Chapter Text
‧₊˚🏀彡ִ ࣪𖤐
Kung tatanungin si Mingyu Jawo Kim kung bakit sobrang in love siya sa kaibigang si Wonwoo Alexis Jeon, marami siyang pwedeng isagot. Pero tingin niya kasi, kahit ubusin pa niya ang lahat ng bokabularyo sa mundo, hindi sapat ang mga salita para ilarawan ang nararamdaman niya para rito.
Ang alam niya lang? Kayang-kaya niyang gawin ang buong thesis ni Wonwoo, kayang-kaya niyang ibigay ang balat ng paborito niyang Chickenjoy nang wala pag-aalinlangan at para sa isang Mingyu na paborito ang manok ng Jollibee, dambuhalang sakripisyo ‘yon, halos katumbas na ng pag-aalay ng kaluluwa.
Pero hindi natatapos doon ang listahan ng kaya niyang tiisin para kay Wonwoo.
Kaya niyang tiisin ang biyahe mula Sta. Mesa papuntang Taft Avenue kahit abutin siya ng dalawang oras sa trapiko, basta sa huli ay makikita niya ang mukha nito.
Kaya niyang tiisin ang siksikan at amoy ng pawis sa PNR o LRT tuwing rush hour, basta nakapulupot ang braso niya sa bewang ni Wonwoo para magsilbing harang sa mga nambabalya, dahil alam niyang hindi sanay ang balat-mayaman nitong kaibigan sa ganoong kaguluhan.
Kaya niyang maging taga-ubos ng mga mamahaling pagkain na oorderin ni Wonwoo sa El Pollo Loco o kung saang Aircon-na-Aircon na restaurant na 'di niya mabigkas ang pangalan, tapos kapag hindi maubos ni Wonwoo, siya ang hihigop ng natitirang sabaw—walang pangingimi, zero waste management para sa ekonomiya.
Kung kailangan ding maging personal alalay, videographer, at taga-payong tuwing may field shoot ang Journalism student ng La Salle, mag-a-apply siya nang walang sweldo.
Ganoon kalala ang tama ng isang Mingyu at hindi man niya kayang tapatan ang mamahaling lifestyle ni Wonwoo, handang-handa naman siyang maging tanga, maging kargador, at maging pinakamaangas na tagasalo ng lahat ng sisiw sa Maynila, basta sa huli, siya lang ang lalaking aasahan nito.
Kaya niyang magpanggap na marunong mag-French o kung anong high-class na lengwahe kapag kasama ang mga elite na blockmates nito, kahit ang totoo ay panay “Omsim,” “Goods lang,” “Shet ang lala,” “tangina mo,” lang naman ang laman ng utak niya buong maghapon.
At higit sa lahat?
Kaya niyang magtiis na huwag mag-yosi o magmura ng limang oras kapag ipinakikilala siya ni Wonwoo sa mga kaibigan nitong amoy-pabango na nagkakahalaga ng isang taong allowance niya. Hihinga na lang siya nang malalim, aayusin ang tindig kahit kupas ang suot na t-shirt, at magiging pinakamisunuring "bodyguard" ng nag-iisang Wonwoo Alexis Jeon.
Ang verdict: Tanggal ang angas niya sa kaibigang si Wonwoo.
Kahit na siya pa ang dakilang tambay sa tapat ng tindahan ni Aling Susan, barumbado sa kalsada, at maangas na basketbolista ng Tambunting, walang-wala ‘yan kapag nasa harap na niyang ang conyong si Wonwoo.
’Yung tipong handa siyang makipagsabayan sa kahit anong hamon ng buhay, pero kapag nagsabi na ng, “Wait, it’s so init naman here” o kaya “Gyu, can we like, make tusok-tusok the fishballs?” ang iniibig niya, parang awtomatikong nagre-reboot ang utak ng isang Mingyu.
Ang dakilang hari ng diskarte ng Tambunting Manila, ay tiklop agad sa isang malambot na salita lang ng nag-iisang Wonwoo.
Kahit na hindi naging maganda ang una nilang pagkikita sa mundong ibabaw na kung tutuusin ay mukha siyang snatcher na biglang sumulpot sa paningin nito, pakiramdam niya talaga namang itinadhana siyang makilala si Wonwoo.
Kahit na, gago, magkaibang-magkaiba talaga ang mundong ginagalawan nila.
Habang ang pang-araw-araw na survival kit ni Mingyu ay payong na may bali ang isang balangkas, barya para sa jeep, at sandamakmak na baong pasensya sa siksikan ng PNR, ang tanging prinoproblema lang naman ni Wonwoo ay kung mahina ba ang aircon ng Starbucks o kung bakit walang sapat na aesthetic ang lighting sa short film project nito.
Habang si Mingyu ay nakikipagpatayan sa pila para sa murang ulam sa gilid ng main road ng PUP, si Wonwoo naman ay nagrereklamo na “It’s so expensive naman here” habang naglalabas ng tatlong libong piso para sa isang dinner na kayang magpakain ng isang buong pamilya sa loob ng isang linggo.
Siya, pinalaki sa tunog ng nagmumurang tsuper at sigasing ng tren; si Wonwoo, pinalaki sa banayad na tunog ng credit card ng mga magulang nito.
Pero sa kabila ng napakalaking gap ng mga buhay nila na parang pinagtagpo lang ang Recto at BGC sa isang teleserye, wala na ring pakialam si Mingyu. Kung itinadhana man siyang maging side character at taga-balanse sa buhay ni Wonwoo, handa siyang yakapin ang tadhana na 'yon.
Ganito yata talaga kapag tinamaan ka ng pag-ibig: kahit magkaiba kayo ng sinasakyan sa buhay, gagawa at gagawa ka ng paraan makasabit lang at makatabi lang ang taong mahal mo.
‧₊˚🏀彡ִ ࣪𖤐
Medyo nakakatawa nga ‘yung unang pagkikita nila kasi talagang sa basketball court sila nagkakilala—isang lugar at mundong hindi naman nakasanayan ni Wonwoo.
Gagong Seungkwan kasi, dinala ‘to sa barangay nila para lang manood ng liga. Pero sa huli, laking pasasalamat na rin niya kay Seungkwan na kababata niya, dahil kung hindi dahil sa kanya ay hindi niya makikilala si Wonwoo.
Championship game nun dalawang taon na ang nakalipas. Huling tatlongpung segundo, dikit ang iskor, at hawak ni Mingyu ang bola. Dahil tao sa tao na ang laruan sa krusyal na sandaling 'yon, halos makipagpatayan na siya sa court para lang maipasok ang puntos. Kaso lang, nung ipapasa na niya ang bola sa kakampi at kaibigan niyang si Minghao para sa isang mabilis na assist, nagka-miscommunication. Mali pala ang basa ng kaibigan sa play niya. Imbis na sa kamay ni Minghao mapunta, ang dambuhalang bola ng Molten ay rumekta at buong pwersang naibato ni Mingyu sa mismong mukha ni Wonwoo na prenteng nakaupo sa bench.
“Ouch! What the hell!” sigaw ng lalaking katabi ni Seungkwan nun.
Kitang-kita ni Mingyu mula sa court ‘yung halos pag-iwas nito at paglagay ng kamay sa harap para sana saluhin o harangan ang bola, kaso huli na ang lahat dahihl swak na swak sa may ilong at salamin nito ang impact. Tumalbog pa ang bola pabalik sa court habang ang buong crowd sa covered court ay napasigaw ng, "Hala!" at "Aray ko!"
Agad na tumakbo si Mingyu pabalik sa bench para humingi ng pasensya. Una sa lahat, alam niyang kasalanan niya, at pangalawa, halatang hindi taga-roon ‘yung biktima ng bola dahil bagong mukha ito habang nakaupo sa harap, at ang ibang mga tao sa paligid ay pawisan at hubad-baro. Kaya lang, nung paglapit niya para sana mag-sorry, agad siyang binungangaan nito.
"What ba?! Are you blind? Ang laki-laki ng court, sa face ko pa talaga?!" bulyaw sa kaniya nito, habang sapo ang ilong na namumula na at pilit na inaayos ang salamin niyang bahagyang nayari ang frame. Galit na galit ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya mula sa likod ng lente. "Look at my glasses, oh! It’s like, tabingi na! My god, can you even aim properly, Mister?!”
Sungit ah.
Pero ‘di naman agad siya nakapagsalita kasi gago ang ganda?
Tangina. Sino ‘to?
Sa dinami-dami ng mga napadpad sa covered court ng barangay nila, ngayon lang siya nakakita ng ganitong uri ng nilalang. Kahit galit na galit ito, lukot ang ilong, at medyo maluha-luha ang mga mata dahil sa impact ng bola, maganda pa rin.
Maputi, chinito, mukhang mabango, at mukha ring matangkad, tapos may pagkamataray ang hugis ng mga mata na tila ba nandidiri sa tumutulong pawis ni Mingyu mula sa buhok nito.
Napatitig lang si Mingyu, mukhang tangang nakanganga habang nagpupunas ng pawis, bago tuluyang rumehistro sa utak niya mga salita nito.
"Pasensya na talaga, boss. Gusto mo dalhin kita sa clinic sa labas? O kaya patingin natin 'yang salamin mo sa Quiapo, ako magbabayad," taratanta pero maangas na nahihiyang alok niya.
Inirapan lang siya nito nang pagkatulis-tulis. “What? No way! I bought my glasses pa sa Paris! Just nevermind and go away!”
Sasagot pa sana siya at hihingi ng isa pang dispensa tsaka para alamin na rin sana kung anong pangalan ng magandang conyo na 'to kaso bigla nang pumito nang malakas ang referee mula sa gitna ng court.
"Hoy, Jawo! Pasok na sa loob! Last thirty seconds! Lamang sila ng isa!" sigaw ng coach nila.
Gusto niya sanang titigan nang masama ’tong coach niya kung hindi lang sila seryoso sa laro, kasi bakit naman kailangan pa siyang tawagin sa second name niya sa harap ng magandang binata na ‘to?
Pwedeng-pwede namang Mingyu na lang, eh! Sa sandaling 'yon, medyo sinisisi niya ang tatay niya kung bakit ba sa dinami-dami ng pwedeng maging idolo, kay Robert Jaworski pa siya ipinangalan.
Nilingon ni Mingyu ang court, tapos ay muling binalingan ang magandang binata na ‘di niya pa alam ang pangalan na abala pa rin sa pagpunas ng mukha gamit ang wet wipes na abot-kaya mula sa bag nito.
Ewan niya ba, pero imbis na mairita sa kaartehan nito, parang mas lalo lang siyang naganahan. Mas lalong tumibok ang puso niya, hindi lang dahil sa pagod ng laro, kundi dahil sa adrenaline na dala nito.
Tanginang ‘yan. Ngayon ko lang naramdamanan ‘to, ah.
"Sige, boss. Panalunin ko lang 'to para mabayaran ko ‘yang salamin mong galing paris." Kindat ni Mingyu sabay talikod.
Narinig niya pa ang mahinang, "Gross, what a feeler," mula sa likod niya bago siya tuluyang nakabalik sa linyahan.
Pagkapito ng referee para sa pagbabalik ng laro, iba na ang timpla ng utak ni Mingyu. Wala na sa kaniya 'yung kaba ng championship.
Hawak ng kalaban ang bola, pero dahil sa determinasyon niyang magpasikat sa nakatitig na suplado sa bench, nag-transform si Mingyu na parang sinapian siya ni Robert Jaworski. Naka-steal si Minghao, mabilis na ipinasa sa kaniya ang bola habang tumatakbo siya patungo sa three-point line.
Huling limang segundo.
Imbis na i-drive ang bola para pumasok para sa isang safe na layup, huminto si Mingyu sa labas ng arc. Lumingon siya saglit sa direksyon ng bench at nakitang nakatitig pa rin nang masama sa kaniya ‘yung magandang binata, nakahalukipkip ang mga braso at salubong ang kilay.
Para sa salamin niya na binili pa sa Paris.
Buong pwersang tumalon si Mingyu at binitawan ang bola mula sa kaniyang mga kamay gamit ang isang swabeng release. Umikot ang bola sa hangin kasabay ng pagtunog ng buzzer.
Pasok. Tres. Panalo.
Nagwala ang buong covered court, nagtalunan ang mga katropa niya, at halos makuyog si Mingyu sa gitna habang binubugbog siya ng mga yakap ng buong team dahil sa pagkapanalo ng championship.
Pero sa gitna ng ingay, ng sigawan, at ng mga lumilipad na pulbos at tubig sa paligid, iisa lang ang hinanap ni Mingyu.
Tumingin siya sa bench. Nandoon pa rin ‘yung magandang binata, nakatayo na ngayon habang hinihila na ni Seungkwan para makisali sa gulo. Nakataas pa rin ang isang kilay nito at halatang naiingayan sa mga tambay ng barangay.
Nagtama ang mga mata nila at saka siya ngumiti. Kahit na tuloy pa rin sa pagbati ang mga tao sa kanya, agad niyang tinakbo kung nasaan ‘yung magandang binata. Nang nasa harap na siya nito ay agad siyang nagsalita.
“Pasensya kanina, boss.”
Inirapan ulit siya nito. “Why are you even talking to me? We’re not friends.”
Ngumiti ulit siya. “Aayain kasi sana kita sa Paris.”
“What?” gulat na tanong ng magandang binata.
“Diyan sa may kanto. May mami sila dun. Paris mami tawag namin,” hirit niya sabay turo sa direksyon ng labasan ng covered court gamit ang nguso niya.
Umirap ulit ito, halos mag-360 degrees na yata ang mga mata sa sobrang bwisit. “I don’t know what you’re talking about,” sagot nito at saka padabog na humarap kay Seungkwan na kanina pa sila pinapanood na parang nanonood ng live na telenovela. “Kwannie, I’m gonna go home na nga. It's so init here and my head hurts na from the ball. I’ll just book a ride.”
Bitbit ang mamahaling bag at ang tabingi pa ring salamin, nag-umpisa na itong maglakad papalayo, dire-diretso at hindi man lang siya nilingon.
Tinimplahan naman siya ni Seungkwan ng masamang tingin. “Gago ka talaga, Jawo! Pinikon mo tropa ko! Letche ka, baka mag-Grab 'yan pauwing Ayala, ang mahal kaya ng pamasahe ngayon!” sagot nito sabay batok sa kaniya bago nagmadaling humabol sa naglalakad na kaibigan.
Napatulala na lang si Mingyu habang pinapanood na umalis ‘yung magandang binata, ang bango nitong naiwan sa hangin ay unti-unti nang tinatalo ng amoy ng katol at usok ng barbecue sa gilid ng court.
At nung araw na ‘yon, hindi nalaman ni Mingyu ang pangalan nito. Pero dahil mukhang malubha na ang tama niya at opisyal nang na-love at first sight ang kupal, doon niya pinangako sa sarili niya na hindi niya titigilan ang paghahanap sa pangalan nito—kahit pa ubusin niya ang lahat ng load niya sa kaka-stalk sa social media o kahit magmakaawa pa siya kay Seungkwan gabi-gabi para lang makuha ang pangalan nito.
‧₊˚🏀彡ִ ࣪𖤐
Hindi naman naging madali ang pagpupumilit niya kay Seungkwan dahil naubos lang naman ang dalawang araw na baon niya sa school para lang ilibre ang madaldal niyang kababata ng isaw, betamax, at balunbalunan sa ihawan ni Mang Berto sa may kanto. Ganoon kamahal ang bayad para lang sa impormasyon.
Tatlong araw makalipas ang championship, sa wakas ay nalaman niya rin ang banal na ngalan nito: Wonwoo Alexis Jeon.
Agad-agad niyang sinearch sa Facebook gamit ang Nokia niyang pudpod na ang keyboard, kaso ang bagal ng data niya—puro loading lang ang pusa sa screen at paubos na ang kaniyang unli-surf.
Dahil hindi makapaghintay ang pusong sumasabog sa pag-ibig, napilitan siyang dumayo sa computer shop ng pamilya nina Seungcheol. 'Yung tipong luma ang mga monitor, amoy yosi, at puro mababaho at may natutuklap na leather ‘yung headphones, pero wala siyang choice.
Piso-net kung piso-net, basta makita niya lang ang mukha ng kaniyang munting anghel.
Habang hinihintay niyang mag-load ang blue interface ng Facebook, isinuot niya ang mabahong headphone at pinatugtog sa YouTube ang pambansang awit ng mga tulad niya: Tuliro ng Sponge Cola.
Ah, tangina. Sabay pikit-mata pa si Mingyu habang sumasabay sa kanta sa utak niya: “Labis akong nahuhumaling, sabik sa bawat sandaling ika'y makapiling... Ano'ng nadarama tuwing makikita kang dumarating?”
"Cheol, taena, bakit ang bagal ng net?!" sigaw ni Mingyu, hinampas pa ang spacebar ng basag-basag na keyboard habang nakatingin sa umiikot na loading icon. Tinanong niya ang best friend niyang si Seungcheol na siyang nakatoka bilang bantay at taga-singil ng barya ngayong Sabado.
"Gago! YouTube ka kasi nang YouTube! Ikaw lang nagyu-YouTube rito, Jawo! Dinadamay mo pa 'yung mga nagdo-Dota!" bulyaw pabalik ni Seungcheol habang abala sa paglalaro sa server computer at may hawak na RC Cola.
"Sandali lang naman! Importante 'to, buhay at kamatayan!" reklamo ni Mingyu.
Sa paligid niya, maririnig ang pamilyar na ingay ng kompyuteran—ang sunod-sunod na bagsak ng mga kamay sa mouse ng mga batang naglalaro ng Crossfire, ang sigawan ng "Puta, bawas 'yon!" sa kabilang hilera, at ang tunog ng electric fan na maingay pa sa makina ng tricycle.
Eksaktong pagkatapos ng unang chorus ng Tuliro, sa wakas ay nag-load din ang profile. Nanlaki ang mga mata ni Mingyu.
Lumabas ang profile picture ni Wonwoo. Mismong Eiffel Tower ang nasa likod nito, saktong-sakto sa sinabi nitong doon binili ang salamin niya. Nakasuot ito ng seryosong porma na pang-winter na akala mo ay modelong naligaw sa Europa. Sobrang linaw ng pagkakuha, 'yung tipong kahit sa sutil at maduming monitor ng comshop ay kitang-kita pa rin ang kinis nito. Ang nakalagay sa bio: I love travelling. ✈️
"Hoy, Cheol! Silipin mo 'to dali!" tawag ni Mingyu, sabay hila sa balikat ni Seungcheol papunta sa tapat ng monitor niya kahit ayaw nitong umalis sa pwesto. “Siya 'yung nabato ko ng bola nung nakaraan."
Piningot siya ni Seungcheol bago tiningnan ang screen. "Aba, gago ka talaga, Jawo. Iba na naman ‘to?!”
"Gago! Anong iba? Kailan ba ako nagkagusto sa isang tao?!”
“Tangina mo, ‘tol. Parang kelan lang kalandian mo pa anak ni Mang Jose sa kabilang barangay, ah!”
“Wala na ‘yon. Landian lang ‘yon na wala naman talagang patutunguhan,” sagot niya. Totoo naman, eh. Wala pa naman siyang naging seryosong relasyon kasi halos lahat landian lang.
“Type mo ba ‘yan?” tanong ni Seungcheol sabay turo sa screen.
Tumango si Mingyu. Hindi na siya sumagot dahil abala na siya ngayon sa pagi-scroll sa mga public posts ni Wonwoo. Nakita niyang karamihan sa mga post nito ay tungkol sa indie at mainstream films, sining, mga iba’t ibang bansa na napuntahan na niiya, at mga salitang may 'literally' at 'honestly.'
Napalunok si Mingyu habang dahan-dahang ginagalaw ang mouse patungo sa blue button sa itaas. Ang dakilang tambay ng barangay, biglang pinagpawisan ang mga kamay habang nakatitig sa dalawang salita na tila ba hudyat ng kaniyang tadhana:
[ Add Friend ]
"I-add ko ba, Cheol? Baka ‘di ako i-accept, e. Lumang jersey pa naman 'yung suot ko sa profile pic ko rito," sambit niya sa kaibigan habang nakatitig sa screen pero ‘di pa rin pinipindot ang add friend button.
“Tingin ko ‘di ka a-accept niyan, tol. Binato mo ba naman ng bola nung nakaraan, eh.”
“Gago. ‘Di ko naman sadya ‘yon, binalasubas lang talaga ako ng play ni Minghao,” depensa niya nang ituloy ang pag-scroll sa Facebook ni Wonwoo para maghanap pa ng ibang pwedeng silipin.
Habang bumababa ang scroll bar, napahinto ang mouse niya sa isang picture na naka-public. Background ang makapal na snow at kitang-kita na tatlo lang sila sa litrato—si Wonwoo ang nasa gitna na mukhang kasama ang mga magulang niya. Lahat sila ay naka-coat na pang-mayaman at may malalaking ngiti na halatang hindi pinuproblema ang bill sa kuryente buwan-buwan.
"Pucha, Cheol, may snow. Saan 'to, sa Baguio?" biro ni Mingyu, kahit alam naman niyang sa ibang bansa 'yon.
"Tanga, mukha bang may snow sa Burnham Park? Ibang bansa 'yan, gago! Switzerland o Japan yata," batok sa kaniya ni Seungcheol na nakiki-usisa na rin sa monitor.
Dahil sa kuryosidad, pinuwesto ni Mingyu ang cursor at pinindot ang comment section ng picture para makita ang mga reaksyon ng mga kakilala nito. At doon na tuluyang nalaglag ang panga niya.
Ang daming bumabati at nagko-comment at tinatawag na Dr. at Atty. ‘yung mga magulang ni Wonwoo.
"Gago..." bulong ni Mingyu. “Mukhang wala silang yerong bubong, tol.”
“Langit siya, lupa ka pala ‘yan, eh,” tawa nang malakas si Seungcheol sabay tapik sa likod niya. “‘Yung pamilya niyan, kayang bilhin 'tong computer shop namin pati na 'yung buong covered, pre. Atras na diyan.”
“Minsan na nga lang umibig, oh!”
“Gago! Dami pang iba diyan!” ani Seungcheol sabay batok sa kanya. “Tama na kaka-Youtube, Jawo, ah!” At saka siya iniwan ng kaibigan at bumalik na sa pwesto niya kanina.
Sa huli, hindi na lang niya in-add sa Facebook si Wonwoo.
Napakamot na lang din siya sa ulo niya.
‧₊˚🏀彡ִ ࣪𖤐
Dalawang linggo ang nakalipas matapos niyang i-stalk nang malupit ang Facebook ni Wonwoo. Akala nga ni Mingyu ay unti-unti nang makakalimutan ng utak niya ‘yung engkwentro nila pati na ang mukha ni Wonwoo mismo, kaso lintek na buhay ‘to—nag-post si Seungkwan sa Facebook ng picture nilang dalawa.
Bilang magkapitbahay na literal na dikit ang pader ng bahay (na kapag umubo ang isa, naririnig sa kabila), agad na sumugod si Mingyu. Nakatsinelas lang at naka-kupas na jersey, walang pangingimi niyang kinatok—o mas tamang sabihing kinalabog—ang pinto ng bahay nina Seungkwan.
Agad naman siyang napagbuksan ng hulas na hulas na kababata.
“Jusko, ano na naman, Jawo? Wonwoo ulit? Tigil-tigilan mo tropa ko!” bungad sa kaniya ni Seungkwan, habang nakataas ang isang kilay.
Ngumiti si Mingyu ng pagkalawak-lawak, 'yung pormang asong nagpapasuhol. “Hindi, ah,” sagot niya sabay singit sa pinto, dire-diretsong naglakad papunta sa sala ng bahay nito at prenteng umupo sa kulay pulang monoblock chair. “Dumadalaw lang sa paborito kong pinsan-pinsanan. Makikikain na rin. Ano ulam niyo, Kwan?”
Umupo si Seungkwan sa banig na nakalatag sa lapag at saka siya tinignan.“Tangeks! Tinangay nga ng pusa ‘yung kalahating tortang talong na pinrito ko kanina, tapos makikikain ka pa?”
"Grabe ka naman, napakadamot mo," simangot ni Mingyu, habang panay ang sulyap sa cellphone ni Seungkwan na nakapatong sa ibabaw ng lumang TV. "Pero seryoso, musta si Wonwoo?”
Napa-irap si Seungkwan sabay hila sa buhok ni Mingyu nang bahagya. "Sinasabi ko na nga ba, eh! Kaya ka lang nandito kasi nakita mo 'yung post ko! Pero alam mo, Jawo, swerte mo ngayon. Hulog ka ng langit, literal."
"Ha? Bakit? Hinanap niya ba ‘ko sa’yo?" biglang siyang nabuhayan at saka umayos ng upo sa monoblock hanggang sa gumitgit ang plastik nito.
“Asa! Feelingero ka!” basag ni Seungkwan sa pangarap niya.
“Ano nga kasi?”
“Pero ganito kasi 'yan. Journalism major siya ‘di ba? May major project sila ngayon para sa midterms. Ang pinili niyang topic ay Sports Journalism at partikular 'yung kultura ng 'Liga sa Barangay' dito sa Maynila. Naghahanap siya ng subject na pwedeng i-profile at i-interview na basketbolistang laking-kanto na gustong sumabak sa PBA at hindi kasama ang school sa UAAP.”
Parang nakakita si Mingyu ng himala. “Sabihin mong ako sinuggest mo?”
Tumingin si Seungkwan sa kanya mula ulo hanggang paa. "Eh sa dinami-dami ng kilala kong dugyot na basketbolista rito sa Tambunting, ikaw lang naman ang may mukhang pwedeng i-front page sa project niya," patuloy ni Seungkwan sabay tawa. "Gusto niya raw makita kung paano gumalaw 'yung mga player na tinitingala sa mga sementadong court kaya nanood siya last time. Sabi ko, may kilala akong dakilang mala Robert Jaworski sa tabi-tabi kahit ‘di niya kilala si Jaworski.”
Nalaglag ang panga ni Mingyu, pero sa loob-loob niya ay parang tumutugtog na naman ang intro ng Tuliro ng Sponge Cola. Ito na yata ang swerte ng isang Mingyu Jawo Kim.
"Talaga? Sinabi mo 'yan?" paninigurado ni Mingyu, pilit na itinatago ang kilig na gustong kumawala sa mukha niya. "Ang ibig bang sabihin, kailangan niya 'kong kausapin? I-interview-hin? Makakasama ko siya?"
“Sa totoo niyan, pinag-iisipan ko pa kasi mukhang ‘di naman kayo magkakasundo, eh,” tamad na sagot ni Seungkwan habang naghahanap ng mapapanood sa TV.
Agad na napatayo si Mingyu. “Magkakasundo kami! Promise ‘yan, Seungkwan! Ako na i-refer mo! Mukha ba akong mahirap pakibagayan?”
“Mmm,” ani Seungkwan at saka tumayo para kumuha ng tubig sa kusina. “Pag-isipan ko pa. Mabigat ang screening process para kay Wonwoo, ‘no.”
“Tanginang ‘yan. Parang ‘di tropa talaga, eh. Parang ‘di tayo sabay tinuli niyan sa clinic ng barangay nung grade 2 tayo,” ungot ni Mingyu habang nakasunod sa likod ng kababata na parang dambuhalang tuta.
Binatukan siya nang malakas ni Seungkwan pagkaharap nito. “Tangina mo! Anong sabay tinuli? Una ka kaya ng isang taon, dugyot!”
"Kahit na! Pareho naman tayong umiyak kay Doc Nelson nun!" depensa niya habang sapo ang batok. "Sige na, Kwan. Isipin mo na lang, makakatipid si Wonwoo sa akin. Libre ang interview at wala akong talent fee.”
“Kahit naman may bayad, kaya niya, ‘no.”
“Sige na kasi. Ako na sabihin mo.”
“Crush mo ba kaibigan ko, ha?”
“Oo.”
“Gago ka, Jawo. Kakakilabot ka!”
“Ako na kasi, please?”
“Tanga! ‘Di bagay sa’yo,” sabi ni Seungkwan sabay baba ng baso. “Osiya! Sige. Sasabihin ko dahil ikaw naman talaga una ‘kong naisip, eh. Kapag okay sa kanya, go na ‘yan. Pero kapag hindi, sorry na lang sa’yo.”
“Pilitin mo siya, ah?”
“Ayoko nga!”
“Sige na kasi!”
“Che!”
“Parang ‘di sabay tinuli, ah?”
“Gago!”
‧₊˚🏀彡ִ ࣪𖤐
Matapos ang apat na araw na paghihintay, sa wakas ay ibinalita rin sa kaniya ni Seungkwan na pumayag na si Wonwoo. Siya raw ang gagawing subject para sa midterm sports feature nito. At halos mag-backflip ang puso ni Mingyu sa tuwa.
Dahil doon, isang araw bago ang itinakdang tagpuan nila ni Wonwoo sa isang coffee siya bandang taft, parang may gaganaping basketball championship sa tindi ng preparasyon ng ni Mingyu.
Bumali muna siya ng isang sachet ng Gatsby gel sa tindahan ng tropa niyang si Seokmin—na may kasama pang pakiusap na, “Kuys, palista muna sa maliit na notebook ng nanay mo, babayaran ko kapag nanalo kami sa susunod na pusta.”
Pag-uwi sa bahay, agad niyang isinalang ang kaniyang pinakamatinong polo shirt na may kwelyo. Halos mabatukan naman siya ng nanay niya dahil alas-onse na ng gabi ay nagpaplantsa pa siya sa sala.
"Aba't itong si Jawo, kung kailan natutulog ang mga maligno, tsaka nag-iinit ng plantsa! Huhulihin ka ng aswang, sige ka!" bulyaw ng nanay niya mula sa kwarto.
"Nay naman, para sa pag-ibig ko 'to!" depensa niya habang maingat na iniiwasan ang mga butones.
“Aba, sino na naman iyan?!” balik na sigaw ng Nanay niya.
“‘Di mo kilala! Pakilala ko ho sa inyo kapag kami na!”
“Si Kuya pumapag-ibig na?!” sigaw ng kapatid niyang sumunod sa kanya na isang taon ang taon lang ang tanda niya.
“May nililigawan ka na, Jawo?” tanong naman ng tatay niya.
“Wala pa ho! Kalma lang po kayo diyan. Papakilala ko rin ho sa tamang panahon!”
Natawa na lang sa kanya ang pamilya niya na para bang ‘di siya pinapaniwalaan.
Habang nagpapatuyo ng buhok, sinigurado niya ring matatakpan nang maayos ng manggas ‘yung maliit na tattoo niya sa braso. Baka kasi turn-off kay Wonwoo ang may tinta sa katawan, kahit na hindi naman siya sigurado kung napansin ba nito nung nagka-bulyawan sila sa court.
Para makasiguro, buong gabi rin niyang pinanindigan na huwag humipak kahit isang stick ng Marlboro Red. Mahirap na, baka kapag nag-"Hi" siya kay Wonwoo bukas, amoy-tuyong tambutso ang lumabas sa bibig niya imbis na mabangong hininga.
Gusto niyang humarap kay Wonwoo na amoy bagong paligo, mukhang kagalang-galang, at higit sa lahat, hindi mukhang nambato ng bola sa mukha ng may mukha.
Kinabukasan, hinatid siya ni Seungcheol gamit ang karag-karag nitong Wave 125 papunta sa Taft kung saan ang usapan nila ni Wonwoo. Libreng sakay na 'yon, pero halos mabingi naman si Mingyu sa kahabaan ng biyahe dahil panay ang pangaasar ng tropa niya na mukha raw siyang aplikanteng papasok sa call center sa tindi ng pagkaka-gel ng buhok niya.
Hindi pa rin kasi siya in-accept ni Wonwoo sa Facebook, kaya no choice siya kundi mag-antay. Tanging email lang na may pormal na detalye, address, at oras ang isend sa kaniya ng magandang binata. Nag-reply naman si Mingyu ng, “Copy po boss, see you po gd am,” kaso hindi na siya nito binalikan.
Ngayon, nakatayo si Mingyu sa tapat ng isang coffee shop sa may tapat ng DLSU. Nakatitig lang siya sa salaming dingding nito. Sa labas pa lang, amoy-aircon at amoy-mayaman na, 'yung tipong mukhang tag-150 pataas ang pinakamurang kape at bawal ang maingay.
Nagdadalawang-isip tuloy siyang pumasok. Ngayon lang siya kinabahan nang ganito sa buong buhay niya. Mas matindi pa 'to kaysa nung huling laro niya ng championship sa pa-liga ng Barangay nila.
Huminga siya nang malalim, inayos ang kwelyo ng pinlantsa niyang polo, at inipon ang lahat ng lakas ng loob bago dahan-dahang itinulak ang babasaging pinto.
Sinalubong agad siya ng pino at malamig na bugso ng aircon at ng pamilyar na tunog ng indie music sa background. Luminga-linga si Mingyu, at hindi naman siya nahirapang maghanap dahil walang ibang tao sa loob kundi ang pakay niya.
Sa pinakasulok na lamesa malapit sa bintana, nakaupo na ang kaniyang pakay. May nakalatag nang setup sa lamesa—isang maliit na digital recorder, notebook na may nakasipit na mamahaling ballpen, at isang nakabukas na MacBook na may sticker pa ng logo ng La Salle.
Nandoon si Wonwoo, nakasuot ng simpleng white linen shirt na nakatupi hanggang siko, suot ang bago nitong salamin na mukhang hindi na galing Paris pero mukhang mamahalin pa rin. Nakatitig ito nang seryoso sa screen ng laptop habang mabilis na nagta-type ang mga mahahabang daliri, sipsip-sipsip ang isang baso ng kape.
Napalunok si Mingyu. Sa personal at sa maliwanag na sikat ng araw, mas lalo pa itong maganda. Dahan-dahan siyang naglakad papalapit, dahan-dahan din ang bawat hakbang ng sapatos niya na tila ba natatakot siyang mabasag ang kung anong meron sa paligid ng magandang binata.
“Magandang araw, boss,” bati niya nang makalapit siya rito. Mas lalo siyang kinabahan nang biglang iniangat ni Wonwoo ‘yung ulo niya.
“Oh, you’re here,” sagot nito sabay tayo. “Nice to meet you again, Mr. Mingyu Jawo Kim.” At saka nito inilahad ang palad niya.
Tiningnan niya muna ang maputi at makinis na kamay ng binata bago dahan-dahang ngumiti, inilapat ang kaniyang medyo may kalakihang palad dito, at saka ito inalog nang banayad para sa isang handshake. “Nice to meet you rin,” sagot niya.
Naks. Ganda ng english ko dun, ah.
Bago pa man sila tuluyang makaupo, bahagyang inayos ni Wonwoo ang salamin sa kaniyang ilong at tinitigan siya. “Oh, by the way... our first meeting wasn’t that great, so I hope we can just forget about that and start fresh today. Honestly, I really need this feature for my midterms.”
"Ay, oo naman, boss! Kalimutan mo na 'yon,” mabilis na pagsang-ayon ni Mingyu, habang patihaya namang naglulundagan ang mga pusa sa tiyan niya dahil sa sobrang lapit ng mukha ni Wonwoo sa kaniya ngayon.
Pero agad na lumayo sa kanya si Wonwoo at saka itinuro ‘yung malambot na sofa sa gilid. “You can sit there,” sabi nito at saka umupo. “And, can we start na? Since I have lakad pa after this with my blockmates. You just need to answer my questions honestly and all that. Don't worry, I'll give you compensation naman for your time today.”
Napatitig si Mingyu sa kaniya habang dahan-dahang umuupo sa sofa, medyo lumulubog ang katawan niya sa sobrang lambot nito. Agad siyang nagtaas ng dalawang kamay at umiling-iling. “Uy, hindi na kailangan 'yung bayad, boss. Tulong ko na lang 'to sa project mo, tsaka kaibigan ko rin naman si Seungkwan.”
Napatigil si Wonwoo sa pag-aayos ng digital recorder niya at tiningnan siya nang diretso. “No, I insist. It’s part of my ethics as a student journalist. I don't want to just take your time for free.”
“Promise, hindi na talaga,” ngumiti si Mingyu, sabay haplos sa batok niya habang ibinababa ang boses para swabe lang. “Wala naman akong ginagawa ngayong Sabado kundi matulog. Okay na ako rito.”
“Then, how do I pay you? I don't want to feel indebted to someone. Magkano ba ang usual rate mo or something?”
Tinitigan niya ito. Ang ganda talaga ng mga mata nito sa malapitan, kahit na medyo masungit ang tingin. Biglang pumasok sa utak niya ang payo ni Seungcheol na umatras na, pero dahil sutil ang puso niya, susugal siya ngayon.
“Ah, siguro... pa-accept na lang sa Facebook?”
Sandaling tumahimik ang paligid.
“What?”
Ngumiti si Mingyu. “In-add kita sa Facebook nung isang araw. Accept mo na lang ‘yung friend request, quits na tayo.”
“That’s it?” takang-takang tanong ni Wonwoo.
“Oo, 'yun lang,” sagot niya sabay tango.
Inayos ni Wonwoo ang salamin niya at sumandal sa upuan. “I don’t add or accept people I’m not close with.”
“Awts. Sakit naman nun, boss.”
“I’m serious,” seryosong sagot ni Wonwoo.
“Ah, okay. Edi kahit wala na lang talaga.”
“No, there must be something,” pagpupumilit ni Wonwoo. “I don’t want to feel bad after this interview.”
Tiningnan ni Mingyu ang iced coffee na hawak ni Wonwoo bago lumingon sa menu board na nasa likod ng counter ng barista. Mukhang masasarap ang kape rito, at dahil pinanindigan niyang huwag mag-yosi bago pumunta rito, medyo naghahanap ng pait ang panlasa niya.
“Kape na lang?” muling hirit ni Mingyu sabay turo gamit ang nguso sa counter. “'Yung matapang.”
Bahagyang umikot ang mga mata ni Wonwoo sa hirit niya. “Yeah, I’ll give you that. Do you want it now or after this interview na lang?”
“Pagkatapos na lang, boss.”
Tumango si Wonwoo at saka sinabi na sa kaniya ‘yung mga gagawin para sa araw na 'to. Sinabi nito ang magiging daloy ng profile article, maliban na lang sa mismong mga tanong dahil ayon kay Wonwoo, gusto niya ay maging 'natural' at hindi tunog de-kahon ang mga isasagot niya.
“Okay, the recorder is running now,” panimula ni Wonwoo, bahagyang sumandal sa kaniyang upuan at hinawakan ang ballpen.. “Let’s start with something basic. I noticed Seungkwan and the people at the court call you 'Jawo.' Why is there a 'Jawo' in your name?”
Natawa nang bahagya si Mingyu, ipinatong ang mga kamay sa kaniyang hita bago sumagot. “Ah, 'yon ba? Idol na idol kasi ng tatay ko si Robert Jaworski ng Ginebra. 'Yung tipong kahit umuulan o walang kuryente sa amin noon, makikinig talaga 'yon sa de-bateryang radyo kapag laro na ng Ginebra. Kaya nung pinanganak ako at nakitang mahaba ang mga binti ko, sabi niya ako raw ang magpapatuloy ng legasiya ng 'Never Say Die' sa pamilya namin. Ayun, imbis na Mingyu lang, dinagdagan niya ng Jawo at ‘yun na ang itinawag sa 'kin sa bahay hanggang sa umabot na sa buong barangay.”
Tumango-tango si Wonwoo habang mabilis na nagsusulat sa notebook niya. Mukhang pamilyar naman na ito sa pangalang binanggit niya kahit mukhang hindi naman ito nanonood ng PBA.
“I see. A local legend’s title passed down by your father. It carries a lot of weight in grassroots basketball,” sabi ni Wonwoo, seryoso pa rin ang mukha habang inaayos ang kaniyang salamin sa ilong. “Then, my next question: why basketball? Out of all the sports, why did you choose this one?”
“Sa totoo lang, laking-kanto kasi ako, boss,” nakangiting sagot ni Mingyu, nakapatong ang mga siko sa tuhod habang nakatitig sa binata. Ninanamnam niya ang pagkakataon na pagmasdan ang mukha nito nang malapitan habang wala pa silang ginagawa kundi mag-usap. “Sa Pilipinas naman, lalo na sa mga barangay, automatic na 'yan, pagkapasok mo sa eskinita, may ring na agad ng basketbol na gawa sa lumang gulong ng trak o kaya bariles na biniyak. Wala kaming pambili ng raketa ng badminton o pang-tennis noon. Doon ako lumaki sa kalye. Doon ko natutunang makisama sa ibang tao, 'yung tipong makikipag-balitaktakan ka muna bago makuha ang court. Para sa 'min kasi rito, ang basketball hindi lang basta laro, takbuhan din namin 'to kapag pagod na kami sa bahay, kapag walang baon, o kapag gusto lang naming sumaya.”
Bahagyang natigilan si Wonwoo, tila ninanamnam ang sagot niya bago ulit nagsalita. “Given your talent, I mean, Seungkwan told me you’re basically the MVP in your local leagues, and I saw how you play once, why did you not go to UAAP schools to fully pursue your basketball career? Why choose PUP, a state university?”
Huminga ng malalim si Mingyu, sumandal sa malambot na sofa. Sumagi sa isip niya ang lumang sapatos niya na may tahi pa sa gilid. “Ang totoo niyan, wala rin naman ako sa official roster ng PUP ngayon. Na-scout na 'ko noon, pero pinili ko munang mag-focus sa pag-aaral, pero pinag-iisipan ko pa naman kung sasali ako sa mga susunod na semester. Kung sa UAAP naman... noong high school ako, may nag-scout na sa akin galing Ateneo.”
Nanlaki nang bahagya ang mga mata ni Wonwoo sa narinig. Napahinto pa ang panulat nito sa ere. “Really? You got scouted by ADMU but you didn't take the offer? Why? That’s literally every local player’s dream.”
“Ayon nga, gusto ko muna mag-focus sa pag-aaral noon. Alam mo naman ang buhay sa 'min, boss. Hindi kami tulad ng iba na kayang mag-aral nang walang iniisip na bayarin,” paliwanag ni Mingyu. Nabawasan ang ngiti niya, pinalitan ng seryosong tono ng isang batang maagang namulat sa reyalidad ng buhay. “Kailangang siguraduhin na makakatapos agad para makatulong sa pamilya. Naisip ko baka mapabayaan ko grades ko kapag pinagsabay ko ang bugbog ng training sa UAAP. Alam mo 'yon? Doon, kapag bumagsak ka sa subjects, tanggal ka sa team. Sa hirap ng buhay namin, hindi ko pwedeng isugal 'yung pagkakataon na makatapos nang mabilis.”
Tinitigan siya ni Wonwoo nang matagal. Ramdam ni Mingyu ang bigat ng tingin nito, na parang sinusuri ang bawat linya sa mukha niya kung nagsasabi ba siya ng totoo o nagpapakitang-gilas lang. Inayos ni Wonwoo ang salamin, dahan-dahang ibinaba ang ballpen, at tumingin nang diretso sa kaniyang mga mata bago nagbato ng follow-up question.
Ganda mo naman.
“Do you regret it? Do you regret not taking the offer to play for a major league? Honestly.”
Ngumiti nang bahagya si Mingyu. Pilit niyang itinago ang kaunting pait na dumaan sa utak niya kapag naaalala ang nakaraan at ang mga pangarap na pansamantala niyang ibinaba sa semento.
“Siyempre, hindi naman ako magsisiningaling sa'yo, kasi oo. May panghihinayang din,” pag-amin niya, diretsahan at walang paligoy-ligoy. “Sino ba namang basketbolista ang ayaw makapaglaro sa Araneta o sa MOA Arena na may libo-libong taong sumisigaw ng pangalan mo, 'di ba? 'Yung nakasuot ka ng magandang jersey, may maayos na sapatos na hindi pinalalamon ng rugby linggo-linggo, tapos napapanood ka ng pamilya mo sa TV. Minsan nga, kapag nakahiga ako sa gabi habang maingay ang tunog ng tren sa riles, naiisip ko rin kung nasaan na kaya ako ngayon kung tinanggap ko 'yon. Baka sikat na ako. Baka may endorsement na ako ng sapatos.”
Bumuntong-hininga siya, sandaling inalala ang sarili noong high school na halos walang bilib sa sariling kakayahan.
“Tsaka isa pa, hindi naman kasi ako naniniwala sa sarili ko noon, eh. Laking-kanto lang ako. Sanay ako sa larong kalye na walang referee, 'yung balyahan kung balyahan. Nung dumating 'yung scout mula Ateneo, akala ko jino-joke time lang ako. Sino ba naman ako para mapunta sa ganoong kalaking school, 'di ba? Akala ko tsamba lang 'yung galing ko, na panandalian lang. Natakot ako na baka pagdating ko roon, mapatunayan kong hindi naman talaga ako magaling, tapos mawala pa 'yung scholarship ko. Kaya pinili ko na lang 'yung sigurado, 'yung kayang tustusan ng pamilya ko nang walang nanginginig na tuhod tuwing enrollment.”
Humarap siya nang mas diretso kay Wonwoo, at doon ay muling bumalik ang banayad na ngisi sa kaniyang mga labi. “Pero andito na ako, eh. At sa tingin ko naman, hindi ko rin makikilala ang mga tamang tao kung hindi ako napadpad sa court na 'to ngayon. May mga bagay na hindi binibigay sa'yo kasi may mas magandang rason kung bakit ka nandito sa kasalukuyan.”
Natigilan si Wonwoo sa huling sinabi ni Mingyu. Hindi ito agad nakapagsalita o nakapag-type sa MacBook nito. Napansin ni Mingyu ang saglit na paglambot ng expression sa mga mata ni Wonwoo. Ang katahimikan sa pagitan nila ay bumasag sa mahinang tunog ng pop music sa cafe, habang si Mingyu naman ay nanatiling nakatitig sa binata.
Nabasag ang katahimikan nang marinig niya ang mahinang tunog ng keyboard ni Wonwoo. Muli itong nag-type. Matapos ang ilang sandali, itinigil niya ito at muling tiningnan si Mingyu.
“That’s a very raw perspective, Mingyu. Thank you for sharing that,” seryosong sabi ni Wonwoo. “But looking at you now, you’re still very passionate about the game. So, for my next question: Do you still plan to pursue professional basketball? Like, entering the PBA draft in the future? Or you’re just going to play for inter-barangays?”
Napakamot sa ulo si Mingyu, medyo natawa bago sumagot sa mas malalim na pangarap na matagal na niyang itinatago sa ilalim ng unan. “Pangarap pa rin naman 'yon. Hindi naman nawawala 'yung pagnanais ng isang basketbolista na makatapak sa professional league. Pero sa ngayon, reyalistiko ako, eh. Ang PBA ngayon, hindi na lang basta galing ang labanan kasi kailangan mo ng koneksyon, magandang exposure sa UAAP o NCAA. Sa PUP, mahirap makuha 'yung ganoong klaseng spotlight. Pero kung may magbubukas na pinto pagkatapos kong makatapos ng kolehiyo? Kahit dumaan ako sa pinakamaliit na butas, susubukan ko pa rin.”
Tumango si Wonwoo. “Let’s talk about your current environment, kanto basketball,” ani Wonwoo. “From an outsider’s view like me, it looks chaotic. What is your most intense or unforgettable experience while playing on those concrete barangay courts? I mean, standard basketball has rules, medical teams, and clean courts. How do you even survive there?”
Nangiti nang malupit si Mingyu, naaalala ang mga tadyakan at hiyawan sa gabi. “Naku, iba ang batas sa kanto. Walang 'foul' dun hangga't walang dugong pumapatak sa semento. Ang pinakamatinding karanasan ko siguro... nung nakaraang taon sa semi-finals ng inter-barangay. May nakatapat akong matanda galing sa kabila. Buong laro, sinisiko ako sa tadyang, tinatapakan 'yung sapatos ko, tapos binubulungan ako ng mga kung ano-anong pambabastos para lang ma-distract ako. Sabi sa 'kin ni Seungcheol noon, pumatol na raw ako. Pero naisip ko, kapag pumalo ako, talo ang team namin. Ayun, pinasukan ko ng sunod-sunod na tres sa tapat ng mukha niya, sabay ngiti nung pumasok. Pagkatapos ng laro, muntik na kaming habulin ng taga-kabilang barangay na may dalang dos-por-dos. Karipas kami ng takbo ng mga tropa ko habang nakatsinelas lang!”
Napaawang ang labi ni Wonwoo, halatang medyo nagulat sa kultura na sinabi niya. “You mean, your life is literally at risk sometimes just for a game?”
“Ganun talaga ang buhay-kalye. Para sa ibang tao kasi, buhay at pustahan 'yon. Isang linggong pangkain din 'yung mapapanalunan sa pusta,” paliwanag ni Mingyu. “Pero doon mo rin matututunan 'yung totoong tibay. Sa kanto, kapag nadapa ka sa sementong may mga maliliit na bato, hindi ka pwedeng umiyak o mag-inarte. Tatayo ka, dadahuran mo ng laway 'yung sugat mo, tapos depensa uli. Doon ako naging matibay siguro.”
Bahagyang napayuko si Wonwoo, isinusulat ang huling sinabi ni Mingyu. “So, Despite the danger, the lack of safety, and the budget, why do you still choose to go back to that concrete court every single afternoon?”
“Kasi doon ako malaya. Sa loob ng court na 'yon, walang nagtatanong kung may pambayad ba kami sa kuryente buwan-buwan. Walang nagtitingin kung kupas ba 'yung jersey ko o kung may tahi 'yung sapatos ko. Sa loob ng apat na linya ng court, pare-pareho kaming lahat. At saka kung hindi naman dahil sa court na 'yon... hindi mo ako i-interview-hin ngayon, 'di ba?”
Tumango ulit si Wonwoo. Ni hindi manlang niya nakita ‘tong ngumiti kahit isang beses.
“Ikaw? Bakit journalism?” tanong niya. Baka sakaling makalusot.
Tinaasan lang siya ng kilay ni Wonwoo. “I am the interviewer.”
“Ah, sabi ko nga.”
“So going back,” ani Wonwoo ulit. “Let’s move on to the social aspect of your game. My next question: How does your community view you? I mean, Seungkwan mentioned you’re a big deal in your barangay. Do you feel a sense of responsibility toward the younger kids who watch you play every day?”
“Sa totoo lang, nakakataba ng puso pero nakakapresyur din. Sa amin kasi, kapag hapon, nakapaligid sa court 'yung mga bata, 'yung mga pito hanggang sampung taong gulang, walang suot na pampita, pero nakatitig sa bawat ng mga manlalaro tulad ko. Kung dati kapag natatalo ako eh nagmumura ako, ngayon pinipigilan ko na. Kasi alam kong ginagaya nila ako, eh. Gusto kong makita nila na kahit laking-hirap kami, pwede kaming maging disiplinado sa loob ng court.”
“That’s highly commendable. Next question, basketball is a team sport, but you’re often highlighted as the star player. How do you balance individual glory with team dynamics, especially in a high-stakes kanto environment where egos can easily clash?”
Nangiti si Mingyu, naalala ang mga tropa niya. “Naku, boss, sa kanto, kapag nagbuwaya ka o nagmarunong, ikaw mismo ang babatukan ng mga kakampi mo pagbaba ng court. Wala sa 'min 'yung 'star player' kapag seryosong laro na. Alam ko kung kailan ako titira, pero alam ko rin kung kailan ko dapat ipasa ang bola kay Seokmin o kay Seungcheol kapag sila ang bakante. Ang laro sa kanto, diskarte at tiwala sa kasama. Hindi mo kayang ipanalo ang isang linggong pangkain ng pamilya mo kung sarili mo lang ang iniisip mo. Kakainin ka ng buhay ng depensa ng kabilang barangay.”
Hanggang sa nagtuloy-tuloy na nga ang mga tanong ni Wonwoo. Medyo marami pa ang mga sumunod na tanong nito at talagang kailangang detalyado ang bawat isasagot ni Mingyu. Mula sa kung paano niya pinagsasabay ang pag-aaral, laro na passion niya, pag-ekstra kung gabi para lang may pambili ng tape at rugby para sa bumubukang sapatos, hanggang sa mga seryosong usapan tungkol sa politika at kung bakit nga ba sa PUP niya piniling mag-aral.
Para kay Mingyu, sulit ang bawat laway na natutuyo sa lalamunan niya. Habang pormal na nagtatanong si Wonwoo at mabilis na nagtitipa sa MacBook nito, palihim niyang pinapanood ang bawat pagkurap ng mga mata nito sa likod ng salamin, ang bahagyang pagkagat ng labi nito kapag nag-iisip ng susunod na itatanong, at ang dahan-dahang paglambot ng reaksyon ng mukha nito habang unti-unting nauunawaan ang mundong kinalakihan niya.
Ganda talaga, eh.
“Last question to wrap this up. With everything you’ve been through like the scout offers you turned down, the risks in the kanto leagues, and your family’s situation, what does basketball truly mean to Mingyu Jawo Kim now? Is it still just a game, or has it become something else?”
Huminga nang malalim si Mingyu, tinitigan ang mga mata ni Wonwoo na tila ba doon niya hinuhugot ang pinakatapat na sagot niya.
“Dati, boss, takbuhan ko lang 'to para makalimot na wala kaming ulam. Pero ngayon? Ito na 'yung nagpapatunay na kahit tagaroon ako, may halaga ako. Na may kaya akong patunayan. Basketball ang nagturo sa akin na huwag sumuko, kasi hangga't may natitira pang segundo sa oras, pwedeng-pwede mo pang maipasok 'yung panalong tira.”
“Hmm, that’s a nice perspective.”
Ngumiti siya at saka nagpatuloy. “Sa buhay naman, ganun din, 'di ba? Akala ng marami kapag pinanganak kang kapos, hanggang doon ka na lang. Parang tambak ka na agad ng bente puntos sa first quarter pa lang, tapos ang bigat pa ng mga referee sa'yo kasi tagilid ang hustisya. Pero ang natutunan ko sa court, hindi mo pwedeng isuko 'yung laro dahil lang masama 'yung panimula mo. Kailangan mong rumebound, kailangang dumepensa, at kailangang pagtrabahuhan bawat puntos kahit lapnos na 'yung balat mo sa semento. Kaya kahit mukhang talo ako sa una sa tingin ng lipunan, malay mo sa huli, ma-shoot ko rin ang panalo para sa pamilya ko.”
Natigilan si Wonwoo sa huling hirit niya, ngunit bago pa ito makasagot ay dahan-dahang pinindot ng binata ang stop button ng digital recorder sa pagitan nilang dalawa.
“And... that’s a wrap. We’re officially done,” pag-aanunsyo ni Wonwoo sabay sandal sa upuan. “Oh My God. That was so long. I think sumakit head ‘ko.” Sabay hilot nito sa sentido niya. “Thank you so much pala.”
Eksakto namang lumapit ang barista sa lamesa nila bitbit ang dalawang order. Ipinatong nito ang bago at umuusok pa na iced coffee ni Wonwoo, at ang isang malaking baso ng matapang na iced Americano sa tapat ni Mingyu.
“Walang anuman,” nakangiting bati ni Mingyu sa barista bago hinarap si Wonwoo na seryoso nang nag-aayos ng kaniyang MacBook at mga gamit sa bag. “O, boss, paano ba 'yan? Tapos na interview, baka naman pwede mo nang i-accept sa Facebook niyan?”
Tinignan ulit siya ni Wonwoo. “I told you. I don’t accept people na ‘di ko close.”
Awit. Talo na naman siya ngayon.
May saglit na katahimikan hanggang sa nagsalita ulit si Wonwoo. Binaba nito nang tuluyan ang hawak na ballpen at tinitigan ang gilid ng mukha ni Mingyu.
“Do you mind if I ask another thing? It’s not part of the interview, though.”
“Sige lang. Mukhang seryoso 'yan, ah? Ano 'yon?”
Iitinuro ni Wonwoo gamit ang dulo ng kaniyang daliri ang sariling mukha, tinutumbas ang pwesto sa tapat ng kay Mingyu. “That scar on your cheekbone. Where did you get it?”
Napahawak naman si Mingyu sa kaniyang pisngi, hinaplos ang maliit at medyo banayad na pilat na matagal nang nakalimbag sa kaniyang balat. Natawa siya nang bahagya.
“Ah, eto?” sagot ni Mingyu, medyo nahihiyang nagkamot ng ulo. “Sa basketball din, boss. Pero bata pa ako niyan, mga ten years old yata. ‘Yung court kasi sa amin noon, gawa-gawa lang talaga sa bakanteng lote. May nakaharang na kinakalawang na yero ng kapitbahay sa may baseline. Ayun, sa tindi ng agawan sa bola, na-shoot ko nga 'yung lay-up pero dire-diretso naman 'yung mukha ko sa talas nung yero. Duguan talaga, iyak ako nang iyak pauwi habang bitbit 'yung tsinelas ko.”
“Oh. That’s so vivid,” sagot nito at saka tumango. “Well, I guess... that scar speaks volumes about your passion. Most people step back when a game starts drawing blood, but you keep running. I think basketball is literally etched into who you are.”
Natigilan siya sa saglit. Ang totoo niyan, ‘di naman ganoon ang perspektibo niya sa peklat na may roon siya, kaya napangiti siya. “Salamat, Wonwoo.”
“For what?”
“Sa kanto kasi, tatawanan ka lang nila kapag nasugatan ka, sasabihan ka pang tanga kasi hindi ka umiwas. Pero sa’yo, may lalim bigla, eh. Parang nagkaroon ng silbi ‘yung pagkadapa ko noon kasi naging maganda sa pandinig mo ngayon.”
“Well, that’s what I think, really. No need to thank me kasi me dapat nagti-thank you for agreeing to an interview.”
“Nako, boss. Wala ‘yon. Ikaw pa ba.”
“What?”
“Wala. Sabi ko, isaw pa ba? Gusto mo isaw?”
“I don’t eat isaw.”
“Eh, betamax?”
“No. What is betamax?”
“Yung dugo ng–”
“Ew. No.”
Arte ah pero maganda.
Parang ayaw na lang din talagang umalis ni Mingyu dito.
‧₊˚🏀彡ִ ࣪𖤐
Makaraan ang ilang linggo matapos ang naging interview sa kaniya ni Wonwoo at pormal itong ma-ipublish sa opisyal na Facebook page ng organization nito, nagulat na lang si Mingyu sa sunod-sunod na pagtunog ng kaniyang messenger. Marami-rami rin siyang natanggap na mensahe mula sa iba’t ibang tao—may mga humahanga sa kaniyang kuwento, may mga nagtatanong kung saan siya madalas maglaro, at may mga taga-PUP na ngayon lang nalaman ang tungkol sa kaniya.
Hindi naman kasi niya inasahan na ganoon pala kasikat at katunog ang pangalan ni Wonwoo sa social media at maging sa unibersidad nila. Dahil sa artikulo, doon lang din mas nahukay ni Mingyu ang background ng magandang binata.
Nalaman niyang isa pala si Wonwoo sa mga napipisil at may malaking tsansa na maging courtside reporter ng La Salle para sa UAAP, bukod pa sa pagiging sobrang aktibo nito sa academics at iba't ibang organizations. Isa rin itong respetadong student-leader—isang bagay na pareho nilang pinapanindigan, dahil lider din si Mingyu sa sarili nilang komunidad.
Dahil din sa ingay ng na-publish na profile article, muling umabot ang pangalan niya sa sports director ng kanilang pamantasan. Pinatawag ulit siya ng pamunuan para kumbisihing sumali sa paparating na SCUAA, o ang State Colleges and Universities Athletic Association. Isang malaking entablado ito para sa mga atletang galing sa mga pampublikong unibersidad.
Pero gaya nga ng tapat na isinagot ni Mingyu sa interview sa kaniya ni Wonwoo, kailangan niya muna itong pag-isipang mabuti. Alam niyang mabigat na responsibilidad ang bitbitin ang pangalan ng paaralan, at ayaw naman niyang mapabayaan ang kaniyang mga grado lalo na’t patapos pa lang siya sa unang taon niya sa kolehiyo.
Kahit mukhang gago-gago at pilyo lang si Mingyu sa panlabas na anyo, pagdating sa reyalidad ng buhay at edukasyon ay sobrang seryoso niya. Hindi siya basta-basta nagpapabaya; pagkatapos ng lahat, hindi naman siya naging Salutatorian noong high school nang dahil lang sa wala. Alam niya ang hirap ng buhay, kaya alam niya kung ano ang dapat unahin.
Nang dahil din sa interview na ‘yon ay mas napalapit siya kay Wonwoo. Doon nagsimula ang mga simpleng asaran sa chat, ang mga biglaang pagsubaybay ni Wonwoo sa ilang laro niya sa lugar nila na kasama si Seungkwan kapag may libre itong oras, at ang ilang beses (marami) pangungulit niya rito. Ika nga, the rest is history kaya ngayon sa kasalukuyan, ay halos dalawang taon na silang magkaibigan nito.
Sa loob ng dalawang taon na iyon, nasaksihan ni Mingyu kung paano dinala ni Wonwoo ang kaniyang husay mula sa mga campus paper hanggang sa tuluyan nitong makuha ang pangarap na spot bilang courtside reporter sa UAAP.
Sa kabilang banda, si Wonwoo naman ang naging na sandigan ni Mingyu nang sa wakas ay lakasan niya ang kaniyang loob na pasukin ang SCUAA nang hindi isinasakripisyo ang kaniyang pag-aaral.
Kaya naman kung babalikan ang unang tanong sa kwentong ito, kung bakit sobrang inlababo siya sa kaibigan, marami siyang sagot diyan.
Ngunit sa paglipas ng dalawang taon na iyon, may isang tanong na madalas dumaan sa utak ni Mingyu kapag nakatitig siya sa mukha ni Wonwoo habang naglalakad sila: Bakit hindi siya naglakas ng loob na umamin?
Isa lang naman ang palaging sagot niya sa sarili niya kapag tinatamaan siya ng reyalidad: kasi takot siya, at sa tingin niya ay hindi naman talaga siya bagay kay Wonwoo.
Minsan, kapag nakikita niya si Wonwoo na nakasuot ng maayos na damit para sa UAAP coverage na pormal, malinis, at tinitingala ng marami sa ilaw ng Araneta o kaya MOA ay pumapasok ang kaunting pait sa dibdib ni Mingyu.
Naaalala niya kung saan siya nanggaling. Siya na laking-kalye, na ang amoy tuwing hapon ay pawis at semento, na ang sapatos ay may tahi pa rin ng rugby sa gilid, at ang kinabukasan ay kailangan pang bungkaliin araw-araw mula sa hirap.
Paano niya isisiksik ang sarili niya sa isang taong ganoon kakinang?
Natatakot siya na baka kapag sinubukan niyang humakbang lampas sa linyang itinakda ng pagkakaibigan nila, mapatunayan lang niyang hindi talaga sila para sa isa't isa.
Kaya para kay Mingyu, okay lang. Okay na okay na siguro na hanggang dito na lang muna sila. Mas pipiliin na niyang manatiling kaibigan, basta ba sa bawat pagkakataon na mapagod si Wonwoo sa bigat ng mundo, sa bawat oras na maiyak ito sa tindi ng presyur ng pag-aaral, ay siya pa rin ang laging unang takbuhan nito.
Sapat na sa kaniya na siya ang magsisilbing pahinga ni Wonwoo—tipong siya ang taong magpapatawa rito at magbabalik ng ngiti sa mukha nito pagkatapos ng isang mahabang araw.
“Hey. I really like your tattoo here,” sabi ni Wonwoo habang tinatrace ng dulo ng daliri nito ang tattoo ni Mingyu sa braso. Nakapatong ang ulo nito sa balikat niya, ang bango-bango pa, kaya naman halos hindi na makaconcentrate si Mingyu sa ginagawa niya.
Nasa condo siya ngayon ni Wonwoo, at sobrang dikit nito sa kaniya habang nagta-type siya sa pasuko na niyang laptop para sa isang school requirement na kailangan nang ipasa. Mahina pa naman siya pagdating sa kaibigan. Kulang na lang ay maging keyboard na rin ang dibdib niya sa bilis ng tibok nito.
Nilingon niya saglit si Wonwoo na nakatingin sa kaniya, halatang hinihintay ang sagot sa tinanong kung magpapadagdag pa ba siya sa hinaharap.
Ginamit ni Mingyu ang maangas at pilyo niyang ngiti para itago ang kaba. “Siguro kapag may inspirasyon na ulit, Won.”
Ngumiti si Wonwoo, medyo conyo ang datingan. “Me?”
“Ha?”
“I mean, you told me once kaya na I inspired you before. Isn’t that enough?”
Gago. Biglang kumalabog ang dibdib ni Mingyu. Pwede naman talaga.
Pwede niya ngang ipa-tattoo ang mukha ni Wonwoo sa mismong kaliwang dibdib niya para kapag tinanong siya kung sinong laman ng puso niya, literal na si Wonwoo ang ituturo niya—ala-Alden Richards lang.
“I’m just kidding, Gyu. I’m kidding,” biglang pagbawi ni Wonwoo sabay tawa nang mahina nang mapansin ang pananahimik niya. Tinanggal nito ang pagkakahiga ng ulo sa balikat ni Mingyu at bahagyang umayos ng upo.
“Kapag ikaw talaga pina-tattoo ko rito sa braso ko.”
Natawa si Wonwoo sabay irap. “Hey, don’t do that. That’s so baduy. Saka dapat you do that with your partner in the future, not with your friend.”
Friend daw. Sakit nun, ah.
Patay na patay nga ako sa’yo. Kayang-kaya kong lakarin mula Sta. Mesa hanggang Taft makita ka lang.
“Ah, ‘di ka papayag kapag ikaw ginawa kong inspirasyon tapos papatinta kita sa braso ko?”
Tumayo si Wonwoo mula sa upuan. Hindi rin nakatulong na suot nito ang malaking t-shirt ni Mingyu kaya halos lamunin nito ang buong katawan ng kaibigan. “Well, what would your future jowa say if they see your friend’s face permanently inked on your skin? It’s so weird, Gyu.”
“Sus. Selos agad? Sasabihin ko na lang kamukha mo lang 'yung guardian angel ko,” hirit naman niya, sinusubukan pang idaan sa biro ang nagwawalang tibok ng puso.
Ikaw nga gusto kong jowa.
“Shut up,” natatawang saway ni Wonwoo habang umiiling. “I'm serious. Imagine having to explain to your partner na, 'Ah, yeah, that’s just my friend on my biceps.' That’s a total red flag and a fast track to a breakup. So spare your future relationship the drama and save that space for someone who will actually hold your hand for real.”
Sa isip ni Mingyu, linyahan ‘yan ng mga taong handang mang friendzone ng kaibigan, eh.
“May point ka naman,” sagot niya habang nakangiti at saka binaling ‘yung atensyon sa laptop niya para ituloy ang pagtatype.
“Hey, Gyu.”
“Hmm?”
“When are you going to get a jowa? Do you have anyone na you think is your type and you want to pursue them?”
Napatigil ang mga daliri ni Mingyu sa ibabaw ng keyboard. Putsa, napakamanhid talaga, bulong ng isang bahagi ng utak niya.
Gusto niyang lumingon, gustong-gusto niyang titigan si Wonwoo sa mga mata at sabihing, 'Meron. Ikaw. Ikaw na suot 'yung paborito kong damit ngayon. Ikaw na dalawang taon ko nang gustong pormahan pero hindi ko magawa.'
Gusto niyang sabihin na kaya wala siyang nililigawan ay dahil tuwing may nagtatangkang lumapit sa kaniya, awtomatikong si Wonwoo ang nasa isip niya. Na walang-wala ang porma at ganda ng iba kumpara sa kanya.
Pero pinigilan niya ang sarili niya. Alam niyang one-sided lang ang lahat. Para kay Wonwoo, si Mingyu ay kaibigan lang. Hanggang doon lang. Natatakot si Mingyu na kapag sumugal siya, baka pati itong ganitong set-up nila—'yung malaya siyang nakakasama si Wonwoo ay biglang maglaho.
Pinilit niyang ibalik ang maangas at pilyong aura niya, saka dahan-dahang lumingon kay Wonwoo na may pilyong ngisi.
“Naku, Won, busy pa ako sa liga ng buhay,” biro niya, sabay sandal sa upuan at krus ng mga braso habang nakatitig sa kaibigan.
Ngumiti si Wonwoo at saka lumapit pabalik para tumabi ulit sa kaniya. “But seriously, Gyu. Are you telling me na wala ka talagang nagugustuhan right now? Like, zero?”
Hindi agad nakasagot si Mingyu. Natigilan siya, biglang na-stuck ang tingin sa mga mata ni Wonwoo na sobrang lapit na naman sa kaniya. Paano niya sasagutin 'yan nang hindi nabubuking ang sarili niya?
Dahil sa pananahimik niya, biglang nanlaki ang mga mata ni Wonwoo at napangiti ito. “Oh, who’s that? You, ha! Is it one of your blockmates? A schoolmate?”
Mas lalong hindi makapagsalita si Mingyu, kaya naman nagsimula na siyang mag-panic sa loob-loob niya. Para lang matigil ang pang-aasar nito at para hindi mahalata na ang mismong taong nagtatanong ang tinutukoy niya, mabilis siyang sumagot nang walang pag-iisip.
“Oo. Oo, meron.”
Biglang natahimik si Wonwoo. Nawala ang mapang-asar na ngiti nito at sandaling natitigilan, bago mabilis ding nakabawi at sumagot. “Oh, really? Who?”
“Hindi mo kilala, Won, eh,” pagpapalusot na lang niya, umiwas ng tingin at kunwari ay inayos ang mouse ng laptop niya para lang may magawa ang nanginginig niyang mga kamay.
Narinig niya ang mahabang pagbuntong-hininga ni Wonwoo bago ito pabirong sumuntok nang mahina sa braso niya. “Aw, come on! Make ligaw na kaya para you're not single anymore! You’re just being torpe!”
Torpe sa’yo, idol. Gustong-gusto nang isigaw ni Mingyu ang linyang iyon, pero nilunok niya ang sarili niyang laway kasabay ng paglunok sa katotohanang hanggang dito lang talaga sila.
“Saka na,” sagot niya ulit saka ngumiti. “Kapag–”
“Kapag?”
“Kapag nasa PBA na ‘ko.”
“So, one or two more years pa? Why? What if maunahan ka ng iba? What if that person gets tired of waiting for someone who won't even make a move?”
“Edi baka ‘di kami para sa isa’t isa. Wala pa kaming pang date.”
“You think too much about what you can give financially, Gyu,” mahinang sabi ni Wonwoo. “What if that person doesn’t care about the PBA? What if that person just wants you? You as you are right now.”
Ngumiti si Mingyu. “Edi mas okay.”
May saglit na katahimikan ulit. Sa totoo lang, ‘di niya na alam kung ano pa bang isasagot niya.
“That person is so lucky, though.”
“Ha?” sagot ni Mingyu.
Ngumiti si Wonwoo. “ I mean, whoever that person is, they’re getting someone who’s incredibly hardworking and passionate. Honestly, Gyu, not a lot of guys think the way you do nowadays. You’re already planning a whole future with that person in mind, even before you even make your first move.”
Inilapit pa ni Wonwoo ang upo nito, sapat na para maramdaman muli ni Mingyu ang init ng braso nito.
“Aside from that, you’re just a genuinely great guy. You’re protective, you’re funny, and I know you’d never fail the person you love because I see how fiercely you care for your family and the people around you,” patuloy ni Wonwoo. “So yeah... if I were that person, and I found out that a guy like you is waiting for the perfect timing just to give me the best, most stable version of himself? I’d think I am the luckiest person in the world.”
Napatitig na lang si Mingyu rito, tuluyang nawalan ng sasabihin. Gustong-gusto niyang itanong kung 'paano kung ikaw nga 'yon?' pero nanatili iyong nakabara sa lalamunan niya. Ang tanging nagawa na lang niya ay ang puwersahing ngumiti at humugot ng malalim na hininga para pigilan ang nagbabadya nitong pag-asa.
“Swerte rin naman magiging boyfriend mo, Won.”
“Yeah? Why do you say so?”
“Kasi... bukod sa mabait at matalino ka, maalaga ka rin. Akala lang ng iba suplado ka kasi seryoso ka palagi sa tv o sa school, pero hindi nila alam kung gaano ka ka-supportive na kaibigan. Kulang na lang ikaw na mag-review para sa akin kapag exam week na natin, eh.”
Natawa nang bahagya si Mingyu, pero agad ding lumalim ang sulyap niya kay Wonwoo.
“Saka, ang daling magpahinga kapag kasama ka, Won. Sa gulo ng mundo sa labas, sa kanto, sa laro, sa pag-aaral? Sa’yo lang ako nakakahanap ng tahimik na lugar kung saan pwedeng maging ako lang talaga. Kaya kung sino man ang magiging boyfriend mo, gago na lang niya kung pakakawalan ka pa niya.”
Hindi agad sumagot si Wonwoo sa kanya. Nagkatitigan lang sila nang malalim at matagal. Bago ulit ngumiti ang kaibigan at sabay sabing, “Dito ka na mag-sleep tonight. It’s getting late na rin. I’ll prepare us dinner and tapusin mo ‘yang ginagawa mo.”
Hindi na siya nakasagot dahil agad tumayo na si Wonwoo mula sa upuan at dumiretso na sa kusina.
Tinitigan niya lang ang likod nito at saka napabuntong hininga.
Swerte nga naman ng magiging boyfriend ni Wonwoo. Magiging siya kaya ‘yon kung aamin siya?
‧₊˚🏀彡ִ ࣪𖤐
Simula nang pumasok si Mingyu sa SCUAA noong ikalawang taon niya sa kolehiyo, walang palya sa panonood ng mga laro niya si Wonwoo. Kung tatanungin nga ang pamilya ni Mingyu o ang buong barangay Tambunting, iisang sagot lang ang makukuha nila: si Wonwoo ang number one cheerleader ni Mingyu at walang sinumang makakakaagaw sa pwestong iyon.
Kahit pa tambak si Wonwoo sa mga requirements sa school, o kaya naman ay tambak ang trabaho bilang courtside reporter, basta may laro si Mingyu sa araw na iyon ay gagawa at gagawa siya ng paraan para makapunta sa venue.
Swerte na rin na madalas ay mas maaga ang schedule ng mga laro sa SCUAA kumpara sa UAAP, kaya naman bago pa sumabak si Wonwoo sa sarili nitong coverage sa malalaking arena ay nakakapanood muna siya ng laro ni Mingyu.
Kaya minsan ay napagkakamalan silang magjowa, kahit hindi naman talaga pero pangarap ni Mingyu ‘yon.
Ngayong araw ang pinakahihintay na kampeonato: ang paghaharap ng PUP Radicals laban sa TUP Gray Hawks sa regional level ng SCUAA. Napakalaki ng nakataya kasi kapag nanalo sila rito, sila ang opisyal na magrerepresenta sa buong National Capital Region (NCR) para sa National SCUAA competition na gaganapin sa Camiguin, kung saan naghihintay na ang pambato ng Visayas—ang UP Cebu Fighting Maroons.
Punong-puno ang gym. Nanonood ngayon ang buong pamilya ni Mingyu kasama ang mga tropa niyang sina Seungcheol, Minghao, at Seokmin na halos magwala na sa bleachers sa pagsuporta. Siyempre, hindi rin mawawala si Wonwoo. Kahit napakagulo at napakaingay ng paligid, kabisado ng pandinig ni Mingyu ang boses nito; rinig na rinig niya ang bawat hiyaw at palakpak ni Wonwoo tuwing nakakashoot siya.
Dumating ang krusyal na bahagi ng laban. Fourth quarter, huling dalawang minuto na lang ang natitira sa oras at nakapako ang score sa pukpukang 90-90.
Bingit sa bingit ang kaba ng lahat, pati ng mga supporter sa bench. Kung mananalo ang PUP ngayon, matagumpay nilang mare-reclaim ang back-to-back championship at mapapanatili ang kanilang dalawang taong sunod-sunod na paghahari sa rehiyon. Sila ang itinanghal na kampeon noong nakaraang season, kung saan nakuha rin ni Mingyu ang kaniyang MVP title. Pero mas matindi ang presyur na pasan niya ngayon—hindi na lang siya basta pambato; siya na ang tumatayong kapitan at lider ng buong PUP Radicals.
Humugot ng malalim na hininga si Mingyu habang pinupunasan ng jersey niya ang pawis sa kaniyang mukha. Tumingin siya saglit sa direksyon ni Wonwoo na nakatayo na sa bleachers, suot-suot nito ang jersey na ibinigay sa kanya ni Mingyu noong nakaraang buwan.
Edi lalo siyang na-inspire niyan. Talaga nga naman.
Nagtama ang mga mata nila kaya agad na ngumiti si Wonwoo at nag-thumbs up sa kanya. Doon palang solb na solb na siya, e.
Pumito na ang referee at balik na ulit sa loob ng court.
“One minute and 10 seconds left here in the fourth quarter, ladies and gentlemen! Tie ballgame, 90-all, between the PUP Radicals and the TUP Greyhawks!”
Mabigat na ang paghinga niya, nanlalambot na rin ang mga binti niya matapos halos buong laro siyang bantayan ng TUP. Wala rin siyang pahinga mula first to fourth quarter.
“Radicals ball!” sigaw ng referee matapos mapunta sa PUP ang possession.
“55 seconds remaining!”
Si Mingyu ang tumawag sa play habang pababa ng court. Agad nag-set ng screen si Bobby para sa kanya. Sumubok dumaan ang depensa ng TUP pero mabilis siyang nakalusot. Umangat siya para sa floater kaso lang na-block siya.
“King Radical was rejected by Mendoza! What a defense!”
Umalingawngaw ang sigawan ng crowd habang mabilis na nag-transition ang TUP. Isang pasa sa corner at na-shoot ng point guard nilang si Minhyuk ang bola.
“And TUP takes the lead, 93-90!”
Ah, puta. Napapikit saglit si Mingyu kasi hindi agad sila nakadepensa roon. Pero sa isip niya ay may oras pa kaya pagkapasok nila sa halfcourt ay agad siyang dinoblehan ng depensa ng kabilang team. Alam ng TUP na siya ang tatakbuhan ng team at siya ang pinaka dapat bantayan sa loob.
Agad niyang pinasa sa kakamping si Sehun ang bola.
“Sehun trapped near the wing!”
Pero mabilis ding binalik sa kanya ni Sehun sa corner at saktong maluwag ang depensa ng TUP kaya agad niyang itinira ang bola.
“Kim from the corner and he’s wide open for three…!”
Tumaas ang bola habang tila sabay-sabay ding napahinto ang paghinga ng buong gym.
“Ice in his veins! Mingyu Jawo Kim with a massive three to tie the ballgame!”
“The captain delivers under pressure! Hindi mo talaga pwedeng bigyan ng kahit kaunting espasyo ang hari ng ligang ito ngayon dahil paparusahan ka niya agad!”
“At tingnan mo ang composure nitong bata! Dinoblehan siya ng depensa, trusted his teammate, got the ball back, relocated to the corner, and textbook basketball IQ mula sa reigning MVP!”
“Big-time players make big-time shots, and Mingyu Jawo Kim is proving exactly why he’s the heart of this PUP Radicals!”
“Time game again! 93-all!”
Agad na nag-time out ang TUP kaya agad din siyang niyakap ng mga teammates niya dahil sa puntos na ‘yon. Pagkatapos ay tumingala siya para tignan ang oras at 20 seconds na lang ang natitira.
Nang makabalik sa bench ay nilingon niya muna ‘yung bench kung saan alam niyang nakapwesto si Wonwoo. Nakatingin ito sa kanya habang nakangiti. Syempre, binalik niya ‘yung ngiti.
Para naman siyang nanalo sa lotto niyan. Kung tutuusin, walang katumbas ‘yang mga ngiti ni Wonwoo, e. Inspired na inspired siyang maglaro kung ganyang kaganda ba naman ngingiti sa’yo matapos mong maka-shoot.
Tinapik na siya ng teammate niya dahilan para lingunin niya ang coach nila na naghahanda na ng next play nila.
“Makinig,” seryosong sabi nito habang mabilis na gumuguhit ng play sa board. “Bawat possession, dinodoblehan nila si Mingyu. Expected na ’yan. Kaya gagamitin natin ’yon laban sa kanila.”
Tahimik na nakinig ang lahat.
“Minhyuk, ikaw magse-screen dito.” Tinuro ng coach nila ang taas ng key. “Sehun, sa side corner. Huwag kang gagalaw unless bumitaw bantay mo.”
Tumango si Sehun.
“Tapos, Kim…” Napatingin ang coach sa kanya. “Huwag mong pilitin agad. Basahin mo depensa. Kapag dinoble ka ulit, may free man tayo.”
Tumango si Mingyu habang pinupunasan ang pawis sa mukha gamit ang jersey niya.
Pero nagsalita ulit ang coach. “At kapag nagkamali sila kahit isang segundo lang, itira mo. Sa’yo ang huling bola, Kim.”
“Kopya, coach!”
“Depensa muna tayo!” dagdag ng coach habang malakas na pumalakpak. “Isang stop! Isang stop lang at atin ‘to!”
Pagkatapos ay tumunog na ulit kumpas na kailangan na nilang bumalik sa loob ng court. Pag-apak pa lang ni Mingyu sa court, parang nawala ulit ‘yung ingay ng drums at hiyawan ng libo-libong estudyante sa gym. Ang tanging naririnig na lang niya ay ang sarili niyang mabigat na paghinga at ang mabilis na tibok ng kaniyang puso.
93-93. Twenty seconds.
TUP ang may hawak ng bola. Ang point guard nilang si Hui ay dahan-dahang nagdribol ng bola pataas, kinakain ang oras habang seryosong nakatingin sa depensa ng Radicals.
Agad na lumipat si Mingyu para bantayan ang kapitan ng TUP. Binaba niya ang kaniyang stance, nakabuka ang dalawang kamay para dumepensa. Ramdam niya ang sakit ng kaniyang tuhod at ang bigat ng binti matapos ang halos apatnapung minuto ng laro, pero hindi siya pwedeng bumigay ngayon kasi naniniwala siyang kanila ‘tong larong ‘to.
15 seconds sa shot clock. Biglang dumiwang ang guard ng TUP, gumawa ng mabilis na crossover pakanan, bago biglang bumanat ng step-back jumper.
“Dikit!” sigaw ni Mingyu sabay talon, itinaas ang kaniyang mahabang braso para takpan ang paningin ng kalaban.
Tumama ang bola sa likod ng ring. “Rebound!” sabay-sabay na sigaw ng buong bench ng PUP.
Sa tindi ng agawan sa ilalim ng rim, nagkabaliwan ang mga siko at katawan. Halos liparin ni Mingyu ang ere, sinalubong ang bola gamit ang dalawang kamay, at mahigpit itong niyakap pagkababa niya sa sahig. Ramdam niya ang tulak ng defender sa likod niya, pero agad siyang tumayo.
“Takbo!” hiyaw niya habang ipinapasa ang bola sa guard nila.
Huling labinlimang segundo. Hawak ng PUP ang opensa. Dinala ang bola sa harap ng court. Isang mabilis na pick-and-roll ang ginawa ng Radicals. Tumakbo si Mingyu patungo sa high post, sumenyas na hihingi ng bola mula kay Bobby. Pagkasalo niya, agad siyang dinalawahang bantay ng TUP.
Lagi na lang talaga siyang nado-double team kaya agad niyang ipinasa kay Jungwoo ang bola.
Walang time-out ang PUP. Kailangan nilang mag-execute on the fly. Hawak ng guard nila ang bola, dahan-dahang lumalapit sa dulo ng court habang binibilang ang natitirang segundo sa game clock.
15… 14… 13…
Sumenyas si Mingyu. Lumapit siya para mag-screen, bago mabilis na umikot patungo sa shaded area—isang roll to the basket. Sakto ang pasa ni Jungwoo sa kanya. Ang bola ay dumating sa mga kamay niya sa huling walong segundo.
Sinalubong siya ang matangkad na center ng TUP upang harangan ang daan. Sa isang iglap, pumasok sa isip ni Mingyu ang peklat sa pisngi niya—ang laro noong bata pa siya, ang duguan niyang kabataan, at ang mga salita ni Wonwoo: “Basketball isn't just something you play, Mingyu, it's literally etched into who you are.”
Hindi ako magpapatlo rito.
Bumwelo si Mingyu. Imbis na umiwas, hinarap niya ang contact. Tumalon siyaat binuhat ang sarili sa ere laban sa pisikal na depensa ng kalaban. Nagkabanggaan ang kanilang mga katawan sa ere at walang tawag na tulad nang inaasahan niya. Pero nasa ere pa rin si Mingyu at nabitawan niya ang bola gamit ang kaniyang kanang kamay, mataas ang pagkaka-arc nito sa ibabaw ng nakataas na mga kamay ng defender.
Lumapag si Mingyu sa sahig nang paupo, halos mawalan ng balanse habang ang lahat ng mata sa gym ay nakatutok sa bolang umiikot sa ere.
Tumunog ang buzzer sabay ng pagkahulog ng bola diretso sa net.
“It counts! It counts! The basket counts for Mingyu Jawo Kim!”
“And the PUP Radicals are back-to-back NCR SCUAA champions! They’re heading to the nationals in Camaguin!”
Hindi pa nakakatayo si Mingyu mula sa sahig nang dagsain na siya ng buong koponan niya. Niyakap at binuhat ng mga kakampi niya habang nagbabagsakan ang confetti mula sa kisame ng gym. Sa gitna ng gulo ng selebrasyon, pilit niyang nilingon ang bleachers kung saan nakaupo si Wonwoo.
Sakto naman na nakatayo na ang kaibigan at may hawak na phone na mukhang nagvi-video ng nangyayari.
Bahala na kung anong isipin ng iba.
Agad siyang tumayo mula sa pagkakadumog sa kaniya ng mga teammates niya at saka tumakbo papunta sa bleachers. Alam niyang may iilang camera na nakasunod sa kaniya pero wala na siyang pake at this point. Ang ingay ng paligid, ang hiyawan ng mga tao sa gym, at ang mga nagbabagsakang confetti—lahat 'yon naglaho sa paningin niya.
Ang natira na lang ay si Wonwoo.
Mabilis siyang umakyat sa baitang ng bleachers. Nang makalapit, hindi na siya nag-dalawang isip pa. Hinawakan niya si Wonwoo sa baywang at hinila ito para sa isang mahigpit na yakap. Naramdaman naman niyang agad na pinulupot ni Wonwoo ang mga braso sa leeg niya.
“Congratulations, MVP,” bulong ni Wonwoo sa kanya.
Sa isip-isip niya, gustong-gusto na niyang isigaw. Mahal kita, Won.
Kulang na lang ay bumuka ang bibig niya para pakawalan ang mga salitang dalawang taon na niyang kinikimkim.
Pero pinigilan niya ang sarili niya. Hinigpitan na lang niya ang yakap, ninanamnam ang pamilyar na amoy ng kaibigan.
“Salamat, Won,” sagot niya.
Agad na humiwalay si Wonwoo sa kanya. HInawakan nito ang magkabilang balikat niya at saka tumingala para tignan siya sa mga. “You were so great out there.”
“Hmm.” Tumango lang siya habang nakatitig sa mga mapupungay na mata nito sa likod ng salamin. Kung panaginip man ito, ayaw na niyang magising pa.
“And you deserve this championship,” patuloy ni Wonwoo. “Sabi ko sa’yo, eh. It’s etched into who you are.”
“Galing ko ba? Proud ka sa’kin?”
Tumango si Wonwoo sa kaniya habang nakangiti pa rin, pinisil ng mga daliri nito ang magkabilang balikat nya. “Super proud. I’ve never seen you play like that before. You were literally carrying the whole team on your back during those last two minutes.”
“Syempre,” hirit niya naman. “Nanonood ka, eh.”
Natawa nang bahagya si Wonwoo sabay hampas nang mahina sa dibdib ni Mingyu. “Silly. But even if you lost, you’d still be the best player for me.”
“Ah, talaga?” bulong niya at mas dinala ang mukha palapit, sapat na para maramdaman niya ang init ng hininga ng kaibigan. “Kahit hindi ako mag-MVP sa Camiguin, ako pa rin?”
“Of course, Gyu. Sabi ko naman sa'yo kanina, right? You as you are now is more than enough. Stop doubting yourself.”
Tangina talaga.
Sobrang mahal na mahal ko siya, Lord.
“Ona, boss. Hindi na magdududa,” sabi ni Mingyu. “Salamat sa suporta, Won.”
“Always, Gyu. I got you, MVP.”
Para na tuloy siyang tanga sa sobrang laki ng ngiti niya ngayon. Kung pwede lang na buhatin niya si Wonwoo ngayon, gagawin niya, e. Kaso lang baka ‘di naman komportable si Wonwoo roon kaya hindi niya ginawa.
“Ako lang MVP mo, ah?” tanong niya. Lintek na ‘yan. Ang angas angas sa court pero nanghihingi ng assurance sa kaibigan.
“Yes. You lang.”
Ayun. Kinilig na naman siya.
Malala ka na talaga, Jawo.
Panigurado na ‘yan ang sasabihin ng mga tropa niya kapag kinwento niya ‘to.
‧₊˚🏀彡ִ ࣪𖤐
Maingay ang buong Araneta Coliseum, lalo na ang side ng mga nakaberde dahil katatapos lang hirangin bilang kampeon ang De La Salle University sa UAAP Men’s Basketball. Umuulan ng berdeng confetti sa court at halos mayanig ang buong arena sa hiyawan ng mga fans.
Pero para kay Mingyu na nanonood lang mula sa screen ng TV sa bahay nila, tila nawala lahat ng ingay. Ang tanging nakikita at naririnig na lang niya ay si Wonwoo na nakangiting ginagawa ang kaniyang trabaho bilang courtside reporter—at ang kasalukuyan nitong ini-interview na walang iba kundi ang tinatawag na King Archer at season MVP ng buong UAAP community, si Seungyoun Ezeikiel Cho.
Alam naman ni Mingyu na wala siyang karapatang magselos. Sino ba naman siya, ‘di ba? Kaibigan lang naman siya. Pero masakit pa rin sa mata. Matagal nang shiniship ng buong UAAP fandom si Wonwoo kay Seungyoun. Dagdag mo pang madalas mag-comment ang loko sa mga Instagram posts ni Wonwoo ng mga linyang masyadong pamilyar at may ibig sabihin, na halatang type din nito ang kaibigan niya.
Gusto niya nga sa kaniya na lang i-ship si Wonwoo, eh. Tangina, ang isip-bata pakinggan pero totoo 'yon. Kaso sadyang mas sikat at mas may pangalan si Seungyoun sa kaniya. Mas malaki ang spotlight, mas malawak ang coverage, at mas tutok ang atensyon ng buong bansa sa UAAP kumpara sa SCUAA kung saan siya naglalaro.
Kung tutuusin, ano nga ba namang laban ng isang King Radical ng PUP sa isang King Archer ng La Salle?
“I am here with the newly crowned UAAP Season MVP and Finals MVP, Seungyoun Cho of the DLSU Green Archers,” panimula ni Wonwoo. “Seungyoun, congratulations on a historic season. You practically carried the team in the fourth quarter. How does it feel to finally bring the championship back to Taft?”
Nangiti si Seungyoun, bago sandaling sulyapan si Wonwoo.
“Ayusin mo tingin mo, pre,” komento niya habang hawak-hawak ang remote. “Tinging may malisya ka, eh.”
Buti na lang talaga at mag-isa siya sa bahay nila ngayon, kasi kung hindi, baka binatukan na siya ng mga magulang niya kakakomento rito.
“Thank you, Wonwoo. Honestly, we just trusted the system. Sabi ni Coach, high-pressure defense lang talaga. I knew I had to make that shot for the team, for the community na walang sawang sumusuporta sa amin buong season.”
“Sus,” komento uit ni Mingyu. “Pasalamat kayo na-injure star players ng UST.”
“Speaking of that high-pressure defense,” patuloy ni Wonwoo, bahagyang itinaas ang hawak na clipboard para sa kaniyang stats sheet. “You guys were down by as much as twelve points in the third quarter. It seemed like the momentum was completely on their side. What was the turning point for the Green Archers? Ano 'yung sinabi ni Coach sa inyo during that crucial huddle bago mag-fourth quarter?”
“Sabi lang ni Coach, we shouldn't let our emotions get the best of us. Reminded us na we've been in this position before. We just needed to take it one possession at a time, stop rushing our plays, and focus on our stops. Noong nakuha namin 'yung clear steal early in the fourth, doon ko naramdaman na, okay, this is our run. We can actually take this home.”
“And you definitely did. You also played almost thirty-five minutes today, matching up against their biggest players and offensive threats. How heavily did the physical toll weigh on you, especially during those dying seconds when you had to guard their top scorer?”
“Sobrang bigat, to be honest. My legs were cramping up na nga by the final two minutes. But at this stage of the finals, you don't really feel the pain anymore. Adrenaline na lang talaga at 'yung kagustuhan na mag-champion. It all paid off.”
“And it definitely paid off. You guys really showed what championship composure is all about. Before we let you go and celebrate with your team, do you have any messages? Sino ba 'yung mga gusto mong batiin right now?”
“Of course, my family who’s watching right now, my teammates, the coaching staff, and the whole La Salle community for bleeding green with us,” panimula ni Seungyoun, bago sandaling ibaba ang boses at tumingin kay Wonwoo. “And of course, you. Wonwoo. Thank you for being here until the final game.”
“Well, you definitely earned this moment, King Archer. Congratulations again to the DLSU Green Archers!”
Gago.
Napahigpit ang hawak ni Mingyu sa remote control ng TV nila, kulang na lang ay mabasag iyon sa kamay niya. Bagsak ang kaniyang mga balikat habang nakatitig sa mga nangyayari sa screen kung saan ipinapakita na ang selebrasyon ng La Salle.
Ang sarap sa pakiramdam na maging kampeon sa SCUAA, pero sa mga ganitong serye ng buhay, pakiramdam niya ay tambak na naman siya sa score.
Hindi naman bago si Seungyoun sa buhay ni Wonwoo dahil magkaibigan ang dalawa simula high school sila. Kung pag-uusapan ang pinagsamahan, mas mahaba at mas malalim ang panahong magkasama sila kung ikukumpara sa dalawang taon pa lang na pagkakaibigan nila ni Mingyu.
Kung tutuusin, bagay na bagay nga silang dalawa. Pareho sila ng mundong ginagalawan, pareho ang kinagisnang marangyang buhay. Komportable silang nag-uusap sa wikang nakasanayan nila, at walang kahit anong pader na humaharang sa kanila dahil pareho silang galing sa itaas.
Hindi na sila nagkita ni Wonwoo pagkatapos ng championship game ng PUP kung saan nanood ito. Sobrang naging busy kasi ang binata dahil bukod sa patapos na naman ang semester at tambak ang requirements, sunod-sunod din ang naging duty nito bilang courtside reporter para sa natapos na UAAP finals.
Wala naman silang fixed schedule ng pagkikita usually—kung sino lang ang libre, siya ang magpapasabi pero itong limang araw na ang pinakamatagal na hindi sila nagkausap o nagkita. Pakiramdam ni Mingyu ay mababaliw na siya kapag hindi niya nasilayan kahit saglit ang magandang mukha ni Wonwoo.
Kaso lang, pinalalaki lang niya ang sarili niyang inggit; paniguradong ngayong gabi ay kasama si Wonwoo sa engrandeng after-party ng La Salle para mag-celebrate, kaya malabong makapag-usap silang dalawa.
“Jawo! Diyan ka?! Tara laro! May dayo, tol!”
Napatayo si Mingyu mula sa pagkakasandal sa kama nang marinig ang sunod-sunod na katok at lakas ng boses ni Minghao mula sa labas ng pinto ng bahay nila. Agad niya itong binuksan at bumungad sa kaniya ang kaibigan na may ipit nang bola sa kilikili, naka-jersey, at may bitbit pang bimpo sa balikat.
“Sinong dayo?” tanong niya.
“Sila Jun lang, tol. Tag dalawang daan daw pusta kada ulo. G ka ba? Tara na, pre! Tsaka training mo na rin ‘to para sa Camiguin,” sagot ni Minghao sabay pasa nang mabilis sa bola na agad namang nasalo ni Mingyu gamit ang isang kamay.
Napatitig si Mingyu sa orange na bola. Oo nga pala, isang buwan na lang ang preparasyon ng PUP Radicals para sa National SCUAA competition. Imbis na magmukmok siya rito sa kwarto habang iniisip si Wonwoo na paniguradong may hawak na baso ng mamahaling alak sa tapat ni Seungyoun, mas mabuti pang dalhin niya ang lahat ng selos niya sa semento ng kanto.
“Sige, pre, wait lang,” sagot niya. “Bihis lang ako kamo,” sagot niya at saka pumasok ulit sa sala.
“Gago, ayaw ka ngang isali nila Jun kasi matatalo raw agad sila pero sabi ko kulang kami ng lalaro,” sabi ni Minghao at tuloy-tuloy na pumasok sa bahay nila.
“Oh, buti pumayag?” sagot niya habang isinusuot ang jersey.
“Wala naman silang magagawa, eh. Wala naman silang court sa kanila.”
Nang matapos siya magsuot ng jersey ay humarap na siya sa kaibigan. “Ge. Handa na nila tag-200 nila.”
Natawa si Minghao. “Tangina! ‘Yan ang bespren ko!”
“Gago!” sagot niya sabay kuha ng bola. “Tara na!”
Sa basketball na lang din talaga niya ibubuhos ang selos.
“Jawo! Una na kami, tol. ‘Di ka pa uuwi?” tanong ni Minghao sa kaniya, habang pinupunasan ng bimpo ang basang-basang leeg.
“Una na kayo, pre. Paiwan na lang muna ‘ko, magpapatuyo lang ng pawis,” sagot ni Mingyu nang hindi tumitingin.
“Ge, tol!”
Nang tuluyan nang tumahimik ang paligid, bumuntong-hininga nang malalim si Mingyu habang marahang pinipikit-pikit ang bola na gamit nila kanina. Nanalo naman sila sa pustahan at kung tutuusin, halos siya lang din naman ang bumuhat sa team nila dahil sa sunod-sunod na drive at saksak niya sa ilalim. Dahil doon, may dalawandaang piso siya sa bulsa niya ngayon—pambili rin ng biskwit at softdrinks.
Pero kahit panalo, walang bakas ng saya sa mukha niya.
Nakayuko lang siya, nakatitig sa gasgas na balat ng bolang hawak niya. Alam niya naman sa sarili niya kung bakit ganito kabigat ang pakiramdam niya, eh. Hindi naman dahil sa pagod ng katawan. Kanina pa kasi naglalaro sa isip niya ang mukha nina Seungyoun at Wonwoo roon sa TV screen.
Inabot niya ang kupas niyang shorts para kunin ang telepono niya. Pang-ilang beses na ba niyang tsinek 'to simula kaninang hapon? Wala pa ring bagong chat mula kay Wonwoo.
Hindi naman sa gusto niyang obligahin itong mag-update sa kaniya bawat minuto—wala naman siyang karapatang mag-demand ng ganoon bilang kaibigan lang. Pero ang masakit kasi, sineen lang ni Wonwoo ang huling chat niya kanina pang alas-kwatro ng hapon.
Gets ko naman, bulong ni Mingyu sa sarili sabay hilamos ng mukha gamit ang palad. Busy 'yon. UAAP champion 'yung school niya. Paniguradong nasa victory party 'yon ngayon sa kung saang hotel o club.
Na-imagine na naman niya si Wonwoo na tumatawa habang kausap si Seungyoun. Samantalang siya, heto, amoy pawis sa gilid ng kalsada ng Tambunting, may dalawandaang pisong panalo na hindi man lang kayang pambili ng isang shot ng mamahaling alak doon sa bar na pinuntahan ng mga ito.
Sa tindi ng inis at bigat sa dibdib, padabog na tumayo si Mingyu. Dinala niya ang bola sa perimeter line. Isang mabilis na dribble ang umalingawngaw sa court. Gumawa siya ng mabilis na crossover, nag-kunwaring may defender sa harap, bago biglang bumanat ng isang jump shot.
Gumulong ang bola palabas ng ring.
Hindi siya tumigil. Hinabol niya ang bola, sinalo ito, at bumalik sa sementadong arc. Isa pang tira at sablay na naman.
“Tangina naman,” usal niya. Muli niyang kinuha ang bola. Tumakbo siya nang mabilis patungo sa ring, tumalon nang mataas habang nakataas ang dalawang kamay, at buong lakas na idinunk ang bola sa kinakalawang na ring ng kanto.
Yumanig ang bakal na board. Lumapag si Mingyu sa semento, hinihingal, habang ang bola ay pumakayo sa kaniya. Tumingala siya sa madilim na langit, hinahabol ang hininga habang ang pawis ay pumapatak mula sa kaniyang buhok.
Kung pwede lang idunk ang selos na nararamdaman niya para mawala na, kanina niya pa ginawa.
Tumayo ulit siya at saka paulit-ulit lang ang ginagawa na dina-dunk ang bola o kaya magshu-shoot siya ng tres hanggang sa huling bagsak ng bola ay tuluyan na niyang binitawan ang lakas at saka humiga sa gitna ng court.
Ginamit na lang niya ang braso para takpan ang mga mata mula sa liwanag ng nag-iisang bawas-liwanag na poste ng ilaw sa kanto.
Ilang minuto rin siyang nanatili sa ganoong posisyon habang pinakikinggan ang dahan-dahang pagpreno ng ingay ng mga tricycle sa labas, at hinahayaang matuyo ang pawis sa kaniyang katawan. Sa bawat minutong lumilipas, mas lalo lang bumibigat ang isip niya. Nakakatawa na mas madali pang talunin ang limang defender sa ilalim ng ring kaysa sa multo ng selos na pilit niyang tinatakbuhan.
Nang maramdaman niyang medyo lumamig na ang hangin, bumuntong-hininga siya at nagpasyang tumayo na para kunin ang bola na gumulong kanina malapit sa gilid ng bleachers.
Gagalaw pa lang ang katawan niya nang biglang may marinig siyang pamilyar na boses mula sa dilim.
“You know, for a regional champion and MVP, your shooting form tonight was kind of not you.”
Napatigil siya at parang biglang napako ang likod sa semento. Mabilis niyang inalis ang braso sa mukha at napaupo para tignan kung sino ang nagsalita kahit kilala naman niya kung sino.
Doon, sa gilid ng court ay nakatayo na si Wonwoo.
Hawak ng isang kamay nito ‘yung isang echo bag at ‘yung isa naman ay ang bola na kukunin na sana ni Mingyu kanina.
Wala na ang pormal na corporate attire nito na suot niya kanina sa Araneta; nakasuot na ito ng simpleng oversized shirt at baggy jeans.
Napatitig lang si Mingyu sa kaibigan. “Won? Anong ginagawa mo dito?”
“I texted you that I was on my way, but someone ignored their phone probably,” sagot nito at saka inilapag ang dalang echo bag sa isang monoblock sa gilid. Pinanood na lang ni Mingyu kung paanong naglakad si Wonwoo papunta sa kanya at saka tumigil nang magkaharap na sila. “And here I thought you’d be happy to see me after five days of doing nothing but sideline court reporting.”
Ang buong akala ni Mingyu ay nasa after-party si Wonwoo ng school. Tapos ngayon, nandito siya sa madilim, maingay, at amoy-pawis na court ng Tambunting.
“Seryoso nga?” tanong niya habang nakatingala pa rin kay Wonwoo. “Nag-Grab ka papunta rito?”
“Yep,” simpleng sagot ni Wonwoo.
“'Di ka ba pumunta sa after-party nila?”
Umiling si Wonwoo. “Nope,” ani Wonwoo, saka siya umupo sa sahig kaya agad. “I’m so tired kaya to go there pa.”
“Madumi diyan, Won. ‘Wag kang umupo diyan,” sagot niya at sabay turo sa sahig na inuupuan na ni Wonwoo sa tapat niya. “Lipat tayo sa may mga monoblock.”
Imbis na tumayo, bahagyang umiling si Wonwoo. May kinuha siya mula sa bulsa ng kaniyang shorts—isang panyong pamilyar na pamilyar kay Mingyu. Kulay navy blue iyon, may burdang maliit na inisyal ng pangalan ni Wonwoo sa sulok.
Agad na rumesbak sa alaala ni Mingyu ang huling birthday ng kaibigan; iyon ang simpleng regalo niya rito na binili niya pa mula sa naipon niya at mismong nanay niya ang nagtahi nung initials ni Wonwoo, na akala niya ay itinabi na lang o nakalimutan na sa cabinet.
Hindi nagsalita si Wonwoo. Inilapit niya ang kaniyang katawan sa kanya, sapat na para maramdaman ni Mingyu ang pamilyar na amoy ng pabango nito na pilit na pumapawi sa amoy ng kalsada.
Dahan-dahan, itinapat ni Wonwoo ang panyo sa noo ni Mingyu.
“So dami ng pawis,” mahinang sabi ni Wonwoo, nakatutok lang siya sa ginagawa niya. “How many hours kayong naglaro?”
Natigilan si MIngyu. Talaga naman.
“Dalawang oras lang,” sagot niya sabay hawak sa pulsuhan ni Wonwoo. “Ako na, Won. Madungis ako ngayon, eh.” Inabot niya ang kamay ni Wonwoo para kunin ang panyo, pero marahan nitong iniwas ang kamay nito.
“It's okay, Gyu. Stay still,” sagot ni Wonwoo. Ipinagpatuloy niya ang pagpupunas sa pisngi ni Mingyu, pababa sa may panga, hanggang sa marahang dumaan ang kaniyang mga daliri sa ibabaw ng lumang peklat sa pisngi nito. “You ran like crazy again tonight, didn’t you? Sabi ko naman sa’yo, don't overwork yourself especially since your legs are still recovering from the regionals.”
Napangiti siya. Wala, eh. Mahina ako pagdating sa taong ‘to, eh.
“Okay lang,” sagot ni Mingyu, ninanamnam ang bawat marahang dampi ng panyo ni Wonwoo sa kaniyang noo. “Training na rin ‘yon.”
“But don’t overwork yourself.”
“Hmm, musta araw mo, Won?”
Ibinalik na ni Wonwoo ang panyo sa bulsa niya pero hindi siya lumayo. “Honestly? It was like, sobrang nakakapagod. Like, I’m overstimulated. Imagine, we were there since ten in the morning pa for the tech rehearsal. Then they changed the script and stats sheets last minute because the momentum of the game was so fluid.”
“Halata nga, daming tao sa araneta kanina, eh. Tska ganda nung buong laro. ”
“Grabe, swear. I could barely breathe towards the end because the drums were so loud, and I had to like, maintain my voice while reporting,” patuloy ni Wonwoo, bahagyang dinala ang tingin kay Mingyu at ngumiti ulit “That’s why right after the final buzzer and post-game interviews, I made paalam na agad to the production team. I skipped the dinners because I just really wanted to get out of those heavy clothes and corporate shoes, you know?”
Natawa nang bahagya si Mingyu, napatingin sa simpleng t-shirt at jeans na suot ngayon ngkaibigan. “Pero galing mo kanina, Won.”
“You watched naman, right?”
“Oo naman. Ikaw pa ba?”
Ngumiti si Wonwoo. “Silly. How about you? How’s your day?”
“‘Yun, nagpahinga lang sa bahay tska may tinapos na isang plate. Pagkatapos kong manood kanina ng laro, nag-aya si Hao kasi may dayo.”
“Nanalo naman kayo, right?”
“Oo naman. May dalawang daan nga ako ngayon kasi may pusta, eh. Pwede ‘tong pang pares mami. Kain tayo, gusto mo?”
“I want to. But, teach me muna how to shoot this ball,” sagot ni Wonwo at saka niya ulit kinuha ‘yung bola sa gilid.
Natawa si Mingyu. “Laro tayo?”
“No. Teach me lang. I don’t even know nga how to dribble, eh.”
“Baka mapagod ka niyan lalo, Won.”
“Teach me na, please?”
Ayun. Talo siya kapag nagpa-baby na si Wonwoo. Lalo na kung pinakitaan ba naman siya ng isang matinding pag nguso.
“O’na, sige na nga,” sabi ni Mingyu sabay tayo. Pinagpagan niya ang kaniyang shorts bago lumapit kay Wonwoo para kunin ang bola. “Ganito muna, Won. Bago mag-shoot, dapat alam mo kung paano hawakan nang tama. ‘Wag mong gagamitin buong palad mo, baka mapilayan ka.”
Lumapit si Mingyu sa likod ng kaibigan. Dahil sa mas matangkad siya, halos mapaloob niya ang katawan nito sa kaniyang anino. Inabot niya ang dalawang kamay ni Wonwoo at dahan-dahang ipinatong sa ibabaw ng bola. Isang kamay sa gilid bilang guide, at ang isa naman sa ibabaw para sa mismong talsik ng bola.
“Oh, okay.”
“Hawakan mo 'yung linya ng bola para may grip ka,” sagot ni Mingyu, masyadong malapit sa tainga ni Wonwoo. Ramdam na ramdam niya ang biglang pag-igting ng mga balikat ng kaibigan, pero hindi siya lumayo.
“Like this?” tanong ni Wonwoo, bahagyang lumingon kaya halos mag-abot ang mga ilong nila.
Paano siya makakapag-concentrate niyan kung ang lapit ng mukha ni Wonwoo sa kanya?
“Oo, ganyan,” sagot ni Mingyu, napalunok siya bago muling tumingin sa ring. “Tapos 'yung siko mo, ‘wag mong ilalabas. Dapat naka-L shape siya. Form proper, parang ganito.”
“Wow, as if you’re the gold standard of shooting, ha,” biro ni Wonwoo pero sumunod pa rin naman siya. Itinaas niya ang bola sa tapat ng kaniyang mukha.
“Okay lang hawakan kita sa bewang?”
“You have my permission.”
Dahan-dahan niyang hinawakan ang magkabilang baywang ni Wonwoo para i-adjust ang tayo nito. “Ayusin mo porma ng tuhod mo. Bend mo konti. Diyan manggagaling ‘yung lakas mo.”
“Okay, I'm bending my knees na. What’s next?” sabi ni Wonwoo habang nakatitig na sa kinakalawang na ring ng court.
“Flick mo wrist mo kapag itinira mo na. Dapat parang may dinudukot ka sa banga,” turo ni Mingyu. Dahan-dahan niyang binitawan ang baywang nito at sumabay sa pagtaas ng mga kamay ni Wonwoo habang itinutulak ang bola pataas.
Nang itinira ni Wonwoo ang bola ay eksaktong pumasok ang bola sa ring nang walang kalatog-latog.
“Oh my god, it went in!” bulalas ni Wonwoo, awtomatikong napatalon nang bahagya at lumingon sa kanya. “Did you see that, Gyu? It went in!”
“Nakita ko,” sagot ni Mingyu habang nakatitig lang sa mukha ng kaibigan. “Sabi sa’yo, eh. Magaling 'yung nagtuturo.”
“Yeah, fine. You’re like, a good coach pala,” natatawang pag-amin ni Wonwoo habang naglalakad para habulin ang bola na gumulong sa ilalim ng ring. “Let’s do it again. Teach me how to do a three-pointer naman.”
“Three points agad?” sagot niya. “Gusto mo para mas exciting, lagyan natin ng depensa, Won. Gagawin nating game simulation.”
Mas naningkit ang mga mata ni Wonwoo sa likod ng kaniyang salamin. “Wait, what? A game simulation? Like, you’re going to block me?”
“‘Di naman,” pilyong ngiti ni Mingyu habang nagdi-dribble nang mabagal sa harap ng kaibigan. “Babantayan lang kita tapos ang kailangan mo lang gawin, humanap ka ng butas para malusutan mo 'ko, tapos i-shoot mo 'yung bola.”
“Oh, my god, that’s so unfair! You’re literally twice my size.”
“Isang shoot lang tapos panalo ka na. ‘Di mo kailangang i-dribble ‘yung bola, Won. Turuan kita nun mamaya.”
“Okay, fine. Give me the ball.”
Ipinasa ni Mingyu ang bola kay Wonwoo. Agad silang pumwesto sa harap ng isa’t isa at itinaas niya ang kamay niya habang hawak na ni Wonwoo ang bola.
“Lusot ka na,” sabi niya habang natatawa kasi ang cute at ganda lang ni Wonwoo habang hawak-hawak ‘yung bola.
“Can I dribble kahit ‘di ako marunog?”
Tumango siya. “Oo. Dribble mo lang o kung ano lang ‘yung alam mo.”
“Why are you looking at me like that?”
“Ha?”
“Gyu, you’re making me feel like I’m in the actual finals.”
“Ay, sorry,” natatawa niyang sagot.
“Am I pretty?” tanong ni Wonwoo habang nakatingala sa kaniya at hawak-hawak ang bola sa magkabila niyang palad.
Natigilan naman si Mingyu. Bakit sobrang random ni Wonwoo? Parang biglang huminto ang takbo ng utak niya, at ang tanging nakikita na lang niya ay ang mapupungay na mata ng taong mahal niya sa likod ng salamin nito at ang bahagyang pagkagat nito sa kaniyang ibabang labi.
“Oo. Sobra...” awtomatikong sagot niya. Kasi totoo naman. Sobrang ganda naman talaga ni Wonwoo.
Napatitig si Mingyu at tuluya na lang nalunod sa sarili niyang sagot. Pero bago pa man niya mabawi ang kaniyang wisyo ay ngumiti sa kanya si Wonwoo.
Habang tulala at parang tuod na nakatayo, biglang ibinaba ni Wonwoo ang bola, mabilis na pinalusot ito sa gilid ng bewang niya, at maliksi siyang umikot patungo sa ilalim ng ring.
Dinala na lang ng hangin si Mingyu nang ma-realize niyang na-scam siya ng sarili niyang nararamdaman.
Nakarating si Wonwoo sa tapat ng board, malayang-malaya at walang kahit anong bantay. Gamit ang dalawa niyang kamay, inihagis niya ang bola pataas, halos itulak lang ito patungo sa basket.
Naka-slow motion sa paningin ni Mingyu ang lahat habang nakatayo siya sa perimeter line. Pinanood niya kung paano umarko ang bola sa ilalim ng malamlam na ilaw ng poste, bago ito eksaktong tumama sa backboard at swabeng-swabeng pumasok sa ring.
“Oh my god, I scored!” tawa ni Wonwoo, agad na lumingon kay Mingyu habang itinataas ang dalawang kamay sa era. “See? You got distracted, Gyu! That’s like, illegal defense on your part.”
Napailing na lang siya. Ganyan pala talaga siya kabilis ma-distract kay Wonwoo. Langyang ‘yan.
“Ang daya, ah!”
“No! That’s not daya kaya! Bilis mo ma-distract, MVP!”
Natawa siya. “Isa pa?”
“If manalo ako, eat tayo pares mami, please?”
“Kala ko ayaw mo nun?”
“I’ll try lang tonight!”
“Okay, sige,” sagot niya at saka niya kinuha ‘yung bola na gumulong sa gilid at binalik kay Wonwoo.
Nagsimula nang mag-dribble si Wonwoo habang si Mingyu naman ay nanatiling nakaharang sa harap niya at nakataas ang kamay na kunyari talagang dinedepensahan niya pero gusto niya namang mai-shoot ni Wonwoo ang bola.
Sinubukan ni Wonwoo na dumaan sa kanan pero mabilis niyang sinalubong ‘yon kaya naman umatras si Wonwoo tapos dire-diretso ulit siya kaya ‘di na masyadong dumepensa si Mingyu. Pumreno ‘to sa may freethrow line pero biglang tumalon para i-shoot ang bola.
Pero dahil sa tindi at bigla niyang pagpreno at sa dulas nung sapatos sa gasgas na semento ng kanto, biglang na-out of balance ang mga paa ni Wonwoo habang itinataas ang bola.
“Whoa—Gyu!” bulalas ni Wonwoo.
Pero bago pa man humalik ang katawan ni Wonwoo sa matigas na semento, mabilis pa sa alas-kwatro na humakbang pasulong si Mingyu at ginamit niya ‘yung malalaki at matitigas na braso para saluhin at kabigin ang baywang ni Wonwoo, habang ang isa naman niyang kamay ay sumalo sa likod nito para protektahan ang ulo.
Napunta ang bola sa kung saan pagkababa mula sa ere, gumulong palayo sa dilim, pero walang sinuman sa kanila ang nag-abalang lingunin iyon.
Hingal na hingal si Wonwoo, ‘yung dalawang kamay niya ay awtomatikong nakakapit nang mahigpit sa mga balikat ni Mingyu para sa balanse.
Ngayon, dikit na dikit ang mukha nila at kulang na lang ng ilang sentimetro ay maglalapat na ang kanilang mga labi.
Nararamdaman ni Mingyu ang mainit at mabilis na paghinga ni Wonwoo na tumatama sa kaniyang mukha. Sa ganoong kalapit na distansya, kitang-kita niya kung paano lumaki ang mga mata ni Wonwoo sa likod ng kaniyang salamin, at kung paano dahan-dahang namula ang dulo ng mga tainga nito.
Mas lalo pa niyang hinigpitan ang hawak sa baywang ni Wonwoo.
Nabalot ng matinding katahimikan ang buong court, nawala na ang ingay ng mga tricycle sa labas. Ang tanging naririnig na lang ay ang malalakas na tibok ng puso niya habang tinitignan sa mga mata si Wonwoo.
“Okay ka lang?”
“Yeah.. thanks to you. It’s so embarrassing, I’m like, so lampa when it comes to sports, Gyu.”
“Galing mo ngang mag-dribble, eh.”
May saglit na katahimikan dahil hindi agad sumagot si Wonwoo. Nakatitig lang sila sa isa’t isa sa gitna ng court. Gusto na nga lang niyang yakapin si Wonwoo nang mahigpit kasi totoong kinabahan siya kanina—na-imagine niya agad na baka kung ano pang mangyaring masama rito kung hindi niya nasalo.
“Gyu.”
“Hmm?”
“Do you like... still like that person?”
Kumunot ang noo ni Mingyu. “Ha? Anong pinagsasabi mo bigla diyan?”
“Like, remember before? You told me you liked someone, right?” mahinang paalala ni Wonwoo, bahagyang umiwas ng tingin pero hindi pa rin gumagalaw mula sa pagkakakapit sa mga balikat niya. “Do you... do you still like that person until now?”
Natigilan si Mingyu. Napalunok siya, nakatitig sa mukha ng taong tinutukoy niya sa mismong kwentong 'yon. “Oo. Sobra.”
Bahagyang ginalaw ni Wonwoo ang kaniyang salamin gamit ang daliri, dahan-dahang ibinalik ang tingin sa mga mata ni Mingyu. “What if, like, you change your mind and you finally want to pursue that person na?”
“Kung magkakaroon ako ng sapat na lakas ng loob, oo siguro, Won.”
“Will we... like, stay as friends pa rin ba even if you have a jowa na?”
“Oo naman. Walang magbabago, Won,” mabilis niyang sagot.
“Okay.”
Tumango nang bahagya si Wonwoo. Tapos ay dahan-dahan na siyang umayos ng tayo at tuluyang humiwalay sa pagkakayakap kay Mingyu. Agad na naramdaman ni Mingyu ang lamig ng hangin sa pwestong iniwan ng katawan ng kaibigan.
“Eh, ikaw?”
“Me?”
“Mukhang gusto ka na ni Seungyoun, Won. Kitang-kita rin sa live TV kanina, eh.”
Nagkibit balikat si Wonwoo at saka humakbang paatras sa kanya. “I don’t know... maybe he does, I guess? He’s been giving signals, but I’m not sure yet.”
Parang may sumaksak sa dibdib niya. Sinasabi na nga ba niya, eh. Lahat ng takot niya buong gabi, lahat ng selos na pinilit niyang itago habang nanonood ng live broadcast kanina—totoo pala. Lahat may basehan.
Hindi agad sumagot si Mingyu. Hindi niya kaya. Sa halip, lumakad siya patungo sa gilid ng court kung saan nakatigil ang bola. Kinuha niya ito, hinarap ang ring, at itinira ang bola na sakto namang pumaosk.
“Gusto mo rin ba siya?” tanong niya habang dahan-dahang dini-dribble ang bola na tumalbog pabalik sa kaniya. Binaba niya ang kaniyang paningin sa semento. Pero ang totoo, umiiwas lang talaga siyang tumingin sa mga mata ni Wonwoo. Natatakot siyang makita ang sagot doon.
“I don’t know. Maybe?” sagot ni Wonwoo.
Ah, puta. Sakit, ah.
“Ah, gusto niyo pala isa’t isa,” sagot niya sabay pasok ulit nung bola sa ring. “Bagay naman kayo, eh. Tska tagal niyo na ring magkakilala.”
“You think so?”
“Oo naman,” sabi niya ulit at hindi pa rin tinitignan si Wonwoo. Parang kanina lang ang saya-saya niya kasi nandito si Wonwoo, eh. Kanina lang ang saya-saya niyang tinuturuan si Wonwoo.
Tangina. Nagtanong pa kasi, eh.
“But I’m not really sure yet if he likes me. Hindi pa naman siya umaamin.”
“Gusto ka rin nun,” komento niya at saka ulit nag-dribble. “Halata naman.”
“How about this... help me naman na malaman if he really likes me.”
Doon siya napatigil sa pag-dribble at saka binitawan ang bola. Nilingon niya si Wonwoo. “Ha?”
“Like, he knows you, right? And he knows we’re super close,” paliwanag ni Wonwoo, lumapit muli nang isang hakbang kay Mingyu. “Let's say... let’s make him jealous.”
“Seryoso ka ba, Won?”
“Yeah. I’m so serious,” seryosong sagot ni Wonwoo, diretso ang tingin sa kaniya na tila ba walang kamalay-malay sa pinsalang ginagawa ng mga salita niya sa puso ni Mingyu. “Please, Gyu? Help me? You’re the only one I can trust with this, eh.”
Para namang pinatay mo ako niyan, Won.
Iyon ang unang pumasok sa isip ni Mingyu, isang lason na gumapang sa buong sistema niya. Pakiramdam niya, literal na binunutan siya ng hininga sa gitna ng court. Gusto niyang sumigaw, gusto niyang itanong kung manhid ba ito o sadyang bulag lang para hindi makita na ang taong hinihingan niya ng tulong ay ang taong matagal nang baliw sa kaniya.
Gagamitin siya para sa iba? Magkukunwari silang dalawa para lang mapansin? Ang saklap.
“I mean, think about it, Gyu,” patuloy ni Wonwoo. “Seungyoun knows how protective you are of me. If he sees you stepping up, he’ll definitely like, make a move na instead of being so torpe. It’s a win-win for me, right? Please, Gyu? Just for a few weeks lang.”
Win-win para sa'yo, pero talong-talo ako, sa loob-loob ni Mingyu.
“Gusto mo talagang gawin ‘yan?”
Saglit na katahimikan.
Bumuntong hininga si Wonwoo. “Yeah.”
Tumingala si Mingyu sa langit, pilit na nilulunok ang bara sa lalamunan. Lugmok siya, pero mas matimbang pa rin ang pagiging marupok niya kapag ang taong nasa harap niya. Hindi niya kayang tiisin si Wonwoo. Kung ito lang ang paraan para sumaya ito, kahit madurog siya, gagawin niya. Ganoon siya kabaliw rito.
Ibinaba niya ang kaniyang paningin at pilit na ngumiti, isang mapait at pilit na ngiti na hindi manlang umabot sa kaniyang mga mata.
“Sige, Tutulungan kita para ‘di na maging torpe ‘yang si Seungyoun.”
