Chapter Text
Martin as Marcel
Juhoon as Julian
Seonghyeon as Shawn
James as Jaycee
Keonho as Khent
Julian wasn't the type of person to speak arrogantly. Neither was he the type of person to furrow his eyebrows when someone tried to talk to him.
Pero pag dating kay Marcel, he was.
__________
As usual, they were hanging out in Jaycee's apartment since apartment niya yung pinaka malapit sa university nila.
Elementary pa lang, kilala na nilang lima ang isa't isa. Simula high school hanggang college, hindi na nila linubayan ang isa't isa.
Nakasandal si Shawn sa balikat ni Khent habang nakaupo sila sa gitna ng sofa. Si Jaycee naman ay katabi nila, nakapatong ang isang paa sa mesa. Si Julian ay nakaupo sa pinakadulong bahagi ng sofa, habang sa kabilang dulo naman ay si Marcel.
Biglang nagsalita si Jaycee.
"Hoy, ’di ba live-in kayong dalawa? Kailangan sa apartment ko pa talaga kayo maglandian?" parinig niya kina Shawn at Khent.
Umirap lang si Shawn habang sumabat naman si Khent. "Syempre, alangan namang dun kayo sa apartment namin? Baka ibang patungan pa maabutan niyo."
Lumapit si Marcel para lang batukan si Khent. "Kabagraan mo eh no? Kung ako si Shawn, hiniwalayan na kita."
"Gago!" Biglang sigaw ni Khent. Sumiksik si Khent sa leeg ni Shawn at nagsumbong.
"Mahal oh, rinig mo 'yon?"
"Bwisit, wag nga kayong maingay. May rine-revise si Julian dito oh." Iritadong sabi ni Shawn.
Sumilip si Jaycee sa laptop na nakapatong sa hita ni Julian. "Last week pa yang revise na yan ah."
Sumulyap si Julian kay Jaycee nang marinig niya itong magsalita. "Pano kasi, napapaligiran ako ng mga tamad. Puro na lang AI mga ka-grupo ko."
Natawa na lang din si Jaycee, "Natamaan si Marcel oh."
Biglang tumahimik ang paligid nang lumabas yon sa bunganga ni Jaycee. Napatingin ang tatlong mag-tropa sa gitna sa isa't isa.
Napatigil bigla sa pagta-type si Julian habang tumingin si Marcel bigla sa dulo ng kwarto.
The silence stretched for a few seconds. Jaycee tried to clear his throat and suggested to watch a movie.
"Uy, nood na lang tayo movie haha..."
Khent tried to help warming up the atmosphere. "O nga, rewatch natin moron 5."
Napatingin si Shawn kay Khent. "Moron 5 nanaman? Gusto mo talaga bobo yung mga bida para makarelate ka eh no?"
Gumaan naman ang paligid at tumawa ang apat maliban kay Julian.
Ngumisi si Kent kay Shawn at sabay nagsalita. "Sama mo ha, maya ka sakin." Inirapan lang to ni Shawn.
Kinuha na ni Jaycee yung remote sa coffee table at binuksan ang tv—tumungo ito sa Netflix account niya. Unang bumungad ang pelikulang 'Starting Over Again.'
"Yan na lang kaya? Iyak nang iyak si mama dyan, ewan ko bakit." Shawn suggested.
Niisa sakanila walang may alam sa plot ng pelikulang iyan kaya't yan ang napili nilang panoorin.
Julian and Jaycee went to the kitchen para maghanda ng iilang pagkain bago magsimula ang pelikula.
"Tahimik mo ha" Sabi ni Jaycee pagtapos niyang ilagay sa loob ng microwave ang popcorn.
Kumukuha ng mga chichirya si Julian sa cabinet ni Jaycee at sumagot. "Madaldal ba ako kahapon?"
"Hindi."
"Madaldal ba ako nung nakaraang linggo?"
"Hindi."
"Oh."
Bumuntong ang hininga ni Jaycee. "Alam mo naman ibig kong sabihin eh."
"Wala lang ako sa mood ngayon."
"Wala lang sa mood o dahil nandyan siya?"
"Jaycee." Tinignan lang siya ng masama ni Julian.
Tumawa saglit si Jaycee at nagsorry kay Julian habang hinahaplos ang likod nito.
Bumalik sila sa living room at plinay ang pelikula.
Nung una kinikilig pa sila sa mga college days nina Ginny at Marco. Kahit si Julian ay napapangiti sa kulitan nila at flashbacks nila Ginny at Marco.
Pero habang patagal nang patagal, the room felt smaller. Lalo na't sa confrontational scene ng leading couple.
"Kailangan mong malaman kung bakit isang umaga pagising mo nabago na ang lahat, bakit wala na siya? Bakit nag-iisa ka na lang?"
Marco's line hit hard.
For a while, Julian thought of taking a glimpse at Marcel for a second—but when he turned his head, Marcel was already looking at him.
'Yun pala, ilang minuto nang nakatingin si Marcel.
They both froze. Unsure of what to do.
Julian cleared his throat and excused himself.
"Labas lang ako saglit, may tumatawag."
But the truth was, no one was calling him. He just wanted to escape the heavy atmosphere inside the room.
Tumungo si Julian sa balcony kung saan napagisa siya.
Inside the living room, Marcel excused himself also.
"Labas lang din ako, yosi break."
Nagka-tinginan nanaman ang tatlo. The two of them alone?
Julian was observing the city lights when the balcony door opened. He didn't dare look back.
Pabango pa lang, alam niya na kung sino.
"Pwede mag yosi?"
That question shattered something inside Julian. Alam na alam ni Marcel na ayaw ni Julian na nakakaamoy ng yosi.
Why did he ask?
Did he forget?
Does he not know Julian like he did before?
"Do what you want." Julian muttered.
Julian's response was cold. To Marcel's perspective—at least.
Nagdadalawang isip si Marcel kung maninigarilyo ba siya o hindi. At the end, he chose not to.
Julian glanced at Marcel's pocket.
"Kala ko ba maninigarilyo ka?"
Marcel looked up at him.
"Pass."
"You hate the smell of cigarettes."
...
Julian froze. There was no uncertainty.
In Julian's eyes, Marcel tried to act as if he still knew him.
Julian let out a short, humorless breath.
Pero hindi niya magawang tumingin ulit kay Marcel. He turned and went inside.
Pagpasok ni Julian sa loob, parang walang nangyari.
Umupo siya sa pwesto niya kanina at sumandal kay Shawn.
A few minutes passed.
Marcel came in.
Walang yosi.
Walang usok.
Umupo rin siya sa pwesto niya kanina at tumingin ulit sa tv.
Nakita ni Khent na nakasandal si Julian kay Shawn. "Harap-harapan pa talaga nang-aagaw?" He said sarcastically.
A smile landed on Julian's face.
"Ang bobo rin kasi ni Ginny ampota." Sabi ni Jaycee.
Marcel laughed to himself.
Pagkatapos ng pelikula, namumula ang mata ni Khent. Nakita to ni Marcel at pinagtripan siya.
"Tangina kala mo naman talaga. Masyado kang fantasy eh no." Sabi niya habang natatawa.
Tinaas ni Khent ang kamay niya para pakyuhin si Marcel. "Pampam ka?"
Tinulungan nila si Jaycee maglinis ng apartment bago umalis. Naghanda na sila para umuwi sa sari-sarili nilang apartment maliban sa dalawang magshota.
"Sino-sino kayong magsasabay pauwi?" Tanong ni Jaycee.
Yinakap ni Khent si Shawn. "Syempre kasabay ko mahal ko duh."
"Given na yun eh." Sabay sagot ni Julian.
Inirapan na lang ni Jaycee si Khent at humarap kay Julian. "Wala ka talagang ma-book na grab or angkas?"
"Baka pwedeng sumabay...?" Naka-ngising tingin si Julian sa magjowa.
"Huhu sorry, Juls. Magkaiba kasi daan ng apartment natin tapos maaga rin naming kailangan umalis ni Khent bukas..." Parang nagui-guilty pa ang tono ni Shawn.
Julian chuckled and smiled. "Baliw, okay lang."
Then, someone interfered.
"Sakin ka na lang."
Napatingin ang apat kay Marcel.
"I mean—sakin ka na lang sumabay. Wala ka nang sasakyan sa labas and mahirap ma-accept bookings ngayon oras."
Tumingin si Jaycee kay Julian. "Sumabay ka na. May morning class ka bukas diba?"
"Oo nga, di naman masamang tao si Marcel."
"Mukha lang." Natawa si Khent sa sarili niyang biro habang binatukan nanaman siya ni Marcel.
Julian hesitated for a moment, but he eventually agreed. Mas pipiliin niya pang magdusa kesa bumagsak sa sub niya na mahilig sa morning classes.
Nagpaalam na sila sa isa't isa. Bumaba pa sa parking si Jaycee para lang makitang pumasok sa mga sasakyan ang mga tropa niya.
"Ingat kayo ha, sa landi niyong yan baka ma-disgrasya pa kayo." Sabi ni Jaycee.
Nauna nang umalis ang magjowa. Lumapit si Jaycee sa sasakyan ni Marcel upang magpaalam.
"Ingat kayo sa daan, pre."
Tumungo si Marcel kay Jaycee.
Nag-lipsync si Jaycee kay Julian ng 'goodluck' bago pa umandar ang kotse.
__________
Ilang minuto na rin ang lumipas simula nang umalis sila sa apartment ni Jaycee. Tahimik at hindi pamilyar ang hangin sa loob ng kotse.
Walang nagsalita sakanilang dalawa.
Not until the radio played a song called Strange by Celeste.
The two of them looked at the aux and at each other.
Nang nagkatugma ang tingin nila, tumingin sila sa labas ng bintana.
The song continued.
'Isn't it strange
How people can change
From strangers to friends
Friends into lovers
And strangers again?'
Julian swallowed.
Marcel’s fingers tightened slightly on the steering wheel.
The car slowed as they entered Julian’s street.
Streetlights here were fewer. Dimmer. The kind that made everything feel quieter than it actually was.
Julian finally spoke. "Dito na lang."
Marcel glanced at him. "Ha? Hindi pa to building mo."
"Okay lang, dito na lang."
Marcel hesitated but nodded.
"Alright."
He pulled over to the nearest sidewalk.
Before Julian reached for the door handle, he muttered something.
"Thank you."
It wasn’t warm nor was it cold either.
"Wala ‘yon."
Another pause.
Julian opened the door halfway, then stopped again.
Without looking at Marcel fully, he spoke.
“Hindi mo na kailangang gawin ‘to.”
"Ang alin?"
"Pretend."
"I'm not pretending, juju."
Kumirot ang puso ni Julian nang lumabas sa bibig ni Marcel ang dating tawag niya kay Julian.
Julian muttered "Sure." Before Julian opened the car door and walked to his apartment.
Nararamdaman niya pa rin ang titig ni Marcel habang papalayo siya nang papalayo.
And somehow, that was worse than if he had driven off immediately.
________
A week later, Khent sent a message on their group chat of five.
Khent: Oyts tapos na klase niyo?
Marcel: Bakit?
Khent: Arat billiard
Khent: Libre ko na isang oras
Jaycee: Yun oh
Khent: Bilis na, andito na kami ng asawa ko
Marcel: Maglandian muna kayo, sunod ako
Julian: Pass muna ako
Shawn: Bakit juls?
Julian: Linalagnat ata ako, sorry
Khent: Uy okay lang, pahinga ka lang
Shawn: daanan ka namin pagkain, juls?
Julian: wag na, shawn. enjoy na lang kayo
Jaycee: Inom ka biogesic juls
Khent: ganap na ganap talaga oh di ko alam nagshift ka major from music to med
Jaycee: parang biogesic lang tangina mo ba?
Marcel: pano kasi, diatabs siguro pinapainom ni khent kay shawn pag nilalagnat
Shawn: tigil tigilan niyo nga ako
_________
A few minutes passed and Jaycee came inside the billiard bar where they usually go.
"San na si Marcel?" Tanong ni Jaycee kina Shawn at Khent.
"Sabi niya sa gc susunod siya?" Sagot ni Khent.
"Try mo magchat ulit." Sabi ni Shawn.
Kinuha ni Khent ang cellphone niya sa bulsa at nagchat ulit sa gc.
Khent: San ka na @marcel
Marcel: Pass pala muna, may pupuntahan lang
Khent: amppp
Khent: libre na nga tinatanggihan pa
Marcel: namo
Marcel closed his phone and sighed out of nervousness
'Yun pala Marcel stood infront of a very familiar place.
