Work Text:
⊹ ࣪ ˖🕰️୭˚. ᵎᵎ🗝️
There were three things Wonwoo Belle Jeon absolutely hated about living in the northern province of Edevane: the snow, because it made commuting an actual Olympic sport; the people, because everyone somehow knew everyone’s business and had apparently decided that his business was particularly interesting; and the castle sitting at the very edge of the forest, because every time someone mentioned it, they lowered their voice like they were talking about a haunted house where the ghosts had legal representation.
He had grown up hearing stories about the place—the cursed prince who lived inside, the servants who disappeared, the roses that supposedly bloomed in the middle of winter, and the beast that would supposedly eat anyone foolish enough to enter his territory. Honestly, Wonwoo Belle thought most of it sounded ridiculous because if there really was a murderous beast living inside that castle, then surely the kingdom would have done something about it already instead of letting everyone continue selling vegetables in the marketplace every Tuesday like nothing was happening. But then again, this was Edevane, and the royal government had been notoriously incompetent for centuries, so perhaps he shouldn't have been too surprised.
Bukod doon ay may isang bagay na hindi kailanman naintindihan ni Wonwoo Belle tungkol sa mga kuwentong pambata—kung bakit palaging napakadaling umibig sa isang prinsipe kapag nakasulat lang siya sa libro.
Hindi niya alam kung sino ang nagpasimuno ng ganoong klaseng kuwento, pero bilang isang taong mahilig magbasa, masasabi niyang napakaraming bahagi ng mga kuwentong iyon ang hindi praktikal, lalo na iyong bahagi na pumapasok ka sa kastilyo ng isang halimaw dahil lamang sa napulot mong rosas sa daan. Sino bang matinong tao ang gagawa nun? Kung may halimaw sa kastilyo, tatawag ka ng mga guwardiya, hindi ka pupunta roon para magbigay ng bulaklak.
Kaya nang sabihin ng kaniyang ama isang umaga na kailangan nitong pumunta sa kabilang bayan para maghatid ng ilang imbensyon, ang unang pumasok sa isip ni Wonwoo Belle ay sana huwag itong maligaw. Hindi naman dahil wala siyang tiwala sa ama niya, pero kilala niya ito—kapag may nakita itong kakaibang halaman, lumang gusali, sirang makina, o kahit anong bagay na sa tingin nito ay may potensiyal na gawing imbensyon, nakakalimutan nito ang oras, direksyon, at minsan pati ang dahilan kung bakit ito umalis ng bahay. At dahil taglamig noon, mas lalo siyang kinakabahan dahil mas maagang dumidilim at mas makapal ang niyebe sa daan patungo sa silangang bahagi ng kaharian.
Kaya bago umalis ang kaniyang ama, tatlong beses niyang sinabi rito na umuwi bago dumilim, dalawang beses niyang sinabi na huwag dumaan sa kagubatan, at isang beses niyang sinabi na kung makakita ito ng kahit anong kakaiba, please lang, huwag nang pakialaman.
“Belle, anak, hindi naman na ako bata,” wika ng kaniyang ama habang inaayos ang makapal nitong balabal at inilalagay ang mga gamit sa karwahe. “Ilang taon na akong naglalakbay sa mga bayang ito at hindi pa naman ako kinakain ng kung ano mang halimaw sa kagubatan, kaya hindi mo kailangang mag-alala nang ganoon.”
Napatingin si Wonwoo Belle sa kaniya nang matagal bago siya nagsalita. “Pa, hindi naman po ako nag-aalala dahil tingin ko hindi mo kayang alagaan ang sarili mo, nag-aalala ako dahil kilala kita at alam kong kapag may nakita kang kakaiba, siguradong lalapitan mo kahit na may malaking karatulang nakasulat doon na HUWAG LAPITAN, NAKAMAMATAY. Tapos kapag sinabi kong huwag mong pakialaman, sasabihin mo sa akin na kailangan mong malaman kung paano iyon gumagana dahil baka may matutunan kang bago, tapos ako na naman ang maghihintay buong gabi dahil nakalimutan mong umuwi. Kaya please lang, kahit ngayong araw lang, subukan mong maging isang normal na ama na pupunta sa kabilang bayan, maghahatid ng gamit, at uuwi bago maghapunan.”
Napatawa ang kaniyang ama. “Napakalaki na talaga ng anak ko, marunong nang mangaral.”
“Hindi ho ako nangangaral.”
“Parang ganoon na rin.”
“Papa.”
“O siya, sige.” Tumawa ulit ito at saka hinawakan ang balikat niya. “Babalik ako bago magdilim, pangako.”
“Sigurado?”
“Sigurado.”
“Hindi ka dadaan sa kagubatan?”
“Hindi.”
“Hindi ka lalapit sa kastilyo?”
Napakunot ang noo ng kaniyang ama. “Bakit mo naman iyan natanong?”
“Wala lang.”
“Belle.”
“Wala nga ho.”
“May narinig ka na naman ba sa mga tao sa palengke?”
“Hindi na ho iyon mahalaga.”
“Belle, anak. Kung anuman iyong mga narinig mo, hindi iyon totoo. Hindi totoong may halimaw doon.”
“Exactly. Kaya huwag ka nang pupunta.”
Ngumiti ang kaniyang ama. “Uuwi ako.”
At dahil mahal ni Wonwoo Belle ang kaniyang ama, pinili niyang maniwala.
Na sana’y hindi nalang niya ginawa.
Dahil kinagabihan, hindi nito nagawang makauwi sa bahay nila.
⊹ ࣪ ˖🕰️୭˚. ᵎᵎ🗝️
Habang nakaupo si Wonwoo Belle sa maliit nilang tindahan ng mga libro at paulit-ulit na binabasa ang iisang pahina nang hindi niya naiintindihan kahit isang salita ay biglang dumating si Seungkwan, hingal na hingal habang may hawak na basket ng mga gulay.
“Belle,” wika nito. Hindi pa man natatapos ni Seungkwan ang nais sambitin ay alam na ni Wonwoo Belle na hindi maganda ang sasabihin nito dahil kapag biglang nagseryoso si Seungkwan, kadalasan ay may kinalaman iyon sa gulo. “May nakakita raw sa ama mo.”
Agad siyang tumayo. “Saan?”
“Sa may kagubatan.”
Nawala ang kulay sa mukha ni Wonwoo. “May kasama ba siya?”
“Wala.”
“Buhay ba siya?”
“Hindi ko alam.”
“Seungkwan.”
“Belle, hindi ko alam, pero may nagsabing may nakakita raw sa kaniyang nagpunta sa kastilyo.”
Napapikit siya.
Kastilyo.
Iyong kastilyong matagal na niyang iniiwasan kahit sa usapan lamang. Iyong kastilyong sinasabing tinitirhan ng isang prinsipe na isinumpa at naging halimaw. Iyong kastilyong sinabi ng ama niyang hindi niya kailanman pupuntahan.
“Pupunta ako roon.”
Agad na nangunot ang noo ni Seungkwan. “Ano?! Nahihibang ka ba?!”
Ngunit buo na ang loob ni Wonwoo Belle. Agad niyang isinara ang libro at nagtungo sa parte ng kanilang lugar kung saan naka-pastol ang mga kabayo.
“Hindi ka pupunta roon, Belle, seryoso ako. Hindi puwedeng pumunta ka roon nang mag-isa dahil lang sa isang sabi-sabing baka nandoon ang ama mo. Paano kung totoo ngang may halimaw doon? Paano kung kainin ka? Paano kung—”
“Paano kung hindi ako pumunta at hindi ko na nakita pang muli ang ama ko katulad ng nangyari sa ina ko, Seungkwan?”
Agad na natahimik ang kaniyang kaibigan. Dahan-dahang kinuha ni Wonwoo ang kaniyang balabal.
“Mas gugustuhin kong matakot kaysa magsisi sa huli.”
“Belle.”
Huminto siya sa may bandang pintuan saka mahigpit na hinawakan ang renda ng kabayo kung saan na siya nakasampa ngayon. “Babalik ako.”
“Paano kung hindi mo nagawa?”
Napatingin siya sa kaibigan. “Edi sabihin mo sa lahat na namatay ako dahil sa katangahan ng ama ko.”
“Hindi nakakatawa, Belle.”
“Alam ko, Seungkwan. But I have to do this. And I want you to trust me that I’ll come back alive.”
“Kailangan kong iligtas si Papa.”
⊹ ࣪ ˖🕰️୭˚. ᵎᵎ🗝️
Mas malamig ang kagubatan kaysa sa inaasahan niya.
Sa bawat hakbang ni Wonwoo, lumulubog ang kaniyang mga bota sa makapal na niyebe. May mga sanga ng pine trees na nakayuko sa bigat ng niyebe, may mga tuyong dahon na bahagyang lumilitaw sa ilalim ng puting kumot ng taglamig, at sa tuwing umiihip ang hangin ay may mga maliliit na tipak ng yelo na nahuhulog mula sa mga sanga at tumatama sa kaniyang balikat. Ang malamig na hangin ay dumadaan sa pagitan ng kaniyang balabal at damit, sumisingit sa kaniyang manggas, sa kuwelyo ng kaniyang damit, at maging sa pagitan ng kaniyang guwantes at balat.
Hindi niya na mabilang kung ilang beses siyang nadulas.
Dalawang beses sa patag na bahagi ng daan (na sa tingin niya ay isang personal na insulto dahil paano ba naman siya madudulas sa patag na lupa, hindi ba?) isang beses naman ay muntik na siyang matumba nang tuluyan nang matapakan niya ang isang bahagi ng niyebeng natabunan pala ang bato.
Sa isang punto naman ay literal siyang napahawak sa isang puno habang nakapikit, humihinga nang malalim, at seryosong pinag-iisipan kung baka mas magandang umuwi na lang siya, magpakulo ng tsaa, balutin ang sarili ng tatlong kumot, at hintaying may ibang taong may mas matinong survival instinct ang sumagip sa kaniyang ama.
Ay! Nakalimutan niya palang sabihin. Isang beses din siyang muntik nang mahulog sa isang maliit na bangin na natatakpan ng niyebe at kung hindi siya mabilis na nakahawak sa ugat ng isang matandang puno ay malamang ay nasa ilalim na siya ngayon, nakahandusay at iniisip kung paano niya ipapaliwanag sa ama niyang “Pa, muntik na akong mamatay dahil hinanap kita.”
Jusko, gusto na niyang umuwi.
Pero sa tuwing pumapasok sa isip niya ang ideyang iyon, naaalala niya ang mukha ng kaniyang ama. Iyong ngiti nito bago umalis. Iyong kamay nitong marahang tumapik sa balikat niya. At higit sa lahat, iyong pangakong binitiwan nito nang walang pag-aalinlangan.
Babalik ako.
Napapikit si Wonwoo Belle nang ilang segundo habang nakatayo sa gitna ng kagubatan.
Hindi ito bumalik.
Kaya kahit nanginginig na ang mga kamay niya, kahit halos hindi na niya maramdaman ang kaniyang mga paa, at kahit na sa bawat minutong lumilipas ay gusto na niyang magmura dahil bakit ba kasi kailangan niyang maging bida sa sarili niyang kuwentong hindi naman niya kailanman hiniling, ay hindi siya maaaring bumalik. Hindi hangga't hindi niya nalalaman kung nasaan ang kaniyang ama.
Huminga siya nang malalim. “Hindi ako uuwi nang wala siya.” Marahil ay iyon lang ang kailangan niyang marinig mula sa sarili niya para muling makahanap ng lakas.
“Babalik ako,” bulong niya sa sarili habang patuloy na naglalakad.
“Pero dahan-dahan lang,” muli niyang bulong habang hinihigpitan ang pagkakabalot ng kaniyang scarf sa leeg. “One step at a time.”
Sandali siyang natahimik. “Mahal kita, Pa, pero sana naman, sa susunod na gusto mong mangolekta ng bulaklak, sa garden na lang. Hindi iyong sa enchanted forest na may rumored beast. Common sense naman.”
Marahil ay iyon ang pinaka-nakakatawang parte ng lahat— na kahit takot na takot siya, kahit nanginginig na ang tuhod niya dahil sa lamig at pagod, hindi niya pa rin mapigilan ang sarili niyang magreklamo.
Very Wonwoo Belle.
Kahit nasa harap na siya ng posibleng kamatayan, may oras pa rin siyang mainis at magreklamo.
Ilang minuto pa ang lumipas bago niya napansing unti-unti nang nagbabago ang paligid. Mas kumunti na ang mga puno. Mas tumahimik ang hangin. At sa pagitan ng mga matataas na pine trees, may isang kakaibang liwanag na sumisilip.
Hindi iyon liwanag ng buwan. Hindi rin apoy mula sa isang kampo. Galing iyon sa napakalaking gusali na nasa kabilang bahagi ng kagubatan.
Huminto si Wonwoo Belle. Bahagyang ibinaba ang hawak na parol. Doon niya unang nakita ang kastilyo. Halos makalimutan niyang huminga dahil putangina, napakalaki nito.
Hindi iyong tipong malaki lang dahil maraming silid, kundi iyong uri ng gusali na kapag tinitigan mo nang matagal ay mapapaisip ka kung sino ba ang may sapat na pera para magpagawa ng ganoon kalaking bahay at bakit kailangan ng isang tao ng dalawampung tore? Nakataas ang kastilyo sa ibabaw ng isang mabatong burol, napapalibutan ng makapal na pader na gawa sa madilim na bato, habang ang ilang bahagi nito ay halos natatakpan na ng gumagapang na ivy na nagyelo sa taglamig.
May matataas na tore sa magkabilang gilid ng palasyo, ang mga tuktok ay halos humahalik na sa kulay-abong langit, at bawat isa ay may makitid na bintanang tila nakamasid sa buong kagubatan. Sa gitna nito ay may isang napakalaking pangunahing tore na mas mataas kaysa sa lahat, at sa pinakatuktok nito ay may maliit na liwanag na kumikislap sa likod ng isang malaking bintanang may kurtinang kulay pula.
Bukod sa napakalaki ng kastilyo ay napakaganda rin nito… tahimik… at higit sa lahat ay nakakatakot.
Kung bakit? Iyon ay dahil malayo pa lamang ay napansin na ni Wonwoo Belle na parang may sariling buhay ang kastilyo.
May mga estatwang bato sa magkabilang gilid ng mahabang daan patungo sa pangunahing pintuan—mga leon, agila, at kung anu-anong nilalang na hindi niya makilala dahil kalahati ng katawan ng mga ito ay nababalot na ng niyebe. May mga bakal na parol na nakasabit sa mga poste sa gilid ng daan, at sa ilalim ng niyebe ay bahagyang nakikita ang isang lumang hardin, hula ni Wonwoo Belle ay dati’y napakaganda nito bago ito tuluyang lamunin ng taglamig.
Sa gitna ng lahat ng iyon ay nakatayo ang dalawang malalaking haliging bato na may mga ukit ng mga rosas na nakapulupot sa mga gilid.
Rosas.
Napatingin si Wonwoo Belle sa mga iyon. Ah. So ito pala iyong lugar na may rose symbolism.
Hindi niya alam kung bakit iyon pa ang napansin niya. Marahil dahil kapag kabado ang utak niya, mas pinipili nitong mag-focus sa mga walang kwentang detalye kaysa harapin ang totoong problema.
At ang totoong problema ay… nasa harap siya ng isang kastilyong sinasabing tinitirhan ng isang halimaw. At ang tanging taong makakatulong sa kaniya ay posibleng isang nilalang na ayon sa mga kuwento ay kayang kumain ng isang buong tao sa loob ng ilang segundo.
Alam niyo ba kung ano ang pinaka-nakakatakot sa lahat? Iyon ay ang katotohanang walang ni isang tunog na narinig si Wonwoo Belle mula sa kastilyo. Walang tumatahol na aso. Walang yabag ng mga guwardiya. Walang tunog ng mga karwaheng pumapasok at lumalabas. Walang kahit anong indikasyon na may nakatira roon.
Na para bang ang buong palasyo ay matagal nang iniwan.
Ngunit… may mga ilaw. May apoy sa ilang bintana. At sigurado si Wonwoo na naroon ang kaniyang ama.
Napalunok siya. “Okay.”
Bahagya niyang inayos ang scarf sa kaniyang leeg kahit wala naman iyong naitulong sa lamig. “Okay.”
Tinitigan niyang muli ang kastilyo. “Kung may natutunan ako sa mga librong nabasa ko, ito na siguro iyong parte kung saan dapat akong tumakbo palayo.”
“Pero wala naman akong natutunang tumakbo nang mabilis dahil hindi ko kaya iyon. Hindi ako athletic.”
Fair point.
At dahil wala rin naman siyang ibang pagpipilian, nagpatuloy siya.
Habang papalapit siya sa kastilyo, lalo niyang napapansin ang mga detalye nito. Ang daang gawa sa malalaking batong dating kulay abo ay halos natabunan na ng niyebe, ngunit sa ilang bahagi ay may mga bakas ng gulong ng karwahe.
May isang malaking fountain pa nga sa gitna ng courtyard. Nagyeyelo ito. Sa ibabaw ng yelo ay may mga rebulto ng dalawang ibon na nakaharap sa isa't isa, at sa pagitan ng kanilang mga tuka ay may isang maliit na batong rosas.
Napahinto si Wonwoo. “Ang dramatic naman.”
May malalaki ring puno ng rosas sa magkabilang gilid ng daan, ngunit karamihan sa mga ito ay tuyot at nakayuko na, maliban sa iilang halamang may maliliit na pulang rosas na namumukadkad sa gitna ng taglamig.
Napahinto siya roon. “Rosas?”
Lumapit siya nang kaunti rito ngunit hindi niya iyon hinawakan. Hindi naman siya ganoon katanga. Kahit papaano ay may natitira pa naman siyang kaunting survival instinct.
Nagpatuloy siyang naglakad hanggang sa tuluyan siyang makarating sa pangunahing hagdanan.
Napakalawak ng hagdan. May halos dalawampung baitang na gawa sa makintab na itim na bato, at sa magkabilang gilid ay may malalaking estatwang bato ng mga leon na nakaupo at nakatingin diretso sa daan. Sa ibabaw ng hagdan ay naroon ang pangunahing pintuan ng palasyo—napakalaki, gawa sa madilim na kahoy, may mga ukit na puno ng mga dahon, rosas, at kakaibang mga simbolo.
May dalawang gintong hawakan sa gitna at sa ibabaw nito ay may isang malaking simbolo ng korona. “Prinsipe nga talaga.”
Huminga siya nang malalim. “Malamang may korona.”
Nagsimula siyang umakyat. Ngunit sa ikasampung baitang, napatingin siya sa itaas. “Ang layo pa.”
Sa ikalabinlimang baitang, halos gusto na niyang umupo. “Bakit ba ang daming hagdan? Ano ba naman ‘yan. Kung nakatira lang ako rito, kahit hindi na ako magliwaliw sa labas ay paniguradong makukumpleto ko na agad ang 10k steps ko, eh.”
Sa huling baitang ay tuluyan na siyang huminto sa harap ng pintuan. Napakaliit niya kumpara rito. Para bang sinadya talaga ang buong kastilyo upang ipaalala sa sinumang papasok na hindi sila ang may kontrol dito.
Napahawak siya sa sariling dibdib. Malakas ang tibok ng puso niya. Napatingin siya sa malaking pintuan saka niya iniangat ang kamay niya upang kumatok dito.
Pero bago pa man tumama ang kamao niya sa kahoy—
Grrrrk.
Dahan-dahang bumukas ang napakalaking pintuan.
Nanigas si Wonwoo Belle. Hindi agad siya nakagalaw. Hindi huminga. Hindi rin kumurap.
“Taray. Hindi na kailangang kumatok. Napakagalang naman.”
Tinitigan niya ang madilim na pasukan. Putangina naman— may mumu ba rito? Huhuhu.
Dahan-dahan siyang sumilip sa loob. Ang unang nakita niya ay isang napakalawak na bulwagan. May pulang karpet na nagsisimula sa mismong pintuan at umaabot hanggang sa isang malaking hagdanan sa dulo ng silid. Sa magkabilang gilid ay may matataas na kandilang nakalagay sa mga gintong lalagyan, at kahit walang taong nagsisindi sa mga iyon ay buhay ang maliliit na apoy na parang may sariling pag-iisip. Sa itaas niya ay nakasabit ang isang napakalaking chandelier na may daan-daang maliliit na kristal na kumikislap sa liwanag, habang ang kisame ay may mga ipinintang portrait ng mga hari, reyna, mandirigma, at mga rosas na tila bahagi ng isang lumang alamat.
Napabuka nang bahagya ang bibig ni Wonwoo. “Wow.”
Sa kabila ng takot, sa kabila ng lahat ng boses sa kaniyang ulo na nagsasabing tumakbo ka na, hindi niya maitatangging maganda ang lugar. Ang problema lang… halatang haunted na ito.
“Hello?” Umalingawngaw ang boses niya sa buong bulwagan.
Hello... hello... hello...
Napairap siya sa sarili. Nag-echo pa nga. “Very smart, Belle.”
Pumasok siya nang tuluyan dito. At nang marinig niyang dahan-dahang nagsara ang malaking pintuan sa likuran niya—
THUD!
Ay napatalon siya. “Putangina.” Leche lang talaga! Nanginig bigla ang buong kalamnan nito.
Huminga siya nang malalim. “Okay.”
Napatingin siya sa pintuan. “Hindi ako natatakot hahahaha. Medyo lang hahaha.”
Napapikit siya. “Hindi. Huhuhu. Natatakot na talaga ako—” bago pa niya maisip kung dapat ba siyang tumakbo pabalik ay isang malalim na boses ang umalingawngaw mula sa kabilang dulo ng bulwagan.
“Anong ginagawa mo rito?”
Pucha naman, Lord. Jinojoke time mo ba ako?
Dahan-dahan niyang itinaas ang kaniyang tingin. Sa itaas ng hagdan, sa pagitan ng mga anino at malamlam na liwanag ng mga kandila ay may isang nilalang na nakatingin sa kaniya.
The Beast…
Sa sandaling iyon, naisip ni Wonwoo na baka tama nga ang lahat ng kuwentong nabasa niya. Baka dapat talaga siyang tumakbo. Baka dapat niyang isara ang pinto at huwag nang bumalik pa. Baka dapat niyang kalimutan ang lahat ng nabasa niyang kuwento tungkol sa pag-ibig, mahika, at mga prinsesang nagliligtas ng mga isinumpang prinsipe.
Pero hindi siya gumalaw. Tangina—hindi siya makagalaw!
Kaya sa halip na magpalamon sa kaba ay nilunok nalang niya ang takot sa kaniyang lalamunan, inayos ang pagkakahawak sa kaniyang lantern, at tumingin diretso sa mga mata ng nilalang sa harapan niya. Dahil nasa loob na siya (it’s not like he has another choice.)
At kung may isang bagay man na natutunan niya sa kaniyang ama… iyon ay kapag nasimulan mo na ang isang bagay, kailangan mo itong tapusin.
Kahit pa ang bagay na iyon ay ang pagharap sa isang halimaw sa loob ng isang kastilyong mukhang galing mismo sa isang kuwentong hindi niya kailanman inakalang magiging bahagi ng buhay niya.
“Hinahanap ko ang ama ko,” mahinang sabi ni Wonwoo ngunit hindi siya nito sinagot. Bagkus ay tumitig lang ito rito.
Napalunok si Wonwoo. Dahil sino ba naman kasi ang hindi kakabahan kung may isang pares ng matang nakatingin sa kaniya? Isang mata ng isang halimaw na sa unang pagkakataon matapos ang napakahabang panahon ay nakakita ng isang taong kusang pumasok sa kaniyang mundo.
Isang taong hindi pa niya alam na siyang tuluyang magbabago sa buhay niya. Isang taong tatawagin siyang halimaw sa unang pagkikita nila. At siya ring magiging dahilan kung bakit balang araw ay muli niyang gugustuhing maging prinsipe, muli niyang gugustuhing bumalik sa orihinal na anyo.
Dahil sa likod ng napakalaking pintuang iyon, sa gitna ng isang kastilyong matagal nang nakakulong sa katahimikan, naghihintay si Mingyu Adam Kim.
At sa unang pagkakataon mula nang magsimula ang sumpa… may dumating na bisita.
Wonwoo Belle Jeon.
Dahan-dahang bumaba si Mingyu Adam sa hagdan. Agad naman napahigpit ang hawak ni Wonwoo sa kandilang kinuha lang niya sa kung saan.
Rinig na rinig niya ang bilis ng kabog ng puso niya ngunit hindi siya umatras. Dahil kahit gaano kalaki ang halimaw sa harap niya… ay mas malaki ang dahilan kung bakit siya naroon.
⊹ ࣪ ˖🕰️୭˚. ᵎᵎ🗝️
Hindi inakala ni Wonwoo Belle na makakapag-stay siya sa kastilyo nang ganoon katagal, dahil noong una ay isang gabi lamang talaga ang balak niyang manatili—isang gabing kailangan niyang tiisin para mapalitan ang kaniyang ama sa kulungan, bago siya makahanap ng paraan para makatakas o makiusap kay Mingyu Adam na palayain silang pareho. Pero ang isang gabi ay naging dalawang araw, ang dalawang araw ay naging isang linggo, at bago pa niya tuluyang mapansin, tatlong linggo na siyang nakatira sa loob ng isang kastilyong dati ay kinatatakutan lamang niya mula sa malayo, na para bang ang lugar na iyon ay hindi na kulungan kundi isang napakalaking bahay na unti-unti niyang nakakasanayan.
Nakakatawa pa nga dahil sa unang araw niya roon, binilang niya kung ilang pintuan ang mayroon sa silid na pinaglagyan sa kaniya dahil iniisip niyang kakailanganin niya ang lahat ng iyon para makatakas, pero ngayon ay alam na niya kung aling hagdan ang pinakamaikling daan papunta sa silid-aklatan, aling pasilyo ang pinakamainit tuwing gabi, at kung saang bintana pinakamagandang tingnan ang paglubog ng araw. At kung may magsasabi sa kaniya noon na magiging komportable siya sa kastilyo ng isang isinumpang prinsipe, malamang tatawa lang siya nang malakas at sasabihing, “Baliw ka ba?” dahil wala naman talagang matinong tao na kusang mananatili sa tahanan ng isang halimaw.
Well… no one except him.
Matagal nang nakaalis ang kaniyang ama matapos niyang palitan ito sa kulungan, dahil iyon ang tanging bagay na naisip niyang gawin nang malaman niyang hindi naman pala talaga pinatay ni Mingyu ang kaniyang ama, ikinulong lamang nito dahil kumuha ito ng isang rosas mula sa hardin nang walang pahintulot. Hindi naman talaga kinuha ng kaniyang ama ang rosas para sa sarili niya. Nakita lamang nito ang napakagandang pulang bulaklak, naisip na magugustuhan iyon ni Wonwoo. Kaya nang sabihin ni Wonwoo kay Mingyu na siya na lamang ang ikulong nito kapalit ng kaniyang ama, hindi na siya nag-atubili pa, kahit malinaw sa kaniyang hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kaniya sa loob ng kastilyo.
Isang bagay lamang ang tanging nasa isip niya noon. Na kung may kailangang makulong, ako na lang. Basta makauwi nang ligtas si Papa.
Ngayon, ilang linggo na ang lumipas mula nang tuluyang makaalis ang kaniyang ama, at hindi na alam ni Wonwoo kung nasaan ito o kung ano na ang ginagawa nito upang subukang iligtas siya. Minsan, naiisip niyang baka nakipag-usap na ito sa mga guwardiya, baka humingi na ito ng tulong sa ibang kaharian, o baka naman gumagawa na naman ito ng kung anong imbensyon.
Wala naman siyang pake to be honest. He only hoped for nothing but the best for his father. But honestly? He doesn’t need saving, really. After all, he’s not some damsel in distress. At lalong hindi niya kailangan ng prinsipe na darating sakay ng kabayo para ilabas siya sa kastilyo, dahil kaya niyang ilabas ang sarili niya kung gugustuhin niya (eh ang kaso… masyado na yata siyang nage-enjoy sa kastilyo)
Isa pa, hindi naman kasi ganoon kasama ang lalaki. Sa katunayan nga ay mas maayos pa itong kasama kaysa sa karamihan ng mga taong nakilala ni Wonwoo Belle sa tanang buhay niya (nakakainis isipin sa side niya dahil ilang linggo lamang ang nakalipas ay handa siyang maniwala sa lahat ng kuwento tungkol sa isang malamig, malupit, at uhaw-sa-dugong halimaw na kumakain ng mga taong pumapasok sa kaniyang teritoryo).
Tahimik lang si Mingyu, minsan ay may pagka-masungit oo, may pagkakataon ring sobrang dramatic nito na para bang ang bawat maliit na problema sa kastilyo ay isang trahedyang kailangang ipagluksa nang tatlong araw (oo, ganoon siya ka-oa. Wonwoo had learned that the first few weeks). Pero hindi naman siya nito sinaktan, hindi siya pinilit na manatili sa silid, at higit sa lahat, hindi nito kailanman pinakialaman ang mga bagay na mahalaga sa kaniya. Sa halip ay hinayaan siya nitong magbasa buong araw, binigyan siya ng sariling silid, at minsan ay tahimik pa nitong iniiwan ang mga bagong libro sa kaniyang mesa.
Kaya kung tutuusin, may punto na naging normal na lamang kay Wonwoo ang presensya ni Mingyu.
Normal na ang makita itong naglalakad sa pasilyo na parang pag-aari nito ang buong kastilyo—na technically ay totoo naman. Normal na rin ang marinig ang malalim nitong boses mula sa kabilang bahagi ng silid-aklatan kapag may itatanong ito. At mas lalong normal na para sa kaniya ang bigla na lamang nitong pagsulpot sa harapan niya habang may dala-dala itong tray ng pagkain na animo’y gusto nitong maging waiter sa isang restaurant.
Katulad nalang ngayon.
Nakaupo si Wonwoo sa mahabang sofa sa loob ng silid-aklatan, ang isang binti ay bahagyang nakatiklop sa ilalim ng isa, habang hawak niya ang librong halos kalahati na lamang ang natitira bago niya matapos. Nakapalibot sa kaniya ang matataas na estante ng libro, ang ilan ay halos umabot na sa kisame, habang ang malalaking bintana sa likuran niya ay nagpapakita ng unti-unting pagbagsak ng niyebe sa labas. May apoy na marahang kumikislap sa fireplace, nagbibigay ng sapat na init sa silid, at sa ibabaw ng maliit na mesa sa harapan niya ay may isang tray na puno ng pagkain na hindi niya maalalang ipinagawa niya.
O, mas tama, ay hindi niya maalalang hiningi niya.
Dahil si Mingyu ang may gawa niyon.
“Hindi ako gutom,” walang-ganang wika ni Wonwoo, hindi man lang inaalis ang tingin sa libro.
“Kumain ka.”
“Hindi nga ako gutom.”
“Hindi ka pa kumakain simula umaga.”
Dahan-dahang isinara ni Wonwoo ang librong hawak niya at itinaas ang tingin, ang kilay niya ay bahagyang nakakunot dahil hindi niya talaga maintindihan kung paano nito nalalaman ang ganoong bagay. “At paano mo naman iyon nalaman?” tanong niya, sabay sandal nang maayos sa sofa. “Huwag mong sabihin sa akin na naglagay ka ng orasan sa kusina na nagbibilang kung ilang oras akong hindi kumakain, dahil kung ganoon, kailangan nating pag-usapan ang konsepto ng personal na espasyo at privacy dito sa kastilyo.”
Hindi natinag si Mingyu. “Dahil sinusubaybayan kita.”
Napatingin si Wonwoo sa kaniya nang matagal. “Ang creepy mo naman.”
“Hindi iyon creepy.”
“Sinusubaybayan mo ako.”
“Dahil ayokong magutom ka.”
“Still creepy.”
Napabuntong-hininga si Mingyu at bahagyang inilapit ang tray sa kaniya. “Belle.”
“Adam.”
“Kumain ka.”
“Ayoko.”
“Kakain ka.”
“Ayoko nga. A-YO-KO.”
“Kung hindi ka kakain, ako ang magpapakain sa’yo.”
Unti-unting ibinaba ni Wonwoo ang libro sa kandungan niya at tumingin kay Mingyu, sa sandaling iyon ay may kakaibang kislap sa kaniyang mga mata na agad namang napansin ng lalaki. Hindi niya alam kung bakit, pero sa tuwing sinusubukan ni Mingyu na maging dominante, parang mas lalo lamang siyang ginaganahang asarin ito, marahil ay dahil natutuwa siyang makita kung gaano kadaling maubusan ng sagot ang isang nilalang na kayang takutin ang buong kaharian ngunit nahihirapang makipagtalo sa isang lalaking may hawak na libro.
Kaya bahagya siyang ngumiti, itinaas ang baba, at buong kumpiyansang nagsalita. “Sige nga, subukan mo.”
Napatigil si Mingyu. Nagkatinginan sila. And then, Mingyu cleared his throat. “Uhm... b-bukas na lang.”
Napatawa si Wonwoo. “Duwag.”
“Hindi ako duwag.”
“Sige, takot na lang.”
“Hindi rin ako takot.”
“Talaga?”
“Wala akong kinatatakutan.”
“Hmm.”
Nagkibit-balikat si Wonwoo at muling binuksan ang kaniyang libro. “Whatever.”
Huminto siya saglit, saka tumingin kay Mingyu mula sa gilid ng kaniyang mata. “Dambuhalang duwag.”
Napakunot ang noo ni Mingyu. “Hindi ako dambuhalang duwag.”
“Dambuhalang takot.”
“Hindi nga.”
“Dambuhalang sensitive.”
“Belle.”
“Dambuhalang—”
“Tumigil ka.”
Napangiti si Wonwoo. “Oh, tamo. Pikot.”
“Hindi ako napikon.”
“Bleh. Pikon.”
“Hindi nga sabi.”
“Namumula ka.”
“Mainit kasi dito.”
“Tag-lamig kaya.”
“Mainit pa rin.”
“Sinungaling.”
Napabuntong-hininga si Mingyu, ngunit sa halip na makipagtalo pa ay inilapag niya nang maingat ang tray sa mesa sa harapan ni Wonwoo. May mainit na sabaw, tinapay na bagong luto, ilang prutas, at isang maliit na mangkok ng dessert na agad namang napansin ni Wonwoo kahit pilit niyang hindi tinitingnan dahil ayaw niyang bigyan si Mingyu ng satisfaction na malaman nitong gusto niya ang pagkain.
Pagkatapos ay tumayo si Mingyu nang tuwid, pinagkrus ang mga braso sa dibdib, at tumingin sa kaniya na para bang naghintay itong kainin niya iyon dahil kung hindi ay talagang hindi ito aalis. “Fine.”
“Fine.”
“Hindi ka kakain?”
“Ayoko nga.”
“Pero sinabi mong fine.”
“Fine na hindi ako kakain.”
Napapikit si Mingyu. “Ang hirap mong kausap. Ikaw na ang magdala ng tray papunta sa kusina.”
Napakurap si Wonwoo. “...Ano?”
“Bahala ka nang magligpit diyan.”
Dahan-dahang ibinaba ni Wonwoo ang libro sa mesa at napahawak sa kaniyang baywang, hindi makapaniwalang-napatingin dito.
Anak ng… akalain mong marunong din pala itong maging petty?
“At bakit ako?” tanong niya. “Ikaw ang nagdala niyan dito, ikaw ang nagluto niyan, at ikaw rin ang nagpilit na kumain ako, kaya bakit biglang naging responsibilidad ko ang pagliligpit?”
“Dahil ikaw ang nagpumilit na huwag kitang pakainin.”
“It doesn’t make sense!”
“May sense.”
“Wala nga!”
Mingyu calmly folded his arms. “Sa batas—”
Naputol si Wonwoo. “...Ano?”
“Sa batas.”
“Batas?”
“Oo.”
Tinitigan siya ni Wonwoo na para bang ngayon lamang niya napagtanto na may utak pala sa loob ng malaking ulo nito.
Mingyu continued, completely serious. “May konsepto sa batas na tinatawag na assumption of responsibility. Nang tumanggi kang pakainin kita, malinaw mong ipinahayag na kaya mong pangasiwaan ang sarili mong pagkain, kaya sa sandaling tinanggap mong hindi ko gagawin ang obligasyong iyon para sa’yo, kasama na roon ang pananagutan sa lahat ng kaugnay na gawain pagkatapos. Sa madaling salita, dahil ayaw mong pakainin kita, ikaw ang may responsibilidad na hugasan ang buong tray.”
Mingyu stared at him. Wonwoo stared back. “...Wow.”
“Ano?”
“May utak ka rin pala.”
Napakunot ang noo ni Mingyu. “Ano bang akala mo sa akin?”
“Wala naman.”
“I studied law before I was cursed.”
Muling nanahimik si Wonwoo. Napailing nalang ito saka tumayo bago kinuha ang tray. Hindi niya napigilang ngumiti habang ginagawa iyon. Habang naglalakad siya patungo sa pinto ay narinig pa niya ang mahina ngunit halatang pigil na tawa ni Mingyu sa likuran niya, kaya napalingon siya at nakitang nakangiti ang lalaki habang nakasandal sa armrest ng sofa. Sa halip na mainis ay bigla na lamang siyang nakaramdam ng kakaibang init sa dibdib na hindi naman galing sa fireplace.
Bakit ba ako nakikipagtalo sa halimaw?
Humakbang siya papalayo. At ang mas nakakainis pa diyan—
Napangiti siya nang hindi niya namamalayan.
Bakit natutuwa ako?
⊹ ࣪ ˖🕰️୭˚. ᵎᵎ🗝️
Minsan, napapansin ni Wonwoo Belle na nakatingin sa kaniya si Mingyu Adam. Hindi iyong ordinaryong tingin na basta napapadako lamang ang mata ng isang tao sa direksiyon mo dahil may narinig siyang ingay o may gusto siyang itanong, kundi iyong klase ng tingin na nananatili nang ilang segundo, minsan ay ilang minuto, na animo’y may isang buong pangungusap na nakasulat sa mga mata ni Mingyu ngunit hindi nito kayang bigkasin nang malakas. At sa tuwing nahuhuli niya ito, agad namang iniiwas ni Mingyu ang tingin na para bang siya pa ang nahuli sa isang krimen, na kung tutuusin ay nakakatawa dahil ang isang nilalang na kayang magmukhang nakakatakot sa buong kaharian ay biglang nagiging isang mahiyaing binatang nahuli ng crush niyang nakatitig sa kaniya.
Noong una, pinapalampas lamang iyon ni Wonwoo, iniisip niyang baka nagkataon lang, baka may iniisip si Mingyu, o baka naman may mantsa sa mukha niya, pero nang mangyari iyon nang paulit-ulit, nagsimula na siyang magtanong kung ako ba talaga ang tinitingnan niya, o may multo sa likod ko?
Kaya nang isang gabi, habang magkatabi silang nakaupo sa malaking silid-aklatan, tuluyan nang naubos ang pasensiya ni Wonwoo. Tahimik ang buong palasyo noon, at sa labas ng malalaking bintana ay marahang bumabagsak ang niyebe, bawat tipak ay kumikislap sa liwanag ng buwan bago tuluyang dumampi sa makapal na lupa, habang sa loob naman ay ang mahinang tunog lamang ng apoy mula sa fireplace ang pumupuno sa silid. Nasa kandungan ni Wonwoo ang isang librong ilang minuto na niyang binabasa, ngunit kung magiging tapat siya sa sarili niya, hindi na niya alam kung ano ang binabasa niya dahil ilang pahina na ang lumipas at wala siyang maalala ni isang pangungusap. Dahil sa gilid ng kaniyang paningin, naroon na naman si Mingyu—nakaupo sa kabilang dulo ng sofa, tahimik, nakasandal ang ulo sa sandalan, at nakatingin sa kaniya na para bang siya ang pinakakagiliw-giliw na librong nakita nito sa buong buhay niya.
Dahan-dahang ibinaba ni Wonwoo ang libro. “Bakit mo ako tinitingnan?”
Hindi umimik si Mingyu. Tumaas ang isang kilay ni Wonwoo. “Adam.”
“Hm?”
“Kanina ka pa.”
“Wala lang.”
“Tell me.”
Bahagyang yumuko si Wonwoo upang salubungin ang tingin nito dahilan kaya biglang umiwas si Mingyu. Kataka-taka dahil wala namang intensyong manakot si Wonwoo. Napangiti siya nang kaunti dahil doon, dahil sa lahat ng bagay na maaari niyang ikatakot sa isang halimaw, hindi niya inakalang isa sa mga ito ay ang simpleng pag-iwas ng tingin ng isang lalaking halos dalawang ulo ang laki sa kaniya.
“Please?” dagdag niya, mas mahina na ngayon ang boses, hindi niya alam kung bakit mas naging malambot din ang hangin sa pagitan nila nang sabihin niya iyon. “Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na, Adam. Hindi ako manghuhula, at kung patuloy mo lang akong tititigan nang ganiyan, baka isipin kong may ginawa akong mali.”
Napabuntong-hininga si Mingyu. “Hindi ko alam kung paano.”
Napakunot ang noo ni Wonwoo. “Paanong ano?”
“Kung papaano ko sasabihin.”
“At bakit?”
“Dahil hindi naman iyon ganoon kadali, Belle.”
Napatingin muli si Wonwoo sa kaniya. “Bakit hindi?” tanong niya. “Sabihin mo sa akin. Kahit hindi maayos, kahit magulo, kahit hindi mo alam kung saan magsisimula… ayos lang. Dahil hindi naman kailangan na perpekto ang sasabihin mo para maintindihan kita.”
Mingyu lowered his gaze. “Natatakot ako.”
Biglang nawala ang ngiti sa mukha ni Wonwoo. “Sa akin?”
Dahan-dahang umangat ang tingin ni Mingyu sa kaniya. “Sa sarili ko.”
Hindi agad nakasagot si Wonwoo. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin sa ganoong sagot dahil sanay siyang makita si Mingyu na matapang, mayabang (nang kaunti), dramatic (nang sobra), at kung minsan ay sobrang taas ng kumpiyansa sa sarili na maiisip mong wala itong kinatatakutan sa mundo. Pero ngayon, sa ilalim ng mahinang liwanag ng fireplace, hindi niya nakikita ang halimaw na kinatatakutan ng ibang tao kundi isang lalaking matagal nang pagod na magpanggap na hindi siya nasasaktan.
Mabagal na huminga si Mingyu bago ito nagsalita.
“Dati, akala ko ang pinakamahirap na bahagi ng pagiging isinumpa ay ang maging halimaw. Noong unang araw na makita ko ang sarili ko sa salamin, ang unang naisip ko ay kung paano ako titingnan ng mga tao kapag nakita nila ang mukha kong hindi ko na rin halos makilala, kung paano ako tatakbuhan ng mga taong dati ay yumuyuko sa harapan ko, at kung paano ko haharapin ang katotohanang ang buong buhay kong pinaghirapan ay nawala lamang sa isang gabi.”
Napakagat nang bahagya si Wonwoo sa loob ng pisngi. Hindi siya nagsalita, bagkus ay hinayaan niya lamang si Mingyu na magpatuloy.
“Sanay na akong tumingin ang mga tao sa akin at makita ang mga pangil, ang mga kuko, ang katawan kong hindi na katulad ng dati, at ang mukha na ginagamit nilang dahilan para sabihin na hindi na ako karapat-dapat lapitan. Sanay na akong kapag lumalapit ako, umaatras sila. Kapag nagsasalita ako, nanginginig sila. Kapag sinubukan kong ngumiti, mas lalo silang natatakot dahil hindi nila alam kung ano ang ibig sabihin ng mukha kong iyon. Kaya noong dumating ka rito, noong bumukas ang pintuan at nakita kitang nakatayo roon na nanginginig pero hindi tumatakbo, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa sarili ko.”
Huminto si Mingyu saka ito tumingin kay Wonwoo. “Bakit hindi ka tumakbo?”
Bahagyang ngumiti si Wonwoo. “Tumakbo ako.”
Agad na nagbago ang mukha ni Mingyu. “Kailan?”
“Sa isip ko.”
Napakurap si Mingyu. “...Ano?”
“Tumakbo ako sa isip ko.”
“Hindi iyon nakikita.”
“Edi, wala tayong magagawa diyan. Hindi mo pala nakita, eh.”
Napatawa si Mingyu, mahina lamang sa una, hanggang sa tuluyan nitong maibaba ang ulo at mapailing. “Ang weird mo,” wika nito, may ngiti na sa labi.
“Alam ko.”
“Hindi ka ba talaga natakot sa akin?”
Napaisip si Wonwoo. “Natakot ako.”
Nawala ang ngiti ni Mingyu.
“Pero hindi ako nanatili dahil hindi ako natatakot sa’yo,” pagpapatuloy ni Wonwoo, mas mahinahon na ngayon ang boses niya. “Nanatili ako dahil habang tumatagal, napansin kong hindi ka naman pala katulad ng sinasabi nila, at masyado kang mabait para sa isang taong buong kaharian ay tinatawag kang halimaw. Oo, nakakatakot ka minsan, lalo na kapag galit ka at parang kaya mong durugin ang isang buong mesa gamit ang isang kamay mo pero pagkatapos noon makikita kitang tahimik na nag-aalaga ng halaman na muntik nang malanta dahil nakalimutan mong diligan, kaya hindi ko na alam kung alin ba talaga ang dapat kong katakutan sa’yo.”
Mingyu stared at him. “Hindi ako malambot.”
“Malambot ka.”
“Hindi.”
“Malambot.”
“Belle.”
“Adam.”
“Hindi ako malambot.”
Napangiti si Wonwoo. “Kapag may nakita kang nasugatang ibon, tatlong oras mo iyong inalagaan.”
“Dahil may sakit siya.”
“Pinaglutuan mo pa.”
“Kailangan niyang kumain.”
“Ginawan mo ng maliit na kumot.”
“Dahil malamig.”
“Nilagyan mo ng tubig sa maliit na tasa.”
“Nauuhaw siya.”
“Tinawag mo siyang baby.”
Biglang nanigas si Mingyu. “Hindi ko siya tinatawag na baby.”
“Tinawag mo nga.”
“Hindi ko—”
“‘Baby, huwag kang matakot. Nandito lang ako.’”
Namula ang buong mukha ni Mingyu. At doon tuluyang natawa si Wonwoo, pumikit pa ang mga mata niya at napahawak siya sa tiyan.
“Tumigil ka,” reklamo ni Mingyu, pero lalo lamang siyang natatawa dahil kitang-kita niyang nagmamaktol na ang dambuhalang halimaw sa harapan niya, nakakunot ang noo at nakasimangot ang labi na para bang siya ang inagrabyado.
Sa totoo lang, hindi dapat ganoon kaganda ang mukha ni Mingyu kapag nagtatampo ito, dahil nakakalito iyon, nakakainis, at higit sa lahat, delikado para sa isang taong pilit na kinukumbinsi ang sarili niyang hindi siya nahuhulog dito.
Pero habang nakatingin si Wonwoo sa kaniya ay hindi niya maiwasang isipin kung paano kaya kung tawagin din niya akong baby?
Napakurap siya.
Hindi!
Muling tumingin si Wonwoo sa mga labi ni Mingyu.
Ay, putangina.
Ang problema ay hindi naman talaga iyong salitang baby. Ang problema ay ang paraan ng pagkakasabi ni Mingyu rito. Bigla niyang naisip kung paano kaya kung siya naman ang tawagin ni Mingyu nang ganoon—kung maririnig niya ang boses nitong mahina habang sinasabing, “Baby, huwag kang matakot,” habang siya ang hawak nito at hindi isang maliit na ibon na halos kasinlaki ng palad niya.
Iiihhhhh!
Baka puwede niyang hanapin ang taong sumumpa kay Mingyu at pakiusapan itong gawing ibon muna siya kahit isang araw lang, para naman matawag din siyang baby ni Mingyu nang walang kahihiyan.
Napapikit si Wonwoo.
Tangina. Ano na bang iniisip ko?
Napailing siya nang bahagya, pilit na ibinabalik ang sarili sa realidad.
Hindi na ito normal. Siguro ay tama nga si Seungkwan. Nahihibang na nga siya.
Dahil sa unang pagkakataon mula nang makilala niya si Mingyu, hindi na niya nakikita ang halimaw. Nakikita na niya ang lalaking nakapaloob dito. Iyong lalaking nag-iwan ng tsaa sa tabi ng kama niya noong isang gabi dahil narinig nitong ilang beses siyang bumangon dahil hindi siya makatulog. Iyong lalaking tahimik na nagbubukas ng kurtina tuwing umaga dahil alam nitong gusto niyang makita ang niyebe bago magsimula ang araw. Iyong lalaking minsang nagdala sa kaniya ng tatlong libro kahit isa lamang ang hinihingi niya at pagkatapos ay sinabing, “Hindi ko alam kung alin ang gusto mo, kaya kinuha ko na lahat.”
Napagtanto ni Wonwoo na mas nakakatakot pala iyon kaysa noong unang araw na tumapak siya sa loob ng kastilyo. Dahil mas madaling katakutan ang isang halimaw kapag hindi mo pa siya kilala. Mas madaling sabihin na masama siya kapag ang alam mo lamang ay ang mga kuwento ng ibang tao. Mas madaling tumakbo kapag pangil at kuko lamang ang nakikita mo.
Pero kapag nakilala mo na ang puso niya, kapag alam mo na kung paano siya tumawa kapag nakakalimutan niyang magpanggap na seryoso, kung paano siya mag-alala kapag hindi ka kumakain, kung paano siya tahimik na nag-iiwan ng kumot sa tabi mo kapag nakatulog ka sa silid-aklatan, kung paano niya hinahawakan nang maingat ang mga librong binabasa mo dahil alam niyang mahalaga sa’yo ang mga iyon, at kung paano siya nagiging tahimik sa tuwing iniisip niyang baka balang araw ay umalis ka—
Gugustuhin mo pa bang lumayo?
Dahan-dahang ibinalik ni Wonwoo ang tingin sa libro sa kaniyang kandungan. Binuksan niya iyon at binasa niya ang unang pangungusap ngunit wala ni isang salita ang pumasok sa isip niya kahit na nabasa na niya ang buong talata.
Napabuntong-hininga siya at bahagyang kinagat ang labi, pilit na hindi tinitingnan si Mingyu dahil alam niyang kapag tumingin siya rito, baka lalo lamang siyang mahirapang magpanggap na normal ang lahat. Pero kahit nakababa na ang kaniyang tingin, ramdam niya pa rin ang presensya nito sa kabilang bahagi ng sofa, at ang mas nakakainis pa ay naging mas malinaw na para sa kaniya ang bawat maliit na kilos nito—ang paggalaw ng damit nito, ang mahinang paghinga, ang paminsan-minsang paggalaw ng paa nito sa sahig.
Doon naintindihan ni Wonwoo Belle ang isang bagay na matagal na niyang pilit iniiwasang pangalanan.
Hindi na niya gustong umalis. Hindi dahil hindi niya mahal ang kaniyang ama. Hindi dahil nakalimutan na niya ang kanilang nayon. At lalong hindi dahil wala siyang buhay sa labas ng kastilyo.
Kundi dahil sa unang pagkakataon, may isang tao sa loob ng kastilyong ito na gusto niyang balikan kahit wala siyang dahilan.
Si Mingyu Adam Kim.
At kung dumating man ang araw na bumalik ang sumpa sa normal, kung magbago man ang kastilyo, kung bumukas man ang pintuan at dumating ang pagkakataon para tuluyan na siyang makauwi, hindi na sigurado si Wonwoo kung ang salitang tahanan ay tumutukoy pa rin sa maliit nilang bahay sa nayon.
Natatakot siya na baka ang tahanang hinahanap niya ay sa tabi lamang pala ng isang taong minsan niyang kinatakutan.
At habang nakatitig siya sa pahinang hindi niya naman talaga binabasa, isang maliit na ngiti ang kusang sumulpot sa kaniyang labi.
Hindi ko na gustong umuwi.
Pagkatapos ng ilang segundo ay itinama niya ang sarili.
Hindi ko na gustong umalis.
Dahil may malaking pagkakaiba pala roon. At sa pagkakataong iyon, alam na ni Wonwoo kung alin ang gusto niya.
Gusto niyang manatili.
Hindi sa kastilyo. Hindi dahil sa sumpa.
Gusto niyang manatili dahil kay Mingyu Adam.
⊹ ࣪ ˖🕰️୭˚. ᵎᵎ🗝️
Akala ni Wonwoo Belle, maayos na ang lahat.
Sa mga nakaraang linggo, may kung anong tahimik na saya na nabuo sa loob ng kastilyo. Naging normal na ang mga umaga nilang sabay na nag-aalmusal, ang mga hapon na nauubos sa silid-aklatan habang si Wonwoo ay nagbabasa at si Mingyu naman ay kunwari ring nagbabasa kahit ang totoo ay mas madalas itong nakatingin sa kaniya kaysa sa libro, at ang mga gabing pareho silang naglalakad sa pasilyo para lamang pag-usapan ang kung anu-anong bagay na wala namang kinalaman sa sumpa.
Minsan, naiisip ni Wonwoo na kung hindi lamang napakalaki ng katawan ni Mingyu at kung wala lamang itong mga pangil na kayang kumagat ng isang buong mansanas nang hindi hinihiwa, baka puwede niyang makalimutang isa itong halimaw. At marahil iyon ang naging problema—dahil habang tumatagal, mas lalo niyang nakakalimutang dapat pala siyang matakot.
Minsan, naglalaro sila ng chess hanggang hatinggabi dahil ayaw umamin ni Mingyu na natalo siya nang tatlong beses, at sa tuwing sasabihin ni Wonwoo na “Checkmate,” ay agad nitong sasabihing mali ang galaw niya kahit wala naman itong maipakitang matinong dahilan.
Minsan naman, pinipilit ni Mingyu na turuan siya ng archery, kahit na sa unang pagtatangka pa lamang ni Wonwoo ay tumama agad ang pana sa puno na halos limang metro ang layo sa target, dahilan para tumawa si Mingyu nang napakalakas hanggang sa halos maubo ito.
At kapag sumasama ang panahon, doon sila madalas manatili sa silid-aklatan, magkatabi sa harap ng fireplace, habang nagbabasa si Wonwoo at si Mingyu naman ay tahimik na nakikinig sa pagbabasa nito kahit kunwari ay hindi interesado (sus, nag-eenjoy lang talaga siyang marinig ang malambing na boses ni Wonwoo).
May mga sandali pa nga na hindi nila kailangang magsalita, dahil sapat na ang presensya ng isa't isa para hindi na maramdaman ni Wonwoo na napakalaki ng kastilyo at napakalayo ng mundong iniwan niya.
Kaya nang gabing biglang nagbago ang lahat, hindi agad naunawaan ni Wonwoo kung ano ang nangyayari.
Una niyang narinig ang mga kabayo. Mahina lamang noong una, halos natatabunan ng malakas na hangin na humahampas sa mga bintana ng kastilyo, kaya hindi niya ito pinansin at ipinagpatuloy lamang ang pagbabasa sa sala habang si Mingyu ay nasa kabilang bahagi ng silid, tahimik na nagsusulat sa isang lumang dokumento.
Ngunit maya-maya, narinig niya ang sunod-sunod na yabag, ang kalansing ng bakal, at ang malalakas na sigaw na unti-unting lumalapit mula sa labas ng kastilyo. Napatingin si Wonwoo sa bintana, at sa unang pagkakataon matapos ang ilang linggo, nakita niyang hindi na lamang niyebe ang nasa labas.
May mga tao roon. Napakarami nila. Mga kabayo na may mga sakay na armadong lalaki, mga karwaheng puno ng mga gamit, mga sulo na nagsisilbing maliliit na apoy sa gitna ng gabi, at mga taong unti-unting umaakyat sa burol patungo sa kastilyo na para bang matagal na nilang pinaghahandaan ang sandaling iyon. Sa harap nila ay may ilang guwardiyang may dalang espada at sibat, at sa likuran naman ay mga taong hindi armado ngunit halatang sumama dahil sa galit, takot, o parehong dahilan. Sa mismong sandaling iyon, hindi na kailangan ni Wonwoo na magtanong kung bakit sila naroon, dahil narinig na niya ang sigaw mula sa ibaba.
“Patayin ang halimaw!”
Nanigas siya. Dahan-dahang ibinaba ni Mingyu ang hawak na pluma. Hindi ito gumalaw. Hindi rin nagsalita. Sa ilang segundo, ang tanging maririnig sa loob ng silid ay ang malakas na pagtibok ng puso ni Wonwoo.
“Mingyu.”
Hindi sumagot ang lalaki.
“Mingyu.”
“Alam ko.”
Tumayo si Mingyu. Biglang nawala ang lahat ng lambot sa mukha nito. Hindi na siya iyong Mingyu na nakikipagtalo kay Wonwoo tungkol sa pagkain, iyong Mingyu na namumula kapag tinatawag siyang malambot, iyong Mingyu na halos tatlong oras nag-alaga ng isang maliit na ibon at pagkatapos ay nagkunwaring hindi niya ito tinawag na baby.
Sa isang iglap, bumalik ang isang bagay sa kaniyang mukha na matagal nang hindi nakikita ni Wonwoo—isang malamig, matigas na ekspresyon na animo’y isang pader na matagal nang itinayo para walang sinumang makalapit dito.
“Dito ka lang. Huwag kang lalabas.”
Agad na umiling si Wonwoo. “Hindi. Ayoko. Sasama ako sa’yo.”
“Belle.”
“Ano ang gagawin mo?”
“Pupunta ako sa labas.”
“Nang mag-isa?”
“Oo.”
“Hindi pwede.”
Bahagyang napakunot ang noo ni Mingyu. “Belle, kailangan mong maintindihan. Hindi ito ang lugar para sa’yo.”
“Hindi mo puwedeng sabihin sa akin kung saan ako pupunta.”
“I can, Belle. And I will. Kapag lumabas ako sa pinto, kunin mo iyong palaso sa kanan. Pagkatapos ay tumakas ka sa likuran, kunin mo iyong kabayo mo at umalis ka—”
“I don’t want to!”
Bahagyang lumambot ang ekspresyon ni Mingyu saka ito lumapit upang yakapin si Wonwoo na ngayon ay umiiyak na dahil sa takot at pag-aalala. “Huwag kang mag-alala. Makakalabas nang buhay. Ipinapangako ko iyan sa’yo.”
Napahinga nang malalim si Wonwoo, ngunit sa halip na umatras ay lumapit pa siya rito. “Hindi mo kailangang protektahan ako sa lahat ng bagay, Adam, lalo na kung ang ibig sabihin noon ay haharapin mo silang mag-isa habang ako ay maghihintay dito at tatakas na parang wala akong pakialam kung babalik ka pa.”
Sandaling natigilan si Mingyu, at sa unang pagkakataon ay may nakita si Wonwoo sa mga mata nito na hindi galit kundi takot—isang napakalalim na takot na baka sa gabing iyon ay mawala na naman ang isang taong mahalaga sa kaniya. “Kung pupunta ka roon, sasama ako.”
“Tumigil ka, Belle. Huwag nang matigas ang ulo. Nakikiusap ako.” Natigilan si Wonwoo. Dahil iyon ang unang pagkakataong narinig niyang makiusap si Mingyu.
“I don’t… I d-don’t want to lose you, Wonwoo.”
“H-Hindi kita kayang mawala kaya pakiusap… makinig ka nalang sa akin,” mahina nitong sabi.
Bago pa man makasagot si Wonwoo ay tuluyan nang lumabas si Mingyu. Agad itong tumakbo papunta sa bintana. Sa ibaba, nakita niyang binuksan ni Mingyu ang malalaking pintuan ng kastilyo at bumaba sa hagdan, habang unti-unting lumalapit ang mga tao na may dalang espada at sulo. May ilang sumigaw ng “Halimaw!” at may isa pang sumunod na “Patayin siya!”, sa halip na umatras, tumayo lamang si Mingyu sa gitna ng niyebe, napakalaki kumpara sa mga taong nakapaligid sa kaniya.
Napahawak si Wonwoo sa dibdib niya.
Hindi.
Hindi niya hahayaang matapos ito nang ganoon.
Kung kaya’t tumakbo siya palabas. “MINGYU!”
Napalingon ang lalaki. Sa gitna ng mga sigaw, armas, apoy, at niyebe, nagtagpo ang kanilang mga mata.
“Bakit ka lumabas?! Hindi ba’t sinabi kong tumakas ka na?!” sigaw ni Mingyu.
“Dahil katulad mo… ayaw din kitang mawala…”
⊹ ࣪ ˖🕰️୭˚. ᵎᵎ🗝️
The battlefield had become unrecognizable.
Kanina lamang ay tanawin pa iyon ng puting niyebe at matataas na puno, ngunit ngayon ay halos wala nang bakas ng kapayapaan sa lugar. Ang dating malinis na lupa ay natabunan ng mga bakas ng paa, dugo, sirang sandata, at mga piraso ng kalasag, habang ang makapal na usok mula sa mga nasusunog na karwahe ay unti-unting tinatakpan ang kalangitan. Sa bawat sulok ay may naririnig na sigaw, kalansing ng espada, paghuni ng mga palaso, at mga yabag ng mga taong tumatakbo. Sa gitna ng lahat ng iyon, iisa lamang ang hinahanap ng mga mata ni Wonwoo.
“Adam!”
Napalingon siya sa kaliwa, halos hindi na niya maramdaman ang lamig ng hangin dahil mas malakas ang kaba na kumikirot sa dibdib niya. Ilang minuto na niyang sinusubukang hanapin ang pamilyar na anyo nito sa pagitan ng mga sundalo, ngunit lahat ng nakikita niya ay magkakahawig na katawan na may hawak na espada, baluti na puno ng dugo, at mga taong nagsisigawan sa gitna ng kaguluhan.
Sinabi sa kaniya ni Mingyu na manatili sa loob ng kastilyo, sinabi nitong mas ligtas siya roon, sinabi niyang tumakas na lamang siya, at sinabi rin nitong babalik ito sa kaniya pagkatapos ng lahat. Ngunit habang tumatagal ang oras at hindi niya ito makita, unti-unting nabubuo sa isip ni Wonwoo ang isang posibilidad na ayaw niyang isipin kahit isang segundo lamang.
Paano kung hindi siya bumalik sa akin?
Napailing siya. “Hindi. Hindi pwede.”
Muling tumakbo si Wonwoo. “Adam!”
“BELLE!” Sa gitna ng kaguluhan, narinig niya ang boses na iyon. Boses na kahit sa gitna ng isang libong tao ay makikilala niya.
Agad siyang napalingon at doon ay nakita niya ang taong kanina pa niya hinahanap. Nakatayo ito sa gitna ng battlefield, hawak ang kaniyang espada, duguan ang mukha, may mga punit ang damit, at halos hindi na maayos ang paghinga. May malalim na sugat sa kaniyang balikat at may dugo ring tumutulo mula sa gilid ng kaniyang labi, ngunit kahit ganoon ay nakatayo pa rin siya, matigas ang tindig at pilit na ipinapakitang kaya pa niya.
Sa sandaling magtagpo ang kanilang mga mata, bahagyang ngumiti si Mingyu, iyong maliit na ngiting palagi niyang ginagawa kapag gusto niyang sabihin kay Wonwoo na ayos lang ako.
“Adam!” Tumakbo si Wonwoo patungo sa kaniya.
“Wag kang lalapit!” sigaw ni Mingyu.
“Hindi!”
“Belle, bumalik ka sa loob!”
“Hindi ako aalis!”
“Belle!”
“Sinabi ko nang hindi ako aalis!”
Mabilis na napalingon si Mingyu sa likuran ni Wonwoo. “Yumuko ka!”
Hindi na nakalingon pa si Wonwoo. Narinig lamang niya ang tunog ng isang palaso na humihiwa sa hangin.
Thwack!
Kasunod noon ay isang malakas na ungol. Napahinto si Wonwoo. “A-Adam?”
Hindi gumalaw ang lalaki. “Adam?”
Dahan-dahang yumuko si Mingyu at doon nakita ni Wonwoo ang palasong bumaon sa tagiliran nito. Bago pa man makatakbo si Wonwoo ay isang sundalo mula sa likuran ang sumugod at sinaksak si Mingyu ng espada.
“MINGYU!”
Nakita ni Wonwoo ang katawan ni Mingyu na bahagyang napaatras, ang espada na nakabaon sa kaniyang katawan, at ang dugo na unti-unting kumalat sa puting niyebe. Ilang segundo siyang hindi nakagalaw dahil tumanggi ang isip niya na tanggapin ang nakikita ng kaniyang mga mata, na para bang kung mananatili lamang siyang nakatayo at hindi gagalaw, puwedeng bumalik ang lahat sa dati. Ngunit nang tuluyang bumagsak sa tuhod si Mingyu, saka lamang nakabalik si Wonwoo sa realidad.
“MINGYU!”
Tumakbo siya papalapit dito. “ADAM!”
Naabutan niya ito bago tuluyang bumagsak ang katawan nito sa niyebe. “Hey—hey, look at me.”
Nanginginig ang mga kamay ni Wonwoo habang hinahawakan ang mukha ni Mingyu, pilit na pinananatiling nakataas ang ulo nito upang hindi ito tuluyang mawalan ng malay. Hindi niya alam kung saan magsisimula, hindi niya alam kung paano gagamutin ang sugat. Agad niyang tinanggal ang scarf na suot saka iyon idinampi sa sugat ni Mingyu, wala na siyang pakialam kung tama ba ang ginagawa niya dahil ang tanging nasa isip niya ay kailangan niyang pigilan ang dugong lumalabas. Pinisil niya ang sugat gamit ang kaniyang mga kamay habang patuloy na tumitingin sa mukha ni Mingyu.
“Please,” bulong niya. “Please, huwag kang pumikit.”
Bahagyang gumalaw ang mga mata ni Mingyu. “Belle…”
“Yes. Yes. I’m here.”
“A-Ang bilis mong t-tumakbo.” Napatawa si Wonwoo nang bahagya pero agad din iyong nauwi sa hikbi.
“Tumakbo ako dahil hinahanap kita, gago.”
Mingyu smiled weakly. “G-Galit ka?”
Tumango si Wonwoo. Nagsusumbong. “Galit na galit ako.”
“G-Good.”
“Ha? Bakit mas natutuwa ka pang galit ako? Siraulo ka ba?”
“D-Dahil mas g-gusto kong galit ka k-kaysa umiiyak.”
Napailing si Wonwoo, mas lalo niyang pinipisil ang sugat upang tumigil ang dugo. “Tumahimik ka. Please. Just… j-just shut up.” Nanginginig niyang wika. Lumuluha habang nakatingin kay Mingyu na ngayon ay unti-unti nang naghihikapos sa hininga.
“H-Hindi mo naman a-ako m-mapapatahimik.”
“Mapapatahimik kita.”
“P-Paano?”
“Kapag gumaling ka.”
“B-Belle…”
Sinubukan ni Wonwoo na ngumiti. “Come on, Adam, you’re okay.”
Mingyu looked at him. “M-Makinig ka m-muna sa a-akin.”
“Hindi.” Paulit-ulit siyang umiling. “A-Ayokong makinig sa’yo.”
“P-Please.”
“Hindi ako makikinig sa kahit anong gusto mong sabihin.”
Natahimik si Mingyu. Nangingilid na ang luha sa mga mata nito. At iyon ang bagay na higit na sumira kay Wonwoo. Dahil si Mingyu Adam Kim ay hindi kailanman umiyak. Hindi siya umiyak noong isinumpa siya. Hindi siya umiyak noong iniwan siya ng buong kaharian. Hindi siya umiyak nang sabihin ng mga tao na isa siyang halimaw.
Ngunit ngayon, habang nakahiga siya sa mga bisig ni Wonwoo, may isang luha na dahan-dahang dumaloy mula sa sulok ng kaniyang mata.
“N-Natatakot ako,” bulong ni Mingyu.
Napapikit si Wonwoo. “I-I’m here…”
“H-Hindi ko gustong m-mamatay.”
“Hindi ka mamamatay.”
“P-Paano mo n-naman a-alam iyon?”
“Dahil sinabi ko.”
Mingyu gave a weak smile. “N-Napakatigas ng u-ulo mo.”
“Natuto ako sa’yo.”
Huminga nang malalim si Mingyu, ngunit napangiwi agad siya dahil sa sakit. “A-Aray.”
“Masakit?”
“O-Oo.”
“Gaano kasakit?”
“P-Parang sinaksak.”
Napatingin si Wonwoo sa kaniya nang masama. “Very funny.”
“S-sinusubukan ko l-lang namang p-patawanin ka.”
“Hindi nakakatawa.”
Sandali silang natahimik. Sa paligid nila ay patuloy ang digmaan, ngunit para kay Wonwoo ay tila nasa ibang mundo na siya. Naririnig pa rin niya ang mga sigaw, ang mga sandata, ang pagtakbo ng mga kabayo, ngunit para sa kaniya, ang lahat ng iyon ay naging malayo at malabo. Ang tanging malinaw sa kaniya ay ang mukha ni Mingyu, ang bigat ng katawan nito sa kaniyang mga bisig, at ang pakiramdam ng dugo nitong dumidikit sa kaniyang mga kamay.
“B-Belle…”
Mahina na ngayon ang boses ni Mingyu, halos natatabunan na ng kaguluhan sa paligid, ngunit nang marinig iyon ni Wonwoo ay agad siyang yumuko palapit sa kaniya at hinawakan ang pisngi nito gamit ang nanginginig niyang kamay. Pilit niyang pinapanatili si Mingyu na gising kahit ramdam niyang unti-unti nang bumibigat ang katawan nito sa kaniyang mga bisig, at sa bawat segundo na lumilipas ay lalo lamang siyang kinakain ng takot na baka sa susunod na paghinga nito ay wala nang kasunod.
“Huwag ka nga munang magsalita sabi,” pakiusap niya, nangingilid ang luha sa kaniyang mga mata, “ililigtas kita, naririnig mo ba ako? Hindi pa tapos, hindi puwedeng dito lang matatapos ang lahat.” Ngunit sa halip na sumunod, ngumiti lamang si Mingyu.
Marahan niyang inangat ang kamay at hinaplos ang pisngi ni Wonwoo, ngunit halos wala na itong lakas kaya ilang segundo lamang bago muling bumagsak ang kamay nito sa kaniyang dibdib. “B-Belle,” bulong niya, pilit na inaayos ang paghinga, “alam n-nating pareho na hindi na ako m-makakauwi, kaya h-hayaan mo muna akong m-magsalita, kahit n-ngayon lang, dahil n-natatakot akong k-kapag pinilit kong sabihin ito bukas, b-baka wala na akong p-pagkakataon pa.” Napailing agad si Wonwoo, lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa damit nito.
“Walang bukas kung susuko ka ngayon,” wika niya, nanginginig ang boses.
“A-Alam ko.”
“Kung alam mo, lumaban ka,” giit ni Wonwoo.
Saglit na pumikit si Mingyu bago mahinang sumagot. “L-Lumaban naman ako.”
Napahigpit ang hawak ni Wonwoo sa damit nito nang marinig iyon, sa kabila ng lahat ng gusto niyang sabihin ay wala siyang mahanap na salita na sapat upang maipaliwanag kung gaano kasakit ang makitang ganito ang taong minahal niya.
“Hindi ko kailangan ng huling salita mo, Adam.”
Saglit na pumikit si Mingyu at huminga nang malalim, nang muli niyang imulat ang mga mata ay wala na roon ang dating takot ng isang halimaw na buong buhay na itinago ang sarili mula sa mundo. Ang naroon ay si Adam, isang lalaking sa wakas ay may taong pinagsasabihan ng lahat ng bagay na matagal niyang kinimkim. “A-Alam mo ba,” mahina niyang simula, “n-noong una kitang n-nakita, akala ko isa ka lang sa m-mga taong darating dito, m-matatakot, sisigaw, at m-maghihintay ng pagkakataong m-makaalis sa akin.” Napahikbi si Wonwoo, ngunit hindi niya inalis ang kamay sa mukha ni Mingyu. “A-Akala ko kapag n-nakita mo ang mukha ko, t-tatakbo ka.”
Marahan siyang hinaplos ni Mingyu sa pisngi at pinunasan ang luha niyang patuloy na bumabagsak, na para bang kahit sa huling sandali ng buhay niya ay mas iniisip pa rin niya kung paano mapapagaan ang pakiramdam ng taong mahal niya. “N-Noong una kitang nakita, Belle, a-akala ko magiging panibagong d-dahilan ka para kamuhian ko ang s-sarili ko, dahil sigurado akong k-kapag nakilala mo ako n-nang husto, makikita mo rin ang l-lahat ng nakita ng ibang tao—ang p-pangit na bahagi, ang galit, ang s-sumpa, ang halimaw na hindi ko k-kayang alisin m-mula sa a-akin.”
“Noong u-unang araw na n-nagpunta ka rito, galit ako s-sa’yo, at ayokong aminin iyon d-dahil mas madali sanang sabihin na n-naiirita ako sa presensya mo kaysa amining n-natatakot ako na baka balang-araw ay maging m-mahalaga ka sa akin,” patuloy ni Mingyu, bahagyang napangiti habang inaalala ang mga panahong iyon.
“T-Tapos nagsimula kang m-maglakad sa buong kastilyo na p-parang sa’yo na iyon, p-pinapakialaman mo ang mga libro ko, k-kinukuha mo ang pagkain ko, n-nakikipagtalo ka sa akin t-tungkol sa mga bagay na w-wala namang kabuluhan, at k-kung anu-anong oras ng g-gabi ay bigla kang p-pupunta sa library dahil hindi ka m-makatulog.” Mahina siyang natawa. “A-At hindi ko n-namalayan kung kailan k-ko naging p-paborito ang tunog ang b-boses mo.” Napayuko si Wonwoo at pinisil ang mga labi upang pigilan ang panibagong paghikbi.
“Please, b-baby, let me f-finish.”
Hindi na siya tumutol. Sa halip ay nanatili lamang siyang nakikinig habang si Mingyu ay pilit na binubuo ang bawat salita. “A-Alam mo ba kung k-kailan ko unang napagtanto na m-mahal na kita?” tanong niya, bahagyang gumalaw ang mga labi niya sa isang maliit na ngiti.
“H-Hindi noong hinawakan mo ang k-kamay ko sa hardin, hindi rin noong sinabi mong g-gusto mong m-manatili sa tabi k-ko. N-Napagtanto ko iyon noong isang g-gabi na hindi ka makatulog, k-kaya iniwan ko ang isang tasa ng tsaa sa t-tabi ng kama mo at kinabukasan, n-nakita kitang hawak pa rin iyon h-habang nagbabasa.” Napatawa siya nang mahina, kahit umiiyak ay napangiti rin si Wonwoo dahil alam niyang pareho nilang naaalala ang gabing iyon.
“D-Doon ko naisip na gusto kong m-maging bahagi ng lahat ng m-maliliit na bagay sa b-buhay mo, kahit i-iyong mga bagay na hindi naman r-romantic, dahil gusto kong a-ako iyong taong m-aakakasama mo sa mga o-ordinaryong araw m-mo,” pagpapatuloy ni Mingyu, tuluyan nang bumagsak ang mga luha ni Wonwoo.
“Makakasama mo pa rin naman ako,” nanginginig niyang wika ngunit hindi siya sinagot agad ni Mingyu. Tinitigan lamang siya nito na parang sinusubukan niyang isaulo ang mukha niya sa huling pagkakataon.
“G-Gusto ko,” bulong nito.
“Then stay.”
Saglit na pumikit si Mingyu bago sumagot. “G-Gusto ko, Belle, k-kung… k-kung kaya ko.”
Napapikit si Wonwoo, ilang segundo siyang walang masabi dahil alam niyang kahit anong pakiusap niya ay hindi kayang baguhin ang katotohanang nasa pagitan nila ang kamatayan.
“G-Gusto kong malaman mo na hindi mo a-ako iniligtas dahil nanatili ka sa k-kastilyo,” mahina ngunit malinaw na sabi ni Mingyu. “D-Dahil ang totoo, a-ako ang iniligtas mo n-nang hindi mo a-alam.” Huminga siya nang malalim.
“B-Bago ka dumating, a-akala ko ang buhay ay isang bagay n-na kailangan ko lamang t-tiisin hanggang sa matapos ang s-sumpa, at kung hindi man iyon m-matapos, ayos lang d-dahil sanay naman n-na akong mag-isa.” Tumingin siya nang diretso kay Wonwoo. “P-Pero pagkatapos mong d-dumating, gusto kong m-mabuhay, at i-iyon ang p-pinakamasayang bagay na naibigay sa akin ng kahit anong m-mahika.”
“Hindi mo kailangang magpasalamat,” bulong ni Wonwoo, ngunit umiling si Mingyu.
“H-Hindi ako nagpapasalamat,” sagot niya.
“Then what?”
Bahagya itong ngumiti. “S-Sinasabi ko ang m-mga ito dahil… m-minamahal kita, W-Wonwoo.”
Napatigil si Wonwoo, tila muling huminto ang mundo sa paligid nila. “M-Minahal kita noong una k-kitang kinaiinisan, m-minahal kita noong u-unang beses mong tinawag akong d-dambuhalang duwag, at m-minahal kita noong nakita kitang n-nagbabasa sa library at napansin kong nakakatulog ka h-habang hawak pa rin ang libro.”
Napatawa si Wonwoo sa gitna ng kaniyang pag-iyak. “Hindi ako nakakatulog.”
Mahinang natawa si Mingyu. “H-Halos nahulog ka n-nga sa upuan.” At talagang nagawa pa nitong makipag-talo.
“M-Minahal kita noong p-pinagtanggol mo ako sa harap ng mga t-taong gustong pumatay sa a-akin,” pagpapatuloy ni Mingyu.
Humigpit ang pagkakahawak ni Wonwoo sa kaniya. “A-At minahal kita noong s-sinabi mong hindi mo kailangang m-makita ang isang prinsipe para m-mahalin mo ako, dahil sapat na sa’yo na a-ako si M-Mingyu.”
“Dahil ikaw si Mingyu,” sagot ni Wonwoo, at tila iyon ang pinakamatamis na bagay na narinig ni Mingyu sa buong buhay niya.
“J-Just Mingyu,” pag-uulit ni Wonwoo.
“K-Kung sakaling ito na t-ttalaga…” mahinang wika ni Mingyu ngunit agad siyang pinutol ni Wonwoo.
“No! Hindi ako makakapayag!” Napabuntong-hininga si Mingyu bago marahang hinawakan ang kamay niya.
“B-Belle, please…”
“K-Kung sakaling ito na talaga ang huling p-pagkakataon na makakausap kita, g-gusto kong malaman mong w-wala akong pinagsisisihan s-sa lahat,” dahan-dahan niyang pinaglaruan ang mga daliri ni Wonwoo.
“H-Hindi ko pinagsisisihang d-dumating ka rito, hindi ko p-pinagsisisihang n-nahulog ako sa’yo, at higit sa lahat, h-hindi ko pinagsisisihang m-minahal kita kahit alam kong m-maaaring masaktan ka rin sa h-huli.”
Napailing si Wonwoo. “No… no… don’t…”
Ngunit nagpatuloy si Mingyu. “A-Alam kong masakit, pero sana h-huwag mong isipin na n-naging malungkot ang buhay ko d-dahil sa sumpa.” Huminga siya nang mabagal. “D-Dahil bago ka dumating, o-oo, m-malungkot ako, pero pagkatapos m-mong dumating, n-naging masaya ako.”
“N-Naging tahanan kita,” bulong ni Mingyu. Sa simpleng pangungusap na iyon ay tuluyang nadurog ang natitira pang lakas ni Wonwoo. “A-At kung may isang bagay a-akong gustong dalhin h-hanggang sa huling segundo ko, iyon a-ay ang alaala ng mukha mo n-noong una mong makita ang kastilyo, i-iyong takot na pilit mong tinatago, i-iyong mukha kapag naiinis ka sa akin, i-iyong tawa mo kapag nahuhuli mong t-tinitingnan kita, at i-iyong paraan ng pagsambit m-mo ng pangalan ko sa p-paraang hindi ako h-halimaw kundi tao.”
“Dahil tao ka,” giit ni Wonwoo.
Marahang ngumiti si Mingyu. “I-I know, baby, I k-know,” bulong niya bago muling hawakan ang pisngi nito.
“B-Belle, promise me s-something.”
“Ano?” tanong ni Wonwoo, halos wala nang lakas ang kaniyang boses.
“P-Please don't spend the rest o-of your life wishing you c-could have s-saved me.”
Agad na napailing si Wonwoo. “H-Hindi ko kayang ipangako iyan.”
“P-Please,” pakiusap ni Mingyu.
“Hindi kita kayang bitawan nang ganoon lang.” Saglit siyang tinitigan ni Mingyu.
“H-Hindi mo ako kailangang b-bitawan, Belle, d-dahil hindi ibig sabihin na m-mamamatay ako ay m-mawawala ako sa’yo.”
“Papaano?” Humihikbing tanong ni Wonwoo.
“S-Sa mga rosas,” bulong ni Mingyu. “S-Sa mga libro, s-sa mga g-gabing hindi ka m-makatulog at n-naaalala mong may isang taong d-dating nag-iiwan ng tsaa sa t-tabi ng kama mo, at k-kapag may nakita k-kang ibon na sugatan, a-alagaan mo.”
Napatawa si Wonwoo sa gitna ng pag-iyak. “Hindi ako mahilig sa ibon.”
Agad na ngumiti si Mingyu. “S-Sinungaling. Tinawag mo i-iyong cute.”
“Kasi cute naman talaga,” sagot ni Wonwoo.
Bahagyang tumawa si Mingyu. “B-Baby…”
Napatingin si Wonwoo sa kaniya. “T-That's what y-you are,” matamis na wika nito.
“Your baby?”
“Hmm. M-My baby.”
Napahikbi si Wonwoo bago muling hinawakan ang mukha niya. “Then don't leave me.”
Huminga nang malalim si Mingyu. “I-I wish I c-could stay.”
“I-I wish I could see y-you grow o-older,” patuloy niya, bahagyang nanginig ang kaniyang labi habang pilit niyang iniisip ang buhay na hindi na nila makakamtan.
“I-I wish I could w-watch you complain a-about everything for a-another fifty years, and I-I wish I could hear y-you tell me that my cooking is t-terrible even though we both know y-you secretly like i-it.”
Napangiti si Wonwoo sa gitna ng pagluha. “I can complain right now.”
“P-Please do,” sagot ni Mingyu. Agad naman siyang nagsimulang magreklamo tungkol sa luto nito, sa buhok nito, at sa mukha nitong nakakainis, hanggang sa hindi na niya napigilang umamin.
“I-I love e-everything about you.”
Nawala ang ngiti ni Mingyu nang marinig iyon, ilang segundo siyang nakatingin lamang kay Wonwoo, gustong tiyaking narinig niya talaga ang bawat salita.
“S-Say it again… p-please,” pakiusap ni Mingyu.
“Mahal kita,” wika niya.
“A-Again.”
“Mahal… m-mahal na mahal kita.”
Napapikit si Mingyu, at nang muli niyang imulat ang mga mata ay halos wala nang lakas ang kaniyang boses. “A-Again, baby.”
“Mahal kita, Mingyu Adam Kim.”
Dahan-dahang pumikit si Mingyu, tilanakahanap ng kapayapaan sa gitna ng lahat ng sakit. “T-That's enough,” bulong niya, ngunit agad na umiling si Wonwoo.
“Hindi pa.”
Bahagyang ngumiti si Mingyu. “F-For me, it is.”
Saglit siyang huminga bago muling bumulong, “I l-love you, Belle.” Napalunok si Wonwoo.
“I l-loved you yesterday…”
“I l-loved you today, and i-if there is a tomorrow s-somewhere…” Bahagya siyang ngumiti. “I'll l-love you t-there too.”
“Promise?” Humihikbing tanong ni Wonwoo sa kaniya.
Bahagyang gumalaw ang mga labi ni Mingyu sa isang huling ngiti. “P-Promise.”
Nang tuluyan nang bumigat ang kamay ni Mingyu sa kaniyang palad ay agad siyang niyakap ni Wonwoo, umiiyak ito saka dahan-dahang lumapit sa lalaki upang bigyan ito nang isang mariing halik sa labi.
“Hindi kita makakalimutan,” bulong niya sa kaniyang balikat, hindi sapat ang mga salitang iyon upang saluhin ang sakit na tila sumisira sa buong katawan niya.
Humagulgol siya habang lalo pang hinihigpitan ang pagkakayakap kay Mingyu. “H-Hindi kita kayang k-kalimutan.”
Sa gitna ng digmaang kumitil sa buhay ng isang halimaw na minahal ng isang taong hindi kailanman natakot na makita ang lalaki sa likod nito, nanatili si Wonwoo Belle roon, hawak ang kamay ni Mingyu. Dahil kung iyon na talaga ang huling gabi ni Mingyu sa mundo, ayaw niyang ang huling bagay na maramdaman nito ay ang mag-isa.
Gusto niyang sa huling sandali nito, kahit wala na itong malay, kahit wala na itong lakas para marinig siya, kahit hindi na nito kayang pisilin pabalik ang kamay niya… gusto ni Wonwoo na malaman nitong may isang taong nanatili. May isang taong pumili sa kaniya… at may isang taong minahal siya.
⊹ ࣪ ˖🕰️୭˚. ᵎᵎ🗝️
Ilang oras na ang lumipas mula nang matapos ang digmaan, ngunit para kay Wonwoo Belle, parang hindi pa rin gumagalaw ang oras.
Tahimik na ang paligid ng kastilyo, ngunit hindi iyon ang uri ng katahimikan na nagbibigay ng kapayapaan. Ito iyong katahimikang dumarating pagkatapos ng isang sakuna. Nasa isang sulok si Wonwoo, nakaupo sa malamig na sahig malapit sa malalaking hagdan ng kastilyo, nakayuko habang magkahawak ang kaniyang mga kamay na puno ng dugo na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya tuluyang nalilinisan.
Hindi na niya alam kung ilang oras na siyang ganoon, dahil sa totoo lang ay wala na rin siyang pakialam kung gabi na ba, madaling-araw, o sumikat na ang araw. Ang alam lamang niya ay ilang hakbang mula sa kaniya ay naroon si Mingyu, tahimik, malamig, at hindi na gumagalaw pa.
Hindi siya makatingin sa kaniya. Dahil sa tuwing titingin siya, umaasa pa rin ang isang napakaliit at napakatangang bahagi ng kaniyang utak na baka biglang gumalaw ang dibdib ni Mingyu, baka bumukas ang mga mata nito, baka marinig niya ulit ang malalim nitong boses na tatawag sa kaniya ng Belle.
Ilang beses na niyang sinubukang kumbinsihin ang sarili niyang kailangan niyang tanggapin ang nangyari, ngunit paano mo tatanggapin ang pagkawala ng taong ilang oras lamang ang nakalipas ay kausap mo pa, hinihingan mo pa ng pangako, at pinapangakuan ka pa ng isang bukas na ngayon ay hindi na darating?
Hindi niya alam kung paano magluksa para sa isang taong hindi niya kayang isipin na wala na. Kaya nanatili lamang siyang nakaupo roon, nakatulala sa kawalan, habang paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang huling ngiti ni Mingyu.
I'm glad you stayed.
Napapikit si Wonwoo. “Ang d-daya mo,” bulong niya.
Dahil bakit kailangan pang maging ganoon ang huling sinabi nito? Na para bang sapat nang alam ni Mingyu na nanatili siya? Na para bang hindi nito naisip kung paano siya mabubuhay pagkatapos?
Putangina. Gusto niyang magalit, gusto niyang sumigaw, gusto niyang sisihin si Mingyu dahil iniwan siya nito, ngunit kahit anong gawin niya ay bumabalik lamang siya sa isang katotohanan na hindi niya kayang baguhin.
“Gaano mo siya kamahal?”
Agad na napatingala si Wonwoo nang marinig ang boses na iyon. May isang babae na nakatayo ilang hakbang mula sa kaniya. Hindi niya alam kung kailan ito dumating. Hindi ito mukhang matanda, marahil ay nasa huling bahagi ng twenties, nakasuot ng mahabang damit na kulay abo na halos kapareho ng kulay ng umagang unti-unting sumisilip sa malalaking bintana ng kastilyo. May hawak itong maliit na parol, ngunit hindi na kailangan iyon dahil nagsisimula nang magliwanag ang langit, at sa mukha nito ay may kakaibang lungkot na para bang hindi rin siya estranghero sa ganitong uri ng pagkawala. Tahimik lamang itong nakatingin kay Wonwoo.
“Ha?”
“Gaano mo siya kamahal?” Pag-uulit ng babae.
Napatingin si Wonwoo kay Mingyu. “Bakit mo tinatanong?”
“Dahil kailangan kong malaman.”
“Para saan?”
“Para malaman ko kung may dahilan pa para bumalik siya.”
Nanigas si Wonwoo. Dahan-dahan siyang tumingin muli sa babae. “A-Ano?”
Hindi agad sumagot ang babae. Sa halip ay lumapit ito nang kaunti at umupo sa kabilang bahagi ng hagdan, nag-iwan ng sapat na distansya sa pagitan nilang dalawa.
“Tinanong kita kung gaano mo siya kamahal dahil may mga mahikang hindi nasusukat sa lakas ng sumpa kundi sa lalim ng pusong handang magsakripisyo para sa isang tao,” mahinang paliwanag niya.
“At bago mo sabihin na wala nang saysay ang tanong ko dahil patay na siya, pakinggan mo muna ako hanggang dulo, dahil may isang bagay tungkol kay Adam na hindi mo alam.” Bahagya siyang tumingin sa katawan ni Mingyu.
Napakunot-noo si Wonwoo. “Anong ibig mong sabihin?”
“Kung gaano mo siya kamahal.”
Napatawa si Wonwoo. “Hindi ko alam kung paano mo gustong sukatin iyon.”
“Hindi ko kailangan ng numero.”
“Then what?”
“Sabihin mo sa akin kung ano ang kaya mong isakripisyo para sa kaniya.”
Natahimik si Wonwoo. Tumingin siya sa kaniyang mga kamay. Pagkatapos ay tumingin siya kay Mingyu. “Mahal na mahal ko siya.”
Bahagyang nanginig ang kaniyang boses. “Hindi iyong tipo ng pagmamahal na kaya mong sabihin kapag masaya ka at ayos ang lahat, hindi iyong pagmamahal na madali kapag walang problema, at lalong hindi iyong pagmamahal na nawawala kapag nakita mo na ang pangit na bahagi ng isang tao.”
Huminga siya nang malalim. “Mahal ko siya kahit noong halimaw pa ang tingin ko sa kaniya, kahit galit siya, kahit masungit siya, kahit napakalaki ng bibig niya kapag nakikipagtalo sa akin, at kahit minsan gusto ko siyang ihulog mula sa pinakamataas na tore ng kastilyo.”
Napangiti siya nang kaunti. “Pero hindi ko ginawa.”
“Dahil mahal ko siya.”
“Mas mahal ko siya kaysa sa sarili ko.” Napatingin siya kay Mingyu. “Mas mahal ko siya kaysa sa buhay ko.”
His hands balled into fists. “Kung kailangan kong ibigay ang lahat para lang magkaroon siya ng isa pang pagkakataon na mabuhay, gagawin ko.”
“Lahat?”
“Lahat.”
“Pati buhay mo?”
Hindi nagdalawang-isip na sumagot si Wonwoo. “Kung iyon ang kapalit para makabalik siya, gagawin ko.”
“Pati ang posibilidad na hindi ka na niya makilala?”
“Basta mabuhay siya.”
“Kahit mawala na ang lahat ng alaala ninyo?”
Napaluha si Wonwoo. “Kung kailangan niyang mabuhay nang hindi niya ako naaalala, ayos lang.”
“Sigurado ka?”
Napayuko si Wonwoo. “Siguradong-sigurado ako.”
Tahimik na tumingin ang babae sa kaniya. “Bakit?”
Dahan-dahang tumingin si Wonwoo kay Mingyu. “Dahil hindi ko siya minahal para mahalin niya ako pabalik.”
Napasinghap siya. “Minahal ko siya dahil siya si Mingyu.”
Isang luha ang bumagsak sa kaniyang pisngi. “Kung mabubuhay siya at hindi niya na ako maalala pa, ayos lang. Masakit man… pero basta alam kong buhay siya… doon palang, panalo na ako. Doon pa lang, masaya na ako.”
Tuluyang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata. “Kaya kung iyon ang huling bagay na kaya kong gawin para sa kaniya, gagawin ko.”
Matagal na hindi nagsalita ang babae. Pagkatapos ay marahan siyang tumayo. “Kung ganoon,” sabi niya, “baka hindi pa huli ang lahat.”
Napatingin si Wonwoo sa kaniya. “Ano?”
“Akala mo ba ang tanging kondisyon para matapos ang sumpa ay ang mahalin siya?”
Hindi nakasagot si Wonwoo. “Hindi iyon ganoon kasimple.”
Lumapit ang babae sa isang malaking mesa na nasa gilid ng bulwagan, at doon ay may maliit na kahong gawa sa lumang kahoy. Maingat niya iyong binuksan at inilabas ang isang bagay na nakabalot sa telang kulay puti. Nang alisin niya ang tela, nakita ni Wonwoo ang isang basag na salamin, at sa gitna nito ay may ukit ng isang rosas na ang mga talulot ay halos lahat nang nalaglag. Isang huling talulot na lamang ang natitira.
“Ang sumpa kay Mingyu ay may takdang panahon.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“May isang rosas sa hardin.” Napatingin si Wonwoo sa kaniya. “Ang rosas na iyon ang nagsisilbing orasan ng sumpa niya.”
“Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo.”
“Hindi niya iyon sinabi sa’yo dahil ayaw niyang matakot ka. Ngunit sa bawat paglipas ng panahon, nalalagas ang mga talulot nito. At kapag bumagsak na ang huling talulot…”
Huminto ang babae. “…mawawala kay Adam ang huling pagkakataong makabalik sa kaniyang dating anyo… bilang tao.”
Napatingin si Wonwoo kay Mingyu. “May isang bagay na hindi kayang gawin ng sumpa, Belle. Hindi nito kayang pigilan ang pag-ibig na kusang pinipili.”
Natahimik si Wonwoo. “Ang sumpa ay ginawa para parusahan si Adam sa pagiging sarado ng puso niya,” paliwanag ng babae. “Isinara niya ang sarili niya sa lahat ng tao, naniwala siyang walang makakakita sa kaniya bilang tao, at sa bawat taong lumalayo sa kaniya ay lalo niyang pinaniniwalaan na wala nang dahilan para magbago.”
Tumingin siya kay Wonwoo. “Ngunit dumating ka, at sa halip na tingnan ang kaniyang mga pangil, nakita mo ang taong nagtatago sa likod ng mga iyon.”
Napaluha si Wonwoo. “Pero… b-bakit siya nawala?”
“Dahil naubos ang oras. Ang sumpa ay may hangganan, Belle.”
Dahan-dahan niyang ipinaliwanag ang lahat. “Muntik nang bumalik si Mingyu sa dati niyang anyo noong gabing sinabi niyang mahal ka niya, dahil iyon ang sandaling tunay niyang pinili ang isang tao kaysa sa kaniyang takot, at nagsimula nang magbago ang sumpa.”
Saglit siyang tumingin sa rosas na nasa mesa. “Ngunit dumating ang huling araw, at bumagsak ang pinakahuling talulot bago tuluyang matapos ang pagbabago.” Napalunok siya. “Kaya nang maubos ang oras, hindi na naging sapat ang pag-ibig lamang upang ibalik ang katawan niya sa dati.”
“Kung ganoon…” Napatingin si Wonwoo sa babae. “Kung dumating ako nang mas maaga…”
Hindi siya pinatapos ng babae. “Baka iba ang nangyari.”
Napapikit si Wonwoo. “May paraan pa ba?”
“Please tell me there is. Dahil kung kailangan kong mawala para mabuhay siya…” Tumingin siya kay Mingyu. “Then take me.”
“Kung kailangan kong ibigay ang mga alaala ko, kunin mo. Kung kailangan kong ibigay ang buhay ko, kunin mo. Kung kailangan kong mawala sa mundo niya para lang magkaroon siya ng pagkakataong mabuhay sa mundo…” Hinawakan niya ang malamig na kamay ni Mingyu. “Gagawin ko.”
Nagsimulang tumulo muli ang luha niya. “Dahil sinabi ko sa kaniya na hindi ko siya iiwan.” Marahan niyang idinikit ang noo niya sa kamay ni Mingyu. “At kahit wala na siya, hindi ko babawiin ang pangakong iyon.”
“Kung ganoon, puntahan natin ang rosas… dahil kung may kahit isang paraan para tawagin siyang pabalik…” Tumingin ang babae sa katawan ni Mingyu. “…kailangan nating gawin iyon bago tuluyang sumikat ang araw.”
At sa unang pagkakataon mula nang mawala ang huling hininga ni Mingyu, tumayo si Wonwoo. Hindi dahil tumigil na siyang masaktan. Hindi dahil naging madali ang pagkawala ng pinakamamahal niya para sa kaniya. Kundi dahil may isang bagay siyang mas malinaw na naintindihan.
Hindi pa siya handang magpaalam. Hindi sa lalaking minahal niya nang higit pa sa kaniyang sarili.
Kaya habang dahan-dahang lumalapit ang unang liwanag ng umaga sa mga bintana ng kastilyo, hinawakan ni Wonwoo nang mahigpit ang kamay ni Mingyu. “Hintayin mo ako, Adam.” Isang luha ang bumagsak sa kanilang magkahawak na kamay. “Kung kailangan kitang hanapin kahit saan…” Huminga siya nang malalim. “Gagawin ko. Lahat, gagawin ko. Para sa’yo.”
⊹ ࣪ ˖🕰️୭˚. ᵎᵎ🗝️
Hindi alam ni Wonwoo kung paano siya nakarating sa hardin. Ang alam lamang niya ay kanina pa niya sinusundan ang babae sa isang makitid at madilim na pasilyo na halos hindi na ginagamit sa loob ng kastilyo, pababa nang pababa sa mga hagdang tila walang katapusan, hanggang sa tuluyan silang huminto sa harap ng isang lumang pintuang yari sa kahoy na halos matabunan na ng mga gumagapang na ugat.
Nang buksan iyon ng babae, bumungad sa kaniya ang harding ilang buwan niyang minahal at kinatakutan nang sabay—ang lugar kung saan unang naging tahimik ang mundo para sa kanilang dalawa, kung saan unang sinabi ni Mingyu na mahal siya nito, at kung saan minsan silang nangakong babalik kinabukasan upang tingnan kung alin sa mga rosas ang unang mamumukadkad. Ngunit ngayong naroon na siya, wala nang kahit anong romantikong himig ang hardin; malamig ito, tahimik, at tila ba pati ang hangin ay nagluluksa sa mga bagay na hindi na maaaring maibalik.
Sa ilalim ng maputlang liwanag ng buwan, nakayuko ang mga rosas na dati nilang pinagmamasdan habang nag-uusap hanggang madaling-araw. Ang mga talulot na minsang matingkad at buhay ay unti-unting nalalanta, ang mga dahon ay natutuyo, at ang mga tinik ay tila mas matalas kaysa dati, na para bang maging ang hardin ay alam na may isang bagay na malapit nang matapos. Hindi alam ni Wonwoo kung bakit lalo siyang nahirapang huminga habang naglalakad siya papasok, ngunit sa bawat hakbang ay tila may bahagi ng kaniyang puso ang naiwan sa likuran.
Sa pinakagitna ng hardin, sa ibabaw ng isang maliit na batong pedestal na napalilibutan ng nagyeyelong tubig at tuyong dahon, naroon ang dahilan kung bakit siya narito.
Ang rosas.
Isang tangkay na lamang ang natitira, nakatayo sa gitna ng katahimikan na para bang pilit nitong ipinaglalaban ang sarili laban sa nalalapit na wakas. Halos lahat ng talulot nito ay nalaglag na, at sa pinakadulo ng tangkay ay may isang huling talulot na bahagyang nanginginig sa malamig na hangin, napakahina at napakapino na tila isang hinga na lamang ang hinihintay bago tuluyang bumitaw.
Napalunok si Wonwoo habang dahan-dahan siyang lumapit, at sa bawat hakbang niya ay lalo niyang nararamdaman ang bigat ng oras na hindi niya kayang pigilan, gaano man niya ito kagustuhing habulin.
Iyan ang orasan niya.
“Anong gagawin ko?” tanong niya, pabulong, sapagkat natatakot siyang baka pati ang boses niya ay makasira sa huling sandaling mayroon sila.
“Sabihin mo ang totoo.”
“Anong totoo?”
“Ang nararamdaman mo para kay Adam.”
Napatingin si Wonwoo sa rosas, sa loob ng ilang segundo ay wala siyang masagot sapagkat bigla niyang napagtanto kung gaano karaming bagay ang matagal niyang kinikimkim sa likod ng mga salitang mahal kita.
“Hindi sapat ang sabihin kong mahal ko siya?” tanong niya, ang tinig niya ay puno ng pagod, takot, at pag-asang pilit niyang pinanghahawakan.
“Hindi kung sinasabi mo iyon dahil ayaw mong mawala siya,” sagot ng babae.
Napapikit siya. Marahil ay tama ang babae, sapagkat sa ilalim ng lahat ng kaniyang pagmamakaawa ay may katotohanang matagal niyang iniiwasang sabihin sa sarili. Hindi lamang niya gustong bumalik si Mingyu dahil hindi niya kayang mabuhay nang wala ito; gusto niyang bumalik si Mingyu dahil gusto niyang mabuhay ito, kahit ang kapalit ay ang tuluyan nitong pagkawala sa kaniyang buhay, kahit kailangan nitong kalimutan ang pangalan niya, ang mukha niya, ang mga gabing magkasama sila, at kahit kailangan niyang bumalik sa kanilang nayon nang mag-isa at gugulin ang natitirang bahagi ng kaniyang buhay sa pag-alala sa isang lalaking hindi na siya makikilala.
Kaya dahan-dahang lumuhod si Wonwoo sa harap ng rosas.
Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang inabot niya ang mga ito, ngunit hindi niya pinilit ang sarili na maging matapang. Sa unang pagkakataon, hinayaan niyang makita ng isang tahimik na hardin ang lahat ng sakit na ilang linggo niyang itinago, ang lahat ng takot na ayaw niyang aminin, at ang lahat ng pagmamahal na hindi niya alam kung saan ilalagay ngayong maaaring wala nang bukas para sa kanila.
“Adam…” Nanginginig ang boses niya, sa simpleng pagbigkas lamang ng pangalan nito ay agad nang bumagsak ang unang luha mula sa kaniyang mga mata.
“Hindi ko alam kung naririnig mo ako, pero gusto kong malaman mo na kahit wala ka rito para sagutin ako… gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita, at kung may kailangan akong ibigay para bumalik ka, ibibigay ko—hindi dahil gusto kong may kapalit ang pagmamahal ko, kundi dahil gusto kong mabuhay ka.”
Tuluy-tuloy na ang pag-iyak ni Wonwoo. “Kung kailangan mong kalimutan ako, kalimutan mo ako,” bulong niya. “Kung kailangan kong mawala sa buhay mo, mawawala ako, at kung kailangan mong mabuhay nang hindi na kailanman alam kung sino ako, tatanggapin ko iyon basta’t magising ka.”
Napahawak siya sa sariling dibdib, pilit na humihinga kahit pakiramdam niya ay unti-unting pinipiga ang puso niya sa loob nito. “Kung kailangan kong ialay ang mga alaala natin, kunin mo… kunin mo lahat.”
Isang luha ang bumagsak sa huling talulot. “Pero sana,” patuloy niya, “kahit isang maliit na bahagi lamang ng puso mo ang manatili para sa alaala ng isang taong minsang nagmahal sa iyo… sana ay maramdaman mo ito.”
Huminga siya nang malalim. “Sana… kahit hindi mo na maalala ang pangalan ko, maalala ng puso mo na minsan ay may isang taong tumingin sa iyo nang buong-buo at minahal ka hindi dahil sa kung ano ang kaya mong maging, kundi dahil ikaw iyon. Dahil ikaw si Mingyu Adam Kim.”
“At kung iyon lang ang maiiwan sa akin, tatanggapin ko.”
Tahimik ang hardin. Walang nangyari. Walang himala, walang tinig, walang mahiwagang liwanag na dumating upang iligtas sila. Napayuko si Wonwoo at napatawa nang mahina sa pagitan ng kaniyang mga hikbi, isang basag at mapait na tawang puno ng kawalan ng pag-asa. “Ang cheesy ko, ano?” bulong niya habang pinupunasan ang kaniyang mga pisngi na wala ring saysay sapagkat patuloy lamang ang pag-agos ng kaniyang luha. “Sigurado akong pagtatawanan mo ako kapag naririnig mo ito, at sasabihin mong napaka-dramatic ko.”
Huminga siya nang malalim. “Pero ikaw ang nagturo sa akin na maging ganito.”
Pagkatapos niyon ay nahulog ang isa pang luha mula sa kaniyang pisngi. Tumama iyon mismo sa huling talulot.
Napatigil si Wonwoo sapagkat biglang nawala ang malamig na simoy na kanina pa dumadampi sa kaniyang balat. Ang mga dahon sa mga puno ay hindi na gumalaw, ang mga tuyong talulot ay nanatiling nakabitin sa hangin, at maging ang tubig sa paligid ng pedestal ay tila nagyelo sa mismong sandali ng pagkilos. Sa harap niya, ang huling rosas na kanina ay halos malaglag na ay nagsimulang magliwanag.
“Belle…” Napaatras ang babae. “Lumayo ka.”
Biglang kumalat ang ginintuang liwanag mula sa rosas, dumaloy sa mga ugat nito na parang dugo ng isang bagay na muling nabubuhay, pababa sa pedestal at patungo sa nagyeyelong lupa. Sa loob lamang ng ilang segundo, kumalat iyon sa buong hardin, umaakyat sa mga puno at dumadausdos sa mga damuhan na para bang libu-libong bituin ang sabay-sabay na nagising mula sa ilalim ng lupa. Napapikit si Wonwoo at itinaas ang kaniyang braso upang takpan ang mukha, ngunit kahit nakapikit siya ay ramdam niya ang init na bumabalot sa kaniyang katawan, at sa unang pagkakataon matapos ang napakahabang gabi ay hindi na malamig ang kaniyang mga kamay.
Maya-maya pa ay napamulat si Wonwoo. Sa gitna ng hardin, kung saan kanina nakahimlay ang katawan ni Mingyu ay may isang anyong nakaluhod sa niyebe. Ilang segundo siyang hindi nakagalaw, sapagkat hindi agad naunawaan ng kaniyang isip ang nakikita ng kaniyang mga mata. Ngunit nang unti-unting humupa ang liwanag, nakita niya ang balikat, ang mga kamay, ang buhok, ang pamilyar na anyo ng isang taong ilang oras lamang ang nakalipas ay inakala niyang tuluyan na niyang nawala.
“Adam?”
Hindi gumalaw ang lalaki. “Mingyu?”
Dahan-dahang lumapit si Wonwoo, takot na takot na baka kapag hinawakan niya ito ay mawala na naman ang lahat. Ang dating makapal na balahibo ng halimaw ay wala na, at ang malalaking kamay na dati ay may matutulis na kuko ay naging mga kamay ng isang tao—mahahaba ang mga daliri, bahagyang nanginginig, at nakasandal sa malamig na lupa. Ang malawak na katawan na minsang natatakpan ng balahibo ay nagbalik sa anyong tao, matangkad, malapad ang balikat, at sa halip na katakutan ay may kakaibang pamilyar na ganda roon na halos masakit pagmasdan.
Moreno ang balat nito, bahagyang namumula dahil sa lamig, habang ang maitim na buhok ay mas mahaba kaysa dati at bahagyang nakatakip sa noo at mga mata. Matangos ang ilong, makapal ang kilay, matulis ang panga, at kahit nakapikit pa ang mga mata niya ay kilala ni Wonwoo ang mukha nito. Ito ang mukha ng lalaking ilang buwan niyang nakilala sa likod ng isang anyong hindi niya kailanman kinailangang baguhin upang mahalin, at sa gitna ng lahat ng takot, luha, at sakit na bumabalot sa kaniyang dibdib, isang napakasimpleng kaisipan ang biglang sumagi sa isip niya.
Tangina. Ang pogi niya.
Napahawak si Wonwoo sa bibig. “A-Adam…”
Dahan-dahan siyang lumapit sa lalaki. Umupo siya sa tabi nito, nanginginig ang mga tuhod at halos hindi pa rin makapaniwala sa kaniyang mga mata. “Pati ba naman sa kamatayan, kailangan mong maging gwapo?” bulong niya, pilit na tinatawanan ang sarili upang hindi tuluyang maiyak.
Ngunit walang sagot na dumating, at sa isang iglap ay bumalik ang takot na kanina pa niya pilit kinakalimutan. “Mingyu?”
Marahan niyang hinawakan ang pisngi nito. Napasinghap si Wonwoo, at sa simpleng init na iyon ay tuluyang gumuho ang huling pader na pilit niyang itinayo sa pagitan ng sarili at ng pag-asa.
“Buhay ka,” bulong niya, halos hindi makapaniwala sa sariling salita. “Buhay ka, mahal.”
Biglang gumalaw ang mga pilikmata ni Mingyu at dahan-dahang bumukas ang mga mata nito.
Ang parehong mga mata. Ang mga matang ilang oras lamang ang nakalipas ay nakita niyang tuluyang pumikit.
“Belle…?”
Napahagulgol si Wonwoo.
Naalala siya nito.
“Gago ka.”
Bahagyang kumunot ang noo ni Mingyu habang pilit niyang inaayos ang sarili sa lupa. “Bakit ka umiiyak?” tanong niya.
Napatawa si Wonwoo sa gitna ng pag-iyak. “You’re such an idiot.”
“Bakit?”
“Akala ko wala ka na.”
Mingyu looked at him for a long moment. “But I’m already here, baby.”
“Hindi mo alam kung gaano ako natakot.”
Mingyu smiled. Sa sandaling iyon ay nakita ni Wonwoo ang ngiting ilang oras niyang inakala na hindi na niya kailanman makikita pa. “Come here.”
Hindi na nagdalawang-isip pa si Wonwoo. Agad siyang yumakap rito nang buong lakas, halos mapasandal si Mingyu sa lupa dahil sa biglaang bigat ng kaniyang katawan. Napahawak si Mingyu sa kaniyang likod at marahang niyakap siya pabalik, at sa unang pagkakataon ay naramdaman ni Wonwoo ang dalawang bisig nito bilang isang ganap na tao. Mahigpit niyang isinubsob ang mukha sa balikat nito.
“I thought I lost you.”
Mingyu pressed his cheek against Wonwoo's hair. “You didn’t.”
Napatingin si Wonwoo sa kaniya nang masama. “Huwag mo na ulit akong tatakutin nang ganoon. Mapapalo talaga kita sa pwet.”
Mingyu laughed softly. “I won’t, baby. I promise.”
At dahil matagal na niyang hindi naririnig ang tawa nito, napangiti rin si Wonwoo kahit basa pa rin ng luha ang buong mukha niya. May kung anong kakaiba sa tunog na iyon—payak lamang, halos walang halaga kung tutuusin, ngunit para kay Wonwoo ay parang musika iyon ng isang mundong muling nabuo. Ilang oras lamang ang nakalipas ay handa na siyang mabuhay sa mundong wala ang tunog na iyon, ngunit ngayon ay parang gusto niyang tandaan ang bawat segundo nito. Kaya hinayaan niyang tumawa si Mingyu, kahit ang sarili niyang mga mata ay patuloy pa ring umiiyak.
“Ang pangit mo pa rin.”
“Talaga? Akala ko pogi ako.”
“Hindi, ah. Sinong sinungaling ang nagsabi sa’yo niyan?”
“Sigurado ka?”
“Oo.”
“Then why are you staring?”
Napalingon agad si Wonwoo sa ibang direksyon. “Hindi ako nakatingin.”
“Five seconds ka nang nakatitig sa akin, baby.”
“Hindi kaya.”
“Wonwoo… baby…”
“Tumahimik ka.”
Mingyu smiled. “Yeah. Missed you too.”
Napatingin muli si Wonwoo sa kaniya. Dahan-dahang itinaas ni Mingyu ang kamay at hinawakan ang pisngi niya. Magaan lamang ang haplos nito, ngunit sapat iyon upang muling bumalik sa isip ni Wonwoo ang lahat ng gabing hinawakan niya ang kamay ng lalaking pinakamamahal niya.
“I'm glad you stayed,” bulong ni Mingyu.
“Dahil mahal kita. Kahit maging ano ka pa.”
Napatawa ang lalaki. “Kahit maging uod pa ako?”
“Well… siguro itatapon muna kita kasi matatakot ako. But I’ll grow to love you. That’s for sure. Basta ikaw si Mingyu, mamahalin kita. Basta ikaw si Mingyu, pipiliin kita.”
Mingyu's eyes softened. “Just Mingyu?”
“Just Mingyu.”
“Then that's enough.”
Dahan-dahan niyang inilapit ang kaniyang mukha kay Wonwoo. “Pwede ba kitang halikan?”
Napangiti si Wonwoo sa pagitan ng luha. “Ang dami mo talagang tanong.”
“Baka pagalitan mo ako.”
“Pagagalitan talaga kita.”
“Okay.”
“Pero halikan mo pa rin ako.”
Hindi na naghintay pa si Mingyu. Marahan niyang hinawakan ang mukha ni Wonwoo at hinalikan siya, dahan-dahan at maingat na para bang pareho silang natatakot na isa lamang itong panaginip at kapag gumalaw sila nang sobra ay biglang mawawala ang lahat.
Hindi iyon engrandeng halik, walang mahiwagang liwanag na muling sumabog sa paligid nila, walang mga kampana o mga anghel na umaawit sa malayo. Nang tuluyang maghiwalay ang kanilang mga labi, nanatili silang magkalapit, magkadikit ang noo, parehong nakangiti at umiiyak sa tuwang nararamdaman.
“I love you,” bulong ni Mingyu.
Napapikit si Wonwoo. “I love you too.”
“I love you so much.”
“Mahal kita.”
“I know.”
“Hindi mo alam.”
“I do.”
“Hindi.”
Mingyu laughed softly. “Then tell me again.”
Napailing si Wonwoo. “Ang demanding mo.”
“Please?”
“Mahal kita.”
“Again.”
“Mahal… mahal na mahal kita.”
Mingyu smiled. “Again.”
“Mahal na mahal kita, Mingyu Adam Kim.”
Hinawakan ni Wonwoo ang kamay nito at pinagmasdan ang mga daliring minsang naging matutulis na kuko, ngunit ngayon ay nanginginig na lamang sa loob ng kaniyang palad. “At kahit bumalik ka sa pagiging tao, kahit magbago ang lahat, kahit wala na iyong sumpa at hindi na tayo nakatira sa kastilyong ito, pipiliin pa rin kita,” wika niya, bawat salita ay mabagal at malinaw na para bang gusto niyang itanim iyon sa puso ni Mingyu.
“Pipiliin kita. Hindi dahil iniligtas kita ngayon, at hindi dahil kailangan kitang iligtas sa bawat pagkakataon, kundi dahil ikaw ang taong minamahal ko.” Huminga siya nang malalim at ngumiti sa kabila ng mga luha. “I'll still choose you.”
Mingyu's eyes filled with tears. “Every day?”
“Every day.”
“Even when I'm annoying?”
“Especially then.”
“Even when I cook badly?”
“Definitely not.”
Napatawa si Mingyu. “Mahal na mahal din kita, Wonwoo Belle Jeon.”
Sa ilalim ng mga rosas na unti-unting muling namumukadkad sa paligid nila, sa kastilyong minsang naging kulungan at kalaunan ay naging tahanan, magkatabi silang nakaupo habang unti-unting sumisikat ang araw sa ibabaw ng enchanted forest. Ang mga unang sinag ng umaga ay dumampi sa mga dingding ng kastilyo, sa nagyeyelong tubig, sa mga tuyong dahon, at sa mga rosas na kanina lamang ay tila naghihintay ng kanilang sariling kamatayan.
Hindi na kailangan ni Wonwoo ng isang prinsipe, at hindi na kailangang maging halimaw ni Mingyu upang patunayan na karapat-dapat siyang mahalin, dahil sa huli ay hindi naman pala ang sumpa ang pinakamalaking problema nila kundi ang paniniwalang kailangan mong maging ibang tao bago ka piliin ng taong mahal mo.
At iyon ang sumpang pareho nilang winasak.
Sa ilalim ng muling namumukadkad na mga rosas, magkahawak ang kanilang mga kamay, sabay nilang pinili ang isa't isa.
Ngayon. Bukas. At sa bawat araw na darating.
Dahil kahit ilang beses silang subukang paghiwalayin ng mundo… ay patuloy pa rin nilang pipiliin ang isa't isa.
⊹ ࣪ ˖🕰️୭˚. ᵎᵎ🗝️
Hindi kailanman naniwala si Wonwoo Belle sa mga kuwentong nababasa niya sa mga libro—sa mga prinsipe na dumarating upang iligtas ang kanilang minamahal, sa mga sumpang kayang wasakin ng isang halik, sa mga rosas na namumulaklak muli matapos ang isang himala, at lalong-lalo na sa mga kuwentong nagtatapos sa pangakong happily ever after.
Para sa kaniya, ang mga iyon ay mga kuwentong isinulat lamang upang paniwalain ang mga taong gustong maniwala na may mundong hindi kailanman nananakit, mundong laging may magandang wakas para sa bawat taong marunong magmahal. Ngunit ngayon, habang magkahawak ang kanilang mga kamay at pinagmamasdan niyang muling namumukadkad ang mga rosas sa hardin, napagtanto niyang minsan pala, may mga kuwentong hindi mo kailangang paniwalaan upang maranasan.
Dahil naranasan niya mismo ang mahika.
Naranasan niyang mahalin ang isang lalaking minsang tinawag na halimaw. Naranasan niyang mawalan, maghintay, umiyak, at humawak sa isang huling talulot kahit alam niyang maaaring wala nang mangyari.
Kaya marahil, hindi lahat ng enchanted stories ay tungkol sa mga kastilyo, mahikang rosas, prinsipe, o mga sumpang kailangang wasakin. Minsan, ang enchanted story ay iyong kuwentong hindi mo inaasahang magiging bahagi ka, iyong kuwentong nagsimula sa maling pagkakataon at muntik nang magtapos sa pagkawala, ngunit sa kabila ng lahat ay nagpatuloy dahil may dalawang taong parehong piniling manatili.
At kung may isang bagay mang natutunan si Wonwoo, iyon ay hindi pala kailangang maging perpekto ang isang kuwento upang matawag itong happily ever after.
Minsan, ang pinakamagandang kuwentong mababasa mo ay iyong kuwentong hindi kailanman kailangang manatili sa libro.
Dahil minsan, ikaw mismo ang kuwento.
Kaya ikaw? Ano ang enchanted story mo?
⊹ ࣪ ˖🕰️୭˚. ᵎᵎ🗝️
