Work Text:
Katulad ng nakagawian nila sa mga nakaraang taon simula college, dalawang beses nagce-celebrate ng Valentine’s Day ang mag-boyfriend na sina Seungcheol at Jeonghan, isa sa mismong February 14 at isang early celebration kasama si Wonwoo. Sino si Wonwoo? Ang bestfriend nilang magkasintahan, aka ang official third wheel nila.
On the way sa kakainan nilang restaurant ay may nadaanan si Seungcheol na nagtitinda ng bulaklak, kaya naisipan niyang bilhan sina Jeonghan at Wonwoo. Pinark niya ang kotse sa gilid ng kalsada at tinawid ang nagtitinda.
“Ano naman kayang gusto ni Wonwoo na bulaklak…” sabi ni Cheol sa sarili habang tinitignan ang mga available na arrangement. Walang problema sa gusto ng Hannie niya dahil sa anim na taon ng kanilang relasyon ay alam na alam na niya ang gusto nito. Meron na siyang na-order na malaking bouquet sa Dangwa para bukas na actual Valentine’s Day, kaya hindi na ganun kalaki ang pinili niya ngayon.
Nang hindi makapili ay nag-settle na lang si Cheol sa arrangement na nakabalot sa purple, ang favorite color ni Wonwoo. Tinuro niya ‘yon, pati na rin ang bibilhin niya para kay Jeonghan sa matandang nagtitinda.
“Itong dalawa, hijo?” tanong nito.
Tumango si Cheol. “Opo, ayan po.”
“Naku, baka dalawa ang girlfriend mo, ha.”
Napatingin si Cheol sa ibang taong nandoon na ngayon ay nakatingin na rin sa kanya at dali-daling umiling. “Hindi po, ibibigay ko po sa boyfriend ko ‘yong isa at sa kaibigan namin ‘yong isa,” pagpapaliwanag niya.
Gusto lang naman niyang gawin ‘yong napapanood niya sa Tiktok, napagbintangan pa siyang two-timer.
Hanggang sa matapos siyang magbayad ay ang sama ng tingin sa kanya nung tindera. Hindi na lang niya ‘yon pinansin at bumalik na sa kotse niya. Kwento ni manang ‘yan, siyempre sa kwentong ‘yan eh cheater siya. Ang malisyosa ng utak ni manang!
Muli na niyang binaybay ang daan papunta sa restaurant. Galing si Cheol sa office, kaya naman ang suot niya ngayon ay ang pinang pasok niyang baby blue na long sleeved polo at slacks. Tinupi na lang niya ang sleeves hanggang sa may braso para una, hindi sobrang pormal ng itsura niya at pangalawa, gusto ni Hannie na nakikita ang biceps niya.
Pagdating sa parking lot ay muling pinadaanan ni Cheol ng tingin ang sarili niya sa rearview mirror. Nagpabango siya, inayos ang buhok, at bitbit ang dalawang bouquet ay bumaba na siya ng kotse.
Nagtatawanan sina Han at Wons nang i-escort si Cheol ng host sa mesa nila. Nilapitan ni Cheol si Han, hinalikan ito sa noo, at binigay ang bouquet. “Happy Valentines, lovey,” sabi niya.
Pinuntahan naman niya si Wonwoo na tumayo para yakapin siya at binigay ang bouquet nito. “Napulot ko lang ‘yan sa kalsada,” biro niya.
“Hala, parang sira ‘to, nag-abala pa!” sabi ni Wonwoo.
Umupo na si Cheol sa tabi ni Han. Naka-order na ang dalawa kaya naman habang naghihintay ng pagkain ay kwinento niya ang nangyari sa flower stall kanina. Tawang-tawa sina Han at Wons na sinabing sayang ay wala sila doon.
“Si Manang naman, nakagawa agad ng AU sa utak niya! Nasobrahan sa pagtambay sa Facebook,” sabi ni Han.
Habang kumakain ay walang tigil ang kwentuhan nila. Most of the time ay sina Han at Wons ang nag-uusap at binabash ang officemates nila. Partida ay magkakahiwalay sila ng trabaho at hindi nila personally kilala ang officemates ng isa’t isa. Pakiramdam ni Cheol ay nasa loob siya ng reels na sinesend ng dalawa sa group chat nila sa Instagram na ang ganda ng lugar na kinakainan pero yung topics, puro paninira ng tao. Hanga rin si Cheol sa dalawa dahil full name pa ang pag-name drop nila sa mga pinag-uusapan nila.
Simula college hanggang ngayon na tatlong taon na silang nagtatrabaho ay walang pinagkaiba ang pagkakaibigan nina Seungcheol, Jeonghan, at Wonwoo. Ang tanging mga pinagkaiba lang ay naging magjowa sina Cheol at Han at nakakakain na sila sa masasarap na restaurant ngayon, hindi tulad nung college na nabubuhay sila sa kani-kanilang mga allowance na tinitipid nila.
Pagkatapos kumain ay nagpaalam si Cheol na pupunta sa CR, pero ang totoo ay babayaran na niya ang bill. Unang Valentines Day ni Wonwoo na walang ka-date pagkatapos ng dalawang taon, kaya naman ginagawa ‘to ni Cheol para hindi makaramdam ang kaibigan ng lungkot.
“Iba na talaga ‘tong kaibigan ko ngayon, asensado na,” sabi ni Wonwoo nang malaman na bayad na ang bill.
Mula sa ilalim ng mesa ay naramdaman ni Cheol ang mahinang pagpisil ni Han ng kamay niya. Tinignan niya ito at nakangiti ito sa kanya.
“Thank you,” Han mouthed.
Pinisil ni Cheol ang kamay ni Han pabalik, bago niya pinagsalikop ang mga kamay nila.
Hinatid muna nila si Wonwoo sa bahay nito at kasunod naman ay si Jeonghan ang hinatid ni Cheol. Tuwing hinahatid niya ang kasintahan sa bahay nito ay nagkakaroon lalo ng motivation si Cheol na pagbutihin sa trabaho para bumilis ang pag-iipon niya para sa future nila.
“Thank you for taking care of Wonwoo, too, lovey,” sabi ni Jeonghan nang tumigil sila sa tapat ng gate.
“Maliit na bagay, love.”
“See you tomorrow?”
Hinawakan ni Cheol ang pisngi ni Han at hinalikan ito. “See you tomorrow.”
༘⋆
“Bukas na pala simula ng leave mo, ‘tol, ‘no?” sabi ng kaibigan ni Cheol sa trabaho na si Mingyu.
Kumakain sila ngayon sa office cafeteria kasama ang iba pa nilang kasama sa trabaho. Limang araw wala si Cheol dahil hindi niya pa nababawasan ang leave credits niya this year. Sa Baguio ang punta niya kasama sina Jeonghan at Wonwoo para sa second annual out of town trip nila.
“Oo, ‘tol. Sa Wednesday next week na balik ko.”
“Sana all.”
“Pre, kakabalik mo lang din sa long leave. Ikaw nga dalawang linggo wala.”
Tumawa si Mingyu at ang mga kasama nila. “Ay, oo nga pala. Sorry pre, ito lang ako, eh. Inggitero.”
“Nga pala, Gyu, kita ko may Instagram ka na, ah? May pinopormahan ka na yata?” pag-usisa ni Cheol. Kung akala niyo ay babae ang mahilig sa chismis, nagkakamali kayo dahil mga lalaki talaga ang mas mahilig. Dati na kasing tinanong ni Cheol si Gyu kung bakit siya walang social media at ang sagot ni Gyu, hindi lang talaga siya mahilig i-share ang buhat niya online.
“Ito naman, si issue,” pagtanggi ni Mingyu. “Sumali si Minseo sa beauty pageant sa school. Paramihan ng likes yung isang award, kaya napagawa ako. Dapat nga kalokohan yung gagawin kong username pero i-veverify raw bawat like. Pinalitan ko tuloy yung username.”
“Bakit, ano ba sana username mo?”
“ohminseoitonalikemo sana, ‘tol.”
“Sira ulo.”
༘⋆
Hininto ni Cheol ang kotse niya sa labas ng gate nila Wonwoo. Una na niyang nasundo si Han at si Wonwoo ang last stop bago sila lumarga papuntang Baguio. Nang makitang pabukas na ang gate ay binuksan ni Cheol ang pinto ng compartment at bumaba para tulungan ang kaibigan.
“Hindi ka na ba uuwi?” tanong ni Cheol. Paano kasi, bukod sa isang malaking maleta ay meron pang malaking backpack si Wonwoo.
Magkaibigan nga talaga ‘tong dalawang ‘to, isip ni Cheol nang ikarga ang maleta ni Wonwoo sa tabi ng malaki ring maleta ni Jeonghan.
“Hello, four days tayo doon at ang lamig! Hindi kasya yung jackets ko sa maliit na maleta,” sagot ni Wonwoo. Hinubad nito ang backpack at nilagay na rin sa compartment.
Nauna na itong sumakay sa loob ng kotse. Sinigurado muna ni Cheol na maayos ang pagkakasalansan ng mga gamit bago niya isara ang pinto. Bago isara ay narinig niya pa ang tilian ng dalawa sa loob sa sobrang excited.
Lord, ikaw na po ang bahala.
Weekday ang alis nila, kaya naman inexpect ni Cheol na medyo matatraffic sila papuntang NLEX. Habang nagddrive ay sinusubuan siya ni Han ng sandwich na ginawa nito para sa kanila. Relaxed si Cheol dahil masaya pa yung dalawang kumakain ng sandwich at sinasabayan ang album ni Olivia Dean sa background.
“Cheol, baka gusto mo makipagpalit, ah? Pwedeng ako na mag-drive paakyat,” sabi ni Wonwoo. Kasalukuyan silang nasa huling gasulinahan sa TPLEX bago nila baybayin ang kahabaan nito. Nakapagpa-gas na sila at nakabili ng additional snacks at inumin.
Umiling si Cheol. “Okay lang, Wons. Kaya ko na ‘to. Mag-relax ka na lang dyan.”
“Sure? Hindi ka pa naman antok?”
“Sure na sure.”
Wala pa sila sa kalahati ng TPLEX nang makita ni Cheol na parehas nang tulog sina Jeonghan at Wonwoo. Natawa na lang si Cheol at nilakasan ang patugtog niya para hindi siya antukin.
༘⋆
Sakto sa oras ng check-in ang dating nila sa Baguio. Isang dagok na naman ang haharapin ni Cheol dahil sa second floor pala ang unit na na-book ng dalawa at tanging hagdan lang ang daan papunta doon.
Mabuti na lang talaga at suki ng bakal gym ‘tong si Cheol dahil napakikinabangan niya ang muscles niya.
“Akyat na kayo, lovey. Ako na ang bahala dito sa mga gamit,” sabi niya. Sinimulan na niyang i-unload isa-isa ang mga gamit para madali na lang niyang makukuha ang mga ito.
“Kami na sa backpacks namin, love. Ikaw na bahala sa mga maleta.”
Ending ay naka dalawang trip si Cheol para buhatin ang maleta ng dalawa.
May living room, maliit na kusina, at dalawang kwarto ang Airbnb nila. Ngayon lang niya ito nakita dahil pinagkatiwala na lang niya sa dalawa ang planning katulad ng nakagawian. Ang ambag ni Cheol sa trip na ‘to? Driver at taga-buhat ng gamit.
Isang oras silang nagpahinga bago sila umalis para kumain ng lunch. Walking distance lang daw mula sa tinutuluyan nila ang restaurant na nakita ng dalawa, kaya naman hindi na sila nagdala ng kotse.
Hawak ang kamay ni Han sa kaliwa at ang cellphone niya sa kanan kung saan nakabukas ang Google Maps, si Cheol ang nag-lead ng daan papunta sa kakainan nila.
Wala masyadong tao sa restaurant pagdating nila. Agad silang nakaupo at na-busy ang dalawa sa pagtingin ng menu. Ang sabi ni Han, nakita nila ang restaurant sa Tiktok at recommended ito ng ilang tao.
Sana lang ay masarap nga talaga kasi gutom na yung dalawa, isip ni Cheol.
“I’m so hungry,” sabi ni Wons pagkatapos kunin ang order nila.
Nilabas ni Cheol ang candy sa bag niya at binigyan ng tig-isa sina Jeonghan at Wonwoo. “Mag-candy muna kayo.”
Unang red flag na napansin ni Cheol ay ang bagal ng pag-serve ng pagkain kahit na sila na lang ang natira sa restaurant. Matapos ang sinabing 30 minutes wait time ay nag-follow up na si Cheol ng order nila.
Pangalawa, pagdating ng pagkain nila ay mali ang sinerve. Imbes na truffle pasta ang i-serve ay pesto ang binigay, kahit na walang um-order sa kanila at pinaulit ni Cheol ang orders nila sa waiter kanina at tama namang ang mga sinabi nito.
Hindi pumayag si Cheol at pina-ayos ‘yon.
Mabilis lang na-serve ang truffle pasta ni Wonwoo kaya nagsimula na silang kumain. Hinayaan muna niyang kuhanan ng dalawa ng picture ang pagkain bago siya nagsimulang kumain.
Unang tikim pa lang ni Cheol sa fried chicken na pinili niya dahil sa paniniwala niyang safe orderin yun ay hindi niya na ito nagustuhan. Kahit na malutong ay matabang ang balat. Wala ring lasa yung mismong laman. Tinignan niya ang dalawa at mukhang hindi rin sila masaya.
Sa fried chicken pa lang na mahirap i-fuck up, alam mo nang tourist trap lang ang restaurant na ‘to.
“Try mo, love,” pag-alok ni Han sa order niyang spaghetti bolognese na isa sa ni-recommend nung Tiktoker.
Hindi rin masarap. Kahit ang truffle pasta ni Wonwoo ay walang lasa.
Ending ay hindi rin nila halos nakalahati ang mga order nila. Nagbayad na sila at umalis.
“May araw rin ‘yang mga Tiktoker na ‘yan! Mga sinungaling!” sabi ni Jeonghan habang naglalakad sila palayo sa restaurant.
Lumingon si Wonwoo na nasa unahan nila. “Magco-comment ako mamaya sa video nun! Bahala na kung awayin ako ng fans niya!”
Uh oh. Ito ang isa sa kinatatakutan ni Cheol—ang gutom ang dalawa. Ika nga ng Snickers, you’re not you when you’re hungry. At kapag gutom ang dalawa ay mainit ang ulo ng mga ‘to. Isa, sure madali lang i-handle pero kapag dalawa?
Seungcheol can’t have that.
Alam niya ang sagot sa problema niya at nakangiti ito sa kanya a few meters away.
“Tara, mag-Jollibee tayo,” aya niya.
༘⋆
Hindi katulad sa restaurant kanina ay maraming tao sa loob ng Jollibee.
“Ako na ang oorder, hanap na kayo ng upuan,” sabi ni Cheol.
Habang pumipindot sa screen ay naisip ni Cheol how nice it would be kung magkaroon na ng boyfriend si Wonwoo para may karamay siya sa ganitong mga pagkakataon. Inayos niya ang hiling niya—sana magkaroon ng matinong boyfriend si Wonwoo na makakasundo ko.
Gusto niya magkaroon si Wonwoo ng boyfriend na makakasundo niya dahil yung ex ni Wonwoo na nag-cheat sa kanya ay hindi niya nakasundo. Sa halos dalawang taon na relasyon nila ay mabibilang lang sa kamay ang beses na nakasama nila ito. Never nilang nakasama yun sa out of town trips nila, kaya si Cheol ang tanging nagawa ng lahat at taga-salo ng dalawa tuwing pagod o gutom na.
Don’t get him wrong, wala namang problema sa kanya yun. Gusto lang niya magkaroon na rin si Wonwoo ng mag-aalaga sa kanya, hindi yung alagain pa ni Wonwoo na inaalagaan ang lahat ng tao sa paligid niya. Kaya nga tuwing umaalis sila ay hindi niya hinahayaan na gumawa ito ng kahit ano.
Deserve ni Wonwoo magkaroon ng magbe-baby sa kanya at hiling ni Seungcheol na dumating na ang tao na yun.
Hinintay ni Cheol na matawag ang number niya at kinuha ang tray na puno ng paborito ng dalawa. Sandali niyang inikot ang lugar hanggang sa nakita niya sina Han at Wons na nakabusangot na.
“Kain na,” sabi niya pagkatapos niyang alisin ang mga order sa tray.
Pumasok silang nakakunot ang noo ng dalawa at lumabas silang natawa na ulit sila.
Salamat, Jollibee. Not a paid ad.
༘⋆
Dalawang bag at dalawang jacket sa kaliwang balikat, dalawang cellphone sa kaliwang kamay, sarili niyang bag at camera sa kanang balikat, at camera ni Wonwoo sa kanang kamay, naisip ni Seungcheol na ganito pala ang pakiramdam maging cabinet.
Nasa Secret Garden sa Camp John Hay sila ngayon at pagkatapos kuhanan ng pictures nina Jeonghan at Wonwoo ang isa’t isa ay kailangan na nila ng tulong ni Cheol para kuhanan silang dalawa ng pictures.
Sumubok muna si Cheol ng isang shot at hinintay na lumabas ito sa screen ng camera. “Usog kayo nang kaunti pa-left, love,” sabi niya, with hand gesture pa na para bang wala siyang ibang hawak.
Sumunod naman ang dalawa. Bilang isang Instagram-trained boyfriend, alam na ni Cheol kung ano ang tamang angles, camera settings, at minsan ang poses na dapat gawin ng Hannie niya. Swinerte na naman si Wonwoo dahil napakikinabangan din niya ang paging Certified Instagram Trained Boyfriend ng kaibigan. Kaya nga yung profile picture niya sa Facebook, kuha pa ni Cheol mula sa bakasyon nila last year sa Batangas.
Hirap na hirap si Cheol gumalaw sa dami ng dala niya but he still tried his best to get the perfect shots. Tumatagaktak na ang pawis niya at nagsisimula na rin mamanhid ang braso niya nang matapos niyang kuhanan ng pictures ang dalawa. Habang nirereview nila ang pictures ay kinuha ni Cheol ang baon na tubig sa bag at halos naubos ‘yon.
Muling naisip ni Cheol na sana magkaroon na ng boyfriend si Wonwoo para may katulong siya, kahit taga-hawak lang ng gamit nila Han at Wons. Plus points kung marunong din kumuha nang magagandang pictures, para may kahalinhinan siya.
Ibenta ko kaya si Wonwoo sa mga photography groups sa Facebook?
Natigil si Cheol sa pag-compose sa utak niya ng What To Sell post nang maramdaman niyang hinalikan ni Jeonghan ang pisngi niya. “Ang gaganda nung pictures, love! Thank you.”
Worth it na naman ang pagod para sa tropa nating down bad.
༘⋆
Sa pangatlong gabi nila sa Baguio ay night market ang nasa itinerary nilang tatlo. Natakot nang magdala ng sariling bag ang dalawa, kaya naman dalawang cellphone ang nasa loob ng bag ni Cheol ngayon. Ang sarili niyang cellphone? Hawak niya pang-Google Maps papuntang Burnham Park. Mahigpit ang hawak sa kanya ni Han na lamig na lamig, habang si Wonwoo naman ay halos yakapin na si Han.
Driver, kargador, alalay, photographer, at walking map—ayan ang roles na ginagampanan ni Cheol tuwing umaalis sila. Kumbaga sa Mobile Legends ay pwede na siyang mag-Flexi Pro sa ranked games o kung sa isang K-Pop group naman ay all-rounder na siya.
Ilang minuto rin silang naglakad hanggang sa narating nila ang mga tiyangge. Pero hindi naman iyon ang pinunta nila kundi ang food stalls, na ilang araw nang pinag-uusapan ng dalawa sa group chat nila sa Tiktok. Binaybay nila ang sobrang crowded na daan hanggang sa narating nila ang target nila.
Pagdating sa loob ay hindi sila makapili kung ano ang una nilang bibilhin sa sobrang dami ng options, kaya naman si Cheol na ang nagdedisyon at dinala sila sa alam niyang magugustuhan ng dalawa.
“Tatlo pong order ng tteokbokki at anim na stick ng fish cake,” sabi niya sa nagtitinda. Sa likod niya ay naririnig niya sina Han at Wons na nag-uusap kung ano ang kasunod nilang bibilhin.
Nang makuha ang order nila ay gumilid sila para kumain. Masarap ang napili ni Cheol, kaya lahat sila ay masaya. Habang kumakain pa ang dalawa ay saglit na umalis si Cheol para bumili ng inumin nila. Masarap ‘yong tteokbokki pero sobrang anghang! Bigla siyang sinipon, eh.
Pinagbuksan niya ng tubig ang dalawa at kinuha ang hawak nilang mga paper cups wala nang laman at tinapon ‘yon.
“Ano na next na gusto niyo?” tanong niya.
Ang dami nilang nilibot na stall at halos lahat ay meron silang binili. Dahil nga walang dala ang dalawa bukod ang cellphone nila ay si Cheol muna ang nagbabayad ng orders. Kilala na sila ni Cheol, kaya naman kumakagat lang siya sa orders nila. Paano kasi, palaging ending ay siya rin ang uubos ng mga matitira nilang pagkain.
At tama nga siya dahil nang muli silang gumilid para kumain lang ay may binibigay agad si Jeonghan sa kanya na paper cup. “Busog na ako, lovey. Hindi ko na kaya,” sabi nito.
Driver, alalay, photographer, alay na taga hanap ng taong kukuha ng group pictures nila, taga buhat, walking Google Maps, at taga ubos ng pagkain. Ayan ang updated list ng roles niya sa bakasyong ito.
Nang masiguradong satisfied na sila ay naglakad na sila pabalik sa Airbnb. Napahinga siya nang malalim at bumuntong hininga. Ilang beses na siyang nakaakyat dito sa Baguio, pero isa ito sa mga paborito niyang puntahan. Bukod sa malamig at maganda ang tanawin, for him, there’s just something magical about the city. He loved how he could just slow down and take everything in. Mas masaya pa lalo dahil kasama niya si Jeonghan at Wonwoo.
“Antok na, love?” tanong ni Cheol habang binabaybay nila ang kalsada pabalik. Hinawi niya ang buhok ni Jeonghan na hinahangin at inayos ito.
“Super antok and busog, love. Thank you.”
Mabilis na hinalikan ni Cheol ang gilid ng ulo ng kasintahan at hinigpitan ang hawak dito.
“Ikaw, Wons, kaya pa?” tanong niya sa kaibigan na muling hawak ni Han.
“Malayo pa ba, Cheol? Pagod na ako, puro pataas!” reklamo ni Wonwoo.
Natawa sila ni Han. “Bukas mag-taxi tayo pabalik kung pupunta ulit tayo sa night market.”
“Kahit ako pa magbayad!”
༘⋆
Pagkarating sa Airbnb ay hinayaan niyang mauna ang dalawa sa pagligo. Inayos niya ang mga pwede niyang ayusin habang naghihintay sa turn niya sa CR. Nasa loob ng CR si Jeonghan nang makatanggap si Cheol ng notification mula rito sa Instagram.
[cheolchoi] yoonjeonghan mentioned you in their story
Tinignan niya ito at picture nilang tatlo sa sunset sa SM Baguio kahapon ang nasa story ni Jeonghan. Agad niyang ni-restory ito at pinatay na ulit ang cellphone niya para kumuha ng susuotin niyang pantulog.
༘⋆
Kinabukasan, unang nakita ni Cheol sa cellphone niya ang sunod-sunod na notifications sa Instagram. Ang dami niyang notifications dahil halos lahat ng story ni Han, naka-mention siya at nirerestory niya. Hindi na sana niya papansinin, pero nakita niyang nagreply ang kaibigan niyang si Mingyu. Baka mamaya, may tatanungin ito tungkol sa work kaya binuksan niya ang message nito.
7:18 AM
mgkim
ang ganda
cheolchoi
diba pre. dito yan sa baguio
mgkim
ay, yung nakasalamin yung
maganda pre. pero sige na nga maganda
na rin yang sunset kahit meron
din niyan dito
cheolchoi
gago, bestfriend namin yan ng boyfriend ko
mgkim
haha may boyfriend ba yang
bestfriend niyo pre, pinapatanong
nung pogi dito
cheolchoi
sino naman yan tol,
baka gago yan ah
mgkim
[sent a photo]
siya nagpapatanong pre
Natawa si Cheol nang selfie ni Mingyu ang sinend nito.
cheolchoi
tol parang may muta ka pa ah
pero walang boyfriend to
mgkim
ganito pala namimiss ko sa
social media
anong username niya kung
okay lang?
cheolchoi
tatanong ko muna sa kanya kung
ok lang bigay sayo
tatakutin ko muna
mgkim
hala para naman akong others
niyan? pero sige salamat
sa paglakad at sa lengua ko
pre, miss you
cheolchoi
ha anong lengua
mgkim
pasalubong mo sakin 😘
yung tartland pre ah di ko
gusto yung iba eh
Pagkagising ni Jeonghan ay agad kwinento ni Cheol ang nangyari.
“Omg, love, pasok na pasok siya sa type ni Wonwoo. Matino naman ‘yan si Mingyu, diba?”
“Oo, love. Medyo may tama nga lang minsan pero okay na okay siya as a workmate and as a person.”
“Sure na walang sabit yan, ha!”
“Isasabit ko siya sa helipad ng building namin kung sakali.”
༘⋆
“Wala talagang jowa ‘to?” tanong ni Wonwoo. Hawak niya ang cellphone ni Cheol at tinitignan ang pictures ni Cheol kasama si Mingyu. Group photos ‘yon na kuha mula sa team dinners, meetings, at sa katatapos lang nilang team building.
Umiling si Cheol. “Wala, Wons. Wala rin siya nakukwento.”
“Baka naman galing ‘yan sa long-term relationship, ah! Wala akong panlaban sa seven years!”
“Yung last relationship daw niya, two years ago pa. Hindi rin daw sila nagtagal kasi controlling.”
“May girl bestfriend?”
“Wala rin.”
“Okay, kasi ano laban ko sa may bilat diba,” sabi ni Wonwoo with a straight face kaya natawa sila Cheol at Han. “Baka maingay kumain ‘yan, Cheol, ah. Alam mong ‘yan pet peeve ko, mga taong ang ingay ngumuya.”
“Nakasara bibig niya kapag kumakain, Wons. Palagi ko siyang kasabay.”
“Okay.”
“Okay… okay na ibigay sa kanya username mo or okay lang in general?”
“Sige, ibigay mo sa kanya yung username ko. Pero bago ‘yon, papalit muna ako ng icon sa Instagram para maganda bubungad sa kanya.”
༘⋆
10:54 AM
cheolchoi
@wonwoojeon
umayos ka ah
mgkim
salamat, bayaw 😍
cheolchoi
🖕🏻
༘⋆
3:29 PM
mgkim
mutuals na kami tol
best man ka sa kasal ah
cheolchoi
delulu 😍
mgkim
ang cute niya cheol
biruin mo yun sa isang taon
nating magkaibigan may
ganito ka palang tinatago
cheolchoi
sinasabi ko sayo mingyu
walang kai-kaibigan pag
pinaglaruan mo yan si
wonwoo ha
mgkim
wouldn’t even dare 🫡
༘⋆
“Welcome back sa pinakamasarap dito sa office,” narinig na sabi ni Cheol. Lumingon siya at nakitang palapit si Mingyu. “Ako yung pinakamasarap. Welcome back din, ‘tol.”
Tinaas ni Cheol ang kamao at pinakyuhan ang kaibigan. “Ulol. May pasalubong pa naman sa’yo si Wonwoo pero ‘wag na lang.”
Kasinungalingan. Walang pasalubong si Wonwoo para kay Mingyu, pero naisip nilang dalawa ni Jeonghan na gumawa ng paraan para makapag-usap ang dalawa. Puro like lang ang ginagawa ni Mingyu sa stories ni Wonwoo kaya kailangan na nilang kumilos.
Umupo si Mingyu sa tabi niya. “Hala, hindi nga?” tanong nito.
“Tignan mo, nandyan sa paperbag.”
Isa-isang nilabas ni Mingyu ang laman ng paperbag. May malaking jar ng lengua, choco flakes na nagustuhan nila ni Hannie, at isang purple keychain ng nakangiting titeng made of yarn.
“Yung keychain yung galing kay Wonwoo,” sabi ni Cheol, pinipigilan ang sariling matawa.
“Hindi nga? Niloloko mo ako, ‘tol! Bakit naman niya ako bibigyan nang ganito?”
“So sinasabi mo bang pangit ang pasalubong sa’yo ni Wonwoo?”
“Hala, seryoso ka nga?”
“Bakit naman ako magjo-joke? Favorite color niya purple at may cultural significance sa Baguio ‘yan.”
Nagulat siya nang hampasin siya ni Mingyu. Ang bigat ng kamay! “Gago, ‘tol, sasabihan ko na sila Mama na maghanda. Mamamanhikan na kami sa linggo kina Wonwoo.”
༘⋆
[wonwoojeon] mgkim mentioned you in their story
9:03 AM
mgkim
hi, wonwoo!
binigay na nga pala ni cheol
yung pasalubong mo ☺️
thank you! nakasabit na
sa bag ko
[sent a photo]
༘⋆
[cheolchoi] wonwoojeon sent you a message
9:04 AM
wonwoojeon
hoy cheol putangina mo!!!
bakit mo pinasalubungan ng tite si
mingyu at sinabing ako nagbigay!!!
cheolchoi
hoy bakla anong cnasabe mo
tongkol sakin.ha
Bakla ayosin mo lng
Hello ma’am,,menu PO natin for today,,.
Binagoungan baboy na may talong.
Sinigang na bangus dagupan.
.adobong manok.
Letchon paksiw
At dinuguan.
May monggo PO na may talbos
NG amplaya,,
wonwoojeon
NAMOOOO
HINDI AKO NAKIKIPAGBIRUAN
DITO!! OK LANG KUNG
PAGKAIN PERO TITENG PURPLE???
PAPASABUGIN KO
KOTSE MO!!!
cheolchoi
ako na nga tong nag-isip na ng
way para makapag-usap kayo,
ako pa tong masama! kwento
mo yan eh siyempre masama ako
dyan 💔
wonwoojeon
ulol di bagay sayo maging sadboi
may kinalaman din si jeonghan dito no!
cheolchoi
i invoke my right against
self discrimination
wonwoojeon
tanga self-incrimination yun
🖕🏻
༘⋆
9:03 AM
mgkim
hi, wonwoo!
binigay na nga pala ni cheol
yung pasalubong mo ☺️
thank you! nakasabit na
sa bag ko
[sent a photo]
wonwoojeon
hi, mingyu!
hehe buti nagustuhan mo
cute no pero isasabit mo ba
talaga sa bag mo yan? 😅
mgkim
oo naman! ang cute kaya
wonwoojeon
hindi ka naman kaya ma-hr niyan?
mgkim
hala oo nga no? sige sa coin
purse ko na lang
wonwoojeon
haha cute mo
mgkim
mas cute ka :)
༘⋆
iMessage
MAR 19 9:10 AM
AA Love
love, gumana plano natin
ngiting-ngiti si mingyu dito
parang aso si loko
galing talaga ng lovey ko
sabi sayo lovey!!!
now we wait
༘⋆
Dati ay nababasa lang ni Wonwoo sa Facebook na isang senyales na may pinopormahan ang kaibigan mo ay naglalabas ito ng throwback pictures. Kung dati ay hindi gets ni Wonwoo yun, ngayon ay gets na gets na niya. Kakauwi lang niya galing trabaho at heto siya ngayon, naghahanap nang maaayos niyang throwback pictures nung college kasama sina Han at Cheol.
Correction, pictures nilang tatlo nung college na maayos siyang tignan. Dedma na kung unflattering tignan yung dalawa dahil una, Instagram niya ‘to at pangalawa, hindi naman sila ang may target audience.
Ilang araw na mula nung unang beses silang nakapag-usap ni Mingyu at hindi na ulit nasundan pa, kaya gagawa na siya ngayon ng paraan. Hindi pwedeng like mates lang kami ng stories at posts ni Mingyu! Kung taga-like lang pala ang kailangan ko, marami na ako nun! Mingyu Kim, kapag nag-reply ka, akin ka!
Tuwang-tuwa si Wonwoo nang makakita ng magandang picture sa Instagram archive niya. Sa picture ay second year college silang magkakaibigan. Selfie yun na kuha sa noon ay bagong bukas na wings place malapit sa university nila. Siya lang ang ready sa picture, habang si Han naman ay medyo blurred ang mukha dahil pa-tingin pa lang sa camera at si Cheol naman ay nakanganga dahil pasubo sana ng kanin.
“Perfect! Ang glowing ko pa dito,” sabi ni Wonwoo nang i-click ang Your Story bottom sa Instagram.
Ibababa na sana niya ang cellphone para maligo nang mag-vibrate ito. Ngiting-ngiti siya, pero agad din itong nawala nang makita ang notification.
iMessage
MAR 26 6:37 PM
BDO Alert
#BDOStopScam: Easy loan
offer sa text or email? 'Pag
may link, SCAM 'yan! Don't
click links. Don't share Account,
Card or Login details, and OTP
with anyone!
Bwiset, akala ko naman si Mingyu na!
Dahil na-realize ni Wonwoo na hindi naman instant niyang makukuha ang reaction na gusto niya, naligo na lang muna siya. Kung saan-saan lumilipad ang utak niya habang naliligo, iniisip kung paano magrereply si Mingyu. Bigla tuloy siyang na-excite, kaya ang karaniwang thirty minutes niyang pagligo ay na-cut short to twenty five.
Paglabas niya sa CR, tumutulo pa ang tubig mula sa katawan niya, marami siyang notifications sa Instagram pero wala pa ring galing sa target audience niya.
[wonwoojeon] yoonjeonghan replied to your story
7:45 PM
yoonjeonghan
hoy walangya ka!
ganyanan ah! mutuals kami
ni mingyu dito sa instagram!
wonwoojeon
at bakit kayo mutuals ha!
yoonjeonghan
siyempre, asawa ako ng office
bff niya! lintek lang walang ganti,
teh! walang kai-kaibigan dito!
wonwoojeon
pagbigyan mo na ko teh 😭
kailangan ko ng conversation
starter
yoonjeonghan
🙄
fine
sa birthday mo humanda ka
wonwoojeon
kami na sa birthday ko kaya
okay lang
yoonjeonghan
fantasy siya!
༘⋆
Patulog na sana si Wonwoo nang mag-vibrate ang cellphone niya.
[wonwoojeon] mgkim replied to your story
10:36 PM
mgkim
si cheol mukhang gutom
na gutom 😂
wonwoojeon
hi, mingyu!
pagkatapos namin kumain niyan,
hindi siya natunawan hahahaha
mgkim
kapag kumain pa naman yan
parang nagmamadali palagi
wonwoojeon
diba!! napansin mo rin?
Sorry at thank you, Cheol, dahil ikaw ang pulutan namin ngayon, isip ni Wonwoo.
mgkim
oo 😂 siya palagi nauunang
matapos kumain. may kasamang
daldal na yun ah
wonwoojeon
hindi na pala talaga siya nagbago 😂
mgkim
hindi ka pa tutulog?
nakwento ni cheol maaga ka raw
natutulog
wonwoojeon
hala, ano pa nakukwento ni
cheol sayo tungkol sakin? baka
masasama yan ah!
mgkim
hindi naman :) alam ko nang
only child ka at hindi ka mahilig
sa seafood. allergic ka?
wonwoojeon
hindi naman. hindi ko lang talaga
gusto mula pagkabataaa. tsaka
oo, only child lang ako. ikaw ba?
mgkim
dalawa kami :) may nakababata
akong kapatid na babae, pangalan
minseo. sa batangas sila nakatira
wonwoojeon
nagdodorm ka? san kayo sa batangas?
mgkim
sa calatagan, kung familiar ka :)
dito ako sa condo ng family namin
nagsstay. malapit lang sa office
wonwoojeon
oo naman, nakapunta na kami ng
fam ko dyan dati! malapit lang din
office namin sa inyo haha
mgkim
nakwento nga ni cheol :)
wonwoo, free ka ba tomorrow?
lunch tayo doon sa bagong
bukas na resto sa salcedo.
sabi ni cheol favorite mo raw
japanese food :)
kung okay lang sayo ha! no
pressure
wonwoojeon
sureeee :) may meeting lang
ako tomorrow until 11:30 then
i’m free na
mgkim
sakto :) daanan na lang kita
sa lobby niyo then sabay
na tayo punta dun?
wonwoojeon
okayyy, mingyu.
message mo na lang ako :)
kailangan ko na rin matulog
kasi sobrang antok ko na 😂
mgkim
hala, sorry!
sige na, tulog ka na. message
na lang ulit kita bukas :)
sweet dreams, wonwoo
wonwoojeon
good night, mingyu!
mgkim
good night :) sige na, ako na
last chat haha
Pagulong-gulong si Wonwoo sa kama niya sa kilig, kaba, at excitement. Sa totoo lang, nawala na ang antok niya kaya bumangon na lang siya at nagplano ng susuotin niya bukas.
Mom, I’m getting married!
༘⋆
Messenger
cheol papicture
MAR 27 AT 12:30 PM
wonu
me lamba nasa date ngayon
[sent a photo]
cheol
nakng, kaya naman pala
bihis na bihis si tropa
han
omg ka di ka nagsasabi
na may ganap na pala!
landiday ka talaga!
wonu
siyempre 😝
gwapo niya guys omg
ang bango bango pa
i do po agad, father
han
enjoy kayo wons 😘
༘⋆
Pagkatapos ng una nilang lunch date, araw-araw nang nag-uusap sina Mingyu at Wonwoo. Minsan pa ay sabay silang kumakain ng lunch na niluto ni Mingyu para sa kanila. Tuwing sabay sila ay dinadala ni Mingyu ang kotse niya at doon sila kumakain. Habang naglulunch ay nanonood sila ng dalawang episodes ng Modern Family na nalaman nilang parehas nilang paborito.
Nakatapos na sila ng isang season at mas nakilala pa nila ang isa’t isa. Minsan ay natutulala pa rin si Wonwoo dahil ang gwapo talaga ni Mingyu. Ang cute ng nunal niya sa ilong, ang cute ng pangil niyang pansin na pansin tuwing ngumingiti, at ng mata niya tuwing tumatawa.
Hindi lang gwapo si Mingyu, sinabi ni Cheol na matalino rin ito at isa sa top performers ng department nila. Maalaga si Mingyu at sa mga araw na sabay silang kumakain ay sinusundo siya nito sa labas ng building nila. Palagi rin siya nitong pinatatawa, lalo na tuwing nararamdamang hindi maganda ang araw niya.
Natatakot si Wonwoo dahil parang masyadong mabilis. Masyadong perfect ang lahat at natatakot siyang baka sa simula lang ito. He was falling too fast and he was scared of falling face flat. Hindi nga niya alam kung ano ba sila ni Mingyu. Lunchmates? Textmates? Classmates? Ay, iba na pala yun.
Kung ano man sila, naisip na lang ni Wonwoo na mag-go with the flow. Naniniwala siyang kung ano ang nakatakdang mangyayari, ay mangyayari. Hiling lang niya ay sana sa dulo ay hindi siya talo. Alam na niya ang pakiramdam na masaktan at matalo sa dulo at ayaw na niyang maramdaman ulit yun.
Nabalik sa reyalidad si Wonwoo nang maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone niyang nakapatong sa workstation niya. Bumilis ang tibok ng puso niya nang makitang may message si Mingyu na para bang na-manifest niya.
iMessage
mingyu 🐶
MAY 22 11:55 AM
wonwon, lunch?
nagluto ako ng beef stake
steak*
hala nakakahiya marunong
ako magspelling ha
sige, patikim ako ng luto mong
beef stake
nang-asar pa talaga 😢
hay pasalamat ka…
thank you?
😢
baba ka na, daanan kita dyan
in five minutes
༘⋆
iMessage
mingyu 🐶
JUN 4 4:10 PM
hi, won
sobrang lakas ng ulan
hatid na kita, kung okay
lang?
minnn
mattraffic ka lang pauwi
papatila na lang muna
ako ng ulan dito sa office
baka humina na rin
mamaya :)
checked the weather
forecast, won. lalo lang
lalakas yung ulan 😢
hassle pa sayo, min
sanay naman na ako
magcommute kahit
binabagyo pa hahaha
pero kung gusto mo
talaga… why not?
nothing’s ever a hassle when
it comes to you, won
wait mo ako later, kunin ko
kotse sa condo and i’ll
sundo you sa lobby
༘⋆
iMessage
mingyu 🐶
JUN 14 7:47 PM
won, sabay na tayo
papuntang resto?
okayyy! what time ka dadaan?
i’ll be there in thirty minutes :)
enough time na ba yun for
you to finish getting ready?
pwede hirit ng forty? hehe
of course. take all the time
you need
ingat kaaaa. see you
Ni-lock ni Wonwoo ang cellphone niya at binilisan na ang pagkilos. Magkikita-kita silang magkakaibigan at inimbita nina Han at Cheol si Mingyu. Bago pumayag ay tinanong muna siya ni Mingyu kung okay lang ba sa kanyang sumama siya, na agad namang sinang-ayunan ni Wonwoo.
Mabilis na lumipas ang oras. Saktong forty minutes ay tumunog ang doorbell nila. Kinuha ni Wonwoo ang paborito niyang pabango, halos pinaliguan ang sarili, at tinignan ang sarili sa salamin.
Nakaupo si Mingyu sa sofa sa living room pagbaba niya. Dahil nga ilang beses na siyang nahatid ni Mingyu sa bahay ay nakilala na siya ng mga magulang ni Wonwoo. Pakilala niya kay Mingyu? Kaibigan niya. Mukha namang hindi naniwala ang mama at papa niya dahil nagtinginan sila at tumawa. Tama nga ang inisip ni Wonwoo dahil nang umalis si Mingyu ay inasar siya ng mga ito.
Nang magtama ang tingin nila ni Mingyu ay ngumiti ito sa kanya at tumayo na para magmano sa magulang niya. “Hatid ko po si Wonwoo bago mag madaling araw, tito at tita.”
“Sige. Mag-ingat sa pagmaneho, Kuya, ah,” sabi ng mama niya. Talaga namang Kuya na rin ang tawag kay Mingyu.
Dahil Sabado ay walang traffic papuntang BGC. Nakaupo na sa pina-reserve nilang table sina Jeonghan at Seungcheol pagdating nila sa restaurant. Gustong sabunutan ni Wonwoo ang mga kaibigan dahil parang pang magjowa yung place.
“Mingyu! Nice to see you again,” bati ni Jeonghan na binesohan ni Mingyu.
“Musta, Han?”
“Okay na okay! Ikaw ba? Hindi ba pinapasakit nito ulo mo?”
Wonwoo faked a gasp. “Excuse me, ang bait ko kaya,” sabi niya at tumingin kay Mingyu. “Diba, Min?”
“Hmm…” sagot ni Mingyu, dahilan para matawa ang mag-jowa. “Joke lang! Oo naman, baka nga siya pa sumasakit ulo dahil sa akin.”
Magkatabi sila ni Mingyu at katapat ni Wonwoo ng upuan si Jeonghan. Nang lumapit ang waitress ay si Mingyu ang nagsabi ng orders ng table nila. Napansin niyang nakatingin si Cheol kay Mingyu habang kinakausap nito ang waitress dahil tuwing umaalis silang magkakaibigan, siya ang gumagawa nun.
Madaling nag-blend in si Mingyu sa grupo nila na parang matagal na nila itong parte ng mini circle nila. Malaking factor na rin na magkaibigan na sina Cheol at Mingyu, kaya hindi na kailangan ni Wonwoo na mag-isip ng conversations na ma-eengage sila, katulad ng ginagawa niya noon sa rare times na pumayag ang ex niyang manloloko na sumama sa alis nilang magkakaibigan.
Nag-reminisce sila tungkol sa mga nakakatawang experiences nila nung college habang kumakain.
“Paano ba kayo naging magkakaibigan?” tanong ni Mingyu. “Si Wonwoo kasi, ayaw ikwento.”
Wala pa ay natawa agad si Jeonghan. “First year, PE namin nung sem na yun, swimming, and mandatory siya sa university namin. Magkaibigan na kami ni Cheol kasi magkaklase kami nung first sem sa ilang subjects. Si Wonwoo, doon sa swimming namin nakilala. Si bakla, nung muntik nang malunod, sa buhok ko ba naman humawak.”
Nagtawanan sila. Hindi malilimutan ni Wonwoo yung takot na naramdaman niya nang biglang pababa na pala ang sahig nung pool kaya kumapit siya sa pinakauna niyang makakapitan, which turned out to be Jeonghan’s hair na noon ay mahaba.
“Tinulungan siya ni Cheol at dinala siya sa mababaw na parte nung pool. Ayun, tuwing magkikita kami sa campus nagbabatian kami, hanggang sa naging close na kami kasi kailangan bumuo ng group sa PE para sa finals.”
Naramdaman ni Wonwoo na pinatong ni Mingyu ang braso nito sa likod niya, sa ibabaw ng sandalan ng upuan niya. “Hindi ka pala marunong mag-swim, Wonwon?”
“Kaya ko naman, basta ‘wag lang yung sobrang lalim. Hindi ko nga alam paano ako nakapasa sa PE. Na-max ko yata yung allowed number of absences sa class na yun.”
“Naawa na lang sa’yo yung prof, Wons. Ikaw ba naman dalawang beses halos malunod, eh,” sagot ni Jeonghan.
༘⋆
iMessage
JUN 14 11:27 PM
mingyu 🐶
dito na ako sa condo, won :)
okayyy. was just waiting for you makauwi
antok na antok na ako hahaha
sleep ka na
i really had fun tonight
thanks, wonwon
i had fun too :)
good night, min
sweet dreams, boss amo
༘⋆
iMessage
JUL 17 12:00 AM
mingyu 🐶
happy happy birthday, won :)
thank you for giving me the
privilege of having you in my
life. i thank the heavens every
night for your existence.
min!!! grabe, first in line ah!
thank you sooo much ❤️🔥
siyempre, nag-alarm talaga ako
para ako ang pinakauna 🫡
see you later, wonwon
༘⋆
iMessage
wonwon 🐈⬛
SEP 11 9:53 PM
min, dito na kamiiii
ang daming tao
okay po. ingat ka dyan, won
wag ka uminom ng drinks
na galing sa ibang tao, please.
and message me if you need
help. i’ll be there
yes po, boss amo 🫡
11:57 PM
minegyuyuyyyy
whar are we
sbihin mo n kung pin apafall
mo lsng akoo para
mshands ko saroli ko
slthough i thnk its roo
late npw……
oh no ang baby ko
susunduin na kita, won
lasing ka na
dyan ka lang i’ll be there in ten
haaaa
may baby k naaaa?????????
my wnak k na at di mo cnabi sken???
simo nanay niyajn 😭
sysumvkng kta kay cheol
pafall ka
༘⋆
Sobrang sakit ng ulo ni Wonwoo pagkagising niya. Lalong sumakit ang ulo niya nang ma-realize na nasa kwarto siya ni Mingyu.
Mingyu. Katabi niya si Mingyu matulog?
Napangiwi si Wonwoo sa biglaang paggalaw niya ng katawan niya. Tanging siya lang ang nasa kama and there’s no Mingyu in sight.
Bakit siya nandito sa condo ni Mingyu?
Kinapa niya ang bedside table at sinuot ang salamin niya. Kasunod niyang kinuha ang cellphone niya at nakitang ang dami niyang messages galing sa officemates niyang kasama niya uminom sa Poblacion kagabi.
Napabangon si Wonwoo nang makita ang messages nila ni Mingyu kagabi. Bigla siyang nagkaroon ng flashbacks sa kung ano nangyari, mula nang i-text niya si Mingyu hanggang sa dumating ito para sunduin siya. Mariin siyang napapikit sa sobrang pag-cringe nang maalalang kinailangan pa siya buhatin ni Mingyu papuntang kotse dahil ayaw niyang tumayo.
Tangina, hindi na talaga ako iinom ulit! Sobrang nakakahiya kay Mingyu!
Speaking of Mingyu, hindi alam ni Wonwoo kung nasaan ito. Kaya naman kahit masakit ang ulo niya ay pinilit niyang tumayo ng kama. Binuksan niya ang pinto ng kwarto ni Mingyu at naglakad papunta sa sala, kung saan nakita niya si Mingyu na natutulog sa sofa.
Natatakot si Wonwoo na ito na ang huling beses na matititigan niya nang ganito si Mingyu. Nakakahiya mang alalahanin, pero umamin siya kagabi na gusto niya ito pero hindi niya maalala kung ano ang sinabi ni Mingyu dahil nilabas niya ang ininom niya.
Muling napangiwi si Wonwoo nang maisip na naglinis pa si Mingyu ng suka. Doon lang din niya napagtantong binihisan siya ni Mingyu at iba na ang suot niyang t-shirt at shorts.
Sobrang nakakahiya.
For a second, naisip ni Wonwoo na umuwi nang hindi nalalaman ni Mingyu at harapin na lang ang kaibigan kapag ready na siya. Pero hahakbang pa lang sana siya palayo ay minulat na ni Mingyu ang mga mata niya.
At nginitian siya. He should take that as a good sign, right…?
“Wonwon, kumusta pakiramdam mo?” Mingyu asked. Kinilig si Wonwoo dahil ganun pala ang boses nito kapag bagong gising.
Focus, Wonwoo, focus!
“Sobrang sakit ng ulo ko. Listen, Mingyu, I’m so sorry for last night. Imbis na nagpapahinga ka, nag-alaga ka pa nang makalat na lasing.”
Umiling si Mingyu. “I don’t mind, Won. In fact, I liked taking care of you. Ang cute mo pala malasing.”
Pinagsasabi nito! Anong cute sa lasing na pasaway at sumisira ng friendship! May tama rin yata tong si Mingyu, eh.
“Ayaw ko nang abalahin ka pa. Magbibihis lang ako then magbo-book na ako ng Grab pauwi,” sabi niya, hanggang sa na-realize niyang hindi siya nakapagpaalam sa parents niyang hindi siya uuwi kagabi. “Hala, baka hinahanap na ako nila Mama.”
“Tinawagan ko sila kagabi para ipagpaalam ka. Sabi ko ihahatid kita today, kaya hindi ka pwedeng umuwi mag-isa, Won. Besides, hindi ba may kailangan tayong pag-usapan?”
Ah, nakaramdam ulit si Wonwoo ng wave of nausea.
“Pwede bang sa susunod na lang natin pag-usapan? Parang hindi ako ready today.”
“Usually, I let you do what you want. But sorry, Won, I can’t let you get your way today. Not when something huge is on the line. Hindi kita hahayaang umuwi nang walang sagot sa mga tanong mo kagabi. I don’t want to confuse you any longer.”
Tumayo na si Mingyu at pumunta sa kwarto. “Ligo ka muna, Wonwon, para gumaan pakiramdam mo. Papahiramin kita ng damit. Habang naliligo ka, magluluto ako ng almusal natin.”
Wala nang nagawa si Wonwoo kundi sumunod. Sinundan niya si Mingyu papuntang kwarto nito at kinuha ang damit na ipahihiram nito.
“May extra towel and toothbrush na rin sa loob ng CR, Won. Kung bigla kang mahilo, umupo ka muna saglit sa toilet bowl, okay?”
Tumango si Wonwoo. “Okay.”
Sobrang daming tumatakbo sa isip ni Wonwoo habang naliligo. Tatlo lang ang pwedeng kalabasan ng pag-uusapan nila ni Mingyu mamaya. Una, na gusto rin siya ni Mingyu. Pangalawa, hindi siya gusto ni Mingyu at sasabihing sana friends pa rin sila. At pangatlo, hindi siya gusto ni Mingyu at puputulin na niya ang connection nila.
Just thinking of the three possible outcomes made his head spin. Binilisan na niya ang pagligo dahil baka mahimatay siya at maabutan ni Mingyu na ganito. Kung sakali man ay siya na talaga ang lalayo sa sobrang kahihiyan.
Ang bango sa loob ng condo paglabas ni Wonwoo ng CR. Nilagay niya ang maruming damit ni Mingyu na suot niya kanina sa ibabaw ng marumihan na nasa labas ng pinto.
“Kain na tayo, Won,” aya ni Mingyu. “Nagluto ako ng ramen para mainitan sikmura mo.”
Hindi inakala ni Wonwoo na ang ramen na ang tagal nang pinagmamalaki ni Mingyu sa kanya ay ngayon pa niya matitikman kung kailan pwedeng ito na ang huling beses na ipagluluto siya nito.
Gusto na lang niyang umiyak.
“Hipan mo muna, ha. Baka mapaso dila mo,” sabi ni Mingyu.
Masarap nga magluto ng ramen si Mingyu. Kahit papaano, gumaan yung pakiramdam niya. Tahimik lang silang kumakain at paminsan-minsan ay nararamdaman niyang nakatingin si Mingyu sa kanya.
“Wons, about last night…”
“Sorry talaga, Mingyu. Sobrang nakakahiya.”
Umiling si Mingyu. “Bakit naman? Ang cute mo nga, eh. Ganun ka pala magpa-baby, no?”
Sinubsob ni Wonwoo ang mukha niya sa mesa. Narinig niyang tumatawa si Mingyu habang hinihila ang upuan sa tabi niya.
“Wala akong baby, Won. Wala akong anak. Ikaw yung tinawag kong baby ko kagabi,” sabi ni Mingyu. “Simula pa lang, bago pa nung unang beses nating magkita, nag-usap na kami ni Cheol. Nakwento niyang hindi maganda yung rason bakit natapos yung past relationship mo. Naisip ko, gusto ko munang i-earn yung trust mo. I wanted to take my time bago ako umamin sa’yo. I’m so sorry that I confused you with my actions. I wanted you to feel my sincerity in getting to know you through them before confessing.”
Umayos na si Wonwoo ng upo at humarap kay Mingyu. Ngumiti si Mingyu at hinawakan ang kamay niya. “I like you, Wonwoo. So much. Unang tingin pa lang, nahumaling na ako sa’yo at lalo pa habang mas nakikilala kita. I like how your nose scrunches whenever you smile, how your eyes light up whenever you’re talking about something you like, how your laugh echoes through my car whenever we’re watching Modern Family. I like taking care of you, Wonwoo, and I’ll continue doing so, if you’d let me.”
Mahina niyang pinisil ang kamay ni Mingyu. “Gustong-gusto rin kita. You are my wish granted, Mingyu. I thank the heavens for you.”
༘⋆
Messenger
cheol papicture
SEP 12 AT 1:43 PM
wonu
guys ang pogi ng boyfriend ko?
[sent a photo]
han
OMG???????
cheol
Salamat, Lord 🙏
༘⋆
“Kaya pa, ‘tol? Bigay mo sa akin yung iba,” sabi ni Mingyu kay Cheol. Sa unahan nila ay sina Wonwoo at Jeonghan, magka-lingkis ang mga braso at masayang naglalakad papunta sa kasunod nilang bibilhan.
“Okay lang, ‘tol. Ikaw ba?”
Ang daming dala nina Seungcheol at Mingyu at karamihan ay mga pinamili nina Jeonghan at Wonwoo. Kinuha na nila para libreng makapili ang dalawa ng mga gusto nilang bilhin.
“Kaya pa naman. Ito na exercise natin ngayong araw, brother.”
Para sa annual trip nilang magkakaibigan ay nasa Hong Kong sila. Unang beses nilang kasama si Mingyu at unang beses ding may katulong si Seungcheol.
Kung alam lang niya na officemate lang niya ang sagot sa dasal niya, matagal nang pinakilala ni Cheol si Mingyu sa kaibigan niya.
Masaya siyang may nag-aalaga na rin nang tama kay Wonwoo. Lalo siyang masaya dahil kasundong-kasundo niya ang boyfriend nito, katulad ng hiling niya. Mabuti na lang at inayos ni Cheol ang hiling niya at tama ang pinadala ni Lord.
Lakas ko talaga sa’yo, Lord.
