Chapter Text
Sabi nila, you will never forget your first love.
Kung tatanungin nyo si Wonwoo kung naniniwala ba sya doon, sasabihin nya na totoo naman, dahil hanggang ngayon naalala pa rin nya kung sino ang sa kanya.
Kim Mingyu.
Ang perfect definition of tall, dark and handsome. Halos lahat ng estudyante noong high school sila ay may crush sa kanya, halos lahat ng babae ay pinangarap na makamit sya, mga lalake na umaasang may chance sa kanya.
Isa na din doon si Wonwoo. Tatlong taon din nyang naging crush ang kanyang upperclassman na si kuya Mingyu.
Pero hanggang paghanga na lang talaga ang mga first love, no? Because here he is ten years later, unpacking his things after going home from Australia, at hanggang reminisce na lang sya. He hasn’t been back to their old family house since migrating, at yung mga gamit nya from high school, nandito pa rin sa mga storage box sa kwarto nya.
Photobooth pictures with classmates, old diaries and slambooks, letters from friends. Even yung mga luma nyang notebooks and reviewers, nandito pa din yung iba at hindi pa natatapon.
He starts unboxing the others para piliin alin lang yung mga itatago nya. Pagbukas nya sa isang box, puno ito ng mga magazine. He starts filing through them. K-Zone, Archie, W.I.T.C.H., Reader’s Digest.
Total Girl Magazine.
Natawa sya nang makita ito. Parang na-transport tuloy sya sa nakaraan.
—--
10 years ago
1st year high school
Pumwesto si Wonwoo sa bandang labas ng karinderya nila, umupo sa may table, nakaharap sa kalsada, kunwari kumakain ng lugaw. Pero sa totoo, inaabangan nya ang uwian ng mga 2nd year students. 5:00 PM kasi ang labas nila, habang silang mga freshman ay 4:30 PM. Mga bandang 5:15, maabangan na nya ang mga estudyanteng pauwi na dumadaan sa harap ng bahay nila dahil malapit lang sila sa school.
Mga bandang 5:15 PM, dumadaan si Kim Mingyu na nakasakay sa bike nya pauwi.
“Hoy, anong tinitingnan-tingnan mo dyan?”
Nagulat si Wonwoo nang biglang tabihan sya ni Soonyoung, naglalagay ng toyo sa dala din nyang bowl ng lugaw.
“H-huh? Wala.” Sagot ni Wonwoo. Nagkunwari syang naka-focus sa merienda nya. Pero palihim syang sumilip sa may kalsada kung sakaling nandoon na ba si Mingyu.
At sakto, kakadating lang nya at tumigil sa may pedestrian dahil may tatawid.
Parang slow-mo. Nakatitig lang si Wonwoo, pinapanood si Mingyu sipain ang kickstand para tumayo ang bike nya, at tsaka tinulungan bitbitin ang mga mabibigat na plastic ng prutas na dala ng isang lolang tatawid. Nang makarating sila sa kabila (medyo malayo ng onti pero sa side ng karinderya nila kung nasan si Wonwoo ngayon), nagtagpo ang kanilang mga mata. Tumigil ang mundo ni Wonwoo nang ngumiti si Mingyu.
“Si kuya Mingyu!?” Gulat na sambit ni Soonyoung nang sinundan nya ang tingin ni Wonwoo at nakita din ang upperclassman. “Crush mo sya no!”
“Huh! Hindi ah!”
“Crush?” Sumingit si Jun sa usapan at naglapag ng isang litro ng RC cola para sa kanilang apat. Nakiupo din si Jihoon sa table nila. “Sinong may crush?”
“Si Wonwoo!” Nakangiting sigaw ni Soonyoung, tuwang-tuwa. Muntik na nyang masagi yung mga bowl nila ng lugaw sa sobrang ligalig ng galaw nya. “Crush ni Wonwoo si kuya Mingyu!”
“Hindi ah! Hindi!” Tanggi pa rin ni Wonwoo. “Imbento yang si Yong.”
“Asusss, deny pa sya!” Gatong ni Jun. “Sya pala yung palagi mong tinititigan tuwing flag ceremony!”
Tahimik lang si Jihoon na nakikinig, pero nakangisi din ang gago.
“Wala akong crush. Studies first!” Paninindigan ni Wonwoo. “Kailangan kong mag top 1 para isama ako ni Tatay sa Australia.”
Dineny parin nya ang kanyang kasinungalingan, pero halatang hindi naniniwala ang mga kaibigan nya. Iniba na lang nya ang topic, pinaalala yung coverage ng next quiz nila sa Science.
Pagbalik nya ng tingin sa kalsada, likod na lang ni Mingyu na nagbibike palayo ang nakita nya.
—
August 15, Tuesday
Dear diary,
Kaninang flag ceremony, si kuya Mingyu yung isa sa mga nagtaas ng flag! At habang national anthem, pwede akong tumitig sa kanya nang matagal at hindi nahahalata! Ang pogi pogi talaga nya! Super duper crush ko talaga sya! Sana sya na yung magtataas ng flag palagi!
August 23, Monday
Dear diary,
Ang boring ng English subject kanina. Nabasa ko na kasi yung libro na dinidiscuss, kaya alam ko na lahat ng mangyayari. Nag-excuse ako kunwari para mag-cr, pero sa totoo dumaan ako sa 3rd floor para masilip yung classroom ng mga 2nd year. Dumaan ako sa room nila kuya Mingyu! Hindi ko sya masyado nakita kasi nasa may bandang dulo sya nakaupo, pero nasilayan ko sya today! Yes yes yes! Nakakagana mag-aral!
August 30, Tuesday
Dear diary,
Kaninang recess break, nag uusap-usap sila Soonyoung, Jun at Woozi tungkol sa mga crush nila. Well, si Jihoon tahimik lang, pero si Soonyoung naglalaro ng FLAMES. Kung sinu-sinong names ng mga taga 2nd at 3rd year yung nilalagay nya para mahanap kung sino yung MARRIAGE para yun na lang daw magiging crush nya. Si Jun naman, tinry yung pangalan nila ng crush nya na si kuya Minghao, kaklase ni kuya Mingyu. Lovers yung lumabas!
Tinry ko yung name namin ni kuya Mingyu. Tapos ANGER ang lumabas!? Sobrang fake! Hindi ako naniniwala sa flames na yan! Hindi yan totoo!
Tinry ko ibahin pangalan ko. Ang nilagay ko KIM MINGYU tsaka KIM WONWOO, kasi kapag kinasal kami mag-iiba na yung apelyido ko diba? Tapos lumabas ay LOVERS. Yehey! Siguro nga tama talaga yung flames!!! Totoo talaga ‘to!!!
September 2, Friday
Dear Diary,
Malapit na yung intrams. Maglalaro ng basketball si kuya Mingyu. Sana mapanood ko sya sa lahat ng games nya. Minsan nakikita ko sila maglaro pagka dismissal. Sure ako na mas pogi sya lalo kapag naka jersey na sya!
September 6, Tuesday
Dear Diary,
Nagkunwari ako ulit na mag-ccr at dumaan sa floor ng mga 2nd year. Sinilip ko ulit si kuya Mingyu, ang pogi pogi nya pa rin! Kinikilig talaga ako tuwing nakikita ko sya! Tapos!!! Tapos nung pabalik na ako galing cr at dumaan ulit sa classroom nila, nakita kong nasa labas sya. Mukhang napagalitan ni Sir Roncillo, strict na teacher sa Math! Alam ng buong school na kapag nagalit sya, patatayuin ka nya buong period sa labas ng classroom as a punishment.
Mula sa malayo, nakita ko si kuya Mingyu na nakatayo at may libro sa ulo nya, binabalance ito. Nakapikit yung mata nya atsaka nakataas yung mga kamay. Naku! Kawawa ang crush ko! Nung dumaan ako sa harap nya, nagulat ata sya na biglang may tao kasi na-off balance sya sa libro pagkadilat nya kaya nahulog tuloy.
Ako yung pumulot para ibigay sa kanya. Aaaaaaah!!!!
Tapos, nung iaabot ko na, nagkatinginan kami ng malapitan. AAAAAH!!!
Tapos, nag-thank you sya saakin tsaka kumindat na wag ko daw sya isumbong.
AAAAAAAH!!!! AAAAAAHHHHHH!!!!! AAAAAAAAAAAHHHH!!!!!
THIS IS THE BEST DAY EVER!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
—
Maliit lang ang eskwelahan nila Wonwoo. Sa bawat batch, mga 4 to 5 lang ang mga sections na may 30 to 40 students, kaya halos kilala ng lahat ang lahat, kahit ibang years.
Mabilis ding nakilala kaagad ni Wonwoo si Mingyu. Bagong pasok pa lamang sila bilang mga 1st year students nang makilala nya ang 2nd year nyang crush.
Sa simula pa lang, alam nyang unreachable ito. Palaging pinag-uusapan si Mingyu, palagi syang nakikita dahil representative sya sa mga competitions, photographer ng mga events, at kilalang top student. Almost the whole student body knows Kim Mingyu. Iilan-ilan lang ang hindi nakakakilala sa kanya.
Canon event talaga sa isang high school student ang magkagusto sa isang campus crush, no?
—-
Start na ng intrams at part ng committee si Wonwoo. Dahil hindi sya sporty, ang ambag na lang nya ay ang tumulong sa mga set up at pag-organize ng mga events at games. Day 1 ng mga laro ngayon, at syempre unang-una ang pinaka-aabangan na basketball game. Freshman vs Sophomores ang una, at maglalaro si Mingyu for the sophomore team!
Nag-aayos sya ng mga water bottles prepared for the players. Sya ang assigned na kumuha ng boxes mula sa canteen at i-distribute ito sa kanila. Dahil nasa meeting sila kanina, ngayon lang sya nakababa sa court para ihatid ang mga inumin.
15-20, Sophomores leading
Hindi talaga mahilig sa sports si Wonwoo kaya wala din syang alam tungkol sa basketball, basta alam lang nya na dapat mag-cheer kapag nashoot yung bola sa net. Agad nyang hinanap sa court si Mingyu, at nakita nya itong hinahabol yung isang freshman na may hawak ng bola.
Sobrang pogi!!!!!!!!
Nainis sya nang konti dahil may pagka-conservative yung principal nila, required magsuot ng puting t-shirt yung mga players sa loob ng sleeveless na jersey nila. Hindi nya tuloy makita yung arms ni Mingyu. Sayang!
But nonetheless, mesmerized na mesmerized sya habang pinapanood maglaro ang kanyang crush. Kahit na pawis na pawis at medyo basa na ang buhok, sobrang pogi pa din. Because of his height, he’s towering over most of the players. Sobrang hot nya, sa totoo lang!
“Miiingyuuuuu!!!!!! Mingyuuuuu!!!!”
Napalingon si Wonwoo sa mga nanonood sa bleachers. As expected, madaming fans si Mingyu at madaming mga nag-ccheer sa kanya. Rinig na rinig ang mga hiyaw ng mga babae, at kilig na kilig sila tuwing dumadaan si Mingyu sa harap nila.
“ANG POGI POGI MO MINGYUUU!!!”
Sus. Obvious naman!? Hindi na kailangang isigaw? Baka madistract pa sya sa sobrang ingay nyo dyan! Nakakainis!
Isa-isa nang inabot ni Wonwoo sa mga player sa bench yung water bottles. Yung natira, nilagay nya sa tabi para kukuha na lang sila doon kapag nauhaw sila. Pagkatapos nya bigyan yung team ng mga kabatch nyang 1st year, saka naman sya lumipat sa area ng mga sophomore. Sakto habang namimigay sya ng tubig, nag time out muna kaya pumunta yung buong team sa may area nya. Saglit na kinausap silang lahat ng coach nila, yung PE teacher ng 2nd year, para sa strategy ng team. Si Wonwoo naman, naglilipat ng mga bote mula sa box at nilalagay sa cooler ng sophomores.
“Hello, pwede ako kumuha?”
Familiar yung boses. Pagtalikod ni Wonwoo, si Mingyu na pala ang nasa harap nya.
“A–ah.” Namalikmata pa si Wonwoo sa nakita nya. Sobrang lapit ni Mingyu. Kitang-kita nya ang pawis na tumutulo sa noo nya. Halos di sya makagalaw habang pinapanood si Mingyu punasan ang sarili nya ng towel.
“Uhh, sa amin ba ‘tong tubig?” tanong ulit ni Mingyu nang di umimik si Wonwoo
“Huh? Ah! Ah, oo! Ito.” Dahan dahan nyang inabot yung bottled water, nanginginig pa ang mga kamay.
Nang kunin ni Mingyu, saglit na nagtagpo ang kanilang mga daliri.
AAAAAH!!!!
Binuksan ni Mingyu yung tubig sa harap ni Wonwoo at mabilis na ininom ito. All the while, pinapanood lang sya ni Wonwoo, frozen in his spot, nakatulala.
“Thank you, Wonwoo.” Sambit ni Mingyu, nilapag ang water bottle sa bench at tsaka mabilis na tumakbo papunta sa court.
WAAAAAAAAAAAAAAHHH!!!! KILALA NYA AKO!!!
–
Pagkatapos ng intrams, dumeretso si Wonwoo at ang mga kaibigan nya sa karinderya nila. Habang nag-oorder sila Soonyoung, umakyat muna si Wonwoo para ilapag ang kanyang mga gamit.
Sa kwarto nya, tumingin sya sa harap ng salamin at sinuri ang sarili.
Mahaba ang bangs nya at natatakpan na nito ang kayang singkit na mga mata, halos hindi na makita. Naka salamin pa sya sa lagay na yan. Kapag ngumingiti sya, matipid lang dahil ayaw nyang makita ang sungki nyang ngipin. Tahimik sya sa klase, hindi masyado nagsasalita. At kung nagsasalita man, mahina ang boses. Mapayat ang katawan at patpatin, yung tipong kapag malakas ang hangin, matutumba na sya. Ang porma pa, wala masyadong dating, kahit na ba school uniform na nga lang ang suot. Masyadong malaki yung polo nya at yung pantalon nya ay hindi maayos ang lagay ng korte. Ang postura nya, halatang mahiyain. Naka-kurba ang likod at laging nakayuko.
‘Di katulad ni Mingyu. Maglakad lang sya, mapapalingon ang lahat. Matangkad, matangos ang ilong, makinis ang mukha, kumikinang ang mga mata, matinig ang boses, maginoo, napaka pogi, lahat na! He carries himself with full confidence and brings the attention of everyone to himself. Maiintindihan at maiintindihan mo talaga kung bakit madaming nagkaka-gusto sa kanya. Kumbaga, crush talaga sya ng bayan. At ang bayan ay si Jeon Wonwoo!
Yung pagkuha kanina ni Mingyu ng bote ng tubig mula sa kanya, kilig na kilig na sya doon. Dahil alam nyang hanggang doon lamang sya.
Kim Mingyu is out of his league. Madaming mga mas magagandang babae at mas matipunong mga lalake ang nagkakagusto sa kanya, at hamak na nasa hulihan si Wonwoo.
But there’s still this little hope inside of him. Siguro nga, ganito kapag first crush. Nagsisimula kang umasa sa mga imposible at nagbabaka-sakaling magustuhan ka din.
Pagbaba ni Wonwoo sa karinderya nila, seryosong naka-focus ang tatlo nyang kaibigan na nagsisiksikan para sabay magbasa sa isang magazine.
“Ano yan?” tanong nya, nakikisiksik din sa mga kaibigan.
“Wons, may bagong bili na mga magazine si tita. Kinuha namin sa rack. Tingnan mo ‘tong article na to.”
Inabot sa kanya ni Jun yung binabasa nila. Total Girl magazine.
5 Steps on How To Make Your Crush Fall In Love With You!
“Sus! Naniniwala kayo dyan?”
Natawa si Jihoon sa pagtaas ng kilay ng kaibigan. “Try mo lang, Wons.”
“Oo nga!” Sigaw ni Soonyoung. Ang lakas talaga ng boses nya. “Gawin mo na, para magustuhan ka din ni kuya Mingyu!”
Muntik nang mabulunan si Wonwoo kahit wala naman syang iniinom. “H-hindi ko nga kasi sya crush! Studies first!” Consistent parin sya sa pag-deny, na para bang napakalinis nyang tao na walang crush.
“Sus, halatang halata ka kaya.” Inagaw ni Jun yung magazine at inirapan na lang ang kaibigan. “Kung ayaw mo, kami na lang gagawa.” At bumelat pa sya.
“Nak!” Biglang tawag kay Wonwoo ng nanay nya mula sa kitchen. “Nainit ko na yung champorado nyo, kunin mo na.”
Pinabayaan na lang ni Wonwoo ang mga kaibigan nya at kinuha ang order nilang meryenda. Pero habang hinahalo nya ang gatas sa champorado nya, nakikinig sya sa diskusyon ng tatlo.
—-
Step 1: Know their hobbies and join them so you can get to know them more!
Pagkatapos ng intramurals, balik normal activities na ang school. Unang event nila ay club day at lahat ng estudyante ay pipili na ng mga sasalihan nilang club. Si Wonwoo, hinahanap si Mingyu sa campus grounds. Sobrang daming tao dahil mula 1st year hanggang 4th year, sabay sabay na pipili. Kanina pa paikot-ikot ang mga mata nya dahil hindi talaga nya makita ang crush nya.
Si Jun at Soonyoung, gustong sumali sa dance club. Si Jihoon naman, sa choir. Hindi alam ni Wonwoo kung saan sya sasali, kaya gusto nyang makita kung saan si Mingyu dahil kung ano ang club nya, automatic doon din sya.
Naalala kasi nya yung Step 1 doon sa article. Hindi sya nagpahalata sa mga kaibigan nya, pero isinulat talaga nya ito para gawin.
“Oh ano Wonwoo, saan ka na ba kasi sasali? Alangan dito ka sa dance club eh ayaw na ayaw mo ngang sumayaw?”
“Oo nga Wons,” dagdag ni Jun sa sinabi ni Soonyoung. “Malapit na tayo sa pila oh, baka mamaya mag-sign up ka na din.”
Kanina pa palakad-lakad si Wonwoo para hanapin si Mingyu, pero hindi talaga nya makita, kaya nakisama na lang muna sya sa mga kaibigan nya at nakipila na lang din muna sa dance club.
“Mingyuuuu! Hi Mingyuuu!”
Mas mabili pa sa alas-tres sinundan ni Wonwoo yung tingin ng mga babae sa harap nila para makita kung nasaan ang crush nya.
“Hi Mingyuuu, ano nasalihan mong club?”
Parang kanina lang, hindi nya makita sa buong campus si Mingyu. Ngayon, nandito na sya bigla, malapit kung saan sila nakapila. Yung mga babaeng nasa harap nila na sasali din ng dance club, kilig na kilig na kinakausap si Mingyu.
“Hello, photography club yung sakin.” Nakangiti nyang sagot sa mga girls. Ih! Bakit ka ngumingiti sa kanila!
May dalang dslr camera si Mingyu, suot nya sa kanyang leeg. Bakit nga ba hindi sumagi sa isip ni Wonwoo na sa photography club sya sasali! Alam naman nyang mahilig mag-picture si Mingyu at palaging nagdadala ng camera. Aside sa basketball, ito yung isa pang kinahihiligan nya. Ano ba yan Wonwoo, kailangan mo pang galingan para makilala ang crush mo!
“Kung kailangan mo ng model Mingyu, I volunteer na picturan mo ako!” Sambit nung isang babae na napakatining ng boses. Nakakaasar sya magsalita, sa totoo lang!
Mahinang tumawa si Mingyu. “Actually, landscape ang hilig kong kunan kesa portraits.”
HAHAHAHA BUTI NGA!!!! NYEH NYEH!
“Ehhh, sige na please Mingyu!” Pilit parin nya. Napaka-arte talaga. “Pwede mo ba kaming picturan?”
At hindi pa rin po sya tumigil, your honor! Anong klaseng kaharutan ‘to!
“Ah, sige. Picturan ko kayo.”
Parang napilitan lang si Mingyu pero todo pose naman sila ate. Wow! Kapal talaga!
Habang pinipicturan sila ni Mingyu, unti-unting umuusog si Wonwoo papalapit sa kanila para makuha sya sa frame. Natatawa sina Soonyoung at Jun sa gilid sa ginagawa ni Wonwoo pero pinabayaan lang nila, tinulak pa nga sya lalo para mas kita sa picture. Pasimple din syang nag-pose at in-angle ang mukha para kita yung malupitang jawline nya.
Beautiful eyes kayo dyan! Beautiful eyes!
“Una na ako, may meeting na kasi kami kaagad sa photography club.” Paalam ni Mingyu habang tinitingnan yung mga shots nya. “Ganda ng kuha ko sa inyo.”
Sus! Ako lang ang maganda dyan!
Teka! Baka pwede pa syang sumali sa club nila!
“Bye, Mingyu!” Pakipot na sagot nung isang babae. “Pa-send na lang samin sa facebook!”
Hindi na sila pinansin ni Mingyu kasi umalis na sya.
Tama! Wag mo sila imessage!
At kaagad nang nagpaalam si Wonwoo sa mga kaibigan nya na aalis na sya sa pila para sumali sa photography club
—-
“Ano!? Sumali ka sa drama club?”
Gulat na inaabangan nila Jihoon, Soonyoung at Jun ang sagot ni Wonwoo. Paano ba kasi, ang sabi nya sa kanila ay sasali sya sa photography club, hindi drama club. Hindi naman sya marunong umarte, pero bakit biglang yun yung pinili nya?
“Kailangan daw kasi may sariling camera para sumali sa photography club. Eh wala naman ako nun!” Explain nya sa mga kaibigan. Napanguso na lang sya sa french fries na kinakain nila sa canteen.
“Eh bakit ka nga ba kasi sasali sa photography club kung wala ka naman palang camera in the first place?” Sunod na tumango sina Jun at Soonyoung sa sinabi ni Jihoon. “At tsaka, diba nahihiya ka tuwing nasa harap ka ng mga tao, paano ka mag-aact sa drama club nyan?”
Walang masagot si Wonwoo. Kaya lang naman sya sumali kasi nalaman nya na yung magpipicture ng magiging play ay yung mga taga photography club, at sila Mingyu yun! Hindi na nya naisip na hindi naman sya magaling mag-act nor the fact na kinakabahan sya tuwing nasa harap sya ng tao, okay!? Nadala lang ng bugso ng damdamin!
“Gusto ko lang mag-explore ng ibang club para bago naman.”
Sandaling natahimik ang mga kaibigan nya at nagkatinginan bago nila sya inakbayan at niyakap na lang.
“Hay, goodluck, Wons!”
“Panoorin ka na lang namin!”
“Oo nga, goodluck!”
Support their friend na lang sa kabaliwan nya, kumbaga!
—
Sa unang meeting nila, pinag-usapan nila yung gaganapin na play. In two months, they will stage a tagalog version of “Peter Pan”, at dahil konti lang silang sumali ng club, lahat sila may role.
Ang na-assign kay Wonwoo ay si Captain Hook.
Sa totoo lang, di alam nya alam kung matutuwa ba sya o maiinis kasi sino bang nakakita ng Captain Hook na may bangs!? Pero tinanggap na lang nya ang kapalaran nya dahil at least maikli lang ang lines nya. Mas madami yung kay Peter Pan.
Pero kung sya ang tatanungin, sana sya na lang si Tinkerbell.
Maiksing version lang naman ng play ang gaganapin nila, mga 40 minutes lang. In the following weeks after that, nagppractice sila tuwing Friday after class. Surprisingly, hindi nahihiya si Wonwoo sa harap ng mga tao dahil sa sobrang laki ng suot nyang sumbrero bilang costume ay halos di na sya makakita. Ang sahig na lang ata sakop ng tingin nya. Nag-enjoy din sya mag-espada espada, dahil ang napiling Peter Pan ay ang kaklase nyang si Doyoung na naging kaibigan na din nya.
Sa loob ng isang buwan, na-enjoy na din nya ang pag-practice. Nagkaroon din sya ng iba pang kaibigan. Kaso nga lang, ni isang beses ay hindi pa nya nakita si Mingyu. Siguro nga, sa stage play lang sila mismo magpipicture.
—
Dalawang linggo na lang bago ang kanilang play. Pinipinturahan na lang ang mga props at practice na lang ng mga linya ang ganap sa meetings nila. Memorize na ni Wownoo lahat ng scenes nya at medyo kinakabahan sya pag may audience na kaya iniisip na lang nya na kailangan nyang galingan para kapag pipicturan sya ni Mingyu ay magiging maayos ang kuha sa kanya.
Stage rehearsal nila ngayon, at ang kanilang venue ay sa auditorium ng malapit na mas malaking school. Medyo konting lakad ito at iilang kanto mula sa eskwelahan nila kaya naman maagang lumabas si Wonwoo pagkatapos ng klase para hindi sya malate.
Dala dala nya ang kanyang costume, at ang napakalaki nyang sumbrero. Nang nakalabas na sya sa gate, dumaan sya sa shortcut sa likod sa may mga parkingan ng mga bisikleta at motor.
“Pupunta ka din ba sa auditorium?”
Pagkatalikod ni Wonwoo, si Mingyu!
“A-ah. Oo. Doon kasi yung practice namin ngayon.”
Nginitian sya ni nito at tinapik ang pang-angkas na upuan sa likod nya. “Sa drama club diba? Peter Pan? Sabay ka na sakin, may ihahatid din kasi akong props. Ang dami mo ding dala, para hindi ka na mahirapan.”
Sa totoo lang, hindi alam ni Wonwoo kung totoo ba ito o panaginip lang. Pero kahit panaginip lang ito, tatanggi pa ba sya? Hindi na no! Chance na nya to! Even in his dreams, sasakay na sya!
“Ahh, sige. Pero ok lang ba? Medyo madami akong bitbit eh.”
Kinuha ni Mingyu ang shoulder bag ni Wonwoo at isinuot ito sa sarili nya. “Ako na lang magdala nito para makakapit ka ng maayos.” Ang malaking sumbrero naman ni Wonwoo, pinatong sa ulo ng nakababata. “Tapos yang sumbrero mo, suotin mo na para hindi ka maarawan.”
Nakasabit naman sa manibela sa harap ni Mingyu ang mga props na dala nya. Hindi alam ni Wonwoo kung paano nya imamaniobra ni Mingyu ang lahat, dagdag pa ang pagsakay nya, pero nang pumedal na sya, maayos naman silang nakarating sa auditorium nang hindi nadidisgrasya.
Sa byahe papunta, nakakapit lang si Wonwoo sa mga balikat ni Mingyu. Mukhang hindi naman sya naiilang kaya nakahawak lang sya sa buong 10 minutes na byahe.
Kung panaginip lang ito, sana hindi na talaga sya magising!
—
Mga apat na araw ding paulit-ulit na nirereplay ni Wonwoo sa utak nya ang nangyari. Pagpikit nya, iniimagine nya na nasa likod sya ng bike ni Mingyu at nakahawak ng mahigpit sa mga balikat nya. Dadagdagan din nya ang kanyang pag-daydream ng pagyakap sa baywang ni Mingyu at paghiga ng ulo nya sa likod nito. Sa panaginip nyang ito, hahawakan ni Mingyu ang mga kamay nya para higpitan pa lalo ang yakap ni Wonwoo sa kanya at bibilisan ang pagtakbo ng bisikleta.
Kaya naman, sa susunod na practice nila, nagbakasakali si Wonwoo na baka may dadalhing props ulit si Mingyu. Sinugurado nyang dumaan ulit sa may shortcut sa likod sa parkingan para abangan kung andun man ang crush nya.
Mga 10 minutes din nagliliwalay si Wonwoo para hintayin sya. Pero maya-maya, nakita nyang dumaan si Mingyu sa kabilang side ng parking.
Si Mingyu, nasa bisikleta nya. At may angkas na sya sa likod.
Si Momo, 2nd year din at kaklase ni Mingyu. Nakasakay sya sa likod ng bike ni Mingyu, at nakapulupot pa ang mga kamay sa bewang nito. Wala syang dalang bag dahil suot-suot ni Mingyu.
Parang nabagsakan ng semento si Wonwoo sa dibdib nya. Akala nya special sya. Akala nya, may something na nangyari sa kanila that was only shared between the two of them. Yung panginip lang nya na pagyakap kay Mingyu, hanggang panaginip lang. Ang may realidad na yun ay si Momo, hindi sya.
Siguro nga, hindi naman natatangi yung pag-angkas nga. Sadyang mabait lang talaga si Mingyu sa lahat, kahit sa mga hindi nya masyado kakilala.
Kailangan na lang nyang tanggapin yun.
