Work Text:
Listen to: Boyce Avenue version of The One That Got Away
Summer after highschool when we first met
We’d make up in my mustang to radiohead
And on your 18th birthday we got matching tattoos
Nasa labas lahat ng mga kaibigan nila habang nasa loob naman ang pamilya niya, taimtim na naghihintay na imulat niya ang kaniyang mga mata. Halos isang buwan na rin siyang walang malay at sabi ng pinsan niya, naramdaman daw ni TIta na pinisil raw ni Jho yung kamay niya kahit pa nakapikit pa ang mga mata nito, agad namang nagbigay ng pag-asa sa kanila. Na malaki na raw ang pagkakataong magising na ito ngayon.
“Hindi dapat yung anak ko ang nandito ngayon! Ikaw dapat!” Sigaw ng tatay ni Jho sa girlfriend ng anak habang pinipigilan naman siya ng asawa niya. “Ikaw ang may kasalanan nito!”
Hindi naman makapagsalita si Aiah para ipagtanggol ang kaniyang sarili dahil alam niyang may mali siya. Tanggap niyang may kasalanan siya kung bakit nasa ganitong sitwasyon si Jhoanna ngayon. Siya ang dapat sisihin. Dapat hindi na lang niya inaya si Jho sa biglaang lakad na naisip niya, edi sana hindi ito nangyari sa kaniya. O kung hindi talaga maiwasan, dapat siya na lang ang nakahiga sa kama, walang malay, puno ng sugat, at maraming mga aparato na nakakabit. Pero hindi, narito at ilang galos at bali lang ang inabot niya.
Inawat naman ng nurse at security ang tatay ni Jho sa walang tigil na pagsisi nito kay Aiah. Napagod na rin siguro ito sa kasisigaw, nagpaawat na rin ang tatay ni Jho at pumasok silang lahat sa kuwarto maliban kay Aiah na pinaiwan saglit ng mga pulis na nagiimbestiga sa nangyaring aksidente para interviewhin tungkol sa nangyari.
Halos hindi naman makapagsalita si Aiah dahil sa trauma na sinapit nito pero kailangan dahil kung hindi, baka dalhin pa siya sa presinto at i-detain. Matapos kausapin tinawagan na ng mga pulis ang kaniyang magulang para sunduin siya.
Pagkarating sa bahay ay isang mahabang sermon pa ang narinig niya sa mga magulang niya pero wala siyang naintindihan kahit alin sa mga ito. Lumilipad lang ang isip niya at gustuhin man niyang humingi ng tawad sa mga magulang niya ay wala siyang magawa kundi ang umiyak sa mga ‘to.
Used to steal your parents’ liquor and climb to the roof
Talk about the future like we had a clue
Never planned that one day I'd be losing you.
Naramdaman niyang may humahagod sa kaniyang likod kaya napaangat ang ulo niya para tignan ito. Si Colet, isa sa mga kaibigan nila ni Jho. Tumabi ito sa kanya “okay ka lang?”
Tumango lang si Aiah kahit bakas sa mukha nito ang lungkot
“Hindi mo kasalanan yung nangyari ha?” Sabi ni Colet at sumandal sa upuan “hindi mo naman ginusto na mangyari yon.”
“Hindi ibig sabihin na hindi ko ginusto ay hindi ko na kasalanan.”
Napabuntong hininga na lang slang dalawa at patuloy na naghintay ng balita sa loob. Maraming naghihintay sa mga kaibigan nila sa labas ng kwarto.
Sabay-sabay silang napatayo nang magbukas ang pinto ng kwarto ni Jho at lumabas ang Doktor niya.
In another life you would be my girl
We keep all our promises, be us against the world
“Nagising na siya.” nakangiting sabi ng doktor sa kanila. Nagbagsakan naman ang mga luha nila sa kasiyahan dahil sa wakas nagising na rin ang kaibigan nila.
“nakakausap na po ba siya?” Tanong ni Stacey, halatang excited na makausap ulit si Jho.
“Oo naman.” Sagot ng doktor “pero baka may mga bagay siyang hindi pa matandaan. Sana wag niyo muna siyang pilitin na maalala. Isang buwan din kasi siyang walang malay.”
“Ah, okay po.” Medyo bumaba ang excitement niya ng marinig ang sagot ng doktor
Lumapit naman si Sheena kasama si Maloi. “Pwede na po ba namin siyang makita, Doc?”
“Siguro mamayang konti mga hija. Sa ngayon, kailangan muna siya kausapin ng pamilya niya.”
Gusto sanang lumapit ni Aiah para magtanong pero pinigilan na lamang niya ang sarili at mas piniling manatili na lang sa upuan at maghintay.
In another life I would make you stay
So I don’t have to say you were the one that got away
The one that got away
Nagtagal din ng ilang oras ang pakikipag-usap ng pamilya ni Jho sa kanya. Pinaliwanag kasi ng mga ito kung ano ang nangyari sa kanya pero wala naman siyang maalalang aksidente na kinasangkutan niya. Ang huli raw nitong naaalala ay may kausap siyang babae sa bintana at niyaya siyang lumabas pero hindi niya rin maalala ito.
“Gusto mo bang makita ang mga kaibigan mo? Kanina pa sila excited na makita eh.” Malambing na sabi ng nanay niya habang hawak ang kaniyang mga kamay.
“O-opo my” mahinang sagot ni Jho. Hindi na niya naisipang tumanggi dahil bukod sa na-miss niya na ang mga ito, nandiyan na rin sila at sayang naman ang paghihintay nila kung hindi sila magsusulyapan man lang.
Tumayo na ang pamilya ni Jho at isa-isang lumabas at nagpaalam na magsstay muna sa cafeteria ng hospital.
Paglabas ng kwarto, pinapasok ng tatay ni Jho ang mga kaibigan ng anak maliban kay Aiah na hinarang niya agad sa pinto.
“Sir, parang awa niyo na po. Kahit ngayon lang. Kahit ito na po ang huli.” Pagmamakaawa ni Aiah, medyo naluluha na ito at namumutla pa dahil hindi pa naman galing ung mga galos na natamo niya.
Aiah’s dad patted him on the back at niyaya siya na makausap muna sandali. Pinauna na ni Chris ang pamilya niya sa cafeteria kaya naiwan silang dalawa ni Aiah sa labas. It was strange for her to be this calm towards Aiah kaya kinakabahan ito.
You were June and I was your Johnny Cash
Never one without the other we made a pact
Umupo silang dalawa sa bakanteng upuan malapit sa nurse station. Hindi naman makatingin ng diretso si Aiah sa tatay ni Jho dahil sa hiya.
“Didiretsuhin na kita, Aiah.” Pagkarinig pa lang ni Aiah nito ay kinabahan na agad siya “hindi ka niya maalala.”
“P-po?” This time, napatingin na talaga si Aiah sa mga mata ni Chris.
Aiah’s eyes were full of confusion and disbelief.
“Hindi ka niya maalala” pag-uulit ni Chris wala kang makitang pagsisinungaling sa mga mata nito. “Hindi rin niya maalala ang aksidente. May selective amnesia ang anak ko, Aiah.”
Umiling si Aiah at hindi naniniwala “Sir, alam ko po na malaki ang galit niyo sa akin pero wag naman po sana kayong magbiro ng ganiyan.” Aiah forced a chuckle but she started tearing up instead.
“Hindi ako nagbibiro, Aiah.”
Napatulala si Aiah habang naguunahan sa pagtulo ang kaniyang mga luha.
“Pagkaalis ng mga kaibigan niyo, pwede ka na pumasok sa kwarto at kausapin siya. Sabihin mo na kung ano ang gusto mo sabihin sa kaniya Aiah. Yun na ang huling beses na makikita mo siya” seryosong saad ng tatay ni Jho at pagkatapos nun ay nagpunta na ito sa elevator para sundan ang pamilya sa cafeteria.
Sometimes when I miss you I put those records on oh
Someone said you had your tattoo removed
Bumalik siya sa labas ng kwarto ni Jho at doon naghintay. She was low-key praying na sana umuwi na muna ang mga kabigan nila para makauspa na niya si Jho at mapatunayan sa tatay nito na naaalala niya talaga siya, pero ano ba ang karapatan niya na magdemand? Siya ang dahilan kung bakit nangyari ito kay Jho eh.
Mga kalahating oras pa na naghintay si Aiah, pero kahit na kalahating oras lang yun, parang isang buong taon na siyang naghihintay sa sobrang tagal. Mauubos na yata ang buhok niya sa kasusuklay gamit ang kamay niya. Isa-isang naglabasan ang mga kaibigan nila. May iba na nilagpasan lang siya, may iba namang naawa pero hindi siya ito pinansin at yumuko na lamang habang hinihintay na maubos sila. Si Colet ang huling lumabas at ngumiti lamang ito sa kanya.
Pag-alis nilang lahat, kumatok na muna siya sa pinto bago pumasok kahit na bukas ito. She smiled at her sight. Umayos naman si Jho ng upo sa kama.
“Hi.” Bati ni Jho sa kaniya
“Hi, jho”
“Uhm… hi… ulit”
Hinihintay niya na marinig dito na namiss niya ito, na magtanong ito tungkol sa nangyari matapos ng aksidente o kahit anong bagay pa tungkol sa kanilang dalawa pero wala. Nakatingin lang sa kanya si Jho na parang inaalala ang mukha niya.
“Sino ka?” Sa isang tanong lang na yun ay parang gumuho na ang mundo ni Aiah
Saw you downtown singing the blues
It's time to face the music I’m no longer your muse
Dahan-dahang umupo si Aiah sa may paanan ng kama ni Jho, Napaatras naman si Jho at lumayo nang konti.
“Hindi mo ba talaga ako naaalala.” Mahinahon na tanong ni AIah
Umiling si Jho at pilit na ngumiti “magkakilala ba tayo?”
Napatingin na lang si Aiah at hindi na nito napigilang maiyak “kung joke mo lang to please itigil mo na.” Bulong niya
Dahil mukhang wala naman itong gagawin na masama sa kaniya ay bahagyang lumapit si Jho kay Aiah at tinitigan ito, pilit na inaalala kung nakita na ba niya ang nasa harap niya. “So – sorry ha.” Jho gently said as she patted Aiah’s back. “Pero kasi… hindi talaga kita kilala eh.”
Napakamot na lang si Aiah sa ulo at gusto sana niyang sagutin ito at sabihing hindi maganda ang biro niya pero naalala niya ang sinabi ng doktor kanina na wag daw biglain ang pasyente kaya sa mahinahon na lang niyang paraan sinabi.
“Jho, hindi mo ba talaga ako matandaan?” She looked at her with pleading eyes. Tumutulo pa rin ang mga luha at bakas ang sobrang lungkot sa mukha nito. “Please naman, sabihin mo na nagjojoke ka lang oh” hinawakan nito ang kamay ni Jho.
She pulled her hands away. “So – sorry pero hindi talaga kita kilala. Kaibigan ba kita?”
“Jho naman… i’m Aiah.”
“Aiah?”
“Oo.”
Napatigil si Jho at inakala ni Aiah na naalala na siya nito pero nagsalita siya at muling umiling “wala akong kilalang Aiah. Pasensya na.”
Pinigilan ni Aiah na umiyak lalo “parang awa mo na oh.” Lumuhod na siya sa gilid ng kama ni jho at hinawakan ang mga kamay nito “please naman bebu, tama na ‘tong joke. Hindi na nakakatuwa eh.”
Bebu?
Nagtaka si Jho sa narinig. Kaano-ano ba niya ‘tong babaeng to at bakit sobrang affected sa paggising niya? Hindi naman niya ito kilala pero parang may something na nagsasabing nakita na niya ito.
“E–excuse me…” sabi niya sa babae at hinila ang kamay sa pagkakahawak niyo. “So – sorry talaga pero hindi kita matandaan. Pasensiya na.”
But in another life you would be my girl
We keep all our promises, be us against the world
“Uhm Aiah… baka kasi dumating na sila mommy, maabutan ka nilang ganiyan.” paalala ni Jho sa kaniya causing her to wipe her tears and stand up. “Baka akalain nila kung ano ang ginawa ko sayo. Eh hindi nga kita kilala.”
Nagulat naman si Jho nang bigla siyang niyakap ni Aiah pero hindi naman na niya ito pinigilan, hinayaan na lamang nito na yumakap sa kaniya si Aiah. Hindi niya alam kung anong dahilan bakit pero parang may kuryente siyang naramdaman sa yakap nito. Tinapik din niya ang likod ni Aiah gamit ang isang kamay.
“I’m sorry Jho” bulong ni Aiah habang nakayakap pa rin sa kanya “i’m really sorry bebu” pabulong na banggit nito.
Napakunot noo naman ang noo ni Jho sa narinig. Hindi niya alam kung para saan ito nagsosorry. Kung anu-anong tumatakbo sa isip niya pero hindi pa rin naman niya matandaan si Aiah.
“Good bye, Jho.” bulong ulit ni Aiah sa kanya at ilang segundo pa ay bumitaw na ito sa pagkakayakap sa kaniya. Hinalikan niya ito sa noo at agad na lumabas ng kwarto.
She didn’t know why it hurts to see her walk away.
In another life I would make you stay
So I don’t have to say you were the one that got away
The one that got away
Paglabas ni Aiah ay nakasalubong siya ng mga magulang ni Jho. Iiwas sana siya pero naisip niyang wala namang magagawa ang pag-iwas niya sa mga ito kaya hinayaan na lang niya na magkasalubong sila.
Hinarang niya ang mga ito sandali para kausapin “Sir, salamat po sa oras na binigay niyo para makausap at makasama ko saglit si Jho.” tinignan niya ang mag-asawa at yumuko. “Pasensya na po sa lahat ng nagawa ko sa anak niyo. Pasensya na po kung dahil sa akin may mga masama po siyang nagawa bilang anak. Pasensya na po talaga.”
Hindi na niya hinintay pa ang sasabihin ng mga ito at nagpatuloy na ulit sa paglalakad. Parang pasan niya ang mundo sa sobrang bigat ng nararamdaman niya.
The one, the one, the one
The one that got away
Ilang taon na rin ang lumipas pero hindi pa rin ito makalimutan ni Aiah. Umusad naman ang lahat pero hindi naman maiaalis na minsan ay maisip at maalala niya ito. Kumusta na kaya siya ngayon?
“Aiahkins!” Narinig na naman niya na may sumigaw ng pangalan niya, tumatakbo ito palapit sa kanya habang hinihingal “Kanina pa kita tinatawag” napahawak naman ito sa tuhod habang hinihingal.
“Ano ba ang kailangan mo?” pagtatanong naman niya
Nagpunas muna ito ng pawis bago sumagot “may sasabihin ako… mahalaga…”
“Si Jho… narinig ko na aalis na raw sila.”
“Aalis?”
“Oo magmamigrate na raw sila sa US”
Natahimik si Aiah at hindi alam kung ano ang isasagot kay Colet
“Hindi ka ba magpapaalam sa kaniya? O kausapin man lang siya bago sila umalis?”
Pilit siyang ngumiti “hindi na lang siguro.” sabay iling “hindi rin naman niya ako maaalala eh.”
All these money can’t buy me a time machine, no
I can’t replace you with a million rings, no
Kasalukuyang nakaupo si Aiah sa paborito niyang coffee shop habang pinagmamasdan ang laptop. Ilang gabi na niyang pinagkakaabalahan ang report na ‘to pero hindi niya matapos-tapos. Nananakit na rin ang mga mata niya kakatitig sa screen ng laptop niya.
“Hay” bulong ni Aiah sa sarili
Nabalitaan ng mga magulang niya ang tungkol kay Jho at sa selective amnesia nito. Binigyan din nila ng ilang araw si Aiah para makarecover.
“Aiah, kailangan mo ipagpatuloy ang buhay mo.” sabi ni Malou sa anak niya “hindi pwedeng magkukulong ka lang lagi rito sa kwarto mo.”
Hindi naman niya pinakinggan ang mga magulong at patuloy pa ring nagkulong sa kwarto niya.
“Aiah!” sigaw naman ng daddy niya rito. “Umayos ka nga! Matuto ka naman makinig, ‘wag mong itapon ang buhay mo!”
Mariin naman umawat ang mommy niya rito “hindi mo naman kailangan sigawan yung anak natin.”
“Trauma! Trauma! Walang mangyayari sa buhay niya kung ipagpapatuloy niya yung pagmumukmok at pagkukulong dito.”
“Bigyan lang nga raw ng konting panahon.”
“Panahon? Eh halos kuhanin na nga niya lahat ng panahon eh. Hindi ko alam kung saan ba tayo nagkulang at naging ganiyan yan!”
Nagtalukbong na lamang siya ng comforter at doon umiyak nang umiyak dahil mas lalo lamang bumigat ang pakiramdam niya dahil sa mga narinig.
I should’ve told you what was meant to me whoa
‘Cause now I pay the price
Nagring naman bigla ang cellphone ni Aiah, snapping her out of her staring contest with the laptop screen. It’s her girlfriend Chevy, calling
Aiah: hello to the prettiest girl in the world
Chevy: Binola mo pa ako. Haha. Nasaan ka?
A: Sa favorite coffe shop ko po. Nag-uunwind.
C: nag-uunwind o gumagawa pa rin ng report?
A: I really can't lie to you ano?
C: hindi mo pa rin natatapos, bukas na ang presentation mo niya diba?
A: Oo pero ewan ko ba. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin.
C: Do you need help?
A: No, wag na love. Kaya ko na ‘to. Tatapusin ko rin to ngayon.
C: After all that, can you come over? Dito ka na mag-dinner if you like
A: sure, i’ll come over
C: See you later, love.
A: See you later. I love you po.
C: I love you, love.
Walang may gusto magbaba ng tawag at dahil ang kulit ni Aiah ay si Chevy na ang nagdesisyon na ibaba ang tawag. Mga ilang segundo pa ay ibinalik na ni Aiah ang tingin sa laptop screen para gawin at tapusin ang report niya.
I don’t think about her the way I used to.
HIndi na tulad noon na sa bawat kantang maririnig ko, sa bawat lugar na pupuntahan ay siya agad ang una kong maiisip.
I’ve learned how to live without attaching her name to everything. I’ve learned how to laugh genuinely again, I learned how to be okay.
Or at least that’s what I tell myself.
Because sometimes her memories still slip through. In the quiet parts of the day. In the middle of something good.
It’s strange no? I have someone now. Someone kind, someone who stays, someone who chooses me and I choose her too.
It’s just that I still remember what it felt like to love you…
But not in a way that make me want to go back. Not anymore.
I think i just miss the version of us that never got the chance to exist. The what ifs, the could have beens and the quiet hope of the future we once envisioned.
Sadyang mapagbiro pa nga kamo ang tadhana. As Aiah was about to type biglang may babaeng sumulpot sa harap niya. Naka shades ito at leather jacket. May dalang helmet sa kanang kamay at kape naman sa kabila. “May kasama ka ba?” tanong ng babae sa kaniya, napailing naman si Aiah
“Pwedeng makiupo?” tumango naman si Aiah
Pinagmasdan niya ang babae. She looked hot as hell in that leather jacket. She snapped out of her thoughts nang biglang napatingin sa kanya ang babae at tinanggal ang shades nito.
“May problema ba?” she asked suspiciously but maintained a friendly smile
Umiwas naman ng tingin si Aiah at umiling.
They sat quietly across each other for a good five minutes nang may napansin ang babae sa kamay ni Aiah.
“Meron ka ring tattoo na wave?” her voice was so angelic.
Naalis ang focus ni Aiah sa ginagawa at tumingin sa babae. Bumilis ang tibok ng puso niya ng makita ito.
Siya na ba ‘to? Tanong ni AIah sas arili habang nakatulala sa babae. Nakatingin pa rin ito sa kanya at nakataas ang kilay.
“Hey.” she snapped her fingers at her face “okay ka lang? Para kang nakakita ng multo.”
Ghost of the past maybe, sarcastic na sabi ni Aiah sa sarili niya.
“Ah… wala. Wala.”
“I said may wave tattoo ka rin pala, ayan oh” Sabay turo sa gilid ng kamay nito kung nasaan yung tattoo niya na wave.
HIndi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin kaya nag-nod na lang siya, maintaining an eye contact with her.
She chuckled and asked again, “kailan pa yung sa’yo? Mukhang matagal na eh.”
Hindi maipaliwanag ni Aiah kung ano ang mararamdaman niya. Sobrang saya na sobrang lungkot na may kahalong kaba.
“Matagal na nga.” sagot ni Aiah “Nung 18 pa ako”
“Ah… yung akin kasi hindi ko alam eh”
“Paanong hindi mo alam?”
“Hindi ko alam” natatawang sagot ng babae sa kaniya. “Parang isang araw nagising na lang ako na may tattoo rito sa kamay ko.”
They both chuckled as they shared different stories.
In another life I would make you stay
So I don’t have to say you were the one that got away
The one that got away
It was only half an hour of talk but it seemed like years. Sobrang gaan ng loob nila sa isa’t isa. Ang dami nilang kwento sa isa’t isa at parang matagal na silang magkakilala.
“Paano ba yan, kailangan ko na pala umalis. Nandiyan na yung hinihintay ko eh.” sabi ng babae kay Aiah at tumayo na ito. “Ay wait, hindi pa pala tayo magkakilala. How rude.” Natawa siya sa sarili at inabot ang kamay kay Aiah “Ako nga pala si Jho.”
Aiah smiled. “Hi, Jho.” Inabot niya ang kamay ni Jho at nag shake hands sila. Hindi maalis sa labi ni Aiah ang ngiti. “I’m Aiah.”
“Aiah” sabay tango naman si Jho “pasensya na kung naabala kita sa ginagawa mo” she chuckled again.
“Wala yun. Okay lang.”
Lumapit ang isang babae sa kanila at pinulupot ang kamay nito sa bewang ni Jho. “Hi, babe” she greeted her with a kiss on the cheek.
“Hi babe” she smiled “pakilala ko nga pala sa’yo yung bagong friend ko, si Aiah” sabay turo kay Aiah. “Aiah, this is my girlfriend, Sabine.”
Naghandshake silang dalawa at nagpalitan ng hi-hello.
“Buti na lang kinausap ako niyan kundi baka nabaliw na ako kahihintay sa’yo. Ang tagal-tagal mo kasi eh.” natatwang sabi ni Jho sa girlfriend habang inaayos ang collar ng polong suot nito.
“Ito na nga po diba.” nilabas nito ang jewelry box mula sa bulsa “like it?”
Ang laki ng ngiti ni Jho ng makita ang laman nito na dalawang kumikinang na singsing.
“Ikakasal na kayo?” hindi mapigilang tanong ni Aiah sa dalawa
“Ah, yes! Mali pala ang pakilala ko sa’yo. Fiancé ko na nga pala siya.” Jho told her.
“Let’s go. Hinahanap na tayo ni Mama. late na tayo sa date natin” yaya ni Sabine kay Jho. “Mauuna na kami ha? Thank you for keeping her company.”
“Bye, Aiah. Salamat ulit.” Paalam naman ni Jho.
Pinanood lamang ni Aiah ang dalawa habang paalis ang mga ito. Nagtalo pa ang dalawa kung sino ang magdadrive ng motor at dinaan naman ito ni Jho sa pagpapacute kaya bumigay naman si Sabine.
Who wouldnt?
The one, the one, the one
The one that got away
Parang kanina lang tinatanong niya ang sarili kung nasaan na siya at kung kumusta na siya. Sinagot naman agad ng Diyos ang mga tanong niya.
She’s happy now. She thought happily. And so am I.
Siguro nga everything happens for a reason. Kailangan lang natin malaman at hanapin yung rason na yun. Kung noon hindi siya naniniwala sa kasabihan na yan, ngayon napatunayan na niya ang ibig sabihin nito.
Maybe they weren’t really meant for each other.
But If they were… maybe not in this lifetime.
