Chapter Text
Suki si Emi sa Quiapo.
Kabisado niya ang kasuluksulukan nito. Ang pagawaan ng kamera ay nasa eskinita ng Hidalgo. Ang pinakamasarap na palabok ay nasa Quinta market, nasa dulo. At malalaman mo ang kapalaran mo sa gilid ng simabahan ng Quiapo. Ito ang sadya niya kada taon tuwing birthday niya.
Hindi simabahan? Low maintenance daw ang relationship niya with our Lord.
Nakagawian na niya ang dumayo tuwing ika-unang Biyernes ng buwan. Ito kasi ang tradisyon ng kanilang pamilya, lalo ng nanay niya. Mula bata ay siya ang plus one nito sa Quiapo. Nataon din na ngayong araw ay ipinagdiriwang niya ang kanyang ika-28th birthday. Last 2 chances before adulthood final final final (docx).pdf
Matapos ang misa ay dali siyang naglakad sa gilid ng simbahan. Maraming nakahelerang pinipilahan, nagsasarapan, at talaga namang pinagkakaguluhan na mga pagkain pero hindi ito ang sadya niya.
IHI 5
TAE 10
LIGO 20
HULA PALAD 100
FORTUNE TELLING 200
At sa dulo ng kahabaan ng kalsada, natagpuan niya ang hinahanapan niya. "Nay Zenaida Seva!" bungad ni Emi sa babaeng may hawak ng baraha. Nalingat ang atensyon nito at ngumiti, "Suki!"
Kilala ang Quiapo sa samu't saring manghuhula sa eskinitang ito at isa na si Zenaida Seva na dinarayo ng karamihan. Siya ang takbuhan ng mga may pag-aalinlangan sa trabaho, pag-ibig, at sa future in general. Ito rin ang dahilan ni Emi kung bakit siya may annual consultation with her ever trusted Zenaida Seva. Minsan madalas ay tama ang sinasabi ng mga baraha niya.
Naupo si Emi kaharap ang manghuhula at nilatag nito ang mga baraha. "Pumili ka ng tatlo," aniya na siyang sinunod ng huli.
"Wheel of fortune," ang bumungad na baraha. "Mukhang makukuha mo ang big break na inaasam mo this month, iha."
Tamang tama. Malapit na rin matapos ang probationary period niya sa kumpanya, hinihintay nalang niya na ma-regular siya sa trabaho para stable na rin ang income. Sa lagay ng Pilipinas ngayon, mahirap na mawalan ng trabaho 'no! These days, nagtatry na rin kasi siyang mag-apply sa ibang kumpanya. Kung malasin, ang tanging back up plan niya ay kagatin ang job offer ni HR Lyn from Las Vegas. Models.
"The star," muling sambit ng matanda. "Ano nga ulit ang zodiac sign mo?"
"Taurus po. Actually, birthday ko po ngayon." masayang sagot ni Emi. Tumango ang matanda. "Ikaw ang bida this time. Para mamanifest ang good luck, magpalit kayo ng brand ng margarine sa bahay."
Kumunot ang noo ni Emi kakaisip ng brands ng margarine. "Pati na ring ng hotdog," dagdag pa nito.
"Two of cups," ang huling baraha. It signifies relationships. Partners. Co-workers. Phi sao. At this point of her life, hindi ito ang priority ni Emi. "May darating na bago sa buhay mo. Nakikita ko rin ang kulay pula, dilaw, at pakpak. Sinasabi rin ng baraha na mag-iingat ka sa mga text scams."
Kulay pula, dilaw, at pakpak? Jollibee? Baka underground marketing officer 'tong si manay o sadyang gutom lang. Muling kumunot ang noo ni Emi sa mga nalaman. Hindi man pasok sa banga ang lahat ng sinabi ng mga baraha pero masasabi niyang naginhawaan siya sa news about her career. Samahan mo pa ng powerful divine intervention niya with the Lord just now. At least, malinaw na kahit papaano ay matutupad ang birthday wish niya.
Tumayo na si Emi at nagbayad. Hindi niya lang inexpect ang mataas na service charge since hindi tumatanggap ng cash si Zenaida Seva. For convenience daw kasi.
Matapos magpunta ng Quiapo ay agad siyang umuwi para magpepare. Hindi niya afford ang ma-late dahil may limang pisong kaltas kada minuto na late siya kaya naman ay hindi na siya naligo pa at nagpalit na lamang ng suot.
Alas nuebe na ng umaga nang makasakay siya ng MRT. Kahit anong paligo niya ng pabango ay hindi nito tatablan ang polusyon ng Metro Manila. Halos magkapalitan na rin ng mukha ang mga tao sa sobrang sikip sa loob ng bagon. Dagdag hulas din ang combined init ng panahon at volume ng katabi niyang nanonood ng Tiktok. Seriously, wala bang nakakaalam na matagal nang naimbento ang earphones? Most importantly, kailan mag-iimprove ang transporation system ng bansang 'to?
Napabuntong hininga nalang si Emi. Malapit na rin ang istasyon na bababaan niya kaya hinabaan pa niya ang pasensya. Unti unti na ring nagsisibabaan ang mga pasahero.
Patuloy lang nilang binabagtas ang northbound. Patuloy lang din ang katabi niya sa pagscroll sa Tiktok nang huminto ito sa live news ng Baklitanghali. "Darna, muling lilipad ngayong 2026. Inanunsyo ng ABS-CBN News ang pagsisimula ng bagong yugto ng katha ni Mars Ravelo na isasapelikula sa direksyon ni Namtan Tipnaree. Mainit din sa netizens kung sino ang magiging bagong mukha ni Darna. Ilan na rito ay ang Primetime Princess, Bonnie Pattraphus, at ang Box Office Queen, Film Rachanun. Tunghayan natin 'yan mamaya sa Baklitanghali!"
At sa pinagkamamalas ni Emi, pinagigitnaan siya ng dalawang magjowa na fan ng mga nabanggit na mga aktres.
"Mas bagay si Bonnie maging Darna. Kuha niya ang tindig ng pagiging Darna," sambit ng isa.
"Mas bagay kung si Film! Box Office Queen siya for a reason." depensa ng katabi niyang may hawak ng phone at nanonood ng morning news. "Sinasabi mo bang hindi magaling umacting si Bonnie? Kasabayan kaya niya sa actingan si Angel Locsin at Marian Rivera! Kaya nga siya laging bida sa primetime! Primetime Princess nga eh."
Habang patuloy na nagbabangayan ang dalawa niyang katabi, nasa kahabaan ng EDSA ang sagot. Ang pagkalaki laking billboard ang nagreveal ng bagong mukha ni Darna. Ang pagkatanggal ng outer cover ng billboard ay umani na malakas na singhap ng mga pasahero. Sila ang unang saksi ng cast reveal ng pelikula.
Sa billboard, makikita si Bonnie sa anyo ni Darna at Narda, habang si Valentina ay gagampanan naman ni Film.
Natigil na rin ang bangayan ng dalawa niyang katabi pero nagkagulo ang ilang pasahero at pilit na kinuhanan ng video ang billboard. Hindi siya pala-nood ng TV pero kilala niya naman si Darna. At ang sunod-sunod na nadaraanang nilang nagsisilakihang Bench billboard sa EDSA ang nakapagconvince sakanyang bagay sa mga aktres ang napuntang role sakanila.
Naputol ang train of thoughts ni Emi nang mag-vibrate ang phone niya. Agad naman niya itong binuksan at bumungad ang 5 messages from milk bading at 1 email notification from HR Jan.
milk bading
9:12 am
BAKLA
milk bading
9:13 am
free k b mya
milk bading
9:13 am
magshoot dw d2 DARNA kailangan ng extra
milk bading
9:15 am
wla talent fee pero libre pic w casts
milk bading
9:17 am
medyo kuripot pla abs-cbn pro pinalista n rin kta. mamaya p gabi cla shoot hehe
Subject: Non-renewal of Contract | GMM Solutions
HR Jan ([email protected]) 9:13 am
Dear MS. Emi Thasorn Klinnium,
Upon careful review, we regret to inform you that the company will not be proceeding with your regularization. This is due to consistent instances of tardiness and non-compliance to company policies.
Your last employment date will be on April 29, 2026 (Saturday).
On your last day, please return all company-issued assets to the HR Department, along with your accomplished clearance form. Once done, we will process your final pay processing.
Thank you for your valuable contributions to GMM Solutions.
Sincerely,
HR Jan
Ito yata ang tinutukoy na big break ng Wheel of Fortune ni manay Zenaida Seva. Isa si Emi sa napiling pagpahingahin ng kumpanya.
