Actions

Work Header

Rating:
Archive Warnings:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2026-05-13
Words:
1,294
Chapters:
1/1
Kudos:
20
Hits:
119

Apartmates

Summary:

Wonwoo na kauuwi lang galing probinsiya may responsibilidad ka agad na dinatnan pagkauwi sa dorm a.k.a. inaapoy ng lagnat ang apartmate niyang si Junhui.

Notes:

hi!!! ANG TAGAL KO NA WALA ‘DI BA??? NA-MISS KO KAYO HUHU LIKE FR FR FR!!! kamusta naman dito? maganda ba ang takbo ng buhay ngayong 2026? pa-kudos nga riyan kung oo HAHSHHSHS so! mini chika muna kasi na-miss ko rito!

first, hindi ba na-post ko na itong story na ito? or delulu lang ako 😭 I remember kasi na na-post ko na ito dati but n’ung hinanap ko siya wala (plus sa may folder ko, under na iyong buong story na ito as draft and posted siya sa may thread ko sa x [@sxntlye]). lemme know if na-delete ko ba or whut

second, I’m cooking sumthin kaya ayun hehehe so hindi yalaga ito ang comeback story ko. post ko lang ito ka agad without proof reading hehe babalikan ko linis dito kapag hindi na busy!!! so, bear with me!

third, dating gawi! kung may grammatical error, may typo, nawalanb word, lemme inform me!!

last! dahil palagi ko sinabi sa inyo na inform niyo ako kapag may mali. bibigyan ko naman kayo ng mini-mini knowledge about filo grammar HAHAHAHHA UMPISAHAN NATIN SA BASIC!

learn of the day: rin and din
1. rin - ginagamit kapag ang huling letter ay nagtatapos sa “a, e, i, o, u” or “w, y”
2. din - ginagamit kapag ang huling letter ay katinig o mga letter na hindi patinig (“a, e, i, o, u”) at malapatinig (“w, y”)

ayun lang! sana may natutunan at enjoy!!!

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

"Huy! Wonwoo, ngayon ka pala uuwi?" 

 

 

 

"Kamusta po, Ka Efren? Opo eh, pasukan na po kasi sa monday." ani Wonwoo na napahinto sa station ng guard ng dormitory niya. 

 

 

 

"Aga mo ha! Friday pa lang."

 

 

 

"Magliligpit pa po ako ng gamit eh." sambit nito sabay ngiti. "Sige po, akyat na po ako."

 

 

 

Binigyan naman siya ni Ka Efren ng tapik sa likod sabay sabing. "Sige, iho. Ingat ka riyan." Kaya nagpatuloy siya sa paglalakad.

 

 

Papunta sana ito sa elevator ngunit biglang may nakitang nakapaskil kaya dumeretso na lang ito sa hagdan. Sa third floor lang naman kasi ang dorm niya, hindi rin naman nakakapagod ang hagdan, kaya sinawalang bahala na niya ito.

 

 

Isa pa, masaya siya ulit dahil balik dorm na naman siya. May kakayahan na naman siyang huwag maghugas ng plato kasi naka-paper plate lang siya plus ipinag-grocery pa siya ng mga magulang niya.

 

 

 

"Nakauwi na ako." masayang pambungad nito n'ung buksan niya ang pinto.

 

 

 

Medyo natawa nga siya kasi na-realized niyang wala pa nga pala ang dormmate niya...

 

 

HA?!?!

 

 

ANG DORMMATE NIYA!!!

 

Ka agad na nagmadaling pinatong ni Wonwoo ang mga bitbit na damit at grocery sa kitchen counter nang mapansin ang dormmate niyang nakahiga sa lapag ng sala. 

 

Agaran niyang nilapitan ito at sinipat ang mukha, roon niya napagtantong namumulat ang binata kaya akma sana nitong hahawakan ang noo niya nang bigla siyang magsalita.

 

 

 

"You’re back..." mahinang sambit nito na para bang bulong sa sobrang hina.

 

 

 

"Kailan ka pa umuwi?" ani Wonwoo sabay dampi ng likod ng kamay niya sa noo nito. "Mainit ka ha. May sakit ka."

 

 

 

Tungo lang ang tanging sagot ng lalaki.

 

 

 

"Huy! Ayos ka nga! Kailan ka pa may lagnat?" nag-aalalang tanong ni Wonwoo. Hindi na kasi gan'on ka ano iyong lagnat niya, umaapoy na talaga. 

 

 

 

Habang hinihintay magsalita ang isa, sinuri niya naman ang dorm nila. Okay naman, malinis, maliban na lang sa table rito sa sala na may meal prep na nakabukas at mukhang may bawas kaso natapon lang din dahil sa nagkalat na butil ng kanin sa lamesa.

 

 

 

"I... don't know. Fuck, my head hurts... so bad!" sagot ng isa habang hawak ang ulo at namimilipit sa sakit.

 

 

 

Nang marinig niya ang sagot ng isa, marahang binuhat niya ito at dinala sa kwarto ng binata. Dahan-dahan nitong ibinaba sa kama niya at kinumutan.

 

 

 

"Magpahinga ka muna rito. Gigisingin kita kapag may pagkain na." sabi niya sabay alis sa kwarto. Iniwan niya lamang nakabukas ang pinto dahil na rin para marinig niya kung sakaling tawagin siya ng isa.

 

 

 

Dumeretso si Wonwoo sa kusina pagkalabas sa kwarto. Ang kusina naman nila ay bungad lang sa gilid pagpasok sa pinto na agad din namang matatanaw ang sala. Kaya kita niya agad kanina ang dormmate niyang nakahiga sa lapag.

 

 

 

"Tsk tsk tsk" napapailing na lang talaga si Wonwoo. Hindi niya naman ine-expect na ganito ang bungad sa kaniya pag-uwi. 

 

 

 

Inaayos ni Wonwoo ang mga dalang grocery mula sa kanilang bahay. Habang hinihintay na kumulo ang corn and crab soup na niluluto niya. Nakita niya kasi ang pack ng corn and crab soup na malapit sa tabi ng lutuan. 

 

 

He suspected that magluluto siguro sana ang isa ng soup ka-partner ng meal prep niya kaso biglang naabutan ng matinding sakit ng ulo kaya hindi na natuloy. Matapos ligpitin ang mga grocery. Pumunta naman muna ito sa sala at niligpit ang mga kanin na nakakalat sabay kuha na rin ng meal prep.

 

 

Nagdadalawang isip kung ito ba ang ipakakain sa isa o kukuhanan ito ng bago. Sa sobrang pag-iisip hindi niya namamalayan ang kaniyang ginagawa. Isinalin niya na pala ang kanin na hawak niya sa mangkok at hinaluan ito ng sabaw. Samantalang, ang ulam na barbecue chicken at sparagus ay pinasok naman sa microwave para initin.

 

 

Nang matapos itong mainit ay dahan-dahan na itong pumunta sa kwarto ng isa bitbit ang mga pagkain. Nakadalawang balik ito dahil hindi na niya kayang bitbitin ang tubig at gamot sa unang balik.

 

 

 

"Junhui... gising ka na muna, kain ka muna." tinapik ni Wonwoo ang braso ni Junhui na agad din namang nagising kaya tinulungan siya ng isa na umupo at binigyan pa ng sandalan.

 

 

 

"Ah" sabi ni Wonwoo habang nakabuka ang bibig.

 

 

 

"What's this?" ani Junhui habang nakapikit pa ang isang mata.

 

 

 

"Kanin na may sabaw."

 

 

 

"What kind?"

 

 

 

"Corn and crab." sagot ni Wonwoo kaya agad namang binuka ni Junhui ang bibig niya para masubuan siya ng binata.

 

 

 

Ilang subo pa ang lumipas nang maramdaman ni Wonwoo na humihikbi na pala ang isa.

 

 

 

"Ano? Anong nangyayari? May masakit ba sayo?" nag-aalalang sambit ni Wonwoo rito habang dinadampian ng kamay ang noo at leeg nito.

 

 

 

"No..." sagot ni Junhui na nagpatuloy sa pag-iyak. "It's just that... I’m such a burden... you just came back then here you are, taking care of me instead of resting..." aniya sabay buka ng bibig.

 

 

 

Natawa naman si Wonwoo rito bago subuan ang binata.

 

 

 

"Sorry, Wonwoo." sambit ni Junhui habang lumuluhang ngumunguya.

 

 

 

"Bakit hindi ka kasi nagsabi sa akin? Para naman mas napaaga ang uwi ko at hindi na umabot sa ganiyan sitwasyon mo. Umuwi ka ba n'ung holiday?" tanong niya bago painumin ng tubig ang isa.

 

 

 

Sumenyas lang ito ng thumbs up at thumbs down.

 

 

 

"Ano iyan?" 

 

 

 

"I went home during the holidays but I came back after."

 

 

 

"Bakit? May nangyari na naman?" susubuan na sana ulit ni Wonwoo ang isa nang bigla nitong iiwas ang ulo mula sa kutsara.

 

 

 

"I don't want to eat anymore. Thank you. Wonwoo." sambit niya bago ihiga ang sarili. 

 

 

 

Pipigilan sana siya ni Wonwoo dahil hindi pa ito nakakainom ng gamot pero hinayaan muna siya nito at pagbalik niya na lang.

 

 

Hindi naman secretive na tao si Junhui sadyang kapag may nangyayari sa pagitan niya at ng pamilya niya ay tumatahimik na lang siya. Masyadong komplikado ang buhay ng isa. Kaya hindi na nagtaka si Wonwoo n'ung makita niya itong nandirito.

 

 

Dito lang naman kasi malaya si Junhui sa mga bagay na gusto niyang gawin.

 

 

Matagal na rin simula n'ung naging magka-dorm silang dalawa. Parehong 1st year college n'ung unang tumapak sa dorm na ito at ngayon 3rd year na sila pareho na sasabak sa 2nd semester. Magkaiba ang kinukuha nilang kurso.

 

 

Architecture ang kay Wonwoo samantalang fine arts naman ang kay Junhui. Pareho nilang mahal ang kursong napili. Sadyang hadlang lang talaga ang pamilya ni Junhui rito lalo na ang kaniyang ama na gusto siyang magpiloto gaya ng buong pamilya niya.

 

 

Bumalik si Wonwoo sa kwarto ni Junhui matapos niyang mag-half bath. Maggagabi na rin naman na kasi, oras na para magpahinga siya.

 

 

 

"Jun, inom ka muna ng gamot bago ka matulog nang deretso." gising ni Wonwoo kay Junhui. Umangat naman ito ng ulo na tinulungan ni Wonwoo. Hinayaan niya si Junhui na inumin ng kusa ang kaniyang gamot bago ito ipahiga ulit.

 

 

 

Aalis na sana ang lalaki ngunit...

 

 

 

"Don't leave me... Wons..." 

 

 

 

Bulong ni Junhui habang nakahawak sa kamay ni Wonwoo. Nakatayo lamang ang lalaki nag-iisip sa kaniyang gagawin. 

 

 

Pinisil ni Wonwoo ang kamay ni Junhui bago umupo sa baba ng kama nito. Hindi binibitawan ng isa ang kaniyang kamay kaya nag-stay na lang siya sa gan'ong posisyon hanggang sa makaramdam ng antok.

 

 

Kalahating minuto ang lumipas at naramdaman ni Wonwoo na ang kamay na nakahawak sa kaniya ay nanginginig. Agad ito tumayo at binabaan lalo ang aircon sa kwarto. Inayos niya rin ang kumot nito ngunit hindi sapat.

 

 

Kaya pumwesto ito sa tabi ni Junhui at binalot ang isa sa bisig niya. Baka sa way na ito ay makaramdam ng warm si Junhui. 

 

 

 

"Wons..." bulong ni Junhui habang nakabaon ang mukha sa dibdib ng isa.

 

 

 

"Shh... magpahinga ka na." bulong ni Wonwoo pabalik dito habang hinahawi ang buhok ni Junhui na nakaano sa kaniyang noo.

 

 

 

"Dito lang ako, Jun." aniya bago halikan ang noo ng isa at bago pumikit.

Notes:

kamusta? don’t forget to leave a kudos

note: I wrote this last 2024 (???)