Work Text:
‧𓍢ִ໋☕ ׂ 𓈒 ⋆ ۪
“Anong gusto ng labs ko na ‘yan?”
Napairap si Wonwoo kahit hindi naman siya makikita. Nakaupo siya sa asul na sofa na bagong nilang bili lsa IKEA nung isang linggo habang nakahilig sa sandalan, hawak ang phone sa isang kamay.
“Parang ewan,” sagot niya, sabay tawa. “Uwi ka na lang kasi nagluto ako ng adobo, Min. Anong ETA mo pala?”
Mula sa kabilang linya, rinig niya ang ingay ng grocery— may mga plastic na nagkakaluskos, beep ng scanner, at boses ng kahera na may tinatanong kay Mingyu.
“Mga 8:30 nandiyan na ‘ko, Wons,” sagot ni Mingyu, bahagyang natatakpan ng ingay sa paligid. “May ipapabili ka pa ba bukod sa avocado ice cream?”
Saglit na napangiti si Wonwoo, napatingin sa kisame habang iniisip kung may kulang pa ba.
“Okay, Min. Wala na, want ko lang ng avocado ice cream. Thank you!”
Narinig niya si Mingyu na sumagot muna sa kahera—something about an eco bag—bago bumalik sa kanya. “Kopya, Wons. Text mo lang ako kung may ipapahabol ka pa.”
“Wala na. Okay na ‘yan,” sagot niya at mas inalapat ang likod sa sofa. “Baba ko na? Ingat ka pag-uwi.”
“Tsaka pala, Wons…” bahagyang bumaba ang boses ni Mingyu, parang may gustong idagdag. “May sasabihin din ako pag-uwi.”
Napakunot ang noo ni Wonwoo, bahagyang umayos ng upo. “Ano ‘yon?”
Saglit na katahimikan sa kabilang linya, tapos—
“Pag-uwi nga.”
“Bad or good news?”
“Good news.”
“Okay. Good. Hindi ako kakabahan. Sige na, ingat you!”
“Mag-iingat talaga ako,” sagot ni Mingyu, may bahagyang lambing sa tono. “Uuwi pa ako sa’yo, eh.”
“Parang sira naman!” mabilis niyang sagot, sabay pigil ng ngiti. “Bye na!”
At bago pa siya masagot ulit, pinatay na niya ang tawag, pero nandoon pa rin ang ngiti sa labi niya habang nakatitig sa phone screen.
Napabuntong-hininga na lang si Wonwoo matapos niyang titigan ang telepono niya. Ilang segundo pa niyang hinayaan na naka-ilaw ang screen bago niya tuluyang ibinaba sa tabi niya, saka siya sumandal sa sofa.
Pinapakalma niya pa ang tibok ng puso niya dahil sa mga banat ni Mingyu—nakakainis kung gaano kabilis mag-react ang katawan niya sa simpleng lambing o biro nito. Hindi naman siya ganito dati. Hindi siya yung tipo na madaling magpaapekto. Pero pagdating kay Mingyu, parang lahat ng control na meron siya, unti-unting nawawala.
Para siyang si George, e. Palibhasa kasi alam na alam mo kung paano ako kunin eh isang ngiti mo lang wala umiikot na ulit yung mundo ko tangina ang talino kong tao pero pag dating sa'yo? ewan ko natatanga ako.
Kung tutuusin, wala namang mali sa sinabi ni Mingyu. It was casual, almost nothing. But for Wonwoo, it meant more than it should. Kasi hindi lang naman basta salita ‘yon, galing ‘yon kay Mingyu, e.
And who wouldn’t feel something when the person you like talked to you like that? Kahit pilitin niyang ‘wag pansinin ‘yon, hindi niya ma-deny na it hits differently.
Napapikit siya sandali, pinipilit ayusin ang mga iniisip niya. He knew he shouldn’t be feeling this way. Hindi naman ‘to parte ng plano niya. This wasn’t supposed to happen. Ang dami niyang priorities sa buhay. He didn’t need complications. Lalo na kung ang komplikasyon na ‘yon ay sarili niyang best friend since high school.
But it wasn’t something that happened overnight. Hindi naman isang araw lang tapos bigla na lang siyang na-in love sa bestfriend niya. It was so gradual and subtle. As a matter of fact, it was almost unnoticeable at first. Siguro nasa maliliit na bagay tulad na lang ng mga naging routine nila bilang roommates for four years.
Yes, and they were roommates!
Roommates for four fucking years and Wonwoo had been in love with him for three fucking years. Ang lungkot, ‘di ba? Lalo na’t aware siya ,so painfully aware, na walang gano’ng nararamdaman si Mingyu para sa kanya.
For Mingyu, everything was just platonic. Normal. Bestfriend things. Samantalang para kay Wonwoo, lahat ng ginagawa ni Mingyu ay meaning kahit na iniiwasan naman niyang isipin kasi nga ayaw niyang malugmok lalo sa feelings niya. Talo siya sa labang ‘yan, e.
And yet, tuloy pa rin ang routine nila. Sabay kumain, sabay matulog, lalo na kapag pagod pareho, at kung minsan pa nga, magkatabi pa sa iisang kama kahit may kanya-kanya naman silang kwarto sa condo.
Walang malisya kay Mingyu ‘yon. Pero kay Wonwoo, meron. Pero sanay na siyang magpanggap na okay lang naman ang lahat. Natutunan naman niyang tanggapin na hanggang kaibigan lang ang tingin sa kanya ni Mingyu.
Kasama pa naman sa routine nila na maghihintayan sila sa isa’t isa, kapag late umuwi ang isa, gising pa rin ‘yung isa, kunwari nanonood lang o may inaasikaso, pero ang totoo, hinihintay lang talaga.
Sabay silang naggo-grocery, nagtatalo pa kung anong bibilhin, kung kailangan ba talaga ng kung anu-ano. May mga gabi rin na sabay silang nagluluto, si Mingyu ang madalas mag-experiment, si Wonwoo naman ang taga-tikim at taga-reklamo kunwari, kahit ubos naman niya lagi ‘yung mga niluluto ni Mingyu.
Sabay pa ‘yan silang maglaba tuwing weekend, naglilinis ng condo, nag-aayos ng gamit habang may background music o kung ano mang pinapanood nila sa Tv. Minsan, magkatabi lang silang nakaupo sa sofa, parehong nagpo-phone o nanonood ng kung ano, pero komportable pa rin sa katahimikan ng bawat isa.
Syempre masakit ‘yon kasi para kay Mingyu, those things were just their everyday life and routine. Pero para kay Wonwoo, bawat sandaling ‘yon ay isang paalala ng kung anong meron siya at kung anong hinding-hindi niya pwedeng hingin.
So, yep, three years ago, Wonwoo started paying attention in a different way. Things that used to be nothing slowly became something.
Hanggang sa dumating sa point na hindi na niya na mabalewala. He started seeing Mingyu differently. Not just as a best friend, not just as someone constant, but as someone he was in love with. In a way that went beyond friendship, beyond anything na kaya niyang i-justify bilang “normal” lang.
He realized then that he had fallen. And it was so real, and so deep sometimes it burned something in him.
Napamura siya nang mahina habang tinatakpan ang mga mata niya gamit ang braso, as if that would somehow quiet everything inside him. Because no matter how much he tried to reason with himself, hindi na mababago ‘yon.
The feeling was already there, rooted deep. And the worst part? He didn’t even know when it started, and he had no idea how to stop it.
Hay, Mingyu Tobias Kim, bakit ang hirap mag-move on sa’yo?
‧𓍢ִ໋☕ ׂ 𓈒 ⋆ ۪
“‘Di ba sinabi ko sa’yo last year na gusto kong mag-umpisa ng business ngayong taon. Ito na ‘yon, Wons,” ani Mingyu habang nakaupo sila sa sofa.
Katatapos lang nilang kumain ng hapunan at nagdesisyon na manonood sana sila ng paborito nilang series kaso lang bigla naman ‘tong inopen ni Mingyu.
Hindi naman na nagulat si Wonwoo. Alam niyang matagal na ‘tong gustong gawin ng kaibigan. Ilang beses na rin itong nagkwento sa kanya na gusto nitong magbukas ng sarili cafe. Nasabi na nga rin niya kung ano ‘yung gusto niyang vibe at aesthetic, anong klaseng mga kape, at anong concept. This was something Mingyu had been building up to for years.
Dati kasi hanggang pop-up lang si Mingyu. ‘Yung mga temporary coffee booths sa events, bazaars, o kung saan man siya ini-invite ng mga kakilala niiya. Parang freelance barista kumbaga.
Naalala ni Wonwoo kung paano noong college pa lang sila ay nagpa-part-time na si Mingyu bilang barista. Actually, hindi naman kailangan ng kaibigan ng pera dahil galing naman ‘to sa may kayang pamilya. Sabi niya lang na gusto niya raw ng experience, well, his best friend genuinely loved coffee. He loved the process of making coffee and the small details that made each cup different. He also enjoyed experimenting with flavors, trying out new combinations just to see what would work.
Well, kung si Mingyu ay papunta na sa pagbuo ng sariling business niya, si Wonwoo naman ay nasa kabaligtaran ng agos ng buhay. Isa pa rin siyang full-time corporate employee, nine-to-whatever ang shift. Nasa marketing side siya ng isang malaking company, dealing with campaigns, reports, and clients. Kumbaga siya ay tunay na alipin ng salapi at kapitalismo.
Kaya ngayon na sinabi ni Mingyu na finally ay mag-o-open na siya ng sarili niyang cafe, Wonwoo knew it was a big step for his best friend.
Nakatitig siya kay Mingyu habang nakangiti. “Wow, oh my God, Min. Talaga? Finally?”
“Oo, Wons. Finally,” umpisa nito. “Bali may business partner naman na ako. Kilala mo naman si Lisa ‘di ba?”
Oh. Napatango siya roon. “Oo naman. Kilala ko.”
Kilala niya si Lisa dahil tropa ito noon ni Mingyu nung college. Hindi siya aware na hanggang ngayon pala ay close pa rin sila kasi as far as Wonwoo knew ay nagpunta na ito ng ibang bansa.
“Pero akala ko nasa abroad pa siya?” dagdag niya ulit.
“Umuwi siya last month,” sagot ni Mingyu tapos sandaling napangiti. “Gusto rin pala niyang mag-invest dito, tapos sakto pareho kami ng vision. So ayun, nag-click.”
“Ahh,” mahinang tugon ni Wonwoo at saka tumango ulit. “That’s good. So, kailan niyo balak mag-open?”
“Hopefully within the year,” sagot ni Mingyu. “Target namin mga late third quarter or early fourth, Wons. Depende sa renovation at permits. Inaayos pa namin ‘yung location ngayon.”
“May place na kayo?” tanong niya. Ito siguro ‘yung binabanggit ni Mingyu last time na may kausap siyang kaibigan tungkol sa business. He didn’t know it was Lisa.
“May tinitingnan na. Near business district sana. Tsaka malapit din sa offices o schools para may regular crowd,” paliwanag ni Mingyu.
“That makes sense,” aniya. “So, ikaw ba bahala sa coffee side?”
“Yup. Ako sa operations and product. Si Lisa naman more on business side, e. Mga finances, sourcing, mga ganon,” sagot ni Mingyu.
“Ahh,” tumango si Wonwoo. “Wow. Taray, may business partner na siya.”
“Mm,” simpleng sagot ni Mingyu. “Mas madali din kasi na may ka-partner ka. Hindi mo kailangan akuin lahat muna.”
Totoo naman din ‘yun. He actually agreed with him dahil hindi naman biro ang mag-umpisa ng business, at hindi rin madali dalhin lahat mag-isa. From planning, finances, operations, hanggang sa day-to-day decisions, sobrang daming kailangang i-handle.
Kung tutuusin, mas practical talaga na may kahati ka. Someone you could rely on, someone who could share the load with you. Hindi lang sa trabaho, kundi pati sa pressure. Kasi hindi naman lahat ng bagay kaya mong dalhin mag-isa, no matter how capable you were.
“Yeah. Mas okay nga ‘pag may ka-partner. Less pressure na rin tsaka hindi ka mag-isa sa lahat.”
And he meant it.
Kahit papaano, mas kampante siya na hindi sasabak si Mingyu sa ganitong kalaking risk nang mag-isa. At least may kasama ito at may sasalo kung sakaling mahirapan, may tutulong mag-decide kapag hindi na malinaw ‘yung susunod na desisyon niya.
May sandaling katahimikan sa pagitan nila hanggang binagas na ito ni Mingyu.
“Kaya magiging busy ako ngayon, Wons. Magsasabi ako kung hindi ako makakauwi o kaya male-late ako ng uwi. ‘Wag mo ‘kong masyadong mamiss, ha?”
Napairap siya. Siraulo talaga ‘tong si Mingyu. “Ang oa naman, Mingyu. As if namang mamimiss kita kahit isang araw ka lang mawala?”
“Sus, sinasabi mo lang ‘yan,” sagot ni Mingyu sabay gulo ng buhok ni Wonwoo. “Baka kapag ‘di ako umuwi tadtarin mo agad ako ng text.”
Well, hindi malabong mangyari ‘yon, pero hindi na kailangan pang malaman ni Mingyu ‘yun. Hindi na kailangang malaman ng kaibigan na malaki ang chance na gawin niya ‘yun. Duh, halos araw-araw silang magkasama ni Mingyu sa bahay kaya sanay na sanay siyang nandiyan ang kaibigan niya.
May iilan ngang nagtatanong kung magjowa na ba sila. Syempre fantasy ni Wonwoo na magkatotoo ‘yon pero alam niya ring malabong mangyari. Baka mauna pang lumipad ang aso bago mangyari ‘yang pangarap niyang maging boyfriend si Mingyu.
“Pero uuwi ka pa rin naman ‘di ba?” Uuwi ka pa rin naman sa’kin, ‘di ba? ‘Yan talaga ang gusto niyang itanong.
“Wons, oo naman. Hindi ko rin naman hahayaang hindi ako makakauwi, e. Alam kong lagi mo ‘kong hinihintay.”
Parang sira talaga ‘to pero true.
“Wow ha? Kapal muks talaga, Mingyu Tobias Kim!” aniya sabay hampas sa braso ni Mingyu kung saan ramdam na ramdam ni Wonwoo ‘yung pagkatigas tigas na muscles doon. Hindi rin alam ni Wonwoo kung saan pa nakukuha ni Mingyu ‘yung oras niya para mag-gym sa halos araw-araw, e. Kasi siya, wala siyang energy diyan. Ihihilata na lang niya sa kama niya kaysa magpagod siya sa gym.
“Proud ka sa’kin?” biglang tanong ni Mingyu.
Napangiti siya dun. “Lagi naman, Min. I’m so proud of you.”
Ngumiti pabalik si Mingyu. “‘Yun lang gusto kong marinig kanina pang umaga. Kaninang umaga ko pa gustong sabihin sa’yo ‘yung balita pero sabi ko hihintayin na lang kita pagtapos ng shift mo. So, thank you, Wons.”
Hindi agad siya nakasagot doon. Nakakainis talaga. Talagang kanina niya pa gustong marinig ‘yun na para bang kailangan niya ng validation from the most important person? Chosera! Assumera ka, Wonwoo!
“Lagi naman akong proud sa’yo, Mingyu. Kahit anong gawin mo sa life, susuportahan kita. I’ll always be here.”
Napahawak si Mingyu sa dibdib niya sabay sabing, “Ah, Wonwoo Keidee Jeon, you are my God given solace.”
Tinulak niya ulit ito. “So oa, Mingyu! Sobrang o—”
Hindi niya na agad natapos ‘yung sasabihin niya nang bigla siyang hinatak ni Mingyu at saka siya niyakap.
Rinig na rinig na naman niya ‘yung malakas na tibok ng puso niya. Parang ganito, o: Tugudug, tugudug, tugudug.
“Wons.”
“Hmm?” sagot niya. Nakasiksik na siya sa leeg ni Mingyu. Sa loob ng ilang taon nilang pagkakaibigan, sanay na siya sa pagiging clingy ni Mingyu. Pero simula nung na-realize niyang in love siya rito, syempre para sa kanya may malisya na lahat kahit wala naman dapat.
“‘Wag kang mag-alala. Para sa future natin ‘to.”
“Para kang tanga, Mingyu,” seryosong sagot niya. Baka para sa future niyo ng asawa mo!
Natawa si Mingyu sa sagot niya. “Basta sa tabi lang kita, ah? Kaya ko lahat basta nandyan ka, Wons.”
Hay, putangina.
Linyahan ba ‘yan ng best friend lang?
Mas lalo lang din talaga siyang nahihirapan kapag ganyan si Mingyu, e.
“Kaya mo lahat kasi kaya mo, Min. Kaya mo kasi magaling ka.”
“Hindi rin,” sagot nito. “Kaya ko kasi nandiyan ka. Alam mo bang sa bawat simbahang napuntahan ko, hindi lang pangarap ang ipinagdarasal ko kundi ikaw rin? Na kahit magbago ang mundo, nandito pa rin tayo para sa isa’t isa. Kasi anong silbi ng lahat ng ‘to kung wala ka sa tabi ko, Wons?”
Tangina. ‘Yan ang sinasabi nilang bff promax with Ginkgo Biloba with Vitamin C and Calamansi Extract!
Gusto na lang maiyak ni Wonwoo kasi bakit nasasabi ni Mingyu ang lahat ng ‘yan kahit na wala siyang nararamdaman para kay Wonwoo? Gets naman niya na matagal na silang magkaibigan at magkasama sa iisang bubong, pero kasi, mas lalo lang nahuhulog si Wonwoo sa patibong. Alam niya na siya lang ang matatalo rito, e.
“Mingyu,” bulong niya. “Hindi naman siguro tayo mawawala sa buhay ng isa’t isa. You’re literally my best friend.”
“Best friend?”
“Hmm.”
“Okay, best friend. I love you, best friend.”
“Sira!”
“Bakit? Bawal ba mag I love you sa best friend?”
“Wala akong sinabi!”
“Oh, saan I love you too ko kung hindi bawal?”
“You know I don’t say things like that!”
“Sus, ‘di mo lang ako mahal, e.”
I’m literally in love with you, idiot.
“Diyan ka na nga! Matutulog na ako!”
“Dito ka lang sa tabi ko, labs!”
“Labs?”
“Oo? Tawagan natin ‘yan ‘di ba?”
Hay, punyetang buhay ‘to. Pagod na akong maging best friend mo lang. Labs labs ka pa diyan!
‧𓍢ִ໋☕ ׂ 𓈒 ⋆ ۪
“Sasama mo si Mingyu?”
“Hindi pa ba kayo magjowa?”
“Mukha kayong mag-asawa na may dalawang pusa, Wons.”
“Taray! Live in for four years!”
Iyan ang mga madalas na naririnig ni Wonwoo sa mga kaibigan niya tuwing magkakasama sila. Halos hindi na nga nawawala sa usapan kapag nababanggit si Mingyu.
Everyone was literally wondering if they were together. Hindi na bago sa kanya ‘yon. In fact, gets na gets niya kung bakit gano’n ang tingin ng iba. They were always together—lagi silang magkasama sa lakad, sabay umuuwi, sabay kumakain, sabay sa halos lahat. They were practically attached at the hip.
Kahit siya, kung outsider lang siya, malamang iisipin din niya na may something. May mga pagkakataon pa nga na napapaisip siya—ganon ba talaga tingin ng iba? Kasi ang hindi nila alam ay si Wonwoo lang naman ang in love.
At alam niya sa sarili niya na kahit kailan ay hindi siya makikita ni Mingyu. Na hindi siya kayang mahalin nito ng higit pa sa isang kaibigan.
Nakakarelate na tuloy siya sa mga movies na pinapanood niya. Dati, akala niya exaggerated lang ‘yung mga ganoong plot, ‘yung mai-in love sa bestfriend tapos pipiliin na lang itago dahil natatakot na baka masira ang pagkakaibigan. Parang ang dali-dali lang panoorin, parang ang obvious ng choices, they were so dramatic for no reason.
Pero ngayon, naiintindihan na niya.
Movies were so fucking deceiving. Akala niya simple lang na either aamin ka or hindi. Either magiging kayo or hindi. Parang ang linaw ng mga choices kapag nanonood ka lang.
Pero sa totoong buhay pala, ang gulo-gulo.
Hindi siya basta-basta makapag-decide. Hindi siya pwedeng umamin lang out of nowhere, kasi alam niyang may kapalit ‘yon. Hindi rin siya pwedeng manatiling tahimik lang, kasi siya rin ang nahihirapan. It’s not just about feelings, it’s about everything they already have. Years of friendship, routines, comfort, trust.
At paano kung masira lahat ‘yon? Paano kung mawala si Mingyu sa buhay niya dahil lang sa isang pag-amin?
Kaya ngayon, gets na gets na niya kung bakit sa mga pelikula, pinipili ng isang karakter na manahimik na lang. Hindi dahil duwag sila, kundi dahil minsan, mas mahalaga ‘yung meron na kaysa sa possibility ng kung anong pwede pa.
At ang mas masakit? Alam niyang baka gano’n din ang piliin niya.
Napapailing na lang siya habang nakatitig sa hinahalo niyang kape na si Mingyu pa ang gumawa at inilagay ito sa flask niya kaninang umaga bago siya pumasok sa trabaho.
Very husband material. Gusto na lang maiyak ni Wonwoo.
“Hoy, kanina pa malamig ‘yang kape mo kakahalo mo diyan, teh,” ani Seungkwan sa kanya na nasa tabi niya lang.
Napalingon si Wonwoo sa kaibigan slash workmate niya. “Seungkwan, kung may best friend ka for years tapos in love ka sa kanya, aamin ka ba? Kahit na may chance na masira friendship niyo?”
Napatitig sa kanya si Seungkwan sabay nagtaas ito ng kilay. “Bakit? Aamin ka na kay Mingyu?”
“Huh?”
“Teh, ‘wag ka nang huh pa nang huh diyan. Si Mingyu ‘yan, ‘no?”
Hindi agad siya nakasagot. Wala naman din siyang sinasabi kay Seungkwan, though. Pero gets niya kung bakit ganun na lang conclusion ng kaibigan niya dahil kung tutuusin ay halos araw-araw naman niyang bukambibig si Mingyu.
From the smallest things—kung anong kinain nila, anong sinabi nito, anong ginawa nila kagabi hanggang sa mga mas personal na bagay. So honestly, hindi na rin siya nagulat kung bakit ganun kabilis naikonek ni Seungkwan lahat.
“…Hindi ko alam,” sagot niya habang hinahalo pa rin ‘yung kape niya.
Napabuntong-hininga si Seungkwan at umayos ng upo. “Okay, wait. Recap tayo, teh. Ilang taon na kayo magkasama sa iisang bubong?”
“Four,” sagot ni Wonwoo agad.
“At ilang taon ka nang ganito ulit?” dagdag nito, sabay ikot ng kamay na parang obvious na ang tinutukoy.
“Three.”
Napailing si Seungkwan. “Grabe, ang tagal na, teh. Best in pagtatago ng feelings atake mo diyan.”
“I know.”
“The big question is,” sagot ni Seungkwan. “Kaya mo pa bang itago na lang ‘yan?”
Napatahimik si Wonwoo.
Kaya ba niya?
Hindi niya alam.
“Kung aamin ako,” dahan-dahan niyang sabi, “may chance na mawala siya. Like, totally out of my life.”
“And if you don’t?” balik ni Seungkwan.
“Then I stay like this.”
Katahimikan muli.
Pinagmasdan siya ni Seungkwan na parang tinitimbang kung anong sasabihin. “You know,” sabi nito, “people always think that confession is the bravest thing you can do. Pero minsan, mas matapang din ‘yung hindi pag-amin, e.”
Napatingin si Wonwoo sa kaibigan.
“Kasi you choose to stay,” tuloy ni Seungkwan. “You choose to keep loving someone quietly, kahit alam mong wala kang makukuha pabalik. That’s a different kind of courage.”
Napabuntong-hininga si Wonwoo at saka napasandal sa upuan. “Hindi ko alam kung courage ‘to o katangahan, Kwan.”
Napatawa si Seungkwan. “Pwede ring both.”
Saglit silang natahimik.
“Tingin mo ba may chance?” tanong ni Wonwoo.
Hindi agad sumagot si Seungkwan.
“Tingin ko,” dahan-dahan nitong sabi, “ang mas importante ay kung kaya mo bang tanggapin kung ano man ang sagot niya?”
Hindi agad nakasagot si Wonwoo.
Kasi sa totoo lang ay ‘yun ang mas nakakatakot. The fear of finally admitting it, of saying the words out loud, wasn’t just about rejection. It was the thought that things might actually change forever, that the friendship for years could all vanish in an instant.
It was scary because it wasn’t just a yes or no; it was everything they had built that could be gone.
“Hindi ko alam, Kwan,” sagot ni Wonwoo. “Parang hindi ko rin alam kung handa na akong harapin ‘yung posibleng mangyari.”
“Teh, minsan kailangan mo lang mag-take ng risk. Kahit nakakatakot, kahit pwede siyang masira, minsan ‘yun ang paraan para malaman mo rin kung worth it ba ‘yung isang bagay.”
“Pero paano kung masira nga?” tanong niya pabalik. “Paano kung mawala siya sa buhay ko dahil lang sa punyetang feelings na ‘to?”
Nagtaas ng kilay si Seungkwan saka nagsalita. “Then you face it. Gusto mo ba na lagi kang nagtatago sa sarili mo, o gusto mo rin malaman kung puwede niyang pahalagahan ‘yang nararamdaman mo?”
“Nakakatakot nga, Kwan.”
“I know. Pero minsan kasi kailangan, e. Step into it. Kahit alam mong maliit ‘yung chance, minsan it’s worth the risk.”
Napabuntong hininga siya. Maraming beses naman na niyang gustong umamin kaso lang lagi naman siyang pinapangunahan ng takot.
“Pero alam mo bagay sa’yo ‘yung napanood ko sa Instagram reel ko, ‘teh.”
“Ano na naman ‘yang napanood mo, teh?”
“The one who’s in love always wins, daw. Kahit masaktan ka, okay lang, because at least you’re feeling, you’re living. Parang ganun na kapag may nararamdaman ka, then you’re alive. Kahit ‘yung araw nga e hindi iniintindi kung napapansin man o hindi ng damo ang sinag niya. You just have to shine anyway,”
Napangiti si Wonwoo. “Nakakainis. Ganyan ba talaga kapag nasa healthy relationship? Nagiging philosophical?”
“Sira, but slight. Pero ‘yun nga, ang ibig kong sabihin lang, ‘teh, alam kong wala ako sa posisyon mo pero ‘wag kang matakot na aminin ‘yang feelings mo sa labs mo.”
“Kainis! Labs?”
“Tawagan niyo ‘yan ‘di ba?”
“Biruan lang kasi ‘yon! Nakuha lang namin ‘yon sa movie ni Marvin at Jolina!”
“Sus, kunyari pa,” sagot ni Seungkwan. “Anyway, kahit ano man ang sagot ni Mingyu, mas okay pa rin na nasabi mo ‘yung nararamdaman mo kaysa palagi kang nagsa-suffer diyan loob. Life is too short to stay quiet, lalo na kung ilang taon mo na siyang mahal. Mas okay na maranasan mo kahit sumakit, kaysa magsisi ka later na hindi mo sinubukan,” paliwanag ni Seungkwan.
Napangiti si Wonwoo sa sinabi ng kaibigan. Tama naman si Seungkwan sa sinabi niya, though. Pero hindi niya lang siguro kung kailan niya susundin ‘yan.
“Thanks, Kwan. I appreciate all of that.”
Seungkwan smiled. “Osiya, balik trabaho na. Sabihan mo lang ako kung ready ka na mag-move on diyan sa labs mo at irereto kita sa iba. Mas marami pang poging moreno na borta diyan sa tabi-tabi! Tulad na lang nung nasa IT department na bet na bet ka.”
Natawa si Wonwoo. “Tangeks. Ayoko sa iba, ‘no.”
Napabuntong hininga ang kaibigan. “Well, ano pa bang aasahan kong sagot?”
Napailing si Wonwoo at saka tinitigan ang kape na kanina pa malamig.
Mingyu was just everywhere. Even every sip of this coffee carried a trace of him.
‧𓍢ִ໋☕ ׂ 𓈒 ⋆ ۪
“Nanganak na raw ‘yung pusa ni Jun, Wons. Gusto mo kunin natin ‘yung isa o kaya dalawa? Ilan gusto mo?”
Napatalon si Wonwoo sa gulat (as magugulatin na person) nang biglang nagsalita si Mingyu mula sa likuran niya.
“Jusko naman, Min! Pwedeng ‘wag mangggulat?”
“Ay, sorry, labs,” sagot nito sabay peace sa kanya.
‘Yan na naman siya sa labs niya.
Hindi pa nga nakakahinga si Wonwoo nang maayos e nadagdagan pa dahil sobrang lapit na nila sa isa’t isa. Paano ba naman e nagsasampay siya rito sa terrace nila tapos itong Mingyu na ‘to biglang lalapit? Ang siste ay halos sumandal na ang likuran niya sa harapan ni Mingyu. Kung lalapit pa siya ng kaunti ay mararamdaman na niya ang init ng katawan nito.
This was what they called close proximity, and it was messing with his head.
Nakatayo si Mingyu sa harap niya, bahagyang nakayuko ang katawan para kausapin siya, habang siya naman ay nakasandal sa railing ng terrace, unti-unting napapalapit ang likod niya sa dibdib ni Mingyu.
“Uhm, pero ano, about diyan,” ani Wonwoo. “Gusto mo ba? Knowing na hindi ka naman cat person.”
“But you are a cat person at ‘yun ang mahalaga, Wons.”
Umirap siya. “Seryoso kasi. Want ko naman. Ikaw?”
“Gusto ko rin.”
“Kasi?”
Hindi sumagot si Mingyu agad. Instead, kinuha niya ‘yung isang damit na nilabhan nila kanina (na mostly si Mingyu lang ang gumawa. Ang trabaho kasi niya lagi ay magsampay). Habang abala si Mingyu sa pagsampay e naramdaman niya na ‘yung init ng katawan nito.
Napatingin tuloy siya agad sa hawak na damit ng kaibigan, pero dali-dali niyang itinaas ang tingin niya. Nang tumingin siya pabalik, nakayuko na si Mingyu at nakatingin na sa kanya.
Feel ni Wonwoo nasa isa siyang romantic comedy movie directed by Cathy Garcia Molina at ang trope nilang dalawa ay best friends to lovers na hindi nag-aaminan.
Ilang segundo silang nanatili sa ganyang position hanggang sa nagsalita si Mingyu. “Kasi alam ko kung gaano mo kagustong mag-alaga ng mga pusa.”
Sige nga. Sinong hindi maiinlove diyan? Pisteng yawa!
Hindi manlang siya makangiti kasi ang lapit ni Mingyu tapos kumakalabog pa dibdib niya. “Gusto ko rin pero mas maganda siguro kapag okay na lahat? I mean, kapag settled ka na sa business mo tapos ako promoted na sa work ganon,” sabi niya sabay tawa. “Baka kasi ‘di natin sila maasikaso here sa bahay ngayon. Gets ba? Pero want ko na magkaroon tayo ng cats ha! Who would even say no to them?”
“Gets ko, labs,” sagot ni Mingyu. “Okay, okay. Sabihan ko si Hao.”
Ngumiti si Wonwoo. “Okay. Pag-usapan ulit natin kapag settled na lahat? One step at a time, Min.”
Mingyu smiled back. “You really keep me grounded, ‘no?”
“Huh?” balik niyang tanong. At talagang hindi pa sila umaalis sa pwesto nila.
“Hindi pa rin natatanggal ang ngiti sa labi ni Mingyu. “You make me stop and breathe.”
“Ano? Ako na ba oxygen mo ngayon?”
“Pwede rin.”
“Sira,” sagot niya sabay tulak ng mahina kay Mingyu. “Istorbo ka sa sinasampay ko, e.”
“Tulungan na kita tapos kain na tayo ng tanghalian.”
“Ako na kaya. Ikaw na nga nag-laundry, e. I got this! Ito na lang ambag ko bukod sa kagandahan.”
“Totoo rin naman.”
“Na?”
“Sa kagandahan.”
“Ewan ko sa’yo. Tse!”
Pagkatapos nilang kumain ng tanghalian, diretso silang nag-grocery sa Landers malapit sa apartment nila. Ganito na ang routine nila tuwing weekend, kung walang plans kasama ang mga kaibigan, sila naman ang lalabas para mamili ng mga kailangan sa bahay.
Binilhan pa siya ni Mingyu ng isang mug na cat-themed para raw may bago siyang mug sa opisina na para bang wala siyang sandamakmak na mug galing kay Mingyu na puro pusa ang designs.
Habang naglalakad sa mga shelves, nagbibiruan at nagkukwentuhan lang sila tungkol sa mga nangyari sa linggo nila. Medyo naging busy na si Mingyu dahil sa business na inuumpisahan niya, kaya mas madalas na siyang lumalabas para sa meetings, research, o kahit simpleng tasting sessions ng mga coffee blends according to him. Si Wonwoo naman, busy din dahil maraming kailangang gawin kasi nga for promotion na siya sa work.
Pero syempre, hindi naman naapektuhan ‘yung routine nila. Sabay pa rin silang kumakain ng hapunan tuwing weekdays, sabay natutulog sa parehong oras, sabay pa ‘yan sila mag-toothbrush na para bang mag-asawa talaga sila.
“Mahal-mahalan na naman sila, oh!”
“Anong mahal-mahalan? Baka bahay-bahayan!”
Naririnig na naman niya sa utak niya ‘yung biro nina Minghao at Jun one time noong nasa inuman sila.
They would do things that only couples would do. There was always a comfort in Mingyu’s presence, and Wonwoow was just really enjoying their life together including their routines. So, kung aamin siya, baka mawala lahat ng ‘to kaya ‘wag na lang muna.
Ngayon, pareho silang nagsisipilyo sa harap ng salamin habang nakatingin sa isa’t isa. Pansin ni Wonwoo ‘yung black cat-themed na lalagyan ng sipilyo niya, tapos kay Mingyu naman plain black lang. It was so them.
Si Mingyu ang unang natapos at tumingin kay Wonwoo. “Gusto mo bang iurong natin ‘yung blue sofa banda sa gilid malapit sa bintana, Wons? Para mas light sa living area,” tanong niya, habang hawak-hawak pa rin ang sipilyo niya at nakangiti.
Wonwoo turned his head a bit, imagining the layout. “Hmm. Oo, parang mas airy nga, tapos pwede rin tayong maglagay ng isa pang maliit na shelf sa tabi kasi may mga books pa tayo na hindi nalalagay, e.”
“Dami mo kasing binili sa big bad wolf e,” sagot ni Mingyu.
“You bought them for me kaya!”
“Kasalanan ko pala. Sorry, Wons,” biro ni Mingyu.
“Anyway, I love how we arranged everything here naman, Min. Cozy, right? You love it cozy.”
“Hmm. I love it.”
Hindi naman ganun kalakihan ang apartment nila, sakto lang para sa dalawang taon. But it was cozy and lived-in. There was a soft wood flooring that engulfed the whole place. There were also light grey walls na parang blank canvas na swak sa personality nilang dalawa. Sa gitna ng living area, naka-set yung blue sofa na binili nila last three weeks ago lang. Sa tabi nito, may cream-colored rug with subtle patterns.
Malapit sa bintana, may maliit na shelf na puno ng mga libro dahil mahilig si Wonwoo magbasa at plantito siya since pandemic kaya may halaman sa gilid. ‘Yung sinag ng araw tuwing umaga naman ay dahan-dahang pumapasok at tumatama sa sofa at sa rug, giving everything a soft, warm glow.
Sa walls nila, may mga small art prints, abstract, there were hints of purple and green na paborito nilang kulay. Pero aside sa mga prints, nakasabit din ‘yung mga paintings na ginawa mismo nila ni Mingyu noong college sila. May konting sketch dito, splash of colors doon. Hindi namna perfect pero gawa kasi nilang dalawa ‘yon dati kaya personal para sa kanila ‘yon.
Medyo minimalist and cozy ‘yung vibe ng apartment nila, though, it was really functional and comfortable. Lahat ng bagay na mayroon sa loob ng bahay nila, it had purpose and story behind it.
Tulad na lang nung rug na binili pa nila sa Bangkok which was their first out of the country together. ‘Yung loquat tree na dinala ng Papa ni Mingyu nung first move-in nila rito na nakalagay sa tabi ng bintana, that actually gave life sa corner ng living area nila.
‘Yung blue sofa na medyo pricey pero pareho nilang gusto kaya binili pa rin nila. Hindi lang siya komportableng upuan, perfect din siya for afternoon naps or lazy weekends na nandyan lang silang dalawa.
‘Yung mga paintings na sila mismo ang gumawa noong college na nakasabit sa pader. ‘Yung isang papel na nakalagay sa loob frame at nakasulat ‘yung second names nilang Tobias and Keidee na isinulat nung batang nakilala nila sa isang community service noong college sila.
So yes, even the little things mattered—the coffee mugs, even the kitchen tools na ginagamit nila tuwing magluluto, ‘yung maliliit na jars ng spices na pinipili nila base sa kung alin ang favorite taste nila. Lahat ng ‘yon, even if it was small, it’s a reminder that this space wasn’t just an apartment but it’s a home they built together.
“Bili na lang tayo ng maliit na shelf sa Sabado tapos ayusin natin ‘yung pwesto nung sofa.”
“Okay, fine with me,” sagot niya at saka niya inilagay ‘yung sipilyo sa lalagyan nito. Humikab na siya kaya natawa si Mingyu.
“Antok na?”
Ginusot niya muna ang mga mata bago sumagot. “Hmm. Sleep na tayo? Aga pa bukas, e.”
Ginulo ni Mingyu ang buhok niya. “Sige. Tulog na tayo. Tabi ako sa’yo pwede ba?”
Hindi na siya nag-isip pa ng isasagot. “Okay. Tabi tayo.”
‧𓍢ִ໋☕ ׂ 𓈒 ⋆ ۪
Min <3
Wons
4:40 PM
Min <3
Labssss
Keids
KD
Baka hindi kita masundo ngayon, Wons :( Nasa meeting pa kami ni Lisa.
Bawi ako bukas, Wons. Promise.
4:41 PM
Me
Hiiii
Okay lang, Min. Ingat ka!
What time ka uwi?
4:43 PM
Min <3
Mga 8 na, Wons
Mag-text ka. Una ka na rin kumain, ah? ‘Wag mo na akong hintayin 😊
4:50 PM
Me
Awww
Oki oki
Ingat ka pauwi and text me ha
4:51 PM
Min <3
I will, labs 😘
4:52 PM
Me
Bwiset na kiss emoji yan
Sa future jowa mo yan i-send
HAHHAHAHAHA
4:53 PM
Min <3
Hahaha
lol
Work na ko, Wons. Ingat ka pauwi. Text mo ako kung nakauwi ka na :)
4:53 PM
Me
I will okiii
Work ka na diyan! Galingan mo!
4:55 PM
Delivered
Medyo nagsisi si Wonwoo sa fact na hinintay pa talaga niya si Mingyu makauwi. Pumatak na ang alas otso ng gabi pero wala pa rin ito sa apartment nila. Natapos na lang niya yung pitong episodes ng series na pinapanood niya sa HBO, pero wala pa rin si Mingyu.
As a matter of fact, nagsimula na rin siyang mag-alala. Usually kasi, kapag male-late si Mingyu, magte-text agad ito—kahit simpleng “running late” lang. Pero ngayon, wala. Alas onse na ng gabi, at nakaupo pa rin siya sa sofa, tahimik na nakatitig sa phone niya. Ilang beses na niyang chineck ang Messenger at five hours ago pa last online si Mingyu.
Itetext na nga niya sana ulit nang marinig niyang bumukas ang pinto. Napabuntong hininga siya, bago agad tumayo para salubungin si Mingyu na kasalukuyang nagtatanggal ng sapatos.
“Min, bakit hindi ka nagsabi na aabutin ka ng 11 pm?” bungad niya.
Napaangat ang ulo ni Mingyu “Sorry, Wons,” sagot nito. “Hindi na namin namalayan na late na pala. Ang dami lang talagang inasikaso ngayong araw.”
Bahagyang nagsalubong ang kilay ni Wonwoo. “Kahit isang text lang, Mingyu. You know I’d worry.”
“Yeah, I know. My bad, Wons,” sagot ni Mingyu, sabay pasok sa loob na bitbit pa ang bag niya. “Nag-site visit pa kasi kami kanina, tapos may meeting sa supplier, tas biglang nagkaroon ng problema sa equipment na tinitingnan namin.”
Napalambot ang ekspresyon ni Wonwoo habang pinapanood ang kaibigan. Halata sa mukha ni Mingyu ang pagod at medyo bagsak ang balikat nito.
“Kumain ka na?” tanong niya agad.
“Snacks lang. Coffee mostly,” sagot ni Mingyu at napakamot sa batok. “Hindi ko na namalayan oras.”
Napailing si Wonwoo. “Of course, coffee,” sagot niya. “Nagluto ako ng sinigang na bangus. Kain ka muna bago magpahinga.”
Ngumiti si Mingyu. “Grabe na talaga ‘tong may bahay ko, e.”
Napairap si Wonwoo. “Tangeks.”
Parang gago ka naman Mingyu.
Mingyu let out a tired laugh. “Sabi ko matutulog na ako pagdating sa bahay, e. Pero sino ba naman ako para hindi kainin ‘yang luto mo, labs?”
“Sira, halika na dun sa kusina,” sagot niya agad kasi pakiramdam niya ay tatalon na ang puso niyang baliw kay Mingyu. Dumiretso na siya sa maliit na kusina nila kung saan naghihintay na ‘yung pagkain na kanina niya pa niluto.
“Sit down,” sabi ni Wonwoo. “Painit ko lang ‘yung ulam.”
“Wons, okay lang—”
“Upo na, Mingyu,” ulit niya.
Napangiti na lang si Mingyu at sumunod, dahan-dahang umupo. “Yes, boss.”
Agad namang pinainit ni Wonwoo ‘yung sinigang na bangus. Pagkatapos ay nakita niyang naglagay na ng kanin si Mingyu sa pinggan niya kaya naman inilapag niya na ‘yung ulam. Nang nag-settle na sila sa mga pwesto nila sa dining table, agad nagsalita si Wonwoo.
“Pagod?”
Tumango si Mingyu. “Sobra. Pero okay lang naman. Ngayon lang talaga na nagsabay-sabay lahat.”
Ngumiti siya sa sagot ng kaibigan. “Hmm, you did well, Min.”
Mingyu smiled back. “Thanks, Wons. Ikaw rin. I’m sure you did well today.”
Hindi na natanggal ‘yung ngiti sa mga labi niya. May sandaling katahimikan na namagitan sa kanilang dalawa. Tanging tunog lang ng mga kubyertos ang naririnig kaya nagkaroon siya ng chance na titigan at obserbahan si Mingyu.
Mingyu looked really tired today. Halata naman sa bagsak na balikat, sa paraan ng pagyuko niya habang kumakain, at sa kung paano niya halos hindi namamalayan na masyado na palang mabilis ang subo niya. May konting eyebags na rin na hindi niya madalas makita noon.
Tahimik lang siyang nakatingin, taking in every little detail. Kahit ‘yung paraan nang pag-angat ni Mingyu ang mangkok para sumimsim ng sabaw. Hay, ang Mingyu ko.
“Wons,”
“Hmm?”
“May sinusubukan akong special drink na isasama ko sa menu. Papatikim ko sa’yo kapag nakuha ko na ‘yung tamang lasa at timpla.”
Wonwoo smiled at that. “Talaga? Anong drink?”
“Secret muna. Basta kapag nakuha ko na, ikaw agad unang makakatikim.”
Kung nasa pelikula lang siguro silang dalawa baka kanina pa dumila sa harap ng camera si Wonwoo kasi naman siya talaga ang first?! Edi mag-assume na naman siya niyan?
“Promise ah?”
Kumindat sa kanya ang kaibigan. “Ako pa ba? Promise ‘yan, labs.”
Kinilig siya dun.
Shet talaga. Hay, Mingyu. I’m so in love with you sana ma-reciprocate. Eme!
“Nga pala, Wons,” dagdag ni Mingyu. “Medyo magiging busy ako this week. May R&D kasi kami niLisa. “Baka late ulit ako makauwi minsan. O minsan, hindi na talaga ako aabot para sa hapunan kaya magsasabi agad ako.”
“Okay lang. Naiintindihan ko naman. Busy ka eh and ganyan talaga kapag nag-uumpisa ng business.”
Mingyu nodded, visibly relieved. “Thank you, Wons. Once ma-finalize na namin, magiging stable na rin schedule ko.”
“Hey, Min. It’s okay,” agad niyang sabi sa kaibigan. “Don’t worry about me. Worry about the business lang, okay? Sa isang bahay lang naman tayo umuuwi, e.”
Naiintindihan naman talaga niya. Hindi naman biro ang mag-start ng business especially a cafe. It’s not just about coffee and aesthetics of the place, there were so many moving parts behind it. May suppliers, costing, permits, menu testing, branding, at lahat kailangan pag-isipan from the ground up.
At kilala niya ang kaibigan niya. Kapag may sinimulan ito, he would always go all in kasama ang oras, pagod, focus, kasi lahat ibinibigay niya talaga.
At the end of the day, uuwi pa rin naman si Mingyu. Sa iisang bahay.
Sa kanya.
“I like that.”
“What?”
Napangisi si Mingyu. “Na sa iisang bahay lang tayo umuuwi.”
Wonwoo rolled his eyes. “For four years, Min. Ngayon mo lang nagustuhan?” biro niyang tanong.
“Hindi ah. Matagal na.”
“Ewan sa’yo. Ubusin mo na ‘yan para makapahinga ka na.”
“Tabi ako sa’yo ulit?”
“Hmm, basta mag-shower ka after mo diyan kasi amoy kape ka.”
“Grabe? Lagi naman akong nagsa-shower bago matulog ah?”
“I know. Pinapaalala ko lang kaya!”
“Cute mo talaga!”
“Shut up.”
‧𓍢ִ໋☕ ׂ 𓈒 ⋆ ۪
For the first time ever, Mingyu cancelled their movie kinda-date—and what made it worse was the late notice. Kaya ngayon, hindi maikakaila ‘yung inis ni Wonwoo habang nakatitig sa phone niya.
Manonood dapat sila ng Zootopia 2 sa SM North, at sobrang excited pa naman niya. He even wrapped up work early, ni hindi na nga siya tumanggap ng additional tasks pagpatak ng 4:30 PM, just so he could leave on time. He had planned his whole evening around it, around them.
Inaasar pa siya ni Seungkwan kanina, sinasabing para raw siyang may first date kasama ang boyfriend niya, and it was something he brushed off. Well, not with a boyfriend, but with a best friend .
Simple lang naman yung plano dapat: susunduin siya ni Mingyu sa office, tapos derecho sila sa SM North. Napag-usapan na nila ‘to nung Lunes pa lang, and Mingyu agreed without hesitation. Kaya natural lang na nag-expect siya.
Pero ngayon, nakatitig lang siya sa message ni Mingyu na hindi sila matutuloy dahil may kailangan itong asikasuhin kasama ang business partner niya, doing business partner things.
Napahigpit ang hawak niya sa phone.
Late notice.
Of all things, ‘yon pa talaga. Alam ni Mingyu na ayaw niya ‘yung mga biglaang cancellations, especially kapag planado na. Hindi naman siya unreasonable, naiintindihan niya na busy nga ito. Pero sana man lang, mas maaga sinabi ni Mingyu sa kanya ‘yon. Hindi yung kung kailan ready na siya, kung kailan naka-set na yung buong gabi niya para doon.
He let out a breath, pero hindi nawala ‘yung inis niya. Kung sana sinabi ni Mingyu kanina pang umaga, baka hindi pa siya nainis. Kaso lang, talagang ngayon pa na ready na siya?
Routine pa naman nila na manood talaga ng movie whether sa mall o kaya sa bahay nila. Ngayon lang na hindi natuloy.
Napatingin siya sa paligid ng opisina, unti-unti nang kumokonti ang tao, habang siya, naiwan na lang na walang pupuntahan. He could’ve stayed, taken more work, distracted himself, but he didn’t, because he chose this plan. He chose Mingyu.
Alam naman niya na importante yung ginagawa ni Mingyu. He understood how hard it was to start a business, how demanding it could be, and how everything felt urgent in the beginning.
Pero hindi ibig sabihin nun na hindi siya maiinis.
“Wons, wala pa si Mingyu?” tanong sa kanya ni Seungkwan. Nakasuot na ang bag nito sa balikat niya at ready na umalis dahil 5 p.m. na rin.
Umiling siya. Hindi na niya sinabi sa kaibigan na hindi sila tuloy ngayon. “Ah, mali-late lang daw siya ng fifteen minutes. Hihintayin ko pa siya.”
“Ay, okay sige,” sagot ni Seungkwan. “Una na ‘ko, besh. Hindi para mag-overtime at hindi naman tayo tagapagmana! Babush!”
“Ingat, Kwan.”
“Ingat rin and enjoy your date with your boyfie!” asar pa sa kanya ni Seungkwan bago tuluyang lumabas ng opisina.
Nang mawala na sa paningin ang kaibigan ay agad niyang ni-replayan si Mingyu ng isang “Okay and next time na lang.” At saka siya bumuntong hininga ulit. Hindi siya sigurado kung kailan ulit ‘yang next time, actually.
So, ngayon, uuwi siyang mag-isa sa apartment at alam niyang hindi niya pa madadatnan si Mingyu dun.
‧𓍢ִ໋☕ ׂ 𓈒 ⋆ ۪
“Sorry, Wons,” mahinang bulong ni Mingyu mula sa likod niya. Late na naman itong nakauwi and it’s been going on for almost four weeks now.
Sandaling naramdaman niyang may dumampi sa gilid niya sa kama. Dahan-dahang tumabi sa kanya si Mingyu, ini-adjust ang katawan para kumportable silang dalawa. Hinaplos nito ang likod ng ulo niya.
Nagpapanggap lang siyang tulog ngayon kasi ang totoo ay kanina niya pa hinihintay makauwi si Mingyu.
Mula sa gilid niya, narinig niya si Mingyu na nagpatuloy lang sa mahina niyang bulong kasi akala siguro nito ay mahimbing na siyang natutulog. “May adjustments lang sa layout ng cafe kaya na-late ako ulit. Hinahabol kasi namin ‘yung target date na naiplano namin para sa soft opening, e.”
Mingyu became noticeably busier these days. Halos buong araw niya ay nauubos sa cafe, at madalas siyang lumalabas para mag-R&D with his business partner, pumupunta sa iba't ibang suppliers, roastery labs, at kahit saan para i-test yung menu concepts. Nung nakaraang buwan, kung saan-saang lugar sila pumunta para sa potential location ng cafe at ngayong may nakita na sila ay naging busy naman sa kung ano ‘yung magiging layout ng cafe.
Even the simple routines they used to have together like cooking dinner or just chilling on the sofa started to shrink. Ni hindi pa nga ulit nila naaayos ‘yung pwesto ng blue sofa nila at hindi pa ulit sila nakakabili ng isa pang shelf para sa mga libro nila na nakatambak lang sa isang sulok.
Days that used to belong to them for small moments, now filled with tasting sessions, supplier meetings, and endless meetings.
Hindi na rin siya nasusundo ni Mingyu sa work kaya madalas ay nagco-commute na siya. Nahahalata na nga ni Seungkwan na hindi na siya nasusundo for the past month at sinabi niya lang na busy na si Mingyu dahil nga sa business niya.
Naiintindihan naman ni Wonwoo. He knew Mingyu wasn’t being selfish, and he certainly didn’t have any obligation to him dahil mag-best friends lang naman sila, nothing more. Who was he to demand anything from Mingyu?
At hindi rin naman siya selfish na tao. Naiintindihan niya ‘yung mga sakripisyo at effort na ginagawa ni Mingyu para sa business niya—lahat ng overtime, site visits, at R&D trips. He knew it was important for Mingyu to focus, and he didn’t want to be another source of stress or pressure.
Still, he couldn’t help the little pang of longing in his heart. Nasanay lang kasi talaga siya sa routines nila na laging sabay mag-dinner na nitong nakalipas na buwan ay hindi na nangyayari kasi gabi na kung umuwi si Mingyu. ‘Yung mga late-night conversations nila sa sofa, nawala na rin kasi wala na rin namang oras para mag-usap pa sila dahil pagod na dahil sa kani-kanilang trabaho.
Sinabi niya na sa sarili niya na okay lang ‘yon, that it was really fine. He reminded himself that this was part of growing, part of Mingyu chasing his dream.
Nasanay lang kasi talaga siya, e. Pero again, gets niya si Mingyu.
“Good night, Wons. May sasagutin lang akong mga emails pero matutulog na rin ako mamaya.” Bulong ni Mingyu at saka naramdaman niyang tumayo ito mula sa kama. Narinig niya na lang na bumukas na ‘yung pinto ng kwarto niya at tuluyan nang lumabas si Mingyu.
Agad siyang umayos ng pwesto at tumititig sa pintuan. Gusto sana niyang tumayo at sundan si Mingyu sa sala kaso lang baka makaistorbo lang siya roon.
Kaya ang ginawa niya ay ipinikit na lang ang mga mata para makatulog na at hindi na i-entertain pa ‘yung mga bagay na nasa utak niya.
“Min, naiintindihan mo ba ‘yung movie?” tanong ni Wonwoo nang lingunin niya si Mingyu na nakaupo sa tabi niya pero busy sa phone at mabilis na nagta-type.
Nilingon siya nito saglit. “Hmmm,” sagot lang nito.
Bumuntong hininga si Wonwoo. “‘Di ka naman nanonood, e.”
Kanina pa niya napapansin si Mingyu na type nang type sa phone. Hindi niya alam kung sino ang kausap nito, pero naiirita na siya lalo na’t kahapon pa nila pinag-usapan na papanoorin nila ‘tong movie na available na sa streaming platform, pero mukhang wala namang interes si Mingyu.
“Sorry, Wons,” ani Mingyu, pero hindi siya nilingon nito. “Kausap ko si Lisa kasi nandun siya sa cafe ngayon. Dumating na kasi ‘yung ibang gamit, e. Baka puntahan ko mamaya pagkatapos nitong movie.”
Agad namang bumagsak ang balikat ni Wonwoo sa sinabi ng kaibigan.
Lisa na lang nang Lisa. Lisa rito, Lisa roon. The past few days, parang si Lisa na lang ang bukambibig ni Mingyu. Pati ba naman sa kalagitnaan ng movie day nila?
“Akala ko free ka the whole day?” tanong niya, at hindi na rin niya iniintindi pa ‘yung pelikula na nagpe-play sa TV. Nakatuon na lang ang atensyon niya sa mukha ni Mingyu na nakatingin lang sa telepono at nagta-type.
“Akala ko rin, e,” sagot ni Mingyu. “Kaso lang ngayon naman dumating ‘yung ibang gamit. Bawi ako, ah? Alis ako pagkatapos ng movie.”
He wanted to look away, wanted to tell himself na it’s fine, pero hindi niya magawa. And all he could do was sit there and watch Mingyu, hoping that after this, maybe things would go back to normal.
“Ah, ganon?” sagot niya, trying to sound so casual about it. “Late ka na ulit niyan makakauwi?”
“Hmmm,” sagot ulit ni Mingyu. “Luto muna kaya ako dinner bago uma—”
Hindi na natuloy ‘yung sasabihin nito dahil biglang tumunog ang phone niya. Kitang-kita ni Wonwoo kung sino ang tumatawag—si Lisa.
“Sagutin ko lang si Lisa, Wons,” ani Mingyu, sabay tumayo mula sa sofa.
Nanatiling nakaupo si Wonwoo, pinanood lang ang kaibigan niyang kumikilos papunta sa kusina. Kitang-kita niya kung paano tumawa at ngumiti si Mingyu habang kausap si Lisa.
At hindi maiwasan ni Wonwoo ang konting kirot sa dibdib niya. Selos? Oo naman. Hindi niya ito itatanggi sa sarili.
He told himself na nag-overthink lang siguro siya. Mingyu was just being a good business partner, just being friendly. Pero kahit na alam niya iyon sa isip, the feeling of being edged out was too strong to ignore.
Paano kung magka-developan silang dalawa? Paano kung isang araw malalaman na lang pala niya na nanliligaw na si Mingyu kay Lisa? It was so frustrating. Mingyu was both into boys and girls kaya hindi naman malabo ‘yon.
He tried to breathe. Pinilit niyang ipaalala sa sarili na walang nangyayari. But deep down, the pang of jealousy stayed, twisting and tugging at him.
He wanted to look away, wanted to dismiss it as silly, pero hindi niya magawa. Iniwas niya na ‘yung tingin niya nang makita niyang sobrang laki na ng ngiti ni Mingyu habang kausap si Lisa.
Shuta naman. Hirap maging best friend lang, ‘no? Sino relate diyan?
‧𓍢ִ໋☕ ׂ 𓈒 ⋆ ۪
Gustong-gusto nang umuwi ni Wonwoo sa bahay nila kasi badtrip na badtrip siya sa boss niya ngayon. Inis na inis siya sa total power trip na ginawa ng boss niya sa buong afternoon meeting. Nakakainis lang kasi he had spent hours preparing the marketing presentation, lahat ng data, analysis, and campaign plans na ready na, tapos biglang sasabihin sa kanya na hindi i-approve ‘yung proposal niya. Normal naman minsan na hindi talaga na-approve pero kasi ilang araw ‘yung ginugol niya roon at sinabihan pa siya nung nakaraan ng boss niya na kahit anong mangyari naman, he would get the approval, tapos biglang ngayon wala?
Palibhasa kasi alam ng boss niya na malapit na siyang ma-promote, e. Bwisit talaga. Ire-report niya talaga ‘yan sa HR.
Gusto na niyang ikwento kay Mingyu kung ano ‘yung nangyari para ma-release kahit konti yung inis niya. Kanina pa siya nagra-rant kay Seungkwan, pero iba pa rin kapag kay Mingyu na niya naikukwento, e.
Sinabi sa kanya ni Mingyu kanina na maaga siyang makakauwi. Hindi siya masusundo ngayon kasi coding din nito, pero either way, excited siyang makauwi kasi makakapagkwento na ulit siya sa kaibigan at panigurado ay magluluto rin ito ng dinner nila.
Ang ending, maaga siyang nag-clock out sa opisina at nag-angkas na lang para makauwi agad. Every traffic light felt like forever, at kahit sobrang inis siya sa boss niya kanina, ramdam niya pa rin ‘yung excitement habang papalapit sa apartment nila.
And the thought na makakauwi na siya, makakaupo sa sofa nila, at makakapagkwento na kay Mingyu felt like a relief.
Pagkarating niya sa complex, agad siyang dumiretso sa apartment, at binuksan ang pinto. Alam niyang nakauwi na si Mingyu dahil nakita niya na ‘yung sapatos nito sa gilid, pero nagtaka rin siya na may isa pang pares ng sapatos na nakatabi rito.
Hindi naman niya ‘yon sapatos, at lalong hindi rin sapatos ni Mingyu ‘yun. Agad na kumunot ang noo niya. Wala naman silang inaasahang bisita ngayong araw, at lalong walang sinabi si Mingyu sa kanya na may ibang pupunta.
Even if he had, Wonwoo thought, Mingyu would’ve told him—he always tells me these things.
Dumiretso siya sa sala hanggang sa mapansin niyang may nag-uusap sa kusina kaya agad niyang nilingon ‘yon.
Napahinto si Wonwoo sa nakita niya.
Bakit nandito si Lisa?
Mingyu was in the middle of cleaning up a spilled coffee drink. Actually, no. Mingyu and Lisa were currently cleaning up spilled coffee on the floor. Inabot ni Lisa ‘yung isang malinis na towel kay Mingyu habang tumatawa tawa pa silang dalawa.
“Ikaw naman kasi, sobrang excited mo naman,” sabi ni Lisa.
Parang naging estatwa na lang siya sa kinatatayuan niya habang pinapanood ang best friend niya na kasama ang business partner niyang naglilinis ng natapong kape sa sahig habang tumatawa.
Mukha na siyang napagbagsakan ng langit at lupa sa nakita niya. At hindi pa siya napapansin ni Mingyu o ni Lisa. They were totally lost in their own little world, and that just made it worse.
Wonwoo’s chest tightened. Ganito pala ‘yung sinasabi nilang lason ang selos kasi kung ano-ano na ang pumapasok sa isip niya.
Sana pala hindi muna siya umuwi, e. Bakit kasi naisipan niya pang umuwi nang ganito kaaga?
Bakit naman hindi mo sinabi sa’kin na may bisita ka pala?
Nangangati na siyang itanong ‘yan kay Mingyu.
Agad siyang umalis nang dahan-dahan para hindi siya mapansin nung dalawa. Lumabas siya ng apartment, isinara ang pinto nang dahan-dahan, at nang nasa labas na siya ay bumuntong hininga siya.
The quiet of the outside felt like a small relief, but then he really wanted to cry.
Maybe it was frustration dictating his emotions. Gustong-gusto niyang umiyak kasi sobrang bigat ng araw na ‘to para sa kanya, e. Inis na inis siya sa trabaho tapos ganyan pa madadatnan niya sa sarili nilang bahay.
Akala niya maikukwento niya kay Mingyu ‘yung nangyari, akala niya mayayakap niya si Mingyu ngayon, pero hindi pala.
Baka nga totoo ‘yung hinala niya na may namamagitan na sa dalawa, e. Lagi silang magkasama, laging magkausap sa phone, tapos ngayon nandito si Lisa sa bahay nila at hindi sinabi ni Mingyu sa kanya ‘yon?
Sinong hindi masasaktan?
Kung sanang sinabi ni Mingyu edi hindi sana siya umuwi nang maaga.
Ipinikit niya ang mga mata niya. Sa ngayon, sasarilinin niya na lang muna ‘yung bigat ng mundo.
‧𓍢ִ໋☕ ׂ 𓈒 ⋆ ۪
Hindi na sinabi ni Wonwoo kay Mingyu ;yung nangyari sa trabaho niya nung nakaraan, at hindi na rin niya binuksan ‘yung topic tungkol sa pagpunta ni Lisa sa bahay nila. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin alam ni Mingyu na nakita pala sila ni Wonwoo.
Natatakot si Wonwoo na kapag in-open niya ‘yon, baka malaman lang niya na may namamagitan na sa kanilang dalawa.
Besides, busy pa rin naman si Mingyu, and honestly, wala na talaga silang oras para mag-usap ng maayos. He felt like communicating it would actually make him break down, and he didn’t even want that.
Kaya ngayon, for the past two months, para na lang silang literal na roommates lang na magkasama sa iisang bahay pero halos hindi na halos nagkakasalubong.
Minsan, hindi na sila nagpapang-abot. Kapag darating si Mingyu sa gabi, tulog na siya; at kapag umaga, mas maaga nang umaalis si Mingyu bago pa man siya magising. Nasa iisang bahay nga sila, pero parang dalawa silang magkaiba na ang mundo.
He would sometimes catch himself staring at the empty blue sofa where Mingyu would usually sit, or the mug na gamit ni Mingyu sa breakfast table, and feel a pang of longing.
It felt like there was an invisible wall between them, one he didn’t know how to break down partly because of work, partly because he didn’t want to face the jealousy and fear brewing inside him.
At kahit alam niyang normal lang naman ‘to sa simula ng isang bagong business venture, hindi niya maiwasang maramdaman ‘yung lungkot kasi kahit ‘yung simpleng presensya ni Mingyu na dating laging nandiyan sa tabi niya ay wala na.
“Wons, okay ka lang?” tanong ni Mingyu isang gabi habang nakasandal ito sa may kitchen counter dahil kakatapos lang nito maghugas ng pinggan. Siya naman ay nag-aayos ng lamesa.
Tumango siya, pero hindi niya sigurado kung napapansin ni Mingyu ang pagbabago sa kanya. Simula nung makita niya si Mingyu kasama si Lisa sa kusina isang linggo na ang nakalipas, iniiwasan na niya ang best friend niya—yes, he’s been avoiding Mingyu for a whole week.
Maaga siyang natutulog para kapag uuwi si Mingyu, hindi na sila nagkakausap pa. Ngayon, linggo, tatlong beses nang maagang umuwi si Mingyu, pero hindi na siya sumabay kumain at nagkunwari lang na may kailangan siyang at habuling gawain para sa trabaho.
In other words, he pretended to be busy, hoping to avoid Mingyu without creating any more tension or awkwardness.
Pero ngayon, na-corner siya ni Mingyu. Sabay silang kumain ng hapunan dahil nagluto si Mingyu ng adobo—their favorite–at wala siyang ibang dahilan para humindi.
“Tingin ka nga sa’kin,” ani Mingyu muli, this time with a soft but concerned tone.
Ginawa naman niya para hindi na magduda pa si Mingyu. “Now, what?” sagot niya, at hindi niya namalayan na medyo masungit ang dating niya sa part na iyon.
“Everything okay at work?” tanong ulit ni Mingyu, this time with more attention sa expression ni Wonwoo.
Wonwoo paused. He wanted to tell him, wanted to vent about the things he wanted to say, but the words stuck in his throat. Hindi niya alam kung paano sisimulan nang hindi maluluha.
He looked at Mingyu, he felt his familiar presence—the one person he had always leaned on emotionally.
Wonwoo forced a small smile. “Hmm. Just a rough day,” sagot niya finally, choosing his words carefully. “Nothing major, don’t worry.”
“Sigurado ka?” tanong ulit ni Mingyu.
“Oo nga.”
“Sabay tayo umalis bukas. Hatid kita sa office mo tapos sunduin din kita,” sabi ni Mingyu at saka ngumiti sa kanya. “Anong gusto mong ulam pala bukas? Magluluto ulit ako. Namiss ko maghapunan kasama ka, e.”
No, Wonwoo. Hindi ka marupok at hindi ka bibigay.
“Ay, sorry, Mingyu. May team dinner kasi kami bukas, e. Tsaka maaga ako aalis bukas so no need na ihatid mo ‘ko.”
“Ah, edi sunduin na lang kita pagtapos ng team dinner niyo.”
Umiling ulit siya. “No na. Bali after kasi nun nag-aya si Seungcheol na uminom, e. Friday naman bukas saka minsan lang naman.”
Kumunot ang noo ni Mingyu. “Seungcheol?” tanong niya na para bang bago sa kanya ‘yung pangalan na ‘yon.
Tumango siya. “‘Yung ka-work ko. Nakita mo na siya before.”
“Ah, ‘yung may kulay ‘yung buhok?”
Tumango si Wonwoo. “Oo.”
Hindi agad sumagot si Mingyu, though. Parang nag-iisip pa siya nang sasabihin niya. Ang totoo niyan, wala naman talaga silang team dinner bukas at lalong hindi naman nag-aya si Seungcheol uminom. Jusko, eh ang aga-aga nga umuwi niyan ni Seungcheol palagi.
Pero ang mahalaga ay nakaisip agad siya ng mga palusot para hindi na sila magsabay bukas ni Mingyu at hindi na rin siya masundo.
“Ahh. Pwede mo ring ayain ‘yun tska si Seungkwan dito.”
“What do you mean?”
“Kung iinom lang kayo ganon. Pwede namang dito sa bahay.”
“Ah. Sabihan ko sila next time pero bukas sa Timog lang naman kami.”
Tumango si Mingyu. “Pero, Wons, text mo ako kung magpapasundo ka, ha?”
Hindi agad siya sumagot. Instead, tinuloy niya na lang ‘yung pagpupunas niya sa lamesa.
“Gusto mo ba manood tayo ng movie sa Sabado?” tanong ulit ni Mingyu.
Sakto namang tapos na siyang magpunas kaya nilingon niya ang kaibigan na nakatingin na ulit sa kanya. “This Saturday? Wala ka bang gagawin kasama si Lisa?”
Umiling si Mingyu. “Wala. Miss na kita, e. Cancel ko na lang kung biglang may gagawin pala.”
“Bakit mo naman gagawin ‘yun? Mas importante naman ‘yan. Tska baka mag-aya si Jun na lumabas, e.” Palusot niya ulit kahit wala namang balak si Jun na mag-aya dahil busy din ito. Kung sino-sino na lang dinadamay niyang pangalan at this point.
“Ah, edi sabihan mo ‘ko kung kailan ka pwede, Wons. I’ll drop everything for you.”
Sus. Sinasabi mo lang ‘yan.
Hindi na siya sumagot doon at ngiti na lang ang binigay kay Mingyu. “Una na ‘ko sa kwarto.”
“Tabi tayo?”
Umiling siya agad. “May gagawin pa ‘ko, e. May dalawa akong backlogs na kailangang tapusin.”
Nag-iba ‘yung ekspresyon ni Mingyu sa sagot niya pero tumango na lang ‘to. “Ah, ganon ba?”
“Yep. Good night, Mingyu. Tulog ka na, maaga ka rin bukas,” sabi niya at saka ngumiti sa kaibigan. Hindi na niya hinintay pa ang sagot nito at saka dumiretso na lang sa kwarto niya at ni-lock ang pinto.
Nang nakahiga na siya ay napabuntong hininga na lang ulit siya. It’s better this way. Kailangan niya nang umpisahang mag-move on bago pa siya hindi makaahon.
Kung ang kapalit nun ay ang pag-iwas kay Mingyu, then gagawin niya ‘yun. This time, sarili naman niya pipiliin niya.
He needed to move on. And for once, he was determined that this choice was his own.
‧𓍢ִ໋☕ ׂ 𓈒 ⋆ ۪
Wonwoo used to think that falling in love with your best friend only happened in movies. Matagal na niyang sinasabi ‘yan. How could you even wake up one day and realize that the person you only treated as a friend, the one you laughed with, shared secrets with, leaned on in tough times, suddenly felt like the center of your world?
Loving Mingyu felt like holding a secret that kept him so alive but also slowly killed him at the same time.
It was thrilling and dangerous all at once. Para siyang nagdadala ng apoy na nagpapainit sa dibdib niya pero puwedeng masunog ang kamay niya kung hindi ka siya mag-iingat.
It was paradoxical being so close to someone, sharing so much, yet knowing that the deepest part of your heart belonged to them in a way they might never return. It made him a little cynical at times.
Is love supposed to feel like this?
Pero hindi naman siya nakahinto agad-agad, e. Hindi niya agad natigil ‘yung nararamdaman niya, kaya siguro ito siya ngayon at nagmumukmok. He had a boyfriend before, though, but he felt like he wasn’t really in love with that person. Saglit lang naman din kasi ‘yon at wala masyadong naging impact sa buhay niya.
With Mingyu, it was a different kind of love.
It was the kind of love that asked for nothing in return, yet demanded everything from him. And maybe that’s why it felt so alive and so devastating all at once.
Kaya ngayon, he had decided to move on from his own long term feelings for his best friend. Alam niyang mahirap pero kailangan niyang gawin ‘yon for his own. Feeling niya rin kasi talaga may namamagitan na kay Mingyu at Lisa, e. Mas madalas pa nga silang magkasama at mag-usap ngayon. Kahit nga hindi working hours, magkausap sila, e.
Kahapon lang narinig niyang nag-uusap sila tungkol sa college life nila noon. Hindi na nga ‘yan tungkol sa business. So here he was, trying to move on.
Kaya ngayon ay nasa condo siya ngayon ni Seungcheol dahil dito ulit siya mag-sleep over. Actually, pangalawang beses niya nang dito makikitulog dahil nga natatakot siyang umuwi at baka madatnan niya pa roon si Mingyu na kasama si Lisa.
Close naman siya kay Seungcheol, e. Kumbaga, kung may work besties siya sina Seungkwan at Seungcheol na ‘yon. They were also comfortable with each other, so there’s no problem at all.
“Wons, adjust mo lang aircon diyan sa kwarto kung masyadong malamig, ah?” sabi ni Seungcheol sa kanya pagkatapos nilang kumain. Si Wonwoo na ang nag-order ng pagkain nila dahil nakakahiya naman kung wala siyang ambag.
“Yep, okay. Thanks, Cheol!”
“Welcome!” sigaw nito mula sa kusina.
Ngumiti na lang siya at saka nagpunta sa guest room kung saan siya matutulog. Nagpaalam naman siya kay Mingyu na dito siya matutulog. Hindi ito nag-reply pero na-seen niya ang message ni Wonwoo. So, walang reason si Mingyu para hanapin siya at magtanong kung nasaan man siya.
“As if namang hanapin niya ‘ko,” sabi ni Wonwoo sa sarili niya habang inaayos niya ‘yung kama. “Busy nga siya kay Lisa, so bakit pa niya ‘ko hahanapin kung hindi man ako magpaalam?”
Dalawang linggo na silang hindi masyadong nagpapansinan ni Mingyu. Well, mostly because of him—si Wonwoo naman kasi mismo ang umiiwas sa best friend niya. Mingyu would still initiate conversations, chats, texts, even about nothing significant, pero siya ang iwas na iwas.
He deleted some of the old chat threads, avoided sitting next to Mingyu during dinner, and even started pretending na may ginagawa siya sa kwarto kapag dumating si Mingyu sa bahay.
He kept himself busy. He did things like reading, binge-watching shows, reorganizing the corner of their apartment, anything to keep his mind off Mingyu. Kahit simpleng routine lang, he slowly changed it, trying to create distance so he could slowly detach from the ache that he was feeling.
Kapag wala na siyang nararamdaman para kay Mingyu, siguro naman babalik din siya sa dati. Sa ngayon, kailangan niya munang gawin ‘yang mga bagay na ‘yan para makausad.
“Dun ka ulit matutulog bukas? Napapadalas na ata ‘yan, Wons?” tanong ni Mingyu sa kanya, as soon as nakapasok ito sa bahay nila.
Nakaupo si Wonwoo habang kumakain ng hapunan. Hindi na niya hinintay si Mingyu kasi akala niya ay male-late na naman ito. Nagsabi na rin siya rito na bukas ay sa condo ulit ni Seungcheol siya matutulog.
Napataas ang ulo niya nang makita niyang nakatayo na si Mingyu sa harap niya. “Ah, oo. Dun ulit,” matipid niyang sagot.
“Ang dalas na, ah? Parang sa isang linggo, apat na beses kang nandun?” sabi ulit ni Mingyu.
Tumayo si Wonwoo at kinuha yung kinainan niya, inilapag sa lababo, tapos hinarap ulit si Mingyu. “And? Ano namang problema doon, Mingyu? Kaibigan ko naman si Seungcheol.”
“Kahit weekends nandun ka, Wons,” sagot ni Mingyu.
“Again, ano naman?” sagot niya.
Hindi agad nakasagot si Mingyu sa tanong niyang ‘yon. Lalabas na sana siya ng kusina nang biglang hawakan ni Mingyu ‘yung pulsuan niya kaya napatigil siya.
“May kailangan ka pa ba, Mingyu?” tanong niya sa kaibigan.
“Ano bang meron sa inyo nung Seungcheol na ‘yon at ang dalas mo sa kanya?” balik na tanong lang din sa kanya ni Mingyu. Malalim na ang boses nito nang bigkasin niya ‘yung mga salitang ‘yon.
Nilingon niya si Mingyu at saka sinagot. “Kasi magkaibigan kami. Also, let go of my wrist, Mingyu.”
Agad namang binitawan ni Mingyu ‘yon. At nagsalita ulit ito. “Magkaibigan? Wonwoo, halos dun ka na natutulog tapos magkaibigan?”
“Yes. We’re friends. Ano bang inaano mo diyan? Bawal bang makitulog sa kaibigan?”
Mingyu chuckled, but the laugh was sarcastic. “Ang akin lang, Wons, sabihin mo lang sa’kin kung may namamagitan na sa inyo. Mukhang hindi naman kayo magkaibigan lang, e.”
Halos magpantig ang dalawang tenga ni Wonwoo sa narinig niya ‘yon. How could he assume it like that?
Well, but then again, siya nga feeling niya may namamagitan na kay Mingyu at Lisa, e.
“So? Ano naman sa’yo?” inis niyang tanong.
“Okay lang naman sa’kin, e. Ang akin lang magsabi ka. Magkaibigan tayo, Wons. Kailan pa tayo nagtaguan ng mga bagay na nangyayari sa atin?”
Parang mas nasaktan siya roon. Tangina. So, okay lang kay Mingyu kahit na may jowa siya ganoon ba? Okay lang sa kanya na may ibang lalaki sa buhay niya?
Okay. There. Alam ko na ang sagot. Talagang walang pag-asa ‘tong feelings ko sa’yo.
“Yeah. I could ask you the same thing, Mingyu.”
There was a slight flinch on Mingyu’s face, ‘yung bahagyang pagkabigla, pero hindi ito agad nagsalita. Halos gusto ni Wonwoo na sabihin na lahat-lahat—that he’s been in love, that he’s been struggling, that this jealousy was killing him inside—pero hindi pa rin niya kaya.
Pride? Fear? Or the simple fact that he didn’t want to face Mingyu’s real feelings.
Tumingin siya sa sarili sa salamin ng mata ni Mingyu, looking for a sign, any hint of reciprocation, kahit na maliit lang. But he couldn’t read him right.
What am I even doing? he thought. Why am I letting this get to me?
“What do you mean?”
Wonwoo sighed. “Ikaw rin naman, ah? Busy ka nga kay Lisa, Mingyu. Isa pa, wala na tayong oras pa makapag-usap the past few weeks.”
“Dahil sa business, Wonwoo. We’re business partners.”
“Yeah, whatever it is,” sagot niya. “Maaga pa ako bukas kaya magpapahinga na ‘ko. Good night.”
Hindi na niya hinintay pang sumagot si Mingyu dahil dumiretso na ulit siya sa kwarto niya. Kahit na miss na miss na niya si Mingyu, hindi siya pwedeng basta lang bumigay.
Wonwoo kept telling himself that this, whatever he’d been doing, was for the best.
“Marami pang iba diyan, ‘no! Hindi ‘yan kawalan. Marami ka pang makikilalang morenong pogi. Ang kailangan mong gawin ngayon para maka-move on ka na diyan sa best friend mo ay mag-focus sa sarili mo. You will be the prettiest version of yourself, Wons!” ani sa kanya ni Jeonghan habang nasa isang restaurant sila ngayon at kumakain ng lunch.
Kakatapos lang nila mag-pilates, something that Wonwoo never really tried before pero nung nakilala niya si Jeonghan a month ago, sinama na siya nito sa mga pilates sessions niya. And surprisingly, Wonwoo enjoyed it.
Jeonghan was Seungcheol’s fiancée and had actually lived with the latter for years. Yes, for the past two weeks, nag-sleepover siya sa condo nila. Both Jeonghan and Seungcheol had been warm and welcoming. They would let him crash at their place, always checking if he was comfortable, or including him in small outings, made him feel cared for in a way na parang nakalimot siya sa lahat ng stress at selos.
Kaya tuwing weekends na wala siya sa apartment nila ni Mingyu, ay madalas magkasama sila ni Jeonghan, gumagala, nagko-coffee, at nagta-try ng mga bagong activities, at tawag pa nga ni Jeonghan sa mga ganitong ganap nila ay: self-care dates. Para raw hindi niya masyadong iniisip si Mingyu.
Katulad kanina, nag-pilates sila, laughing at each other’s failed poses, stretching and chatting like old friends. Mga pang limang labas na nila ‘to ni Jeonghan, and somehow, nakakatulong talaga ‘yon para hindi na niya isipin pa si Mingyu.
“Thanks, Han,” sabi niya pagkatapos niyang kainin ‘yung inorder niyang steak. “Sa inyo ni Cheol, actually.”
Ngumiti sa kanya si Jeonghan. “Ano ka ba, wala ‘yon. Saka kung hindi ka mag-sleepover sa condo, sino nang kasama ko manood ng tinkerbell niyan? Eh baka makatulog lang si Cheol habang nanonood.”
Natawa si Wonwoo kasi sa totoo lang, tuwing mag-sleepover sila ay nagma-marathon lang sila ni Jeonghan ng Tinker Bell movies. He couldn’t help but smile every time he remembered how excited they got when they discovered that they both loved Tinker bell.
“Wait, three movies na lang natitira sa list natin, right?” tanong niya sa kaibigan. May listahan kasi sila ni Jeonghan ng lahat ng Tinker Bell movies na kailangan nilang mapanood.
“Yup! Panoorin kaya natin this Friday? What do you think?”
“Fine with me. Okay lang, Han,” sagot niya. “Tska ayoko ring mag-stay sa apartment, e. Ang alam ko kasi may tinatrabahong kape or whatever it is si Mingyu tska Lisa. Baka nga dalhin niya na naman ‘yun sa bahay.”
“Okay, good! Much better para hindi mo sila makita.”
“Yes. Also, what if puntahan natin ‘yung hidden cafe na sinasabi mo? Saan nga ‘yon? Antipolo?”
“Omg, yes!”
“Okay lang ba na isama natin si Jun? Gusto ka rin niyang makilala.”
“Yes, okay. I want to meet him too.”
Napatuloy lang sila sa usapan nila tungkol sa mga gusto nilang gawin lalo na at long weekend next week. May mga Tinker bell movies pa silang tatapusin, at according to Jeonghan, more self-care dates to finally move on from Mingyu Tobias Kim.
Wonwoo would do all that.
‧𓍢ִ໋☕ ׂ 𓈒 ⋆ ۪
“Hindi ka aalis ngayon, Wonwoo.”
Napatigil si Wonwoo sa paglalagay ng mga damit niya sa loob ng duffel bag nang marinig niya si Mingyu mula sa likuran niya. Agad siyang napalingon dito at napakunot ang mga mata niya. Nagtataka siya ngayon kasi akala niya late makakauwi si Mingyu, nagsabi pa nga ito sa kanya na gabi na siya makakauwi.
So, bakit siya nandito ngayon?
“What do you mean?” aniya. Halos hindi siya makapaniwala sa narinig niya kay Mingyu. Kailan pa siya pinagbawalan ni Mingyu na umalis? Na para bang may sampung utos si boy best friend.
“Pupunta ka na naman kay Seungcheol?” madiing tanong ni Mingyu. Matalim na ang mga tingin nito at mukhang hindi naman talaga siya nakikipagbiruan this time. At mukha ring seryoso siya sa sinabi niya kanina na hindi aalis si Wonwoo.
“Yes,” matipid niyang sagot at saka tumalikod para ipagpatuloy ‘yung paglalagay niya ng mga damit sa duffel bag. May marathon sila ng Tinker Bell ni Jeonghan ngayong gabi kaya naman magi-sleepover ulit siya sa kanila ni Seungcheol.
“Dun ka na ba nakatira?” tanong ulit ni Mingyu.
“Hindi,” sagot niya naman. “Bakit? Bawal bang pumunta sa bahay ng kaibigan?”
“Hindi bawal. Pero ngayon, mukhang hindi kita hahayaang pumunta dun.”
This time, hinarap niya na si Mingyu. “At bakit naman? Hindi naman kita nanay, Mingyu. Stop acting like one.”
Sandaling katahimikan ang sumunod.
Tanging ingay lang ng aircon ang maririnig sa loob ng kwarto, malamig ito pero hindi sapat para pahupain ‘yung init ng ulo nilang dalawa ngayon. Hindi niya maintindihan kung bakit maagang umuwi si Mingyu ngayon, at lalong hindi niya gets kung bakit nandito ito sa harap niya, blocking his way, na para bang may karapatan itong pigilan siya.
“Payag kang niloloko ka? Na ginagawa kang masamang tao?” biglang sabi ni Mingyu. “Kasi ako, hindi ako papayag.”
Napakunot ang noo ni Wonwoo. “Anong pinagsasabi mo, Mingyu?”
“Wala kang alam?”
Umiling siya. What the hell is he on about? “Hindi ko alam kung anong sinasabi mo. Ayun yon.”
Hindi agad sumagot si Mingyu kaya naman inunahan niya na. “Hindi mo ‘ko pipigilang umalis ngayon, Mingyu. Anong karapatan mong pigilan ako? Besides, lagi ka rin namang wala rito sa bahay. Lisa this, Lisa that. Lagi kayong magkasama. Lagi kang wala. Lagi kang busy,” dagdag niya at alam niyang dapat hindi niya binuksan ‘yung topic na ‘yon. Pero hindi na kasi siya makapagpigil.
Ito na nga lang ‘yung way para maibsan ‘yung lungkot niya at maka move on na tapos pipigilan pa siya?
The room felt smaller. Mas mabigat ang hangin.
Mingyu clenched his jaw. “Hindi ‘to tungkol sa’kin, Wonwoo. Tska kaya lagi akong busy kasi inaasikaso ko ‘yung cafe, alam mo naman ‘yan.”
“Of course it is,” mabilis na sagot ni Wonwoo. “Everything is about you these days, Mingyu.”
Another silence.
Mas mabigat this time.
Pareho silang nakatayo sa gitna ng kwarto. Nakalimutan na nga niya ‘yung inaayos niyang mga damit.
Mingyu ran a hand through his hair, pacing slightly. “Wonwoo, hindi ka ba nagtataka? Or are you seriously okay with that? Kasi from where I’m standing, tangina, parang ginagago ka lang, e.”
Doon na nagsimulang mag-build up ulit ang inis ni Wonwoo.
“What the fuck are you even saying, Mingyu? Wala akong alam diyan sa mga pinagsasabi mo. Saka, bakit ba ang aga mo ngayon? Akala ko ba may aayusin ka sa cafe niyo ni Lisa?” tanong niya, disbelief mixing with irritation.
Bumuntong hininga si Mingyu. “‘Yang Seungcheol na ‘yan, Wonwoo. Nakita kong may kasamang iba kanina. Tangina, hinalikan pa nga niya sa noo ‘yung lalaking kasama niya, e. Okay ka lang dun? Pinagsasabay niya kayo, oh. Tangina, ginagawa kang masamang tao nung kupal na ‘yun.”
Halos manlaki ang mata ni Wonwoo. What the hell lang. Hindi niya alam pero galit na galit siya ngayon kasi what the fuck, inaassume ni Mingyu na may relasyon sila ni Seungcheol at okay lang na pinagsasabay sila?
Panigurado ang nakita niyang kasama ni Seungcheol ay si Jeonghan.
“Kaya bakit ka pupunta pa dun? Niloloko ka na tapos pupunta ka pa?” dagdag pa ni Mingyu, halatang frustrated ito dahil sobrang lalim na ng boses niya at may talim na ang mga salitang binitawan.
This time, tinititigan na niya nang masama si Mingyu. “The fuck, Mingyu? You know what, wala akong oras para makipag-usap sa—”
“May oras ka,” putol ni Mingyu. “Pupunta ka nga dun, e. May oras ka, Wonwoo.”
Napapikit si Wonwoo at pilit na kinokontrol ang sarili. Ayaw niyang makipag-away kay Mingyu nang ganito—hindi kapag ganito kataas ang emosyon niya. He knew himself. Kapag nasobrahan siya, may masasabi siyang hindi na niya mababawi. At ayaw niyang mangyari ‘yon.
Pero this time ay hindi na niya napigilan.
Dahan-dahan siyang dumilat at tiningnan si Mingyu, this time mas matalim na kaysa kanina.
“First of all,” panimula niya. “wala kang karapatan na kontrolin ako o kung ano man ang gagawin ko, Mingyu.”
Napatigil si Mingyu.
“Ikaw nga, nung dinala mo ‘yang business partner mo dito sa bahay natin, may sinabi ba ako?” tuloy ni Wonwoo, mas lumalakas na ‘yung boses niya this time. “You spend so much time away, may mga araw na hindi ka nakakauwi, halos late pa kung umuwi ka. May sinabi ba ako?”
Nakatitig lang sa kanya si Mingyu at hindi nagsalita.
“Magkaibigan tayo, oo,” dagdag ni Wonwoo. “Pero wala kang karapatan pagbawalan ako sa kung anong gusto kong gawin.”
The words hung heavy in the air.
“‘Wag mo ‘kong kontrolin.”
“Hindi kita kinokontrol, Wons,” sagot ni Mingyu. “Ang akin lang e sama ka nang sama kay Seung–”
“Ikaw rin naman, ah? Bente kwatro oras na nga ata kayong magkasama ni Lisa, e. May narinig ka ba sa’kin, ha?”
Kumunot ang noo ni Mingyu. “Bakit ba banggit ka nang banggit kay Lisa?”
“You know what you did,” sagot niya at saka ulit tumalikod at isinara ‘yung duffel bag niya. Inilagay niya ‘to sa balikat niya at saka tinignan ulit si Mingyu. “I’m staying over Seungcheol’s.”
“Hindi ka nga aalis, Wonwoo.”
“Wala kang karapatang pigilan ako,” sagot niya. “Aalis ako kung gusto ko.”
“Mag-uusap tayo at aayusin—”
“No,” agad niyang sagot. “And you know what? I’ll stay there for a week or two.” Tapos niya sabay walk out. Hindi na niya niligon pa si Mingyu dahil medyo malakas niyang isinara ang pinto ng kwarto niya.
Part of him hoped Mingyu would run after him, call his name, and stop him from leaving. But there was also a part of him that didn’t want that.
Ayaw niyang makita si Mingyu ngayon.
Ayaw niyang marinig ang kahit anong explanation na baka lalo lang makagulo sa mga planon niya. Ayaw niyang umabot sa puntong masasabi niya ‘yung mga bagay na matagal na niyang tinatago.
‧𓍢ִ໋☕ ׂ 𓈒 ⋆ ۪
“Hoy, okay ka lang, Wons? Kanina ka pa nakatitig diyan sa phone mo,” sabi ni Seungkwan habang ini-slide niya pa ang swivel chair niya palapit kay Wonwoo.
Kanina pa kasi nakatitig si Wonwoo sa text ni Mingyu. Kakatext lang nito about the date ng soft opening ng cafe niya. Walang ibang laman. Walang kumusta, walang anything personal. Just the details of the soft opening.
They were really not on good terms right now.
Isang linggo na matapos nung sagutan nila, pero hanggang ngayon, hindi pa rin sila nag-uusap. Hindi rin sila nagkikita. And that alone felt so wrong. Kasi sa tagal nilang magkaibigan, this was the first time na umabot sila sa ganito.
Hindi pa sila nagkakatampuhan nang ganito before. Never. Kahit anong misunderstanding, lagi nilang naaayos agad.
Wonwoo had been staying over at Jun’s place, his best friend, for the past week. Syempre nahiya na rin siya kina Seungcheol at Jeonghan, kahit na sobrang welcoming pa rin ng dalawa sa kanya. Paminsan-minsan, dumadaan pa rin siya at nagmo-movie marathon sila ni Jeonghan ng Tinker Bell, nagpi-pilates, or just hang out. Recently, nag-coffee pa nga silang tatlo kasama si Jun sa Antipolo.
He tried to keep himself busy. He really did.
Pero kahit anong gawin niya, bumabalik at bumabalik pa rin siya sa iisang bagay.
Of course he missed Mingyu. Wala namang araw na hindi.
It was strange how someone could be absent and still feel so present in everything.
At kahit na pinipilit niyang panindigan ‘yung desisyon niyang umiwas, hindi niya maikakaila na this was the longest they had gone without talking. And it didn’t feel right. It didn’t feel normal.
It felt like something important was slowly breaking as he's just letting it happen.
“Ah, nag-text lang si Mingyu.”
“Oh, nag-uusap na kayo?” tanong ni Seungkwan.
“Hindi,” sabi niya at saka inilapag ‘yung phone niya sa lamesa. “Pero tinext niya ‘yung date ng soft opening ng cafe.”
“Oh,” ani Seungkwan. “Pupunta ka?”
Nagkibit balikat siya. “Hindi ko alam. Hindi ko sure.”
“Hmm, eh ano bang nasa puso mo?”
Wonwoo bit his lip. “Pumunta. Gusto kong pumunta kasi alam kong mahalaga sa kanya ‘yun. Tska matagal siyang nag-prepare for that.”
“Oh, ‘yun naman pala, e. Edi go, pumunta ka. Show up, Wons.”
Bumuntong hininga siya. “Eh magkaaway nga kami ngayon.”
Sandaling natahimik si Seungkwan bago siya bahagyang ngumiti, yung tipong alam na niya kung saan papunta ‘to.
“So what?” simple niyang sagot. “Magkaaway kayo, pero hindi ibig sabihin nun na wala ka nang pakialam, ‘di ba? Saka tinext niya ‘yang date sa’yo kasi gusto niyang pumunta ka.”
“I know.”
“Look,” dagdag ni Seungkwan. “Hindi naman lahat kailangan hintayin mong maayos bago ka gumawa ng move. Showing up is already saying something.”
Napabuntong-hininga ulit si Wonwoo.
“Kasi kung hindi ka pupunta,” tuloy ni Seungkwan, “tanungin mo sarili mo kung kaya mo bang i-ignore ‘yon? Kaya mo bang hindi pumunta sa pinaka-importanteng araw niya just because nag-away kayo?”
Napatingin si Wonwoo sa mesa, fingers lightly tapping against the surface.
“At isa pa,” dagdag ni Seungkwan, bahagyang nakangisi, “kilala kita. Hindi ka makakatulog nang maayos kapag hindi ka pumunta.”
Natawa si Wonwoo. “Siguro naman hindi mo naman kailangan makipag-ayos agad,” sabi ni Seungkwan. “You don’t even have to talk that much. Just be there and support him. I know that’s what you want to do as well.”
“Am I that obvious, Kwan?”
Natawa si Seungkwan. “Yes, you are that obvious.”
Wonwoo wanted to come. Gustong-gusto niya. Hindi lang dahil sinabi ni Seungkwan na magpakita siya, but because deep down, alam niyang gusto niya talagang makita kung ano ang naging bunga ng lahat ng pagod ni Mingyu.
Never pa niya nakikita nang personal ‘yung cafe. All he had were glimpses—mga pictures, small updates, at ‘yung huling post na nakita niya, which was already a week ago, at mukhang hindi pa masyadong ayos ‘yung care. The wires still showing, furniture not fully arranged, walls half-decorated.
At ngayon, it was finally happening. Soft opening na.
He tried to imagine it—kung ano na ang itsura ngayon. If the blue tones Mingyu liked were there, if the space already felt warm and lived-in, if the coffee he worked so hard on was finally being served to people.
And somehow, may kirot sa dibdib niya.
Kasi gusto niyang makita ‘yon. Gusto niyang makita si Mingyu. Gusto niyang makita yung ngiti ni Mingyu when things finally worked out.
But at the same time, hindi niya alam kung saan siya lulugar.
After everything that happened, after the distance, the silence, the words they threw at each other, would he even belong there? Would he just be another guest? Or worse, someone out of place in a space that used to feel like his, too?
He exhaled slowly, staring at nothing in particular.
Because more than seeing the cafe, what he really wanted, what he couldn’t admit out loud, was to see Mingyu again.
‧𓍢ִ໋☕ ׂ 𓈒 ⋆ ۪
Kinakabahan si Wonwoo ngayon.
He decided to come sa soft opening ng cafe, kahit na hindi niya nireplyan si Mingyu sa text nito. It was simply because hindi niya kayang hindi pumunta.
Pero hindi niya sinunod ‘yung oras na sinabi ni Mingyu.
He came late.
Nandito siya ngayon kung kailan malapit na ang closing time ng cafe. Nag-angkas lang siya papunta, dahil hindi nga niya alam kung saan eksakto ‘tong cafe. The ride felt longer than it actually was, each second filled with hesitation. Ilang beses niyang naisip na bumaba na lang halfway, na umuwi na lang, na huwag na lang ituloy.
But he still ended up here because he wanted Mingyu to know that he still mattered to him, that even now, he valued the things that were important to Mingyu.
Ngayon, nakatayo siya sa harap ng cafe.
Tahimik na. The lights were still on, casting a soft glow through the glass windows, pero halata na wala nang customers. May iilang staff na lang sa loob, naglilinis, nag-aayos ng mga upuan, wiping down tables like they were closing the day.
So he decided to go inside, and his breath caught the moment he stepped in.
Ang unang napansin niya ay ‘yung color scheme ng cafe. It was a soft muted and clean grey scheme. It didn’t feel cold. It felt warm. Hindi lang basta inilagay ‘yung mga kulay, it was intentional, something carefully thought out.
And then it hit him.
It looked familiar.
Too familiar.
The space felt like an echo of their shared apartment. It had the same light grey walls, same soft wood tones, the same balance of minimalism and warmth. And there, sitting like a centerpiece, was a blue couch.
His chest tightened.
Pati ‘yung mga small details na cat-themed accents around the cafe, from the tiny illustrations to little decor pieces felt like something he had seen before. Something he knew. Something that belonged to them.
And suddenly, Wonwoo didn’t know what to feel.
Ano ba ‘tong cafe na ‘to, inspired ba ‘to sa bahay namin or what? Sa isip-isip niya. Kasi may isang book shelf din doon kung saan nakalagay na pwedeng kumuha ang customer at pwedeng magbasa habang nagkakape sila. May iilang artworks din sa pader ng cafe, though. Kumbaga, cozy na e instagramable pa.
So now, standing here, in the middle of something Mingyu built felt a little too much like home.
“Sorry po, Sir. Sarado na po kami,” ani nung isang lalaking staff sa kanya.
Napabalik si Wonwoo sa reyalidad at agad niya itong nilingon. “Ah. Uhm, actually—”
Hindi na niya natapos ang sasabihin niya.
Because before he could even explain himself, napalingon siya sa kabilang side ng cafe—doon sa counter.
And then he saw him. Nakatayo si Mingyu sa likod ng counter, may suot pang brown na apron, sleeves slightly rolled up, hair a little messy like he’d been moving around the whole day.
Pogi so much ah.
Stop, Wonwoo.
For a split second, nagtagpo ang mga mata nila.
And everything else seemed to fall quiet.
“Chan.”
Mingyu didn’t look away. Hindi siya kumurap, na para bang ayaw niyang mawala ‘yung sandali na ‘yon. Tumingin siya sa staff na kumausap kay Wonwoo kanina, then gave a small nod.
“Ako na bahala. Pwede na kayong umuwi ni San.”
Unti-unting tumango si Chan, medyo naguluhan siya pero sumunod pa rin naman. Lumayo ito, giving them space without asking questions.
“Okay po, Sir. Thank you po!”
At naiwan na nga silang dalawa.
Just the two of them inside the cafe.
“Upo ka muna,” sabi ni Mingyu at saka itinuro ‘yung pwesto sa may gitna ng cafe. Wonwoo bit his lip and nodded his head.
Umupo siya roon at saka naghintay sa kung ano pang mangyayari. Gusto na niyang mag-congrats kay Mingyu pero hindi pa ulit siya nito iniimik.
“May gusto ka bang kainin?” tanong ni Mingyu, finally breaking the silence.
“Wala naman,” sagot niya.
“Kape?” tanong ulit ni Mingyu.
Tumango lang si Wonwoo, and Mingyu nodded back, understanding. Without another word, lumakad siya papunta sa counter to prepare the coffee.
Habang gumagalaw si Mingyu sa likod ng counter, inikot niya lang muna ang mata niya sa cafe. Pakiramdam niya talaga nasa bahay siya, e. Napatitig pa siya roon sa blue sofa sa may gilid at iniimagine niya na lang na nakaupo sila diyan ni Mingyu habang nag-uusap tungkol sa buhay-buhay nila.
Mangyayari pa kaya ulit ‘yun?
Nalungkot na naman si Wonwoo. Malulugmok na naman siya nito, e. Kainis.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay naramdaman na niya ang presensya ni Mingyu. Inilapag nito ‘yung isang mug. Napansin ni Wonwoo na kamukha ‘yun ng mug na iniregalo sa kanya ni Mingyu noon na may cat-themed mug.
Ngumiti si Wonwoo, iniangat ang ulo niya at tiningnan si Mingyu. “Thank you, Mingyu,” sabi niya.
“Congrats din sa opening,” dagdag niya, bahagyang humina pa ang boses niya roon, “and sorry kung ngayon lang ako dumating.”
Tumango si Mingyu at may maliit na ngiti sa mga labi niya. “Okay lang, Wons. Ang importante naman nakapunta ka.”
May sandaling katahimikan kaya ang ginawa niya ay hinawakan ang mug at sinubukan ang kape. The first sip was like nothing he had tasted before. Parang first time niyang matikman ‘yun ganon kaya agad siyang napatingin ulit sa kaibigan.
“Wow, Mingyu, ang sarap nito. What’s this?”
This time, talagang malaki na ang ngiti ni Mingyu. “‘Yan ‘yung sinusubukan kong i-perfect sa bahay natin, Wons.”
Nanlaki ang mata niya. “What? ‘Yung special drink na sinasabi mo?”
Tumango si Mingyu. “Yeah.”
Ngumiti siya. “Siguro bestseller na agad ‘to, ‘no? Ilan na nakatikim nito ngayong araw?”
“Wala pa.”
“Ha?”
“Ikaw palang.”
Halos malaglag ang puso niya roon, in a good fucking way. What did he mean na wala pang nakakatikim nito bukod sa kanya?
“Not even Lisa?”
Kumunot ang noo ni Mingyu. “Bakit ko naman ipapatikim kay Lisa ‘yan?”
Wonwoo shrugged. Bakit kasi binanggit na naman niya si Lisa? “Kasi business partner mo siya.”
“Pero hindi niya pa natikman mismo ‘yang kape,” sagot agad ni Mingyu. “Ikaw palang. Hindi ko rin sinerve sa iba ‘yan ngayon kasi gusto kong ikaw unang makatikim. Sinabi ko naman sa’yo, Wons, na ikaw unang makakatikim ng special drink na ‘yan.”
Gusto na lang umalis ni Wonwoo kasi bakit naman siya kinikilig ngayon? Nagmu-move on na nga siya tapos babanat na naman si Mingyu ng ganyan? Nakakainis lang.
“Ahh,” sagot niya. Namumula na ang mukha niya ngayon. “Masarap. For sure isa ‘to sa mga magiging bestsellers mo. Anong pangalan nitong kape? Ire-recommend ko sa mga workmates ko kapag nagpunta sila here o kaya kapag gusto nilang magkape. Magkakaroon naman siguro nito sa Grab or food panda, ‘no?”
“Keidee’s Cloud Coffee.”
Napahinto si Wonwoo roon. Parang huminto nga rin ang mundo niya. Una niyang ginawa ay tinignan ‘yung kape sa mug tapos balik ulit kay Mingyu. Natawa siya, kasi, what?
“Ikaw naman, pinangalan mo pa talaga sa’kin–” napahinto siya sa biro niyang ‘yun nang seryosong nakatingin sa kanya si Mingyu.
“Sa’yo ko naman talaga pinangalan ‘yan, Wons,” sagot agad ni Mingyu sa kanya. “Maganda ka. Maganda pangalan mo. Maganda lahat sa’yo kaya ayun. I wanted to make something special, something that’s just for you,” dagdag ni Mingyu, at this time, finally breaking the usual professional demeanor.
The hell.
Mingyu, speak to the mic, crush mo ba ‘ko?
“Oo.”
“Huh?”
“Tinatanong mo ‘ko kung crush kita, oo sagot ‘ko.”
Oh.
Oh?
What the fuck!
Hindi niya namalayan na nasabi niya pala ‘yun. Oh My God.
Gusto na lang niyang magpalamon sa lupa at this point. Iniwas niya agad ‘yung tingin niya kay Mingyu.
Tangina, ano raw? Crush niya ‘ko? Lord kung panaginip lang ‘to, dapat mo na akong gisingin!
“Tingin ka sa’kin, Wons, please?” malambing na sabi ni Mingyu.
Ang bilis ng tibok ng puso ni Wonwoo ngayon. Hindi niya alam ang isasagot, ire-react, at lalong pulang-pula ang mukha niya na mahahalata ni Mingyu na nagba-blush siya. Fuck talaga!
With enough courage, iniangat niya ang tingin at nakatitig na sa kanya si Mingyu.
“Pakinggan mo muna ‘ko, okay? Kung ano mang desisyon mo pagkatapos mong marinig lahat, hindi kita pipigilan at rerespetuhin ko kung anong gusto mo,” ani Mingyu sa kanya.
Tumango siya. Kinabahan siya ngayon. Anong sasabihin ni Mingyu?
“Wons, about last time,” panimula ni Mingyu, huminto sandali para bumuntong hininga. “Alam kong nakakagalit naman talaga ‘yung sinabi at ginawa ko kaya gets ko rin kung bakit hindi mo ‘ko kinakausap. Nahihiya na rin akong lumapit sa’yo dahil sa ginawa ‘ko, e. Ang gago ko sa part na ‘yun, Wons,”
“No, ako rin. I was over the line that day, Mingyu,” sagot niya. Mingyu needed to know that it wasn’t just his fault as well.
Umiling agad si Mingyu at saka nagpatuloy. “Hindi, Wons. Gago talaga ‘ko sa part na pinigilan kitang umalis. Sorry talaga, Wons. Nagselos lang naman ako sa Seungcheol na ‘yon, hanggang ngayon nagseselos ako. Tangina, nakita ko pa siyang may kasama iba habang iniisip na may namamagitan sa inyo. Sorry.”
Napahinto saglit si Wonwoo sa paghinga. Feel niya nga mahihimatay siya right now. Bakit naman magseselos si Mingyu?! What the fuck!
“Huh? Bakit ka naman magseselos?”
“Hindi pa ba halata?” tanong ni Mingyu.
“What?”
“Ahh, puta, hindi ganito ‘yung pinlano ‘kong pag-amin sa’yo, Wons,” sagot ni Mingyu. “Ang sabi ko sa sarili ko aayain kita sa isang date tapos dun ako aamin, e.”
“What are you saying?”
He’s so lost.
“Wonwoo Keidee,” ulit niyang binigkas. “I, Mingyu Tobias Kim, have been in love with you for the longest time. Hindi ko na maalala kung kailan nagsimula, Wons, sobrang tagal na.”
“Mingyu,” bulong niya kasi what the fuck? What did he mean, all along, his feelings were reciprocated? At si Mingyu ang umaamin ngayon?
“Sabi nga nila Hao, dapat umamin na ‘ko bago mahuli ang lahat, e. Kaso natatakot ako na baka mawala ka sa’kin. ‘Yun ang hindi ko kaya, Wons. Okay lang sa’kin na hindi makaamin, o kaya hindi ka maging akin, basta ‘wag ka lang mawawala sa buhay ko. Tangina, kung mawawala ka sa’kin, hindi ko alam gagawin ‘ko, Wons.”
Gustong maiyak ni Wonwoo kasi naririnig niya talaga ‘to mula sa taong matagal na niyang mahal?
“Sabi ko sa’yo noon na sa tuwing magpupunta ako sa simbahan pinagdadasal kita. Hindi nga lang sa isang simbahan, Wons. Sa lahat ng simbahang napuntahan ko kasama ka sa lahat ng dalangin ko. Baka nga napagod na lang ang Diyos sa mga dasal ko na ikaw ang laman, e. Pinagdadasal ko lang lagi na maging masaya ka lang, okay na ‘ko dun.”
“Min,” bulong ni Mingyu. Parang ang tagal niyang hindi nabanggit ‘yung pangalan ni Mingyu.
Bumuntong hininga si Mingyu. “Para akong mababaliw sa tuwing iniisip ko na nasa condo ka ni Seungcheol, e. Gustong-gusto kitang puntahan dun kahit hindi ko alam kung saan ‘yung condo niya para lang sunduin ka, pero alam kong ayaw mong binibigla ka kaya ‘di ako tumutuloy. Mababaliw ako sa selos, Wons.”
Hindi siya makapagsalita ngayon kasi pina-process niya pa lahat ng mga sinasabi ni Mingyu ngayon. Pero wala na siyang ibang nararamdaman kundi kilig at gulat.
Wonwoo had thought he’d only ever seen confessions like that in movies, where the world slowed down while the character was confessing their feelings.
But he had been living it now. Not i n movies, but right there, in front of him, was Mingyu being so brave in confessing his feelings and Wonwoo wanted to do the same.
“Nakakahiya, tangina,” sabi ulit ni Mingyu habang nakatingin sa kanya. “Sorry kung dito pa ‘ko umamin, Wons. Hindi ko na kaya, e. Hindi ko na rin kayang hindi tayo nagpapansinan. Tska ‘yang special drink na ‘yan, gusto ko ikaw muna unang makatikim bago ‘ko ilagay sa menu. Gusto ko lang din muna marinig approval mo. Mahalaga sa’kin lahat ng input mo, Wons.”
“Mingyu,” umpisa niya nang matapos itong magsalita. It’s now or never, anyway. “First of all, walang namamagitan sa’min ni Seungcheol. Saka engaged na ‘yung tao. ‘Yung nakita mong kasama niya, that’s Jeonghan, for sure.”
“Ha? ‘Di nga? Gago, totoo ba, Wons?”
Tumango siya at saka natawa. “Oo nga. We’re just really friends and kaya rin ako madalas mag-sleepover sa kanila kasi naging close ko ‘yung fiance niyang si Jeonghan Madalas kaming manood ng Tinker Bell. ‘Yun lang ‘yon, Min. Walang something sa’min. So, sorry din if may nasabi man ako last time. About naman kay Lisa–”
“Walang namamagitan sa’min, Wons,” putol ni Mingyu. “Katulad ni Seungcheol, engaged na rin ‘yun at lalong hindi papatol sa lalaki ‘yun.”
“What? You mean, what, she doesn’t swing that way?”
Mingyu chuckled. “Yes. Matagal na sila nung girlfriend niya. Nagpunta lang talaga siya sa pinas para mag-invest sa business.”
Oh My God.
Ang tanga nila parehas.
All this time, nagseselos sila sa mga taong engaged na? Punyetang ‘yan.
Dito pa ata mare-realize ni Wonwoo kung gaano ka importante ang communication.
“Kaya hindi ko rin maintindihan nun kung bakit lagi mo siyang pinapasok sa usapan.”
“You can’t blame me,” sagot ni Wonwoo sabay pout. “Nakita ko kayo one time sa kusina natin. Hindi mo alam ‘yun kasi ‘di ko naman sinabi. Mukhang sobrang sweet niyo na tumatawa tawa pa habang nagpupunas nung natapong kape sa lapag.”
Kumunot ang noo ni Mingyu. “Ha? Nakita mo kami nun?”
Tumango siya. “Oo.”
“Naglilinis lang talaga kami nun, Wons. Sobrang excited ko lang kasi tumama na ‘yung timplang gusto ko para sa kape na sinasabi ko sa’yo. Eh sakto na may kailangan kaming pag-usapan ni Lisa nun tungkol sa cafe tapos sinabi niya na dadaan na lang siya sa bahay natin. Hindi ko na nasabi sa’yo agad, sorry.”
“Okay lang. Dun lang naman ako nagtampo na ‘di mo sinabi sa’kin na may bisita pala. Sorry din kung nag-assume ako agad. Akala ko rin may something na sa inyo kaya ako lumayo.”
“Sorry, Wons,” sagot ni Mingyu. “Nawala na rin sa isip ko. Tska ‘yung natapong kape, iba ‘yon diyan sa iniinom mo. Saka, Wons, alam ni Lisa na mahal kita. Alam niyang baliw na baliw ako sa’yo kaya nga lagi niya ‘kong inaasar. Ikaw lang din madalas laman ng pinag-uusapan namin.”
Wonwoo bit his lip. “Hay. So, nagselos ako sa kanya tapos may girlfriend pala siya? God! I’m so petty–”
“Nagselos ka?” putol ulit ni Mingyu.
Napahinto si Wonwoo at mas lalong nag-init ang mukha niya. Tumango siya bago nagsalita. “Eh kasi I’m in love with you too! Matagal na. Natatakot lang din akong umamin, Mingyu!”
“Tangina, Wonwoo, totoo ba?”
Tumango siya. Wala nang bawian this time. Matagal na niyang kinimkim ‘to. “Matagal na.”
“So, mahal mo rin ako?”
Wonwoo bit his lip again. He’s literally blushing now. “Mahal kita, Mingyu. Sobra.”
Napatayo si Mingyu sa sinabi niya kaya napatingala siya.
“Ulitin mo nga, labs.”
He was now blushing so hard. Tapos tinawag na ulit siyang labs ni Mingyu.
“I’m in love with you, Mingyu Tobias Kim.”
This time, lumuhod sa harap niya si Mingyu. Hinawakan ang mga kamay niya bago ulit siya tinignan nito. “You love me? As in mahal mo ‘ko nang hindi best friend lang?”
Wonwoo chuckled. “I love you nga. Hindi best friends lang. I’m in love with you.”
Ngumiti si Mingyu. Hinalikan niya ang mga kamay ni Wonwoo bago ulit nagsalita. “Pangarap ko lang marinig dati ‘yan, Wons.”
“Ngayon hindi na pangarap. Natupad na, right?”
“Sobra. Mahal na mahal din kita. Tangina, mababaliw ata ako kapag nawala ka, Wons.”
Wonwoo smiled, tears pricking his eyes. “Hindi ako mawawala. I promise. I’ll never leave, Min.”
Mingyu cupped his face, fingers brushing softly against Wonwoo’s jaw. “Sobrang tagal ko nang gustong sabihin ‘to, Wons. Mahal na mahal kita, okay? Sa tuwing matutulog ako, ikaw ang huling nasa isip ko. Kapag gigising ako, ikaw pa rin nasa isip ko. Sorry, sobrang mahal lang kita. Tangina, ang corny ko.”
Wonwoo smiled. “You’re that obsessed with me, huh?”
“Sobra,” sagot ni Mingyu. “Naiirita na nga si Minghao sa tuwing sinasabi kong gusto ko nang umamin, e. Gusto ko naman daw pero ‘di ko ginagawa. Tangina, ililibre ko talaga si Hao kasi alam kong rinding rindi siya sa’kin nun, labs.”
“Silly,” sagot niya sabay gulo ng buhok ni Mingyu.
“Akala ko ‘di ka na pupunta, e,” ani ulit ni Mingyu. “Sabi ko kapag ‘di ka pumunta, ako ang pupunta sa’yo. Pero nagpakita ka, Wons,” huminto siya magsalita at saka nito inilagay ‘yung kaliwang palad ni Wonwoo sa dibdib niya. “Ramdam mo ba tibok ng puso ‘ko, Wons? Ang bilis ‘di ba? Ikaw dahilan niyan.”
“Min,” ani Wonwoo. “Hindi ko alam na ganyan ka pala ka-corny, but I love it.”
Kitang-kita niya ‘yung pamumula ng mukha ni Mingyu. For the first time ever, Mingyu was blushing. “Ayaw mo ba sa corny na boyfriend?”
Napataas ang kilay ni Wonwoo. “Hey, ‘di ka pa nga nanliligaw.”
“Ay, oo nga pala,” sagot ni Mingyu. “Wonwoo Keidee, pwede bang manligaw?”
Fantasy lang dati ni Wonwoo ‘to. Oh My God!
“Pwedeng-pwede naman basta ikaw, Min,” sagot ni Wonwoo. “Gusto mo i-kiss pa kita–”
“Kiss? Yes. Gusto ko. Pwede ba?”
Fuck talaga. Nasa rom-com ba ako!?
Tumango naman siya.
Hindi na nagpatumpik tumpik pa si Mingyu dahil inilapit niya na ang mukha niya kay Wonwoo at saka idinikit ang mga labi niya kay Wonwoo.
It was a soft peck. Then, Mingyu stopped, his breath warm against Wonwoo’s lips.
“Mahal na mahal kita, Wonwoo,” bigkas ni Mingyu.
Ngumiti si Wonwoo. “Mahal na mahal din kita, labs,” aniya. Minsan niya lang tawagin si Mingyu niyan. ‘Yung mga times pa na ‘yon ay kapag inaasar niya ang kaibigan. Now, he felt like ‘yan na talaga ang tawagan nila.
“Labs, huh?” asar ni Mingyu.
“What?” tanong niya rito habang magkalapit pa rin ang labi nila. “You’ve been calling me that, ah. Inaasar mo pa ‘ko!” sabi niya sabay pout.
“Cute mo, tangina,” sagot ni Mingyu. “Kiss tayo ulit?”
“Okay. Kiss tayo ulit,” sagot ni Wonwoo, at sabay nilang inilapit ang mga labi.
And then they melted into each other, soft, slow, and sweet, like the world around them had paused just to let this moment linger.
Labs nila ang isa’t isa, at okey na okey lang!
