Chapter Text
“Alam mo Moon,” Banta ni Doran kay Oner. Alam ni Oner na seryoso si Doran kapag first name ang tawag sayo. Pero alam niyang galit na siya kung apelyido na ang tawag sa kanya, kasi ngayon lang rin siyang tinawag sa apelyido e.
“Tigilan na lang natin ito.” Ang pagpatuloy ni Doran. “Pagod na rin ako eh, mmh?” Ang huling bagit ni Doran habang nanginginig ang boses na kung magsasalita pa siyang muli at maaaring ihagulgul na niya ang mga susunod niyang mga salita; kahit ba basa na ang pisngi niya sa rumaragasang luhang hindi niya inabalang punasan.
Kating kati ang kamay ni Oner na punasan ang luha sa mata ni Doran pero naunahan siya ng lungkot, takot, at pagkalito sa sinabi ni Doran. Wala na tayo? Pagod ka na? Kailan pa? Pwedeng wait lang?
Daming tanong ang bumalot sa isip ni Oner pero isa lang ang nasagot dahil habang nabulag siya sa mga pagiisip niya ay naglalakad palayo na si Doran at naiwang nakatulala si Oner. Hindi pwedeng paghintayin dahil kailangan mangyari na ito ngayon.
*-*-*-*
“Victory” Ang sabi nila sa computer na gamit ni Oner. Asa winning streak na ngayon si Oner sa solo q at mukhang nakabawi-bawi na rin siya mula sa pagkatalo nila last series nila.
Pagkatapos niyang magunat-unat ay tumayo siya sa upuan. Napansin ito ni Keria. “San ka punta?”
“Ang layo layo mo napansin mo pa ako?” Sabi ni Oner habang nasa gitna ng laro si Keria.
“Ay sige bye wala na akong pake sa kaibigan.” Sagot ni Keria na may diin sa sa kaibigan.
Natawa si Oner at sabi, “Kakain lang kasi.”
“Ay Oner may ipapahanap pala ako.” Sabi ni Keria.
“Ano yun.” Sagot ni Oner at tumayong nakaharap na kay Keria.
“Pahanap yung pake ko.” Ang banat ni Keria. Dun na natawa si Peyz na nasa tabi niya.
Umiling na lang si Oner habang natatawa at umalis na sa practice room.
Pagdating sa kainan ay namimili siya sa mga chichiryang meron sila. Nang may nakita siyang nagustuhan niya ay kinuha niya ito at humarap sa likod para maglakad pabalik sa practice room. Pero napahinto agad siya nang makita si Doran na mukhang kararating lang dahil nakabackpack pa.
“Uy hyung!” Sabi ni Oner at napatingin sa deretyo niya si Doran. Lumapit si Oner kay Doran. “May joke ako.”
“Aga-aga Oner.” Iritang sinabk ni Doran habang binaba ang bag. Pero nakangiti at naghihintay lang si Oner. Nang maibaba na niya humarap na si Dorán kay Oner. “Ano yun?”
“Anong ang tawag sa priest sa di nakapaghanda ng homily?” Tanong ni Oner na mukhang pinipigilan ang tawa sa laking ngiting meron siya.
“Ano?” Sagot ni Doran na poker face lang.
“Edi priest style.” Sabi ni Oner na meron ngayon ay may malaking ngiting kita at mga ngipin.
“Corny.” Ang sabi ni Doran pero hindi napalampas ni Oner ang pagka-curl up ng konti ang dulo ng labi nito at biglang preskong aura ni Doran kahit kitang kita ang itim sa ilalim ng mata.
“Kamusta ka?” Ang sabi ni Oner na walang halong biro sa tono pero bilang nawala ang liwanag kay Doran at sumeryo ulit siya.
“Ito,” Panimula ni Doran bago niya ilabas ang buntong hininga niya at hindi tinitignan si Oner sa mata. “puyat dahil sa solo q.”
“Uminom ka naman na ng tubig?” Sabi ni Oner habang hinuhuli niya ng tingin si Doran. “Baka mapulikat ka niyan mamaya.”
“Okay lang ako Hyeonjun,” Sabi ni Doran at umatras ng konti si Oner. “Kaya ko.” Ang huling nasabi ni Dora bago umalis sa harapan ni Oner.
Hindi man alam ni Oner kung deretyong practice room ba pumunta si Doran o sa canteen para kumain. Pero na sisigurado niyang sa pag-uusap nilang iyon, nawala ang winning streak niya.
