Chapter Text
... It wasn't like this, it was never supposed to be like this.
Magkalaban sila, enemies, rivals, arch nemesis pero...
Bakit ngayon na naka tapak siya sa stage, nanalo ng quizbee competition para sa campus.. Masaya.. Ako?
I looked up at him from down the stage, in the crowd of people as he celebrated his win. God was it loud, HE was loud even, pero bakit ganon? Wala akong marinig kundi tawa niya?
Hindi! Hindi dapat ganito! Dapat ayoko, dapat- DAPAT HINDI AKO MASAYA!
Xane Erich Guerrero, star athlete (captain) ng basketball team, top student at dean's lister ng campus na anak ng isa sa mga pinaka successful na CEO sa Pinas. A mouthful right? Tinatamad na ako, ini-introduce ko pa lang siya.
Ako? Ako naman si Alissa Jane Montalvo, isa din sa dean's lister at top student ng campus, and of course, running for Magna Cum Laude of course, baka independent woman to?
Kaaway ko si Xane, elementary pa lang, lagi na kami nag co-compete academically. At lagi din ako nag se-second place.
Hindi ko ba alam! Ginagawa ko naman lahat ng kaya ko pero lagi na lang siyang mas mataas saakin!
I guess that's when my hate for him started, that's when I started to despise his very core.
Ano ba yan. Mas galingan mo naman si Xane. Lagi na lan-
"Huy! Ali, naka tingin ka na naman,"
Tawag ng bestfriend kong si Mari at humalakhak. Sinamaan ko na lang ang tingin sa kaniya.
"Ako? Diyaan? Hindi ah, kadiri, ew, yuck!"
Sabi ko naman at umirap habang tumingin papalayo. Doon ko naman nakitang dumaan si Grayson, isa din sa star athletes ng school namin at isa sa mga kaibigan ko.
Pinuntahan ko siya at umakbay sa kanya na muntik nang magpa tapilok dito.
"Ali naman-!"
-Xane POV-
Aray ha, dapat masaya ako ngayon eh, pero nung nakita ko siyang umakbay kay Gray, napa simangot na lang ako.
"Tang*na naman Ali."
Binulong ko sa sarili ko bago bumaba ng stage.
"F*cking hell, is this woman trying to make me loose my sh*t?"
Nang maglakad ako sa tapat nila, sinadya kong mabangga si Gray sa balikat bago lumingon.
I grinned and spoke up.
"Oh, sorry bro, you're in my way."
Sabi ko bago nag lakad na ulit pa puntang room namin para makuha gamit ko.
Tang*na mo Gray, mag d-double drills ka talaga bukas.
Sumpa ko sa isip ko.
-Alissa POV-
"Problema nun? Huy Gray, may ginawa ka na naman ba kay sungit?"
Tanong ko habang tumitingin sa kaniya.
"Lah? Wala naman ako ginagawa, Ako agad? Ako nga nabunggo eh!"
Reklamo ni Gray sabay sumimangot na nagpa tawa sakin. Lumingon muna ito bago may sinabi.
"Tinatawanan ako, porket crush niya ay."
"Hoy! Kadiri ka!"
Reply ko bago hampasin ang braso neto.
🥀🥀🥀
Pagka tapos kong makipag-usap sa iba naming ka klase ay pumunta naman ako sa room, bubuksan ko na sana ito pero nakita kong naka crack open na yung pinto.
Nakita kong merong nasa loob kaya sumilip ako dito at nakita ko si Xane.
What's he doing?
Inisip ko at pinanood lang siya. Nakita kong lumapit siya sa bag ko kaya nag decide akong pumasok na.
"Hoy. Anong ginagawa mo?"
I spoke up na nagpa talon naman sa kaniya bago tumingin saakin, hawak ang... Isang maliit na black box?
"Ano yan?"
Tanong ko, eyeing the box in his hands.
"Ah eto? Nakita ko lang, naka lagay na sa taas ng bag mo."
Tinaasan ko siya ng kilay at nagpunta sa kanya. Gesturing for him to give me the box.
He smirked at me and held it up.
"Get it then."
Aba-
"Hoy! Sabi mo akin yan, give it-!"
"And I said take it from me, Montalvo."
"This is breach of privacy you know?! It's mine!"
Sinubukan kong tumalon at abutin ang box na ngayon ay tinaas naman niya sa taas ng ulo niya.
"Mister Guerrero!"
"Miss Montalvo."
Sinimangutan ko siya at nginisian lang ako ng loko.
"Sabi mo saakin tapos ngayon ayaw mo ibigay!"
Tinawanan niya ako.
"Liit, abutin mo."
"Porket matangkad ka ah!"
Nagkaroon ako ng idea at ako naman ang ngumisi ngayon, sinipa ko ang binti niya na nagpa luhod sa kanya.
Tinawanan ko ito bago kinuha ang box at tumakbo pa labas.
"HOY!"
Sigaw neto na hindi ko na pinansin, narinig ko lang na may mga yabag na sumusunod sakin after a few seconds kaya binilisan ko ang takbo ko.
Napasigaw ako nang maramdaman ko ang mga brasong pumulupot sa bewang ko na nagpaangat sa akin.
"Hoy! Hoy! Erich bitawan moko!"
Sigaw ko habang sinusubukang ilayo uli yung box sa kanya.
"G*go ka ba? Sinipa moko! Mamaya magkaron pa ko ng pasa sa binti, may game pa naman kami sa Lunes"
Sabi niya habang naka simangot ulit.
-Xane POV-
Oh f*ck.. My heart's f*cking racing... I don't know what got into me-!
Sumimangot na lang ako para I tago ang mabilis na pag tibok ng puso ko.
T*ngina! Bakit ko ba ginawa yun?!
I looked down at her seeing her flushed cheeks bago ako ngumisi.
"Aww~ napa blush ko ba ang Reyna?"
Panunukso ko sa kanya bago tawa. I poked her head and smiled bago ko hinablot yung box sa kaniya.
"Akin na lang to ah?"
Sabi ko sabay takbo.
-Grayson's POV-
"Ayan na naman po ang dalawa, away na naman."
Reklamo ko at napa buntong hininga habang umiiling. Napa tingin sakin si Captain habang tumatakbo, mukhang narinig neto ang sinabi ko.
Nag gesture na lang ako na nag zipper ng bunganga at itinaas ang aking kamay na parang nag s-surrender.
"Sabi ko nga, lalayas na... Sungit naman neto. "
Ewan ko sa inyong dalawa, halatang halata naman eh. Mga matataas lang kasi pride niyo kaya ayaw niyo umamin.
Kay Mari na nga lang ako, maka pang buwisit pa.
"'Di ka pa na sanay sa dalawang 'yan."
Napa talon naman ako nung biglang sumulpot ang babaita na 'to.
"Dati pa, lagi ba naman sa akin nagagalit si captain."
Humalakhak na lang ito at na dala na nga kami sa pag chichimisan.
Hays.
.
.
.
.
.
End of Prologue.
