Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationships:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2026-06-29
Completed:
2026-06-30
Words:
3,714
Chapters:
2/2
Comments:
6
Kudos:
134
Bookmarks:
4
Hits:
1,374

White Sofa

Summary:

A very soft and domestic afternoon for struggling fresh grad Jhoanna and her ever-loving girlfriend, Stacey.

Chapter 1

Notes:

This is for all the fresh grad out there :) a little sprinkle of softness for you. Forgive me po sa mga mali, I tried.

(See the end of the chapter for more notes.)

Chapter Text

Jhoanna’s

 

By 2022, I'll start my college life.

By 2026, g-graduate na ako.

Right after my graduation, I’ll work.

 

I’ll work really hard just to get the life I deserve– that me and Stacey deserves.

 

 

 

 

 

Or so I thought.

 

 

 

 

 

 

“Jho,” rinig kong malambing na tawag ni Stacey mula sa sala. Pansamantala ko munang hininto ang pagtutupi ko ng mga damit namin na nilabahan kahapon.

 

“Mahal?” tawag ko sakaniya habang papunta ako sa sala. Inabutan ko siyang nag-aayos ng sarili at ng bag niya. Mukhang aalis.

 

“Aalis muna ako, ha? Babayaran ko lang yung ilaw at tubig natin, wala kasi silang online payment. I paid naman na online yung wifi natin,” sunod-sunod niyang sabi. “Tapos mamaya pakibaba na lang sa admin yung rent. Ito,” at inabot sa’kin yung pera mula sa wallet na hinugoto niya.

 

“T-teka, sandali. Ako na sa renta sabi ko, ‘di ba? Sa’ka sa wifi,” pagtataka ko.

 

“Sige na, mahal. Ako na muna. Itabi mo muna yung pera mo. I can pay for us for now naman, mahal.” malambing niyang sagot habang nakangiti.

 

Umalis na ito, at pagkasara niya ng pinto, halos mabingi ako sa tahimik na paligid at maingay na isip ko.

 

 

 

 

Don’t be like this, Jho. She loves you kaya naiintindihan niya ang situation mo. Baka naiinsecure ka lang, at mali ‘yun. You’ll find your place out there eventually, Jho.

 

 

I kept reminding myself that. Dahan-dahan akong napaupo sa sofa namin. Fresh grad ako, at sa totoo lang, sobrang hirap.




 

 

 

All my life, I have this structure myself, my parents, and my academics made for me. All my life ang goal ko ay makatapos. At ngayong nagawa ko na, nahihirapan ang utak kong yakapin ang katotohanang iyon. Na ang buhay na minsang may malinaw structure at goal, naglaho na.

 

It’s not that I’m ungrateful and unhappy na nakatapos ako. Ang hirap lang kasi saan nga naman ako magsisimula? Bago ako makagraduate, ang dami kong gustong gawin at maabot pero ngayon na nandito na ako? Natatakot lang ako. Natatakot na baka sa dami ng mga plano ko, I’ll end up doing and being nothing.



 

 

Tahimik kong tinapos ang mga tinutupi ko at ipinasok ang mga iyon sa kaniya-kaniya nilang lagayan. Nagwalis, naghugas, at nagpunas na rin ako. Pagkatapos ng lahat, napaupo na naman ako ulit sa sofa, nakatanaw sa bintana. Tanging ang electric fan lang na umiikot ang naririnig ko.

 

Yung renta.

 

Dali-dali akong bumaba para magpunta sa admin’s office ng condo. Pagdating ko ro’n ay saktong walang tao maliban sa isang admin.

 

 

 

 

“Oh, Jhoanna!” bati nito. Agad naman akong ngumiti at bahagyang tumango rito habang pumapasok ako sa pintuan ng opisina.

 

“Magandang hapon po. Magbabayad po sana ako ng rent,” malumanay kong sabi. She gestured me to sit down habang may ginagawa siya sa computer niya.

 

“Naku, on-time talaga kayo magbayad ni Stacey, ha! Very good ‘yan!” masaya niyang sabi, “Congrats nga pala, ha? I heard you graduated! Sigurado ako first sweldo mo ‘tong binabayad mo! Ang galing-galing mo, Jho,” nakangiti nitong sabi.

 

Tahimik na ngiti na lang ang naibalik ko. Lumabas at umakyat ako agad sa unit namin. First sweldo?

 

Natawa na lang ako sa sarili ko nang bahagya at umupo na ulit sa sofa. Ano nang sunod, Jhoanna?

 

Maaga pa para magsaing, wala na ring dumi o hugasin. Ano na, Jhoanna?



 

 

I opened my socials to check ano na bang nangyayari outside this unit. Mali. Maling binuksan ko pa ‘tong mga ‘to.

 

A former blockmate just got hired. A friend is flying to another country. Another went shopping. And another proposed to her partner.

 

Pinatay ko na ang phone ko. Sapo-sapo ang noo ko, pinilit kong tumayo. Baka may bagong maruming damit, maglala na lang ako ulit. Tama, maglinis ako ulit.

 

Pero dahil nalinis ko na talaga lahat, wala na akong nagawa.

 

 

 

Manood kaya ako? ‘Wag na. Mahal ang kuryente.

 

Lumabas kaya ako tapos kape? ‘Wag na. Wala ka na ngang ambag sa bills e.



 

 

Tumunog ang pinto at iniluwa nun si Stacey. Mula sa sofa ay natanaw ko siya, malaki ang ngiting pumasok sa unit namin.

 

“Love! I miss you!” bati nito while removing her flats and putting it on the rack.

 

“Hi, mahal,” malambing kong bati at sinalubong siya. Kinuha ko agad ang bag niya at inalalayan siyang umupo sa sofa. Puting sofa, malambot, at sakto sa aming dalawa. “Do you want a drink? Baka nagugutom ka na, gusto mo ipagluto na kita?”

 

Habang inaayos ko ang mga pinamili niya. Mula sa pagkakaupo ay tumayo ito at tumungo sa kitchen island namin at doon sumandal. Inaayos ko ang mga gulay at karne na binili niya.

 

“Ice cream tayo?” paglalambing nito. “May ice cream d’yan, favorite flavor mo rin.”

 

Pagkasabi nito ay nakita ko ang isang tub ng ice cream sa ilalim ng grocery bag.

 

Hindi niya na ako inintay sumagot at inabot ito. Mabilis siyang kumuha ng bowl at spoon. Sumandok ng ice cream at hinatak ako pabalik sa sofa namin. Puting sofa, malambot, at para sa’ming dalawa.

 

Pina-upo niya ako agad sa tabi niya at inilapit sa bibig ko ang ice cream.

 

 

 

 

 

“Mahal, mahal kita,” agad kong kinain ang binibigay niya.

 

“hm?” pagtataka ko sa ikinikilos niya.

 

“Mahal kita,” umayos ito ng upo pero mas lalong lumapit sa akin. “Mahal kita, at ‘yun ang importante.”

 

 

 

 

“I know you’re feeling lost right now. I understand you. Mahal. And what you’re feeling right now, and where you are right now is valid,” sabi nito bigla habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. Mainit. Nag-iinit ang mga mata ko tapos namamasa rin.



Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa mga hita ko at inilipat iyon sa kaniya, “Ang tagal mong nag-aral, mahal. Most of your life, you’re fighting, surving deadlines, grades, and expectations. Hindi tayo nagmamadali, ha? Wala tayong hinahabol. Normal lang na you feel lost right now kasi may pagbabago sa buhay mo.”

 

She kissed my hand, the one she’s holding. Huminga ito panandalian at yumakap sa akin. Halos parang koala na siya. Basa na yung mukha ko. Umiiyak ba ako?

 

“Alam ko rin na masaya ka. Your hardwork finally paid off. At masaya rin ako para sa’yo, sobra-sobra. At proud na proud,” she said habang naka dukdok ang mukha niya sa leeg ko.

 

 

 

 

 

She pulled away and wipe my tears. Oh, umiiyak ako.



 

 

 

“May you give yourself grace, my love. Allow yourself to be lost, to feel, and rest. Hindi tayo nagmamadali. Hindi kita minamadali. Kapag handa ka na, sasamahan kita. Even now that you don’t know what to do and where to start, I’ll stay. Sasamahan kita through this, mahal. Hm?”

 

“Mahal na mahal kita, Jhoanna. At lahat gagawin ko para lang hindi ka masaktan ng kahit kaninong boses that’s making you feel heavy.”

 

 

She smiled and nodded. Dahan-dahan akong tumango habang hawak-hawak niya pa rin ang pisnge ko.

 

 

 

 

“I-I love you,” I can't help but to stutter. She’s making me feel too much in such a positive way, “Mahal na mahal kita, Stacey. Damn it. I don’t know what I’ll do without you, baby.”

 

 

 

Patuloy umagos ang mga luha ko pero kasabay no’n ang pagyakap niya sa’kin. I feel so secured— safe sa bisig niya. Kasyang-kasya ako sa bisig niya. For now, ayun muna ako: ang taong perfect fit sa leeg at bisig niya, at sapat na ‘yun.



 

 

“I appreciate you so much, Jho. Ang asawa ko.”



 

 

Sa ilalim ng paglubog ng araw na tanaw mula sa bintana namin kung saan naka pwesto ang puti naming sofa, malambot, at sakto sa’ming dalawa, parang natapos rin ang kabigatan na nararamdaman ko. Lumubog na ang araw pati na ang kabigatan at kalungkutan ko kasama ang yakap ng minamahal ko.

 

Notes:

I hope you enjoyed reading! :)