Actions

Work Header

224 (today, tomorrow, forever)

Summary:

Mahal ang magmahal. Mahirap ang magmahal ng mayaman. Mas lalong mahirap magmahal kung ang minamahal mo ang nagpapakain sa ‘yo at sa pamilya mo.

Bingo sa Marc Francis Kim d’yan.

or alternatively,

Marc Francis Kim falls in love with his boss's son, Xylene Aria Jeon. Will he overcome his doubts and give in to his heart, or will Xylene remain an out-of-reach dream?

Notes:

sabi ko 2027 pa to masisikatan ng araw pero excited akong ilabas bakit ba huhuhu syempre ang next chapters ay next year or ber months na mian

(See the end of the work for more notes.)

Chapter Text

Tahimik na gumagawa ng assignments at report si Xylene sa kaniyang kwarto. Medyo nakaawang ang pinto nito kaya kahit sino man ang dumaan sa second floor nila ay medyo makikita kung gaano ka abala ang binata sa ginawa. Paulit-ulit din niyang prina-practice ang script niya para paghandaan ang reporting niya para sa susunod na araw. 

 

Mahinang kumatok ang isang helper nila sa pinto ng kwarto niya dahilan ng pagkagulat niya. Mahina silang dalawa na natawa dahil sa naging reaksyon ni Xylene. Sanay at alam ng lahat sa bahay kung gaano kagulatin ang binata. 

 

“Sorry, sir. Tawag ka po ni Madam.” Ngumiti sa kaniya ang kasambahay. 

 

Tumango si Xylene at binaba ang mga paang nakapatong sa upuan niya, pati na rin ang hawak niyang index card. “Thank you, Ate. I’ll go down lang po,” magalang na sagot nito. 

 

Tumango ang kasambahay nila at ngumiti bago dahan dahan na sinarado ang pinto baka sakaling gusto munang ayusin ni Xylene ang sarili bago humarap sa bisita. Kaso, hindi naman alam ni Xyl na may bisita. Akala niya mag me-meryenda lang dahil pasado na rin alas kwarto ng hapon.

 

Kaya hindi na siya nagtangkang ayusin ang sarili. Maikling dolphin short lang at pastel purple na sando lamang ang suot niya, ipares pa ang mabalahibo niyang house slipper. 

 

Nagtungo siya sa sala habang kinakalikot ang cellphone. Wala namang ganap ngayon na sinabi sa kaniya ang mga magulang niya kaya para sa kaniya, ordinaryong araw lang din ‘to. 



Honey

bestie, labas tayo after our reporting, ha! let’s eat out hehe!

 

Xylene

okayy, i’ll let mommy know



Tumonog pa ang cellphone ni Xylene sa reply ng kaibigan pero hindi niya na ito nabasa dahil natawag na ng Mommy niya ang kaniyang atensyon. Umangat ang tingin niya mula sa kaniyang cellphone–ganun na lang ang gulat niya nang may isang lalaki na nakaupo sa harap ng Mommy niya. 

 

Nakaupo ito pero sa palagay ni Xylene ay matangkad ang bisita dahil sa haba ng mga binti nito. Moreno, mahaba ang buhok na nakabun na tali. Nakaitim lang siya na t-shirt pero alam ni Xylene sa sarili na gwapo ito. Alam ni Xyl kung paano tumingin sa itsura, na train na yata siya ni Honey sa ilang taon nilang pagkakaibigan. Kung babantain naman ang edad ng lalaki, palagay ni Xylene ay nasa 20’s na ito. Early 20’s, mga 20 o ‘di kaya 21.

 

“Dear,” tawag sa kaniya ng Mommy niya. “Sit down here.” Tawag niya sa anak na agad siyang pinagalitan dahil sa suot nitong damit. “You talaga! I told you to dress appropriately, ‘di ba? Look, we have someone here tapos you walk around like that!” Bumaling siya sa helper nila. “Ate, can you please get a robe for Xyl?” 

 

Sumulyap ng tingin si Xylene sa bisita—sa dahilan kung bakit siya napagalitan dahil sa suot niya sa sariling nilang bahay. Nakita niyang nakatitig ito sa kaniya pero agad ding umiwas. Ganun din ang ginawa ni Xylene dahil naramdaman niyang uminit ang kaniyang mukha. 

 

“I didn’t know na we have bisita.” Rason niya pagkatapos tanggapin ang robe at isuot iyon. Mahina siyang hinampas ng Mommy niya sa hita bago hinarap ang lalaking tahimik pa rin sa harap nila.

 

“I’m sorry, dear.” Ngumiti siya sa binata. 

 

“Ayos lang ho, Ma’am.” Mababa ang boses nitong sagot. Gusto siyang tignan ni Xylene pero umiwas rin ng nagtangka siya dahil nasa kaniya na ang mga mata ng binata. Mariin siyang sinusuri at kinikilala. 

 

“Ma’am? Call me Tita na lang, dear. Napamahal na kami sa Mama mo, you know?”

 

Ngumiti ang binata at bumaling ang tingin mula kay Xylene sa ginang na kausap niya. “Salamat ho sa pag-alaga kay Mama, TIta Xyra.”

 

Kunot ang noo ni Xylene at humarap sa ina. Sumulyap pa sya sa binata at nakita itong nakatitig ulit sa kaniya. “Who, Mom?”

 

“Oh! Right. He’s your Mama France’s son. Francis. I think you two played before noong mga bata pa kayo.” Tumingin siya kay Francis. “Right, dear?”

 

“Ah, opo. Three years old pa lang po yata si Sir Xylene noon,” sagot nito, nakatitig pa rin kay Xylene.

 

Pakiramdam ni Xylene ay may kung anong anyo na hinihipan ang buong katawan niya nung nag sitaasan ang mga buhok sa katawan niya dahil lang tinawag siya sa pangalan niya ni Francis. Pero kahit na gwapong gwapo sya sa binata ngayon, naalala niya na ang nakaraan nilang dalawa. 

 

“Oh! You're the one who left me when I was in 5th grade.” Walang halong pagtataray ang pagkasabi niya. It was so casual na parang naalala niya lang at wala na ‘yon. “I waited for you to come back, you know. I kept asking Mama France if you’re going back pa here.”

 

Tinitigan lamang sya ni Francis. Na para bang wala lang sa kaniya ‘yon na kung tutuusin, siya ang kauna-unahang naging kaibigan ni Xylene. Parang sumama ang loob ni Xylene lalo. Pero baka naman kasi may rason, at hindi ganon ka babaw si Xyl. Pero kahit na! Walang pasabi na umalis at hindi na bumalik ang playmate niya, syempre nagtatampo siya. 

 

“Iyon po yung oras na nanganak si Mama, Sir Xylene. Kailangan ni Mama ng katulong sa bahay kaya hindi na ako masyado nakapunta dito para bantayan ka.” Francis can see the pain flashed on the smaller’s eyes for a moment. Agad din ‘yong nawala. Guni-guni lang siguro. 

 

“Bantayan? Were you paid to play with me?” 

 

“Dear—”

 

“I thought we were playmates you know or friends at least. But I was chore pala sayo?” Hindi na narinig ni Xylene ang Mommy niya, tuloy tuloy siyang nag salita. 

 

“Hindi sa ganun, Sir—”

 

Nagsalita na si Xyra bago pa mag-away ang dalawa. “Baby, he was five when you were three. Yes, playmates kayo but you are his responsibility kasi he’s older. That’s what he meant.”

 

Gets naman si Xyl kaya tumango na lang siya. Huminga ng malalim si Xyra habang nakatitig pa rin sa kaniya si Francis. Hindi na siya tinapunan ng tingin ni Xylene. 

 

“Anyway, dear, are you sure na ba? I’ll talk to your Tito later about it if you’re so sure.” 

 

Tumango si Francis, binaling ang atensyon sa amo at hindi sa anak nitong mahaba ang nguso ngayon. “Opo, Tita. Kailangan po kasi ng mga kapatid ko ng extra na din.”

 

“How about your studies?”

 

Nagkamot ng ulo si Francis. “Tumigil po muna ako. Incoming third year na po sana. Kaso hindi na po kaya, eh. Simula nung nawala po si Papa.”

 

Umangat ang tingin ni Xyl sa binata na ngayon naman ay ayaw siyang tapunan ng tingin. Hindi niya gustong makita na naawa siya para sa kaniya. Ganun naman kasi ang buhay lalo na pag panganay. Kailangan magsakripisyo muna bago ang sarili. Lalo na pag mahirap. Kaya nga sumpa ang maging panganay at mahirap. Pero mahal ni Francis ang pamilya niya kaya kahit na ganun, handa siyang ibigay ang lahat ng makakaya para sa kanila. Kahit ‘wag na muna siya.

 

“I remember when your father died, yes.” 

 

“Opo. Malaking tulong po kayo noon, salamat po.”

 

Kahit na eighteen pa lang si Xylene, hindi na siya baby pa para hindi mapagtagpi-tagpi ang pinag uusapan nilang dalawa. Francis will work for them, like his mother, along with his mother.

 

“It’s nothing, dear. Para rin kay France at sa inyo ‘yon.” Sagot nito. “Okay, sige. I’ll talk to your Tito. For now, sleep here tonight kasi it’s dark na mahihirapan ka ng byumahe sa inyo. I’ll call France na lang din.” Ani ni Xyra bago tumayo. Sumunod din sa kaniya si Xylene. 

 

“Salamat po.” 

 

Xyra nodded and smiled. 

 

“Ate, show him the guest room po.” Dagdag ni Xylene. Sumulyap pa siya ng isa pang beses at nakita itong nakatitig pa rin sa kaniya. 

 

“Kahit ‘wag na po sa guest room—”

 

“You’re still a guest, dear.” Putol ni Xyra. “Pag ayos na ang lahat, lipat na lang ikaw sa kabilang house with France. Be a guest for now.”

 

Wala nang nagawa si Francis kundi tumango at magpasalamat. Sumunod na rin si Xylene sa Mommy niya papunta sa office ng Daddy niya. Sa mga ganitong bagay din involved si Xylene. Tinitignan din ng mag asawa kung komportable ang anak nila sa mga taong ipapasok sa bahay nila kasi syempre, palaging nasa bahay si Xylene. 

 

“Hon,” unang pumasok si Xyra sa office. Kasunod niya ang anak. “France’s son is down stairs.”

 

Tumango si Arnaldo. “Sorry, hindi ako nakababa. Katatapos lang din ng meeting ko.”

 

Diretsyong umupo si Xylene sa sofa habang nakaharap sa mga magulang niya. Suot niya pa rin ang robe na pinasuot sa kaniya ng Mommy niya kanina. 

 

Hinila ni Arnaldo si Xyra paupo sa kandungan niya. Sanay na si Xylene sa ganung tanawin. Sanay siya sa mga gimik at sweetness ng Daddy niya at kung paano mag pabebe ang Mommy niya kapag may gusto. Sanay siya na puno ng pagmamahal ang bahay nila sa pagitan pa lang ng mga magulang niya. Kaya hindi na rin nakakapagtaka na ganun din si Xylene. Puno ng sweetness sa katawan, inosente, easily pleased, at malambot ang puso. 

 

“Should we hire him, hon?”

 

“Akala ko nag aaral, hon?” Tanong pabalik ni Arnaldo. 

 

Nakita ni Xylene na sinuklay ng Mommy niya ang buhok ng Daddy niya sabay halik sa pisngi. Gusto niyang mandiri pero sanay na siya sa mga magulang niya, sweet nga, eh. Sana ganun din sila ng mapapangasawa niya. 

 

“He stopped na raw, Dad,” sagot ni Xyl. 

 

Tumango ito. “Ano sa inyo? Tulong na rin sa kanila at sa bata ‘yon, kung sakali. Pag aralin na lang natin kung gusto niya.”

 

“Hmm… but we’re okay naman na? We don’t need an extra hand naman yata.”

 

Tumango ulit ang padre ng pamilya. “Marunong ba mag drive? Driver na lang ni Xyl at kung anong makita niya na pwedeng gawin sa bahay.”

 

“We have Mang Lito na, Dad.”

 

“Oo nga, pero minsan dinadala namin ng Mommy mo si Mang Lito tapos ikaw may lakad din. Ayaw pa kasing mag drive ang daming sasakyan sa baba.” 

 

Ayun, nasabihan pa. Ilang taon na kasi siyang sinabihan na mag aral ng mag drive ngayon pa lang para makakuha na agad ng lisensya. Ayaw naman.

 

“Okay din, hon. Kunin na lang natin. Para salitan sila ni Mang Lito at makatulong sa mga gawaing panlalaki dito sa bahay.” Dugtong niya. 

 

“Alright. Sabay natin siya mamaya sa dinner.” Sabi ni Xyra na para bang hindi nag aaply para mag trabaho sa kanila si Francis. Pero kung sabagay, pamilya na rin ang turing nila sa Mama ni Francis. Dapat lang na tratuhin ng maayos ang anak nito kahit pa gusto nitong magtrabaho sa kanila. 

 

“Sa ‘yo, ‘nak? Okay sa ‘yo?” Habol pa ng Daddy niya. Kailangan komportable ang buong pamilya bago sila magdesisyon. Ganun ang nakasanayan nilang tatlo. 

 

Tumango siya at tumayo. “He’s fine. He used to be my playmate when we were kids.”

 

First of all, kahit na pinaghintay siya ni Francis noong grade 5 siya na akala niya babalik pa ang playmate niya—malaki rin kasi pinagbago ni Francis ngayon. Tall, dark, and handsome ang atake. He can feel his vibe na medyo okay naman, mukha ring mabait at marespeto. He’s okay with him. Very okay. 

 

Tumango rin ang mag asawa. “Oh sige, baba ka na lang mamaya sa dinner.”

 

“Okay po.” He smiled and returned to his room. Saktong paglabas niya sa office ng Dad niya ay ang paglabas din ni Francis mula sa guest room sa harap lang ng office. 

 

Sa hindi malamang dahilan, naramdaman ni Xylene ang init sa mukha niya nang titigan siya ni Francis. Kung hindi pa umiwas ng tingin si Xyl ay siguradong nakatayo pa rin sila doon, nagtititigan. 

 

Hindi siya pinansin ni Xylene. Hindi naman sa masama ang loob niya sa binata dahil nga pinaghintay siya noon. Ayos lang kay Xyl ‘yon, gets niya rin ang sitwasyon ng pamilya nila. Sadyang nahihiya lang talaga siya sa binata. Hindi naman siya ganun sa mga boys na lumalapit sa kaniya sa school. Pero iba dating kapag si Francis ang kaharap niya. 

 

Mas lalong uminit ang mukha niya ng maalala na tinatawag niya nga pa lang kuya si Francis noong mga bata pa sila. Dapat bang kuya pa rin tawag niya ngayon? 

 

He shakes his head to wash away his thoughts. Dumiretsyo siya sa kwarto niya para balikan ang ginagawa kanina. Pero pagpasok niya sa kwarto, iba naman ang ginawa. 

 

Honey

omkii!! tell tita i said hi

 

Xylene

guess what

we hired someone new and he’s pogi

 

Honey

girl?????

young? 

pic!! 



Xylene

he’s my playmate before when we were kids 

i was three when he was five so i guess he’s 20 now

looks so pogi i swear

TDH!

 

Honey

girl i said pic! 

omg now ka lang nag crush ulit! i remember carlo was your last one LOL



Xylene

that’s way before pa!! we’re in jhs pa kaya nun



Honey

kaya nga!! tapos hindi ka na nag crush ulit eh ang daming lumalapit sayo at naka abang sa dms mo 



Xylene

they’re not my type okay

i like this one hehehe but i get so shy around him

he’s always nakatitig sakin i swear i’m not hallucinating 



Honey

baka type ka rin hehehe



Xylene

as if!! 

para ngang mas ayaw sakin eh

anyway! i'll study muna



Honey

naks! balanced! 



Xylene

ofc :D i have an inspiration now lol



Honey

sana all



Tulad ng sinabi niya, bumalik siya sa mga assignments niya at pag practice ng script niya. Sinubukan niyang mag focus sa ginagawa pero lumilipad ang isip niya sa lalaking alam niyang nasa tabi tabi lang sa loob ng bahay nila. Para tuloy siyang nahihiya o natatakot na lumabas baka sakaling makasalubong niya ang binata. 

 

Gayun pa man, ginawa niya pa rin ang best niya para mag focus sa ginagawa. It lasted almost two hours before he heard a knock on his door. 

 

“Wait lang po!” 

 

“Sir Xylene, kain na raw po.” Rinig niya mula sa kabila ng pinto. 

 

He knows that voice so well. Wala namang tauhan nilang lalaki ang uumakyat sa kwarto niya para tawagin siya. Kaya imbis na magmadali para makakain na ng dinner at makatulog—binagalan niya ang galaw bago sumagot. 

 

“Y-Yes. I’ll go down lang.” Gusto niyang sabunutan ang sarili. “Why did you stutter? Gosh!” Bulong niya. 

 

Inayos niya ang sarili. Nagpalit siya ng damit para hindi siya pagalitan ng Mommy niya. Pinalitan niya lang ang sando niya ng medyo oversized na puting t-shirt at ganun pa rin ang short. Nag powder pa ng mukha at lip gloss pero kakain lang naman ng dinner. 

 

Matapos ang ilang minuto, bumaba na siya sa dining area nila. Nandoon na ang mga magulang niya pati na rin si Francis na nakaupo sa tabi ng Mommy niya. 

 

Naglakad siya papalapit sa tabi ng Daddy nya; kaharap ang Mommy niya. Doon kasi ang pwesto niya. Para syang kinakabahan habang naglalakad. Ramdam niya ang titig ng binata sa kaniya. 

 

Kanina pa talaga titig ng titig! Crush mo po ba ako, kuya? Bulong ni Xylene sa isip. Kasi kahit nga crush ni Xylene na si Carlo noong Junior High School sila ay hindi niya kayang titigan. Lakas naman ng loob nitong Francis. 

 

“Let’s eat!” 

 

Nagsimula silang kumain. Si Xylene ay tahimik lang, hindi magawang tumingin kay Francis kahit pa alam nitong kumakain siya malamang dapat nasa pagkain ang mga mata. Pero nang umangat ang mga mata ni Xylene sa kaniya, nagawa pa silang magkatinginan. 

 

Nakakahiya na talaga! Why does he keep staring? 

 

“Marunong kang mag-drive, Fran?” Unang tanong ni Arnaldo. 

 

Lumipat ang mga mata niya mula kay Xylene papunta sa lalaking amo. “Marunong ho. Kahit ho manual.”

 

Tumango ang mag asawa. “You can drive Xyl if he needs a driver. Pero kapag wala kang ginagawa, tumulong ka na lang dito sa mga gawaing bahay.”

 

Tumango ang binata. “Okay po. Pwede rin ho ako sa garden nyo ho, marunong po ako. Naturuan na ho ni Mama.”

 

“Oh, right! Sige, you do that. Your Mom does our garden kasi ang arte ng Mama mo, dear. Ayaw ipahawak sa iba mga tanim doon.” 

 

Tumawa sila maliban kay kay Xylene. 

 

“Kaya nga po, eh.”

 

“Tama. Para hindi mainitan ang Mama mo sa garden.” Dagdag ni Arnaldo. 

 

Ilang gawaing bahay pa ang napag-usapan nila. Francis talks like he sells himself sa mga household chores. Kaya raw gawin ang ganito ganyan. Mahahalata mong desperado magtrabaho. 

 

“Are you not feeling well, anak?” Tanong ni Arnaldo nang mapagtantong hindi umiimik si Xylene. 

 

Para tuloy siyang nag panic. Okay siya! Nahihiya lang kay Francis. He can feel his face heating up. Isa siya sa mga boss ni Francis, bakit siya mahihiya. So what if crush ko siya naman? 

 

“I’m okay po.” Sagot niya na lang at tinuloy ang pagkain niya. 

 

“You can transfer tomorrow doon sa kabilang house. I think your mother’s room has an extra bed pa.” Si Xyra. 

 

“Sige ho. Salamat po.” 

 

Tahimik ang mga sumunod na araw sa loob ng mansyon ng mga Jeon. Si Francis ang naging designated driver ni Xylene kahit pa bakante naman ang oras ni Mang Lito. Madalas niya ring nakikita ang binata sa garden, bilad sa init. 

 

Kaya minsan, nandoon din si Xylene. Hindi lumalabas ng kwarto si Xylene kapag may ginagawang school work. Doon lang talaga siya sa study area niya sa kwarto para makapag focus ng maigi. Pero noong nalaman niya ang schedule ni Francis sa pagpapaganda ng garden nila, lumilipat din si Xylene sa harap nito para pagmasdan ang binata. Kahit minsan ay wala naman talaga siyang ginagawa. 

 

Okay, so what? He sometimes removes his shirt pa naman. Naka boots pa and maong pants! With a cap! He looks so good, no one can blame me. 

 

Tunog malandi tuloy siya. Pero hindi! Crush lang talaga ‘yan, promise. 

 

“Sir Xyl, mainit na ho rito. Pasok na ho kayo sa loob.” Ani ng binata habang naglalakad papalapit kay Xylene. Tumigil ito ilang metro ang layo, takot na baka mag amoy araw at pawis siya. 

 

Umangat ang tingin ni Xylene. Na para bang hindi siya nakatitig sa mga muscles ni Francis habang nakatalikod ito kanina. I have a weakness for muscles, don’t save me. 

 

“Oh… Are you done na?”

 

Kumunot ang noo ni Francis pero sumagot pa rin. “Hindi pa ho.”

 

Then, I’ll tiis the init!

 

“It's okay. I'll stay here, finish ko lang ‘to.” Sagot niya bago ibalik ang atensyon sa laptop niya ulit. 

 

Hindi naman tanga si Francis para hindi mahalata ang ginagawa ni Xylene nitong mga nakaraang araw. Mas nakikita niya kasi ang amo sa garden kapag nandoon din siya na nag aayos. Kapag Wala siya sa garden, wala rin doon ang amo. 

 

“Pasok ka na ho. Mainit na, masakit sa balat.” Pilit ni Francis. 

 

“Its fine, almost done naman na ako.” Pagmamatigas ni Xylene. 

 

Kaya walang nagawa si Francis kundi gamitin ang teknik niya. “Sige po, pasok na po ako. Mamaya ko na tatapusin ang ibang tanim.” 

 

Dali-daling tumayo si Xylene. Ilang layer ng sunscreen nilagay niya sa mukha para lang tumambay sa garden nila for him, okay! Bakit siya magtitiis sa init kung wala na doon ang pakay niya? 

 

“So init here, I’ll go inside na.” Mahina nitong sambit, nahihiya. Hindi na siya tumingin pa kay Francis sa init ng mukha niya. Sa kahihiyan at sa dala na rin ng init ng panahon. 

 

Francis flashed a smirk on his lips. Pinunasan niya ang mga butil ng pawis sa noo gamit ang braso. Nang makitang nakaakyat na sa second floor si Xylene ay bumalik na rin siya sa trabaho. 

 

Kinabukasan, maagang lumabas si Xylene para pumasok sa school. Naghihintay na rin sa labas si Mang Lito na kausap si Francis. Parehong walang ginagawa, naghihintay kung may iuutos sa kanila. Tapos na kasi mga gawain nila at wala pang lakad ang mag asawa. 

 

“Good morning! Pahatid po ako sa school, please.” Xylene said as he walked out of the door. May tote bag siya sa balikat at ipad na hawak. 

 

“Good morning, hijo. Tara na po, ako na maghahatid sa inyo.”

 

Eh? I want Francis, though. Why can’t he? Wala naman siyang ginagawa? 

 

“Oh… wala pong alis sila Mommy?”

 

Nagkamot ng ulo si Mang Lito. “Mamaya-maya pa, hijo. Si Francis sasama kay Ate Mila mo mag grocery.” 

 

Tumingin si Xylene sa binata na nakatitig na naman sa kaniya ngayon. Kung tutuusin, wala naman silang pinag-uusapan kapag si Francis ang naghahatid sa kaniya sa school. Gusto niya lang talaga na ipagdrive siya ng crush niya! Halos lumipat na nga siya sa passenger seat, eh. 

 

“Okay po… Let’s go na po, Manong.” Ngumiti na lang si Xylene at sumakay na sa kotse. 

 

I thought pa naman siya maghahatid. I was going to talk to him na sana, eh! 

 

Nakasimangot tuloy na pumasok sa school si Xylene. Tinawanan na lang siya ni Honey nang marinig ang rason kung bakit. “Girl, I kept telling you na kausapin mo! It’s not sus kaya! You’re close naman with your helpers and workers, walang malisya doon.” 

 

Mas lalong sumimangot si Xylene. Ayun na nga, close siya sa mga tauhan nila pero pagdating kay Francis nauutal siya palagi. Porket gwapo siya at crush siya ni Xyl? Tama nga naman. 

 

“I’m shy…”

 

Umirap si Honey. “Bakit? You’re pretty and sexy, Xylene, my gosh, ah?”

 

“Not that! He’s already 20, Honey. What if he doesn’t like someone younger? I just turned 18 tapos siya he has priorities na in life.” Sagot niya. 

 

Plus… he works for them. Walang kaso kay Xylene ‘yun, honestly. Wala naman sa kaniya ang estado ng mapapangasawa o jowa niya. Alam niyang bata pa ito at marami pang mararating pa sa buhay. Kaso nga lang… baka pagalitan siya ng mga magulang niya. Hindi matapobre mga magulang niya. Baka siya pa nga sisihin nila kapag may hindi magandang mangyari sa buhay ni Francis kapag naging sila. Kasi si Xylene, secured na ang future. Si Francis, trinatrabaho pa—pati na rin future ng pamilya niya. 

 

“Girl, did I say na ibo-boyfriend mo siya? Just befriend him, my gosh ka ha! Crush na crush?” Asar sa kaniya ni Honey. 

 

“Yeah…” Sagot niya na lang habang tinutupi-tupi ang papel ng binder niya. “Kainis. He’s so pogi and so laki ng katawan.” 

 

“Weakness mo!”

 

“Exactly!” Nagmamaktol pa nito na ikinatawa ng kaibigan niya. 

 

Bandang hapon bago mag uwian, nag text na siya kay Francis. Dapat si Francis na ang susundo sa kaniya kasi kakausapin niya na talaga crush niya! 



Xylene

hii, sundo please? 



Ilang minuto pa ang hinintay ni Xylene bago ito mag reply. Muntik niya nang imessage si Mang Lito. Pero hindi, dapat si Francis talaga ang susundo sa kaniya. 



Francis

ok



“Ok?” Bulong ni Xylene. “Oh! He’s gonna sundo me! But he’s sungit, ha.” 

 

Hindi na iyon pinansin ni Xylene at nag focus na sa klase. Last subject na rin naman ‘yon. After his class, nagpaalam na siya kay Honey at naglakad palabas ng school gate kung saan madalas na naghihintay si Mang Lito o si Francis. 

 

Malawak ang ngiti niya nang makita ang kotse nila sa kabilang kalsada. Nakababa ang bintana ng driver’s seat habang nakatingin sa gate—sa kaniya si Francis. 

 

“Wait ka lang d’yan,” He mouthed bago nag nag drive papunta sa harap ni Xylene. 

 

Hindi na naman napigilan ni Xylene ang mamula. Kaya niya namang tumawid (siguro). But then again, Francis was just doing his job to make his boss’ life easier and comfortable. 

 

Pumasok si Xylene sa back seat. Desidido siya sa plano niyang kaibiganin si Francis. Pero natameme na naman siya nang makita ang binata ng malapitan. ‘Wag na nga! 

 

“Magandang hapon, Sir Xylene.” Bati ni Francis sa amo. Nagsimula siyang mag drive. 

 

“Don’t call me sir please. Para akong oldie.” He said. “But good afternoon, too, Kuya.” 

 

Nakita ni Xyl ang pagtingin sa kaniya ni Francis sa rearview mirror nang tawagin siyang kuya ni Xyl. Pinantayan ni Xyl ang tingin niya habang nakangiti na ikinaiwas na lang ng tingin ni Francis. Binalik niya ang mga mata sa daan. 

 

“Call me Xyl lang, everyone in the house calls me that. Don’t worry about it.” Dagdag niya. 

 

Tumango si Francis. Hawak niya ang ibabang labi habang nakapatong ang siko sa salamin ng kotse. Hot hot hot! 

 

Nagsalita muli si Xylene nang hindi siya sinagot si Francis. “Practice mo, dali!”

 

“Okay, Xyl.” Sagot nito, bago pa maglikot sa kotse si Xylene. 

 

“See! Mas bagay,” hagikhik niya. “Oh! Let’s daan sa Mcdo please.”

 

“Okay, Xyl.” Ulit ni Francis. 

 

Naguusap nga sila pero parang AI naman kausap niya. Wala na bang ibang sagot d’yan? 

 

“Ano ba ‘yan, answer differently naman!” Reklamo niya. “Order mo me please. Chicken nuggets lang and coke float. Also order ka ng sa ‘yo.”

 

“Ayos lang ako. Ikaw lang kumain.” Mabilis na sagot ng binata. Nakapila na sila ngayon sa drive thru ng Mcdo. 

 

Umirap si Xylene. “I’ll order na lang for us.” Naalala niya dati mahilig si Francis sa cheese burger noong mga bata pa sila. 

 

“Ako na ho—”

 

“Me na, tapat mo window ko please.” Putol ni Xylene sa kaniya. 

 

Walang nagawa si Francis kundi huminga ng malalim at sundin ang amo—na pinagsisihan niya. Xylene ordered nuggets, fries and coke float for himself. Habang ang para kay Francis naman ay dalawang cheese burger, large fries, at iced coffee. 

 

“Bakit dalawa?” 

 

“You’re so big kaya! I doubt one is enough. Is two enough? Should I order more?”

 

Nagbuga ng hangin si Francis. “Malaki ako pero hindi matakaw, Xyl.”

 

That’s all muscles, then! Good heavens. 

 

“It’s fine! You can eat the other one later.” Sagot na lang ni Xyl bago sinimulan kumain ng chicken nuggets niya. Si Francis naman ay nag focus sa pagdri-drive. 

 

He can’t eat while driving nga pala. Should I subo him his food? 

 

Umiling si Xyl sa naisip. Binuksan niya na lang ang ipad at tinignan kung may assignment ba na need niyang gawin mamaya. Nang makitang wala naman, binalik niya ito sa bag niya at humarap ulit kay Francis. 

 

“How old are you?” Alam ni Xyl nasa bandang 20 na siya. Pero bakit ba? Conversation starter!

 

“20 po.”

 

“Hmm… What was your course?” Tanong niya ulit. 

 

“Business Ad.” 

 

Namilog ang maliit na mata ni Xyl. “Really? You look bagay sa engineering or architecture.” 

 

“Mahal po ang tuition sa mga ganyan.” Tipid na sagot ni Francis. 

 

Oo nga naman, knowing he had to put a pause on his academics, speaks a lot already about their financial status right now.

 

Why did I even say that! 

 

“Oh, yeah. Right.” Tumahimik na lang siya. Baka may mali na naman siyang masabi. 

 

Ilang minuto pa ang lumipas pero hindi na talaga nagtanong o nagsalita pa si Xyl. Excited pa naman siya kanina na may malaman tungkol sa crush niya. 

 

Napansin ‘yon ni Francis kaya siya na ang nag salita. “Ikaw? Anong plano mong kurso?”

 

Nagulat si Xylene sa tanong ng binata. Hindi pala sa tanong—kung dahil nagtanong ito. Curious siya, ganun? Ngumiti ulit si Xylene, bumalik ang buhay sa dugo niya. “I’m planning to take nursing!”

 

Francis nodded. “Bagay sa ‘yo,” he replied, peeking a glance in the mirror. 

 

Ngumuso si Xylene to prevent himself from smiling. Kahit naman sigurado siyang ang pula na naman ng mukha niya ngayon. Palagi na lang! 

 

“Really?” Kinikilig niyang tanong. More more more! 

 

“Oo, mag me-med ka ba?”

 

“I don't know… yet.” Hindi niya pa naisip ‘yon. Hanggang course pa lang talaga ang napagdesisyonan niya. 

 

He finds nursing interesting and fun. Malambot ang puso niya kaya gustong gusto niya na tumutulong. He thinks nursing is one way to do that. Pero for his career na buong buhay niya, nurse siya? Hindi niya pa naisip ‘yon. 

 

“Mababa sweldo dito ng mga healthcare workers.”

 

“That’s probably one reason why I don’t see it as my lifetime career yet.” Sagot ni Xylene. 

 

Francis nodded. Valid naman ang sinabi ni Xylene. Walang healthcare worker dito sa Pilipinas ang yumaman. Mayaman ka na kapag sa ibang bansa ka nagtatrabaho o ‘di kaya ay binuhos muna ang buong buhay mo sa pagtratrabaho dito. At saka isa pa, mayaman ang mga Jeon. Ipursue man ni Xylene ang nursing as his career o hindi, makakakain pa rin siya ng maayos. Mabubuhay pa rin siya. 

 

Hindi parehas sa ibang mga Pilipino na kailangan isakripisyo ang maraming bagay at oras sa pamilya para lang makapagtrabaho sa ibang bansa para tustusan ang pangangailangan ng buong pamilya. Xylene Aria Jeon doesn’t need to do that. 

 

“Which sucks, by the way.” Dugtong ni Xylene. “There’s a lot of nurses around the world who refuse to work here in their own country nila because they can earn more sa ibang bansa. You really will get nothing here in the Philippines.” 

 

Hindi sumagot si Francis. Hindi niya inakala na may sasabihin si Xylene sa kung gaano kabulok ang health care system ng Pilipinas ngayon. Akala niya “not my life, not my problem” ang galaw ng utak nito dahil nga mayaman sila, privilege siya. Pero hindi naman pala. 

 

“Honestly, Filipinos are smart. The Philippines is rich. It angers me how much we are so left behind, we are taken advantage of, we are used and niloloko because of the leaders running our country. It's like a circus out here!”

 

“Sana sa susunod na eleksyon, tamang tao na ang bobotohin ng mga Pilipino.” Sagot ni Francis. “Wala namang tama o perpektong tao, eh. Kailangan maalam sa batas, may kompasyon sa mamamayang Pilipino, may pagmamahal sa bansa. Maraming nagmamahal sa Pilipinas, marami ang handang lumaban. Nakakapagod lang kasi kahit na handa tayo, para pa rin tayong walang laban.”

 

Tumango si Xylene. “Right. I hope the next generation would choose a health allied course without a thought of working abroad so they can feed their family. I hope we come to a point that kids will live the fantasy of being rich by working as a nurse or doctor here in the Philippines while also helping our own community. But until then, we have to fight for it.” 

 

Kahit gaano kabigat ang pinag-uusapan nila tungkol sa sitwasyon ng Pilipinas ngayon, magaan pa rin pala sa puso ang malaman na may lumalaban para sa bansa na may kasama. Hindi pa naman huli ang lahat, eh. Hangga’t hindi pa natin inaako na tapos na, na wala na tayong laban. Hanggat kaya at may rason, patuloy na lalaban. 

 

“Oh, right! When is Mama France going to come back?” 

 

Mama ang tawag ni Xylene sa Mama ni Francis. Three years old pa lang kasi siya, nand’yan na ito para alagaan siya nito. Kaya sila ng nagkasundo ni Francis noong bata pa sila. 

 

“Bukas. Baka po hindi kita masundo bukas sa uwian mo.” Umuwi kasi si France sa kanila para asikasuhin ang tiyuhin ni Francis doon. Saktong pagluwas ni Francis sa Manila ay ang pagbalik naman ni France sa probinsya nila. 

 

“You’re gonna sundo her?”

 

“Oo sana.” Sagot ni Francis. Lumiko na sila sa kanto ng subdivision ng mga Jeon. 

 

“Sama me! I’ll go with you!”

 

Sumilip si Francis sa salamin. “Uwian mo na ‘yon, baka mapagod ka.” 

 

Concerned? I say yes! 

 

“It’s okay! I miss her naman na. I bet she’ll be happy to see me agad kaya!” Maliban sa miss niya ang Mama France niya, gusto niya rin makasama ng matagal si Francis. Na hindi lang tuwing hinahatid sundo siya sa school. Pwede bang ibang setting naman? 

 

“Paalam po tayo kay Ma’am Xyra.” 

 

One thing Xylene noticed as well, he calls his Mom “Ma’am” kapag ibang tao ang kausap niya. Pero kapag sa harap na ni Xyra, “Tita” ang tawag niya. 

 

“Why do you call Mommy “Ma’am” with other people pero “Tita” when you're in front of her?” Hindi na napigilan ni Xylene ang magtanong. 

 

“Amo ko po si Ma’am Xyra. Kahit po sinabi niyang Tita ang itawag ko sa kaniya, swinesweldohan nya pa rin po ako.” 

 

“So you call her Tita just in front of her?” 

 

Papasok na sila sa garahe. 

 

“Kasi sinabi niya po. Ayoko rin na may magsabi na may special treatment ako galing sa inyo, eh pare-pareho lang naman kaming swinesweldohan niyo.” 

 

Hindi na nakasagot pa si Xylene. Bumaba si Francis para pagbuksan siya ng pinto. Saglit na tumitig si Xylene sa binata bago kinuha ang bag at lumabas na ng kotse. 

 

He pouted his lips. “Thanks.” Mahina nitong sagot bago pumasok na sa loob. 

 

Bata pa lang kasi si Xylene, malapit na ang loob niya sa mga tauhan nila. He did not treat them as someone lower than them. Kapag may Ice cream siya noon, dapat meron din ang mga bantay niya. Kapag gustong kumain ng waffle, dapat meron din mga kasama niya. Kapag drive thru, dapat meron ang driver. 

 

Kaya naman may kung anong kirot na lang siyang nararamdaman sa puso sa sinabi ni Francis. Totoo naman, swinesweldohan siya o sila kasi nagtatrabaho sila. Pero hindi gusto na naririnig ‘yon ni Xylene. Gusto niya kaibigan niya rin sila, gusto niya na kahit, oo sabihin na nating amo ni Francis si Xylene, gusto niya na hindi ganun kataas ang tingin ni Francis o kahit sinong tauhan nila sa kaniya. Hindi ganun kataas tingin nila sa mga Jeon, at hindi ganun kababa ang tingin nila sa sarili. 

 

Hindi niya nga alam kung nagm-make sense pa siya sa mga hiling siya sa buhay. Ayaw niya talaga na mababa ang tingin ng mga tauhan nila sa sarili dahil lang swinesweldohan sila. Nagtatrabaho sila ng marangal at maayos. Hindi sila nanghihingi lang. 

 

“Hi dear, how’s school?” Nakaupo si Xyra sa sofa, nagbabasa ng magazine. 

 

“It was fine, Mom. Last exam na po namin next week.” Lumapit si Xylene sa ina para humalik. 

 

“Oh no, you’re gonna be in college na. Don’t grow up so fast, baby.” Tatayo na sana si Xylene mula sa pagyuko ng hilahin siya ni Xyra para yakapin. 

 

“Mom!” He whined. “I’m not a baby anymore, please. Gawa kayo ni Dad ng baby!”

 

“Ay humihingi?” Si Arnaldo na nakatingin sa kanila mula sa second floor. 

 

Tumawa si Xyra. “You talaga!” 

 

Pumasok si Francis. “Magandang hapon po.”

 

Saglit siyang tinignan ni Xylene. Naalala niya na lang tuloy ang sinabi nito sa sasakyan. 

 

“Ah, Mom, sundo niya raw si Mama France tomorrow. Can I come?” 

 

Humarap si Xyra kay Francis. “Oh! Sure, bring niyo ‘yong car. What time ba?”

 

“Mga 4:30 po. Saktong uwian ni Sir Xylene.” Sagot ni Francis, nakatayo pa rin sa may pinto. 

 

Mabilis naman na pumayag ang mag asawa. Nagpaalam na rin si Francis na pupunta sa dirty kitchen dahil may gagawin pa raw. Umakyat na rin si Xylene sa kwarto niya para ireview ang mga lessons niya kanina. Ganun lang ang gawain niya araw araw. Magpacute kay Francis, mag sight seeing sa muscles nito, at mag aral. 

 

Maya maya pa ay tinawag na siya ng kasambahay nila para maghapunan. Itim na cycling lang at oversized t-shirt na parang dress na ang tanging suot niya, syempre pati ang mabalahibo niyang house slippers. Nakaupo na sa mga pwesto nila ang Mommy at Daddy niyang nang makarating siya sa dining area. 

 

“We have barbeque, dear. Francis made them but I think it's not done yet.” 

 

“Oh, he’s cooking it?”

 

Tumango ang Daddy niya. “He’s outside. Check mo nga, ‘nak. Amoy masarap, eh. Pasok ka agad dito baka lamigin ka sa suot mo.”

 

“Okay po.” Syempre, magrereklamo pa ba siya? Hindi!

 

Lumabas si Xylene sa dirty kitchen nila. Amoy usok at barbeque nga ang labas nila. Agad naman na nakita ni Xylene si Francis na nakatalikod, busy sa pag-iihaw ng ulam nila. Black t-shirt at faded maong pants ang suot nitong damit. Kanina ay naka white t-shirt pa siya nang sinundo niya si Xylene. Bakat na bakat sa damit nito ang muscles niya sa likod kada flex niya habang nag-iihaw. Napatagal tuloy si Xylene sa pagtitig dito bago ianunsyo ang presensya niya. 

 

“Hi… Done ka na raw with the barbeque?” 

 

Bumaling ng tingin is Francis. His eyes stayed on Xylene’s clothes. Para siyang walang short sa haba ng t-shirt na suot niya o dahil maiksi ang cycling niya. Either way, it's not the appropriate fit a worker should see sa kaniyang amo. Kaya umiwas siya ng tingin, binalik ang mga mata sa iniihaw. 

 

“Pasok ka ho na loob. Patapos na po ‘to, lilipat ko na lang sa plato.”

 

Xylene pouted his lips. Pakiramdam niya tuloy hindi siya magandang tingnan ngayon. Madalas pa naman na napapahaba ang titig sa kaniya ni Francis and he takes that as nagagandahan sa kaniya si Francis. Bahala na kung iba ang meaning ng mga titig niya, basta para kay Xylene, okay lang maging delulu. Moderate lang dapat. 

 

Tumalikod ulit si Francis para tingnan ang binata nang maramdamang hindi pa ito umaalis. Diretsyo ang mga mata niya sa mukha ni Xylene. Takot na baka may kung anong demonyo ang magising sa utak niya. “Pasok na, Xyl. Mausok at gabi na,” ulit ni Francis. “Hatid ko na ‘to sa loob.”

 

Lalong humaba ang nguso ni Xylene pero wala nang nagawa kundi pumasok na sa loob. Tinignan siya ng Mommy niya at tinanong bakit nakanguso ay iche-check lang naman kung luto na ang barbeque. 

 

“It’s nothing. Almost done na po siya.” 

 

Saktong pagsagot ni Xylene ay ang pagpasok ni Francis sa dining area. Meron siyang dalawang plato ng barbeque at inihaw na manok. Xylene pouted his lips even more. Hindi man lang siya tinignan ni Francis. 

 

“Bring the other plate sa table niyo, dear.” Si Xyra. “‘Yong konti lang samin. We’re just three here.” 

 

“Okay po.” Tumango si Francis at dinala ang isang plato na puno ng barbeque at inihaw na manok sa lamesa nila. Nasa kusina banda ang lamesa ng mga tauhan nila. Sabay din ang kain nila sa kain ng mga Jeon. 

 

“‘Nak, kuha ka water please.” Utos ng Daddy niya. Naging rule na rin sa kanila na ‘wag mag uutos sa mga tauhan kapag kumakain ang mga ito. 

 

Tumayo si Xylene at tumungo sa kusina. Saktong pagpasok niya ay nakatayong kumakain si Francis. Sinuri niya ang lamesa nila at may bakanteng upuan pa naman, bakit siya nakatayong kumakain? 

 

Dumiretso na lang siya sa ref para kumuha ng malamig na tubig. Bubuksan niya na sana ang ref nang maunahan siya ni Francis. 

 

“Ano po ang kailangan?”

 

Umangat ang tingin sa kaniya ni Xylene. Sobrang lapit nila. He can see how smooth the taller’s skin are. Naamoy niya rin ang usok ng barbeque kanina pero ma katiting na amoy ng safeguard. 

 

“Just water.”

 

Tumango si Francis at kumuha ng pitcher ng tubig. Agad naman ‘yong inagaw ni Xylene sa mga kamay niya. Saglit na nagtama ang mga balat nila. 

 

“Thanks.” Mabilis na tumalikod si Xylene bago pa makita ni Francis ang pamumula ng mukha niya. 

 

His hands are rough. 

 

Hindi na muli pang nagkita ang dalawa after their dinner. Xylene busied himself by doing his school work and taking a bath. He was about to lay down and watch his favorite movie when he realized he left his charger in their car. 

 

Agad siyang tumayo at lumabas papuntang garahe. Naka ternong pantulog na naman siya ngayon. Pink na spaghetti strap at pink din na short. Hindi naman sinasadya ni Xylene ang ganung damitan niya, mas komportable lang talaga siya sa ganun. And it's his style! 

 

May isang ilaw lang na nakabukas sa garahe nila. Kinuha niya ang susi at binuksan ang kotse na sinakyan niya kanina. Hindi na siya pumasok sa backseat thinking that it was only there on his seat earlier. Pero wala. 

 

Umikot siya sa kabila pero wala pa rin. He needs to charge his laptop kasi dadalhin niya bukas sa school. He frustratingly took out his phone. Antok na rin siya but he needs his pampatulog movie playing to fall asleep. 

 

Xylene

hi, are you still awake

 

Akala ni Xylene ay maghihintay pa siya ng ilang minuto para sa reply nito. 

 

Francis

gising pa

bakit po? 

 

Xylene 

oh thank god

did you see my charger here sa car? i can’t find it kasi

 

Francis

si mang lito po naglinis ng mga kotse kanina

labas ako

 

Xylene

huhh whyy its okay

just ask mang lito please 

is he asleep na ba

 

Francis

tulog na po

tulungan kitang maghanap

 

Xylene

fine oki thanks

 

Hindi nagtagal lumabas na si Francis. Naka itim na sweatpants at puting sando lang siya. Kitang kita tuloy ni Xylene ang malalaking biceps nito. I bet it's nice to sleep there. 

 

Mariin siyang tinignan ni Francis bago huminga ng malalim. Bumaba ang tingin nito sa damit na suot. “Ako na maghahanap. Sa loob ka na maghintay baka ginawin ka.”

 

“No, no, I’ll help!” Binuksan niya ulit ang pinto ng back seat. “I’m sure it's just here kanina.” 

 

Nakayuko na siya ngayon, tinitignan ang ilalim ng mga upuan. Nasa likod niya lang si Francis. The taller can’t help but take a glance at the younger's clothes. Umangat ang short nito dahilan kung bakit kitang kita ang makinis nitong legs. 

 

Huminga siya ng malalim at umiwas ng tingin. “Tangina,” bulong niya. 

 

“Xyl, pasok na sa loob. Ako na maghahanap.” Ulit niya. Hindi na talaga maganda para sa katinunan niya ang mga sinusuot ng binata. Wala naman siyang masabi tungkol doon kasi sino ba siya? Trabahante lang naman siya. 

 

“No nga! I’ll help.”

 

“Hindi ka nakakatulong,” bulong ni Francis. Umikot siya sa kabilang pinto at tumulong na lang sa paghahanap. Magkaharap na silang naghahanap ngayon ng charger niya. 

 

Nang umangat ang tingin ni Francis, saktong nakayuko ng sobra ni Xylene para tignan ang sahig ng kotse. His loose top hangs on his body, exposing his chest. 

 

Pumikit si Francis. “Xylene. Pasok na. Ako na maghahanap.”

 

Nagtatakang tumayo si Xylene para harapin ang lalaki. “Huh?”

 

“Pasok na. Ihahatid ko na lang sayo sa loob.” 

 

Kumunot ang noo ni Xylene. “But—”

 

“Pasok na sa loob.” It was a demand. Seryoso ang mukha niya habang mariin na tinitignan ang binata. 

 

Xylene sighed and pouted his lips. Tumalikod na siya para pumasok. Parang mapapagalitan pa siya ni Francis, eh. What’s his problem ba? Kainis. 

 

Nagmamaktol na umupo si Xylene sa sofa sa loob ng bahay nila. Nilabas niya ang cellphone at nagbukas ng X app para ilabas ang saloubin niya. 



xyldotcom

does he hate me

 

xyldotcom

kanina sa dirty kitchen he wasn’t looking at me either! we’re okay naman kanina sa car well except doon sa sinabi ko but we’re fine! what’s wrong with him ba kasi kainis naman

 

Maya-maya pa ay pumasok na si Francis. Hindi man lang nabigyan ng oras si Xylene para mag-tweet ulit ng masama niyang loob. Hindi naman kasi sa gusto niya nasa kaniya lang ang buong atensyon ni Francis, syempre hindi. At imposible rin ‘yon, pero kasi bakit ayaw tumingin sa kaniya. Titingin nga pero parang galit na ang maldito naman. Pero wagas kung makatitig noong unang araw niya sa bahay.

 

“Ito na po.” Nilahad sa kaniya ng binata ang puting charger. “Akyat ka na sa kwarto mo.”

 

“Yeah, thanks,” bulong ni Xylene at umakyat na sa kwarto. Look at me, I’m nagtatampo!

 

Pero syempre, sino ba naman si Xylene para suyuin ng trabahante nila? Umirap na lang siya sa kawalan pagpasok niya sa kwarto niya. He charged his gadgets and went back to watching his favorite movie para makatulog na siya. 

 

He tried. 

 

Pero gising na gising ang diwa niya. Kainis naman kasi! Is he upset ba tungkol sa ocurse niya kanina? Parang ang babaw naman if that’s the case. But what if he wants to pursue engineering or architecture pala tapos I said that pa? 

 

Hindi naman na kasalanan ni Xylene ‘yon, pero okay, hindi niya gusto na hindi siya pinapansin ni Francis. Most of the time naman ganun. Naguusap lang sila kapag kailangan o ‘di kaya may lakas ng loob si Xylene para chumika. Pero aside from that, wala na silang interaction. Medyo nahihiya rin kasi si Xylene sa binata. But going back, hindi niya matiis ang nangyari kanina. Bakit ayaw siyang tignan, bakit parang iwas na iwas si Francis sa kaniya.

 

“Argh! Kainis!” He took his phone and opened the messages. 



Xylene

what’s your problem? do you hate me? why can’t you look at me kanina? why are you so naiilang or di kaya umiiwas sakin

what is your problem ba



Xylene didn’t mean to send it. But he did. Nag panic na lang siya noong nakita niya ang delivered at seen sa ilalim ng message niya. Napabalikwas siya ng bangon habang pabilis ng pabilis ang tibok ng puso niya. He was waiting for his reply and the longer it stretches, the faster his heart beats. Kaso ilang minuto na ang lumipas ay wala pa ring reply. 

 

Hindi na namalayan ni Xylene na nakatulugan niya na pala ito. Paggising niya sa umaga, wala pa ring reply. Sobrang kabado pa siya na buksan ang cellphone niya, iniisip na baka nag reply si Francis sa kaniya. Nakaligo na siya at lahat lahat pero ang cellphone niya ay nakakulob pa rin sa kama niya. Kaya ganun na lang ang inis niya nang makitang wala pa ring reply galing sa binata. 

 

Dali-daling bumaba si Xylene mula sa kwarto niya bitbit ang bag niyang dadalhin sa school. Dumiretsyo siya sa kusina para kunin ang sandwich niya pinagawa niya para sa breakfast niya. His parents are not home for a week starting today. Kampante naman sila na iwan ang bahay kay Xylene at sa mga kasama niya roon lalo na’t pabalik na rin naman ang Mama France niya sa hapon. 

 

Didiretso na sana siya sa garahe para magpahatid na sa school nang marinig niya ang dalawang pamilyar na boses mula sa dirty kitchen. Dahan dahan siyang sumilip doon. He saw the man he was waiting for a reply from with a girl. Pareho silang natatawa habang nililinis ang griller. Sa lahat ng tauhan nila sa bahay, sa babaeng ito lang hindi malapit ang loob ni Xylene. Parang may something, eh. 

 

Umiwas siya ng tingin at pabagsak na sinarado ang pinto. Hindi na siya sumilip pa ulit at lumabas na lang sa garahe para umalis. Lalo siyang nagtatampo. Wala naman siyang rason at dahilan para magtampo pero kahit reply hindi siya kayang bigyan? Kahit pa sabihin na nakatulog na siya kagabi, okay! Pero parang gising na gising naman si Francis sa paraan ng pagtawa niya kasama si Ate Sophie. Ate kasi 23 na ‘yon. 

 

Mabilis ang lakad ni Xylene dala na rin sa inis niya kaya ganun na lang din ang gulat niya nang makita si Francis na naghihintay sa pinto ng backseat ng kotse. May basa basa pa ang damit nitong suot. Hindi siya pinansin ni Xylene. Hinanap ng binata si Mang Lito at sa kaniya nagpahatid.

 

“Mang Lito, pahatid po sa school, please.” Alam ni Xylene na nakasunod sa likod niya si Francis, nakakunot ang noo ng nagtataka. 

 

“Si Francis po? May ginagawa pa po kasi ak–” 

 

Mabilis na hinarap ni Xylene ang binatang nakasunod sa kaniya. “You do it. Mang Lito will hatid me, ikaw gumawa ng ginagawa ni Mang Lito, please.”

 

Naiinis siya at nagtatampo kaya hindi niya rin gusto ang takbo ng bibig niya. Xylene doesn’t like it when he sounds and acts bossy. Hindi niya gustong may mababa sa kaniya kahit alam niya ang reyalidad. Kaya palaging may please at po ang sentence niya kapag kausap ang mga trabahante. Respeto rin ‘yon sa kanila bilang tao at hindi lamang tauhan.

 

“Hindi po ako marunong nung ginagawa ni Mang–” Tumigil siya sa pagsasalita ng tumaas ang kilay ni Xylene. Bahala na ang lahat pero hindi siya sasakay sa isang kotse kasama si Francis.

 

Ayaw niya nun? After his work he can laugh around with Ate Sophie agad. Does he like older women? Is that why he’s suplado to me? I have never seen him smile at me nga, eh!

 

Saglit silang nagtitigan ni Francis bago ito nagbuga ng hangin. Hinarap ni Francis si Mang Lito at ngumiti. “Paturo na lang po ako kung anong gagawin. Kayo na po maghatid kay Sir.” 

 

Lalong sumimangot si Xylene sa tinawag sa kaniya. Siya rin naman may kasalanan kung bakit si Mang Lito at hindi ang crush niya ang maghahatid sa kaniya. Desisyon niya ‘yon, but hell. It made things a lot worse for him. 

 

Hindi na siya nagtagal doon at pumasok na sa kotse. Ramdam niya ang mga mata ni Francis sa kaniya habang naglalakd pero isinasawalang bahala niya na iyon. Diretso pa rin ang lakad niya sa kotse. 

 

‘Yon ang dahilan kung bakit pangit ang buong araw niya. Hindi pa naman tapos ang araw pero he’s claiming it already. Hindi siya sinuyo! Hindi man lang siya nireplyan! Nakipagtawanan pa sa kasamahan niya! 

 

I mean he can play and laugh with others all he wants but at least reply to me? 

 

Noong hapon na ‘yon, sigurado siyang si Francis ang susundo sa kaniya. Nagkasunduan na rin kasi sila na susunduin nila ang Mama ni Francis ng magkasama. Excited naman siya para sa Mama mama niya. Sa anak nito? Hindi. Nagtatampo pa rin. 

 

Kaya nakanguso at tahimik na pumasok si Xylene sa kotse nang makita niya ito sa labas ng gate nila. 

 

“Magandang hapon.” Unang bati ni Francis. Usually, nauunahan ni Xylene ang mga driver nila sa pagbati. Pero ngayon, nagtatampo nga kasi siya. 

 

“Good afternoon," mahina niyang sagot at hinarap na ang bintana. Mabilis niya ring binaling ang atensyon sa labas ng bintana.

 

“Diretso na po ba tayo sa terminal?” 

 

Xylene nodded pero hindi siya sigurado kung nakita iyon ni Francis kaya tumango na lamang siya. “Yeah.”

 

Saglit na tumahimik. Nagsimula na ring tumakbo ang sasakyan dahil nasa gilid lang sila sa daan sa harap ng school ni Xylene. 

 

“Ayaw mong mag drive thru?” Gutom o hindi, gustong gusto ni Xylene na may kinakain o iniinom siya sa byahe. Hindi naman palaging fast food, kahit nga tinapay lang galing sa bakery sa may malapit sa school nila okay na siya doon.  

 

Tumingin sa kaniya si Xylene, saktong pinagmamasdan din siya ni Francis sa salamin ng sandali bago binalik ang mata sa daan. “Do you want to eat? We can order.”

 

Umiling si Francis. “Kumain na po ako sa bahay kasama si Sophie. Ikaw, baka gutom ka?”

 

Okay na sana siya kanina, medyo na kakalimutan niya ang tungkol kay Ate Sophie at Francis pero ito namang isa, pinaalala pa ulit. “No, thanks. Let’s go na kay Mama France.” 

 

Narinig pa ni Xylene ang pagbugtong hininga ni Francis. Hmp. Ginawa ni Xylene ang lahat para tumahimik. Siya ang nagtatampo kaya bakit siya ang mag fi-first move para kausapin si Francis?

 

Si Francis naman ay hindi mapakali. Maya’t maya ang tingin niya sa salamin para silipin ang tahimik na binata. Which was so unusual for him. Madaldal si Xylene, mahinhin pero may daldal na tinatago. May hinala naman si Francis na baka tungkol sa message nito kagabi na hindi niya na replyan kaya huminga siya ng malalim bago nag salita.

 

“Tungkol sa message mo kagabi.” Simula ni Francis. “Wala na akong load kagabi kaya hindi na ako nakareply sa ‘yo. Hindi ako galit o hindi sa hindi kita gusto o ano man ‘yang iniisip mo.” 

 

Hindi sumagot si Xylene. 

 

“Pinapasok lang kita sa loob kasi gabi na at malamig sa labas. Hindi ako galit sa ‘yo.” He paused, hesitating if he should say what he’s about to say.  “At saka, iniisip ko lang damit mo. Maliban sa ‘kin at kay Mang Lito, may iba pa kayong lalaki na tauhan.” Tumigil na doon si Francis, hoping that the smaller could get his hints and point. 

 

“You’re not looking at me because of my clothes?” Diretso ang tingin niya kay Francis sa salamin.

 

“Oo.”

 

Agad ang pamumula ng mukha ni Xylene sa direktan sagot ni Francis. Sanay siya sa ganung damitan lalo na’t nasa bahay lang naman o patulog na siya. Bihira lang din siya lumabas ng kwarto niya dahil kusina, office ng Daddy niya, at kwarto ng parent lang naman ang madalas niya na tinatambayan. Madalas na siya ngayon sa garden o ‘di kaya sa pool dahil lang naman nandon si Francis. 

 

“You and Mang Lito lang naman pumapasok sa house minsan.”

 

“Kahit na,” mabilis nitong sagot. 

 

“Fine.” Medyo nawala na ang tampo niya roon pero may isa pa siyang problema. Si Ate Sophie. “Do you like Ate Sophie?” 

 

Kumunot ang noo ni Francis at sinaglitan siya ng tingin sa salamin. “Bakit?”

 

‘Bakit?’ So he likes her? 

 

“You guys seem close, eh.” Rason niya na lang at iniwas ang tingin.

 

“Edi may gusto rin ako kay Mang Lito?”

 

Ngumuso si Xylene. “You know what I mean!”

 

“Hindi naman dahil close kami ay may gusto na ako sa kaniya o may gusto siya sa ‘kin. Hindi ganun ‘yon, Xyl.”

 

Para tuloy siyang bata na pinagsabihan na bawal pa munang mag-crush. Iniba niya na lang ang topic dahil alam niyang wala siyang makukuha kay Francis. “Do you have an ex?”

 

Hindi sumagot si Francis. “Oh, you do.” 

 

Tumango tango pa siya na para bang nakuha niya ang tamang sagot sa experiment na ginagawa. Wala, bagong rason lang para magtampo na akala mo naman may karapatan. Hindi na siya muli pang nagsalita dahil nakarating na rin sila sa terminal. Sabay sila bumaba sa kotse para hanapin ang Mama ni Francis.

 

“Anak!” Tawag ni France kay Xylene na nakangiti. “Hidlaw man ko simo, ‘nak.” (Namiss din kita, ‘nak.)

 

Natatawang yumakap si Xylene kay France. Sa ilang taon na pagbabantay ni France sa kaniya, he picked up some of her hiligaynon kaya hindi na siya masyadong nahihirapan umintindi ng mga sinasabi nito. “Your real anak is here, Ma.”

 

Tumawa si France at bumitaw sa yakap para yakapin ang sariling anak. Nasa balikat na ngayon ni Francis ang bag ng mama niya habang yakap niya ito. “Musta byahe, Ma?”

 

“Okay lang, kapoy pungko pero anad na.” (Okay lang, nakakapagod umupo pero sanay na.)

 

Xylene immediately picked up ‘kapoy’ and he knows it means tired kaya mabilis siyang nagsalita. “Let’s eat po! Where do you guys want to eat?”

 

“Naku! ‘wag na, ‘nak. Sa bahay na lang. Luto tayo ng meryenda mo.”

 

Sasagot pa sana si Xylene nang maunahan siya ni Francis. “Hindi pa ‘yan nag drive thru o bumili ng pagkain niya.”

 

Natawa si France, mukhang kilalang kilala na ng anak niya ang alaga niya sa ilang linggo pa lang. Mahaba namanang nguso ngayon ni Xylene, sinusubukan na mapa-oo ang mag-ina na kumain sila sa labas. Umiling si France bago tumango. “Sige na nga, pero sa mura lang.”

 

“Yey! Let’s go na po!” Nakangiti niyang hinila si France papunta sa kotse nila. 

 

Napagdesisyonan ng mag-ina na mag-halo halo na lang sa tabi malapit sa terminal. Literal na sa tabi lang ng kalsada kaya kailangan pa ni Francis na mag park sa medyo unahan ng tindahan. Walang arte na sumunod sa kanila si Xylene. Naka hawak pa ang kamay sa braso ni France. Simunod lang sa likod nila si Francis. 

 

“Tatlo po, please.” May nakita ring mga kwek-kwek si Xylene. “Want mo ng fishball, Ma?” 

 

Isa sa mga nahalata ni Francis sa binata ay hindi ito maarte. Mahinhin, malinis sa katawan, malambot ang galaw, pero ni minsan ay hindi nag inarte. Kapag mainit, kaya niyang magadjust kahit na lowbat ang jisulife niya. Kapag madumi ang kamay, ayos lang kasi pwede namang hugasan. Kapag hindi tuyo ang daan, ayos lang din kasi pwede namang labhan ang sapatos na mapuputikan. 

 

“Fishball lang, ‘nak. Ikaw, ‘Cis?” Baling niya sa totoong anak niya. 

 

“Kwek-kwek po at tempura.”

 

“One of each lang? Make it two po kuya! Also cheese sticks and hotdog.” Excited nitong sabi. 

 

Nakakakain naman siya ng street foods kaso kailangan niya pang sadyain sa kabilang kanto ng school niya kaya minsan lang siya makabili doon. 

 

“Dalawang fishball, dalawang kwek-kwek, dalawang tempura at dalawa ring cheese stick kuya.” Inulit ni Francis ang order nila. “Tapos po ‘yong tatlong halo-halo.”

 

Tumango ang nagtitinda. “May kotse kayo? Hatid ko na lang ‘to sa inyo.” 

 

“We’ll wait here lang po. I like watching you cook.” Sagot ni Xylene, tutuk ang mata sa mainit na mantika na kawali kung nasaan ang mga inorder nila. “Matagal ka na po here, kuya?”

 

“Mga apat na taon pa lang po.”

 

“Ohh! Marami rin pong bumibili here?” 

 

Isa pang nanotice ni Francis ay medyo conyo nga si Xylene. Pero sinusubukan nitong mga tagalog ng straight minsan. May halong arte at conyo pa rin ang accent niya kahit anong subok niyang istraight tagalog. 

 

“Meron naman, hijo. Lalo na mga driver at pasahero sa terminal. Pag mainit ganun, maraming bumibili ng halo-halo pag nasiplatan nila ako.” 

 

“You’re bilad sa init pala, kuya.” 

 

Tumawa ang nagtitinda. “Ganun talaga. Ito hanap buhay ko, eh. Ito lang din nagpapabaon sa mga anak ko.” 

 

Medyo malapit si Xylene sa kawali kaya noong medyo tumalsik ang mantika, malibis siyang umatras sa takot. Muntik niya ng makalimutan na nasa tabi nga pala sila ng kalsada kung hindi siya hinila ni Francis palayo sa mga sasakyan. 

 

“Thanks.” Bulong niya. Tumingin lang sa kaniya si Francis at nanatili na sa likod nito. Pinatabi niya rin si Xylene malapit sa nagtitinda para makasilong sa malaking payong at malayo sa kawali. 

 

“Magkano kinikita nyo dito?” Tanong ni France. 

 

“Mga 1000-1500 sa isang araw, depende sa tao.” 

 

Tinanggap ni Xylene ang halo-halo na binigay sa kaniya ni Francis. Sunod na rin na natapos ang sa kanila ni France. 

 

“Is it enough po ba sa family mo, kuya?”

 

“Hindi rin, eh. May dalawa akong anak, isa college na sa public nag-aaral. ‘Yong isa senior high school, sa public din. Okay naman sa tuition kasi wala nga namang babayaran. Pero ‘yong baon nila, pamasahe, pagkain namin sa bahay. Kahit na sabihing sapat ‘yon kahit hindi naman, bilang ama ng mga anak ko, gusto ko rin sana na maganda at komportable ang buhay nila.”

 

Isa isa niyang nilagay sa plastic cups ang mga fishball na order ng tatlo. 

 

“Gusto ko sana na may maganda silang mga damit, sapatos, o ‘di kaya hindi kailangan tipirin ‘yong pagkain at baon nilang pera. Tumataas na rin mga bilihin. Ang hirap sabayan kapag mahirap ka.”

 

Tumawa si France. “Hirap no? Kahit lumalaban ka ng patas, ang hirap hirap sabayan ng Pilipinas. Swerte ko na nga lang sa amo ko na ‘to,” tinuro niya si Xylene. “Napakabuti ng mga puso.”

 

Ngumiti si Kuya at binigay kay Xylene ang cheese stick nito bago ibigay sa mag-ina ang kanila. “Halata naman na mabuti ang puso nito. Ingatan mo, ah?”

 

“Of course, kuya!” 

 

Doon na rin sila kumain sa tabi ng kalsada dahil napasarap ang kwentohan nila kay Kuya. Ganun din ang pagbantay ni Francis sa tabi niya para hindi siya lumagpas sa may mga sasakyan. May tissue at wipes ding hawak kung sakaling kailangan ng amo. 

 

“You have my wallet?” Bulong ni Xylene. sa katabi nang matapos silang kumain. Tumango si Francis at nilabas sa bulsa ang wallet na pinahawak sa kaniya kanina ni Xylene. 

 

Kumuha si Xylene ng dalawang libo sa wallet niya at pasimpleng binigay kay Kuya. “Thanks po, Kuya!” 

 

Gulat na tumingin sa kaniya ang nagtitinda  “Sir hindi po aabot ng 500 binili ninyo, sobra po ‘to.”

 

Ngumiti lang si Xylene. “It’s okay, kuya. Balik po kami next time!”

 

“Sir—”

 

Tumawa si France. “Tanggapin mo na lang. Hindi na ‘yan nagsasauli ng pera sa wallet niya.” 

 

Naguguluhan man, tumawa na lang ang nagtitinda. “Salamat po. Sobra, salamat po ng sobra.”

 

“Una na po kami!”

 

“Salamat ulit!”

 

Lingid sa kaalaman ni Xylene, nakatitig na naman ulit sa kaniya ang crush niya buong oras na nandoon sila. Sa bawat araw na nakakasama niya si Xylene, walang bagay na nalalaman tungkol sa binata na hindi siya napapabilib. At totoo nga ang sinabi ni Kuya, may mabuting puso si Xylene at alam ‘yon ng mag-ina. 

 

“Yay! Let’s go na. I’m so full and tired.”

 

Tumawa si France sa alaga niya. “Anong hapunan gusto mo?”

 

Nauna ulit si France at Xylene na naglalakad. Dahan dahan na kinuha ni Francis ang wallet sa kamay ni Xylene para hawakan dahil baka may makahablot pa nito. Ngumiti lang sa kaniya si Xylene at binigay ang wallet niya. 

 

Kapag ito naloko talaga na lang. 

 

“Hmm… Parang I want laswa and tuyo!”

 

Tumawa si France. “Pang probinsya na ulam, ah. Sakto paborito ‘yan ni Francis.”

 

Sumulyap si Xylene sa likod niya kung nasaan si Francis. Kanina pa ito tahimik pero ramdam niya pa rin ang presensya nito sa maliliit na bagay. Kapag natuluan ng sauce kamay niya, may tissue agad. Hawak niya rin ang wallet at cellphone ni Xylene. Kulang na lang ay siya na rin humawak ng jisulife ni Xylene kung hindi lang siya pinigilan nito. 

 

“Really? That’s my favorite too!”

 

We’re meant to be talaga siguro! Hehe.