Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2026-06-07
Updated:
2026-06-07
Words:
11,747
Chapters:
3/?
Comments:
5
Kudos:
37
Bookmarks:
12
Hits:
532

let’s meet and eat at dunkin

Summary:

When was the last time Wonwoo felt so good leaving the office? Every uwian siguro, pero not in lunch time.

Usually, he preferred bringing packed lunch. Sa kanya, hassle ang bumili pa sa baba o sa mga restaurant malapit sa office, lalo na sa init ng panahon sa Pilipinas.

Pero dahil sa kakapilit ng mga ka-office mates niya, napapasama rin siya paminsan-minsan sa pagbili ng kape at meryenda sa Dunkin.

At mukhang sa mga susunod na araw, hindi na siya kailangang pilitin. Dahil may isang poging empleyado mula sa katabi nilang company na madalas tumambay doon every lunchtime na si Mingyu kasama ang kanyang mga kaibigan.

Ang poging HR Manager daw ng kabilang company.

So when was the last time Wonwoo felt so good leaving the office except sa uwian?

Araw-araw.

Notes:

(See the end of the work for notes.)

Chapter Text

——

“Tara na kasi, Wonnie. Hindi naman kasi masyado mainit sa labas, makulimlim nga eh,” sabi ni Jeonghan habang pinipilit siyang umupo sa kanyang office chair.

“Kumakain kasi ako, Han. I’m watching Running Man pa oh. Kayo na lang, sunod ako, promise,” he replied. He’s not really used to going out, especially kapag lunch time, because he always enjoys eating alone and watching variety shows. That’s just how he is, and he’s getting used to it.

“Paulit-ulit mo naman ’yan sinasabi eh, tapos ’di ka naman sumusunod sa amin ni Kwan. Minsan nga iniisip ko kung gusto mo pa ba kaming makasama sa pagtanda,” pagtatampo ni Han habang ginagalaw ang mga papers na nasa table niya.

“OA mo naman. Promise talaga, bukas sasama na ’ko. Just let me finish my food and finish what I’m watching,” Wonwoo smiled at him.

“Sige na nga, kahit for three consecutive years ko nang naririnig ’yan. Magkakatuli na nga ata ako,” Jeonghan pouted and picked up his wallet na katabi lang ng cubicle ni Wonwoo.

Sa three years na magkakasama sila sa office, ay bilang sa mga daliri kung ilang beses pa lang lumalabas si Wonwoo tuwing lunch time. Minsan ay para lang bumili ng kape na may certain flavor pa sa Starbucks na hindi kailanman makuha-kuha ng mga kaibigan niya kahit nakalista na sa papel.

“Uy! Han, tara na? Kanina pa naghihintay si Vern, galing pa Taguig ’yon,” pag-aaya ni Seungkwan kay Han. “Wons, ikaw? ’Di ka sasa—ay, oo nga pala, ’di ka nga pala lumalabas tuwing break time. May papabili ka na lang, Wons?”

“Wala. Sige na, one-hour break lang meron tayo, baka maraming pila sa mga resto,” sagot ni Wonwoo.

Tumango ang dalawa at umalis na.

Si Wonwoo ’yung tipo ng tao na masaya naman kapag may kasama, at nai-enjoy naman niya ang company ng mga kaibigan, pero talagang mabilis maubos ang social battery niya.

Para sa kanya, exhausting na ang trabaho, kaya mas gusto niyang i-reserve ang lakas niya para rito dahil mabilis talaga siyang mapagod kapag may kumakausap sa kanya. Mabilis siyang mawalan ng topic sa usapan at bigla na lang tatahimik kasi hindi na niya alam kung paano ulit makisama sa usapan. Kaya he usually prefers spending time alone, at alam ’yon ng mga ka-office mates niya.

They really understand Wonwoo well. That’s why he’s grateful. Paano ba naman kasi, tatlong taon na silang magkasama. Well, si Seungkwan naman ay bagong lipat sa department nila, pero ang bilis niyang ma-gets at makabisado si Wonwoo dahil siguro laging ine-explain ni Jeonghan na, “Ganyan lang talaga siya,” at, “Ayaw niya ng gano’n.” Because that’s how he was before when he was building a friendship with Jeonghan. Sa una, hindi pa talaga niya gets, pero sa mga pagpapaliwanag siguro ni Wonwoo ay unti-unti niya na rin itong na-gets.

But in all honesty, though he prefers to be alone, there’s still a quiet hope he never really says out loud—that maybe, somewhere out there, someone will understand the kind of peace he chooses.

Someone who won’t misunderstand his silence. Someone who won’t ask him to be louder just to be loved. Someone who can read the things he never learned how to say, and stay even when he struggles to give those feelings a name.

He knows he is not easy to love. Maybe that’s why he’s learned to expect less, to ask for less, to take up less space than he really needs.

And still… there’s that thought he never fully lets go of.

That maybe someone will choose him anyway.

Or maybe not. Maybe he’ll just keep learning how to be enough for himself, even when it feels like he was made to be understood, but never quite found.

“Wons! May bagong labas ’yung Dunkin na coffee doon sa branch na malapit sa atin, Sparkling Strawberry ata ’yon? Nakalimutan ko sabihan ka kahapon since muntikan na kami ma-late ni Seungkwan. Try natin ngayon, dali!” Talagang kahit wala pang break time ay kinorner na agad siya ni Jeonghan sa table niya.

“May baon—” naputol ang sasabihin niya nang makitang masama na ang tingin sa kanya ni Jeonghan. Oo nga pala, pinangako nga pala niya kahapon na sasama siya lumabas para kumain, eh kaso may baon siya ngayon.

“Sige na kasi, Wons! For this month lang, promise. After this, hindi na kita pipiliting lumabas. Nakakaano kasi kasama ’tong si Seungkwan eh, flex na flex na may jowa siya. Kahit Taguig pa ang work ng jowa niya, hinahatiran pa rin siya ng food. Edi bless you na lang, Kwan!” tuloy-tuloy na sabi ni Jeonghan, na para bang hindi humihinga.

“Ay, hindi na ko hahatiran ng food, magdidate kami mamaya atsaka sorry naman. Ayaw mo kasi mag-first move sa crush mo sa kabilang company. Nandoon ka na sa Dunkin kahapon, ’di mo pa tinulak ang sarili mo sa kanya?” pag-side eye ni Seungkwan kay Jeonghan. “Wons, alam mo ba, kahapon si Jeonghan, ’di matanggal ang tingin sa mga kumakain sa Dunkin, kaya kami na-late talaga. ’Di niya namalayan ang oras kakatingin kay Kuyang IT sa kabilang company.”

“Okay lang ’yon! Happy crush lang naman ’yon, hindi ko talaga jojowain. Mukhang papaiyakin ako sa sobrang pogi,” Jeonghan sighed. “Kaya sige na, Wons, sama ka na, please? Hindi na kita pipilitin after. I just need your approval kung pogi ba talaga, hmm?” At nag-puppy eyes pa talaga si Jeonghan kay Wonwoo.

“Oo, sige na. Utang na loob, Jeonghan. Magtrabaho ka muna. 11:30 a.m. pa lang oh. May 30 minutes pa bago break time.”

“’Yan. Ganyan ’yan. Work muna bago landi ha?” pag-tawa ni Seungkwan.

“Sorry. I can do both. Work-life balance, just like Senator Lito Lapid,” sabi ni Jeonghan at umupo ulit sa upuan niya para magtrabaho.

Talagang walang ibang iniisip si Wonwoo kundi kung saan niya kakainin ang ulam niyang Kaldereta. Nahihiya siya kumain sa Dunkin dahil kape lang naman talaga ang balak niyang bilhin doon, kaya nagdesisyon siya na umorder na lang ng mga pastries kahit labag sa loob niya.

“Nandito siya! Nandito siya!” pag-palo sa kanya ni Jeonghan nang mahina nang makarating sila sa Dunkin Donuts.

Nakita na kasi agad ni Jeonghan ang lalaki na tinutukoy niya na “Kuyang IT” sa kabilang company na walking distance lang from their company. Kapansin-pansin talaga ang gusto ni Jeonghan kasi maputi, at kahit sobrang simple lang ng suot ay malakas pa rin ang dating.

Gets, sa isip-isip ni Wonwoo.

Pero kung sa lakas talaga ng dating, doon siya sa pumasok na lalaki ulit sa Dunkin na sobrang tangkad at naka-white polo at black jeans. Sobrang lakas ng dating. Parang kaya niyang ipaglaban si Wonwoo sa sobrang lakas. He’s a tan-skinned man, matangkad nga, at kahit hindi siya mag-ayos nang sobra ay alam ng lalaking ’yon na gwapo siya at hindi siya nakakasawang titigan…

But he actually swears to God, hindi ’yon love at first sight! Nangilabot siya sa idea.

“Sino sasama sa akin mag-order?” tanong ni Wonwoo sa mga ka-office mates.

“Ikaw na lang muna, Wons. Hahanap pa kami ng better view—este magandang seat pala. Ayaw kasi ni Kwan sa matigas na upuan eh, nangangalay daw ang pwet niya,” sabi ni Jeonghan.

“Hoy! Sabi ko magsi-CR lang ako! Over ka sa dagdag ng information ah!” pagtulak nang mahina ni Seungkwan kay Jeonghan. “Order mo na lang ako ng Iced Americano, then Hungarian Sausage, Wonnie. I’ll pay you back mamaya, I promise!” sabi ni Seungkwan sa kanya at dumiretso agad sa CR.

“Ikaw, Han? May papasabay ka?” tanong ulit ni Wonwoo sa distracted na kaibigan. Paano ba naman kasi, hindi pa rin nakakapili ng upuan until now.

“Ha? Oo naman, sige. Ako na lang oorder,” sagot ni Jeonghan na hindi pa rin nakatingin sa kanya.

“Gyu! Sa taas kami ha?” sabi ng lalaki na gusto ni Jeonghan doon sa bagong pasok lang na lalaki na gwapo rin. Ah, magkaibigan pala sila.

“Order lang ako, Han,” sabi ni Wonwoo, but again, hindi pa rin nakatingin sa kanya ang kaibigan.

Umiling na lang siya at ngumiti nang bahagya dahil ngayon niya lang ulit nakita na ganoon ang kaibigan after almost one year ata.

“Hi, Sir! Can I take your order po?” tanong ng cashier kay Wonwoo.

“Ah, hello. Good afternoon. Can I get one Iced Vietnamese Coffee, 22 oz, one Iced Americano, 22 oz, one Hungarian Sausage, and one Spanish Sausage Croissant?”

“For here or to go po?”

“For here na lang. Thank you,” he said with a slight smile.

“That will be 456 pesos lang po, Sir.”

Wonwoo searched all the pockets of his pants for his wallet, and for the love of God, naiwan niya pa ata sa office nila ’yung wallet niya! Ganito na ba siya hindi sanay at hindi niya nadala ’yung wallet niya?

“Ah, sorry, Miss, pero is it okay na i-GCash ko na lang?” nahihiyang sabi ni Wonwoo.

“Sorry, Sir. Pero last check po namin, under maintenance po ata ang GCash ngayon.”

And that’s it! Under maintenance nga. Kung siniswerte ka nga naman talaga.

Lord, bakit hindi na lang ’yung mga corrupt ang malasin ngayong araw? Bakit ako pa? Hindi naman po ako corrupt. Wonwoo undeniably wanted the ground to swallow him whole at that very moment. Hihingi na sana siya ng saklolo sa mga kaibigan niya, pero sa second floor pa talaga pinili ng mga walang hiya na umupo. Salamat, ah?

“Will you still proceed po ba, Sir? May another customer po kasi sa likod niyo,” sabi ng cashier.

“Ah! Sorry, i-cancel—”

“No, i-push through na lang, Miss. Ako na muna magbabayad.”

Hindi niya na sana ipo-push through ’yung order niya at kakainin na lang sana ’yung Caldereta sa office nang biglang magsalita ’yung taong nakapila sa likod niya. In his six-foot-tall glory, Wonwoo thought, he had just saved his order with that appealing face. Sobrang lakas ng dating niya, but then again, it was purely admiration for someone’s face and not technically a crush. Wonwoo thinks he’s too old for that.

Pero nang ngumiti ito sa kanya nang diretso, at sure siyang sa kanya ’yon kasi nakatingin ito sa kanya…

Just

Oh, God.

“Sorry po talaga, puwede ko naman i-cancel. I’ll just tell my friends to order what they like,” Wonwoo insisted. Syempre, for someone na sobrang mahiyain, hindi niya talaga gagawin ’to, no!

“No, it’s okay. You can just pay me later. Cash or GCash, either one is fine with me.” The guy smiled at him again.

Awa na lang talaga sa ngiting ’yan, Sir! Hindi tayo sanay diyan.

“Ah, Sir Mingyu, hello po! Are you friends po with him?” tanong ng cashier kay Mingyu na halata namang may crush sa kanya. Well, gets din talaga.

“Ah, no.” Mingyu just shook his head and chuckled.

“Akala ko Sir, friend mo eh. You’re so friendly po kasi.” The lady laughed and halatang nag-blush. “Your usual order, Sir?”

Mingyu just nodded and proceeded to pay for their order.

Hindi pa rin babawiin ni Wonwoo na gusto niyang lamunin siya ng lupa ngayon. Nakakahiya talaga, because a complete stranger just paid for his and his friends’ meal. Well, babayaran niya rin naman ’yon pero still! That’s a stranger for you, Wonwoo.

“Hi, sorry talaga. Bayaran na lang kita mamaya,” Wonwoo apologizes again to Mingyu. “Can I have your GCash number na lang though, para pag okay na yung GCash, i-send ko na lang sa’yo?”

“No worries. I’ll give it to you na lang mamaya after niyo kumain,” Mingyu answered. Parehas na silang naghihintay ng order nila. “By the way, it’s actually my first time seeing you here. Friend mo rin pala si Jeonghan and Seungkwan? Are you new to the company?” Nagulat si Wonwoo na nagkakaroon na sila ng conversation ngayon.

Wala lang, ang refreshing kasi na may nakakausap ka outside of office, kasi naman ang mga ka-office mates, family, and some few friends sa college lang naman ang nakakausap niya. Minsan, sobrang dalang pa.

“Hindi. Three years na rin ako doon. We’re actually hired in the same year ni Jeonghan. Nauna lang siya ng ilang months,” Wonwoo smiled. “I just prefer eating at the office with my packed lunch.”

“I see. Oo nga naman, pinaka-safe ang magbaon na lang ng lunch kapag wala kang gusto sa mga choices ng pagkain sa labas,” Mingyu nodded.

Wonwoo just hummed. Wala na siyang ibang masabi. Naubusan na naman siya ng sasabihin.

“But now, hindi ka nagbaon?” Mingyu asked again.

“I have. Nasa taas, dinala nila Jeonghan. Caldereta siya.” Hindi niya alam kung tama bang sinabi niya kung ano yung baon niya for the day. “Funny, right? I remembered bringing my lunch, but I forgot bringing my wallet.” Wonwoo chuckled, and the man beside him chuckled too.

“Hey, it’s alright. It’s important na hindi mo kinakalimutan ang pagkain. Forget everything, but not the food. It’s bad skipping meals, baka magkasakit ka pa.”

Ah, at talagang nag-advice pa. Okay, maybe he’s not a complete stranger anymore, Wonwoo thinks. Maybe he’s too much for that.

“You’re an Accounting Assistant pala in your company,” Mingyu said out of nowhere. “And although I started the conversation without knowing your name, hi to you, Sir Wonwoo Jeon.”

Oh my God, God forbids his gay heart from making him feel these butterflies in his stomach because of how appealing he is while saying his name. Masyadong kuhang-kuha si Wonwoo. His attachment issue obviously cannot take it.

“Uh,” he laughs nervously. How did he know my position and name? “How did you know?”

“Your ID,” Mingyu simply answered. Napatingin siya sa ID niya na nakatabingi at naka-face sa side ni Mingyu.

Ah, okay, given. Medyo naging scary pero okay na pala. “Ah. How about you naman?” Wonwoo asked. May part pa rin naman sa kanya na gusto niyang malaman yung name para kwits lang, di ba?

“I’m Mingyu Kim. Halos magkatabi lang office natin actually, and I’m an HR Manager there,” he answered.

Now, gets na ni Wonwoo, bagay sa kanya ang work niya since his job requires him to be more approachable. Mukha rin siyang friendly and extrovert.

“It suits you,” Wonwoo smiled at him.

Magsasalita pa sana si Mingyu nang biglang dumating na ang order nila. Sabay naman silang umakyat ni Mingyu kung nasaan ang mga kaibigan nila na ngayon ay maingay na. Naririnig ni Wonwoo na inaasar ni Seungkwan si Jeonghan.

“Siguro nagkakadevelopan na doon si Jeonghan at Cheol, at grabe na yung pang-aasar ni Seok at Seungkwan,” sabi ni Mingyu.

“Oh, talagang naging close na kayo with my friends, no?”

“Ah, oo. Ang gulo kasi nila minsan. Tsaka ito rin talaga go-to spot namin magkakaibigan, sakto nandito rin sila madalas, kaya araw-araw na kami nagkikita. Eh, may bali-balita rin na may happy crush si Jeonghan kay Cheol kaya tamang asar lang kami sa kanila,” pagpapaliwanag ni Mingyu.

“Oh, Cheol at Han, mag-order na kayo doon sa baba. Nahiya pa kayo, gusto niyo rin naman masolo ang isa’t isa,” sabi ng isang kaibigan ni Mingyu na si Seok, na tumatawa habang inaasar ang dalawang kaibigan. “Sana hindi niyo na kami sinama at sa iba na lang kayo kumain kung gusto niyo palang mag-solo.”

“Alat, Jeonghan! Naisama mo pa si Wons sa mga balak mo,” Seungkwan laughed.

“Tumigil nga kayo! Mag-oorder lang kami, ang dami niyo nang sinabi,” Jeonghan slightly shouted. “Wons, kain ka mabuti diyan. Order lang kami,” dagdag pa ni Jeonghan at tsaka bumaba na para mag-order.

“Hi! Wonwoo, no? Ako pala si Seok, ka-office mate nila Gyu and Cheol. Nice meeting you.” In-offer ni Seok ang right hand niya para makapag-shake hands sila ni Wonwoo. “Ngayon lang kita nakita, bagong hire ka lang sa company niyo?” tanong ni Seok.

“No. He prefers eating his packed lunch at their office,” Mingyu simply answered. Siya na nga talaga ang sumagot para kay Wonwoo, and he really remembers that? Kahit minutes ago niya pa lang naman sinabi ‘yon.

“Ay si spokesperson yarn? At bakit alam mo? Dati ba kayong friends ni Wonwoo?” tanong ni Seok.

“Nope. Nagkita lang kami sa baba, and we just had a little conversation there,” Mingyu answered.

“Sus, little conversation lang ba talaga? Hindi na masusundan? Walang background check?” sarkastikong tawa ni Seungkwan na kinatawa rin ni Seok.

“Oo, Seungkwan. Little. Pero ‘yang kinakain mo ngayon si Mingyu nagbayad niyan, kaya bayaran mo sa kanya ‘yan,” Wonwoo replied habang pinapandilatan ng mata si Seungkwan.

“Ha? Siya nagbayad? Bakit?” gulat na tanong ni Seungkwan. “Sorry, Sir Mingyu ah? Bayaran na lang kita. Magkano ba?”

“Uh, hindi ko pa sure eh. Tingnan ko na lang sa receipt mamaya. Kain muna tayo,” sabi ni Mingyu.

Wonwoo takes a sip of his coffee and a few bites of his Spanish croissant that he ordered, but he really wants to eat his caldereta already. Nahihiya siya since ang dami pala nilang kasabay kumain.

“Wonwoo, bakit hindi mo nilalabas yung baon mo? I thought kaya mo dinala since you will eat here?” Mingyu whispered to him.

Oo, magkatabi sila ngayon. Dapat ay hiwalay na table ang kakainan nila, pero since over sa pagkaka-friendly ang mga friends ni Mingyu at pati siya ay nakumbinsi ni Seungkwan na pagdikitin na lang ang table, he ended up sitting next to Mingyu. Hindi niya na rin alam paano nangyari.

“Ah, siguro sa office ko na lang kakainin,” Wonwoo answered back.

“Why? Pwede mo naman siyang kainin dito. We won’t judge,” Mingyu replied. “Kain ka lang, ako’ng bahala sa mga ‘to kapag inasar ka.” Napangiti naman dahil doon si Wonwoo.

The small act of kindness from Mingyu made his heart soft, at kahit malabo ang mata niya ay kitang-kita niya ‘yon. Kumbaga, masyadong malinaw ang kabaitan ni Mingyu para hindi niya mapansin. But he knows, maybe he’s just like that to everyone.

Nilabas ni Wonwoo ang caldereta na ulam niya at ang mga busy na magkakaibigan ay hindi naman napansin ‘yon. May kanya-kanya naman silang pagkain, and they were just busy minding their own business. Maybe Wonwoo was just used to overthinking after all, but now, he doesn’t need to worry.

Tiningnan niya si Mingyu na busy kumain pero nakatingin sa kanya habang kumakain. Napataas ang kilay niya sa katabi pero hindi siya makapagsalita dahil may laman pang kanin at ulam ang bibig niya. It would be rude to speak up in front of a handsome man. Uy, Wons, ano?!

Gets ata ni Mingyu kung anong gustong sabihin ni Wonwoo pero hindi niya masabi dahil bigla itong nagsalita.

“Wala lang. Pakabusog ka,” Mingyu said.

“Bakit? Gusto mo ba?” sabi ni Wonwoo matapos lunukin ang kinakain.

“Hindi na. Eat well.”

“Okay.” Madali siyang kausap. Hindi naman kasi siya mapilit na tao. Para sa kanya, puwede namang sabihin ng isang tao kung ayaw o gusto niya ang isang bagay, at hindi si Wonwoo ang taong nagde-decide para sa iba.

Pagkatapos nilang kumain ay sabay-sabay silang nagligpit ng pinagkainan. Tinapon nila ang mga pinagkainan, inayos ang mga gamit, at ibinalik sa tamang pwesto ang mga lamesa.

Mga 40 minutes din silang kumain at nagkuwentuhan. Medyo matagal na ‘yon para kay Wonwoo, because he usually just eats in 20 minutes. Matagal na nga rin ‘yon sa kanya. Kaya habang nagkwekwentuhan ang mga kaibigan ay tingin siya nang tingin sa orasan ng phone niya dahil baka malate sila.

“Ay Sir Mingyu, ibabalik ko na yung utang namin,” paalala ni Wonwoo habang palapit na sila sa labas ng Dunkin.

“Oo nga pala, nakalimutan ko na. Bigay ko na lang number ko sa’yo,” sabi ni Mingyu sabay kuha ng cellphone niya.

“Check ko lang kung okay na yung GCash ah, wait.” Kinuha niya rin ang cellphone niya, pero pagbukas niya ng GCash ay under maintenance pa rin ito. “Ah, ayaw pa rin eh. Puwede kaya na i-send mo na lang sa akin yung QR? Tapos padala ko na lang later once okay na? Sorry sa inconvenience ha.”

“Siguro number na lang, Wonwoo? ‘Yon din naman number ng GCash ko. Doon mo na lang ipadala mamaya,” pagngiti ni Mingyu. Tumango naman si Wonwoo at ibinigay ang phone niya kay Mingyu para ilagay ang number. Siya na rin ang nag-set ng name sa phone nito.

“Salamat ng marami, Sir Mingyu. Papadala ko talaga mamaya, hindi naman ako bogus,” Wonwoo joked, na nagpakangiti kay Mingyu nang mas malawak kaysa kanina.

“No worries, Won. Alam ko naman,” Mingyu said. “Tsaka Mingyu na lang, nakaka-conscious pa ang ‘Sir’ eh.”

“Okay, Mingyu,” Wonwoo smiled back. “Seungkwan, bayad ka na ba kay Mingyu?”

“Hala, hindi pa! Bukas talaga, Migs, ibibigay ko. Buo kasi pera ko eh, wala ka palang panukli,” sagot ni Seungkwan at tumango naman si Mingyu.

“Padala mo na lang din sa akin sa GCash later, para isahan na lang ang pag-send,” sabi ni Wonwoo at lumapit na sa mga kaibigan.

“Una na kami. Salamat, guys! Sa susunod ulit ah?” masayang paalam ni Jeonghan sa mga kasamahan ni Mingyu.

“Sus, damay sibilyan pero si Cheol lang talaga gusto makasama. Pass, boss!” tawa ni Seok. “Sir Wonwoo, sana araw-araw ka na namin makita. Ingat po kayo!”

Pagkatapos noon ay sabay-sabay na silang nagpaalam sa isa’t isa. May sandaling pagsulyap pa si Wonwoo kay Mingyu na hindi naman nakatingin sa kanya. Gusto pa sana niyang mag-thank you at mag-sorry ulit, pero enough na ata ‘yon dahil nakarami na siya kanina.

Habang palakad papuntang office ay nagkuwentuhan lang ang tatlo tungkol sa kung anong nangyari kanina at kung paano nagkakilala si Mingyu at Wonwoo. Tawang-tawa naman ang mga kaibigan dahil sa nangyari kay Wonwoo at pinaalalahanan siya na dalhin ang wallet every time. Pasensya na, nasanay lang.

Malapit na ang uwian at halos makalimutan niya na i-send ang utang niya kay Mingyu. Buti na lang, pagkacheck niya ng GCash ay okay na ito at puwede na siyang makapag-send.

Tinext naman agad niya si Mingyu para masigurong tama ang ilalagay niyang number at kung siya ba talaga ang makakatanggap ng pera. No joke din ang 400+ ah.

Wonwoo
Hi, Mingyu! This is Wonwoo kanina sa Dunkin. I just want to make sure if ito talaga yung number mo bago ko i-send yung money na I borrowed kanina.

He just waited for a minute before finally getting a reply from Mingyu.

Mingyu Kim
Hello, Wonwoo. Good evening. Yes, ito yung number ko. But can I have a favor though?

Wonwoo
Sure, ano yun?

Mingyu Kim
Can I request if cash na lang? Baka kasi makain kapag siningil na ako ni Netflix at Apple Music hehe. So sorry for the inconvenience, Wonwoo.

Wonwoo
Sure, no worries, Mingyu. Pero saan ko pala siya iaabot? Mamaya pa out namin though.

Mingyu Kim

What time ang out niyo? Kami kasi 5 PM. Same lang din ba sa inyo?

Wonwoo
Yes! Same lang. Puntahan na lang kita sa inyo, hintayin na lang kita sa baba ng building.

Mingyu Kim
No, Wonwoo. Malayo pa, medyo lalakarin mo. I’ll meet you at Dunkin na lang?

Wonwoo
Okay, that’s fine with me :)

Mingyu Kim
See you, Wonwoo.

Wonwoo
See you!

Pagkatapos ng ilang oras ng pagtatrabaho, finally dumating na ang 5:00 PM. Pero syempre, hindi talaga sila sakto na nakaka-out dahil may mga times na hindi pa tapos ang mga gawain sa office. Kaya nag-message si Wonwoo kay Mingyu para mag-sorry ulit kasi 5:24 PM na at tsaka pa lang siya makaka-out sa office. Nag-reply naman si Mingyu at sinabi na kakarating niya lang din sa Dunkin dahil late rin sila natapos sa work.

Bago kay Wonwoo ang mag-log out sa office para lang may kitain, because usually he just prefers to head home. Habang ang mga kaibigan na sina Seungkwan at Jeonghan ay nakikipagkita sa mga kaibigan, kung hindi man ay sinusundo ni Vern si Seungkwan sa Mandaluyong para lang mag-date. Hindi naman siya naiinggit sa mga kaibigan; nagiging curious lang siya minsan sa idea kung anong pakiramdam na may kikitain after work na someone. But then again, he’s not asking for anyone anytime soon, but if someone comes, then so be it. He’s not in the position to say no—but he hopes that that certain someone is ready to love someone like him.

Pagkatapos niyang magpaalam sa mga kaibigan ay dumiretso na siya sa Dunkin.

Naghihintay lang sa labas si Mingyu at hindi na ata pumasok sa Dunkin. It’s exactly 5:35 PM, at alam ni Wonwoo na kanina pa nandoon si Mingyu na naghihintay sa kanya.

Seryoso ang mukha ni Mingyu at may suot lang siyang AirPods. Hindi alam ni Wonwoo kung nanonood o nagpapatugtog siya, pero nilapitan niya pa rin ito.

“Hi, Mingyu. Sorry, ang tagal mo na ata naghintay,” sabi agad ni Wonwoo pagkalapit niya. Agad naman siyang nginitian ni Mingyu pagkakita sa kanya.

“Hello, Wonwoo. Hindi naman din masyado,” Mingyu said. Ilalabas na sana ni Wonwoo ang wallet niya nang biglang magsalita si Mingyu.

“Nag-dinner ka na? Dinner muna tayo.”