Work Text:
Hindi na alam ni Iman anong uunahin niya.
College applications, clearances, org works, final requirements, training para sa national PRISAA - in short, ngarag na siya. At kung kailan na marami siyang aasikasuhin, sakto namang annual tradition na naman at kailangan na naman nilang buong pamilyang umuwi sa probinsya - sa Romblon.
He hasn’t packed any single clothing and in two hours, babyahe na sila.
Kung pwede lang na magpaiwan nalang siya sa Maynila, eh gagawin niya. Ilang taon niya na ring sinubukang ipaalam sa magulang niyang gawin ‘yun pero hindi talaga siya pinayagan - at parang hinding-hindi siya papayagan kahit anong mangyari.
Mustering all the energy left in his body, he started packing. In his mind, at least there is one secret place in the province he looks forward to seeing. A place only him knows.
Monday.
“San ka punta, kuya?” tanong ni Gabby sa kanya.
“Diyan lang sa tabi-tabi, papahangin.” sagot ni Iman.
“Sama ako!” sabi ni Gabby habang nagmamadaling tumayo at nagsuot ng tsinelas.
“Ehhhh dito ka lang! Wag kang susunod ah.” sabay karipas ng takbo palabas ng bahay.
Through the years, naging annual tradition na sa pamilya nila ang pag-uwi sa probinsya ng isang buong linggo. Isang beses, habang naglalakad-lakad ay may nakitang isang magandang sunset spot si Iman. Tabi ng malaking puno, tanaw ang dagat kung saan aninag ang samut-saring kulay ng kahel at dilaw sa tubig. Kaya naman tuwing magbabakasyon sila, inaaraw-araw niya ang pagpunta dito. Tahimik, payapa, banayad at mahangin - rinig ang hampas ng mga alon sa dalampasigan. Walang ibang tao kundi siya, at mga iniisip niya.
Pero parang mapuputol ang alone time niya sa araw na ‘to.
Nagulat siya nung may kaluskos siyang narinig sa mga dahon, parang tunog ng lakad na papalapit sa kanya. Paglingon niya ay may nakita siyang lalaki. Matangkad - mas matangkad sa kanya, may suot na salamin at kulay brown ang buhok. Pogi, may itsura na di niya maipagkakaila.
It was his first time seeing this unfamiliar face. Kahit na dapat ay maiinis siya dahil gusto niyang mapag-isa, mas nanaig yung curiosity niya dito. Pumwesto ito sa right side ng puno.
Tahimik nilang pinanood ang sunset, habang pinapakinggan ang tunog ng alon. Nung paubos na ang natatanaw nilang sinag ng araw ay umalis na ang lalaki. Maya-maya’y umuwi na rin si Iman.
Tuesday.
As usual, nasa sunset spot ulit si Iman.
What’s not usual? Nandun ulit ung lalaki.
Iman is contemplating if magiinitiate ba siya ng small talk dito. But this place is so special to him, hindi naman siguro masama if kikilalanin niya yung isa pang tao sa mundo na nagegets bakit trip na trip niya tong sunset spot na to.
“Have you always loved sunsets..?” mahinang tanong ni Iman sa lalaki. Di niya kaharap yung kausap kasi nasa pagitan parin nila yung puno.
“Are you saying something?” sagot nito sa kanya.
“Sabi ko, have you always loved sunsets? Kasi bukod sakin, ikaw lang ata nakakaalam ng lugar na ‘to.” sagot ni Iman sa kanya
“Sorry, was I disturbing your alone time here? If its not okay I can leave.” sagot ng lalaki habang patayo na.
Agad namang tumayo si Iman para harapin ang lalaki sa kabilang side ng puno. Unlike their meeting yesterday, mas nakita niya na ng malapitan yung mukha nito. Gwapo nga, pero ngayon niya lang nakita sa lugar.
“No, please.. Stay..” sabi ni Iman habang umupo sa tabi ng lalaki.
“To answer your question, I’ve just been recently fascinated with sunsets when I first went here. Ang ganda eh.” sagot ng lalaki habang lumilipat ang tingin galing sa harap papunta sa gilid kung saan nakaupo si Iman. Nakangiti itong nakatingin sa kanya.
“Glen nga pala..” abot ng kamay sa kanya ng lalaki.
“Bong..” sagot ni Iman.
Wednesday.
“Is there anything you’re certain you’re very good at?” biglaang tanong ni Glen sa kanya. Mapapasabak pa ata sa deep talks, sa isip ni Iman.
“I love playing volleyball. Kalahati ata ng buhay ko, sa larong yun ko na ginugol. I cannot say I’m the best at it pero alam ko sa sarili kong nag-ppayoff naman ung effort na binibigay ko sa sport, yun din siguro yung rason kung bakit nagpperform naman ako sa games.” sagot ni Iman sa kanya.
Tumango si Glen, na para bang bilib na bilib sa sagot nito.
“Ang hirap sigurong maraming gustong gawin, no? Yung oo nga marunong ka sa maraming bagay, pero di mo masabing magaling ka.. Ganon kasi ako, eh..” sagot ni Glen sa kanya habang pinaglalaruan yung mga tuyong dahon sa lapag.
“Eh, kesa naman sakin? Magaling nga mag volleyball sa ibang bagay palpak naman! Sumusunod na nga lang ng Youtube tutorial kung pano magtimpla ng matcha hindi pa magawa!” masiglang sagot ni Iman, hoping that the light tone in his answer lightens the mood up.
Ngumiti naman si Glen, na ikinatuwa naman ni Iman dahil sakses ang pampagaan niya ng loob.
Thursday.
“Oh, eto para sa’yo..” abot ni Glen sa kanya ng isang 16oz na flask.
Gulat na kinuha ni Iman yung flask sa kanya. “Ano to?” tanong niya.
“Matcha, ginawa ko kanina.” maangas na sagot ni Glen.
Binuksan ni Iman yung flask para tikman yung matcha. Strong matcha flavor, oat milk gamit pero hindi overpowering, may konting tamis pero nananaig parin yung matcha. Shet, amats na amats ko to sa isip isip niya. Kita niya sa peripheral vision niya na inaantay ni Glen na mag-react siya.
“Wow, ikaw may gawa nito? Ang sarap gagi! Kahit araw-araw kong inumin to gagawin ko eh!” sagot ni Iman sa kanya, kitang-kita sa ngiti nito na nasiyahan talaga siya sa ginawang inumin.
“Talaga? Kung araw-araw kitang gagawan, uubusin mo palagi?” tanong ni Rui habang nakatutok ang tingin sa mga mata ni Iman.
Shet, ang tapang ng matcha. Kumakalabog ang dibdib niya. Palpitations ba to?
Umiikot rin yung pakiramdam sa tiyan niya.
Matcha pa ba ‘to? O paru-paro..
Hindi niya rin alam.
Friday.
“Mahilig ka ba makinig sa mga lumang kanta?” tanong ni Glen kay Iman.
“Sakto lang, pero kasi nauuso ngayon mga geng geng eh. Kaya yun trip ko ngayon.” sagot ni Iman sa kanya.
Kinuha ni Glen yung cellphone niya sa bulsa at maya-maya may tumugtog na kanta.
Someday you will find me
Caught beneath the landslide
In a champagne supernova in the sky
But if you did find me, would you hold my hand?
These thoughts linger all night at hindi pinatulog si Iman.
Saturday.
“Tomorrow night we’re going back. To Manila.” sabi ni Iman kay Glen.
“Edi mamimiss mo ‘tong matcha ko?” sagot ni Glen sa kanya habang inaabot na naman ang isang flask na may lamang matcha sa kanya.
“Ikaw, masyado mo akong inispoil. Pag ito hinanap-hanap ko talaga tapos hindi ko alam saan ko kukunin! Iiyak nalang ako.” sagot ni Iman.
“Paanong hindi alam kung saan? Eh alam mo naman saan ako hahanapin. Pang ilang araw na nga to?” sagot ni Glen sa kanya habang tumatawa.
Shit, bakit nag-slow motion? Nakangiti na naman sa kanya. Delikado na ata ako, sa isip ni Iman.
Sunday.
“Do you think we’ll meet again?” tanong ni Iman kay Glen.
Nakatayo si Glen sa may unahan niya kaya hindi niya makita yung reaction nito sa tanong niya. Mga labinlimang segundo bago siya sagutin nito.
“Maybe yes? Maybe not? Do you believe in destiny, Bong?” tanong nito sa kanya. Nagulat siya nung bigla itong humarap sa kanya.
“Destiny? Oo? Siguro?” utal na sagot ni Iman.
“Kasi kung hindi, bakit pa tayo pinagtagpo dito, diba?” sagot ni Glen sa kanya.
Natigilan si Iman. Rinig niya yung pamilyar na kalabog sa dibdib niya.
“Then we’ll definitely see each other again…. Iman.”
Not that he’s over with the Glen of that short summer break but he became busy with a lot of things. Sometimes his dreams betray him. The picturesque view, the sun rays glistening over Glen’s skin, his smile to him brighter than anything he’s seen. He misses everything. He misses him.
PRISAA nationals first match.
“Team captains, please come here at the table for the toss coin.”
Lumapit naman si Iman sa table. NCR team captain.
“First match of the day, we have team NCR headed by team captain Chris Emmanuel Hernandez vs team MIMAROPA headed by team captain
Glen Rui Ventura..” the speaker loudly announced in the entire venue.
Glen. Rui. Ventura.
There he is. Nasa kaliwa niya. Gaya niya, may guhit sa jersey nito.
“Hello Iman. Sabi sa’yo diba? We’ll definitely see each other again. I missed you and its nice seeing you again. Goodluck sa atin, captain?” sabi ni Rui sa kanya. On his right hand… is a very familiar flask. Inabot nito ang flask sa kanya.
"Post-game drink after our game? Baka namimiss mo na eh.." nakangiting sabi ni Glen sa kanya.
