Work Text:
"Primo?"
Narinig ko ang katok. Si Mama. Sa tono pa lang, alam ko ng kahit ayaw kong may kausap ngayon, ipo-push niya pa rin 'yon.
"Papasok kami ni Papa mo, anak," she said. Inayos ko ang higa ko at tinanaw silang dalawa.
Mama has this worry look—wala sa usual niyang striktong awra. Si Papa naman ay diretso ang tingin sa akin, may gustong sabihin pero piniling 'wag ibuka ang bibig. He looked guilty.
Mama sighed—a long one. Kinabahan ako. Ayokong makarinig pa ng disappointment galing sa kanila.
Tama na 'yong galing sa mga bashers. I'm just...tired of everything.
Umupo siya sa upuan malapit sa higaan ko. My father stood still, eyes examining every corner of my room.
"Anak, I just want to say sorry sa inasta namin noong nakaraang araw. We didn't realize we put you on a pedestal. Na mas inuna namin ang reputasyon namin kesa sa'yo na anak namin. Na parang mas inuna namin ang sasabihin ng ibang tao kesa sa'yo. We're really sorry anak. Patawarin mo sana si Mama at Papa..." she sniffled. My father still has this sturdy look but his eyes say otherwise.
Both of them want to cry.
When was the last time I saw them cry? Two years? Seven years? A decade? Hindi ko na maalala. But this moment is the rarest one.
The fact that my mother apologizes to me—that apology that I didn't expect to happen—makes me believe that they're still human, still adjusting, still making mistakes.
I know they're fighting their pride just to say a single 'sorry'. Alam ko rin na they'll never let their ego say that word. But at this moment, I didn't see them as well-established lawyers.
I see them as my parents.
Hindi ko na mapigilang humagulhol. I broke down in front of them. My mother and father hug me tight I'm suffocating. Despite the fact that I can't breathe, this is what I want. This is my younger version needed for years.
My parents' embrace.
"M-ma... P-pa... ang sakit-sakit ng sinsabi nila saakin. Hindi—hindi na nila akong tinuturing na tao. Nag... nagkagusto lang naman ako sa kapwa ko lalaki pero bakit ang tingin nila mas masahol pa ang ginawa ko sa mga kriminal?" I sobbed. My mother hugged me even tighter.
"Loving the same gender will never be a sin, Primo. Tandaan mo 'yan. No matter what others would say and dictate to you, follow what your heart wants. If loving Red gives you comfort, we will support you.
"I know that our words last time hurt you more. We're so sorry we realized it was too late. Pero tandaan mo Primo, mahal na mahal ka namin ng Papa mo. No matter what other people would judge about you, you're still our child that we love and nourish.
"Susuportahan namin kung ano man ang namamagitan sa inyo ni Red. Kung 'yon ang makakapagpasaya sa inyo, hindi namin ipagkakait sa'yo 'yon anak."
"All the malicious posts and comments about you and Red are already under investigation. Kapag nalaman na namin kung sinu-sino ang mga nasa likod ng pagpapakalat ng bash, magpa-file kaagad tayo ng kaso," si Papa. Umubo siya ng mahina at niyakap pa ako ng mas mahigpit kesa kay Mama.
I smiled. This is the first time that I really feel that my parents are at my back. Mas gugustuhin ko 'to kesa sa mga regalo at mga gamit na binili nila para saakin.
"S-salamat po sa tulong niyo. Ma-masaya ako na tanggap mo kami ni Red, Ma, Pa. At opo, pinapatawad ko po kayo. Alam ko na naman pong dala lang po sa bugso ng damdamin kaya nakapagsalita po kayo ng ganun..." sambit ko. Sumiksik pa ako lalo kina Mama at Papa.
"Salamat, anak." 'Yon ang hulit salaita na narinig ko mula sa kanila. Naramdaman ko na lang ang antok sa bisig ng mga magulang ko.
My comfort and safety.
Days after what happened in my room, everything went back for the better. Masaya ako na napapadalas na rin ang uwi nila Mama sa bahay. We bond and talk lots about my hobbies... and about Red.
Hindi ko muna in-open ang phone ko kaya wala akong idea kung nakpag-chat ba siya o wala.
I'll talk to him after I feel better.
"Sabi ni Manang napapadalas raw ang punta ni Red sa bahay. Kada punta niya, either kinakalikot niya ang sink sa kusina o ang inidoro kwarto mo. Malala ba sira ng mga 'yon? I'll buy new para mapalitan na."
Napaubo ako sa sinabi ni Mama.
"P-po?" Gago ka Primo, halata ka masyado. Napataas tuloy ang kilay ni Mama.
"May mali ba sa sinabi ko?"
"Wala po, Ma..."
Pasekreto kong kinurot ang sarili.
"Anyways, papuntahin mo sa bahay si Red. I want to talk to him," sabat ni Papa sa usapan. Napanganga na lamang ako. Wala na rin naman akong magawa kundi ang sumang-ayon sa kagustuhan ng Papa, lalong-lalo na sa tingin ni Mama na naging interesado sa pag-uusap namin.
Please lang, umayos ka Red.
Pagkatapos ng maikling usapan, napag-desisyonan kong i-open ang phone ko. I promised myself days ago that I would not be self-distructive. That I'll not let the negative comments consume me.
But what I didn't expect is Red's response to my post.
Red Almonte
2 w • Public
hello, si red po ito. maikli lang naman 'to kaya sana basahin niyo lahat.
about po sa pinost ni primo noong nakaraang linggo, totoo po lahat ng 'yon. walang namamagitan saamin. mabuting magkaibigan lang po kami. lagi lang po kaming magkalaro sa mlbb kaya sana tigilan niyo ng mang-harass ng tao. nakakaramdam po kami.
at sana tigilan niyo na rin na iship kami sa isa't isa.
ito ang huling beses na magsasalita ako patungkol sa issue. habang inaayos pa ang lahat, on hiatus muna ako.
salamat.
What?
Ang malamig na kwarto ko ay lumamig pa lalo. Did he just—
In-open ko kaagad ang Messenger, tiningnan kung may bagong chat ba siya. Pero wala. Kahit ang nickname namin ay binura na niya. Naging default na rin ang theme, parang walang nangyari. Pero meron—at hindi ko na alam kung anong susunod na mangyayari.
Fuck!
I chatted him.
Primo Azarius Fregoso
red
Primo Azarius Fregoso
available ka ba ngayon?
I waited for him to respond. Minutes turned into an hour. But nothing—ni delivered na icon, wala. Puro sent lang ang umiilaw sa phone.
Napahilamos ako sa sarili. Fuck, Primo. What did you just do?
I opened my search engine.
How to apologize without sounding like a robot
How to say sorry in 3 ways
Sorry by Justin Bieber
Effective bang kumandong kapag nag-sorry sa isang tao
Pero wala. Walang effect ang lahat. Wala pa ring pumapasok sa utak ko. Tangina naman.
So I decided to call Silas. He responded too quickly —like he'd been expecting me to call.
"Primo," aniya. I also heard some of my friends' voice—mukhang magkasama silang lahat.
"Can I talk to you?" Napahilamos ako ng mukha. I'm seated in my game chair, don't talk about what I should do.
"Pwede naman. Pero pasensya na sa ingay kasi andito sa apartment ko sina Sanjo—"
"—Primo, ikaw ba 'yan? Punta ka sa dito, dali!!!"
Natigil sa pagsasalita si Silas nang biglang inagaw ni Sanjo ang cellphone. Base sa boses nito, hindi pa naman lasing. Gusto lang talagang makipag-agawan.
Natigil sa pagsasalita si Silas nang biglang inagaw ni Sanjo ang cellphone. Base sa boses nito, hindi pa naman lasing. Gusto lang talagang makipag-agawan.
"Andaming pagkain dito Primo! Luto lahat ni Ysaac. Proven and tested ko eh! Dali na! Punta ka na dito…" pamimilit niya pa lalo.
Napailing na lamang ako kahit ‘di nila kita ‘yon. "'Wag muna ngayon, Sanjo. Sasama ulit ako sa inyo kapag naayos ko na ang gusot."
"Anong gusot ba 'yan at paplantsahin natin?"
Napahawak ako sa sintido.
Mukhang naagaw na rin ni Silas ang phone niya dahil siya na ulit ang narinig ko sa phone.
“Pasensya na kay Sanjo. Nagaalala lang 'yon sa’yo. Gusto ngang pumunta sa bahay niyo kaso pinigilan na lang namin kasi mukhang ayaw mo pa ulit ng may kasama.”
"Salamat."
Silence. Only the air conditioner in my room and the occasional background noise in Silas' are the things I can hear.
Sasabihin ko ba?
"Ano kasi—"
"Alam ko na ang pakay mo. About kay Red 'to diba?"
Lala naman ng intuition. Alam agad.
"Oo sana. Manghihingi sana ako ng payo kung paano mag-sorry... "
Narinig ko ang tawa niya. Tumawa si Silas. Masisiyahan na sana ako kung hindi ako ang pinagtatawanan eh.
"Sorry, sorry. First time mo kasing humingi ng payo saakin. Hindi sa pinagtatawanan kita ah?"
Magtatampo ako nito.
"Pero 'yon nga. If you want to apologize to him, just say sorry sincerely. He'll accept it, don't worry." Napakunot-noo ako.
"'Yon lang?"
"Primo, our eyes can't tell lies. Even the simplest 'sorry' can do justice. Malalaman at malalaman pa rin niya na sincere ka sa paghingi ng patawad sa kanya. Tingnan mo lang siya sa mata dahil 'yon ang susi sa lahat."
Napahinga ako ng malalim. Can I do this?
"And oh, by the way. Kung kailangan mo kami, tawagan mo lang kami, ah? Naghihintay kami sa tawag mo, Primo. At suportado namin kayo ni Red."
"Salamat, Silas."
"Walang anuman."
Napangiti ako. I know they'll support me whenever I do. Kahit siguro suntukin ko ang suwail sa gobyerno okay lang sa kanila.
Pinatay ko na ang tawag at sa huling pagkakataon, binuksan ang social media ko.
@keylakei
Please lang tigilan niyo na si Red tsaka si Primo. Meron na silang statement both oh. Bakit parang hindi pa rin sa inyo sapat yon?
↑ @gravity_: it sounds so lousy kaya. feeling ko may tinatago pa rin sila
↑@keylakei: Wala na yon sayo. If you cant accept their statement, its your prob na
Radiah Cy
PLEASE PROTECT RED AND PRIMO AT ALL COST TANGINA NIYO BUSHERS IPAPABARANG KO KAYO HINTAYIN NIYONG PUMUNTA AKO BIRINGAN CITY GRRRR 😡 💢 😡 💢 😡 💢 😡
↑ Shin Arts: Tama! Protect RedMo at all cost talaga ✊✊✊
↑ Queen Arcelas: really pft puro clout kase kaya bute nga na callout clang 2
↑ Radiah Cy: PINAGSASABI MO BURAT ISAKAPA
↑ Queen Arcelas: i mean tama nmn ako
↑ Radiah Cy: OO TAMA KA KASI IKAW ANG MAY TAMA
Roku Nana
Pa pm f may acc pa na naninira dian about kina red tsaka primo. report nrin slmat
↑ Eliexle Art's: Pm sent
↑ Roku Nana: Slmat
↑ Zina Archival: pacheck ng pm hindi ka pa nakapagbayad sa utang mo sakin
↑ Roku Nana: Huh choppy ka
@isaganiibarra
Guys tigil tigilan niyo na ang pagpopost ng malicious content about Red and Primo. They're human, and they can see this. If you think nakakatawa tong nangyayari sa kanilang dalawa, ru fucking insane? Be a better person naman. Tsaka wala na sa inyo kung ano ba talaga ang real score sa kanila.
Also sa mga nagfe-fetishize about sa rs nila touch sm grass bruh. Kadiri ka.
Note: Not a fan of them. Masyado na kasing balaura ng iba so I decided to post about the issue.
Marami pa akong nakitang positive posts and comments about saamin ni Red. My heart swells with all the love from my fans, and sympathy from other people that know me because of...this. Tama nga sina Sanjo, maraming nagmamahal saakin—saamin.
I hope that those people who put shades on us will soon realize that what they're doing is wrong. Maybe soon, maybe later. Pero wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba tungkol saakin.
They don't know me at all, ika nga.
With everything put together in their place, gusto ko ng makipag-usap kay Red.
Nag-chat ulit ako kay Red, nagbabasakaling mag-notif sa kanya.
Please respond. Please.
Primo Azarius Fregoso
red labas tayo
Primo Azarius Fregoso
lomihan lang katulad ng nakagawian
Primo Azarius Fregoso
ayaw mo mag-reply
Primo Azarius Fregoso
unli kandong ako sa'yo bahala ka.
Primo Azarius Fregoso
uy red buhay ka pa?
Primo Azarius Fregoso
red
22:36
Primo Azarius Fregoso
red please, kausapin mo ako.
Should I call Clementine? Hindi ko na kaya ang pananahimik ni Red. It's been a week since I chatted nonstop pero ni isa—wala man lang reply.
I need to call her. Ayaw ko ng patagalin 'to.
A ring. Another ring. Akala ko 'yon na pero hindi sinagot ni Clementine.
Clementine
Sorry Primo. Ayaw lang ni Red sagutin ko ang tawag mo.
Soon na lang pwede? Ako pa tatawag pag maayos na ang lahat.
Magkasama sila?
Napakagat-labi ako. Of course, they're together. They're best friends for sake.
Primo
magkasama kayo ni red?
Clementine
Hindi pero yun kasi ang bilin niya
Napahinga ako ng malalim. Thank God they're not together. Kapagod magselos kapag hindi ko nakakachat eh.
Primo
alam mo kung nasaan siya?
Clementine
Hindi eh. Wala siya sa Batangas di yon umuuwi sa bahay nila pag di siya okay eh
Clementine
Wag mo raw muna siya puntahan sa apartment niya hindi siya namamalagi dun ngayon
How can I see him then?
Gulong-gulo na ako. Puta. Kala ko maayos na ang lahat eh. Inayos ko na ang sarili ko. Ni-ready ko ng pagkatagal para lang makausap ko siya ng masinsinan, ng walang sakitan na mangyayari.
Is this the end?
Sinampal ko ang pisngi ko. Isa. Dalawa. Tatlo.
Tangina ka Primo. Hindi ka nga sinukuan ni Red pero sa mga ganito sumusuko ka na agad? No way.
Bahala na nga si Batman.
Tiningnan ko kaagad ang chat ko sa kanya sa Messenger. Sasaya na sana ako pero puta... umurong lahat ng lakas ko.
Red Almonte
hello primo. salamat sa lahat ng pinagsamahan natin. na-contact ko na si mama mo tungkol sa trabaho. nagpapatanggal lang ako dun.
Red Almonte
mas mabuti pang wag muna tayo magusap
Red Almonte
hindi ko pa kaya sorry.
Red Almonte
wag mo muna ako hanapin pasensya na. wag ka muna pumunta sa apartment ko, sa school ko, o sa batanggas. yun din ang gagawin ko sa'yo.
Red Almonte
wag muna please. parang awa mo na.
Red Almonte
salamat. wag mo na rin akong i-contact sa socmed ko deact na ako dun
Red Almonte
kailangan ko ring i-block ang number mo. pasensya na
Red Almonte
pasensya na primo. hindi ko pa kayang makipagkita sayo.
This person is unavailable on Messenger.
