Actions

Work Header

My Cutiepie

Summary:

wave love all different kind of pie because thee keeps on giving him one

 

until the very end

Notes:

hi, this is raw version because i want to eat buko pie but i can’t so here,

RAW VERSION

it will include typographical errors, grammatical errors, lahat ng errors

wow peace 😽✌

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

“i like you, no, erase that, mahal kita thee tatlong taon na”



at ang malamig na hangin na dala ng disyembre ang bumalot sa katahimikan ng gabi, nanaig ang katahimikan sa paligid at hindi na ako umasa ng isasagot n’ya dahil alam ko naman, hindi na dapat umasa pa, tumalikod ako sa kan’ya at lumakad palayo, 



iniwan ko s’ya at ito ang unang beses kong gagawin ito dahil sa loob ng apat na taong pagsasama namin bilang mag kaibigan… hindi ko s’ya kailanman iniwanan, ngayon lang… ngayon pa lamang




✧༺♥༻✧



“waveeee”



napapikit na lang ako sa narinig ko, napakaaga naman kasi at ang una kong naririnig ay ang boses nitong si north



“ano na naman? panira ka ng umaga”



“sa gwapo kong ’to, panira ng umaga? mag patingin ka sa obgyn!”



“obgyn?” 



tanong ko dahil hindi ko gets kung bakit nadamay ang obgyn dito



“oo, yung para sa mata”



“alam mo sinusubukan kang habulin ng common knowledge kaso mabilis ka talaga tumakbo” 



hindi ko mapigilan na hindi tumawa sa sinabi ni otto na biglang sumulpot sa tabi namin



“basketball player kasi ako baby”



agad namang sumama ang mukha ni otto at naglakad nang mabilis, napailing na lang ako dahil sinundan din naman agad s’ya ni north



“wave!”



isa pa ’to



“tingin mo saan mas maganda, ito ba o ito?”



iniharap n’ya ang drawing n’ya sa’kin, alam ko na kaagad kung para saan



“yung kaliwa”



“sure ka ba?”



“bakit ka pa nag tanong?”



“sungit! oi- p’ por!”



kung aso si tee sigurado akong parang windshield yung buntot n’ya sa tuwing nakikita ang p’ por n’ya na part ng basketball team at siguradong walang pake sa kan’ya



dalawa silang kaibigan ko, parehong may mga taong minamahal at parehong umaasa sa impossible. si teetee gusto si por na kilalang basketball player, mabait pero mailap, hindi na ako magtataka kung isang araw sinapak na lang ni por si teetee sa inis



si north naman yung pangalawa, hindi raw s’ya naniniwala sa pag-ibig kasi ilusyon lang daw ’yon pero ayon… sinusundan si otto sa lahat ng pagkakataon



ako? hinihintay yung para sa’kin kasi sa ngayon bestfriend pa rin ako eh, bestfriend pa lang



“here you are!”



hindi ko na kailangan tingnan kung sino ang umakbay sa’kin dahil kilala ko na kaagad sa boses pa lang n’ya, paano ito yung paborito kong boses



“oa ka na naman”



tumawa lamang ito ng bahagya at nawala na naman ang mata n’ya, kaya hindi makita yung halaga ko eh



“nag breakfast na po ikaw? i bought you jollibee”



“at kailan ka pa natuto mag jollibee?”



“well, because you like it”



because you like it



talo ako sa mga ngiti na ’yan eh, talo yung puso ko



“deadma basta libre okay na sa’kin”



kinuha ko ang burger na hawak n’ya at mas lalong lumawak ang ngiti n’ya



sino ba s’ya? well, s’ya si thee at kaibigan n’ya si por… kaibigan ko rin s’ya



nag kakilala kami two years ago dahil kay teetee, sinusundan n’ya kasi si por tapos dahil kasama n’ya ako bigla n’ya akong hinatak at ayon, bumangga ako kay thee



noong una gusto ko sanang yayain makipagsuntukan kaso nag english bigla kaya nag sorry na lang ako tapos doon ko rin unang nakita na mawala yung mga mata n’ya



mula noon lagi na nagtatagpo yung landas namin, sa library, sa canteen, sa park, pati nga sa condo



hanggang sa hindi ko na lang namalayan mahal ko na pala s’ya



noong bumagsak ako sa uts namin umupo s’ya sa tabi ko pero hindi s’ya nag salita, binigyan n’ya lang ako ng gingerbread pie, hindi ko alam bakit n’ya ako binigyan pero kinain ko na lang din



noong hindi ako pumasa para sa cut-off ng scholarship inabutan naman n’ya ako ng ube pie, hindi ko alam saan n’ya nakuha ’yon pero kinain ko na rin habang nagrereklamo at nakahiga sa kama n’ya



mula noon naging paborito ko na ata lahat ng pie kasi ayon binibigay n’ya sa tuwing malungkot o masaya ako, nasanay na lang din ako



sa dalawang taon namin na magkaibigan natutunan ko na ang lahat tungkol sa kan’ya. mahilig s’ya sa pusa habang ako hindi, allergic kasi ako, nawawalan s’ya ng mata sa tuwing ngumingiti s’ya, gusto n’ya maging dentista kasi wala, gusto n’ya lang daw tapos mahilig s’ya mag painting at mag drawing



sa loob ng dalawang taon, isang taon ang ginugol ko para maintindihan s’ya tapos yung isa pang taon at mga susunod pa ay iaalay ko para makilala pa s’ya 



✧༺♥༻✧



“wave, sabay po ikaw uwi sa’kin”



“ayos, libre pamasahe!”



tinawanan n’ya lang ako at bumalik na sa pagbabasa ng libro n’ya habang si tee at por ay nakatingin lang sa’min



“ano ba kayo?”



nabitawan ko ang lapis na hawak ko sa tanong ni tee, halata ba na gusto ko si tee



“a-anong sinasabi mo?”



“daig n’yo pa kasi yung magkarelasyon,”



singit naman ni north, alam kong lahat sila nag hihintay ang isasagot ko… isasagot namin pero sa totoo lang hindi ko rin alam



“we’re friends, right wave?”



friends… 



ayon, friends lang pala talaga



“oo, friends”



friends… 



“saan ka natulog kagabi webweb?”



“sa room ni thee,”



“sino nag laba ng uniform mo thee?”



“wave did”



“sino yung nag timpla ng chocolate drink mo web?”



“si thee”



“sino yung bumili ng lunch mo wave?”



“si thee”



tiningnan kami ni por, otto, tee, at ni north na para bang sinasabi na hindi ito normal pero paano ko sasabihin na normal lang lahat ito para kay thee? 



“bestfriend pro max ba kayo?”



tanong ni north kay thee, diretso ang tingin na para bang humihingi ng maliwanag na sagot



“maybe? wave is really special”



special… friends



kahit gaano pa karaming lunch, breakfast, at milk chocolate ’yan special friend pa rin ako nito buti nga hindi pa ako mae-enroll sa carson’s university



✧༺♥༻✧



“thee”



“apple pie”



hindi ko na napigilan ang mga luha ko dahil sa inabot n’ya, isa na namang pie, apple pie to be exact



hindi s’ya nag salita, hindi n’ya ako hinawakan ang tanging ginawa n’ya lang ay iabot ang apple pie sa’kin at umupo sa tabi ko, hinayaan n’ya akong umiyak



hinayaan n’ya akong iiyak ang lahat



hindi n’ya kinakailangan magsalita dahil alam ko na alam n’yang hindi ayon ang kailangan ko sa mga oras na ’to



bumagsak ako



“hindi tinanggap ng prof ko, ang sabi n’ya retake na lang daw dahil singko talaga ako”



“then we will retake it”



“huh?”



tiningnan n’ya ako sa mata, seryoso s’ya at walang pagaalinlangan na makikita sa mga mata n’ya



“we will retake that class, together”



at nag retake kaming dalawa kahit na napasa na n’ya ’yon, hindi n’ya ako iniwang maging mag-isa



✧༺♥༻✧



“saan ka? bakit hindi ka pumasok?”



alas otso na ng umaga at alam ko naman na nagaalala s’ya dahil may klase dapat ako ngayon pero sobrang sakit kasi ng ulo ko



“bahay, masama pakiramdam ko thee”



“why mo hindi sinabi sa’kin? i am living next to your room”



“ayaw kita istorbohin eh”



alam kong pinipigilan n’ya na mainis at alam ko rin na kinakagat n’ya ngayon ang ibabang labi n’ya



“wait for me, be there in five”



binaba na n’ya ang tawag at alam ko naman na pupunta s’ya rito dahil ganun s’ya, ganun si thee eh



hindi nga nag tagal at nakita ko s’yang nakatayo sa pinto ng kwarto ko at may dalang supot ng lugaw at buko pie



“thank you”



“mag pagaling ka na”



ayon lang ang sinabi n’ya at hinayaan ko na dahil sa mga ganitong maliit na bagay nararamdaman ko na may pagasa ako sa kan’ya, na baka may chance nga kami



✧༺♥༻✧



“hi, i’m hugh by the way”



ayon… yung biglang pagdating ni hugh doon nag bago ang lahat



hindi ko na s’ya kasabay kumain kasi may hugh na at mas madalas na s’ya wala sa kwarto n’ya dahil kasama n’ya si hugh



si hugh



“ano ba kayo?”



“friends, we are friends”



tatlong taon na and my answer is still the same, we are friends



are we still friends?



i look over his side and nakikita ko kung gaano s’ya kasaya sa tuwing may sinasabi si hugh, masakit man tanggapin pero naririnig ko na lang ang tawa n’ya sa tuwing kausap n’ya si hugh



before, i am the only one who can make him laugh like there’s no tomorrow and then the next thing i knew… hugh existed and i am now nothing



“hindi ko na kayo nakikitang mag kasama ah, okay lang ba kayo?”



“oo naman,”



tiningnan lang ako ni por na tila ba hindi naniniwala pero hinayaan na lamang n’ya siguro dahil alam n’ya na hindi na rin ako sigurado



✧༺♥༻✧



“how are you?”



“oh, okay lang,”



we met at our condo’s rooftop, malamig ang hangin ngayon dahil december na



“naging busy ka these past few months”



“medyo, ikaw din ba?”



sa loob ng apat na taong pagkakaibigan namin hindi kami naging ganito ka awkward pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan sobrang awkward namin na para bang hindi kami magkakilala



“you like hugh”



“huh?”



“you like hugh”



“hindi mo ako tinatanong, ’di ba?”



“no…”



“ilang taon na ba tayong magkaibigan?”



“four years”



“mali”



tiningnan ko s’ya dahil sa sagot na ’yon



“para sa’yo siguro apat pero para sa’kin, hindi kita tinuring na kaibigan”



kita ko ang luha na namumuo sa kan’yang mga mata at gusto kong punasanan iyon, gusto kong bawiin dahil hindi ko kayang makita ang mga luha n’ya



“ang gago mo thee, napaka gago mo”



tinulak n’ya ako palayo at doon ko naintindihan na baka nga ako lang ang umaasa sa’ming dalawa



na baka sa apat na taong magkasama kami ako lang ang nakaramdam na baka may kami, na baka mahal n’ya rin ako 



ano nga ba ang apat na taong mahal ko s’ya sa taong nakilala n’ya apat na buwan pa lamang nakakalipas? 



pagkatapos namin mag-usap noon sa rooftop hindi na kami ulit nagkita na kaming dalawa lang. hindi na s’ya sumasama sa grupo ng hindi kasama si hugh. naging malamig na rin ang kanang bahagi ng kama ko, ang pwesto n’ya sa kama ko



tinanggap ko na lang, hindi na ako lumaban dahil mahal ko s’ya



hindi ako lumaban dahil hindi ko kayang labanan ang kasayahan ng taong mahal ko kahit na ang kapalit nito ay ang naiwan n’yang pwesto sa buhay ko



✧༺♥༻✧



“wave, usap tayo”



tumigil ako sa paglalakad ng harangin ako ni por, ilang buwan na rin simula ng huli kaming mag-usap dahil sa sobrang abala namin sa exam season



“sure, saan pala si tee?”



“bumili ng pagkain ko”



nilingon ko ang tinuro n’ya at tama nga na andoon si tee na nakapila sa pagbili



“ano pala ’yon?”



“kailan mo nakita si thee?”



huli ko s’yang nakita? 



nung gabi na inamin n’yang hindi n’ya ako tinuring na kaibigan sa loob ng tatlong na taong minahal ko s’ya



“siguro mga three weeks before exam, bakit?”



“three weeks before the exam, then around a month ago?”



“oo”



nakakatawa pala kasi dati hindi namin kinakaya na hindi magkita sa loob ng isang araw pero ngayon isang buwan na kaming hindi nagkikita



“puntahan mo s’ya, ito yung address”



may inabot s’yang papel sa’kin at tinanggap ko lamang ito, malungkot pero naiintindihan ko naman na kaagad



iniwan ko si por na nakaupo at agad na pumunta sa lugar na binigay n’ya sa’kin



pagpasok ko alam ko na kaagad na baka nga hindi talaga kami p’wede



✧༺♥༻✧



dear wave, 



hi, siguro binabasa mo ’to ngayon at sure ako na naka-alis na ako pero sana ’wag ka malungkot. temporary lang naman, sana, hindi mo namamalayan na nakalipas na ang panahon. 



hindi ko alam bakit ko sinusulat ’to pero sana maging closure ’to about sa’tin. apat na taon na since nakilala kita at totoo na hindi tayong naging magkaibigan sa loob ng apat na taon na ’yon kasi simula pa lang mahal na kita. 



wave, i love you for four years pero alam ko naman na hindi maaari dahil kaibigan lang ako sa’yo, nung gabi na tinulak mo ako palayo alam ko na kaagad na walang tayo, hindi magkakaroon ng tayo kasi talo na ako. 



masaya ako na masaya ka, hanggang sa susunod na pagkikita natin. mahal kita apat na taon na at patuloy kitang mamahalin hanggang sa mga susunod na taon pa at sana dumating ang araw na mahal mo na rin ako. 



btw, the last piece of pie is already there and please eat it, okay? i love you like how much i love my pies



love,

thee



four years ago natutunan ko na kapag ngumingiti ka nawawala ang mga mata mo at ngayon nakatayo ako sa harap mo… 



pero ikaw yung wala na



paano mo nagawang itago sa’kin na mahal mo ako ng apat na taon at paano mo nagawang iwanan ako ng hindi mo alam na mahal kita tatlong taon na? 



ang unfair mo kasi wala ka na sa tabi ko pero yung mga pie na binigay mo lahat sila andito sa tabi ko



gingerbread pie nung hindi ako pumasa sa uts



ube pie nung hindi ako nakasama sa scholarship



strawberry pie nung birthday n’ya



taro pie nung birthday ko



oreo mud pie nung christmas eve



key lime pie nung new year



icecream pie nung valentines day



toffee almond pie nung last day sa 2nd year



apple pie nung binagsak ako ng prof namin at kinakailangan ko mag retake



at ngayon, buko pie, buko pie ang last na binigay n’ya sa’kin



ang daya mo thee, hindi mo ako hinintay



“i like you, no, erase that, mahal kita thee tatlong taon na”



at ang malamig na hangin na dala ng disyembre ang bumalot sa katahimikan ng gabi, nanaig ang katahimikan sa paligid at hindi na ako umasa ng isasagot n’ya dahil alam ko naman, hindi na dapat umasa pa, tumalikod ako sa kan’ya at lumakad palayo, 



iniwan ko s’ya at ito ang unang beses kong gagawin ito dahil sa loob ng apat na taong pagsasama namin bilang mag kaibigan… hindi ko s’ya kailanman iniwanan, ngayon lang… ngayon pa lamang



ngayon ko lang s’ya maiiwan dahil hindi na s’ya makakasunod, dahil hindi na lamang ang mga mata n’ya ang nawawala kapag nakangiti s’ya…

Notes:

lmk what you think about this and yes i will be posting English version and a longer one but i wanna leave this one here

Series this work belongs to: