niya para kay Wonwoo. Kinantahan nila ito ng Happy Birthday at kinuhanan siya ni Mingyu ng ilang litrato kasama ang cake.

 

“Thank you for making Wonwoo happy, anak,” sabi ni Tita Annie. Akay-akay niya ito habang naglalakad sila pabalik sa kotse.

 

“He makes me so happy, too, Tita. I promise that I will always try to make him happy.”

 

Hinatid lang nila ang pamilya ni Wonwoo pabalik ng hotel at muli nang pinark ni Mingyu ang kotse. Medyo malamig ang simoy ng hangin kaya naisipan nilang maglakad sa dalampasigan. Bilog na bilog ang buwan at punong-puno ng tala ang kalangitan.

 

“Hindi ko pa pala nabibigay yung gift ko sa’yo,” sabi ni Mingyu.

 

“Ano gift mo sa akin?”

 

“Tara, upo tayo, babe.”

 

Naglakad pa sila ng ilang minuto hanggang sa medyo nakalayo na sila sa mga tao. Nauna siyang umupo at nang makapa na okay ang uupuan ni Wonwoo ay pinaupo niya na ito.

 

Nilabas ni Mingyu sa bulsa niya ang jewelry box at binigay ito kay Wonwoo. Pinanood niya itong buksan ang box. Araw-araw niyang nakikita ang nobyo pero palagi pa rin siyang nabibighani sa gandang taglay nito.

 

“It’s a promise ring, Won. I know I still can’t propose dahil marami pa tayong ibang priorities sa buhay, kaya ito muna,” pagpapaliwanag niya. Nilabas niya ang suot na kwintas na pendant ang singsing na katulad ng kay Wonwoo. “Suot ko na yung akin.”

 

Kinuha ni Wonwoo ang singsing at tinignan ito nang malapitan. Ilang buwan itong pinag-ipunan ni Mingyu at nagpatulong siya kina Seungcheol at Jeonghan sa pagpili nito. 

 

“It’s so beautiful, Min. Thank you.”

 

Pagkatapos tignan ay binigay ni Wonwoo sa kanya ang singsing at inilahad ang kaliwang kamay niya. Sinuot ito ni Mingyu sa daliri ni Wonwoo at hinalikan.

 

“I love you, Won. So, so much.”

 

Hinaplos ni Wonwoo ang gilid ng mukha niya. “I love you too, Min.”

 

Minsan ay pakiramdam ni Mingyu ay nalulunod siya, sa magandang paraan, sa nararamdaman niyang pagmamahal para kay Wonwoo at isa ito sa mga sandaling iyon. Bago matulog ay nagdasal siya para pasalamatan ang Diyos dahil sa buhay na ito, ay natahak niya ang daan kung saan nakilala niya si Wonwoo. Napaka-swerte niya dahil tinugon ng Diyos ang panalangin niya at dumating sa buhay niya ang lalaking pinakamamahal niya.



⋆。𖦹°⭒˚。⋆



Masayang kumakain ang magkakaibigan na sina Mingyu, Wonwoo, Seungcheol, at Jeonghan sa office cafeteria nang lapitan sila ni Jaehyun. Umupo ito sa tabi ni Wonwoo, dahilan para mapataas ang kilay ni Mingyu.

 

“Hi, guys,” bati ni Jaehyun.

 

Kanya-kanya sila sa pagbati dito. Habang chinichika ni Cheol si Jaehyun ay halos idikit na ni Wonwoo ang sarili sa katabing si Jeonghan, malayo lang siya kay Jaehyun. Pinanlakihan siya ni Jeonghan ng mata pero nginitian lang siya ni Wonwoo.

 

“Hindi ka ba bibili ng pagkain, Jae?” tanong ni Mingyu.

 

Umiling si Jaehyun. “Tapos na ko, pre. Kaya lang ako napunta dito kasi Gyu, may kaibigan ako sa Marketing na palagi ka raw nakikita. Maganda siya, pre! Gusto mo ba makita?”

 

Parehas na inubo si Seungcheol at Jeonghan. Si Wonwoo naman ay tinignan lang ang reaksyon ni Mingyu na nakatingin din sa kanya ngayon.

 

Bwisit talaga ‘tong Jaehyun na ‘to, isip ni Mingyu.

 

Sasagot pa lang sana si Mingyu nang maunahan siya ni Wonwoo. “Anong itsura, Jae? Patingin,” sabi nito.

 

Ang walang malay na si Jaehyun ay binigay kay Wonwoo ang cellphone niya. Tahimik ang mesa habang sinusuri ni Wonwoo ang pictures. 

 

“Jaehyun, pre, sorry pe—“ 

 

Hindi natapos si Mingyu sa sinasabi niya dahil binalik ni Wonwoo ang cellphone kay Jaehyun at sinabing, “Hindi naman siya pasok sa type ni Mingyu.”

 

Napakamot si Jaehyun ng batok. “Talaga ba? Sayang naman. Ano bang type mo, Gyu?”

 

“Hala, Jae at Won, nag-message si Sir Junmyeon sa group chat na may biglaang meeting daw tayo. Tara na, baba na tayo,” sabi ni Cheol. Kinindatan nito si Jeonghan at tumayo na.

 

Tawa nang tawa si Jeonghan hanggang sa nawala na ang tatlo sa paningin niya.

 

“Ayan, secret relationship pa kayo, ah.”

 

Naging busy sila hanggang uwian, kaya naman habang naglalakad na sila pauwi ay tsaka pa lang nakausap ni Mingyu ang nobyo tungkol sa nangyari kanina.

 

Kinabahan pa siya dahil unang beses itong nangyari na sila na, pero tinawanan lang siya ni Wonwoo.

 

“Dati pa lang naman ay nangyayari na ‘yan, babe. Ang pinagkaiba lang ngayon ay boyfriend na kita. Wala naman na akong magagawa kasi hello, araw-araw mo naman nakikita sarili mo sa salamin,” pag-explain ni Wonwoo. “Tsaka, hanggang tingin lang sa’yo kaya niyang gawin. Nahahawakan ka ba niya nang ganito? Hindi naman.”

 

Pinagsalikop ni Mingyu ang mga kamay nila. “Ayaw mo pa bang i-hard launch kita, babe? Tayo naman na.”

 

“Let me be clear, Min, gusto kong i-sikreto natin sa office ang relasyon natin kasi ayaw kong pagchismisan tayo. Ayaw kong panoorin ang bawat galaw natin. Gusto ko na ‘tong ganito na malaya tayong nakakapag-interact nang hindi inaasar o binabantayan. Ayaw ko silang makisawsaw. I just want peace for us, babe. Sana ‘wag mong maisip na kinakahiya ko tayo.”

 

“I would never think of it that way, my love. Ayaw ko lang talaga na maulit yung nangyari kanina. Wala naman kasi talaga sa akin kung sikreto tayo sa office kasi ang importante sa akin, yung mga mahal natin sa buhay, tanggap tayo.”

 

“Sus, hayaan mo na. Kapag na lang napuno ako, hahalikan kita sa office sa tapat nilang. Bahala na sa HR pagkatapos.”

 

Kinagabihan ay nakatanggap ng message request sa Messenger si Mingyu mula doon sa kaibigan ni Jaehyun. In-accept ito ni Mingyu at nag-type ng reply.



AUG 10 AT 7:34 PM

 

Charlize Kang

Hi, Mingyu!

I hope we can grab coffee sometime :)

 

Mingyu Kim

Hi, Charlize

Sorry but I am already very much taken.

 

You can no longer reply to this conversation.



⋆。𖦹°⭒˚。⋆



Minsan ay napapa-isip si Mingyu kung worth it ba ang pagod at stress na nakukuha niya sa trabaho. May mga araw na oo, pero mas marami ang mga araw na pakiramdam niya ay binugbog siya ng trabaho at pagkatapos ay paulit-ulit siyang ginulungan.

 

Isa ang araw na ito doon. 

 

Mainit ang ulo ni Ms. Jieun pagpasok pa lang nito ng trabaho. Marami kasing follow-up questions ang higher ups tungkol sa findings ng katatapos lang nilang project. Lahat ng kailangan i-revise at pati na rin ang mga bagong tasks ay kay Mingyu ibinigay.

 

Wala namang problema sa kanya ‘yon. Sanay na siyang maging taga-salo ng ganito, kahit bago pa siya ma-promote. Ang kaso nga lang, habang ginagawa niya ang inutos sa kanya ay padagdag nang padagdag ang pinapagawa sa kanya ni Jieun. Bukod sa mga naunang binigay sa kanya ay walang tigil ang manager niya sa pag-endorse ng emails kay Mingyu na kailangan niya ring sagutin.

 

Parang nalulunod si Mingyu at hindi na niya alam kung ano ang dapat niyang unahin. Sa sobrang kagustuhan ni Jieun na i-push si Mingyu ay nakakalimutan na nitong hindi niya kayang akuin ang lahat ng bagay. Hindi sigurado si Mingyu kung ang ginagawa ni Jieun ay para pa sa career development at stats niya o kung para na lang sa pansariling stats na lang ng manager niya. Hindi naman kasi ganito ang manager ni Wonwoo sa mga tao niya, habang sila na mga under ni Jieun ay parang hindi na makahinga sa dami ng pinagagawa sa kanila.

 

Hindi naman sa tingin ni Mingyu ay hindi nahihirapan sila Wonwoo dahil hindi madali ang trabaho nila. Ang punto niya, ang manager ni Wonwoo ay marunong mag-delegate nang maayos sa mga tao niya kaya pantay-pantay sila ng dami ng gawain, habang sila ay kung sino sa tingin ni Jieun ay mas mabilis na makakagawa ng trabaho para mabigyan niya pa ulit. 

 

Nasa kalagitnaan siya ng pag-type ng reply sa email ng manager ni Wonwoo nang makaramdam siya ng tapik sa balikat niya. Tumingala siya at nakitang si Wonwoo iyon.

 

“Busy pa rin?” tanong ni Wonwoo.

 

Napatingin si Mingyu sa oras sa screen. 1:15 PM. Hindi na sila nakakain ni Wonwoo ng lunch sa tamang oras. 

 

Pinadaanan ni Mingyu ng kamay ang buhok niya sa hindi na niya mabilang na beses sa araw na ito. 

 

“Sorry, Won. Hindi ko namalayan yung oras.”

 

“Okay lang, Min. Tara, kumain na muna tayo. Hindi pwedeng hindi ka kakain ng lunch. Mamaya na ‘yan.”

 

Hindi alam ni Mingyu, pero sinadya ni Wonwoo na lakasan ang boses niya para marinig ni Jieun na nakaupo sa kabilang hanay ng mga upuan. Matagal nang bwisit si Wonwoo sa kanya dahil sa ginagawa nito kay Mingyu.

 

Binuksan ni Mingyu ang Teams at nakitang isang oras na ang nakaraan mula nang mag-chat si Wonwoo at hindi niya ito nabasa. Dali-dali niyang sinave ang ginagawa at kinuha ang baon sa bag.

 

Naisip ni Wonwoo na mamaya na lang niya tatanungin si Mingyu para magkaroon ito ng kahit kaunting kapayapaan at maayos itong makakain. Tumayo pa siya para bumili ng cake para mas humaba ang oras ni Mingyu sa pagkain. Kilala kasi niya ito, malamang ay hahabulin nito ang oras para matapos ang mga kailangan nitong gawin bago mag-uwian.

 

“Babe, pwede mo akong samahan sa CR saglit bago tayo bumalik sa baba?” tanong ni Mingyu. 

 

Agad namang pumayag si Wonwoo. Iniwan muna nila ang mga baunan nila doon at naglakad papunta sa CR. Pagpasok sa loob ay walang tao, kaya niyakap ni Mingyu si Wonwoo.

 

“Kahit isang minuto lang. Pagod na pagod na ako, Won.”

 

Hinaplos nang paulit-ulit ni Wonwoo ang likod ni Mingyu. Hindi alam ni Wonwoo kung ano ang tamang sasabihin para mapagaan ang loob ni Mingyu, pero siguradong sa sandaling ito ay ang presensya niya ang kailangan nito.

 

“I am here for you. Always remember that,” bulong ni Wonwoo.

 

Sandaling humigpit ang yakap sa kanya ni Mingyu at bago kumawala ay hinalikan siya nito sa noo. “Thank you, mahal ko.”

 

Pagbalik sa upuan ay balik na rin si Mingyu sa trabaho. Ginawa at sinagot niya ang lahat ng kaya niya, at nang malapit nang mag-uwian ay sinabi niya kay Jieun ang mga hindi niya natapos. Bahala na siyang mamroblema dahil kasalanan naman niya ‘yon. 

 

Teams

Sep 18 4:49 PM

 

Jieun Lee

Can you please render at least

two hours of overtime tonight,

Mingyu?

 

Mingyu Rafael Kim

Sorry, Ms. Jieun, but I can’t po

tonight. I already made plans that

cannot be cancelled po.

 

Jieun Lee

Ok. Thanks.

 

Alam na ni Mingyu ang ganoong sagutan ng manager niya pero hindi na niya ito pinansin. Pagod na pagod na siya at gusto na lang niyang umalis sa tapat ng computer niya.

 

Sinabay sila nila Seungcheol at Jeonghan hanggang sa Glorietta kaya hindi na kinailangan maglakad nina Mingyu at Wonwoo. 

 

“Gusto mo kumain, Won?” pag-aya ni Mingyu.

 

“Oo naman. Saan mo gusto?”

 

“Gusto ko ng Japanese food.”

 

Naglakad sila papasok ng Glorietta at dumiretso sa Watami. Muling hinayaan ni Wonwoo na makakain si Mingyu nang payapa. Habang kumakain ay hawak ni Mingyu sa kanang kamay niya ang kaliwang kamay ni Wonwoo at binibitawan lang ito tuwing may aabutin.

 

Paglabas nila sa restaurant ay dinala naman siya ni Wonwoo sa Cafe Breton. Wala masyadong tao kaya nagawa nilang makapili ng upuan at doon nila napili sa sulok kung saan malayo sa daanan ng mga tao.

 

“Ano nangyari kanina, babe?” tanong ni Wonwoo pagkatapos kunin ng waiter ang order nila. 

 

Bumuntong hininga si Mingyu. “Alam mo na, babe. Patong-patong na naman utos ni Jieun na para bang ako lang ang tao niya.”

 

Hinawakan ni Wonwoo ang kamay niya, urging him to continue. “Palagi akong grateful, babe, kapag nakatapos na naman ako ng isang linggo ng pagtatrabaho, lalo na kung mabigat yung buong linggo. Pero naisip ko, palagi na lang bang ganito? Pakiramdam ko, stuck na ako sa ganitong cycle na makakaahon sa dulo ng linggo para lunurin lang ulit nang mas malalim pa sa paparating na linggo. Natutulog akong pagod at gumigising akong pagod pa rin.

 

“Alam mo ‘yon… I’m grateful that this job allows me to be independent at kahit papaano, nakakatulong na rin ako kela Mama sa mga gastusin sa bahay. Dahil din sa trabahong ‘to ay nakikala kita at nakakasama kita araw-araw. Pero, Won, unti-unti akong inuubos ng trabahong ‘to. ‘Yong apoy na meron ako nung pumasok tayo ay unti-unti nang namamatay.”

 

Hindi namalayan ni Mingyu na may kumawala na luha mula sa mata niya hanggang sa pinunasan ito ni Wonwoo. Tuluyan na siyang naiyak nang balutin siya ni Wonwoo ng yakap nito. Lahat ng naramdaman at naisip niyang pilit niyang isinantabi dahil wala siyang oras para mag-breakdown ay iniyak niya. 

 

Nang maramdaman ni Wonwoo na tumahan na si Mingyu ay binigyan niya ito ng isang baso ng tubig. Parehas nilang hawak ang baso habang umiinom si Mingyu para kung sakali mang mabitawan ito ni Mingyu ay hindi ito mababasa. Kumuha rin siya ng tissue at pinunasan ang luha ng nobyo.

 

“I’m proud of you for making it this far, Min. You’ve made it this far dahil matapang ka at hindi ka sumusuko basta-basta. Pero kung ganyan na ka-toxic yung trabaho na nauubos ka na, sa tingin ko ay kailangan mo nang humanap ng ibang opportunities sa labas na aalagaan ka as an employee at magpapabalik ng spark mo. Kasi, Min, himala na lang ang magpapabago diyan kay Jieun. Hindi ka makakaahon sa cycle na ‘yan kung may taong lagi’t lagi kang ibabalik dyan.”

 

Tumango si Mingyu. “To be honest, babe, matagal ko nang iniisip mag-resign. Pero kasi, natatakot din ako dahil paano kung hindi mag-work out? Paano kung hindi naman pala talaga ako magaling, sadyang nasanay na lang ako sa ginagawa ko? Simula nagtapos ako ng college, ito na yung ginagawa ko kaya parang naging comfort zone ko na rin ‘to. Nakakatakot lang na iwan ang trabahong ito at magsimula ulit.”

 

“Valid yung nararamdaman mo, babe. Pero yung takot, palagi namang present ‘yan tuwing papasok ka sa panibagong yugto ng buhay mo. Not because you’re incapable, but because you’re stepping into an environment you’re not yet familiar with. The path ahead may be uncertain, Min, but so was the path you took that led you to where you are right now. Tignan mo, we were once new hires na parang mga ligaw na tupa. Lahat noon, tinatanong natin. Pero ngayon, dumating na tayo sa punto na naging disadvantage na ang pagiging magaling natin sa ginagawa natin. I have so much faith that you’ll do well whichever path you take next and I’ll be here to support you.”

 

“Pero maiiwan kita,” mahinang sabi ni Mingyu.

 

“Wala namang magbabago sa ating dalawa. Magkakahiwalay lang tayo ng trabaho at hindi na tayo buong araw magkakasama, pero hindi naman ako mawawala. I love you, Min, and I want what’s best for you.”

 

Hinatid ni Mingyu si Wonwoo sa bahay. Nang patagong in-explain ni Wonwoo ang summary ng nangyari ay nagluto ang mama niya ng sinigang at sinabihan siyang ‘wag nang pauwiin si Mingyu. Muli nang nakakatawa si Mingyu at sumasakit na ang tiyan sa mga jokes ng papa niya habang kumakain ng hapunan.

 

Bago umakyat sina Mingyu at Wonwoo ay niyakap ni Annie si Mingyu. “Pahinga ka na, ‘nak. Sa Lunes ka na lang lumaban ulit.”

 

Nakatulog si Mingyu na yakap-yakap nang mahigpit si Wonwoo.

 

⋆。𖦹°⭒˚。⋆



Maraming bata na cute na cute sa mga suot nilang costumes ang sumalubong kay Mingyu sa lobby pagdating niya. Halloween celebration ng office at pwedeng magdala ng mga bata. Si Wonwoo ay on the way na kasama si Seokmin for the first time. Balita ni Wonwoo ay naka-Spiderman costume si Seok dahil ito ang bagong bukambibig niya.

 

Fully decorated ang bawat floor kaya pwedeng umikot ang mga bata at may program din pagkatapos kaya nag-file ng leave si Wonwoo. 

 

Habang wala pa ang mga bata ay ginawa na lang muna ni Mingyu ang normal tasks niya. Maya-maya pa ay nakatanggap siya ng message sa Teams mula kay Wonwoo na nandito na sila.

 

Napapaligiran ng officemates nila si Seok na naka-Spiderman costume nga. Nakaramdam ng kaunting inis si Mingyu nang malayo pa lang ay nakita niyang isa si Jaehyun ang naka-crouch sa tapat ng bata. Talaga namang papansin.

 

“This is Kuya Jae. Do you think he’s handsome?” tanong ni Chan.

 

Tumango naman si Seok, dahilan para makipag-apir si Jaehyun sa kanya.

 

“Would you like him for your Kuya Won?” tanong ulit ni Chan na kinainis ni Mingyu.

 

Pero hindi nagtagal ang inis niya.

 

Umiling si Seok. “No, Kuya Gyu only.”

 

“Kuya Gyu? You know him?”

 

“Yes. Kuya Won’s boyfriend!”

 

Katahimikan ang bumalot sa kanila. Kahit ang kaninang mga nagtatawanan sa gilid ay natahimik. Sakto naman at nakita siya ni Seok kaya sumigaw ito ng “Kuya Gyu!” at tumakbo papunta sa kanya para magpakarga.

 

“Hi, Spiderman. Let’s go see your Kuya Won.”

 

Karga-karga si Seokmin ay pinuntahan nila si Wonwoo sa upuan nito. “Won.”

 

“Hi, Min! Wait lang, may kailangan lang akong sagutin na email.”

 

“Won, alam na nila.”

 

“Ang alin?”

 

“Na tayong dalawa. Sinabi ni Seok.”

 

Napatayo si Wonwoo. “Seryoso ba, babe?”

 

“Oopsie,” saktong sabi ni Seok nang mabitawan niya ang Spiderman mask niya.

 

Hinayaan ni Mingyu na maglibot na ang mag-kuya at siya na ang humarap sa officemates nila. Magkakakumpol na naman ang mga ito at nakisali pa talaga sina Cheol at Han. 

 

“Totoo na kayo ni Kuya Wonwoo, Kuya Mingyu?” tanong ni Chan.

 

“Yes, since April.”

 

“April? Ganoon na katagal?” tanong naman ni Seungkwan. “Sabi sa’yo, Chan, planado yung sabay nilang mga leave, eh!”

 

“Tsaka, hindi niyo ba pansin? Mukha kaya talaga silang magjowa kapag magkasama,” sabi ni Soonyoung.

 

“Dati pa naman silang parang magjowa eh. Nung new hire nga ako a year ago, akala ko magjowa sila. Tinanong ko sa’yo ‘yon, Chan! Sabi mo, ganoon lang talaga sila. Kaya paano namin lalagyan ng malisya yung nakikita namin sa kanilang dalawa?” depensa ni Jennie.

 

Hindi alam ni Mingyu kung mas okay na yung ganito na harap-harapan silang pinag-uusapan ni Wonwoo kesa yung patalikod. Tinignan niya si Jeonghan na halatang nag-eenjoy sa nangyayari. “Teka, baka nakakalimutan niyong nandito lang ako sa harapan niyo?”

 

“Gumilid ka, Kuya Mingyu, para wala ka sa harapan namin kung ganoon,” pilosopong sabi ni Chan. “Pero bakit niyo tinago, Kuya?”

 

“Honestly? Para maiwasan yung ganito. Tignan niyo, kung hindi niyo nalaman na kami talaga, walang malisya lahat ng nakikita niyo sa amin.”

 

Nahati ang kumpulan nila nang dumating si Hansol. “Anong meron, guys?” tanong nito habang binababa ang bag.

 

“Confirmed, si Kuya Mingyu at Kuya Wonwoo nga!” 

 

Napatigil si Hansol sa pag-type. “Talaga ba? Kaya pala isang beses, nakasabay ko silang maglakad papuntang MRT, magkahawak sila ng kamay. Tapos isang beses, narinig ko si Kuya Won na sabihan si Kuya Gyu ng ‘I love you’, pero naririnig ko rin naman siyang sabihan si Kuya Han ng labyu. Nung isang araw, tinawag naman ni Kuya Gyu si Kuya Won ng ‘Babe’. Akala ko ganoon lang talaga sila as friends,” sabi nito at nagkibit-balikat.

 

“Oh my God ka, Sol, at hindi mo kinwento sa amin ‘yan? Shiniship pa naman namin sila!”

 

Ang dami pang brining-up ng mga officemates nila na mga napansin nila, pati ang realizations nila. Sayang at wala si Wonwoo para marinig personally ang mga sinasabi nila, kaya sinusubukan ni Mingyu na tandaan ang mga ito para maikwento niya mamaya.

 

“Anong meron?”

 

Lahat sila ay naglingunan nang magsalita ang kadarating lang na si Sir Junmyeon, may dalang malaking paperbag. Inabot niya ito kay Mingyu. “Ipamigay mo sa inyong lahat, Gyu,” bilin nito. Pagtingin ni Mingyu ay ilang boxes ng doughnuts ang nasa loob.

 

“Sir Myeon! Si Kuya Mingyu at Kuya Won, magjowa po pala since April pa!” sabi ni Chan.

 

Tinignan ni Junmyeon si Mingyu. “Nung April lang naging kayo? Akala ko matagal na.”

 

Kaya nagsimula na naman ang officemates niya sa, “Sabi sa’yo, hindi lang ako nag-isip na mukha silang magjowa!” 

 

Tawang-tawa si Mingyu at nagpaalam nang babalik sa upuan niya. Chineck niya ang phone niya at nakita ang message ni Wonwoo na nasa 16th floor na sila. Nagpaalam siya kay Sir Junmyeon na pupuntahan lang niya sina Wonwoo at Seokmin at sinundan na ang dalawa.

 

Naghihintay na ang grupo na sinamahan nila Wonwoo nang dumating siya sa 16th. 

 

“Ano, how did it go?” tanong ni Wonwoo. “Sorry, hindi kita nasamahan.”

 

“Okay lang, babe. Ikukwento ko lahat sa’yo mamaya. Nakakatawa reactions nila, lalo na ‘yong kay Hansol. Siya pala ‘yong ilang beses na tayong nakita at narinig,” tumatawang sagot ni Mingyu.

 

“At least hindi ko na kailangan i-hide stories ko sa kanila tuwing pinopost kita.”

 

“Hay, salamat, titigilan ka na rin ni Jaehyun.”

 

Napa-iling na lang si Wonwoo at natawa.

 

Pagdating ng lunch time ay sinundo nina Tita Annie at Tito Bobby sina Wonwoo at Seokmin at nag-aya sila na kumain ng lunch kasama si Mingyu. Katakot-takot na asar ang nakuha niya mula sa officemates. Kumain sila sa Greenbelt, pero hindi rin nakapagtagal si Mingyu dahil patapos na ang break niya. 

 

Habang naglalakad siya pabalik sa office ay nakakuha siya ng notification galing kay Wonwoo sa Instagram. 

 

wonwoojeon mentioned you in their story

 

Sa story ay karga ni Mingyu si Seokmin. Likod lang ni Mingyu ang kita at si Seok ang nakaharap. Sa kasunod na story ay sila namang dalawa ni Wonwoo dahil nagpumilit si Seok na kunan sila ng picture. Malabo ito at parehas silang tumatawa. Hindi nakatakas sa tingin niya ang maliit na caption sa baba.

 

my love @mingyukim ♡



⋆。𖦹°⭒˚。⋆



Patapos na ang buwan ng Enero pero malamig pa rin ang simoy ng hangin. Napangiti si Mingyu nang makitang nandoon na si Wonwoo sa labas ng Subway, nagseselpon.

 

“Hi, babe,” bati ni Mingyu. “Kanina ka pa?”

 

Niyakap siya nito. “Kararating ko lang halos. Tara na?”

 

Katulad ng nakasanayan ay kinuha niya ang lunch box ni Wonwoo, hawak ang libreng kamay ng isa’t isa habang kinakain ang baon nitong pandesal. Same routine, only this time ay hinatid siya ni Wonwoo. First day ni Mingyu sa bago niyang trabaho na ilang building lang ang layo. 

 

“Tayo ka diyan sa tabi nung pangalan, babe. Picturan kita para ma-send mo kina Tita,” utos ni Wonwoo.

 

Katulad ng sabi ni Wonwoo ay tumayo doon at ngumiti. Pagkatapos ng ilang segundo ay nilapitan na siya nito at pinakita sa kanya ng pictures. “Sobrang gwapo ng baby ko.”

 

“Ikaw rin, babe. Kaya bagay tayo, eh.”

 

Hinawakan ni Wonwoo ang kamay niya at pinisil ito. “Good luck on your first day, babe. Kayang-kaya mo ‘yan.”

 

Ngumiti si Mingyu. Pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman niya. Kaba, dahil sa panibagong yugto ng buhay niya at excitement para sa bagong possibilities at opportunities na dala ng panibagong yugto na ito. Dasal niya ay sana tama ang bagong landas na tatahakin niya, para sa future niya at para na rin sa kanilang dalawa ni Wonwoo.

“Thank you, Babe. I’ll see you later?”

 

“See you later.”

Notes:

Happy Birthday, Mingyu!

Hello, it's me again!

Bilang isang corporate slave ay matagal ko nang gustong magsulat ng office friends to lovers at secret relationship na fic. Sakit ko na yata talagang gawin lahat tungkol sa Minwon, kaya naman ngayong holy week ay talagang sinikap kong maisulat na ito.

Sana ay nagustuhan niyo. At kung nakarelate kayo kay Mingyu, sana ay makahanap tayo ng lakas ng loob na tumahak ng panibagong landas.

p.s. Gumawa ako ng Twitter account! @hiswishgranted :)