Chapter Text
Kakabalik pa lang ni Colet sa staff office pagkatapos ng klase niya nang tumunog ang phone niya
“Hello, Mikhs. Bakit?”
“Uhm, Ate Colet, until what time ang schedule mo sa university today?” tanong ni Mikha sa kabilang linya
“4 PM matatapos yung last class ko. Bakit?”
Alam na ni Colet kung bakit ito tumatawag, pero tinanong pa rin niya.
“Kasi Ate, i-invite ka sana namin ulit tumugtog sa band. Kung okay lang naman sa'yo.”
“huh? akala ko ba si Jordie na ang bassist niyo?” nalilitong tanong ni Colet. Noong huli niya kasing tinanggihan ang banda, siya pa mismo ang nag-convince sa kanila na si Jordie na lang ang kunin bilang regular bassist.
“Ate, gusto ka pa rin talaga ng band. Pero kung hindi ka free, okay lang naman. Alam naming may iba kang priorities.”
“Hindi, sige, okay lang. 5 PM pa ako available kasi may classes pa ngayon. Wala rin akong practice, Mikhs. Masyadong biglaan 'tong gig, bai.”
“Okay lang, Ate. Usual lang naman yung nirequest na setlist ni client. Gamay mo na 'to. Tsaka seven PM pa naman yung start.”
“Sige.”
“Thank you so much, Ate Colet. Send ko yung setlist sa'yo after the call. See you later.”
Pagkababa ng tawag, napailing na lang si Colet.
Sa pagitan ng mga klase niya at habang pauwi sa apartment, paulit-ulit niyang nire-review ang tabs para sa gig.
Biglaan man, pero tama si Mikha. Ito rin naman yung mga kantang madalas nilang tugtugin noon.
Matagal nang nakakasama ni Colet ang banda nila Mikha, lalo na noong estudyante pa lang siya. Siya palagi ang unang naiisip nilang bassist kapag may gig.
Pero kahit kailan, hindi siya pumayag na maging official member ng grupo.
Bukod sa gusto niyang mag-focus sa pag-aaral noon at sa career niya ngayon, hindi pa rin siya handang isuko ang tahimik na buhay na matagal niyang binuo para sa sarili niya
Sakto alas-singko nang makarating si Colet sa venue, bitbit ang bass guitar at iba pa niyang gamit.
Pagpasok niya sa hall, nakita niyang nagsi-set up na sila Mikha sa mini stage. Dumiretso na siya roon.
“Cols!” Napalingon siya sa masayang boses ni Maloi.
“Lakas talaga namin sa'yo. Buti pumayag ka.”
Napasmirk si Colet. “Umiyak si Mikha eh. Paano ako hihindi?”
“Uy, hindi ah!” reklamo agad ni Mikha. “Ginamit ko lang charm ko. Alam kong hindi makakahindi si Ate Colet.”
“Eto na pala paborito kong bassist,” sabat naman ni Aiah mula sa drums.
Tinaasan siya ni Colet ng kilay.
“Ano? Regular ka na ba?”
“Boang. Dito lang ako pumayag ha.” sabi niya bago pinalo ng cable si Aiah dahilan para matawa ang lahat.
“Ang hirap mo naman ligawan, bai. Hindi ka man lang kinilig na ikaw favorite bassist ko.”
“Loko. Magtatampo si Jordie niyan. Tsaka baka batukan ako ni Mikha. Sige ka, last gig ko na 'to kasama kayo.”
“Mag-set up ka na nga, Ate Colet,” saway ni Mikha. “Ang iingay niyo agad.”
“Selos ka lang kasi hindi ka favorite,” pang-aasar ni Maloi.
“Tumahimik ka.”
Lalong lumakas ang tawanan.
Pagkatapos ng program proper, umakyat na rin sila sa stage.
At habang pumipila ang mga tao para kumuha ng pagkain, nagsimula na ring tumugtog ang banda.
As always, mabilis nilang nakuha ang atensyon ng audience.
May ilang bisita pa nga na imbes pumila ay tumayo sa harap ng stage para makisabay sa tugtugan.
Napansin ni Colet na karamihan sa mga tao ay mukhang estudyante. Hindi ito katulad ng mga usual private events na napupuntahan nila.
Iba ang atmosphere. Mas buhay. Mas maingay.
Habang tumutugtog, iisa lang ang dasal niya. ‘Sana wala akong estudyante rito.’
Nang malapit na matapos ang first set, may kakaibang pakiramdam si Colet.
Parang may nakatingin sa kanya. Hindi yung simpleng sulyap lang pero yung talagang nakatingin.
Mabilis niyang nilibot ng tingin ang hall at agad niya itong nakita.
Sa isang sulok ng venue ay may isang babaeng tahimik na nakatayo, arms crossed habang nakatutok ang tingin sa banda.
Sa kanya. Eksakto sa kanya.
Pakiramdam niya ay para bang sinasaulo ng babae ang bawat galaw ng mga daliri niya sa bass.
Confident na tinaas ni Colet ang tingin at diretsong sinalubong ang mga mata nito.
Agad namang natigilan ang babae.
Parang batang nahuling may ginagawang kalokohan.
Napangiti si Colet sa loob-loob niya. Cute.
Sa kabilang bahagi ng hall, halos mawalan ng hininga si Jhoanna.
Nagtagpo ang mga mata nila. NI MA'AM
Nag eye-to-eye kami ni Ma'am
Pakiramdam niya ay biglang nanghina ang mga tuhod niya.
Si Colet.
Si Colet na matagal na niyang crush.
Si Colet na sobrang pogi kapag may hawak na bass.
Si Colet na parang laging mabango.
Si Colet na bihirang ngumiti pero kapag ngumiti naman ay parang titigil sandali ang mundo.
At higit sa lahat—
Si Ma'am Colet. Na magiging instructor niya next year.
at doon siya natauhan. Literal na tumigil ang mundo niya
Instructor siya. Estudyante ako.
Instructor. Estudyante.
“Aray”
Di namalayan ni Jhoanna na napakurot na pala siya sa sarili niya.
Mabilis siyang tumalikod at dumiretso sa buffet area.
Delikado na talaga siya.
Patay na. Kinikilig. Umaasa
Baka may pag-asa pa naman pagkatapos kong grumaduate.
Napailing siya sa sarili.
Jhoanna, tama na.
Pagkatapos ng set at dinner, nilapitan sila Mikha ng client at tinanong kung pwede pa sila mag-stay saglit kasi may ilan daw gustong magpa-picture sa kanila.
At dahil nakakuha rin sila ng ilang inquiries para sa future gigs, pumayag naman silang mag-stay.
Habang abala ang banda sa pagpapapicture, umupo lang si Colet sa gilid para ayusin ang bass niya.
Hindi naman siya official member at hindi rin naman siya ang ipinunta ng mga tao rito.
“Colet” napatingala siya at agad niyang nakilala kung sino ang nagsalita.
Yung babaeng kanina pa nakatingin sa kanya.
Malaki ang suot nitong itim na salamin.
Black skorts.
Black tube top.
Adidas Samba.
Isang tingin lang ni Colet ay napansin na niya agad ang lahat.
“Pwede po ba magpa-picture?” mahinang tanong ni Jhoanna.
“Uhm, hindi naman ako part ng band. Ayun sila oh.” sagot ni Colet sa kanya at tinuro kung nasaan sila Mikha.
“I know po. Pero sa inyo ko po kasi gusto magpa-picture. Kung okay lang po.”
“oh" gulat na reaksyon ni Colet
At nag-iwas naman ng tingin si Jhoanna habang naghahanap iniisip anong next na sasabihin
“Ang galing niyo po kasi tumugtog. Matagal ko na po kayong pinapanood.”
Pinigilan niya ang sarili bago pa may masabi siyang ikakapahamak niya.
“O-okay”
“Po?”
“I thought gusto mo magpapicture?”
Napatango agad si Jhoanna.
“Opo”
“Then let's take a picture”
Halos mahulog pa ni Jhoanna ang phone niya sa sobrang kaba kaya napailing si Colet.
“Wait. Let me" sabi niya sabay kuha ng cellphone at siya na mismo ang nagbukas ng camera.
Ilang segundo lang ay nakapag-selfie na sila.
“Bakit parang sobrang kabado ka?” tanong ni Colet habang ibinabalik ang phone. “Hindi naman ako artista.”
Ngumiti lang si Jhoanna.
Kung alam mo lang po.
Kung alam mo lang talaga.
Tinitigan siya ni Colet nang ilang segundo at parang may sinusubukang alalahanin. “You know what? You look familiar”
“Parang nakita na kita somewhere”
“Ah—baka po sa ibang gigs niyo?”
“Maybe" sagot ni Jhoanna pero hindi kumbinsido si Colet.
“For some reason, student ka pa ba?”
“Uhm... opo”
“Anong school?” tanong nito at muntik nang mabulunan si Jhoanna.
“Ah... baka po talaga sa gigs niyo ako nakita.”
Ilang segundo siyang tinitigan ni Colet bago tumango.
“Oh. okay.”
Halos mapahinga nang maluwag si Jhoanna.
Successful, hindi siya nahuli.
“Thank you po sa picture”
“Okay" tumalikod si Colet kasi akala niya tapos na si Jhoanna na malaki pa rin ang ngiti sa kanya habang yakap ang cellphone
“Thank you po ulit" paalam ni Jhoanna bago siya tumalikod.
pero parang may kulang sa sinabi niya kaya nilingon niya ulit si Colet
At doon niya nabitawan ang isang linyang nagpahinto kay Colet.
“See you po sa school”
Napatigil si Colet.
Nagsalubong ang mga kilay niya.
Sa school?
