Chapter Text
Ayun nanaman tayo. Rainy season nanaman. Ibig ‘yun sabihin…
*SOUND NG ALARM*
ALERT: RED RAINFALL IN METRO MANILA
Ayan, gumising na si NDRRMC. Red rainfall warning, nakakatakot ‘no? Lakas ng hangin at ulan. Kawawa ang mga tumatrabaho. Kawawa ang mga pamilya ng bahay nasira. Kawawa ang mga taong namatay o may namatay sa kanila. Kawawa halos lahat…
Di ako makatulog. Ikatlong araw na hindi pa ako makatulog ng maayos kahit walang pasok bukas. Puyat ba? Oo, syempre. Puyat sa gumagawa ng assignment? Hindi. Puyat dahil iniisip ko siya? Oo.
Siya ay si Isagani. Hindi yan ang tunay niyang pangalan. Ayoko lang sabihin ng pangalan niya. Pogi, hindi gaano makulit, may respeto sa babae, matalino, nakakatawa… punyeta, too good to be true. May chance ba ako sa kanya? Eh, meron siyang barkada na ang angas at ayokong sirain ang kanyang ka-barkada.
Kung sasabihin ko kay Erica na gusto ko si Isagani, sigurado ako magiging news reporter yan. News reporter pang tsismis, tulad ng Chika Minute ng GMA. “Narinig mo ba? Crush ni Leonor si Isagani” Sasampalin ko mukha mo, ano?
Kung si Gabs naman, mas tahimik siya pero di yan ibig sabihin safe ako. Works in silence siya. Di mahalata, pero kung nandoon si Isagani, ngingiti siya at bibigyan ako ng mukha na sinasabi “O, ano na? Chance mo na.” Isa pa, ka-barkada niya si Isagani, so kung desperada na ako, sasabihin ko sa kanya, pramis!
Lapit na mag alas kwatro ng umaga, at sa wakas, sumasara na ang aking mata. Bigla nalang may nag-text sakin. Si Isagani pa. Punyeta. Binuksan ko ang cellphone ko.
“Hi po, sorry if it’s very late. Pero, may pasok ba bukas?”
“Parang wala. Red warning eh, daming beses na.”
“Ahh, okayy thank you! :)”
Yan lang. Tapos na.
Is what I would’ve said if I was a liar. Tinuloy ko yung convo namin.
“Kamusta ka? Malakas ang ulan. Red warning pa.”
“Okay lang, I mean swerte ako maayos pa ang bahay ko at hindi pa ako naranasan ng brownout. Ikaw? Kamusta ka?”
“Sakto din. Pero, di pa ako makatulog ng maayos.”
“Awhh, sorry to hear that. Sana pwede ka nang makatulog knowing na walang pasok bukas.”
“Kahit na, unfortunately. Pero, it’s not your fault, dw about it! Kaya ko naman!”
Sinungaling ako. It’s all your fault, but you didn’t do anything wrong. At doon, bigla kong nilaman ang aking mali. ‘It’s not your fault’. BAKIT KO SINABI YUN? HOLY SHIT PATAYIN MO NGA AKO OMG
“Even so, take care of your health. Tao ka pa.” text ni Isagani.
Gusto kong umiyak. Isa sa text niya at sa hiya ko. Naka-seen nalang siya, wala pang emoji reaction. Limang minuto nakalipas, naging sampu. Sa wakas, sumagot na ako.
“Thnks!! Ikaw rin.”
Shit. Typo.
“Thanks** Sorry, maling spelling.”
Pero nagulat ko sa sagot ni Isagani.
“You listen to Fall Out Boy too?”
HA? ANONG CORRELATION?
“Fall Out Boy? Sorry, I don’t listen to them… Why?”
“Ah, I see. I thought you knew because of the way you typed ‘Thanks’. May kanta kasi eh, ‘Thnks fr th Mmrs’. Isa sa paborito kong kanta.”
JACKPOT HAHAHHAHAHA
“Ah really? I’ll give it a listen sometime ! :)”
At may lakas na loob pa ako.
“How about we exchange playlists?”
