Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Series:
Part 6 of iindak na lamang sa tibok ng puso (nino?)
Stats:
Published:
2026-08-24
Words:
810
Chapters:
1/1
Comments:
2
Kudos:
31
Bookmarks:
1
Hits:
322

mine

Summary:

“ba’t ka hinalikan ng tropa mo?! gago—sinasabi ko sa’yo, june. alam naman nating lahat na mabait ‘yang si kyle at sobrang pasensyoso sa mga kalokohan mo. pero ‘yung umabot sa ganito ‘yung mga pangtitrip mo sa kan’ya, iba na ‘yun, ‘tol!”

Notes:

(See the end of the work for notes.)

Work Text:

— ** university, taft avenue, manila.

 

“—hoy, tangina mo, ‘baba mo ‘ko! ‘di ka naman mabiro eh!”

hindi pinansin ni kyle si june—tuloy-tuloy lang s’ya sa paglalakad sa hallway ng engineering building. kalmado ang ekspresyon sa mukha nito—taliwas sa hindi mapakaling, namamawis nang malamig na si june.

pa’no nga namang ‘di mapakali—buhat-buhat lang naman s’ya ni kyle na parang wala lang sa kan’ya ang bigat ng katawan ni june!

sa loob-loob ni june, alam n’yang batak na si kyle sa pagbubuhat ‘di lang dahil sa gymrat s’ya. s’ya ang laging umaakay kay june kapag labis na naglalasing, at minsan naman pinapasan s’ya ni kyle pabalik sa dorm kung malapit lang naman ‘yung pinag-inuman nilang dalawa (ni june).

pero kahit kailan! ni minsan! hindi siya binuhat ni kyle na princess-style—este, sa mga braso nito! tanginang gago rin talaga ‘tong hayop na ‘to—ba’t naman kasi napaka-seryoso nitong kumag na ‘to sa (halos) lahat ng bagay!

ang mas nakakabwisit pa, parang wala lang kay kyle ang mga tawanan, hagikhikan, at bulungan ng mga kapwa nila estudyante habang pinanunuod silang dalawa. kalmado pa rin, walang bahid o katiting ng kahihiyan sa pagmumukha nito.

sarap bangasan, sa totoo lang. tangina talaga.

(kasalanan din naman kasi ni june—sino ba kasing siraulo ang magde-dare sa isang kyle panganiban na buhatin s’ya pababa ng engineering building?)

“tangina, baba, mo na, kasi, ako!” bawat salitang lumalabas sa bibig ni june may kasamang (mahinang) suntok sa balikat ni kyle. “may, reputasyon, ako, rito, sinasabi ko, sa’yo! ano ba’ng problema—”

di napansin ni june na nasa ground floor na pala silang dalawa, malapit sa main entrance ng campus. mas maraming estudyante ang nakatitig sa kanilang dalawa ngayon. kilalang-kilala ang dalawa, lalo na si kyle, kaya madaling mapansin ang mga presensya nila.

bago pa man muling nasinghalan ni june si kyle, pinangunahan na s’ya nito.

“hanggang 8pm pa pasok ko, kaya ikaw na muna bahala sa dinner natin sa dorm,” kyle’s voice is too gentle, akala mo hindi gumawa ng eskandalo sa engineering building. “‘wag mo na ako hintayin, mauna ka na sa dorm para makapag-pahinga ka na rin nang maaga.”

“anong—”

“nasa bag mo yung hiniram kong airpods, pati charger mo. kung may kailangan ka sa’kin, text mo na lang ako. ‘wag ka mag-message sa IG ko, naka-disable lahat ng social media ko sa phone.”

“kyle—”

 

sasabihin ni june expected n’ya na ‘to. ang lalabas sa bibig ni june ay alam na n’yang mangyayari ‘to dahil kilalang kilala na n’ya si kyle—“ilang taon na kaya kaming magkasama n’yan!” ipagmamayabang pa nga siguro sa buong student body. ipagkakalat na wala, ‘di ah, ‘lam na n’ya mga galawan ng isang kyle panganiban, lumang tugtugin na nga kung iisipin, eh!”

 

ang hinding-hindi n’ya sasabihin, o aaminin kahit kay kyle, ay kung pa’no lumakas ang tibok ng puso n’ya nang maramdaman ang mainit na palad ni kyle sa pisngi n’ya. kung pa’nong halos manghina ang mga tuhod niya dahil sa mga matang nakatitig sa kan’ya—maalab, matamis, punong-puno ng mga emosyong tanging pinapakita lang ni kyle sa kan’ya.

kung pa’nong nag-init ang kanyang mga pisngi nu’ng hinila s’ya ni kyle papalapit sa kanya, may mapaglarong ngiti sa mga labi nito.

at—

 

chu.

“ingat ka, baby.”

 

mga ilang segundo rin bago bumalik ang ulirat ni june. mga isang minuto bago n’ya na-realize na nakatayo pa rin s’ya sa ground floor, tulala, at nakatitig na sa kan’ya ang lahat.

tang—

tangi—

tanginang gago—

 

“oy, june bautista!” halos lumuwa na puso ni june dahil sa gulat. “tangina mo, may ‘di ka ba sinasabi sa’min, ha?!”

lumingon si june sa kung sino man ang nagpagising ng diwa n’ya. “anong ‘di ko sinasabi?”

binatukan s’ya ng malakas ni sam, sabay hila sa braso ni june palabas ng campus. “ba’t ka hinalikan ng tropa mo?! gago—sinasabi ko sa’yo, june. alam naman nating lahat na mabait ‘yang si kyle at sobrang pasensyoso sa mga kalokohan mo. pero ‘yung umabot sa ganito ‘yung mga pangtitrip mo sa kan’ya, iba na ‘yun, ‘tol!”

matalim ang tingin ni june sa kaibigan. “anong pangtitrip?”

“‘ba, ewan ko sa’yong siraulo ka! for all i know, baka nag-truth or dare kayong dalawa ta’s natalo si kyle kaya ka hinalik—”

hindi namumula ang mga pisngi ni june. hindi niya pinipigilan ang ngiti sa kan’yang mga labi. at lalong hindi s’ya kinikilig, bwisit, ano bang problema ni kyle sa kanya—!

“bakit, may problema ka?” mas mabilis sumagot ang bibig ni june kesa sa utak nito. “e ano ngayon kung hinalikan ako ni kyle, gusto mo bang halikan din kita?”

…haaah. badtrip. bwisit na bunganga ‘to.

“taena—sagutin mo na lang kasi tanong ko!”

hindi na napigilan pa ni june ang kan’yang ngiti. hindi na n’ya napigilan ang mahinang tawa; nararamdaman pa n’ya ang matamis na halik ni kyle sa kan’yang labi.

“sabi ko sa’yo ‘di ba? boyfriend ko na si kyle.”

 

thirty seconds.

 

“haaaaaaa?!”

Notes:

yes post canon na to kasi utang na loob walang umuusad sa canon universe lmao

Series this work belongs to: