Chapter Text
“Mommy, come on please tell me again the story of how you and Mama met. I love that story pretty pleaaase.”
Stacey looked at daughter na kanina pa siya kinukulit na ikwento ulit kung paano sila nagsimula ng kanyang Mama Aiah.
“Amaya Aubrey Sevilleja Arceta” kunwari striktong banggit ni Stacey sa pangalan ng anak na kanina pa siya kinukulit just because Amaya is refusing to sleep yet. Gagawin talaga ang lahat wag lang matulog.
“Po, Mommyyy?” tanong niya sabay pacute at puppy eyes pa.
“Sinasabi mo lang yan kasi ayaw mo pa matulog. Sabi ko sleep na love, diba?”
“No, Mooom! That’s not true. It’s my favorite story I swear. I’m not making excuses so I don’t have to sleep yet” Sagot niya habang nakataas pa ang kanang kamay.
“Hay naku! Manang mana ka talaga sa Mama mo” Sabi ni Stacey adding “Teka nga hindi ba ang usapan natin kapag ako ang kausap mo magtatagalog ka ha? Ms Amaya Aubrey?” Aniya habang kinikiliti ang anak.
“Hindi na po Mommy. Tama na” Sabi nito habang tumatawa. “Magaling naman na po ako magtagalog. Marami na nga po akong friends sa school kasi po kaya ko sila kausapin lahat po. Mas magaling pa nga po ako kay Mama”
“Who is better than me in Tagalog?” Napalingon ang dalawa ng magsalita sa may pintuan si Aiah.
Aiah looked at them both lovingly while crossing the room to reach her wife and daughter. She sat next to her daughter and bent down to shower her with kisses while making exaggerated kiss sounds.
“Aba parang wala ako rito Arceta ha?” Pagputol ni Statcey sa lambingan ng kanyang mag-ina.
“Okay baby, Mommy’s getting jelly” Teased Aiah while still hugging Amaya. She whispered something to their daughter then they both launched at Stacey and engulfed her in a tight hug while showering her with lots and lots of kisses.
They are now both hugging Stacey with Amaya sitting on her lap and Aiah hugging her from the side.
“Are you still jelly pa po ba Mommy?” Inosenteng tanong ni Amaya.
“Hay naku kayong dalawa.” Iling ni Stacey habang nakangiti sa mga pinaggagawa ng kanyang mag-ina.
Mag-ina. Stacey definitely loves that and there’s no other place she’d rather be than here.
“Oh siya. Matulog na baby at may pasok ka pa bukas.” Saad ni Stacey habang hinahalikan ang pisngi ng anak. “Sleep na ok? Ang princess need ng mahabang sleep para slay whole day.”
“Let’s tuck you in bed now love. Mommy’s the boss, remember?” Added Aiah while scooping their child from Stacey’s lap. Amaya just giggled at that.
Stacey can’t help but look at them full of love and adoration. Mahal na mahal niya ang dalawang ito and she can’t imagine her life without them.
“Good night, love.” spoke Aiah that brought Stacey back. Aiah leaned in again to kiss Amaya’s forehead.
Sinundan naman siya ni Stacey at inayos ang kumot ng anak. “I love you, Princess. Sleep na po.”
“Good night, Mama. Good night, Mommy. I love you so much! so so much it’s bigger than our whole house.” Amaya said while gesturing with her hands. Stacey and Aiah just giggle at their daughter’s antics.
Once they left Amaya’s room Aiah looked at Stacey with her puppy eyes.
"Oh I hate and love this dork’s puppy eyes at the same time" Stacey thought to herself.
“Ano na naman? Anong tingin yan Aiah?”
“Mommy” Aiah said with a teasing smile.
“Aiahhh! ano ba.” palo niya sa braso nito.
“Who’s Aiah?” She said pouting. “I’m not Aiah po. I don’t know anyone named Aiah. Ugly name to have. I’m baby po, my love” She added pouting even more.
Minsan iniisip ni Stacey kung paano niya naging asawa ang big baby na ito.
She cupped Aiah’s face and gave her a peck at her pouting lips. And another. And another.
“Oh okay na? big baby na to”
Aiah just held her hand and kissed it. “i love you” she added.
That’s one thing about her wife that makes her fall in love with her over and over again. Aiah’s never afraid to show affection and says she loves her. For Stacey, her wife is perfect in every possible way. So yes, their love story may have started with her slipping a love letter accidentally in Aiah’s locker that’s supposed to be for her long-time crush. She will surely do it again if she has to just to end up in the life that she has right now.
----
“Shee, ito na talaga yun!” Sigaw ni Stacey habang naglalakad sila ni Sheena papunta sa first class nila ngayong araw.
“Ano na naman yan, teh? Anong kalokohan na naman ang naisip mo?” Tanong ni Sheena habang nakakunot pa ano noo. She doesn’t sound convinced sa kung ano na namang naiisip ng kaibigan niya.
Agad na may dinukot si Stacey sa kanyang bag at iwinagayway sa harapan ni Sheena. Isa itong maliit na kulay pink na papel. may mga heart at stars na stickers na nakadikit.
“Pinagpuyatan ko to gawin kagabi.” proud na sabi ni Stacey habang tinitignan ang pink envelope na hawak niya.
“Oh ano nga yan? Para saan ba yan at ano ba ang meron diyan”
Agad na hinawakan ni Stacey ang braso ni Sheena at tila kinikilig pa.
“Aamin na ako kay Emilio” bulong niya kay Sheena. “Ilalagay ko to sa locker niya bago tayo pumasok sa klase at magkikita kami mamayang 5 pm sa may Science Garden”
“Teh sigurado ka na ba talaga diyan sa crush mo?” tanong nito habang tinitignan ang envelope na kinuha niya sa kamay ni Stacey.
“Hindi ka ba talaga bading? I mean mukhang okay naman si Emilio kilala natin siya at mabait naman tanong lang.”
“Shee, alam kong masaya kayo ni Gwenny at ang cute niyong tignan pero straight talaga ako. Hindi ko nakikita ang sarili ko may karelasyong babae.”
“Okay, what if si Ate Colet? kunwari siya”
“Anong kunwari siya? Gaga ka may Ate Maloi na yun at masaya sila. gagawin mo pa akong home wrecker” bulyaw nito sabay batok kay Sheena,
“Okay fine. Sorry ate colet.” sabi niya habang nag iisip.
“Si Mikha? Yung captain ng volleyball team. Mayaman, maganda, mukhang bibo, at mukhang mabango kahit naglalaro at pawisan.”
“At mukhang maraming babae. Parang lahat may gusto sa kanya pati kalabang schools.” Sagot agad ni Stacey.
“What if si Jhoanna? Yung EIC ng university school pub? Matangkad, matalino, maganda, sobrang galing magsulat at makipagdebate. Ang dami ring may crush dun”
“Ayoko! Ano ba yan nakikita ko pa lang yun parang alam ko nang mag-aaway kami. Mukhang masungit hindi ngumingiti man lang pag nakakasalubong mo.”
“Hoy ang sama ngumingiti kaya yun lalo kapag kasama si Ate Aiah”
“Ayoko pa rin. Doon na lang siya kay Aiah. Mukhang close naman sila at very match ng mga ganap nila sa buhay. Student Council President at University publication EIC very wattpad trope.”
“Speaking of Ate Aiah” sabay siko ni Sheena kay Stacey sabay turo sa babaeng naglalakad sa unahan nila.
“Grabe ang ganda talaga naglalakad lang naman siya pero parang nagliliwanag ang dinadaanan niya. Siya ba? Hindi pa rin pasok para baliin ka?”
Sinundan naman ni Stacey ng tingin ang babaeng kasalukuyang tinitignan ni Sheena. Tama nga si Sheena sa isip-isip ni Stacey parang nagliliwanang nga ang dinadaanan niya.
Maraiah Queen J. Arceta. The student council president. Former EIC of university publication. Top of her class. Regular volunteer sa community outreach activities. Suki sa freedom wall. Crush ng buong school. Mama Mary. Lahat na, ilista mo that’s her.
Lahat ata gustong mapalapit sa kanya. Kahit yung mga pusa sa at aso na nakakapasok sa campus parang lahat sila namamagnet papunta sa kanya.
One-time nakita siya ni Stacey mag isa sa soccer field naka-upo sa damo. Hindi niya alam kung ano'ng ginagawa nito kasi nakatalikod si Aiah. So, she kept on walking but still sparing her little glaces. Sinadya niyang bagalan ang lakad niya. Sa isip niya baka napano na ito mag isa pa naman at padilim na rin. Until she was at an angle kung saan nakikita niya na kung ano ang ginagawa ni Aiah.
Sa harap niya ay may tatlong kuting na naka-upo. Kung titignan para silang nagmemeeting dahil nakikita niyang nagsasalita rin si Aiah. She watched her carefully, Stacey then realized that Aiah was feeding the kittens. She didn't realize that she was already smiling just by watching Aiah feed the kittens but she did.
Stacey love cats that's why she was smiling. That's all. At least that's what she says to herself.
"Alam mo ba last week nagpapizza si Ate Aiah sa buong dance troupe. Libre niya hindi galing sa budget ng council. Dagdag mo pa pala yung mayaman sa listahan at hindi kurakot" tumatawang kwento ni Sheena na pumutol sa naalalang memorya ni Stacey tungkol kay Aiah.
"Okay ka lang? nakatulala ka"
"Huwag kang masyadong kabahan diyan sa plano mo. Ilagay mo lang sa locker tapos ayun na let's wait mag uwian. Sino ba naman yan si Emilio para umayaw pa Stacey Lindstey Sevilleja na yung may crush sa kanya aarte pa siya. Panlaban kaya to ng school sa pageants." dire-diretsong sabi ng kanyang kaibigan.
But that was not the reason Stacey spaced out for a bit. It was from a memory of a girl who is currently walking in front.
----
Stacey and Sheena reached the locker area. Sheena the ever-supportive friend was on the lookout.
"Wait!" Sigaw ni Sheena.
"Sure ka bang yan ang locker niya? Naalala ko the other week nabanggit ni Emilio habang nasa practice kami na nagpalit siya ng locker"
"Oo sure ako, nakita ko siya rito kahapon may nilagay sa loob habang tumatakbo ako papunta sa sunod kong klase."
“Ok, ilagay mo na bilis at baka malate na tayo”
Huminga muna ng malalim si Stacey bago mabilis na isinuksok ang pink envelope sa locker. Agad naman siyang hinila ni Sheena palayo na parang may ginawa silang krimen.
"I did it." Stacey whispered to herself habang napapahawak pa sa dibdib niya.
"Oh my God, Shee. Ginawa ko talaga."
"Oo nagawa mo na, halika na at baka malate pa tayo." natatawang sabi ni Sheena habang hinihila si Stacey.
Lumingon pa si Stacey sa locker bago sila tuluyang makaalis.
Bigla siyang kinabahan.
Kung bakit, hindi niya alam.
-----
Buong araw ay halos walang maintindihan si Stacey sa klase. It also didn't help that almost everyone she sees are couples. Ang iba pa sa kanila ay may mga bitbit na bulaklak at chocolates kasi nga Valentine’s day ngayon. The very same reason she decided to brave herself to confess kasi Valentine’s day naman.
"Bwisit namang mga magjowa, oo na Valentine's Day ngayon. Itago niyo na yan Nakita ko na." sa isip-isip ni Stacey.
"Nakasimangot ka" puna ni Sheena.
"Eh kasi tong mga to" sabay tingin sa paligid niya "daming kaartehan"
Bigla namang sumulpot si Gwen
“Bebeee! I have something for you.” excited na tawag ni Gwen kay Sheena sabay lapag ng chocolates sa mesa nila.
“Seriously? Pati ba naman ikaw gwen?”
Natatawa na lang si Sheena sa reaksyon ng kanyang kaibigan while Gwen was left confused of what’s happening. Gwen looked at them both and Sheena just smiled and shook her head. Sheena mouthed “I’ll tell you later, bebe”.
Don’t’ get Stacey wrong hindi siya normally ganito kabitter sa mga mag boyfriend or girlfriend sadyang kinakabahan lang siya and it’s not helping na halos lahat sa paligid niya masaya today.
Stacey also has a fair share of chocolates, flowers and letters today. Most of them are given to her sa classroom nila. Yung iba naman habang naglalakad lakad sila ni Sheena. But for Stacey all of these doesn’t really matter kasi she’s already got her eyes on someone and today she’s confessing to him.
Napabuntong hininga na lamang si Stacey at ibinagsak ang ulo sa mesa.
“Paano kung hindi niya gusto?”
“Paano kung gusto ka rin?”
Hindi agad nakasagot si Stacey.
Suddenly she realized paano nga kung gusto rin siya? She’s suddenly having an internal panic kasi sa totoo lang hindi niya napaghandaan ang posibilidad na ito. Paano nga? Puro kasi siya magcoconfess na siya pero for some reason hindi niya na talaga inisip ang magiging outcome.
Lalong lumala ang kaba ni Stacey.
Honestly, hindi niya alam anong mas nakakatakot doon.
----
Alas singko na nang makarating si Stacey sa Science Garden.
Mas tahimik doon kumpara sa ibang parte ng campus. Konti na lang din ang tao.
Rinig niya yung mahinang hangin na dumadaan sa mga puno habang paikot-ikot siyang naglalakad malapit sa fountain.
Kinakabahan siya. As in sobra. Yung tipong ramdam na ramdam niya ang kalabog ng dibdib niya.
Paulit-ulit niyang inaayos ang buhok niya kahit maayos naman na. She even checked her lipstick kasi baka wala na kahit kakalagay niya lang ulit nito limang minute ang nakakaraan.
“Relax ka lang.” bulong niya sa sarili. “Emilio lang to. Stacey Lindtsey Sevilleja ka.”
Pero parang lalong bumilis ang tibok ng puso niya.
5:07 PM.
Late ba si Emilio?
Habang nag-iisip siya napansin niya mula sa di kalayuan ang isang pamilyar na figure na naglalakad papunta sa direksyun niya.
Matangkad. Mahabang buhok. White blouse tucked neatly in her jeans. At kahit medyo malayo pa kitang-kita na agad ni Stacey ang ngiti nito.
Parang automatic. Parang laging may kung anong humahatak kay Stacey na tumingin. Like she can’t fight it and for some reason she’s not even trying to fight it.
Napatitig si Stacey. In her defense ang ganda naman talaga kasi. As a pageantera she’s just appreciating beauty. Yun lang yun. Pwede kasi talaga siyang mag beauty queen.
Hindi niya alam kung bakit kahit simpleng naglalakad lang naman ang council president ay parang ang dali niyang mapansin. Hindi naman ito trying hard.
Hindi rin OA kumilos. Pero ewan parang may sariling spotlight si Aiah na palaging nakasunod sa kanya.
And that smile.
God.
Gets na gets niya bakit baliw na baliw dito ang buong campus.
Natigil naman ang pag-iisip niya nang mapansing palapit na nang palapit si Aiah sa kanya.
“Saan siya papunta? Ako lang ang nandito. “
"Hindi siya pwede dito paano kung dumating na si Emilio? Paano kung makita niya kaming mag-usap at marinig niya ang lahat?" Nagpapanic na si Stacey sa utak niya.
Bigla nasa harap niya na si Aiah.
Ngumiti ito.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ni Aiah. Ang gaan ng boses at ang bait. Parang boses ng anghel.
“Ha? Ah— wala. Ikaw?”
“Very smooth, Stacey. Very smooth.”
“I could ask you the same thing.” natatawang sabi ni Aiah.
Tapos doon lang napansin ni Stacey yung hawak nito.
Pink envelope. Her pink envelope.
Biglang parang may sumabog sa dibdib niya. Kung kinakabahan siya kanina ngayon doble na.
“Ay—”
“I was looking for you actually.”
Tuluyan nang lumapit si Aiah sa kanya. Mas lalo tuloy nakita ni Stacey yung eye smile nito. Yung tipong parang buong mukha ni Aiah nakikisama kapag ngumingiti siya.
Nakakahawa na nakakatulala. Sino ba ang nagbigay sa kanya ng karapatan na ngumiti ng ganyan?
Hindi niya namalayang kanina pa pala siya hindi nagsasalita.
“I read your letter.” malumanay na sabi ni Aiah na parang nahihiya pa.
Parang bigla namang nawalan ng hangin sa paligid ni Stacey.
Gustong magsalita ni Stacey. “She read my letter?” Nagugulahan siya.
Paano? Pinabasa ba yun ni Emilio? Bakit siya ang nandito?
“I like you too.”
Natigilan siya.
“I like you too”
It kept on playing in her head. Paulit-ulit habang nakatulala pa rin siya sa mukha ni Aiah.
To say that her mind went blank is not an exaggeration because it did. It completely shut off.
Wala.
As in wala na siyang maisip. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari. Hindi ito ang nasa isip niyang mangyayari. Never in her wildest dream or kahit saang alternate universe pa hindi niya ito naisip na mangayayari. Kaya you can’t blame Stacey for malfunctioning.
“…Ha?”
Yes, great. Stacey Lindstey Sevilleja is reduced to a one-word woman and it’s “Ha?”
Mahinang natawa si Aiah. Hindi yung natatawang nang-aasar. Mahinhin na sabi nito na may bakas ng konting hiya.
“Sorry. Masyado bang direct?” tanong nito habang napapangiti. “Nagulat lang din kasi ako. I honestly didn’t think you’d confess first.”
First. First???
Confess.
Sa kanya.
Maraiah Queen Arceta was confessing to her.
Pakiramdam ni Stacey biglang sobrang init ng mukha niya. Hindi niya alam saan titingin. Hindi niya alam bakit parang ang lakas ng tibok ng puso niya.
This is bad.
This is very, very bad.
Dapat magsalita na siya. Dapat sabihin niya na hindi iyon para rito.
Pero paano?
Paano niya sasabihin kay Aiah na misunderstanding lang ito habang nakatingin ito sa kanya nang ganito?
She looked at Stacey like she mustered all the courage that she has just to say she likes her too. Like she’s been waiting her whole life for this moment with those warm, gentle and hopeful eyes. And that small smile that gave away her nervousness.
God, what have I done?
“Stacey?”
Biglang natauhan si Stacey.
“O-oo.” mabilis niyang sagot.
Napakurap si Aiah. “Oo…?” Parang hindi siya makapaniwala sa sagot ni Stacey.
She looked at Stacey like she’s asking if it’s true. She looked at Stacey like she was not supposed to say that. There’s a hint of confusion in her eyes but Stacey didn’t notice all of this.
“Oo. Para sayo yun.” Inulit niya pa nang mas sigurado.
At doon tuluyang nasira buhay ni Stacey Lindstey Sevilleja.
Silence. Then Aiah smiled.
And Stacey, God bless her soul, thought that might be the prettiest smile she has ever seen in her entire life.
----
The next day ay halos mabaliw na si Stacey sa kakaisip ng mga nangyari kahapon.
Actually hindi “halos”. Mababaliw na talaga siya.
“Paanong umabot tayo sa ganito?” reklamo niya habang nakasubsob ang ulo sa mesa nila ni Sheena sa Cafeteria.
“Hindi ko rin alam teh pero natutuwa ako para sayo.” Natatawang sagot ni Sheena bago sumubo ng fries.
Biglang napaangat ng ulo si Stacey. “Anong natutuwa ka diyan? Sheena, nagsinungaling ako kay Aiah Arceta!”
The truth is her guilt has been eating her up since she left the garden.
Well Aiah left first because someone from council came to get her, something about paper na kailangan niya raw pirmahan para mapasa ngayong umaga.
She looked at Stacey apologetically na parang ayaw niya pa umalis. Na kung pupwede lang doon muna siya pero Stacey told her to go. She even added na magkikita naman daw sila the next day.
And that was dangerous. At least for Stacey. Kasi bakit niya sinabi yun? Bakit niya pa inassure si Aiah na magkikita naman sila the next day?
And that promise brightened Aiah’s face instantly. Ang mas malala parang tinambol ang dibdib ni Stacey because Aiah flashed that stupid pretty smile again.
Stacey assured herself na guilt lang tong nararamdaman niya. Kasi sino ba namang hindi magi-guilty? Ikaw kaya ang iharap sa ganyang mukha. Para ka na ring nagsinungaling kay Mama Mary.
While Stacey was busy battling all this thoughts si Sheena naman tuluyang tumatawa na nang malakas.
Yung tipong napapahampas pa siya sa mesa habang tawang-tawa.
“Sheena!” sigaw ni Stacey na lalong ikinainis nito.
“Sorry sorry—” hingal na sabi nito. “Kasi iniimagine ko mukha mo kahapon.
Sigurado akong nag-blue screen ka nung umamin si Ate Aiah.”
“Hindi funny!”
“It is funny.”
“It’s not!”
“It is.”
Napabuntong hininga si Stacey at muling ibinagsak ang mukha sa mesa.
“Patay na ako.”
“Ano bang exact na nangyari?” tanong ni Sheena habang nakangisi pa rin.
Dahan-dahang napaangat ulit si Stacey bago niya ikinwento lahat. Pati kung paano lumapit si Aiah. Paano siya ngumiti. Paano siya nagsabing “I like you too.” At kung paano siya tuluyang nawalan ng functioning brain cells.
“Oo. Para sayo yun.” panggagaya ni Sheena sa sinabi ni Stacey.
“Tumigil ka nga!”
“Tapos pretty girl smiled at you?” pang-aasar ni Sheena na may kasama pang nakakalokong ngiti.
“Sheena!”
“Eh anong gusto mong gawin ko? Maawa?” natatawang sabi nito. “Teh baka ito na talaga sign ng universe na para ka sa babae.”
“Straight ako.”
“Mhm.” tango ni Sheena habang umiinom.
“Anong mhm?”
“Wala. Sige continue mo lang yang narrative mo.”
“Bwisit ka.”
“Alam mo kasalanan mo rin kasi eh. Bakit mo ba naman kasi sinulatan si Emilio pero hindi mo nilagay yung pangalan niya?” tanong ni Sheena making sure na silang dalawa lang ang makakarinig.
“Aba common sense naman na siguro na para sa kanya yun kung nasa locker niya diba? Kasalanan ko bang nagpalit sila ng locker?”
Common sense nga. Kung nasa locker mo yun edi una mong iisipin para sayo yun at ganun nga ang nangyari.
Pero unti-unting humina ang inis ni Stacey. Kasi habang iniisip niya yung nangyari kahapon, paulit-ulit ding bumabalik sa utak niya yung ngiti ni Aiah.
Kung paano siya nito titigan. Yung eye smile niya nung sinabi ni Stacey na para sa kanya nga ang letter. Yung lambing na may kasamang hiya ng boses nito habang nagsasabing gusto rin siya nito.
Biglang uminit ulit ang tenga ni Stacey. Napansin naman yun agad ni Sheena.
“Oh my God.” nakangising sabi nito.
“Namumula ka.”
“HINDI!”
“Stacey”
“Mainit lang.”
“Stacey nasa airconditioned tay—”
Biglang natigil si Sheena. Kasabay ng biglang pagtuwid ng upo nito.
Napakunot noo si Stacey. “Ano?”
Pero bago pa siya makalingon—
“Hi.”
That voice. Kilalang kilala ni Stacey ang boses na yun. Ilang beses niya na ba itong narinig magsalita sa iba’t-ibang school programs?
Pero iba ngayon. Mas magaan. Mas mababa. Mas malambing. Hindi boses na pangbuong university. Hindi Aiah Arceta na puno ng awtoridad.
Pakiramdam ni Stacey biglang nagshutdown lahat ng organs niya. Dahan-dahan siyang napalingon.
And there she was.
Maraiah Queen Arceta standing beside their table with the brightest smile Stacey has ever seen directed at her.
Sa kanya lang. Hindi sa mga tao dito sa buong cafeteria o sa mga kaibigan nito. Sa kanya lang.
“Hi.” ulit ni Aiah nang hindi agad nakasagot si Stacey.
“Ah— h-hi.”
Very smooth ulit, Stacey.
Napangiti lalo si Aiah. And wow! Possible pa palang mas gumanda siya.
“Good morning.” sabi nito. “Kumain ka na?”
Tumango agad si Stacey kahit hindi pa.
“Oo.”
Sinulyapan siya ni Sheena. Traitor.
“Ano class mo?” tanong ulit ni Aiah.
“Psych Stats.”
“Ooh.” she nodded softly. “Good luck.”
Bakit parang normal lang magsalita si Aiah habang si Stacey parang mamamatay na.
Kung naririnig lang siguro nina Aiah ang sinasabi ng utak ni Stacey ngayon na puro “Pagentera ka Stacey pinapaalala ko lang. Magaling ka sa Q&A. Ilang pageant na ang naipanalo mo. Tapos ito ka isa, dalawang salita lang ang kaya mong isagot.” Kung pwede lang siya mag face palm ngayon ginawa niya na.
“Thank you.” Jusko sa isip niya ito na naman sa dalawang salita.
Saglit silang natahimik. Hindi nagsasalita si Aiah ganun rin siya. Nakatingin lang sila sa isa’t-isa.
Awkward?
For Aiah, Hindi. Pero kay Stacey? OO.
Kasi si Aiah nakatingin lang sa kanya habang nakangiti nang napakalambing na parang walang ibang tao sa cafeteria. Parang silang dalawa lang.
“Okay, I have to go now.” sabi ni Aiah.
“See you later?”
Later? May later?
“…Okay.”
“Bye Shee” At last napansin din si Sheena.
“Bye Ate Aiah! Papizza ka ulit sa dance troupe, Pres!” paalam ni sheena habang kumakaway pa.
At muli na namang ngumiti si Aiah bago tuluyang umalis.
Tahimik lang si Stacey habang pinapanood siyang maglakad palayo.
“Staks.” mahinang sabi ni Sheena.
Hindi sumagot si Stacey.
“Teh hindi na ata kaba yan.”
“Shut up.”
Pero hindi rin niya mapigilang mapahawak sa dibdib niya. Kasi bakit parang lalabas puso niya sa sobrang bilis ng tibok nito?
----
Bandang alas singko ng hapon nang makarating si Stacey sa Student Council office.
Halos uwian na rin ng karamihan kaya tahimik na ang hallway. Hawak niya ang listahan ng mga kaklase niyang sasama sa outreach. Nautusan kasi siya ng class representative nila na idaan ito pagkatapos ng klase nila.
Kakatok pa lang sana siya nang bumukas agad ang pinto.
“Oh.” bahagyang ngumiti si Aiah. “Ikaw pala.”
At ayun na naman yung ngiti na yan.
Iabot mo lang Stacey tapos umalis ka na. Safe. Easy as that.
“May dala ako.” mabilis na sabi ni Stacey sabay abot ng papel. “Yung listahan.”
“Come in first.”
Yun lang, as easy as that. Hindi siya nakapagsalita. Hindi siya nakatanggi.
Pagkapasok niya doon niya napansing mag-isa na lang si Aiah sa office. Kalat pa sa mesa nito ang kung anu-anong papers at folders.
Ngayon niya lang napansin mukha itong pagod.
Kitang-kita iyon sa mata niya but somehow ang ganda pa rin niya.
Actually unfair na yata yon.
“Sorry it’s a mess here.” sabi ni Aiah habang inaayos ang ilang papel. “Kanina pa kami may meeting.”
“It’s okay.”
Lumapit si Stacey para ibigay ang listahan pero imbes na kunin agad iyon ni Aiah, umupo muna ito sa upuan niya saka tumingala sa kanya.
“Sit with me.”
Ha.
“D-dito?”
Aiah nodded casually like wala lang nitong inaayang maupo si Stacey sa tabi niya habang si Stacey naman internally ay nagsisigawan na lahat ng neurons.
Umupo siya at halos mawalan agad ng hininga nang ilapit ni Aiah ang upuan nito sa kanya.
Literal na magkatabi at magkadikit halos ang braso nila.
“Thank you for bringing the list here.” mahinang sabi ni Aiah habang nakatingin sa kanya.
Kung tignan siya nito aakalain mong niligtas niya ang buong mundo sa pagdala ng listahan ng mga sasama sa outreach.
Akala mo sobrang laking tulong ang nagawa niya at napagaan niya ng husto ang buhay ni Aiah.
Hindi alam ni Stacey bakit parang mas mahirap huminga kapag malapit si Aiah. Siguro dahil naamoy niya pabango nito. Or shampoo. Or basta kung ano mang amoy ni Aiah Arceta.
“W-wala yun.”
Ngumiti si Aiah. Then before Stacey could even process what was happening bigla nitong niyakap ang bewang niya.
Hindi makahinga si Stacey. Para siyang hinihingal. Parang lalabas ang puso niya sa dibdib niya lalo pa nang maramdaman niyang isiniksik ni Aiah ang mukha nito sa may balikat niya.
Oh my God.
OH MY GOD.
“Aiah—” kinakabahang banggit niya.
“Please stay for a while” mahinang sabi nito habang nakapikit pa.
Her voice sounded tired. Soft and almost needy.
“Nakakapagod today. Pwede bang dito ka muna?... Wag muna.”
Hindi na alam ni Stacey kung anong gagawin. Hindi rin niya maintindihan bakit parang mas lalong bumibilis tibok ng puso niya habang yakap siya ni Aiah.
Parang automatic na gusto niyang manatili lang doon.
“Okay.” mahina niyang sagot.
Narinig niyang natawa nang mahina si Aiah sa balikat niya. Ramdam na ramdam niya ang hininga nito sa leeg niya.
And somehow that made Stacey even more nervous, pero hindi siya lumayo. She even put her arms around Aiah’s shoulders and tap her gently.
She felt Aiah relax even more to her touch.
And that felt really dangerous for Stacey’s heart.
----
Madilim na halos nang makalabas sila ng university.
“Ihahatid na kita.” sabi ni Aiah habang kinukuha ang susi ng kotse nito.
“H-hindi na. Malapit lang naman bahay namin.”
“I know.”
“So kaya ko na—”
“No.”
Napakurap si Stacey. Natatawa namang binuksan ni Aiah ang passenger seat ng kotse para sa kanya.
“Get in, Stacey.”
At dahil marupok si Stacey, sumunod siya.
Tahimik siya buong unang minuto ng biyahe. Samantalang si Aiah parang sobrang relaxed. Mukha siyang malaya after buong maghapon na nakulong sa council office.
Then biglang tumugtog ang music. Taylor Swift.
Napalingon si Stacey. “You listen to Taylor Swift?” gulat niyang tanong.
Agad na napangiti si Aiah.“Why? Bawal?”
“H-hindi. Nakakagulat lang.”
“Do you mean it doesn’t suit a Student Council President?”
“…Konti.” Medyo pang aasar ni Stacey.
It feels lighter now. Kasi ang gaan kasama ni Aiah. Minsan nakakalimutan nga ni Stacey ang guilt na dala-dala niya.
Tumawa si Aiah. And there it is again. That stupid pretty laugh.
“Rude.” sabi nito pero halatang amused.
Maya-maya sumabay na rin ito sa kanta. Mahina lang sa una, then eventually mas confident na.
One hand on the wheel habang kumakanta ng Taylor Swift na parang wala siyang pake sa mundo. At doon biglang may kung anong kumirot sa dibdib ni Stacey.
Because this—this version of Aiah felt different. Not the campus crush, not the perfect student leader everyone talks about. This is just… Aiah.
Someone who right now looks so carefree, soft, happy and beautiful with all this light illuminating her face while she drives.
Napansin yata ni Aiah na kanina pa siya nakatitig dahil bigla itong napalingon sa kanya.
“What is it po?”
Biglang umiwas ng tingin si Stacey. Pakiramdam niya bigla siyang namula umiinit ang psingi niya.
Lord, bakit ang cute niya? Pwede po ba burahin mo ang salitang po sa mundong ito?
“Wala.” Sagot niya pero hindi niya sinabi ang totoo. Na kanina pa yata siya hindi makahinga.
Buong byahe halos hindi na siya tumingin ulit kay Aiah. Which actually lasted only around 20 minutes minutes pero para kay Stacey parang tatlong oras na byahe yun.
Bubuksan niya na sana ang pinto ng mapansin niyang tinatanggal ni Aiah ang seatbelt niya.
She suddenly grabbed Aiah’s hand, kahit si Stacey nagulat sa ginawa niya. Babawiin niya na sana ang kamay niya nang bigla itong hawakan ni Aiah.
Ito na naman ang puso ni Stacey na halos lumabas na sa dibdib niya sa lakas ng tibok. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Kailangan niya nang bawiin ang kamay niya at lumabas.
But then when she raised her head to look at Aiah, she saw that she wasn’t looking at her. Nakatingin lang siya sa kamay nilang dalawa. It’s different from the Aiah that was singing in the car just a while ago.
Somehow, she looked sad but at the same time content? Stacey doesn’t want to assume anything but Aiah right now looks like she can’t believe this is happening.
Aiah moved her hand to intertwine with hers. Still looking at their joined hands with that same hopeful gaze. And that ruined Stacey more than anything else.
“Aiah” sasabihin ko na ba? Hindi ko na ata kaya.
Iniisip ni Stacey kung paano niya sasabihin. Paano niya ito ititigil dahil natatakot siya pero natatakot din siyang saktan si Aiah. She doesn’t deserve this. Wala siyang ibang sinisisi kung hindi ang sarili niya.
“hmm?” sabay tingin nito sakanya sabay ngiti pa.
Ayan na naman ang ngiting yan. Parang biglang napalitan ang ekpresyon ng mukha niya nakangiti na naman at mukhang masaya.
Mukhang baby naman to.
“Sorry, I just want to hold your hands for a little. Sorry, I got carried away.” Paliwanang nito pero hindi pa rin binibitawan ang kamay ni Stacey.
She gently squeezed it and slowly let it go.
And for some reason Stacey felt that loss.
“Huwag ka na bumaba. Ako na magbubukas” sa dinami-dami ng pumasok sa isip niya ayan lang ang nasabi niya.
Stacey opened the door but closed it again.
“Did you forget something?” tanong ni Aiah.
Hindi nagsalita si Stacey bigla niya lang inabot ang phone niya kay Aiah.
“Pwede mo bang ilagay ang number mo?”
Hindi agad nakasagot agad si Aiah pero nilagay niya pa rin naman ang number niya. Agad na pinindot ni Stacey ang call button at sabay namang nag ring ang phone ni Aiah.
“You have my number now. Text me kapag nakauwi ka na and drive safely. Wag mabilis, wag ka masyadong kumanta baka hindi mo mapansin ang ibang sasakyan sa paligid.” Sinabi niya ang lahat ng iyon na parang nagrarap sabay bukas ng sasakyan at tumakbo papasok sa gate nila.
Meanwhile, Aiah was left in the car processing everything that has happened.
“You are driving me crazy, Stacey.”
Huling banggit ni Aiah bago tuluyang umalis na nakangiti.
----
The following days somehow became softer for Stacey. Nakakatakot at nakakaguilty pa rin. Hindi pa rin nawawala yung panic niya every time na maaalala niyang nagsisinungaling siya kay Aiah.
Pero kasabay nun may mga bagay ring unti-unting nagiging normal. Like waking up with a “Good morning, Stacey 😊” text from Aiah.
Minsan random updates in the the middle of the day which Stacey finds cute.
“Kakatapos lang ng meeting. Save me.”
“May outreach kami hanggang gabi today. Kumain ka na?”
“Your Psych Stats exam today right? Good luck po.”
Nung una hindi alam ni Stacey kung paano magrereply. Minsan inaabot sita ng ilang minute na nakatitig lang sa messages ni Aiah bago siya sasagot. Minsan tinatype niya muna sa notes app bago isend. Minsan buburahin niya nang ilang beses kasi baka masyadong obvious na kinakabahan siya.
Meanwhile si Aiah parang sobrang dali lang para rito na kausapin siya. Parang natural lang at matagal na silang ganito. And somehow that scared Stacey a little bit more. She’d find herself looking for Aiah sa pagitan ng araw niya.
Kapag hindi nagtetext si Aiah nang ilang oras napapatingin siya sa phone niya kasi parang may kulang.
Kapag may funny na nangyari ang una niyang naiisip minsan ay “iku-kwento ko kay Aiah.” Pero every time marerealize niya yun, papagalitan niya agad sarili niya.
Kalmahan mo nga sarili mo Stacey. Guilt lang to.
Tama nakakaramdam ka lang ng guilt. And this thought always makes Stacey feel sad.
----
One time pa nga halos mapamura siya sa gitna ng klase dahil nagvibrate phone niya.
Aiah
Eat lunch on time please.
Napatingin si Stacey sa screen nang ilang segundo.
“Bakit ka nakangiti?” bulong ni Gwen mula sa gilid niya.
Biglang napabagsak ni Stacey ang phone niya.
“HINDI AKO NAKANGITI.”
“Teh.” singit ni Sheena mula sa likod. “Visible hanggang kabilang barangay.”
Bwisit kasi oo nakangiti nga siya. Oo, umiinit ang pisngi niya. Arceta what are you doing to me. Isang text lang and you are making me feel all these.
Pero dahil pareho pa rin silang busy, hindi rin sila madalas magkita in person.
Minsan ilang araw puro text lang. Palaging busy si Aiah sa council meetings nitong mga nakaraan. Si Stacey naman marami ring paper works para sa mga subjects niya. Minsan naman nasa libray lang sila nina Sheena tumatambay para magbasa at madalas mag nap sa gilid.
May mga araw naman na nakakasalubong niya si Aiah sa hallway binabati lang siya nito saglit bago mawala ulit. Minsan iniisip niya kung sinasadya ba siya ni Aiah sa building nila kasi wala namang rason para mapadpad siya sa building nila. Malayo ang multimedia arts building sa kanila.
Dumadagdag pa ito sa isipin niya kasabay ng epekto ng simpleng hi/hello niya kay Stacey. Isang ngiti niya lang parang nagugulo na ang buhay ni Stacey.
----
“Staks focus ka nga.”
Napakurap si Stacey nang kalabitin siya ni Sheena. Kanina pa pala siya nakatingin sa phone niya at sa last message niya kay Aiah. Hindi pa ulit ito nagrereply. Delivered lang ang nakalagay sa huling text niya.
Nasa dome sila ngayon may practice ang dance troupe. Sumama si Stacey kay Sheena dahil wala naman siyang ibang gagawin after class.
“Nakatingin ka lang diyan kanina pa” pun ani Sheena.
“huh?” pero bago pa siya makasagot biglang lumapit sa kanila si Emilio.
“Hi Stacey” masayang bati nito na may malawak pang ngiti.
Natulala si Stacey. Nagulat siya dahil for some reason she forgot about Emilio’s existence.
She’s aware of the guilt na nararamdaman niya for Aiah pero for some reason hindi niya naiisip si Emilio. Si Aiah lang at kung ano ang mararamdaman nito kapag nalaman niya na.
“Hi” nahihiyang bati niya
“Are you okay?”
“Oo, sorry may inaalala lang” sagot niya dito. Si Sheena naman tinataasan siya ng isang kilay habang nakatayo sa may tabi ni Emilio.
“parang ang lalim nga nang iniisip mo” dagdag naman ni Emilio.
Pero bago pa makasagot si Stacey biglang naging maingay sa may bandang entrance ng dome. Napalingon si Stacey and there she was.
The girl she’s been what? Missing? Dying to see? Hindi niya alam at for some reason ayaw niyang alamin.
Maraiah Queen Arceta walking inside the dome wearing her school jogging pants and plain white shirt habang may kasamang sobrang energetic na Mikha Lim sa tabi niya. Medyo napakunot ang noo ni Stacey watching them lalo na tong Mikha Lim.
Parang may sariling background music si Mikha habang nagsasalita nang dire-diretso. Halos tumatalon pa ito minsan habang nagkukwento. Samantalang si Aiah tumatawa lang.
Lord, bakit ang ganda pa rin kahit simple white shirt lang ang suot niya. Naka pony tail din siya. Ang linis linis niyang tignan at parang ang bango niya. Parang ang sarap niyang titigan. And Stacey hates that she notices all of this automatically now.
Napansin niyang may sinasabi si Mikha habang hinihila si Aiah papunta sa volleyball team.
The heck. Hinawakan pa Talaga ang kamay. Ito namang si Arceta nagpahawak rin hindi man lang tinanggal.
Biglang may kung anong kumurot sa dibdib ni Stacey. Napakunot siya ng noo, bakit ba kasi ang lapit ni Mikha Lim?
“Staks kinakausap ka ni Emilio.” Bulong ni Sheena sa tenga ni Stacey na mukhang naeentertain na naman sa mga nangyayari.
“hm?” tanging tugon ni Stacey pero hindi pa rin inaalis ang tingin kay Aiah at Mikha.
“wala, umalis na siya” natatawang sagot ni Sheena. “Kanina ka pa titig na titig kay Ate Aiah ah. Baka naman matunaw yan o kaya si Mikha yung matunaw kasi parang nililaser na siya ng mata mo.” Hindi na napigilan ni Sheena tumawa.
“Hindi ah!” deny naman ni Stacey sabay balik ng tingin niya kay Aiah.
“Staks hindi yan mawawala si Ate Aiah. Tignan mo may bodyguard” asar pa ni Sheena.
Hindi na sumagot si Stacey kasi totoo naman, kanina pa nga siya nakatitig and for some reason hindi niya mapigilan ang sarili na huwag nang tumingin.
Sa kabilang side ng dome nag-uusap na ang volleyball team pero hindi niya marinig mula rito. Mukhang may ineexplain si Mikha habang si Aiah naman natatawang nakikinig lang.
Nagsimula na silang magstretching at buong oras na yun halos hindi maalis tingin ni Stacey kay Aiah.
“Ganda no?” biglang sabi ni Sheena na nasa tabi niya na ulit.
Hindi na namalayan ni Stacey na umalis at bumalik na palang muli si Sheena. Break na yata nila. Umupo ito sa tabi niya habang umiinom ng tubig.
“Ako pinunta mo rito pero si Ate Aiah pinapanood mo.”
“Tumahimik ka nga.”
Natawa lang si Sheena.
“Alam mo ba may rumor na naman tungkol kina Mikha at Ate Aiah?”
Napatingin si Stacey.
“Ano?”
“Para sa taong guilt lang daw ang nararamdaman sobrang curious mo naman” hindi na natitigil si Sheena sa pang-aasar kay Stacey at sa pagtawa.
“Hindi ba pwedeng gusto ko lang malaman kung ano man yang rumor nay an?” nakakunot noong sagot niya.
“Na nagde-date raw.”
Biglang parang may humarang sa lalamunan ni Stacey.
“Ha?”
Paano silang made-date eh halos araw-araw siyang tini-text ni Aiah. Mula good morning hanggang good night.
“Eh kasi naman super close nilang dalawa.” kibit-balikat ni Sheena. “Tsaka diba masungit si Mikha halos hindi namamansin pero kapag kasama si Ate Aiah ayan tignan mo naman. Nawawalan pa ng mata kakatawa.”
Hindi alam ni Stacey kung bakit pero naiinis siya. Iniisip niya paano nga kung totoong magjowa ang dalawa. Pasimpleng babaero naman pala tong si Aiah.
“Pero may isa pang rumor diba? Yung kay Jhoanna naman.” Dagdag pa ni Sheena.
Hindi alam ni Stacey kung papatigilin niya na ba ang kaibigan kasi lalo ata siyang naiinis. May rumor na kay Mikha may Jhoaana pa? Bwisit ka naman pala Arceta.
But at the back of Stacey’s mind, the calm and still rational part alam niya ito. It’s been circulating for a while now. Halos lahat ata sa campus alam ang rumor na ito tungkol sa dalawang babae na sinasabing girlfriend daw ni Aiah. Kahit siya rin naman yun ang akala niya dati.
Madalas si Mikha ang kasama ni Aiah. Hindi siya stalker sadyang sikat lang si Aiah at si Mikha kaya nakikita niya na ang posts nito.
Hindi niya rin alam kung ano ang meron pero every month nakikita niya nagpopost si Aiah or si Mikha ng dinner date nila. It must be their thing. No one knows.
Kung hindi naman si Mikha ang kasama ni Aiah si Jhoaana naman. Everyone knows na nagging close sila mula nung pumasok si Jhoanna sa university publication. Si Aiah pa noon ang EIC. Simula noon lagi na silang nakikita na magkasama. Madalas pati lunch sa cafeteria magkasama sila.
Ang sabi hinihintay daw lagi ni Jhoaana si Aiah kahit maaga matapos ang klase nito or kung ano mang commitment niya hihintayin niya pa rin si Aiah bago kumain.
At aminin man ni Stacey o hindi parehong bagay kay Aiah. Which for some reason irritated Stacey more.
“Foundation day thing yata yan.” Putol ni Sheena sa pag iisip ni Stacey. “Required daw ang officers magparticipate sa sports events.”
Napalingon ulit si Stacey sa court.
“Ate Aiah would have chosen scrabble in a heartbeat” natatawang dagdag ni Sheena. “Pero sabi nila nagmakaawa raw si Mikha na magvolleyball siya. Nadaan ata sa pacute.”
At syempre hindi siya natanggihan. That annoyed Stacey more than it should.
Bakit ba siya naiirita? Magkaibigan lang naman yung dalawa. At saka bakit ba siya affected?
Wala naman siyang karapatan.
…Diba?
Habang busy si Stacey sa sariling utak niya, biglang napalingon si Aiah sa direksyon nila.
Then she froze for a second. Parang sinisigurado niya na tama ang nakikita niya.
Pero halos instant din namang lumambot expression nito nang makita siya.
Then she smiled.
That smile again. Yung smile na parang automatic na ring sumisira kay Stacey.
Bigla ring kumaway si Aiah mula sa kabilang court at parang tanga namang kumaway rin si Stacey pabalik.
“Teh.” natatawang sabi ni Sheena. “Mukha kang girlfriend.”
“Shut up.”
Pero umiinit nanaman tenga niya. Sa hindi malamang kadahilanan may kung anong mabigat sa dibdib ni Stacey ang biglang nawala.
During break ng volleyball team, agad na lumapit si Aiah sa kanila kasama si Mikha.
And wow! Mas unfair pala siya kapag malapitan.
May konting pawis pa sa buhok niya from playing pero bakit parang mas gumanganda lang lalo. Namumula rin ang pisngi ni Aiah siguro dahil sa pagod at init.
“Hi” nakangiting bati nito kay Stacey.
“Hi.” There it is again. one-word woman strikes back.
“What are you doing here?” tanong ni Aiah habang umuupo sa tabi niya.
“Sinamahan ko si Shee.”
“Ate Aiah!” singit ni Sheena. “Grabe ka magvolleyball ah. Parang pwede na magvarsity”
“I was just forced. I don’t even know how to play, you know that” natatawang sabi ni Aiah.
“I didn’t force you! I just said please and you said yes because I’m cute and you love me” pagdedefend ni Mikha sa sarili niya.
Doon lang tuluyang napatingin si Stacey kay Mikha.
Miha grinned at her.
The audacity. “Problema nito? Pag ito tinarayan ko” Singhal ni Stacey sa isip niya.
“Hi! I’m Mikha.”
“I know.”
Biglang gusto ni Stacey sapakin sarili niya. “Sa isip lang yung taray bat mo naman pinapahalata.”
Baka ang taray pakinggan nun.
Mukhang napansin rin ni Aiah dahil bahagya itong natawa.
“She’s Stacey.” sabi ni Aiah kay Mikha pero hindi inaalis tingin nito sa kanya.
“I know her” sagot ni Mikha habang tinitignan siya nang seryoso sabay tingin ulit kay Aiah.
At ewan ni Stacey bakit parang may kung anong weird sa dibdib niya habang nakikita interaction nilang dalawa.
Masyadong silang close. Sobrang comfortable nila sa isa’t-isa.
At hindi niya gusto yung feeling na yon.
----
“Mauna na kami.” sabi ni Stacey nang matapos ang practice ni Sheena.
Agad namang tumayo si Aiah. “Wait lang”
At saka niya tinignan si Mikha na parang nagpapaalam.
“Bakit siya nagpapaalam nanay niya ba yan si Mikha” inis niyang sabi sa isip niya.
“Go. I’ll take it from here” sabi naman ni Mikha sabay tingin kay Stacey. Hindi alam ni Stacey kung ano’ng ibig sabihin ng tingin na yun ni Mikha. Hinahamon ba siya nito? Napataas naman siya ng konti ng kilay.
“Aiah—” tawag ni Stacey but she was cut off right away by Aiah na parang nagmamadali.
“Wait please give me five minutes. I’ll just gather my things”
Napatingin agad si Stacey kay Sheena.
Traitorously enough, ngumiti lang ito.
“Ate Aiah mauna na ako ha? Puntahan ko pa si bebe. Staks salamat sa pagsama byeee!” sabi ni Sheena sabay alis. Kahit si Aiah hindi man lang binigyan ng time na sumagot.
Binenta talaga ako.
Tahimik silang naglakad ni Aiah palabas ng dome hanggang makarating sila sa isa sa mga benches malapit sa Science Garden.
Tahimik doon at konti lang tao.
Halos walang dumadaan.
Umupo si Aiah sa bench habang napabuntong hininga.
“You okay?” tanong agad ni Stacey.
Tumango si Aiah pero halatang pagod.
Ngayon lang ulit sila nagkita nang matagal after ilang araw na halos texts lang.
“Napapagod ka na ata masyado.” sabi ni Stacey habang nakatingin dito.
Aiah smiled softly. “A little.”
“Magpahinga ka rin kasi.”
“I’m resting right now.” Sabi nito habang nakatingin lang kay Stacey.
Ayan na naman ang tingin na yan. Hindi maipaliwanang ni Stacey kung ano ang nararamdaman sa tuwing titignan siya ni Aiah nang ganyan.
Napakurap si Stacey.
“Ha?”
Dahan-dahang inilapit ni Aiah ang sarili nito sa kanya bago muling ipulupot ang mga braso sa bewang niya.
Automatic nanaman nagpanic lahat ng organs ni Stacey.
“Aiah—”
Pero hindi na ito nagsalita. Ipinatong lang nito ulo sa balikat niya at isiniksik sarili nito sa may leeg niya nang mas komportable.
Exactly like before. Kagayang kagaya nung sa council office but somehow mas malala epekto ngayon kay Stacey.
Kasi ngayon mas sanay na siya sa boses ni Aiah. Sa amoy ng pabango nito. Sa init ng katawan niya kapag magkalapit sila. At higit sa lahat sa presence ni Aiah.
This is dangerous. Very dangerous for Stacey.
“Guilt lang to” paulit-ulit niyang sinasabi pero minsan hindi na rin siya sigurado.
“Mas okay na.” mahinang sabi ni Aiah habang nakapikit.
At si Stacey?
Hindi nanaman makahinga.
----
After that day sa dome, Stacey thought things would go back to normal. Whatever “normal” even mean now.
But it didn’t
A few days before everything slowed down, the day of the outreach program is just a few days away. May orientation ngayon kasama lahat ng mga estudyante na nagpalista na sasama.
Stacey almost didn’t go pero sumama pa rin siya kay Sheena.
Wala lang daw. Part ng Requirement sa class. Group work. Para lang sa attendance.
At least that’s what Stacey is telling herself.
The lecture hall was already half full when they arrived. Students were scattered across rows, noise bouncing off walls, chairs scraping, papers rustling.
Stacey picked a seat somewhere middle. She didn’t think about it, automatic lang.
Beside her was an empty seat. She’s saving it for Sheena sakaling gusto nitong tumabi sa kanya. Tinawag kasi siya ng dance troupe members bago pa sila makaupong dalawa.
Stacey was busy with her phone until Emilio sat down on the empty chair.
“Uy, Stacey.”
Casual lang na bati nito habang nakangiti.
“Hi” sagot niya.
Medyo nagulat pa si siya hindi lang sa pag-upo ni Emilio sa tabi Kundi sa ideya na wala siyang kung ano mang naramdaman.
Which was… new.. and weird.
Kasi she used to feel butterflies kapag malapit si Emilio. Kapag nagkakasalubong sila sa hallway o sa cafeteria. Pero ngayon na katabi niya ito, nag “hi” sa kanya at ngumiti biglang wala.
Tinitigan niya ito saglit habang nakatutok naman ito sa kanyang cellphone. Wala talaga.
Weird.
Sa harap, nagsimula na ang orientation. May council officers na nag eexplain ng logistics, schedules, assignments, zones at groups.
And then, Aiah stepped up.
“Good afternoon, everyone,” she started
And suddenly the room shifted. Not because of anything obvious pero Stacey felt it immediately. Aiah’s authoritative presence can really command a room and it shows.
Her natural calm na parang kahit maingay ang lahat, kaya niyang patahimikin.
Stacey watched her without meaning to.
As usual.
“Sa outreach, we’ll be dividing volunteers into three groups,” Aiah continued, scrolling through slides.
“Medical assistance, logistics, and community immersion.”
Her voice was steady, clear and very professional. Pero underneath it is you can still feel the softness.
Then, Aiah spoke. “Emilio, can you help me check the attendance sheets after this?”
Casual lang na tanong. Very work related. Very normal.
But something in Stacey’s chest tightened. Not from jealousy, she’s sure. More like awareness.
Emilio nodded. “Sure, Pres.”
Then he smiled at Aiah.
And Aiah smiled back.
Just a small smile.
Polite.
But Stacey noticed it didn’t linger.
Still, something in Stacey shifted because she realized that Aiah talks to everyone like that. Calm, composed and kind. But she also realized something else she didn’t like admitting:
Aiah looks at Emilio like he exists. She knows there’s nothing special to it. Not different from how Aiah looks at others.
It’s just… there. And Stacey hated that she noticed that because why is she analyzing it.
Why did she care?
“Any questions?” Aiah asked.
A few hands went up. Questions were asked and discussion started. Noise returned.
And somewhere in the middle of it, Emilio leaned slightly closer to Stacey.
“Magpapasa ka ba ng form later?” he asked quietly.
“Hmm?”
“Yung outreach consent slip.”
“Ah, oo.”
“Okay.”
Simple. Normal.
What Stacey didn’t notice is in front, Aiah paused mid-slide transition for half a second. Barely noticeable then continued.
But for some reason her grip on the remote tightened slightly.
Stacey didn’t see that.
After the orientation, people started standing. Noise rising again from chairs moving to groups forming at the exit.
Emilio stayed a bit.
“So, sabay tayo later sa submission?” he asked Stacey.
“Ah… sure.”
Not thinking much just answering automatically.
“Stacey.”
She knew that voice. It’s coming from the stage.
She was packing up her laptop while looking at her directly.
“Can I talk to you for a second?”
Stacey nodded right away. “Yeah.”
She stood up and walked forward leaving Emilio behind.
She didn’t notice that Emilio stayed behind a second longer than necessary. Or that he looked like he wanted to say something else but didn’t.
Sa harap, si Aiah was already organizing papers.
“About outreach,” she said softly when Stacey arrived.
“Yeah?”
“Nothing important.” pause. “Just logistics.”
But she didn’t sound like it was nothing.
“Okay,” Stacey replied.
Then there was a pause. Like no one wants to talk first.
Then Aiah broke the silence with her casual tone. Too casual.
“Emilio was asking about the consent forms earlier”
“Ah yeah,” Stacey nodded. “Sabay kami mamaya mag-submit.”
Silence.
Just a beat too long.
Then Aiah smiled. “Okay.”
“See you later then,” Aiah added.
“Yeah.” Stacey walked away.
She didn’t think any deeper. She didn’t linger like she always does; she just went back to Sheena. Back to the noise. Back to ignoring the fact that something in the air felt slightly different.
----
After that day sa orientation something shifted and Stacey is only realizing it now.
Because the next morning, there was no text message from Aiah,
No “Good morning, Stacey 😊”.
No “Kumain ka na?”
No “Good luck po”
At first, she didn’t think much of it. She knows how busy Aiah is with all the council stuff, outreach preparation and maybe meetings.
But by lunch, she was already checking her phone more than usual.
By afternoon, she was rereading old messages without meaning to.
And by evening she was staring at the screen a little too long. Because the thing about Aiah is no matter how busy she gets she aways make time to check up on her.
She finds ways to communicate with her even just for a few minutes. This is something she’s never experienced with Aiah before and more than anything it makes her worried about Aiah.
She stared at her phone, Delivered. Not even seen.
Still nothing.
“Staks, kain ka muna.” sabi ni Sheena habang inaabot sa kanya yung sandwich.
“Mamaya.”
“You said that an hour ago.”
“I’m not hungry.”
Lie. She just didn’t feel like eating which was annoying. Because she knew why she wasn’t eating. And Stacey stubborn as ever refused to name it.
That night, Stacey finally typed. She’s getting a little irritated by Aiah’s silence.
Stacey
Busy ka?
She stared at it for a while.
Then sent.
Delivered.
Seen.
Typing…
Nothing.
Then after a few minutes.
Aiah
Sorry.
Outreach prep.
Stacey
Okay
She hesitated then added,
Stacey
uwi ka na ha
Seen.
Aiah
I will po : )
And for some reason that “po” felt heavier than usual.
The following day was worse, still no Aiah.
Her replies to her messages are short and mostly late replies. Stacey thinks it was exhaustion disguised as normal conversation.
And Stacey started noticing something she didn’t want to notice. Aiah wasn’t just busy, she was slipping.
By lunch Stacey isn’t her usual self anymore. Colet and Maloi joined them, as usual Sheena’s with her along with Gwen.
They’re talking about a specific prof they all collectively don’t like but pero si Stacey tahimik lang at hindi masyadong nakikisabay. She’s been checking her phone constantly too. “wala pa rin kahit hi kumain ka na” sa totoo lang medyo naiinis na si Stacey.
Napansin naman siya ni Sheena so she whispered “Okay ka lang? kanina ka pa tahimik.”
“Oo, sorry iniisip ko lang yung mga gagawin.” She assured Sheena.
Sheena seemed convinced because it was true that they have a lot of things to do anyway.
Nagpatuloy ang magkakaibigan sa pagkukwentuhan at paminsan-minsan rin sumasagot si Stacey sa mga usapan nila.
Naputol naman ang pag-uusap nila ng matanaw ni Colet si Jhoanna. Then, Colet called her from their seat sumenyas naman si Jhoanna nang saglit lang bago nagpatuloy sa pag order.
Tinignan naman ito ni Stacey, kasalukuyan siyang nagbibigay ng order niya sa counter. Nang matapos ay naglakad ito papalapit sa table nina Stacey.
Jhoanna really has this intimidating aura. She usually has her poker face on. Si Stacey lang ata ang hindi close or at least in Jhoanna’s circle sa kanilang magkakaibigan. May kanya-kanya kasi silang org at iba-ibang courses but somehow her friend’s orgs usually have interactions with the school publication kaya sila naging magkakakilala. As for Stacey wala masyadong instances na magkasama sila ni Jhoanna. Most of the time kapag sinasama lang siya ng mga kaibigan niya or vice versa.
Pagdating ni Jhoanna sa mesa nila bumati siya sa kanilang lahat. Napansin nila ang madaming order na dala nito.
“Para saan yan ang dami mo namang pinamili? Gutom na gutom ka ba?” tanong ni Colet.
“Not for me,” sagot nito. “for Aiah”
Agad namang napatingin si Stacey nang mabanggit ang pangalan ng babaeng ilang araw nang gumugulo sa isip niya.
“Ang takaw naman ni Pres, hindi halata” biro ni Maloi
“Matakaw kaya si Ate Aiah pag gusto niya yung food” tumatawang sabi ni Sheena na sinang-ayunan naman ni Gwen.
“Huwag lang gulay kasi hindi na lang siya kakain baka umiyak pa yun” dagdag naman ni Jhoanna habang simpleng ngumingiti.
That simple remark made Stacey’s chest tightened. It was a simple passing remark parang wala lang kay Jhoanna nung binanggit niya pero for Stacey it lingers a bit in her chest.
For some reason the thought that Jhoanna knows that Aiah dislikes vegetables and she doesn’t make her feel something she isn’t ready to name.
Naiinis ba siya ngayon kay Jhoanna kasi alam niyang ayaw ni Aiah ng gulay o naiinis siya kasi gusto niya ring malaman ang mga bagay na gusto ni Aiah at hindi?
Panandalian rin namang naputol ang pag iisip niya nang magsalita si Jhoanna ngunit parang mas nadagdagan pa ang iisipin niya.
“Pasensya na ha pero mauna na ako. Si Aiah kasi naghihintay sa kotse. Nagpumilit lang ako dumaan dito kasi hindi pa siya kumakain mula kaninang umaga, Pinipilit niyang magawa lahat ng dapat gawin bago ang outreach bukas. Alam niyo naman yun medyo may katigasan din ang ulo kapag council duty.” Explain ni Jhoanna habang nagpapaalam na aalis na siya.
Pagkaalis ni Jhoanna, bumalik ulit ang usapan sa mesa.
May bagong topic na naman sina Colet at Maloi. Si Gwen at Sheena naman may pinag-uusapang choreography.
Pero si Stacey? Tahimik lang, half listening half thinking about Aiah.
Hindi niya alam kung bakit hindi maalis sa isip niya yung sinabi ni Jhoanna. Hindi pa siya kumakain mula kaninang umaga.
Bukas pa ang outreach tapos kanina pa pala ito nasa campus kung tutuusin mamaya pang 3 pm ang klase ni Aiah.
It hit Stacey. Kaya siguri puro late replies.
Kaya siguro kahit sa text lang parang ramdam na ramdam niya ang pagod nito.
Parang biglang nawala ang inis na nararamdaman niya kanina dahil sa gulay.
Dahil parang mas may alam pa si Jhoanna tungkol kay Aiah kesa sa kanya.
Napababa ang tingin niya sa cellphone niya. Wala pa rin.
Hindi naman niya hinihintay.
Hindi naman siya naghihintay.
Hindi naman.
Yan ang paulit-ulit niyang sinsabi sa isip niya simula pa noong isang araw.
Makalipas ang halos wala pang isang minuto ay biglang nag-vibrate ang phone niya.
Agad niyang kinuha iyon.
At mas mabilis pa yata siya kaysa sa sarili niyang paghinga.
Aiah
Hope you had lunch already po 😊
Saglit siyang natigilan.
Yun lang. Isang simpleng message.
Pero pakiramdam ni Stacey parang may humila sa dibdib niya.
Kasi habang siya nandito kumakain kasama ang mga kaibigan at nagrereklamo dahil hindi nagtetext si Aiah.
While Aiah is probably at her car right now waiting alone ay naalala pa rin siya nito.
Hoping na sana kumain na siya samantalang siya ay hindi pa pala kumakain buong araw.
“She still remembers me”
Hindi niya alam kung bakit pero mas lalo siyang nainis kay Aiah at sa sarili niya.
Bwisit ka talaga Arceta.
Ikaw yung hindi kumakain. Ikaw yung pagod. Ikaw yung mukhang magkakasakit tapos ako pa rin iniisip mo.
Agad siyang nagreply.
Stacey
Ikaw?
Kumain ka na ba?
Halos instant ang seen pero matagal bago dumating ang reply at noong dumating iyon mas lalo lang sumama pakiramdam niya.
Aiah
Not yet.
I’m in the car right now waiting for Jho
We'll eat on the way.
May kung anong mabigat na lumapag sa dibdib ni Stacey.
Hindi dahil kay Jhoanna o dahil nagseselos siya.
Hindi.
Pero dahil ngayon niya lang napagtanto kung gaano ka nakakapagod ang mga araw ni Aiah.
At kung gaano karaming bagay ang ginagawa nito habang nagagawa pa ring magtanong kung kumain na ba siya.
Stacey
Kumain ka.
Hindi request yan.
Order.
Matagal ulit bago nagreply si Aiah.
Aiah
Opo 😔
Napapikit si Stacey.
Bwisit.
Bakit parang nakikita niya pa yung mukha ni Aiah habang tine-type yung emoji na yan?
Bago pa man tuluyang itago ni Stacey ang phone niya nag vibrate ulit ito.
Aiah
Stacey
I’m sorry for being distant nitong mga nakaraang araw.
I feel like I’m drowning
I miss sitting down somewhere quiet with you.
I miss you.
I gotta go. Jho’s here. See you sa outreach.
Hindi alam ni Stacey kung ano ang gagawin. Parang wala siyang marinig mula sa paligid niya. parang tumigil ang mundo sa oras na ito.
Ilang ulit niya nang binasa ang text ni Aiah hinihintay na mawala ito o kung ano man kasi baka panaginip lang ito.
Pero kahit ilang ulit niya itong basahin nandito pa rin.
I miss you
Bigla niyang ibinagsak ang ulo niya sa mesa na ikinagulat ng mga kaibigan niya pero wala siyang pakialam. Hindi niya naririnig kung kinakausap ba siya. Ang tanging naririnig niya lang ay ang sobrang lakas na tibok ng puso niya.
One thing’s for sure she is not using her usual “guilt lang to” excuse.
----
The day of the outreach finally came.
For students like Stacey this is just one of those required activities that you need to attend for additional grades and attendance.
But for some like Aiah this is something more than that.
This is the culmination of sleepless nights planning, back-and-forth communication with people involved in their school and in the community. Everything that has to do with this event be it sponsors, logistics, documents transportation and volunteer lists name it, they all went through Aiah’s review and approval.
Stacey, Sheena and their classmates had just gotten off the bus. Sumalubong agad sa kanila ang Barangay Captain kasama ang ilang teachers mula sa elementary school na pupuntahan nila.
Today, bilang mga Psychology students at parte ng curriculum nila, magtuturo sila sa mga bata. May mga activities rin silang inihanda tungkol sa emotional awareness, basic social skills at iba't ibang educational games.
Habang naglalakad papasok ng school grounds, hindi mapigilan ni Stacey ang maghanap.
Automatic siyang napapalingon sab wat grupo ng mga volunteers.
Sa mga faculty members na kasama nila ngayon.
Sa mga council members.
Sa parking lot.
Sa covered court.
Sa stage.
Kung saan-saan.
Wala.
Hindi niya makita si Aiah.
“Anong hinahanap mo?” tanong ni Sheena habang nag aayos ng mga materials nila.
“Wala.”
“Sinungaling. Tinitingnan mo ang buong barangay simula pagbaba natin sa bus.”
Napairap si Stacey pero hindi siya sumagot kasi an oba ang sasabihin niya? Eh totoo naman.
Hindi naman sa hinahanap niya curious lang. Normal naman siguro na hanapin ang Student Council President sa event na siya halos ang nag-organize.
Diba?
Diba??
Makalipas ang halos isang oras nagsimula na rin ang program proper. Nagkaroon ng opening remarks, introduction ng volunteers at ice breaker.
Minsan nakikihalubilo si Stacey sa mga bata, minsan naman tumutulong sa ibang groups.
Pero kahit anong pilit niyang magfocus hindi niya magawa ng buo.
Wala pa rin si Aiah. And this worries Stacey kasi hindi ito normal.
Si Aiah yung tipo ng taong pupunta kahit may lagnat. She has witnessed that before during a Christmas event. Hindi sinasadya pero nasa clinic siya nang dumating si Aiah kasama si Mikha.
Mikha was practically dragging her there to be checked. Hindi niya alam kung anong nangyare pero ang alam niya lang may sakit ito at pinapagalitan ni Mikha.
Bandang tanghali, habang kumukuha sila ng tubig sa faculty room, may narinig siyang usapan mula sa kabilang dulo.
"Ate, nasaan po si Pres?" tanong ng isa sa mga student volunteers.
Saglit na natigilan si Stacey. Hindi niya alam kung bakit pero awtomatiko siyang napahinto sa ginagawa. Gusto niyang ding malaman nasaan ng aba si Aiah?
"Naku, pinauwi na."
Napalingon siya sa nagsalita. Isang council officer yung sumagot na mukhang pagod na din.
"Ayaw pa nga umalis nun eh."
"Ano pong nangyari?"
"Nilagnat yata."
Parang may bumagsak sa sikmura ni Stacey.
"Hindi na talaga okay kanina pa."
"Actually kagabi pa ata."
"Pinilit pa rin sumama rito kaninang umaga."
"Pero napansin na ng advisers."
"Hinahatak na yung katawan niya."
Napailing yung council officer "Kaya pinauwi na."
Tahimik lang si Stacey hindi na niya naririnig yung mga sumunod na sinabi.
Ang alam lang niya nilagnat kagabi pa at pumasok pa rin.
Bigla niyang naalala yung mga late replies.
Yung ilang araw na halos hindi ito natutulog. Yung sinabi ni Jhoanna kahapon.
Hindi pa siya kumakain mula umaga. Yung simpleng text. “Hope you had lunch already po 😊”
Pakiramdam ni Stacey may kung anong mabigat na humigpit sa dibdib niya.
Hindi niya gusto yung pakiramdam. Hindi niya gusto na iniisip niya ito. Hindi niya gusto na nag-aalala siya nang ganito.
Pero mas hindi niya gusto ang ideya na mag-isa si Aiah ngayon habang may sakit.
"Staks?" Napakurap siya nasa tabi na pala niya si Sheena.
"Ano nangyari?" Hindi agad nakasagot si Stacey.
Nakatitig lang siya sa hawak niyang bottled water.
"May sakit daw si Aiah." Mahina niyang sabi na halos bulong. Pero sapat na iyon para mapatingin agad si Sheena sa kanya.
At doon nagsimulang maintindihan ni Stacey na hindi na yata guilt lang ang nararamdaman niya.
When the activity concluded Stacey didn’t wait. She didn’t ask more questions. She just grabbed her things.
“Staks saan ka pupunta? Sigaw ni Sheena.
“Kay Aiah”
“Saan??
Hindi niya na narinig yung sumunod.
Stacey decided to take a grab. The ride felt too long, too quiet and too loud at the same time. Too loud because of all the thoughts that kept running through her mind.
Parang lahat ng iniwasan niyang isipin for weeks biglang sabay-sabay bumalik.
Guilt lang to.
Concern lang to.
Normal lang to.
Sa totoo lang hindi niya alam kung paano siya pupunta. Hindi sumasagot si Aiah sa tawag at texts niya baka hindi rin lang siya makapasok sa condo nito. Ayaw niya man pero para kay Aiah tinawagan niya si Jhoanna para itanong dito ang unit at pin ng condo ni Aiah kung sakaling hindi ito samagot sa kanya pagdating niya. Nung una ay ayaw pa sana nitong ibigay at siya na lang daw ang pupunta kay Aiah. Halatang nagpapanic si Jhoanna when she found out what happened to Aiah pero hindi pumayag si Stacey. Somehow the answer made Stacey's brow twitch. She insisted na siya na ang pupunta kay Aiah.
Sa huli wala rin namang nagawa si Jhoanna kung hindi ibigay ang hinihingi ni Stacey.
Pero habang papalapit siya, mas nagiging mahirap paniwalaan yung sarili niya.
Pagdating niya, hindi niya alam kung ano ang ineexpect niya pero definitely hindi ito.
She knocked first but when no one answered she typed Aiah’s pin.
The room was so Aiah. Lahat naka organize, walang kalat maliban sa mga ilang libro at papel sa center table. May jacket din na naka sampay sa upuan.
Medyo madilim na rin sa loob ng unit ni Aiah. Nakababa ang mga kurtina at tanging maliit na lamp shade lang ang naka bukas.
Dahan-dahang naglakad si Stacey papunta sa kwarto at doon niya Nakita si Aiah.
Aiah looked smaller. She’s curled up in her bed covered with her comforter. Something in Stacey’s chest hurt seeing Aiah in this state.
Alone and sick.
Hinila ni Stacey ang upuan palapit sa higaan ni Aiah. Mas kita niya na ngayon ng malapitan ang mukha nito. Sobrang amo talaga ng mukha pero halatang pagod na pagod siya. Malalim din ang paghinga niya.
Stacey stretched her hand to touched Aiah forehead to see if she has fever. But instead of just touching her forehead her hand lingers tucking lose strands of hair to her ear. Then back to her creased forehead. She gently massaged it to relax.
“Nandito ako Aiah” She whispered.
She then held Aiah’s hand. It feels warm against her cold skin. She tightened her hold of Aiah’s hand like she’s afraid she’ll lost it if she won’t hold it tight enough.
Aiah might have felt her presence that she stirred awake and looked up.
She looked at Stacey while repeatedly blinking her eyes trying to focus on who’s in from of her.
Then she looked up and smiled. That soft and tired smile. It breaks Stacey’s heart a little.
“You came.” Not a question just a statement, like she knew she’ll come. Like it’s a fact even before Stacey knew about it.
“Bakit hindi ka nagsabi?” agad na tanong ni Stacey. Puno nang pag-aalala ang boses niya.
“Okay lang naman ako”
“Hindi ‘okay lang’ yung may lagnat ka to the point na pinauwi ka, Aiah,” agad na putol ni Stacey.
“You’ve been sick before too sa mga events pero hindi ka napauwi. Hindi ka nila napapauwi pero ngayon nandito ka nakabalot sa kumot” Dire-diretsong sabi ni Stacey.
She didn’t notice how her voice was trembling with worry. How her chest felt tighter from worrying all day.
Aiah gave a small laugh. “I’m okay. Kaya ko pa nga mag organize ng new project”
Trying to lighten up the mood.
“Hindi ako nagjo-joke Aiah”
Stacey was looking at Aiah with a face that looks like she’s about to burst out any moment now. Then Aiah looked at her properly with those same eyes she has on the day in the garden. Where she confessed to Stacey. Where all this started.
Then Aiah shook her head a little now she just looked… tired.
“Sorry” and that was it. No explanation or defense. Just sorry.
Stacey exhaled slowly. Hindi niya alam bakit andito siya. Hindi niya rin alam bakit ayaw niya umalis.
“Uminom ka na ng gamot?” tanong niya.
“Hmm.”
“That’s not an answer.”
“Hindi pa po baby.” Aiah said teasingly
“Seriously?” she tried to say with conviction but her heart just started summersaulting with that one word.
“Baby parang tanga” She tried to compose herself. Pretend that does not just did something to Stacey’s already beating too fast heart.
Aiah smiled again. “Now you sound like my mom.”
“I don’t want to sound like your mom” seryosong sagot ni Stacey.
“Then please just hold my hand, again. I like it when you held my hand like that… and now I miss it”
She said with that weak voice that decided she’s no longer pretending to be strong and playful. Just surrendering to what she feels like at the moment.
And Stacey without hesitation reached for her hand and held it just as tight. Like letting go is not an option anymore.
Aiah smiled contentedly and slowly closed her eyes.
“How was the outreach? I tried asking for an update of everything that happened but all they tell me it was a success.” Aiah looked at her again after asking that with her expecting eyes.
“Kasi success naman talaga. Wag mo na isipin yun ang importante gumaling ka na”
“I have to. I still have to review the report of it tomorrow.”
“No.” sagot ni Stacey “anong tomorrow ang pinagsasabi mo? Magaling ka na ba? Hindi ka pupunta bukas maiintindihan nila yun” dire-diretsong sabi ni Stacey.
“I have to.” She looked at Stacey like this is just how it goes.
“Hindi mo kailangan lahat gawin.”
Aiah didn’t answer immediately.Then softly:
“Someone has to.”
That sentence stuck because Stacey suddenly realized—Aiah always says that.
Someone has to.
And suddenly everything made sense in a way that hurt.
The texts.
The exhaustion.
The constant movement.
The way she always showed up anyway.
Even when she shouldn’t.
Stacey looked at her for a long time before saying “…Ang tigas mo.”
Aiah smiled faintly.
“Sorry.”
“Stop saying sorry.”
“…Sorry baby”
“Aiah isa! parang baby naman”
A pause. Then Aiah laughed a little.
“Sana baby mo.” But she didn’t push. She didn’t ask for anything more.
Silence again but different now. Heavier yet softer and in a way more real.
Stacey adjusted the blanket on her shoulders without thinking. Aiah noticed but didn’t move away she just let Stacey.
And that alone did something to Stacey’s chest. Something she couldn’t name anymore. Something she was getting tired of calling “guilt.”
“Stacey?”
“Hmm?”
“Stay a little?”
It wasn’t needy or demanding. It was just… asked. Quiet and careful. Like she wasn’t sure she was allowed to. And Stacey didn’t even hesitate.
“Okay.”
And the moment she said it, she realized something terrifying.
She didn’t say it out of guilt. She didn’t say it out of obligation. She said it because she wanted to stay with Aiah a bit more longer that she admits to herself.
That night, on her way home, Stacey didn’t feel lighter. She felt heavier but differently. Like something had finally shifted and there was no going back to how she used to explain everything.
She sat on her bed for a long time phone in hand. Unread messages from Aiah.
Aiah
Thank you for coming today.
Stacey stared at it long before she finally typed:
Stacey
Pagaling ka
Pause. Deleted. Typed again
Rest properly
Deleted again
Babalik ako bukas
She stopped to think. Read that line again.
She didn’t delete it.
Sent.
Seen almost immediately.
Typing…
Aiah
I’ll wait :)
And Stacey put her phone down slowly while staring at the ceiling. Because there it was.
The thought she had been avoiding since the beginning. Not guilt or confusion or responsibility.
She thinks this is something simpler. Something irreversible.
I think I like her.
And for the first time since Valentine’s Day, she didn’t correct herself.
I do like her. I like Maraiah Queen Arceta.
----
“Shee, aamin na ako”
Napalingon si Sheena sa kanya habang naglalakad sila palabas ng building.
“Ano”
“Aamin na ako.”
“Aamin saan? May ginawa ka ba?”
“Shee, aaminin na ako kay Aiah.”
Napakurap lang si Sheena
“Finally! Ang tagal teh”
“Hindi mo man lang ako pipigilan?”
“Pipigilan saan? Sa pagsabi ng totoo?” kibit-balikat ni Sheena. “Matagal mo nang gustong gawin yan ngayon mo lang kaso narealize.”
Napabuntong hininga si Stacey.
“Alam mo mas nakakagulat pa nga na inabot ka ng ganito katagal bago yan inamin sa sarili mo” dagdag ni Sheena.
“Kilala kita Staku ang tagal na nating magkaibigan. Ilang linggo na kitang pinapanood kung paano hanapin si Ate Aiah sa bawat hallway. Kung paano ka ngumiti sa bawat text. At higit sa lahat kung paano ka halos mabaliw noong nagkasakit si Ate Aiah. Never ka pa nagkaganyan sa kahit na sino, kahit pa kay Emilio.”
Pinagmasdan siya ni Sheena sandali bago ngumiti nang maliit.
“Good luck, Stacks.”
“Kinakabahan ako”
Kinakabahan siya. Sobra.
Mas kinakabahan pa yata siya ngayon kaysa noong aamin dapat siya kay Emilio.
At siguro dahil ngayon alam na niya kung ano ang mawawala kapag hindi niya ginawa.
“Itetext ko na siya. Sasabihin ko na magkita kami sa garden.” She said more to herself than to Sheena.
----
Habang naghihintay, paikot-ikot lang si Stacey malapit sa fountain. Kinakabahan siya yung tipong lalabas na sa dibdib niya ang puso niya sa sobrang lakas ng tibok.
Parang eksaktong eksakto nung unang beses siyang pumunta rito. Paulit-ulit niyang hinihimas ang mga palad niya dahil pinagpapawisan na.
The same nervous Stacey Sevilleja.
Huminga ka lang, Stacey. Sabihin mo lang.
Yun lang.
Kaso hindi yun, yun lang. Si Aiah to, there’s a possibility that she’ll lose her after this.
"Kalma ka."
Hindi siya kumalma mas lalo lang bumilis tibok ng puso niya.
Maya-maya, may narinig siyang papalapit na mga yabag.
Paglingon niya, nandoon na si Aiah.
Walking toward her just like before.
Mahabang buhok. Soft smile. Yung
parehong ngiting sumalubong sa kanya rito weeks ago.
Parang wala talagang nagbago.
Yung ngiting matagal na niyang gustong makita. Yung ngiting ilang araw niyang hinanap noong may sakit ito. Yung ngiting dahilan kung bakit siya narito ngayon.
Napangiti si Aiah nang makita siya.
“Hi,” bati ni Aiah.
“Hi. Hello.” Again, two-word woman.
Napangiti si Aiah nang bahagya. “What is it? You sounded serious.”
Binuksan ni Stacey ang bibig niya. Walang lumabas.
Sinubukan ulit.
“Aiah, I—” Naputol siya kasi nang makita niya ang mukha ni Aiah, lalo siyang kinabahan.
Hindi siya makapagsalita. Hindi niya alam paano o saan sisimulan. Hindi niya alam paano sasabihin. Hindi niya alam paano niya aayusin ang isang kasinungalingang ilang linggo niyang hinayaang lumaki.
At mukhang napansin iyon ni Aiah because she smiled.
That same soft and gentle smile she had on the day.
But somehow sad. Like she’s preparing for the blow of whatever Stacey is going to say.
“Aiah…” Hindi niya na naman natuloy. She just keeps on repeating Aiah name like somehow this will fix everything.
“It was for Emilio, right?” Biglang sabi ni Aiah
Napakurap si Stacey.
"...Ha?" There was an absolute silence. Then Stacey realizes. “You knew?
And Aiah smiles not like the smile she has earlier when she arrives. This one’s sad.
“I knew before I went here that day.” Mahinang tumawa si Aiah pero halatang pilit.
“Actually, I was supposed to go here just to return to you the letter.”
“I’m sorry” Aiah added full of sincerity.
Nanlalaki ang mata ni Stacey.
"Emilio used to have that locker." Pagpapatuloy ni Aiah. Mabagal, maingat at parang bawat salita pinipili nito. "I know because I was the one who switched with him."
“So when I walked toward you, I was prepared for you to tell me that it wasn’t for me.”
Napahawak si Stacey sa dibdib niya.
"I'm sorry, Stacey” dagdag ulit ni Aiah. "I should have told you sooner." Napayuko si Aiah.
"I wasn't supposed to confess. Not that day or any other day kasi alam ko namang wala" Natigilan si Stacey habnag nakatingin lang kay Aiah.
"I just wanted to tease you. To see you up close. To have a little chance to maybe see you smile or laugh because of me. Even if it’s at the expense of my feelings for you.”
Bahagyang namula ang tenga ni Aiah.
At kahit sa gitna ng lahat ng halu-halong emosyon na nararamdaman ni Stacey she still find Aiah cute and endearing.
"I saw you waiting." Pagpapatuloy ni Aiah.
“You’re so pretty and yet so nervous… And I thought..." Napatawa siya nang mahina.
Yung klaseng tawang para sa sarili niya lang.
“Lord, why can’t it be me?”
Tuluyan nang namuo ang luha sa mga mata ni Stacey because now everything made sense.
Everything.
"I was supposed to joke about it lang." Aiah smiled. “I’ll pretend it was for me. Then I’ll confess that I like you too. Then you’ll tell me the truth and we’ll laugh kasi I’ll say I’m kidding and I was just there to return the letter.” Mahinang natawa siya parang inaalala ang araw na yun.
Then she looked directly at Stacey.
"But then you said..."
Napasinghap si Stacey.
"'Oo. Para sayo yun.'" napapikit siya sandali. “I got selfish.” Huminga siya nang mabagal.
“I know I should have corrected it. Pero akala ko… maybe this was my chance.” Halos bulong.
"I thought maybe God finally answered me."
Hindi na napigilan ni Stacey ang maiyak.
Not because of anger just a sudden understanding.
Every text.
Every smile.
Every patient moment.
Every time Aiah chose her.
Aiah had been carrying this the whole time. Just like how she was carrying hers.
“I never wanted you to feel guilty,” dagdag ni Aiah. “And lately… I think you do.”
Napailing si Stacey agad. “Hindi.”
“Stacey—”
“Hindi lang guilt.” Biglang tumulo ang luha niya.
“That’s the problem.”
Natigilan si Aiah.
“I came here to tell you the truth,” nanginginig na sabi ni Stacey. “I was going to tell you that the letter was for Emilio.”
She laughed weakly through tears.
“Pero habang papunta ako rito, ang iniisip ko lang… what if mawala ka?”
Natahimik si Aiah. Hindi gumagalaw at hindi nagsasalita. She’s just looking at Stacey patiently waiting for her. But it was so evident that how scared she looks like now.
“Aiah” tawag niya rito habang nakatingin sa mata ni Aiah
“Hindi ko alam kung kelan nangyari. I really don’t. Maybe after the car ride. Maybe in between text messages. Maybe after you got sick.”
Huminga siya nang parang nanginginig
“But I know this now.” Tumingin siya diretso kay Aiah.
“If you ask me today who I want to choose…”
Her voice broke.
“…it’s you.”
For a long moment, walang nagsalita.
Then Aiah laughed once.
Small.
Disbelieving.
Like someone who had spent too long preparing for heartbreak that she didn’t know what to do with hope anymore.
“You’re serious?” Aiah asked like she cannot believe this is happening.
“Yes.”
“Even after knowing everything?”
“Aiah,” mahina pero siguradong sabi ni Stacey. “I’m here because I know everything now.”
At doon tuluyang nabasag ang maingat na composure ni Aiah. Hindi siya umiyak nang malakas.
She’s just breathing trying to compose her herself.
Pero namula ang mata niya habang napapailing siya na parang hindi pa rin makapaniwala.
Then, very carefully, parang natatakot pa ring mawala ito, inabot niya ang kamay ni Stacey.
“Pwede bang paniwalaan ko na ‘to?”
Hinigpitan ni Stacey ang hawak niya.
“Oo.”
At the same Science Garden where the wrong confession started, is also the same place where their first real confession happened.
