Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2026-07-28
Words:
2,010
Chapters:
1/1
Comments:
1
Kudos:
16
Bookmarks:
2
Hits:
320

What if I told you that I've fallen?

Summary:

Nang marealize ni Olise ang kanyang nararamdaman para kay Musiala, kasabay rin niyang nalaman na may girlfriend pala ang kanyang kaibigan.

Notes:

(See the end of the work for notes.)

Work Text:

Umagang umaga pa lang ay marami na agad nagttraining sa field para sa nalalapit na friendly match ng kanilang team. Nang dumating si Michael, napansin niya na halos lahat ng teammates ay naroon na, bukod sa isa, Si Jamal. Hindi niya alam kung kailan pa nagsimula ito, pero ang una na laging hinahanap ng kanyang mga mata ay ang kanyang matalik na kaibigan.

 

Siguro ay nasanay lang siya dahil sila ang lagi magkasama tuwing training, o dahil si Jamal ang unang lumapit sa kanya noong bagong sali pa lang niya sa FC Bayern. Alam ni Michael sa kanyang sarili na siya ay tahimik at hindi magaling makipagusap sa iba. Ngunit hindi siya nakaranas ng panghuhusga, sa halip ay kinaibigan pa siya ni Jamal.

 

“Mike!,” masayang tinawag ni Jamal si Michael nang makita niya ito. “Aga mo ngayon ah!”

 

Bigla namang sumingit si Phonzy sa usapan, “Nako Jamal, late ka na naman. Baka nakakalimutan mong may kapalit pagiging late sa training,” pang-asar nitong sinabi.

 

“Oo na, ako na bahala sa pagkain mamayang gabi, dami mo kaya sinesend na reels kagabi hindi tuloy ako makatulog,” sagot ni Jamal habang sila ay nagtatawanan. Napangiti nalang din si Michael dahil naniniwala naman siya dito. Mayroon silang group chat na puro reels lamang ang laman, kadalasan ay si Phonzy at Jamal ang nagsesend. Sa sobrang dami ay siniseen na lang ito ni Michael minsan.

 

Umakbay naman si Jamal kay Michael at sinabi, “Uy, tinulugan mo ko. Di ka na nagreply sa sinend ko ah,” habang nakatingin sa kanyang mga mata. Hindi napigilan ni Michael na umiwas ng tingin at sumagot ng, “Ah inantok na kasi ako, tsaka maaga training ngayon,” nahihiya niyang sinabi habang inaalala ang kanilang usapan kagabi.

 

Napapaisip si Michael kung bakit nga ba siya nacoconcious sa mga kilos ni Jamal. Hindi na bago kay Jamal na maging active sa group chat nilang tatlo, pero may mga oras na sa direct message nagcchat ang kanyang kaibigan. Tulad kagabi, bigla bigla nagsesend ng Spotify playlist si Jamal.

 

Jamal:

https://open.spotify.com/playlist/2T6EYIGnHsCBYxvyo2smjp?si=0jcAxSoaQk2cGX06hS8vOQ

Mikeee, rate mo nga music taste ko, from 1-10

Baka mamangha ka sa tugtugan ko at puro rap yang nasa playlist mo : P

Michael:

seen

Jamal:

Ano, ganda diba?

Michael:

seen

Jamal:

Ay nakatulog T _ T

 

Pinakinggan naman ni Michael ang playlist na sinend ni Jamal, sadyang puro OPM nga lang ang laman nito, malayong malayo sa mga lagi niyang pinapakinggan. Kaya nang marinig niya ang mga kanta, parang nahulog ang kanyang puso sa kanyang tiyan. Hindi niya akalaing makakarelate siya sa mga liriko habang pinapatugtog niya ito. Agad pumasok sa kanyang isipan si Jamal kasabay ng kanta na tumutugtog sa kanyang kwarto, hanggang sa tuluyan na siyang nakatulog.

 

Unti-onti nang tinatanggap ni Michael na baka may pagtingin nga siya sa kanyang kaibigan. Hinahayaan niya lamang ito dahil baka wala namang intensyon si Jamal. Hindi lang naman sa kanya malapit ang kaibigan, nakikipagkulitan din ito sa iba, at sadyang mabait lang talaga. Siya lang tong umaasa na baka may kahulugan ang mga interaksyon nila ni Jamal, ngunit sa huli ay binabalewala niya nalang ito upang hindi masira ang kanilang pagkakaibigan, lalo na’t madadamay rin dito ang buong club.

 

Sumapit ang tanghali kaya’t nagpahinga muna sila sa pagttraining. Kada sulok ng locker room ay may mga nagpapahinga, umiinom ng tubig, o kaya naman ay nag-uusap pa rin tungkol sa mga strategies na pwede nilang gawin sa nalalapit na laban. Pumwesto si Michael sa isang sulok para magpunas ng pawis at mag-ayos ng buhok, nang mabitawan niya ang kanyang panali sa buhok.

 

Agad itong pinulot ni Jamal, na hindi niya napansin na tumabi sa kanya at sinabi, “Mikey parang pasira na tong panali mo ah,” habang inaabot sa kanyang kamay. Nagkadikit ang kanilang mga kamay nang iilang segundo lamang, ngunit ramdam ni Michael ang pag-init ng kanyang katawan, bukod sa kakagaling lamang nila sa training. Sumagot naman si Michael, “Thanks, Jam, pero matibay yan no,” nakangiti niyang sinabi habang sila ay nagtatawanan ni Jamal.

 

Bigla namang pumasok sa locker room si Phonzy at sinabing, “Jamal, may salonpas ka ba diyan? Parang kumikirot binti ko eh,” na siya namang sinagot ni Jamal ng “Ay oo, meron sa bag. Kuhain mo nalang doon sa bulsa sa harap,” at agad naman itong sinunod ni Phonzy.

 

Isusuot na sana ni Michael ang kanyang headphones para magpahinga nang biglang sumigaw si Phonzy, “Gago ka boy, may babae ka na?! Bakit di mo sinasabi samin!” Hindi napigilang lumingon ni Michael at nakitang dali-daling kinuha ni Jamal ang hawak na gamit ni Phonzy. Agad sumagot si Jamal, “Huy! Wala akong babae, kung ano-ano talaga pinagsasabi mo eh,” halatang nahihiya at nagulat sa pangyayari. Inasar pa siya lalo ni Phonzy, “Sus… Eh ano yung nakita ko? Congrats boy, iba ka talaga!” habang tinatawanan nang malakas ni Phonzy si Jamal.



Hindi naaninag nang maayos ni Michael kung ano nga ba ang kanilang pinagkakaguluhan, pero sapat na ang kanyang nakita at narinig. Kitang kita kung paano namula ang kanyang kaibigan sa pang-aasar, kaya naman nakaramdam siya ng kirot sa puso. Wala naman siyang karapatan magselos dahil magkaibigan lamang sila. Dapat nga ay matuwa pa siya para sa kanyang kaibigan ngunit pinangungunahan siya ng kanyang puso na masaktan. Napainom na lang siya ng tubig at tuluyan nakinig sa musika para makalimutan ang kanyang mga narinig.

 

Pagkatapos ng kanilang breaktime, lumapit si Phonzy kay Michael at sinabing, “DJ Michael, ikaw muna bahala sa tugtugan ngayon ha. Yung pampagising dapat!” habang sineset up nila ang speaker sa gilid ng field. Sumagot naman si Michael. “G boss, ako na bahala,” at tuluyang kinonnect ang phone sa speaker para magpatugtog. 

 

Nagsimula na ang kanilang drills na gising ang lahat, masaya, ganado, at seryoso kasabay ang mga paboritong rap na kanta ni Michael. Patuloy silang nagttraining nang biglang….

🎵Oo nga pala hindi nga pala tayo🎵

🎵 Hanggang dito lang ako nangangarap na mapa-sayo🎵

 

Ang bawat isa ay napatigil sa kanilang mga ginagawa nang marinig nila ito. Agad naghiyawan at nagtawanan ang mga manlalaro at nagtaka kung sino ang nagpapatugtog at bakit may naligaw na love song sa gitna ng mga rap na kanta. Agad lumapit si Phonzy kay Michael at nang-asar, “Loverboy ka na pala ah, kala ko di mo trip mga OPM. Nahahawa ka na ata kay Jamal,” patawa nitong sinabi. Agad naman umangal si Michael at sinabing, “Di, suggested song lang yun, di pa kasi ako ulit nakakabili ng premium,” habang dali-daling pinapalitan ang playlist na ipapatugtog.

 

Nakalimutan niya na habang pinapakinggan niya nga pala ang playlist na sinend ni Jamal kagabi ay mayroon siyang ni-like na kanta dahil hindi niya mapigilan na makarelate dito. Nawala sa isip niya na tutugtog ito sa Liked Songs ng kanyang Spotify kaya hiyang hiya tuloy siya sa nangyari. Napansin niya na nakatingin pala si Jamal sa kanya, na parang sila lang ang tao doon sa field at parang gusto rin iparating sa kanya ang mensahe ng kanta.

 

Nang papalapit na ang gabi, dinismiss na sila sa kanilang training para magsi-uwi at magpahinga. Lahat ng manlalaro ay dumiretso sa shower upang makauwi nang maaga. Pagkatapos nito, unti-onti na naglalabasan ang mga manlalaro para umuwi. Iniintay na lang sana ni Jamal at Michael si Phonzy para makauwi na sila at maglaro ng FIFA nang biglang, “Mga boy baka di muna ko makasama sainyo, Sakit pa rin ng binti ko, baka ipahinga ko muna to,” dismayadong sinabi ni Phonzy sa kanyang mga kaibigan. Agad naman sumagot si Jamal, “Sayang libre ko pa naman pagkain ngayon! Pahinga ka ah!” habang niyayakap ang kaibigan. Nagpaalam na sila sa isa’t-isa at tuluyang umuwi.

 

Pagkatapos makarating ng dalawa sa apartment ni Michael, agad nang umorder ng takeout si Jamal habang siniset up ni Michael ang FIFA sa kanyang TV para pampalipas oras habang iniintay ang pagkain. Kinasanayan na nilang magkakaibigan ang paglalaro ng FIFA para magrelax. Komportable ito para kay Michael at hinihiling niya lagi na sana hindi ito matapos. Ngunit ngayong alam niya na ang kanyang nararamdaman, mayroon pa ring kirot habang inaalala niya ang nangyari sa locker room kanina. Nakatutok sila sa paglalaro nang biglang nagsalita si Michael, “Jam, may girlfriend ka na pala ah, yieeeee,” pasimple nitong sinasabi kahit mapait ito sa panlasa habang binibigkas niya ito. Agad naman tumanggi si Jamal, “Wala ah, nang-aasar lang yun si Phonzy. Tsaka may iba akong gusto no, ikaw.”

 

Umiwas nang tingin si Michael at sinabing, “Ah ako? Wala akong gusto haha,” nang biglang sumabat si Jamal at sinabi, “Hindi yun tanong. Ikaw. Ikaw ang gusto ko.” Agad binitawan ni Jamal ang controller at kinuha ang kamay ni Michael, na kanyang nilagay sa kanyang dibdib. Naramdaman ni Michael kung gaano kabilis ang tibok ng puso ng kanyang kaibigan. Hindi na napigilan ni Jamal at umamin, “Hindi pa ba ako halata sa lagay na to, Mike? Una palang interesado na ko sayo. Sino ba namang kaibigan magsesend ng playlist na puro love songs nang walang dahilan?” pabiro at kinakabahang sinabi ni Jamal sa isang hingahan.

 

Natulala si Michael at nagpigil hininga, at sumagot ng “Seryoso?”, habang hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang mga narinig. Hindi niya akalain na gugustuhin din pala siya ng kanyang kaibigan. Na akala niyang wala na siyang pag-asa. Parang lahat na ng emosyon sa mundo ay nararamdaman niya na ngayon. Hindi niya napigilang itanong na “Eh bakit ka inaasar na may girlfriend ka na?” na siya namang sinagot ni Jamal ng “Epal kasi yun si Phonzy eh, saglit lang.” Agad kinalkal ni Jamal ang kanyang bag at may kinuha sa harapan na bulsa ng kanyang bag.

 

“Para sayo, Mike.” wika ni Jamal habang inaabot ang lila na panali ng buhok kay Michael. “Napaamin tuloy ako nang maaga, sabi ko kasi ibibigay ko to sayo pag handa na ko umamin. Naalala kasi kita dito, kakulay ng profile picture mo sa Instagram” patawang binigkas ni Jamal na may halong hiya. “Try mo nga, alam kong bagay sayo to.”

 

Kinuha naman ito ni Michael at itinali ang kanyang buhok gamit ang regalo ni Jamal. Agad sinabi ni Jamal, “Sabi ko na e bagay sayo. Parang ako bagay sayo hahaha halika nga rito!” habang niyakap nang mahigpit ni Jamal si Michael. Nanatili si Michael sa kanyang mga braso at dibdib, pinapakinggan ang tibok ng puso ng kanyang tao na gusto, ng kanyang taong mahal. Ramdam na ramdam niya ang pagmamahal at init sa kanyang katawan na parang siya ay nananaginip lamang. Hindi niya mapigilang sabihin na, “Thank you, Jam. I love you” na talagang nagmula sa kanyang puso. Agad sumagot si Jamal at sinabing, “Mhm. I love you too, Mike.”

 

Unti-onting nilagay ni Jamal ang kanyang kamay sa leeg at likod ng ulo ni Michael, dahan-dahang pinaglalapit ang kanilang mga labi nang biglang-

 

“Sir Musiala po! Delivery”

 

“Ampota!! Sandali lang po!’ hindi napigilang magmura ni Jamal habang papalapit para kuhain ang inorder na takeout habang si Michael naman ay natatawa sa pangyayari. Tinitignan niya nang may pagmamahal ang bawat kilos ni Jamal, habang inaayos ang kanilang mga pagkain.

 

Biglang napangiti si Jamal at sinabi, “Hay naudlot pa, maya kiss mo ko ha. Pag ako nanalo sa laro, ikikiss mo ko” palaro nitong sinabi. Tinanggap naman ni Michael ang hamon at sinabing, “Di mo sure, baka nakakalimutan mo ako yung panalo nung huling naglaro tayo” na patawa niyang sinasabi. Napansin ni Michael na wala na ang kirot sa kanyang puso na kaninang hapon niya pa kinikimkim. Ngayon, talagang iba na ang papel ni Jamal sa buhay ni Michael.

 

Kinabukasan, nasa training na naman ang mga manlalaro. Nang makita ni Phonzy si Jamal at Michael, agad niya itong binati “Uy ang fresh natin ngayon ah, bakit ang saya natin anong magandang balita?” habang nagkukulitan ang bagong magkasintahan. Sinagot naman ito ni Jamal ng “Hulaan mo” palaro nitong sinabi. Nakipag-asaran pa rin si Phonzy at sinabing “Mike pagsabihan mo nga tong kaibigan mo, aga-aga nang-aasar! Ay wait… parang familiar yang panali mo ah.. Nakita ko na ata yan, di ko maalala saan..” na siya ring sinagot ni Michael ng “Hulaan mo.” habang tumatawa. Tuluyan silang nagkukulitan na parang walang nagbago, bukod sa relasyon nilang dalawa ni Jamal.

Notes:

hello everyone!! this is my first time writing a fic so i know its kinda bad and has a lot of typos.... also i tried writing this in english so many users can read it but i cant convey the message i want so i just wrote it in filipino......... IS THIS THE 1ST FILIPINO OLISIALA FIC !!!! when the olisiala blunt hits hayyy iba talaga tama niyo sakin juskoooo ily my babies <3

pls give this fic a chance to read!! also pls listen to the playlist while reading this too so u can really feel the vibes hahaha that's all!

(the title is inspired from the song Fallen by Lola Amour and the song that was featured in the fic was Migraine by Moonstar88)

https://open.spotify.com/playlist/2T6EYIGnHsCBYxvyo2smjp?si=A7dtmvxcQ5iTsh0w2EDNWg

parang ginawa ko lang talaga tong fic para sakin kasi miss ko na olisiala