Chapter Text
Babi, please? Super pile up na yung lesson plans ko. Ikaw na mag-encode nitong midterm exam for Science. Clear naman handwriting ko rito," pakiusap ni Aiah habang nilalapag yung yellow pad sa desk ni Mikha.
Mikha, wearing her heavy gaming headset, was currently in a 1v4 clutch situation sa CODM.
"Copy, babi. Focus lang ako rito. Lapag mo lang dyan," sagot ni Mikha, her eyes glued to the screen.
"Sure ka? Midterms na bukas. I-photocopy ko pa 'to sa faculty room ng 7 AM."
"Yeah, yeah. Understood. G!" Mikha shouted, but she was actually shouting at her teammate who didn't throw a smoke grenade.
Aiah kissed her cheek and left, thinking everything was under control.
The Next Morning (6:25 AM)
Aiah was frantic, sipping her coffee.
"Babi! Asan na yung flash drive? Or sinend mo sa email ko? Male-late na ako, bibilis-bilisan ko pa mag-xerox!"
Mikha, who just woke up with messy hair, blinked blankly.
"Flash drive? Anong flash drive?"
"The test questions! Yung inencode mo kagabi?"
Patay. The memory hit Mikha like a sniper headshot. She remembered Aiah talking, but she was too busy getting that 'Legendary' rank.
"Ah... eh... Babi, nasa... nasa Cloud! Check mo email mo in 5 minutes! Medyo mabagal lang mag-sync!" Mikha scrambled to her PC the moment Aiah ran to the bathroom to brush her teeth.
Mikha opened a random AI quiz generator. She copy-pasted the syllabus topics but was so rattled she didn't notice the "Context Mix-in" feature was turned on, pulling data from her recently opened browser tabs (mostly CODM Wikis).
She sent the file, Aiah left, and Mikha went back to sleep, praying to all the gods.
Aiah was at the heavy-duty photocopy machine, humming happily. She didn't check the content because she trusted her girlfriend. She printed 150 copies.
When she reached her first class, she handed out the papers. After 5 minutes, her brightest student raised a hand.
"Ma'am Mara... yung Number 15 po... 'What is the effective range of a DL Q33 with a Maevwat Omega magazine in a vacuum?' Is this related to Newton’s Law po?"
Aiah froze. She snatched a test paper.
- Question 1: Identify the chemical reaction when a Thermite Grenade hits a riot shield.
- Question 2: If a cell divides every 2 hours, how many kills do you need for a Tactical Nuke?
- Question 3 (Bonus): Who is the best sniper in the world and why is it Mikha Lim?
Aiah’s phone vibrated. It was a text from Mikha.
Mikha: Babi, sorry na agad. Wag mo muna ako i-block. May Jollibee ka mamaya. I love you! 🏃♀️💨
Aiah looked at her students, then at the paper.
"Class, change of plans. Today's midterm is... e-sports appreciation day. Open your CODM apps."
Alas-dose ng tanghalian. Pawis na pawis si Mikha habang naglalakad sa hallway ng school ni Aiah. Bitbit niya ang peace offering na dalawang bucket ng Jollibee at isang giant iced coffee. Feeling niya papasok siya sa Ranked Search and Destroy match-isang mali lang, sasabog siya.
Natanaw niya si Aiah sa dulo ng canteen, nakaupo kasama ang ibang teachers. Pagkakita ni Aiah sa kanya, tumayo ito nang dahan-dahan. Ang tingin ni Aiah? Parang Arctic .50 na naka-scope sa ulo ni Mikha.
"Babi..." mahinang tawag ni Mikha, boses-tuta.
"Mikha Lim," malamig na tawag ni Aiah. "Explain to me... bakit ang bonus question sa Science Midterms ay: 'What is the best attachment to reduce horizontal recoil on an AK-47?'"
"Babi, kasi... Physics naman 'yon, 'di ba? Recoil? Force? Friction?" Mikha tried to smile, pero nanginginig ang tuhod niya. Napansin niyang papalapit na rin ang ilang estudyante.
"Physics?!" Sigaw ni Aiah (pero modulated pa rin kasi professional siya). "Yung Question Number 24! 'If the safe zone is shrinking, how many seconds do you have to use a Kinetic Armor?' Mikha, GRADE 10 SCIENCE YUNG SAKLAW NITO!"
"Kasi babi... survival of the fittest?" humina ang boses ni Mikha. "Science is life... and CODM is life too?"
Pinagpapawisan na nang malapot si Mikha. Akala niya katapusan na niya nang biglang may lumapit na grupo ng Grade 10 boys—mga kilalang pasaway at laging bagsak sa Science.
"Ma'am Mara! Ma'am Mara!" tawag ng isang student, halos mag-bow kay Aiah.
"Yes, Mr. Saldivar? If you're going to complain about the exam—"
"Hala hindi po Ma'am! Ma'am, thank you po talaga!" tuwang-tuwang sabi nung bata. Tumingin siya kay Mikha na parang nakakita ng bayani.
"Ate, ikaw po ba yung jowa ni Ma'am? Ikaw po ba gumawa nung Questionnaire?"
Napa-kunot ang noo ni Aiah. "Why?"
"Ma'am, first time ko pong hindi na-zero sa Science!" sabi nung isa pang student na halos maiyak sa tuwa.
"Kahit hindi ko po alam yung Periodic Table, alam ko po yung damage stats ng Kilo 141! Nakapasa po kaming magkaka-squad!"
"Oo nga po!" sabat nung isa pa.
"Ate jowa ni Maam Mara, salamat po! Dahil sa inyo, hindi ako mapapagalitan ni Mama. Akala ko talaga 'Yeast' yung sagot sa fermentation, 'Adrenaline Shot' pala!"
Napanganga si Aiah. Tumingin siya sa paligid. Ang daming estudyante sa canteen na sumasaludo kay Mikha. May mga sumisigaw pa ng,
"Lodi! Gawa ka ulit ng exam sa Finals!"
Humarap si Aiah kay Mikha na namumula na sa hiya at pigil na tawa.
"See, babi?" Mikha smirked, bumalik bigla yung yabang nung nakitang safe na siya.
"I'm a visionary. I'm revolutionizing the Philippine education system. One headshot at a time."
"Heh! Tumigil ka, Mikha. Hindi ka pa absuwelto," sabi ni Aiah, pero hindi na niya mapigilang mapangiti habang binubuksan yung bucket ng chicken.
"Pero sige, dahil pumasa yung mga kulelat kong students... bibigyan kita ng chance. Pero ikaw ang magche-check ng 150 papers na puro 'Garena' ang nakasulat na sagot."
Nawala ang ngiti ni Mikha. "Check? Manual? Babi, wala bang auto-aim dyan?"
"Mag-encode ka na lang uli, babi. Bilisan mo bago ko i-delete yung CODM mo."
"Ms. Mara. And... Miss Lim. Pasok."
Halos manginig ang kamay ni Aiah habang hawak ang folder ng "CODM Science Exam." Si Mikha naman sa likod niya, parang batang napagalitan, nakayuko lang habang bitbit pa rin ang kalahating bucket ng Jollibee.
Si Principal Colet ay nakatalikod, nakatingin sa bintana, habang dahan-dahang umiikot ang kanyang office chair. Ang aura niya? Nakakatakot. Yung tipong isang maling sagot mo, may detention ka hanggang graduation.
"Ma'am Colet, I can explain," panimula ni Aiah. "Nagkaroon lang po ng... technical glitch sa encoding. I didn't mean to—"
"Technical glitch?" Inilapag ni Colet ang isang test paper sa lamesa. Tinuro niya ang Question Number 42: 'What is the best tactical equipment to flush out a camper in a hardpoint match?'
"Ms. Mara, Science teacher ka. Hindi ka Garena Moderator," seryosong sabi ni Colet.
"Anong klaseng exam ito? Dumadami ang ingay sa corridor. Sabi ng mga students, ito raw ang pinaka-masayang exam sa kasaysayan ng school."
"Sorry po, Ma'am Colet," singit ni Mikha, pawis na pawis na naman.
"Ako po ang may kasalanan. Huwag niyo po idadamay si Aiah—este, si Ms. Mara. Babi ko po siya—I mean, jowa ko po siya, and I messed up."
Biglang tumahimik. Tinitigan sila ni Colet nang matagal. Matalim. Nakakatunaw.
Maya-maya, dahan-dahang binuksan ni Colet ang drawer niya. Akala ni Aiah, suspension letter na ang ilalabas. Pero laking gulat nila nang ilabas ni Colet ang kanyang iPad Pro na may nakadikit pang Lakers sticker.
“Victory!” — biglang tumunog ang pamilyar na boses mula sa speaker ng iPad.
Nanlaki ang mata nina Mikha at Aiah.
"Ma'am?!" sabay nilang sabi.
"Lower your voices!" saway ni Colet, pero may halong ngisi na.
"Actually, Ms. Lim... mali yung sagot mo sa Number 42. Bakit Flashbang ang nilagay mong correct answer sa key? Everyone knows Gas Grenade is more meta this season for hardpoints."
Napanganga si Mikha. "Wait... Ma'am, naglalaro kayo?"
"Legendary rank ako, babi—este, Miss Lim. Huwag mo 'kong maliitin," sabi ni Colet habang nag-aadjust ng salamin.
"Kaya ko kayo pinatawag kasi... nakita ko yung bonus question. Sabi mo rito, ikaw ang best sniper sa mundo?"
"Ah... joke lang po 'yon, Ma'am!" bawi ni Mikha.
"Hindi pwedeng joke 'yon," sabi ni Colet habang nino-normalize ang boses para hindi marinig ng mga nasa labas.
"1v1 tayo sa Killhouse mamayang uwian. Kapag natalo kita, gagawa ka ng maayos na Science exam para sa mga batang hindi naglalaro. Kapag nanalo ka... sige, absuwelto na si Ms. Mara rito."
Humarap si Colet kay Aiah na shookt pa rin.
"Ms. Mara, okay na 'to. Lowkey lang tayo. Pero next time, paki-check naman. Halos ma-report ko 'to sa board kanina buti nakita ko yung stats ng Type 19 na nilagay niyo, accurate naman."
Huminga nang malalim si Aiah, habang si Mikha naman ay biglang nag-flex ng daliri.
"Challenge accepted, Principal Colet," sabi ni Mikha nang may halong yabang.
"Good. Now get out. At iwan niyo rito yung Jollibee. Gift niyo na 'yan sa akin kapalit ng pananahimik ko," utos ni Colet.
Paglabas ng pinto, hinampas ni Aiah si Mikha sa braso.
"Babi! Muntik na tayo doon!"
"Relax, babi. At least alam na nating hindi ka masisisante," tawa ni Mikha.
"Tsaka... baka gusto mong mag-practice? Turuan kita mag-quick scope para sa next midterm niyo?"
"MIKHA!"
Naka-setup na si Mikha sa gaming chair niya sa bahay, suot ang Pink RGB headset. Sa kabilang linya, naka-standby na si Principal Colet sa office niya, seryosong-seryoso na parang mag i-interview ng bagong applicant.
"Ready ka na, Lim?" boses ni Colet sa voice chat.
"Wala nang bawian 'to. Pag natalo ka, gagawa ka ng maayos na Science exam para sa mga batang hindi naglalaro ng CODM hanggang finals."
"G babi—ay, G Ma'am Colet!" tawa ni Mikha.
"Pero wait lang, kailangan ko muna ng buff."
Eksaktong pumasok si Aiah sa kwarto ni Mikha, bitbit ang baso ng malamig na tubig.
"Babi, ito oh, drink water first. Baka ma-stress ka sa 1v1 niyo ni Ma'am," malambing na sabi ni Aiah. Maririnig sa background ang ingay ng mic ni Mikha.
"Thanks, babi. One kiss for good luck naman dyan?" hirit ni Mikha.
Mwah! — Rinig na rinig sa headphones ni Colet ang tunog ng halik ni Aiah sa pisngi ni Mikha.
"Galingan mo, babi ko! I'm just here sa likod mo, watching," dagdag pa ni Aiah na may kasamang back hug.
Sa kabilang side, muntik nang maibagsak ni Colet ang iPad niya.
"Hoy! Ang lalandi niyo! Rinig na rinig ko rito sa mic! Wala bang mute-mute dyan?!"
"Inggit ka lang, Ma'am Colet," asar ni Mikha habang nagsisimula na ang match.
"Focus ka na, baka ma-headshot kita."
Nagsimula ang laro. 1-0 na, lamang si Mikha.
"Nice shot, babi! Ang galing naman ng sniper ko," cheer ni Aiah.
"Wait, punasan ko pawis mo sa noo. Don't move."
"Thanks, babi. You're the best support talaga," sagot ni Mikha sa pinaka-malambing niyang boses.
"Punyeta," bulong ni Colet.
"Lugi ako! Wala akong moral support dito! Ang kasama ko lang dito sa office ay stapler at puncher!"
"2-0, Ma'am!" sigaw ni Mikha.
"Babi, nakita mo 'yon? Quick scope!"
"Opo, babi! Nakita ko! Super galing!" sagot ni Aiah.
"Gusto mo ng grapes? Wait, susubuan kita."
Chomp chomp.
"Babi, ang tamis," sabi ni Mikha.
"Parang ikaw."
"PISKIT!" sigaw ni Colet sa mic, halos mabasag ang eardrums ni Mikha.
"Lim! Ms. Mara! Respeto naman sa single at sa Principal niyo! Nag-lalaro tayo, hindi tayo nag-shooting ng rom-com!"
"Sorry, Ma'am! Focused naman ako oh," tawa ni Mikha habang tumatalon-talon ang character niya sa screen.
"Babi, kiss ulit sa forehead, parang nade-destabilize ako ni Ma'am Colet eh."
Mwah! panibagong tunog sa mic.
"Ayoko na!" bulyaw ni Colet, pero patuloy pa rin siyang nagta-tap sa screen.
"Ang daya! Ang ingay ng mic niyo, parang may ASMR ng mag-jowa! Ms. Mara, isusumbong kita sa sarili ko!"
"Ma'am Colet, fair play lang 'to! Support system ang tawag dito," tawa ni Aiah sa background.
"Good luck, babi! Isang kill na lang, panalo na tayo!"
"For you, babi!" sabi ni Mikha.
BOOM! HEADSHOT.
"VICTORY!" sigaw ng game announcer.
"Wala! Hindi counted 'to!" reklamo ni Colet.
"Na-distract ako sa 'babi' sounds niyo! Masyadong high-frequency yung landian, hindi ko naririnig yung footsteps ni Lim!"
"Panalo is panalo, Ma'am," pang-aasar ni Mikha.
"So, absuwelto na si Aiah sa Science questionnaire?"
"Oo na! Alis na! Layas!" sabi ni Colet, pero may halong tawa na rin.
"Ms. Mara, sabihin mo dyan sa jowa mo, next time 2v2 tayo. Isasama ko si Maloi, para may taga-sigaw din ako sa likod ko!"
"Copy, Ma'am! See you sa school bukas!" sabi ni Aiah.
Pag-off ng mic, hinarap ni Mikha si Aiah.
"Babi, effective yung kiss. Gawin nating daily routine bago ako mag-rank match?"
"Dami mong alam, Mikha. Mag-check ka na ng test papers doon!"
Inirapan ni Aiah si Mikha bago ito tinalikuran para kumuha ng ballpen, pero ang totoo, nagpipigil lang siya ng ngiti.
Naupo si Mikha sa tumpok ng mga encoded test papers na may "CODM Science" questions. Sinimulan niyang i-check ang mga sagot habang nakasuot pa rin ang Pink RGB headset niya sa leeg. Naka-focus siya, nakakunot ang noo, at paminsan-minsan ay kinakamot ang dulo ng ilong niya gamit ang dulo ng ballpen—isang habit na ginagawa niya kapag seryoso siya.
Napansin ni Aiah na habang nagche-check si Mikha, dahan-dahang nawawala ang astig gamer aura nito. Jusko po sobrang babi naman. Bawat tamang sagot ng estudyante, binubulungan ni Mikha ang papel ng, "Nice shot, kiddo," o kaya naman, "Ayan, tama... listen to your Ma'am Mara next time."
Aiah leaned against the doorframe, watching her. Lord, bakit ang cute? Gigil na gigil si Aiah sa isip niya. Yung seryosong Mikha Lim na kayang pumatay ng squad sa Killhouse ay ngayon ay maingat na nag-susulat ng "Keep it up!" sa gilid ng paper ng isang Grade 10 student.
Hindi na nakatiis si Aiah. Lumapit siya sa likod ni Mikha at biglang kinurot ang magkabilang pisngi nito.
"A-aray! Babi! Bakit?!" Mikha asked, startled, her face getting squished under Aiah’s grip.
"Wala! Napaka-cute mo lang tignan habang seryoso dyan! Parang hindi ka nakikipag-murahan sa mic kanina," gigil na sabi ni Aiah, bago idinikit ang pisngi niya sa pisngi ni Mikha.
Mikha pouted—yung pamatay na pout na lalong nagpa-gigil kay Aiah.
"Nag-re-redeem lang ako ng points, babi. Mahirap na, baka i-block mo 'ko sa real life."
"Tigil-pigilan mo ako, Mikha. Sige na, tapusin mo na 'yan para makakain na tayo," sabi ni Aiah, pero imbes na lumayo, niyakap niya pa lalo si Mikha mula sa likod.
"Babi, paano ako magche-check kung nakayakap ka?" tawa ni Mikha, pero hinawakan niya ang kamay ni Aiah na nakapulupot sa leeg niya.
"Pero sige, stay ka lang dyan. Mas mabilis ako mag-check kapag may skin boost."
