Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2026-04-06
Words:
7,029
Chapters:
1/1
Comments:
5
Kudos:
175
Bookmarks:
21
Hits:
1,740

a home called you

Summary:

Wonwoo and Mingyu built a life out of a marriage neither of them chose, raising their daughter, Solene who became the center of everything they shared. Somewhere along the way, they became more than just partners by contract—they became friends.

Now separated, they move through life as strangers on paper—but not in truth. Because if there’s one thing Mingyu knows, it’s this: no matter the distance, no one will ever understand Wonwoo the way he does.

Notes:

happy birthday boss mingyu :)

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

“Solene, anak, wait lang.” 

 

Wonwoo signed as he tried to get a hold of his daughter. Nasa labas sila ng bahay ng kaniyang dating asawa. Pinigilan niya ang sarili niyang magmaktol nang wala pa ring nagbubukas ng pinto kahit nakailang pindot na siya sa doorbell. 

 

Why did I have to throw the keys away? Pwede ko pa sanang magamit. Dati rin naman niyang tahanan ito. Tiningnan niya ang anak niyang paikot-ikot sa pwesto niya, habang nakakapit sa kamay ni Wonwoo. 

 

“Dad, matagal pa po?” Tanong ng anak. 

 

Wonwoo smiled and pats her head. “Let me call your papa.” Ayaw ko. 

 

He had no choice, though. Kinuha niya ang kaniyang telepono mula sa pantalon at binuksan ang contacts nito. 

 

Doc Kim (the ex husband/father of my child) PLS dont call unless urgent

 

Muntik nang matawa si Wonwoo sa pangalang siya rin naman ang nag isip. Wow, ang haba. 

 

Pinindot niya ito at dinikit sa tainga. Naka ilang ring din ito bago niya marinig ang kabilang linya. It was silent, rinig lang ang air conditioner dito. Wonwoo frowns, nasa ospital nanaman ba si Mingyu?

 

“Architect…?” It was Mingyu’s groggy and raspy voice that greeted him. Nakarinig din siya ng pag galaw mula sa kabilang linya. Pinigilan niyang magsungit, dahil kasama niya ang anak nila.

 

“Please open the door, nandito na kami ni Sol.” He heard Mingyu gasp and curse. Napatingin siya sa anak niya.

 

“Shit! I’m so sorry, I overslept.” Wonwoo closes his eyes. 

 

“O-okay lang. Maaga rin naman kaming pumunta. I’m gonna have to leave early rin kasi.” Wonwoo said in reply, hearing the frantic movement on the other line.

 

“P-pababa na.” Maikling sagot ni Mingyu kaya ‘di na nag abala si Wonwoo na magsalita at pinatay na ang tawag. 

 

Malaki ang bahay nila kaya hindi na nagulat si Wonwoo nang magtagal ng tatlong minuto si Mingyu bago sila pagbugksan ng pintuan. But knowing Mingyu, he would’ve been there in a heartbeat. Tumingin siya sa dati niyang asawa nang buksan niya ang pinto.

 

Ah, nag sipilyo pa. Kaya pala ang tagal. Halos matawa si Wonwoo nang makitang basa pa ang nguso nito. Minsan ay parang bata rin talaga itong si Mingyu. 

 

“Hi, baby.” Ngiti ni Mingyu sa anak nila at agad na tumakbo si Solene para salubungin siya ng yakap. Mingyu laughed and carried his daughter. Tumingin siya kay Wonwoo. “Sorry, Architect. Pasok ka.” Mahinanong sabi niya. 

 

Tumango lang si Wonwoo at iniayos ang bitbit niyang bag na naglalaman ng mga gamit ni Solene. “It’s fine. As I’ve said, maaga rin kaming pumunta kasi I need to leave early.” Sabi niya kaya tumango si Mingyu. “Here.” Inabot niya ang bag sa dating asawa. 

 

“You’re not gonna stay for a while? Magluluto ako ng umagahan.” Wonwoo gulped. Gutom ang tiyan niya, oo. Pero, mas gutom ang pride niya.

 

“K-kumain na kami.” Pagsisinungaling niya. Nakita niyang lumingon si Mingyu kay Solene. 

 

Solene shrugged. “Pinakain na po ako ni Dad. Pero, siya po hindi kumain.” 

 

Wow, ha. Tandem pala kayo. 

 

“Stay, Architect. It’s hard to work with a hungry stomach.” Sabi ni Mingyu. Wonwoo crossed his arms, and suddenly remembered back then when Mingyu would cook him meals just so he could properly work.

 

“I…” Ano bang sasabihin niya? “I’m on a diet.”

 

Totoo naman ‘di ba? Sa sobrang busy niya ngayon ay hindi niya na naaalalang kumain sa tamang oras. Sometimes, he’d go home with a growling stomach but would choose to ignore it. Nasanay na rin siyang ganoon. Kaya akala ng mga kaibigan niya ay may sakit siya. 

 

“And why are you on a diet? May sakit ka ba?” Tanong ni Mingyu. Nahulog ang mga balikat ni Wonwoo. Anong laban niya sa doktor? “Stop skipping meals and eat breakfast with us.” 

 

Mingyu knows him well, anyway. 

 

“Fine.” Maktol ni Wonwoo at pumasok sa bahay, bago umupo sa sofa. “But I’m leaving in an hour. I have to be in Batangas by 9.” Sabi niya pa at inayos ang damit. 

 

May kliyente kasi siya at sa Batangas pa ito kaya magse-stay muna ang team niya sa hotel doon ng isang linggo. Biglaan nga rin ang proyektong ito para sa kaniya. Nagulat na lamang siya na tinanggap pala ito ng ama niyang namamahala sa kompanya nila. 

 

Nakita niya lang ngumiti si Mingyu at dinala si Solene sa kusina. He didn’t complain anymore, kahit na ayaw niyang lumalapit si Solene sa mga delikadong bagay katulad ng stove o kahit anong maiinit. He trusts Mingyu with Solene.

 

He sighed and took his glasses off, massaging his nose bridge. Pinikit niya ang mata niya at sinandal ang ulo sa sofa. He loved this sofa. Dapat pala kinuha ko ‘to. Bagay ito sa condo namin ni Sol. He took a mental note to talk to Mingyu about this. 

 

He did not realize that he fell asleep while waiting.

 

“Dapat sinasabihan mo siya na kumain palagi, anak. Hindi pwedeng ganito, bad ‘yan for him. We wouldn’t want him to get sick, ‘di ba?”

 

Wonwoo frowns and slowly opens his eyes when he hears murmurs near him. Umayos siya ng upo at sinuot ang salamin. Nakita niya si Mingyu at Solene na nakaupo sa sahig, may pagkain sa maliit na lamesa ng sala. 

 

“Hi, Dad. Sakto po, kain na tayo.” Ngiti ni Solene at nilapitan siya bago halikan sa pisngi. “Dito na lang po tayo kumain para po mas compo… comfortable sa inyo.” Medyo nabubulol pang sinabi ng bata.

 

Ngumiti si Wonwoo at tumingin sa mga pagkain. His heart hurts. It’s been months since they last ate together. Tumingin siya kay Solene, feeling sorry.

 

“Okay po.”

 

Uupo na sana si Wonwoo sa sahig nang pigilan siya ni Mingyu. Inabot ni Mingyu ang platong may kanin at ulam sa kaniya. “Diyan ka na, Architect. Matigas tsaka baka madumihan pa damit mo ‘pag sa sahig ka pa.”

 

Wonwoo raised a brow. Maarte naman talaga si Wonwoo, alam ni Mingyu na ayaw niyang umuupo sa sahig, lalo na kapag bagong palit siya ng damit. Dagdag pa rito, hindi komportable para sakaniya ang umupo sa sahig dahil matigas ito.

 

“Shut up, Doc.” Bulong niya kaya ngumisi si Mingyu. Nagulat si Wonwoo nang kumuha si Mingyu ng maliit na unan at nilagay sa tabi ni Solene. Nakita niya ring may unan na inuupuan ang anak nila. Si Mingyu lang ang wala.

 

“Upo na, Architect.” Sabi ni Mingyu, may maliit pa rin na ngisi sa labi niya.

 

Naiinis si Wonwoo. He knows him so well.

 

“I should get used to this right?” 

 

Sabi ni Wonwoo sa sarili pagkapasok ng kotse. Nagpaalam na siya sa anak niya, alam niya namang hindi siya papabayaan ni Mingyu. 

 

“It’s been months since the contract ended. I’m sure it’s not that deep for him. Arranged lang naman kami.” Sabi niya sarili habang tumitingin sa sarili sa salamin. “Hindi niya naman kasalanang napamahal ako sa kaniya, kaya bakit ganito ako umakto ngayon?” He sighed and rested his head on his seat.

 

It’s all true. Why is he acting like they’re real exes when they’re not? Kontrata lang naman. 

 

Three years of marriage was heaven for Wonwoo. Ayaw niyang aminin pero naging masaya siya kay Mingyu kahit hindi naman pang habang buhay iyon. Para rin naman sa ikabubuti ng kompanya at ng ospital nila kaya siya pumayag sa kasal, eh. 

 

Mingyu was the best husband. Showered him with care and warmth despite their busy schedules. They were good friends inside the marriage. Si Wonwoo lang naman ang nahulog, ‘di ba?

 

They adopted 6 year old Solene a year ago. Wonwoo remembers visiting Mingyu at the hospital and spotting the helpless little girl. Sa sobra sigurong kampante ni Wonwoo ay hindi niya na binigyang pansin ang katotohanang matatapos din ang set up nila ni Mingyu, at inampon nila si Solene. Mingyu supported him and even showed love to the little girl. Their parents loved the child as well.

 

They were perfect. Wonwoo didn’t tell Mingyu about his feelings, and he kept it that way to keep everything perfect. 

 

Staring at himself in the rear mirror, Wonwoo feels regret. He knew it was inevitable, that’s why he feels bad and hurt for his daughter. Solene had to adjust when they moved out. She knew nothing about the contract, ang alam niya lang ay kinailangang mag hiwalay ng mga ama niya gawa ng magkaiba nilang gusto sa buhay.

 

Kung kaya lang ni Wonwoo maibalik ang dati, he would be selfish and choose not to end the contract. 

 

Maybe even confess what he feels for Mingyu. 

 

But Mingyu showed no signs of continuing the marriage, always coming home late especially when he was appointed chief of surgery. Wonwoo knew it was right to end it and take Solene with him. They had a big fight a week before the end of contract. And they didn’t speak to each other, only meeting when it was time to sign the papers.

 

It’s been 6 months since they finally separated. No one spoke of the ugly fight they had. They do co-parenting but Solene permanently stays with Wonwoo, dahil mas madalas sa bahay si Wonwoo. Mingyu understands and doesn’t argue with the schedule and rules set by Wonwoo. Wonwoo expected that his ex-husband would be an absent parent, pero nagkamali siya. 

 

He was way sweeter, he spoiled Solene despite his busy schedule at the hospital. Hindi man niya nabibisita si Solene sa apartment ni Wonwoo, bumabawi naman siya kapag weekends, dahil doon niya nakikita si Solene.

 

It’s like he never changed. He’s still the same caring and loving Mingyu.

 

At ayun nga ang nakakainis, mabait pa rin si Mingyu—lalo na kay Wonwoo. 

 

After all that, mabait pa rin siya?

 

“Whatever.” Wonwoo groans and starts the car engine before driving off. 

-

 

Wonwoo stared at Solene and watched her sleep soundly. Pagkatapos ay tumingin siya sa telepono niya at tiningnan ang oras. Napahinga siya ng malalim nang makitang late nanaman at wala pa si Mingyu.

 

Dahan-dahan siyang tumayo mula sa kama at ngumiti ulit sa natutulog na anak. Tsaka siya tahimik na lumabas ng kwarto upang uminom ng tubig sa kusina. Nang makarating siya kusina ay napatagal ang pag inom niya. 

 

Napagod din siya dahil buong araw ay nasa bahay siya, inaalagan si Solene at gumagawa ng sketches para sa kliyente niya. Ngayon pa lamang siya magpapahinga dahil—ayaw niya mang aminin—pero hinihintay niya ring makauwi ang asawa. He can’t help but feel concerned about his husband and the way he’s so absent lately. 

 

Kuha naman ni Wonwoo na doktor si Mingyu at mabigat ang trabaho niya lalo na ngayong chief of surgery siya. But it’s also hard waking up in the morning, with Solene asking him where her father is. It’s hard telling Solene bed time stories at night, pero ang tanging nasa utak ng anak ay kung nasaan si Mingyu at anong oras siya makakauwi. 

 

Weekends lang ang mga araw na kasama nila si Mingyu, at si Wonwoo naman ang busy kaya naawa si Wonwoo kay Solene dahil hindi na sila nagiging kumpleto. 

 

Wonwoo was so lost in his thoughts that he did not realize the car was pulling up in their garage. Nagkamalay lamang siya nang marinig ang pagbukas ng pintuan nila. Binaba niya ang baso at naglakad patungong sala upang salubungin si Mingyu.

 

Ngumiti siya, “Hi, kumain ka na?” Tanong niya. Mingyu smiled back and shook his head. “May ulam pa sa ref, painitin ko? Solene wanted pizza kaya I ordered na lang.” 

 

“Sige, thank you.” Malambing na sagot ni Mingyu. “How was your day?”

 

Tila nawala ang lahat ng inis at lungkot ni Wonwoo. 

 

“Ayos lang, kinda tired but I’m fine. Tulog na rin si Sol. Ikaw?” Hindi na kita masyadong nakikita, ah.

 

Wonwoo steps into the kitchen and Mingyu follows him, setting his keys and bag on the kitchen island. Abala si Wonwoo sa pag init ng pizza kaya hindi niya muna nilingon ang asawa. 

 

“Pagod.” 

 

“Well you need to take care of yourself, Min.” Sagot ni Wonwoo at lumingon kay Mingyu. Mingyu was watching him with sleepy eyes. Kita nga ni Wonwoo ang medyo madilim na eye bags nito. He sighed and walked closer. “Baka mamaya makita na kitang naka hilata diyan sa daan.” Tumawa si Mingyu dito. 

 

“I can’t get sick, you know? I’m a doctor—a surgeon.” Wonwoo playfully rolled his eyes.

 

“You’re a doctor, not a god. Hindi ka immortal.” Tumawa ulit si Mingyu. 

 

“Sungit.”

 

Wonwoo did not realize that they were staring at each other for quite a while. Nagulat na lamang sila nang tumunog ang oven. Wonwoo cleared his throat and turned around to prepare the food for Mingyu. 

 

Napapikit siya nang marinig ang yapak ni Mingyu palapit sa kaniya. “Upo ka na, dalhin ko na lang.” Pero hindi tumigil si Mingyu. Bumilis ang tibok ng puso ni Wonwoo.

 

Sa totoo lang, hindi pa rin naman naalis ang inis niya kanina. Pero kaya niyang talikuran lahat iyon. Why am I so damn easy?

 

Binaba ni Wonwoo ang plato at baso bago siya lumingon kay Mingyu. Napasinghap siya sa sobrang lapit nila. Hulog na siya. Hulog na hulog. Mingyu’s got this effect on him. 

 

“I said sit down, ‘di ba?” Sabi niya pa, nakasimangot. Lumayo ka sa akin at baka mahalikan kita. Mingyu showed a boyish smile. Nainis si Wonwoo dito, ang pogi. 

 

Mingyu cornered him on the counter. Inangat ni Wonwoo ang kamay niya at nilagay sa dibdib ni Mingyu. Physical touch wasn’t a problem for the both of them. It was in fact normal, but not this close. Sa tatlong taon nilang kasal ay ngayon lang sila nagkalapit nang ganito. 

 

“Min, naka pajamas na ako, and you're wearing outside clothes. Shoo!” Sabi ni Wonwoo kaya namula si Mingyu. 

 

“Ang cute mo talaga pag nagi-inarte at nagsu-sungit, ‘no?” Parang kinikilig na sabi ni Mingyu.

 

Wonwoo frowns, naka-inom ba ‘to?

 

“I’m not drunk, by the way.” Nagulat si Wonwoo sa biglang sinabi ng asawa.

 

“Oh, so you’re not only a doctor but also a mind reade—” 

 

Hindi natapos si Wonwoo sa sinasabi nang bigla siyang halikan ni Mingyu. Nanlaki ang mata niya pero napapikit din nang hawakan ni Mingyu ang baywang niya. His hands formed into a fist. 

 

Shit. Shit.

 

Mingyu’s a good kisser. Halos malunod si Wonwoo sa sarap. 

 

But he knows they can’t do this. Especially when everything’s going to end for them soon. 

 

He frowns and gently pushes Mingyu away. Mingyu cleared his throat, “W-Won, okay ka lang? Sorry, nabigla ka ba?” Sunod-sunod na tanong niya. 

 

Wonwoo breathes deeply and covers his face, frustrated with whatever he’s feeling. Iniisip niya ang anak nila, iniisip niya rin ang damdamin niya. Iniisip niya ang mga pwedeng mangyari. Everything’s messy. 

 

“M-Min, we can’t…” Pagsisimula ni Wonwoo. Mingyu nodded and took a step back. They both stared at each other. “Mingyu, our marriage will end soon. All these… matatapos din. We have a week left, Min.”

 

Mingyu stayed quiet. And Wonwoo hated how he was quiet. Wonwoo snapped. 

 

“At this point I should be moving out, right? Dapat magkikita na lang tayo sa contract signing, hindi ba?” Wonwoo ranted with panic. Mingyu tried to hold him but he shook his head.

 

“Calm down, Wonwoo.” 

 

Wonwoo scoffed. Syempre, kung sino ang laging wala, siya ang hindi marunong makiramdam, ‘di ba?

 

“You can’t expect me to calm down when everything’s becoming messy! Palibhasa kasi hindi mo alam ‘yung bigat ng sitwasyon.” Turo ni Wonwoo kay Mingyu. 

 

It was Mingyu’s turn to frown. Wonwoo knew he fucked up. Kita niya ang gulat at sakit sa mga mata ni Mingyu. 

 

“What the fuck do you mean?” Tanong ni Mingyu. “Iniisip mo ba na wala akong pakialam na matatapos din ito?”

 

“Mukha naman, eh! You go home late, lagi kang wala! Do you know what it feels whenever Sol would come up to me and ask me where her papa is?! Tapos ngayon, uuwi ka, hahalikan mo ako—hindi nakakatulong ‘yon, Mingyu! It’s making things worse!” Pagtaas ni Wonwoo sa boses niya.

 

“That’s my job, Wonwoo! Tsaka, I make time naman, ‘di ba? You can’t expect me to always be home! I’m working for our family.” Wonwoo stayed quiet. Mingyu stared at him and scoffed. “Iniisip mo sigurong nagloloko ako, ano?” 

 

Wonwoo’s heart broke. Para siyang sinampal sa mukha. Ganoon ba ang tingin ni Mingyu sa kaniya—kung bakit ganito siya umakto?

 

“Tangina naman, Mingyu! Ayan talaga ang naisip mo?” 

 

Mingyu stayed quiet, he looked shocked with the words that also came from him. Wonwoo stops himself from tearing up.

 

“I don’t love you to even think that you’re being unfaithful to our marriage. You can go screw around and I couldn’t care less, Mingyu. Papel lang naman itong kasal natin. I’m just worried for my daughter.”

 

Nang hindi siya nakakuha ng salita mula sa asawa ay naglakad na siya palabas ng kusina ngunit pinigilan siya ni Mingyu at hinawakan ang pulsuhan niya. Wonwoo rolled his eyes and turned to look at Mingyu. Mingyu breathes deeply, he looks like he’s calming himself down. 

 

“Anong…” Tila hindi matapos ni Mingyu ang kaniyang sasabihin. “Anong gusto mong gawin?”

 

Wonwoo’s too mad to even think about what to say. 

 

“Solene and I are leaving. We’ll see you next week.”

 

And he did leave with his daughter the next day. He’s sure Mingyu went home to a cold household that night.

 

“Earth to Wonwoo!” 

 

Napasinghap si Wonwoo at tumingin sa kaibigan niyang si Seulgi na architect din katulad niya. Seulgi works for Wonwoo’s family company. Para niya na ring kapatid ito sa sobrang close nila. 

 

“What the fuck do you want?” Wonwoo said and pretended to go back to sketching. Kunwari ay hindi nanaman niya binalikan ang gabing iyon. 

 

“Sungit mo talaga. Nagtatanong lang naman ako kung anong oras dadating si Sir Clyden. Kanina pa tayo nandito, oh! Ang init!” Reklamo ni Seulgi at pinaypayan ang sarili. 

 

Tumingin si Wonwoo sa paligid. Nasa loob lang kasi sila ng malaking tent. May malaking table doon at nandoon sila kasama ang ibang engineers. 

 

Naisip niya tuloy na magsumbong sa tatay niya para mabigyan ng solusyon ang mga ganito. They need more airconditioned offices around the area, especially since the client wants a big home. Kapag siya naman ang nagpagawa ng bahay, sisiguraduhin niyang hindi mahihirapan ang mga magta-trabaho.

 

Magsasalita pa lamang siya nang mag ring ang telepono niya. Nagulat siya nang makitang si Mingyu ito. Ngayon lang siya tinawagan ni Mingyu, usually ay nagte-text lang siya.

 

Tumayo si Wonwoo at nagpaalam. Nakita niya pang tinitigan siya ni Seulgi, nanliliit ang mga mata at nakataas na ang isang kilay. Nirolyo lang ni Wonwoo ang kaniyang mga mata. 

 

Sa totoo lang, gulat pa rin siya dahil kanina lang ay naisip niya ang naging away nila noon. Naisip niya pa ngang babaan ang pride at mag sorry. Miss ko na kasi siya. 

 

“Doctor Kim.” Bati niya nang makarating siya sa isang pribadong lugar. “You called?”

 

“Uhm… hi.” Maliit ang boses ni Mingyu. “P-pinapatanong ni Sol kung kumain ka na? It’s 12 noon.” 

 

Napatahimik si Wonwoo. He blinked twice before looking at his own phone. The fuck? Tumingin siya sa relo niya. 

 

“A-ah, not yet. We’re still waiting for our client.”

 

“Nako, susumbong kita kay Sol.” Wonwoo could imagine Mingyu’s stupid smirk painted on his handsome face. “And you arrived there at 9, right? Bakit wala pa kliyente mo? Sabihan mo kaya si tito.” Wonwoo rolled his eyes. Bakit ang concerned nanaman nito?

 

“Ewan ko, got stuck in a traffic jam daw.” Sagot ni Wonwoo pero nanatiling tahimik si Mingyu. Napahinga si Wonwoo nang malalim. “Tell Sol I will eat na.” Sabi niya muli.

 

“Uh-huh, and how do we know na kakain ka talaga?” Wonwoo scoffed at this. 

 

“I will send a pic! I have to go.” Sabi niya at narinig naman ang tawa ni Mingyu. Narinig niya rin ang tawa ni Solene sa kabilang linya. “Bye.” Hindi na niya inantay si Mingyu at binaba na ang tawag.

 

Nang matapos ang tawag ay napatitig siya sa puno sa harap niya. Seryoso bang nangyari ‘yon? He closes his eyes and breathes deeply. Co-parenting! At first time kong mag out of town! Tsaka si Sol naman ang nagpapatanong, ‘di ba? Wonwoo opens his eyes and walks back to their tent to eat. 

 

Habang kumakain ay naisipan niyang kumuha ng litrato. Isa sa kaniyang ulam at isa naman na ngumunguya siya. Nakita niya pa nga ang mapang-asar na tingin ni Seulgi, eh.

 

[sent a photo]

Pakita mo kay Sol. 

 

Doc Kim

Mukha kang pusa

 

Halos mabuga ni Wonwoo ang pagkain niya.

 

The fuck? 

 

Doc Kim

HAHAHAHA cute mo 

 

Namula si Wonwoo at napatingin sa paligid bago ulit tumingin sa telepono niya. Ano nanaman bang trip ni Mingyu?

 

🖕🏻 

 

Doc Kim

Sabi ni Sol cute ka raw, okay?

Ba’t ka namamakyu… :o

 

Doc, pwede ba?

 

Doc Kim

Drink lots of water after

[sent a photo]

Kumakain na rin kami ni Sol

 

Tinitigan ni Wonwoo ang litrato. Ang sarap sa pakiramdam ang makita silang ganito. Kung bibigyan siya ng pagkakataon, sana sa susunod ay kumpleto silang tatlo. Kahit para kay Solene na lang. Hindi niya mapigilang i-save ang photo sa kaniyang cellphone para may mababalikan siya.

 

Doc Kim

Meowwwwwwwww

 

Shut the fuck up oh my god! 

 

-

 

Halos maiyak si Wonwoo sa tuwa nang mapatay niya ang makina ng sasakyan niya. One week without his daughter was hell. Tapos babalik ulit siya doon sa site nang mas madalas para ma-check ang mga gumagawa sa bahay ng kliyente niya. Nandoon pa rin si Solene kay Mingyu at mamaya niya pa pupuntahan ang dalawa. 

 

Sinabihan kasi siya ni Mingyu na magpahinga muna habang ipapasyal niya si Solene sa mall. Hindi na rin maka-hindi si Wonwoo dahil pagod naman talaga siya. Pakiramdam niya nga ay lalagnatin siya.

 

Kinuha niya ang telepono at nag tipa ng text para kay Mingyu. Over the week, it was surprising for Wonwoo that they started texting each other to update—tungkol at para kay Solene. Pero inisip na lang ni Wonwoo na ginawa nila iyon dahil first time wala siya nang ganoong katagal. Wonwoo thinks it was just Mingyu letting him know Solene’s condition. 

 

Mga what time kayo makakauwi? Para alam ko anong oras ako pupunta sa bahay.

 

Doc Kim

[sent a photo] 

She’s having fun sa mini park

Don’t worry too much, I’ll call naman to let you know

 

Wonwoo sighed. How thoughtful. He’s really thankful that Mingyu’s being nice and cooperative right now.

 

Ok. Mag ingat kayo.

 

Doc Kim

Rest well, Architect.

 

Wonwoo took this as a sign to freshen up and take a power nap. 

 

A few hours later, he woke up with a headache and an overwhelming heat in his body. “Shit.” Nilalagnat na nga siya. He groaned and checked his phone, 8 pm. “Oh no.” Agad siyang nagpunta sa messages upang tingnan kung may na-text ba si Mingyu sa kanila. 

 

Doc Kim

Hi, we’re on the way home na. Tell me anong eta mo rito.

 

30 minutes ago pa ang text pero hindi siya nakapag reply kanina. Agad siyang nag tipa ng sagot pero nagulat siya nang mag ring ang telepono. It was Mingyu. Agad niyang sinagot ito. Nako, sana hindi siya galit.

 

“Doc? Sorry kakagising ko lang.” Sabi niya. Tumingin siya sa labas ng bintana at nakitang madilim na at kaunting umaambon. “U-uhm, nasa bahay na ba kayo? Sige, punta na ‘ko—”

 

“I’m down here sa lobby ng condo mo. Anong floor ka? Do I need to show an ID sa lobby?” Napanganga si Wonwoo. Ano?! He’s here?!

 

“A-ah…” Hirap na sabi ni Wonwoo habang tumatayo mula sa kama. 

 

“Okay ka lang? Sorry, I had to call. I’m carrying Sol right now kasi and she’s asleep. Ayaw ko sanang magising siya.” Agad na sabi ni Mingyu. “I figured you were asleep din kanina nung nag text ako kaya dumeretso na lang ako rito para hindi ka na mapagod pa.”

 

Napapikit si Wonwoo at napahawak sa ulo. Seryoso bang nangyayari ito? Out of all the reactions he expected from Mingyu, ito ang pinaka-hindi niya inaasahan. He feels like crying. Well, he really can’t do anything, right? 

 

He’s making it hard for me to stay away.

 

“Tell the lobby that you’re my husband. Alam naman nila ‘yun. Iyon pa rin ang alam nila.” 

 

Tumahimik ang kabilang linya, ang tanging naririnig nalang ni Wonwoo ay ang mga ingay ng ibang tao sa lobby. He did not wait for any response and ended the call already. Tumayo siya at pumasok sa banyo upang mag hilamos. 

 

God, he looked fucked up. And his mind was fucked up. Hindi niya alam bakit nasabi niya ‘yun. At mas hindi niya alam ang mangyayari ngayong gabi. 

 

Lumabas siya sa kwarto at pumunta sa sala upang mag hintay. Dahil nilalagnat siya ay nag suot na lang siya ng sweater para mas pawisan siya. Sa totoo lang, ‘pag tuwing nagkakasakit siya ay hindi niya na inaalagaan ang sarili niya dahil para sa kaniya ay mawawala rin naman iyon. Pero kapag si Solene ang nagkasakit, kung kailangan niyang lumabas ng condo ng hatinggabi ay gagawin niya. 

 

Nang may kumatok sa pintuan ay agad siyang tumayo kahit na nahihilo, para pagbuksan ng pinto ang mag-ama niya. Bumungad si Mingyu, buhat-buhat ang anak nilang mahimbing na natutulog, at sa kabilang braso naman ay bitbit-bitbit ang mga paper bag. Wonwoo immediately opens the door wider, para makapasok ang dating asawa.

 

Hindi magawang lapitan ni Wonwoo si Solene dahil ayaw niyang mahawaan niya ang bata.

 

“Kumain na kayo?” Tanong ni Wonwoo at tumango naman si Mingyu. 

 

“Ikaw? Hindi ka pa kumakain?” Wonwoo doesn’t need to lie. Halata naman sa hitsura niya na hindi pa siya kumakain. He sees Mingyu observing him. Nang hindi sumagot si Wonwoo ay tila alam na ni Mingyu ang nangyayari. “Nilalagnat ka.” Wonwoo hesitantly nods.

 

“Sorry, dahil sa lagnat ko, nakatulog ako nang matagal kaya hindi kita nasagot kanina. Nag abala ka pa tuloy.” Mahinhin niyang sabi. Mingyu frowns and steps closer, before putting his hand out to touch Wonwoo’s forehead.

 

“Wala kang meds? Ang taas ng lagnat mo. Tapos ‘di ka pa kumakain. You’re gonna pass out, Wonwoo.” It’s been months since he last heard his name come out from Mingyu. It’s always been Architect since they ended. 

 

“U-uh… pang bata lang kasi ‘yung mga gamot dito, para kay Solene. And I was so tired to even think about eating…” Pag amin ni Wonwoo. Tahimik lang siyang tinitigan ni Mingyu. “Sorry, Doc.” 

 

Mingyu sighed and carried Solene, “Asaan kwarto niya?” Napanguso si Wonwoo nang maisip na galit si Mingyu. Pero tinuro niya na lang ang kwarto ng anak nila. Pinanuod niyang pumasok si Mingyu sa kwarto at ilang minuto rin bago siya bumalik palabas. 

 

“Can I borrow your key?” Bungad ni Mingyu. Wonwoo tilts his head in confusion. “Susi mo rito sa condo. Bibili ako ng gamot mo tsaka ng gulay na pwedeng maluto.” Masungit na sabi ni Mingyu. 

 

Wonwoo bites his lip and plays with the hem of his sweater. “You don’t have to.”

 

“Tapos ‘di ka gagaling? Tapos mahahawaan anak natin?” Wonwoo shuts up. Right. “You’re sick and I’m a doctor.” Wonwoo rolls his eyes. Oo na, sige na. 

 

He sighed and took his keys from the TV rack. Inabot niya ito kay Mingyu at narinig niya pa ang malalim na hinga nito. “Galit ka ba?” Tanong niya kaya tumitig sa kaniya si Mingyu at kinuha ang mga susi. 

 

“Hindi, malungkot ako. Kasi hindi mo inaalagaan ang sarili mo.” Halos mahulog ang puso ni Wonwoo sa tiyan niya. “Matulog ka muna, hmm? Babalik ako tapos gigisingin na lang kita kapag kakain na.” Hindi na nakaimik si Wonwoo at hinayaan niyang guluhin ni Mingyu ang buhok niya bago umalis.

 

 

Mingyu stared at the contract on the table. He’s with Wonwoo inside the office, with their parents waiting outside. Tumingin siya kay Wonwoo.

 

“If you really don’t wanna do this, okay lang.” Sabi niya sa binata. Tumingin sa kaniya si Wonwoo bago umiling.

 

“You’re not a serial killer naman, ‘di ba?” Mingyu was dumbfounded at the question pero agad din siyang umiling. He looked at Wonwoo defensively. Ba’t niya naman maiisip ‘yon?

 

“Okay, then there’s no reason for me to not marry you.” 

 

Napatawa si Mingyu. “Sure ka? You don’t have someone else out there? Okay lang sa’yo makulong sa kasal na ‘to for three years?” 

 

“You’re saying it like this marriage is a bad thing. This will benefit our company and your hospital. Who knows? Maybe we’ll have fun. Unless you’re in love with someone else—because I’m not.” Wonwoo answered him, even shrugging. 

 

Mingyu shakes his head. Tumingin ulit siya sa papel bago kinuha ang ballpen. “Well I hope you’ll have fun with me.” Sabi niya bago pumirma sa kontrata. Mingyu watches Wonwoo as he also signs the paper. 

 

And they’re married. 

 

Namula ang mga tainga ni Mingyu habang kinukuha ang mga kahon na naglalaman ng mga singsing nila. He reaches out his hand and waits for Wonwoo to lend his hand out. His heart skipped a beat when he felt Wonwoo’s hand on his. 

 

Mingyu did not waste a second and put the ring on Wonwoo’s finger. Bagay kay Wonwoo. Mingyu observed the other, mapula ang pisngi ni Wonwoo, parang nahihiya. Pinanuod ni Mingyu kung paano nilagay ni Wonwoo ang singsing sa daliri niya.

 

“We’re married.” Sabi niya kaya tumingin si Wonwoo at tumango.

 

“We are.”

 

-

 

“Anak, hindi na talaga magbabago isip mo?” 

 

Ngiti na lang ang mabibigay ni Mingyu sa nanay niya. Nandito nanaman sila, pipirma ulit pero para matapos na ang kasalan nila. It’s been a week since they had a fight, and it was messy.

 

Pinagsisisihan ni Mingyu ang masabi lahat ng iyon kay Wonwoo, at pinagsisisihan niyang hindi nabigyan ng oras ang pamilya. Pero katulad ni Wonwoo, ay nasaktan din siya. He really wishes things ended differently. 

 

They could've ended the marriage peacefully pero bakit kailangan pa ng sakitan?

 

“Think about Sol.” Mingyu knows it was selfish but he knows Wonwoo hates him already.

 

Entering the office, they were both quiet. But Mingyu’s heart shatters when he sees Wonwoo immediately sitting down and grabbing the pen. He sighed and sat on his seat. 

 

Ayaw na nga talaga ni Wonwoo.

 

Nasasaktan siya. Hindi na ba talaga pwedeng pag usapan ito? May magbabago pa ba eh hindi naman siya mahal ni Wonwoo, ‘di ba?

 

Hindi na siya nagsayang ng oras at pinirmahan niya na ang papel. Pagkababa niya sa ballpen niya agad siyang tumingin kay Wonwoo. Wonwoo looked hurt, he looks like he’s trying to blink the tears away para hindi mahalatang naiiyak siya. 

 

“Hindi… mo pa pipirmahan?” Tanong ni Mingyu, hopeful that Wonwoo would at least not. Pero parang nainis lang si Wonwoo sa sinabi niya.

 

“Mag hintay ka.” Mingyu scoffed. Ang sungit.

 

Umiwas na lang siya ng tingin nang dumikit ang ballpen sa papel. So this is the end?

 

“We’ll talk about Sol some other time. It was nice doing business with you.” 

 

Hindi niya na tiningnan si Wonwoo at hinayaan na lang niyang umalis ang dating asawa.

-

 

“Sure ka ba, Sol? Baka mamaya magalit sa akin ang dad mo.” 

 

Tanong ni Mingyu kay Solene na naglalagay ng mga plato sa maliit na lamesa sa sala. Nandoon si Wonwoo sa sofa, mahimbing na natutulog. Kailangan niya kasing umalis para sa trabaho kaya nandito si Solene. 

 

“Opo, mas okay na po ito kasi hindi po siya kumakain nang maayos sa condo.” Sumbong ni Solene sa kaniya, kaya sumimangot si Mingyu.

 

“Sol, madalas bang ganito si Wonwoo?” Tanong niya at tumango naman ang bata. Mingyu sighed and massaged his nose bridge before sitting down on the floor beside Solene. “Dapat sinasabihan mo siya na kumain palagi, anak. Hindi pwedeng ganito, bad ‘yan for him. We wouldn’t want him to get sick, ‘di ba?” 

 

Ngumiti naman si Solene at tumango. Mingyu was about to say something when Wonwoo finally moved and opened his eyes. Pinanuod niya kung paano ayain ni Solene si Wonwoo. Naglagay pa nga siya ng unan para doon na lang umupo ang dating asawa. Alam niya kasi kung gaano kaarte si Wonwoo. Hindi naman siya nagrereklamo, cute nga eh. 

 

Habang kumakain ay paminsan-minsang pinagmamasdan ni Mingyu si Wonwoo. He looked composed, but he knows deep inside Wonwoo’s hurting. Grabe ang pinayat ni Wonwoo simula noong nag hiwalay sila. May mga nagbago rin sa pakikitungo niya—mas tahimik siya at mas masungit. 

 

Mingyu hoped everything would change.

 

“Anak, tingin ka.” 

 

Sabi ni Mingyu kay Solene na kumakain ngayon ng tanghalian. Nakaalis na kanina pa si Wonwoo at silang dalawa na lang ang natira. Tumingin si Solene sa kaniya at sa telepono bago ngumiti nang malaki. 

 

Ang ganda ni Solene, mana kay Wonwoo. 

 

“Ise-send mo po kay dad ‘yan?” Hindi sana, pero ngayong may ideya na sa isip niya ay gagawin niya na lang. 

 

“Tawagan na’tin para alam natin kung kumakain na rin siya?” 

 

Pinigilan niyang matawa nang mag send ng middle finger si Wonwoo sa text. Nakakatuwa talagang asarin ang dating asawa. Totoo naman kasi, mukhang pusa si Wonwoo.

 

Agad niyang sinend ang picture nila ni Solene kay Wonwoo. Tsaka niya rin sinave and selfie ni Wonwoo sa album niya. Pinakita niya pa nga ito kay Solene, eh.

 

“Mukhang pusa, ‘di ba?” Tumawa si Solene at tumango.

 

-

 

For Mingyu, it was easy to fall in love with Wonwoo. It was hard to stay away, and it hurts to be away from the man he loves.

 

“Tell the lobby that you’re my husband. Alam naman nila ‘yun. Iyon pa rin ang alam nila.” 

 

Hearing that from Wonwoo, he felt like passing out. Kanina pa tumatakbo sa isip niya ‘yun. Gusto niya sanang kausapin si Wonwoo tungkol doon pero nang makita niyang nanghihina ang dating asawa ay alam niya agad na may sakit ito.

 

Nalulungkot siya dahil kung hindi lang sila naghiwalay ay maalagaan niya si Wonwoo at hindi niya kailangang makitang nahihirapan si Wonwoo. 

 

Pagkabalik niya sa condo ni Wonwoo ay hindi niya na nakita ang dating asawa. Alam niya na natutulog na ulit ito. Nagsimula na siyang magluto ng sinigang para sana ay mas gumaan-gaan ang pakiramdam ni Wonwoo.

 

Nang matapos siyang mag luto ay sinilip niya muna ang anak para makita kung nagising. Nang makita niyang mahimbing ang tulog ni Solene ay napangiti siya. Aayain niya sanang kumain pero mas maayos nang nagpapahinga na siya.

 

Pumunta naman siya sa kwarto ni Wonwoo bago kumatok. Nang wala siyang marinig ay dahan-dahan siyang pumasok. “Architect? Nakaluto na ako, kumain ka muna para makainom ka na ng gamot.” Sabi niya at nakita niyang gumalaw unti si Wonwoo.

 

“Okay…” Mahinang sabi ng dating asawa kaya mas nalungkot si Mingyu.

 

“Do you need help?” 

 

“No, it’s okay. Baka mahawaan ka pa. Just wait in the dining room.” Hindi na umangal si Mingyu at lumabas ng kwarto. 

 

Pagkalabas ay hindi niya alam ang gagawin kaya naman ay naglibot muna siya sa sala. Malaki-laki ang condo ni Wonwoo, it also felt like home. Tumingin siya sa mga rack doon at napangiti nang makitang may litrato sila doon, noong kumpleto pa sila. 

 

Kinuha niya ito pero nang iangat niya ang larawan ay may nahulog sa sahig. Pinulot niya ito at nakitang ito ang singsing ni Wonwoo. He sighed and put it back.

 

They need to fix this, right? 

 

He needs Wonwoo back and he needs his family.

 

“Wow… thank you.” Ngiti ni Wonwoo nang makitang sinigang ang ulam. Syempre, paborito ni Wonwoo kaya ito ang niluto ni Mingyu.

 

Nang makaupo sila ay si Mingyu ang naglagay ng kanin sa plato ng dating asawa. Halos subuan niya na rin si Wonwoo pero pinigilan niya ang sarili niya. 

 

“Eat well.” Sabi niya at naglagay ng tubig sa baso ni Wonwoo. 

 

Habang kumakain ay pinagmamasdan niya rin si Wonwoo para malaman kung may iba pang nararamdaman ang asawa. 

 

“Thank you, Doc. I feel lighter now.” Sabi ni Wonwoo nang matapos sila kumain. Late na rin at kailangan niya nang magpahinga. Mingyu nodded and gave him the meds. 

 

“Here, drink these. Tapos bukas, kapag hindi gumaan pakiramdam mo, mag pa check up tayo, ha?” Sabi niya kaya napatingin si Wonwoo sakaniya. “Oo, hindi ako papasok.” Nakita niyang nahulog ang mga balikat ni Wonwoo.

 

Wala naman siyang magagawa, doctor ako. Pinigilan ni Mingyu ang matawa. “I’ll go to your room later to check on you. Freshen up and rest.” Tumango na lang si Wonwoo at sumunod. 

 

Mga ilang minuto rin ang tinagal niya sa pag ayos sa kusina. Sinigurado niya na ilagay ang mga gamot sa tamang lugar at chineck niya rin ang ibang mga shelf doon at ang refrigerator para masigurado na may sapat na makakain ang mag-ama niya. Pagkatapos ay kumuha siya ng bimpo at nilagyan ng tubig ang maliit na planggana. 

 

Kumatok siya sa kwarto ni Wonwoo bago pumasok. Nakita niyang nakapagpalit na ulit ng damit si Wonwoo at nakahiga na lamang. “How are you feeling?” Tanong niya at nilapag ang planggana at bimpo sa side table. 

 

“Better.” Sagot ni Wonwoo. Malakas naman kasi talaga ang resistensya ni Wonwoo, alam ni Mingyu iyon. Nagkataon lang na hindi niya naalagaan ang sarili kaya mas tumatagal ang lagnat sa kaniya.

 

“Here, ilagay natin sa noo mo para mas gumaan pakiramdam mo.” Tumango si Wonwoo at hinayaan si Mingyu. “Tapos mag alarm ka in 4 hours, inom ka ulit ng gamot.” Mingyu instructed. 

 

Pinanuod niya si Wonwoo. Wonwoo looks relaxed. Pinunasan niya kaunti ang leeg ni Wonwoo bago inilipat ang bimpo sa noo niya.

 

Nang matapos siya ay lumayo siya sa kama. “May kailangan ka pa?” Aalis na rin siya dahil baka ayaw din ni Wonwoo na magtagal siya rito. As much as he doesn’t want to, he needs to.

 

Umiling na lang si Wonwoo at tinitigan lang siya. Mingyu nodded and opened the door. “Please take care of yourself.” Please let me.

 

Lumingon na siya at lalabas na sana ng kwarto nang magsalita si Wonwoo. 

 

“May masakit, Doc.”

 

Agad niyang sinarado ang pinto at nagmamadaling lumapit kay Wonwoo. “Saan?” He asked, concerned. “Nahihilo ka ba? Nasusuka? Masakit ulit ulo mo?” Sunod-sunod niyang tanong. 

 

Nagulat siya nang umupo si Wonwoo dahan-dahan at tumitig sa kaniya, may malungkot na ngiti sa labi niya. 

 

“My heart hurts, Mingyu. Kaya mong pagalingin?” Napatahimik si Mingyu. He sighed and sat down on the bed beside Wonwoo. Nakita niyang tinanggal ni Wonwoi ang bimpo sa noo niya.

 

“Tell me why so I know what to do.” Ayun lang ang sinabi ni Mingyu kaya nagluha si Wonwoo.

 

“You’re… so kind. Kahit na nasaktan kita noon.” Panimula ni Wonwoo. “I feel so stupid saying all those to you. Hindi ka nagkulang sa amin ni Sol and I hope you know that.” Mingyu’s heart hurt as well. He stared as Wonwoo started sobbing. 

 

“I-I guess I was just frustrated? But I really don’t mean all the mean things I said to you. Oo, masungit ako pero hindi kita kayang saktan, Min.” Mingyu nodded. Matagal niya naman nang alam ‘to. Dahil matagal niya nang iniintindi si Wonwoo. Kabisado niya ang asawa niya.

 

“I know you’re probably moving on with your life, kaya thank you kasi nandito ka pa rin para sa anak natin. And you’re still so nice to me.” Pinanuod niyang punasan ni Wonwoo ang mga luha niya. “It frustrates me that I have to be away from you when you’re the person who knows me the best.” 

 

“Alam mo paano ako alagaan, alam mo ang mga nararamdaman ko. Kabisado mo ako. And I’m sorry for pushing you away.” Mingyu shakes his head. Wonwoo doesn’t need to apologize for anything. 

 

“You’re the best father and husband anyone could ever ask for. And I’ll probably regret saying this because we’re separated already but I’m in love with you, Mingyu.” Wonwoo wipes his tears away, and looks at Mingyu. 

 

Mingyu was shocked, gusto niyang umiyak sa tuwa. Mahal din siya ni Wonwoo? Mingyu stared at him and sighed. Hindi niya na kaya.

 

He cups Wonwoo’s face before kissing him. Narinig niya ang maliit na singhap ni Wonwoo pero mas diniin niya ang halik. Nang humiwalay siya ay nakita niyang namumula ang dating asawa.

 

“B-baka mahawaan kit—”

 

“I’m sorry for hurting you back then, Wonwoo. Hindi ko rin sinasadya ‘yung mga nasabi ko. Naiintindihan ko kung ano ‘yung nararamdaman mo noon kasi totoo naman na naging busy ako sa trabaho.” Sabi ni Mingyu. “Nalulungkot ako kasi hindi ko kayo naalagaan ni Sol. It hurts to see you like this, Won. I want to be able to take care of you, hanggang sa tumanda tayo.” 

 

He pulls Wonwoo for a hug. “I’m so sorry.” Tinago niya ang mukha sa leeg ng dating asawa. “And I’ve been in love with you for years, Wonwoo. Hindi ka mahirap mahalin. You make life easier and I don’t regret marrying you.” Nag iwan siya ng maliit na halik sa leeg ni Wonwoo.

 

“God knows how much I hated myself when I signed the end of the contract.” Pag amin niya. “I’m sorry. Forgive me?” Tanong ni Mingyu. 

 

He stared at Wonwoo and saw him nod. “Sorry din.” Sabi ni Wonwoo kaya ngumiti si Mingyu at tumango.

 

“Let’s forgive each other, okay?” Tumango si Wonwoo. 

 

He smiled and took Wonwoo’s hand. “I really wanna marry you again. For real this time.” Nakita niyang namula si Wonwoo. 

 

“Okay.” Mingyu knows their parents will be happy with this. He can’t wait to spend the rest of his life with Wonwoo and Solene.

 

Lumapit ulit siya para halikan si Wonwoo pero tinulak siya nito. “Mahahawaan ka, Mingyu.” Mingyu groaned.

 

“Doktor nga ako, kaya ko ‘yan.”

 

“Yabang mo.” Tawa ni Wonwoo pero siya rin ang humila sa kwelyo ni Mingyu para halikan siya. 

 

Ngumiti si Mingyu sa halik at diniin pa ang sarili kay Wonwoo. Nang mag hiwalay sila ay tumabi siya kay Wonwoo, at niyakap ang kasintahan. He’s finally home.

 

“Pagaling ka, tapos uwi na tayong tatlo, hmm?” Sabi ni Mingyu at naramdamang tumango si Wonwoo. 

 

“Okay. I really missed the sofa sa bahay.” Tumawa si Mingyu nang malakas. Hinahaplos niya ang likod ng kasintahan nang biglang magsalita ulit ito. “What time is it?”

 

Tumingin si Mingyu sa digital clock na nasa side table ni Wonwoo. “12:09 am.” 

 

“Happy birthday, Min. I love you.” Ngumiti si Mingyu, nakalimutan niyang kaarawan niya pala ngayon.

 

“Hmm… this is the best birthday gift—‘yung kumpleto ulit tayo.” Sabi niya at hinalikan ang ulo ni Wonwoo. “Thank you. I love you.”

Notes:

hii sorry for being away for a while life got so so busy

kumusta? hehe

revo: sintaminwon
x: sintaminwon