Work Text:
Soraia Ambrose Sevilleja hates the alphabet.
Hindi naman sa inis siya sa mga letra, at hindi rin dahil bumagsak siya sa spelling bee nung bata siya. She just thinks the English alphabet has a very specific, almost malicious talent for playing sick jokes on people whose surnames happen to sit right next to each other.
Like Robles and Sevilleja.
Kung nagsisimula siguro sa letter A ang apelyido niya, baka tahimik ang buhay niya ngayon. Baka hindi niya ginugol ang halos sampung taon ng kabataan niya sa paghabol, paghihintay, at pag-iyak sa isang tao na tila abot-kamay lang pero laging tinatangay ng agos palayo sa kanya.
Her childhood was painted in one specific colour, and that colour belonged to Jaren Clifford Robles.
Bata pa lang sila, bago pa man nila maintindihan kung ano talaga ang ibig sabihin ng salitang "pag-ibig," alam na ni Soraia na may kakaiba kay Jaren. Preschool pa lang sila sa isang maliit na school, nung ang sukatan pa lang ng pagkakaibigan ay kung sino ang magpapahiram sa'yo ng colour blue na Crayola o kung sino yung sasama sayo sa swing. Magkaklase sila nung kinder. Si Jaren yung batang laging may dumi sa pisngi galing sa chocolate na cream-o, at si Soraia naman yung laging nakatali ang buhok na handang mag-share ng baong biscuit.
Pero pagdating ng Grade 1, nagbago ang ihip ng hangin.
Na-shuffle ang mga section. At sa dami ng mga estudyante, tuluyan silang napagwalang-bahala ng tadhana. Mula Grade 1 hanggang Grade 3, magkaiba sila ng silid-aralan. Si Jaren sa Section B, si Soraia sa Section A.
At sa edad na pitong taon, ang magkaibang room ay parang magkaibang planeta. Nawala ang closeness. Ang natira na lang ay ang paminsan-minsang pagtatagpo ng mga mata sa masikip na canteen tuwing recess, o ang mabilis na ngitian habang nakapila sa flag ceremony tuwing Lunes ng umaga.
Soraia watched from afar as Jaren grew up—her hair getting longer, her laughter getting louder, surrounded by a new set of friends. Akala ni Soraia, doon na matatapos ang kwento nila. Isang childhood memory na lang na masarap balikan pero wala nang patutunguhan.
Until Grade 4 happened.
First day of classes. Ang hangin sa loob ng Room 206 ay amoy bagong floorwax, pinaghalong pawis ng mga batang galing sa initan, at amoy ng mga bagong plastic cover sa mga notebook. Terrifying ang unang araw para sa mga bata, lalo na kapag ang adviser niyo ay kilalang masungit.
"Arrange yourselves alphabetically!" sigaw ng teacher habang pinapalo ang hawak na hawak na wooden meter stick sa ibabaw ng table. "Boys on the left, girls on the right! Sunod-sunod ang apelyido!"
Nagkagulo ang buong klase. May mga nag-iiyakan, may mga nagtutulakan, at may mga nalilito kung ano ang unang letra ng sarili nilang pangalan. Soraia stood quietly near the third row of windows, waiting for her turn. Nang matapos ang kaguluhan, nahanap niya ang kanyang upuan sa dulo, malapit sa likod. Isang lumang kahoy na silya na may mga nakaukit pang pangalan ng mga nakaraang estudyante.
Umupo siya at inayos ang kanyang bago at kulay pink na pencil case. Isang segundo ang lumipas, isang pamilyar na asul na backpack ang biglang bumagsak sa katabing upuan.
Soraia looked up.
"Uy, Robles at Sevilleja," Jaren smiled, exposing a missing tooth in the front, her eyes crinkling into small crescents. She looked entirely too bright for a public school at seven in the morning. "Magkatabi pala tayo, Soraia."
Soraia’s heart did a weird, violent stutter inside her nine year old chest. It was a physical sensation that she would later recognize as the exact moment her fate was sealed. "Oo nga, Jaren. Robles ka nga pala."
"R tsaka S. Buti na lang talaga," sabi ni Jaren habang isinusuksok ang kanyang binti sa ilalim ng desk.
Dahil sa alphabet, bumalik ang lahat. Mabilis. Parang hindi sila nagkahiwalay ng tatlong taon. Being seatmates meant sharing everything. Pag walang intermediate pad si Jaren, awtomatikong magpupunit si Soraia sa likod ng notebook niya. Pag nakalimutan ni Soraia ang pambura niya, hahatiin ni Jaren ang bago niyang mongol eraser para ibigay ang kalahati. Sila ang magkasabwat sa likod ng klase tuwing boring na yung lecture sa Araling Panlipunan, naglalaro ng tic-tac-toe o kaya nama'y nagpapalitan ng mga nakakatawang drawing sa gilid ng mga libro.
Mas lalong nahulog si Soraia. Mas malalim, mas masakit. Ang simpleng crush nung kinder, nagka-ugat at nagkaroon ng mga sanga sa bawat araw na magkatabi silang nakaupo sa loob ng Room 206. Tuwing hihiram si Jaren ng ballpen at halos magdidikit na ang mga balat nila, o tuwing lilingon ito sa kanya para bumulong ng pang-asar habang amoy na amoy pa rin yung fabcon sa damit niya, pakiramdam ni Soraia ay siya na ang pinakamapalad na bata sa buong mundo.
May isa lang malaking problema: may gusto si Jaren sa isa pa nilang kaklase na si Loren.
Loren was everything Soraia wasn't. Loren was soft-spoken, may mahabang buhok na laging may makulay na ribbon, at paborito ng mga teachers dahil laging malinis ang sulat-kamay. Si Jaren, na walang kaalam-alam sa unti-unting pagkadurog ng puso ng katabi niya, ay ginawang diary si Soraia.
"Sora, tingnan mo si Loren oh," bulong ni Jaren isang hapon habang nag-susulat ang teacher sa blackboard. Ininguso niya si Loren na abalang nag-aayos ng kanyang uniform sa unahan. "Ang ganda niya talaga, no? Bagay sa kanya yung bagong clip niya."
Soraia looked at Jaren’s starry eyed expression, feeling a dull, heavy ache behind her ribs. Humigpit ang hawak niya sa kanyang lapis, halos mabaon ang dulo nito sa papel. Pinilit niyang ngumiti—yung ngiti na unti-unti niyang pini-perfect para lang hindi mahalata ang totoo.
"Oo, maganda naman talaga si Loren," sagot ni Soraia, boses na tila walang pinagdadaanan. "Bagay sa kanya."
"Sana mapansin niya ako pag nag-recess mamaya. Ibibigay ko sa kanya yung kalahati ng fudgee barr ko," sabi pa ni Jaren, puno ng pag-asa ang mukha.
Soraia turned her gaze back to her notebook, where she had been mindlessly tracing the margins. Sana ako na lang yung pinapansin mo nang ganyan, Jaren, isip-isip niya. Pero anong magagawa ng isang Grade 4 na estudyante? Walang script ang teleserye nila. Kaya pinili niyang manahimik. Nanatili siyang pinakamabuting kaibigan, ang tapat na tagapakinig, ang taga-suporta sa mga munting panliligaw ni Jaren kay Loren, habang ang sarili niyang damdamin ay unti-unting ibinabaon sa pinakamalalim na sulok ng kanyang puso.
-------
Dumating ang Grade 5, at tila naging kakampi pa rin nila ang alphabet. Room 305 naman sila ngayon, pero ang seating arrangement ay hindi nagbago. Robles at Sevilleja pa rin ang magkatabi sa pangatlong row mula sa pinto. At sa pagpasok ng taong ‘to, mas lalo silang naging close. Halos hindi na sila mapaghiwalay. Pag sinabing Soraia, awtomatikong kasunod ang pangalang Jaren.
Sila ang magkasabay gumawa ng reviewer para sa mga quiz. Sabay silang kumakain ng lunch sa ilalim ng puno ng manga sa gilid ng court, nagpapalitan ng ulam na prinitong hotdog at itlog. Kapag may sakit ang isa at hindi nakapasok, yung isa naman mag-susulat ng notes para sa dalawang set ng notebook.
"Sora, sulatan mo ako ng ganito ha? Alam ko namang mas maganda ang penmanship mo kaysa sa akin," bilin ni Jaren habang ibinibigay ang isang notebook bago ito umuwi nang maaga dahil nilalagnat.
"Oo na, sige na. Umuwi ka na at uminom ng gamot," sagot ni Soraia, pero ang totoo, kahit punuin niya pa ang sampung notebook ng sulat, gagawin niya basta para kay Jaren.
Subalit, sa kabila ng lahat ng tamis at lapit nila, ang multo ni Loren ay hindi pa rin nawawala. Gusto pa rin ni Jaren si Loren, kahit na madalas hindi naman ito pinapansin ng isai. At ang tadhana, na may kakaibang hilig sa drama, ay nagpasabog ng bomba nung buwan ng Disyembre.
Christmas Party ng Grade 5. Yung classroom punong-puno ng mga makukulay na banderitas na gawa sa art paper, may malaking speaker sa unahan na nagpapatugtog ng mga kanta ng Christmas station ID ng ABS-CBN, at mga lamesang puno ng mga potluck na pagkain—pancit, fried chicken, at ang walang kamatayang pulang spaghetti na may maraming cheese
Bago matapos ang event, inanunsyo ng kanilang teacher ang pinakahihintay ng lahat: ang exchange gift. Dalawang linggo bago ang party, bumunot na sila ng pangalan mula sa isang lumang kahon ng sapatos.
Nung araw na bumunot sila, nakita ni Soraia ang reaksyon ni Jaren. Ang mukha nito ay biglang nagliwanag, ang mga mata ay nanlaki, at halos mapatalon ito sa tuwa habang mabilis na itinago ang maliit na papel sa kanyang bulsa.
"Sino nabunot mo, Jaren?" tanong ni Soraia noon, nakakaramdam na ng kaba.
"Secret! Bawal sabihin, baka ma-buko," pilyong sagot ni Jaren, pero ang mga mata nito ay awtomatikong lumingon sa direksyon ni Loren na nasa unahan. Soraia didn't need to ask further. The answer was written all over Jaren's face.
At nung araw nga ng party, dumating ang sandali ng pagbibigay ng regalo. Isa-isang tinawag ang mga pangalan ng kanilang mga nabunot. Nang tumayo si Jaren, hawak ang isang malaking kahon na nakabalot sa makintab na pulang gift wrapper, ang buong klase ay biglang tumahimik bago nag-umpisa ang malalakas na hiyawan.
"Si Loren! Si Loren ang nabunot niya!" sigaw ng mga lalaki sa likod, nag-uumpisa nang mag-ingay gamit ang mga plastic na baso.
"Ayieee! Jaren at Loren! Bagay!" hiyaw ng iba pa nilang kaklase. Kahit ang teacher nila ay nakangiti lang habang pinapanood ang interaction ng dalawa
Inabot ni Jaren ang regalo kay Loren, ang kanyang mga pisngi ay pulang-pula, halatang nahihiya pero abot-langit ang ngiti. Si Loren naman ay mahinhin na nagpasalamat, tinanggap ang regalo habang patuloy ang panunukso ng buong Room 305.
Habang nangyayari ang lahat ng iyon sa gitna ng silid, si Soraia ay nasa pinakasulok ng classroom. Nakaupo siya sa isang bakanteng upuan, hawak ang paper plate na may natitirang pulang spaghetti. Ginamit niya ang tinidor para paglaruan ang pagkain, iniikot-ikot ito nang walang patutunguhan.
The room was filled with laughter, teasing, and joy, but to Soraia, it felt like she was underwater. Ang bawat sigaw ng mga kaklase nila ay parang karayom na tumutusok sa kanya. Pinasadahan niya ng tingin si Jaren, na ngayon ay masayang nakikipag-usap kay Loren habang binubuksan ang regalo. Jaren looked so happy. A kind of happiness that Soraia, no matter how hard she tried, could never give her.
Nanahimik lang siya sa sulok. Walang umiyak, walang nagwala. Natutunan na ni Soraia kung paano maging anino. Umupo lang siya doon, pinapanood ang buhay ng taong mahal niya na umiikot sa iba, habang ang sarili niyang mundo ay dahan-dahang nagkakadurog-durog sa ilalim ng masayang tugtog ng Pasko.
Pero ang tadhana ay nagiging mabait din pala kapag hindi mo inaasahan.
Nang matapos ang Grade 5, pumasok ang mahabang summer vacation. Walang pasok, walang seating arrangement, walang classroom. Ang tanging koneksyon na lang nila ay ang mga lumang phone gamit ang messenger. Araw-araw silang nag-te-text, mula umaga hanggang bago matulog, nag-kukuwentuhan tungkol sa mga pinapanood nilang palabas sa TV o kung ano ang ulam nila.
Isang gabi ng Mayo, naging kakaiba ang takbo ng usapan. Medyo seryoso, medyo tahimik ang gabi, at ang hangin ay mainit dala ng summer.
Jaren: Sora, gising ka pa ba?
Soraia: Oo, bakit? May kailangan ka?
Jaren: May sasabihin sana ako sa'yo. Pero wag ka mabibigla ha? At saka wag mo ako pagtatawanan.
Soraia: Ano ba yun? Kinakabahan naman ako sa'yo haha. Sige na, ano yun?
Jaren: Ano kasi... nung nakaraang mga buwan, iniisip ko talaga. Yung kay Loren, narealize ko na di pala ganun kalalim yung nararamdaman ko sakanya. Parang nadala lang ako kasi sabi ng iba maganda siya.
Soraia: Ah. O tapos?
Jaren: Tapos... narealize ko na iba pala kapag nandiyan ka. Mas gusto ko na ikaw yung kasama ko sa lahat ng bagay. Sora, gusto kita. Hindi lang billing seatmate o kaibigan. Gusto talaga kita. Noon pa, natatakot lang ako sabihin kasi baka iwasan mo ako.
Soraia froze. Napaupo siya sa kanyang higaan, nanlaki ang kanyang mga mata habang binabasa ang bawat letra sa maliit na screen ng kanyang cellphone. Pakiramdam niya tumigil ang pag-ikot ng mundo. Binasa niya ang text ng limang beses, sampu, hanggang sa masaulo niya ang bawat bantas. All those years of quiet suffering, of hiding in the corner, of swallowing her tears over a plate of spaghetti—biglang nawalan ng saysay ang lahat ng sakit dahil sa ilang linya ng text.
Ang ending nung summer na yun? Naging mag-M.U. sila. Mutual Understanding. Ang pinakamatamis at pinaka-inosenteng yugto ng kanilang kabataan.
Pagdating ng Grade 6, ang kanilang relasyon—kahit walang pormal na label dahil mga bata pa sila—ay naging bukas na lihim sa buong paaralan. Isang buong taon silang ganoon.
Alam ng lahat ng kaklase nila, at ang panunukso ay napalitan ng suporta. Ang kanilang mga adviser ngumingiti na lang kapag nakikitang sabay silang naglalakad sa corridor. Yung guard sa gate kilala na sila bilang magkapares, pati ata yung principal, kapag nakikita silang magkasama sa canteen habang naghahati sa iisang baso ng sago't gulaman, napapailing na lang sa kanila.
Soraia thought she had finally won. She thought the alphabet had finished its games and finally given her the happy ending she deserved.
Hindi niya alam, simula pa lang pala ito ng isang mahabang laro ng taguan.
—----------
It cracked when junior high school started.
Hindi lang simpleng paglipat ng baitang ang nangyari—tuluyan silang hinayaan ng kapalaran dahil tuluyan na silang nagkahiwalay ng paaralan. Dahil sa desisyon ng kanilang mga magulang at sa magkaibang lokasyon ng kanilang mga bagong eskwelahan, pumasok sila sa magkaibang institusyon.
Doon nagsimula ang unti-unting paglamig ng lahat. Dahil magkaiba na sila ng school, nawala ang araw-araw na dahilan para magkita o mag-usap. Pumasok ang mga bagong mukha, mas mabibigat na subjects, at ang panibagong mundo na hindi na nila kapwa kabisado ang bawat sulok.
Yung mga text message na dati parang walang katapusan ay naging paisa-isa na lang. Hanggang sa tuluyan nang tumigil ang pag-ring ng telepono.
Walang away, walang closure. Dahil doon, sa loob ng dalawang taon, buong Grade 7 at Grade 8—acting like complete strangers sila. Ang dalawang taon na iyon ay naging parang bingi na espasyo sa pagitan nila. Walang komunikasyon, walang balita.
Then Grade 9.
Bigla na lang silang nag-usap ulit sa Messenger. As friends muna, catching up on two years of missed life lore. But old habits die hard, and feelings that were buried alive tend to dig themselves back up. Nalaman nilang dalawa na—surprise, surprise—may nararamdaman pa rin sila para sa isa’t isa.
Hindi na sila nagpatumpik-tumpik pa. On December 21, it officially became them.
Pero dahil paboritong punching bag ng tadhana si Soraia, the timing was comedic.
Kung kailan naging sila, tsaka naman umuwi si Soraia sa probinsya para magbakasyon kasama ang pamilya niya. LDR agad ang panimula ng kwento nila bilang magkarelasyon.
Ang bonding nila? Discord calls, Mobile Legends, Valorant. Nahirapan pa si Soraia kasi yung internet signal sa probinsya, kailangan mo pang i-alay sa mga diwata para lang bumilis.
"Jah! Nag 900 nanaman ping ko!" maktol ni Soraia habang yung character niya paulit-ulit na nagte-teleport sa pader. "Patay na ba ako?"
"Oo, kanina pa HAHAHAHA" tawa ni Jaren sa kabilang linya. "Okay lang yann, babawi tayo next round."
-----
Lumipas ang isang buwan at babalik na sana si Soraia sa Manila—excited na siyang makita si Jaren. Kaso, nung mismong araw ng pagdating niya, si Jaren naman ang umalis papuntang Bulacan para sa pamilya nito. Hindi na naman sila nag-abot.
Nung nagpasukan na ulit, pareho na silang nasa Manila pero magkaiba pa rin ng school. Si Jaren, nakatira lang sa mismong tabi ng dati nilang elementary school. Si Soraia, isang sakay lang ng jeep mula doon. They were geographically so close, yet logically impossible.
"Jaren, labas tayo minsan? Isang sakay lang naman ako ng jeep papunta sa inyo eh."
"Hala, sorry Sora, busy sa school works eh. Gabi na rin ako nakakauwi galing sa school."
It was exhausting. Being close but constantly out of reach was draining them both.
The cycle happened for more than 5 months
Then, out of nowhere, nag-chat si Jaren isang gabi.
“Sora... itutuloy pa ba natin 'to?”
Natakot si Soraia. Her defense mechanism kicked in. Gusto niyang makitang ipaglalaban siya ni Jaren, na pipigilan siya nito kung sakaling bumitaw siya.
Soraia: Baka mas mabuti kung itigil na lang natin.
She stared at the screen, heart pounding, praying Jaren would type, No, let's fix this.
Jaren: Yeah…
Just like that. A decade of feelings, severed by a short sentence.
After that, hindi na sila nag-usap. Soraia tried the "let's be friends" route, sharing her achievements and school updates. Sumasagot naman si Jaren, pero matabang. Parang automated reply ng customer service. Kaya tumigil na lang si Soraia.
—-----------
Usually, pag nakikipag-break, the normal reaction is to cry, listen to sad songs, or eat ice cream.
Soraia felt absolutely nothing.
Wala siyang maramdaman sa sobrang sakit. You don't just "get over" someone you've liked for ten years. You either die trying or you numb yourself completely. So she drowned herself in academics. Extracurriculars. Anything to keep her brain busy. Her friends didn't even know she had a girlfriend, let alone went through a devastating breakup. To them, she was just being an academic weapon.
And then there was Cath.
Cath was in their friend group. Lagi niyang nakakalaro, nakaka-call sa gabi. Cath was cool, attentive, and easy to be around. Eventually, Soraia thought she was developing feelings for her—na baka ito na ang simula ng paggaling niya.
But Cath was just... Cath. Mabait lang talaga siya. Soraia never confessed, but Cath wasn't stupid. She noticed the subtle shifts in Soraia's actions, the lingering looks, and gently established boundaries during one quiet walk home.
"Raia, thankful ako na magkaibigan tayo," Cathhad said softly. "Sana hanggang doon lang talaga."
It was another dead end. Cath was just a band-aid on a bullet wound.
—---------
Isang hapon, mapaglaro na naman ang tadhana. Naisipan ni Soraia na bumisita sa dati nilang elementary school just for a pinch of nostalgia.
And who else would be standing near the principal's office, under the shade of the old mango tree, but Jaren Clifford Robles.
Nag-usap sila. Casual. Small talk. Tapos napadaan pa yung mga dati nilang teachers.
"Ay, Robles at Sevilleja! Kayo pa rin hanggang ngayon? Iba talaga kapag bata pa lang!" the teachers teased, clearly clueless about the emotional wreckage standing in front of them.
They both just laughed it off awkwardly. But standing there, looking at Jaren's face under the afternoon sun, Soraia realized a horrifying truth. Hindi nawala yung nararamdaman niya. Nag-pause lang. Si Cath, acads, mga orgs—distractions lang pala lahat ng 'yon. At tulad ng dating gawi, hinatid ulit siya ni Jaren pauwi hanggang sa harapan ng gate nilang red. It felt so dangerously familiar.
—----------
Dalawang taon ulit ang lumipas. Grade 12 na sila. Nung college application season, Soraia made a quiet, desperate gamble. Nag-apply siya sa university kung saan nag-aaral si Jaren ng senior high, umaasang baka magkita sila sa campus. Baka alphabetically arranged ulit ang tadhana.
Pero nung enrollment period na, she found out the truth from some “unwanted” social media stalking. Si Jaren, kaka-clear lang sa registrar.
Lumipat na ito ng ibang university.
Doon niya narealize na totoo pala ang concept ng "Last Meeting." Na nung huli siyang hinatid ni Jaren sa gate pagkatapos ng pagkikita nila sa elementary school, ‘yon na pala ang huling pagkakataon na maririnig niya ang boses nito.
Ngunit mas matindi ang naging hampas ng katotohanan nang i-open niya ang kanyang social media makalipas ang ilang buwan. Isang bagong post mula sa isang pamilyar na account.
Si Jaren, nakangiti sa camera. May kasamang ibang babae—isang bago at magandang mukha na hindi si Loren, at lalong hindi si Soraia. Ang caption ay simple lang pero sapat na para tuluyang gisingin si Soraia sa isang dekadang panaginip:
"My favorite chapters are the ones with you."
May girlfriend na si Jaren. At hindi na si Soraia ang paboritong kwento nito.
Sa sandaling iyon, habang nakatitig sa ngiti ni Jaren sa screen, may isang malalim at malamig na kapayapaang pumasok sa dibdib ni Soraia. Isang napakarahas ngunit totoong realisasyon ang bumaha sa kanya tungkol sa mundo.
Once you and someone you deeply loved have completed your journey together and learned the lessons you needed to learn, the universe ensures that your paths will never, ever cross again.
Hindi na ito usapin ng maling timing o magkaibang school. Ito ay batas na ng tadhana.
Kahit na iisang lungsod lang ang kinatatayuan nila ngayon, kahit na nasa iisang barangay lang sila, kahit ilang beses pa sadyain at puntahan ni Sora ang dati nilang elementary school na nakatayo lang naman mismo sa harap ng bahay nina Jaren—hinding-hindi na sila magtatagpo ulit. Kahit isang sulyap sa magulong kalsada, kahit isang aksidenteng pag-lingon sa palengke, wala.
Ginamit ng universe ang alphabet para pagtabihin sila noong mga bata pa sila dahil kailangan nilang turuan ang isa't isa kung paano magmahal, kung paano masaktan, at kung paano lumago. Ngayong tapos na ang leksyon, isinara na ni tadhada ang libro.
Bawat bersyon ng pagkatao niya, mula sa batang Soraia na naghahati ng pambura, hanggang sa kasalukuyan—ay nakatali kay Jaren. Hindi ganoon kadaling burahin ang taong naging mundo mo sa kalahati ng buhay mo.
Kaya naman, huminga siya nang malalim at nagpasya. Susubukan niyang umusad. Kahit mahirap, kahit alam niyang bukas ay masasaktan pa rin siya kapag nakikita ang pangalan nito, o kapag nakamoy ng napaka-pamilyar na fabric conditioner na kumakapit sa damit nito.
Aaralin niyang lakarin ang mundong wala si Jaren, isang mabigat na hakbang bawat araw.
Soraia Ambrose Sevilleja hated the alphabet.
But as she finally closed her phone and looked out the window, she realized there was no shortcut to closing this book. Walang kapangyarihan sa sansinukob na magbibigay ng kapayapaan sa isang kisapmata pagkatapos ng labing-tatlong taon...
End.
