Actions

Work Header

Rating:
Archive Warnings:
Categories:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Language:
Filipino
Series:
Part 1 of Awa, Ligtas, at Patayan
Stats:
Published:
2026-07-27
Updated:
2026-07-27
Words:
1,008
Chapters:
2/?
Kudos:
1
Hits:
20

Takasan at Patayan

Chapter 1: Unang Kabanata: Sa Kastilyo

Notes:

Para sa inyo, at para sa kanya

Ang binabasa ninyo ngayon ay bahagi na naranasan ko bilang isang tao sa bansa na ito. Hindi ko alam kung bansa ba or bayan, o kahit ano gusto kong ipaliwanag. Nawala ko ang aking sarili para sumulat ko 'to, at wala akong magagawa kundi magsimula muli. Tumakbo ako at ‘di ako siguardo kung kailan nila ako matutuklasan. Ito nalang ang sasabihin ko sainyo, wag kang sumuko, mga kapatid.

Chapter Text

"Maraming lumalapit sa akin at nagtatanong kung nasaan siya. Wala akong alam! Sino-sino na lang ang tinatanong niyo, at bakit? Dahil ako ang kaibigan niya? Alam niyo ba, hindi niya laging sinasabi kung saan siya pupunta? Ay, ano ba! Iwanan niyo na ako! Ayokong madamay dahil sa kanya!" Ito ang mga salita ng kaibigan ni Lisandro na si Moises habang tinatanong ng mga publisista. Hindi siya makakilos, makapagsalita nang maayos, at makalayas mula sa karamihan.

Sa isang malaking kastilyo, may isang lalaki na nag-uulat tungkol sa nangyari kay Lisandro. Siya ay si Isidro. Ang kanyang alab sa pag-uulat ay tulad ng sa isang mananalumpati. Eh, bakit naman hindi? ‘Di ba siya ay isang mensahero para sa hari? Walang sinabi si Haring Muilton; tumango lang siya at nagkunwaring nakikinig dahil wala siyang pakialam sa nangyari kay Lisandro.

“Sumabog daw ang kanyang tahanan, ‘di namin alam kung sino ang gumawa, pero sumabog ang kanyang tahanan. Ngayon, may malaking butas sa ating kaharian. ‘Di po malapit sa mismong kastilyo, pero… isipin natin ang ibang taong nasaktan dito…”

Tumaas ang ulo ni Haring Muilton, “At? Wala naman siyang kapitbahay. Ang pinakamalapit na may buhay ay isang tupa na kulay rosas! Tumira siya sa ibaba ng lupa! Anong klaseng tao ‘yan?! Baliw siya!” Sa ganitong sagot, nagulat si Isidro. “P-pero, aking mahal na hari, kahit wala siyang kapitbahay, nadamay ang lupa!” Nairita si Haring Muilton, sa kanyang galit, muntik tumapon ang kanyang baso. “O? Malayo siya sa kastilyo. Pwede mong ayusin nang mabilis! Kunin mo lang ang lupa na malapit at itakpan. Tapos! Hindi mo kailangang alalahanin ang problema na walang halaga sa atin. Mayroong mas malaking problema, ang Hari ng Pelan. Sinubukan na naman niyang pumasok sa Batazar, baka naman pumasok na naman siya! Huwag mo nang isipin si… si Lysandro, isipin mo na lang ang loko na iyan, si Haring Haydn.”

Yumuko si Isidro, gusto niyang sabihin na tumakas na siya, pero kung sasabihin niya iyan, baka ipalayas siya ni Haring Muilton. “Sige po, aking mahal na hari. Anong gagawin namin kay Haring Haydn?”