Actions

Work Header

The Arcadian

Summary:

Where The Arcadian showcased their creativity and teamwork on Valentine's day and the Arcadian boys planned something for their beloved girl friends.

Notes:

This is my first fic so please, bear with me. I apologize in advance for any typographical errors. I do not own any characters. I just really misses them so I made this for myself and perhaps, for all the readers of Something Spectacular. I don’t know if this is the first fanfic ever of this fandom here, but I hope all of you who are looking for more of Gavin and Arcadian would find this soon.

Love, Gie.

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

Monday, February 12, nang mapagpasyahan ng buong grupo na pumasok nang maaga upang mag-meeting tungkol sa paparating na pakulo ng student's council para sa isang araw. Each organizations are going to compete for the best office decorations for Valentine's day. Ang daming alam 'di ba? Ganyan ka-extra ang unibersidad namin pagdating sa mga okasyon. Ayos lang, dahil isa rin ito sa mga nakakapag-pagaan kahit paano ng loob naming mga estudyante. Ganoon talaga. Hindi puro academics, dapat nagsasaya rin. We can do both, multitasker kaya kami. Hehe.

Pagpasok ko ng office, nakita kong nandoon na halos lahat nakaupo sa harap ng conference table. Habang ang tigress ay nakatayo parin sa gitna, nakapatong ang isang  siko sa isang kahon na nasa ibabaw ng mesa. Mukhang ako na lang ang hinihintay ah. Patay tayo diyan.

“Sa wakas, nandito na ang mahal na prinsipe,” bungad niya.

“Mahal din kita, Pia.”

“Dude, paano na si–”

“Uy dude, tabi tayo pare!” Pinutol ko agad si Lawrence at tinap ang magkabilang balikat niya bago umupo sa tabi ng upuan niyang bakante sa dulo.

"Ako! Paano na ako, akala ko ba tayo ang pinaka-nagkakaintindihan dito? Pinagpapalit mo na ako? Ouch.” Humawak pa sa puso niya si Lawrence na kunwari nasasaktan.

“Biro lang. Selos ka naman agad, brad.” ani ko sabay akbay sa kanya.

“OA talaga ng dalawang 'to.” komento ni Rhea sa kabilang side ng table katapat ko.

“Tatlo kami!” rinig kong sagot ni Lawrence na nakatikim ng hampas ng cartolina kay boss babes.

Nasa gitna namin ni Rhea si Isabelle na nakita kong nagpalipat-lipat lang ng tingin samin, trying hard not to draw a curve on her face, kahit gusto na no’n kumawala. Mas lalong lumaki ang ngisi ko.

“Hi, babes.” I greeted her with a wink. Mabilis pa sa kidlat na sumeryoso ang mukha niya at ibinaling ang tingin sa harapan. Para na tuloy mapupunit ngayon ang labi ko. Ang sarap talaga nitong asarin. Napaka-expressive kasi ng mukha. Kapag may hindi nagustuhan, hindi niya itinatago or kahit i-try niya, lalo lang itong lumalabas.

“Sorry na. Tampo ka naman agad. Promise, hindi na ako mala-late sa susunod.” I lowered my voice. She just looked at me with furrowed eyebrows. I chuckled.

“Oh, tama na 'yang landian. Mag-start na tayo!” Nilabas na ni Pia ang gamit mula sa kahon habang ni-recap akin ni Rhea ang napag-usapan nila. Mga materials pala iyon na tira pa namin from previous projects. “So, dahil nga isa sa mga rules ay bawal gumastos, either recycled or unused materials lang ang choices natin. Buti na lang marami pa tayong stocks. Do you have suggestions, Gavin?” tumingin silang lahat sakin na ipinagtaka ko.

“Yes. Since, you know, you're our graphic artist. Ikaw pinakamagaling sa pagdedesign.” Isabelle added which others nodded to. Ah.

“Hmm, okay naman. Magandang idea 'yong iba’t-ibang kulay ang gagamitin at hindi red dahil lang iyon ang karaniwang kulay na ina-associate sa araw ng mga puso. Love is for everyone; therefore, it transcends beyond labels.” simpleng sagot ko.

“Boom! Tumpak ka riyan, Gavin!”

“Tsk, tsk, tsk. Galing mo talaga, Brad!”

“Pang-miss universe naman ang sagot mo, Gavs!”

“Nice one, Delos Reyes!” Pumalakpak pa sila while nodding their heads.

“Thank you! Thank you, guys!” tumayo ako at nag-bow na para bang nasa Q&A pageant kaya nagtawanan ang lahat.

“That’s actually a brilliant idea.” I heard Isabelle whispered so I turned to her. Nginisian at kinindatan ko lang ulit saka nagkibit-balikat.

“Thanks, babes. Ako lang 'to.”

Noong kumalma na ang lahat ay nagsimula na kaming gumawa. May kanya-kanyang toka sa gawain. May tagagupit, tagadikit, magdo-drawing, magku-kulay, at lettering.

“Sana manalo tayo! Pandagdag rin 'yon sa pondo natin 'no.” Pia mused in the middle of silence while all of us are busy working. Sinusulit na namin ang break dahil may mga klase na mamaya. And yes, may cash prize para sa mananalo kaya medyo seryoso kami ngayon. Last year kasi walang ganoon and they just let students do our own thing. Limang libong piso para sa mananalo at art materials as consolation prize sa mga hindi.

“Habang tayo, nakikipag-kompetensiya sa Valentine's day, yung iba ay nag-aabang nang magbibigay sa kanila ng flowers and chocolates. Sana all na lang!" Rhea complained.

“Valentine’s isn’t just for romantic lovers, though.” I turned my head at the person who said that. Stephen. This guy scarcely speak, but when he did, it's always with subtance.

“Agree ako sayo, bro.” nakipag-fist bump pa si Charlie na nasa tabi niya.

“Yeah, pero iba parin yung romantic sa platonic love.” Pia countered habang ginigupit ang dinrawing na kupido ni Lawrence.

“Itong si Isabelle, for sure, maraming magbibigay ng flowers and chocolates diyan! Pahingi na lang kami ng tira mo, sis. Ha? Thank you in advance.” Babes Rhea teased Isabelle whose eyes grew big and didn't know where to look so she just focused on what she’s doing. Napaka-humble talaga ng babes ko. But deep down, I know she just doesn't want other people to point out her good qualities. As if voicing them out would just put more expectations on her character and she knows it's not always the case. No one’s perfect after all.

“For me, platonic love are just as important as romantic love.” she said after a moment of silence that made each one of us stop what we were doing for a while to look at her. This is one of the things I liked the most about Arcadian. We are always open to listen and respect each other's opinions. Especially with serious matters. Sakto namang dumating ang alaga naming itim na pusa na biglang pumatong sa lap ni Isabelle kaya itinigil niya na rin muna ang ginagawa para hawakan ito.

“Friendships. Familial. Between teachers and their students. People and their plants. Us with our pets. It’s everywhere. Hindi ba, Arki?” she elaborate without looking at us. Yakap na niya si Arki habang panay naman ang pagkiskis nito sa mukha niya. Me? I just froze on my sit at what she had just casually said. As if she hadn't just squeezed my heart. Sigurado akong ganoon din ang iba. Woah.

As if Isabelle became aware with our stares, finally turned her gaze on us then suddenly shook her head.

“Huwag niyo na lang pansinin ang sinabi ko.” she waived her hand. The rest of us just looked at each other, obviously thinking about the same thing. Pia started it by slowly clapping while dramatically, slowly shaking her.

“Grabe! Anong meron sa inyo at parang sobrang lalim natin ngayong araw?”

“Kaya nga, 'tol Rhea! Parang may iba sa hangin!”

“Tanga! Ikaw lang 'yon, Lawrence. Hindi ka kasi sanay mag-seryoso.” Pia rolled her eyes. Lahat kaming mga lalaki ay tumingin kay Lawrence at umaktong parang natalo siya. Usually kasi, kaming lahat ang damay tungkol sa pagiging Playboy pero bunot ata ngayon si Mariano.

“Paano ba 'yan, bro? Playboy ka pala eh, tsk!” Charlie said which I laughed out loud and agreed to. Nag-apir pa kami para lalong maasar si Lawrence. Namura tuloy kami. Pikon.

“Parang may hugot ka doon, Madam ah!” singit pa ni Rhea. Si Stephen at Isabelle na madalang magsalita, can’t help but laugh on our chaos. Kahit ata si sadness or angry matatawa sa kalokohan namin eh.

Nagpatuloy na kami sa paggawa hanggang kailangan na naming pumasok sa kanya-kanya naming klase. Sabay kami ni Lawrence pumunta sa building ng College of Arts and Social Science.

“Bro, ano na? Wala ka bang plano sa 14?” tanong ni Lawrence at umakbay sakin para sabay kami maglakad. Kunot noo akong tumingin sa kanya.

“Come on, bro! Wala ka bang balak? Kumusta na 'yung babae from section 3? Wala pa bang progress?” sabi niya pa sabay taas-baba ang kilay. Mas lalong kumunot ang noo ko. Huminto ako saglit. Ano bang sinasabi nito?

“Who?” tanong ko dahil hindi ko talaga maalala kung sino ba ang tinutukoy niya.

“Si ano... Lorraine! Iyong sabi mong kausap mo noong nakita ko kayong nag-uusap noong isang araw.”

“Baliw! Blockmate ko 'yon last year. May tinatanong lang about sa subject na pareho kami ng prof this year.” Tinignan niya lang ako na parang hindi naniniwala.

“Fake news ka, brad. Articles 363 of the Revised Pinal Code. Making false accusations or framing an innocent person is penalized as an incriminatory accusations. Kung hindi kita kaibigan pwede kitang kasuhan tapos magkaka-pera ako.” litanya ko.

“Oo na, Gavin. Dami mo pang sinasabi. Alam ko naman isa lang babes mo. Kita mo nga, nahahawa ka na sa kanya.” Hanggang  pag-akyat sa floor namin nginisian niya lang ako na parang nang-aasar.

Kinabukasan, itinuloy namin ang mga nagawa namin. Tatapusin na namin ngayon lahat pati pagdedecorate dahil next day na ang competition. Habang gumagawa, may naisip akong idea. Sakto naman na ang girls ang bumili ng meryenda namin.

“Mga brad! Tara, may sasabihin ako,” pagtawag ko sa atensyon ng mga natira. Sumunod naman sila at nagtipon sa harap ko. Kinwento ko ang naisip kong plano at nagustuhan namna nila 'yon at nagbigay rin ng insights.

The day finally came and I secretly meet with the boys to check if they're ready. Sinabi ko pang 'wag kaming sabay-sabay pumasok para hindi halata. Ako ang mauuna sa office dahil may kailangan akong gawin. Nang malapit na ang oras ay nagpahinga na lang muna ako sa couch at nagsalpak ng headphones. Listening and humming to my playlist.

Your voice was the soundtrack of my summer

Do you know you're unlike any other?

You'll always be my thunder, and I said

Your eyes are the brightest of all the colors

I don't wanna ever love another

You'll always be my thunder

So bring on the rain And bring on the thunder

After a few minutes, I heard the aggressive opening of the door. Senyales na dumating na ang tigre. Nanatili akong nakapikit pero dumilat saglit at nakitang nagwawalis-walis muna si Pia. Eventually, dumating na rin ang iba.

“Oh, guys! Ready na ba kayo?” I'm so excited! Aaah! Sana kayo rin!” napatingin ang lahat kay Pia pati ang ibang estudyante na napadaan lang sa corridor, nagtitingin-tingin ng mga designs ng bawat orgs. Tumili kasi siya ng malakas. Tumayo na ako dahil next na daw ija-judge ang office namin.

We greeted our beloved head councils when they finally came then gladly welcome them in our humble abode. Dumadami na ang mga estudyanteng sumisilip mula sa bintana upang makiintriga. Nasa likod lang kami ng mga head councils habang chinecheck nila ang mga design.

Ang white board ay tinakpan muna namin ng creep papers with rainbow colors at naka-arrange iyon para maging tila kurtina. Sa taas noon ay may mga puting lobo para magsilbing ulap at sa gitna ng rainbow curtains ay cutout gold letterings na Happy Valentine's Day. Sa ceiling naman ay mga pinag dugtong-dugtong na kadenang gawa sa kartolina. Iba-iba rin ang kulay noon. Sa kabilang bahagi ng pader nakadikit ang mga kupido. Iba't-ibang love quotes na binasa ng mga judges. At ang paborito kong part ng decorations namin; mga litrato kasama ang mga magulang, kaibigan, pets, instructors, at syempre, ng mismong Arcadian. May mga pictures din kami kasama ang mga naging ka-close namin na school security guards, janitors, street sweepers, at si manong na nagtitinda ng ice cream sa labas.

The girls lead and explained the inspirations and story behind our theme. That love knows no boundaries no matter how cliche it is. That we deserve love no matter what our race, religion, gender identity, and social class. That love is too broad and complex to limit its reached. They also mentioned the other day when the girls were ranting about not having romantic partners to celebrate the Valentine's day with and that we had a mini debate about it. Pia let Isabelle explained her part and when they've finished, the judges clapped for us. Kami namang mga lalaki ay nakangiting nagkatinginan at tumatango-tango. I guess we are just so proud of us.

“That’s all, Ma'am. I hope we explained our point clearly.” sambit ni Pia na magkadikit ang dalawang kamay.

“It’s more than enough mga iho’t-iha. You guys actually exceeded our expectations. Iyong iba nga ay walang theme na katulad ng sa inyo. We said to just decorate for this special day. Masyado niyo namang ginalingan!” sabi ng pinakamatanda naming head council.

“Exactly! I actually teared up a little bit.” pagsang-ayon ng isa pang head na member ng lgbtqia+ community. Umakto pa siyang nagpunas ng luha kaya natawa kaming lahat.

“Tumpak! Matatalino at kakaiba talaga ang mga kabataan ngayon. Good job, guys.” the third one commented with good job hand signs. Nakakatuwa dahil sa ganoong edad ay napaka-energetic parin nila at mala-Gen Z ang humor.

“Syempre naman Ma’am! Hindi kami papatalo.” singit ko sabay kindat kay Mrs. Head Council.

“Asus, Pogi! Binobola mo pa kami.” banter niya at umaktong susundutin ako sa tagiliran. Medyo close ko kasi ito si Ma'am dahil palabiro din siya sa mga estudyante. Pogi nga tawag sakin eh. What can I say, I have charms. Just kidding.

Nagpaalam na rin sila pagkatapos at sinabing mamayang break time malalaman ang results at ipapatawag na lang daw. Nakahinga kami ng maluwag nang makaalis sila. Bumalik ako sa couch. Stephen, sa computer chair. Si Charlie, nilalaro si Arki. Sila Pia, Rhea, at Lawrence bumalik sa tapat ng mga pictures. Nagre-reminisce. Bigla namang may tumabi sa akin kaya napaangat ako ng tingin mula sa sahig.

“Hi, babes.”

“Hi.”

“Ayos ka lang?”

“Bakit naman ako hindi magiging okay?” balik na tanong niya kaya natawa ako. Kahit talaga anong sagot niya parang may ibang tama sa akin kahit normal lang naman 'yon. Ang sungit kasi.

“I’m just happy we are done for this day.” Kakasimula palang ng araw kaya alam kong ang tinutukoy niya ay tungkol sa araw na ito.

“Maaga pa. Don't worry, hindi pa tapos.” vague na sabi ko kaya nilingon niya ako. Nakatingin lang ako sa harap.

“Sabi ko, maaga pa. Just wait, babes.”

“Huh? Hindi kita maintindihan, Gavin.” Napangisi ako at tsaka kinuha ang phone ko. Alas-diyes na. I sent a message on the group chat kaya unti-unti na rin silang nagsi-alis. Gumawa pa kami ng ibang GC para dito. Malipas ang sampung minuto ay nakatanggap ako reply. Okay. It's time. Tumayo ako at kinuha ang gitarang nilinis ko kanina.

“Uh, guys. Puntahan ko lang sila Lawrence, kailangan daw nila ng tulong at charisma ko.” Itinaas ko pa ang gitara at isinabit na ang strap ng bag sa likod ko. Hindi na ako naghintay ng sagot at lumabas na ng office. Narinig ko pa ang sigaw nila sa pangalan ko.

Pagdating ko sa gilid ng pader, sa kabilang side ng building, nandoon na sila nakaabang. Nakaupo si Lawrence sa beatbox instrument. Kay Charlie ang apat na box ng Pizza at soft drinks. Kay Stephen ang cake. Ipinatago muna namin ang lahat ng ’yon kanina sa pantry.

“Let’s go! Magwawala na 'yong dragon at naiinip na ang babycakes ko.”

“Gago, tara na nga.” tumayo na si Lawrence at binitbit ang beatbox. Sinuot ko muna ang grey na bonnet ko saka tinanggal sa bag ang gitara. Naglakad kami sa hallway na para bang kami ang F4. Pinagtitinginan na kami no’ng iba pero deadma. Takot lang sa amin ng social anxiety.

Pagtunton namin ng office, pumwesto na kami sa tapat ng pinto. I counted 1 to 3 then started strumming. Si Rhea babes ang unang nakakita sa amin at napatakip ng bibig. Sunod na lumingon si Pia na nanlaki ang mga mata. And then si Isabelle na karga si Arki. Nagkatinginan silang tatlo sabay hila ni Pia kay Isabelle at Rhea papunta sa pinto.

The dawn is breaking

A light shining through

You're barely waking

And I'm tangled up in you

Yeah

Si Lawrence ang unang kumanta dahil pagkatapos noon ay magbe-beatbox na siya.

I'm open, you're closed

Where I follow, you'll go

I worry I won't see your face

Light up again

Si Charlie sa second stanza. Naramdaman kong unti-unti ng dumami ang mga tao at magtipon-tipon sa paligid namin para manood. May nagsisigawan at tumitili. Hindi masyadong kagagandahan ang mga boses namin pero hindi rin sintunado.

Even the best fall down sometime

Even the wrong words seem to rhyme

Out of the doubt that fills my mind

I somehow find

You and I collide

I sang the chorus part. I look at her reactions while singing and strumming my guitar. I hope she can feel the lyrics. Napangisi ako kasi hindi siya makatingin ng diretso at ibiniling na lang ang tingin sa gitarang tinitipa ko.

I'm quiet you know

You make a first impression

I've found I'm scared to know

I'm always on your mind

Stephen sang that short line. Ayaw pa nga niya noong unang kumanta pero napilit namin. Nakakahiya daw, but out of all of us, siya ang may pinakamalamig na boses. Sa huli ay pumayag na siya para sa mga kaibigan namin.

Even the best fall down sometimes

Even the stars refuse to shine

Out of the back you fall in time

I somehow find You and I collide

Sabay na kaming lahat sa second chorus. Narinig kong may mga sumasabay na ring kumanta sa amin. Napangisi ako at tinanguan sila para i-encourage pa na kumanta. Feeling ko tuloy para kaming isang boyband na nagko-concert. I wish.

Don't stop here

I lost my place

I'm close behind

Ako na ang kumanta sa achapella kahit pa nakakatakot dahil rinig na rinig kapag pumiyok. I just looked away for this part para hindi ko mailang.

Even the best fall down sometimes

Even the wrong words seem to rhyme

Out of the doubt that fills your mind

You finally find

You and I collide

 

Finally find

You and I collide

(Do do do do)

(Do do do do)

You finally find

You and I collide

Sabay sabay naming tinapos ang kanta at nagpalakpakan ang mga tao. Ganoon din sila Isabelle. May mga sumusipol at napa-aww at sana all. Sorry, exclusive lang 'to para sa mga prinsesa ng Arcadians.

Inilabas na namin ang pangalawang surpresa mula sa kung saan. Hinugot ko ang tatlong piraso ng yellow roses at binigay kay Pia, Rhea, and babes tig-iisa. Ganun din sila Lawrence, Charlie, and Stephen. Nagpasalamat sila at inamoy ang mga bulaklak.

I turned to the small crowd and thanked them for singing with us before it slowly dissolved. Pumasok na rin kami ng office nang biglang sumigaw si Rhea.

“Oh my god!”

“What just happened?” sabi naman ni Isabelle.

“Is this real? Can someone pinch me? Can you pinch me?” Pia asked Isabelle pero si Lawrence ang akmang susunod kaya lumayo si Pia.

“Grabe, ganoon ba talaga hindi kapani-paniwala ang ginawa namin?” tanong ni Lawrence na parang na-ooffend.

“Hindi naman sa ganoon pero grabe talaga, ang kakapal ng mukha niyo! Mga walang hiya sa katawan.” sabi pa ni Rhea at tumawa ng malakas na ikinatawa na rin nila Pia. Nasa gilid ko si Isabelle na ngayon tumatawa na rin.

“Pati ikaw tumatawa, babes? Aww, you wound me.” I said with my sad voice. Bigla namang bumalik sa normal ang mukha niya na para bang ayaw niya akong maging malungkot. Crush talaga ako nito eh. She shook her head.

“I think you guys were actually good.”

“Actually? Backhanded naman 'yan, babes eh.” sagot ko tapos umiling-iling, disappointed.

“Hindi!” nagulat ako nang medyo napasigaw siya. Napatingin ang iba kaya napatakip siya ng dalawang kamay sa mukha. Tinry ko tanggalin 'yon pero umiling-iling lang siya.

“Nagbibiro lang ako, babes. I’m sorry,” the tables have turned at ako na ngayon ang nagpapanic. Hindi alam ang sasabihin para mapatawad niya na ako.

“Anong nangyayari? Valentine's na Valentine's day nag-aaway kayo diyan,” rinig kong sabi nila pero hindi namin pinansin. Nagsimula na nilang lantakan ang mga pagkain.

“Uy, babes.” mahinahong sabi ko pero hindi niya parin tinatanggal. I sighed and just hugged her.

“I’m sorry.” I sincerely whispered in her ear. Mahiyain talaga 'to. Wrong move ka, Gavin. Nainis mo talaga yata. But eventually, kumalas na siya sa yakap ko.

“Biro lang din.”

“Forgiven.” I smiled and pulled her to the couch. Nandoon si Arki kaya binuhat ko sabay ipinatong sa lap ko. Umupo naman din si Isabelle sa tabi ko kaya sumandal ako sa balikat niya. We were watching the other when she broked the silence.

“Gavin.”

“Hmm?” sagot ko ng hindi lumilingon. I'm petting our cat on my lap.

“Happy Valentine's day.” sabi niya na ikinalingon ko, grinning so widely.

“Happy Valentine's day.” I pat her head. She's now also smiling. Ayon, ngumiti na din.

“Thank you.” I heard the sincerity in her voice.

“Basta ikaw, babes.” seryoso ring sagot ko. It's true. I'll do anything for her. For the Arcadian. And, that thought kinda scares me dahil baka hindi na talaga ako makaahon.

Notes:

Thank you for reading! Please leave a comment so I know, someone out there have read this.

Songs used:
Thunder - Boys Like Girls
Collide - Howie Day

Fun fact: while I'm writing the serenading part, I was listening to Collide to really feel the vibes then Chasing Cars by Snow Patrol suddenly played next and my whole writing experience got ruined. Just kidding, it will reminds me of Gavin.