Work Text:
Solomon, an unconditional, transcendent love and the understanding of how rare, true, selfless devotion is.
“Time of death, 6:08 AM,” ang sabi ng doktor, hindi nagpakilala o hindi niya na narinig ang pangalan.
Honestly, he doesn’t know what to feel right now. Lahat ng ‘to bago kay Wonwoo. Lahat ng mga nadirinig niya ay ‘yung mga bagay na hindi niya pa kayang intindihin ngayon. Itong mga bagay na ni kailanman, hindi niya ginustong intindihin.
Masakit, nakakalito, gusto niyang sumabog, gusto niyang magsisi, magsumbong, manghingi ng tulong o kaya ng lakas ng loob sa mga anak nila, sa taas, sa kaniya, kay Mingyu.
Kaso sa bilis din ng tulo ng luha niya, sa bilis ng pagtibok ng puso, sa daloy ng dugo, sa kumpol na naka bara sa lalamunan, hindi niya alam kung paano sumigaw, kahit magsalita, hindi niya kaya.
Papasok ka palang kasi sa trabaho, isang panibagong araw, isang panibagong paghihirap sa lugar na napipilitan ka lamang kaharap ang mga kliyente, kaharap ang iba’t ibang klase ng tao, may mga galit, may mabait, ‘yung iba nasigaw, ‘yung iba hindi marunong makaintindi, hinanda na agad ni Wonwoo ang sarili sa ganitong klaseng araw. Paulit-ulit lang naman kasi, nakakapagod man, pero nakasanayan nalang.
Pero itong nasa harap niya ngayon, hindi siya handa rito, hindi siya handang makakita ng isang tao na hindi niya manlang nakausap bago pumanaw, ‘di niya pa nakukumpleto ang mga pangako niya, at ‘di niya manlang nakahingi ng paumanhin at paalam bago magpahinga. Lalo na kung ang nasa harap niya ngayon, ang kabiyak niya.
Oh ‘ga, dinig mo ba?
Sabi ni Carl Cervantes, isang tanyag na sikolohista, ang unlaping ‘ka’ ay halos hango sa salitang ‘co’ sa ingles na ang ibig sabihin ay pagsasama, pagtutulungan, o pagiging pareho sa isang bagay.
Kapuwang, kapamilya, kapatid, kasama, kabalikat, kaibigan, at kabiyak.
Para kay Wonwoo, si Mingyu ang kahulugan ng anumang salitang ‘ka’ sa unlapi.
Kasama sa bahay, katuwang sa responsibilidad, kaibigan sa problema, kapamilya sa mga anak, at kabiyak sa buhay.
They were both working adults when they met, Wonwoo was 23 and Mingyu was 29, nagkakilala sila sa kahabaan ng Pasig dahil habang nagtatrabaho si Mingyu sa lumang sinehan dati na nagpapalabas pa ng malalaswang palabas bilang technician, si Wonwoo naman ay naghahanap ng trabaho sa parehas na building nito, sa pawnshop naman ang nahanap niya. Wonwoo was a graduate of Vocational Secretariat or Office Management, at a college in Pampanga. On the other hand, Mingyu went to PATTS and took Aircraft Maintenance Technology, however, due to financial problems, second year palang, he already had to stop to work.
Para kay Mingyu, noong dumaan si Wonwoo, hindi niya maintindihan ang nakita, pero naramdaman niya, natuklasan niya, ang init ng sikmura na matagal na niyang hinihintay. ‘Yung pakiramdaman na hindi ka makakain dahil baka kapag nalamnan, makalimutan ng sariling tiyan ang paruparong umiikot-ikot dito noong una niyang masilayan ang ganda ni Wonwoo. Kaya’t ang dalawa, nagligawan at doon, sa parehas na lugar kung saan sila unang nagkita, nakuha ni Mingyu ang matamis na oo ni Wonwoo matapos ang isang taon at limang buwan.
Wonwoo and Mingyu got married before they even got their first child, it wasn’t because of ancient belief at that na magpakasal muna bago magkaanak, simula’t sapul, alam na nilang gusto nila ang isa’t isa. Gusto sa kasing layo ng panahon na tatahakin ng mundo, hanggang pumuti ang buhok, hanggang kumulubot ang balat, at hangga’t magkaroon ng mga maliliit na apo na paikot ikot sa tahanan na binuo ng pagmamahal. ‘Yan, iyan ang pangarap ng dalawa. ‘Yan din ang ipinangako nila sa isa’t isa, ang pagmamahalan na pang habambuhay.
It took them two years before they finally got married, Wonwoo was 26 while Mingyu was 32, puno ng dagungdong ang simbahan sa kampana na nagsasabing tinatanggap sila ng isang kaharian na nagtuturo ng pagmamahalan. They got married in Mexico, Pampanga, kung tutuusin, itong katedral ay halos maliit na lakbay lamang mula sa bahay nila Wonwoo, kaya imbes na magpadala pa ng mamahaling sasakyan, ang gamit niya papunta ay ang oner na pinagipunan ng tatay niya.
A lot of people were invited. Sa dalawang taon ba naman nilang pagsasama, napakarami nilang nakilala, ang kanilang mga nanay at tatay, kaibigan sa mga sari-sarili nilang probinsya, mga kamag-anak, kapatid, pamangkin, pinsan, maski mangingilang kapitbahay ni Wonwoo nandito, sa isang sementadong simbahan konti-konting nagbibiyak sa kalumaan pero sapat lamang para pumasok ang sinag ng araw at preskong hangin na bumabalot at nagpapagaan sa dagitab ng dalawa.
At doon nila narinig, ang awit ng pag-ibig, sa mga huni ng ibon sa umagang kay tahimik. Ang hiraya ng dalawa sa isa’t isa, ang tibok ng mga puso, ang mga luhang binitiwan sa segundong pumasok ang pinakamamahal ni Mingyu, sa pintong kahoy, at sa ingay ng dambana kasabay ang tugtog na nagpapataas ng balahibo ng bawat taong narito.
‘Ga, sana rinig mo ang tibok ng puso, sa isip ni Mingyu.
Dahil para kay Mingyu, ang tatlong minuto na paglalakad ni Wonwoo sa pasilyong semento, kasabay ang tibok ng puso, ay mas matagal pa sa tatlong taon na pagkakakilanlan nila. Napakabagal, nakakakilabot pero dahil alam niyang siya na, si Wonwoo na, nawawala ang takot at napapalitan ng isang sapat na tindig. Kuntento na si Mingyu sa lahat ng mayroon sila ni Wonwoo, pero ngayon, parang kulang pa, gusto niya pa ng mas mahaba pang buhay kasama si Wonwoo. Isang habambuhay na pagtibok ng puso.
"Mingyu Solomon Kim, do you accept Wonwoo Simone Jeon as your lawfully wedded husband?" Sabi ng pari.
"I do."
"Wonwoo Simone Jeon-Kim, do you accept Mingyu Solomon Kim as your lawfully wedded husband?" Sabi naman niya kay Wonwoo.
"I do," said Wonwoo.
And on December 24, 1995, they were happily married.
Noong buwan pa lamang ang unang sanggol nila sa tiyan, pinaghandaan agad nila ang magiging mundo na haharapin nito, mula sa pagkapanganak, sa bahay na huhulughulugan, sa pagaaral na kakayurin bawat taon, sa pangkain na kukumpletuhin. Kahit hindi pa nandiyan, basta nakaplano. Luma man at kung sa panahon ngayon ay mahirap, ang gusto ni Mingyu at Wonwoo ay ang buhay na nilalaban nilang dalawa. Dahil hindi nila gusto ang buhay na mayroon agad, nandiyan agad. Ang gusto nila, mundo na ginagawa nang sabay, pinaghihirapan nang magkasama, patuloy na dinidiskubre ang pagmamahalan na buo at sapat sa magulo at masalimuot na mundo.
They had their first child on October 16, her name’s Ayan and she took after Mingyu. Isang bibo na bata, unang taon palang alam na nilang magiging magaling na bata dahil sa edad na rin niya ito agad natutong gumawa ng maliliit na tunog, parang hinain at iyak na may gusto, kaya sa araw na iyon, hindi makapaniwala ang dalawa, gustong maluha ni Mingyu pati ni Wonwoo dahil panibagong boses ng pagibig nanaman ang narinig nila, “Papa,” bulol na sabi ni Ayan.
“Happy birthday, Ayan!” Pagtapos nila sa kanta ng happy birthday, second birthday niya ngayon, kaya isang munting salusalo ang ginawa nila sa tahanan nila sa Pampanga, maliit lang, ninong at ninang, mga bapa't dara, sina Mingyu at Wonwoo, at ang magulang ni Wonwoo lamang ang narito.
“I love you, ‘ga,” ani Mingyu kay Wonwoo. Hawak hawak ni Wonwoo ngayon ang bata at katabi niya ang asawa para sa pagkuha ng litrato. Unang litrato ay nakangiti ang magasawa sa kamara, pangalawa, nakatingin sila kina Ayan, ang pangatlo, nakahalik sila parehas sa anak.
Ang pang habambuhay nila.
Tatlong taon na si Ayan nang magkaroon sila ng panibagong habambuhay, on the 23rd of November, si Anyel ay ipinanganak, lalaki at ngayon, patuloy na silang namumuhay nang payapa, nakatira sila ngayon sa Pasay, nangungupahan sa isang maliit na bahay, may alaga rin silang pusa, kung tutuusin hindi naman nila ‘to tunay na alaga, pinakain lang kasi isang beses ni Wonwoo, tapos parati nang pumupunta sa bahay nila. Dati nakikikain lang, ngayon nakikitulog na rin sa terasa.
Nasa kinder na ngayon si Ayan dahil marunong na siya magbasa at magsalita pero hindi pa marunong magsulat, dinadahan-dahan ni Wonwoo at Mingyu dahil ayaw rin naman nila pwersahin ang bata, ang gusto nila matuto ito sa kakayahan niya at kagustuhan. Si Anyel naman isang maliit at malusog na bata, he also took after Mingyu dahil sa kutis nitong kayumanggi at sa hagikhik nito na tulad kay Mingyu, napapapikit pa ang mga mata sa liit, isa sa mga bagay na sobrang minahal ni Wonwoo.
Si Mingyu, isa nang ganap na bellboy sa hotel sa Carlos Palanca sa Quiapo. Maliit lang ang sahod niya pero mas mataas kumpara sa nakukuha niya noong sa sinehan pa siya nagtatrabaho. Higit pa, mas masaya siya rito dahil mas marami siyang nakikilalang kaibigan, si Chef Cheol, at ang kapwa niya bellboys na sina Seok, Jun, at Hao. Malayo nga lang sa bahay nila dahil nanggagaling pa siya sa Pasay papuntang Quiapo, kaya naman imbes na maghirap, sa ilang taon na pagtatrabaho niya rito, nakapundar siya ng motor kahit hulugan. Tuwang tuwa si Mingyu dahil pangarap niya ‘to.
Si Wonwoo naman sa kabilang banda, naghanap na rin ng panibagong trabaho na mas malapit sa tinitirhan nila ngayon, malayo kasi sa Pasay papuntang Pasig, noong panahon na ‘yun kasi, kahit may MRT na mula Taft pa-Ortigas, sobrang dami laging pasahero at nauubusan siya ng oras para sa dalawa niyang anak. Kaya mas pinili nalang niya na maghanap ng parehas na trabaho na mas malapit sakanila. Ang nakakatuwa, sa parehas na kumpanya pa sila nagtatrabaho, magkaiba lamang ang branch at ang serbisyo dahil kay Mingyu, hotel, ang kay Wonwoo naman, sa bangko.
Pinagkatiwalaan na sila ng kumpanya dahil sa galing na ipinapakita nila at sa tagal nilang namamalagi rito. Apat na taon nang matapos nila lumipat ng tirahan, mula nang ipinanganak si Anyel, at magtrabaho rito sa kumpanya na pinagtatrabahuhan nila. Ngayon mas panatag at kampante sa buhay, komportable’t hindi nagugutom.
Ang sabi nilang dalawa dati, gusto nila ng dalawang anak, isang babae at isang lalaki, nakuha na nila ‘yon matapos si Anyel e. Pero may isang biyaya pa muli ang ibinigay ng langit, dahil bago ang ika-siyam na taon nilang anibersaryo, on the 17th of August, ipinanganak ang isa pang habambuhay nila na nakuha naman sa kawangis ni Wonwoo, maputi, singkit, at maliit ang mukha, ang binigay na pangalan, Ako.
Nang magkaroon sila ng isa pang anak, mas sinubok sila ng buhay at ng pagmamahalan, parehas pa rin ang sahod, ngunit mas nagmahal ang bilihin, mas nadagdagan ang konsumo, at mas nagtaas ang pangangailangan.
Para kay Mingyu at Wonwoo, kailangan nila maging matalino sa buhay, kailangan nila pagtibayin ang nararamdaman. Dati ay nangungupahan lamang sila, ngayon napagisipan na nila bumili ng sariling bahay, maliit lamang, pero hangga’t maaari, puno ng pagmamahal.
Dahil sa laki ng nagiging gastos, bayad sa tubig at kuryente, bayad sa bahay, bayad sa pagaaral ni Ayan, sa gatas ni Ako, pangkain nila sa pang araw-araw, at ang ibang hulugan na gamit, mas nararamdaman nila ang hirap ng buhay.
Pero hindi ito naging hadlang para sa mundong ipinangako nila Mingyu at Wonwoo sa isa’t isa, isang pagmamahalan na mapagparaya, mundong pipiliin ang isa’t isa sa hirap at ginhawa.
Kaya kahit wala masiyadong luho, nagawa nilang mabuhay sa tahanan na pinipili ang isa’t isa kasama ang tatlo nilang anak, si Ayan, Anyel, at Ako. Walang pagsisisi, walang damuho, lagi’t lagi pipiliin ang isa’t isa dahil hanggang ngayon, dinig pa rin nila ang tibok ng puso ng isa’t isa.
“Happy fifteenth anniversary, ‘Ga,” surpresa ni Mingyu kay Wonwoo pag uwi galing sa trabaho, bitbit ang cake na nabili pa niya sa Red Ribbon at maliit na rosas na nakabalot pa sa plastik labo. Ang nasa hapag ay spaghetti, fried chicken, graham cake, fruit salad, at hamonado na bigay galing sa trabaho ni Wonwoo, at siyempre, ang cake na sinindihan upang magdasal at humingi ng hiling. Ang nakasulat, “Happy anniversary and Merry Christmas, from Papa Min and Papa Won.”
Anim na taon na si Ako, sampu naman si Anyel, at trese si Ayan. Lahat sila nagaaral na, mas bumibigat ang bitbit, pero dahil sa kagustuhang piliin bitbitin, kinakaya.
Nagkakaroon ng mga pagkakataon na nagaaway sila Mingyu at Wonwoo, tulad nitong araw na ‘to, kahit sabay sila ngayon pumasok sa trabaho dahil parehas ang oras ng duty nila, hindi sila magkausap kahit hawak ni Wonwoo sa baywang si Mingyu, dahil nagkaroon sila ng maliit na sagutan tungkol sa pera. Hindi naman sinasadya ni Wonwoo na sabihin na hindi na nagiging sapat ang sahod nila parehas para sa tatlong anak na nagaaral kaya kung pwede, isangla nalang muna ang motor niya, kahit saglit lang, hangga’t makaahon muli at kuhanin ‘to muli, hindi naman ibebenta e.
Pero para kasi kay Mingyu, parte ‘to ng buhay niya, oo isa lamang ‘tong gamit na maaari masira, pero para kay Mingyu, may buhay ‘to. May halaga ‘to. Dahil sa pang araw-araw na pinipili nila ang isa’t isa sa munting tahanan, pinipili rin ng gamit na ‘to na iuwi siya sa pamilya niya ng buo at ligtas.
Kaya dahil naisip ni Mingyu na baka kaya gamit niya ang kinakailangan ibenta ay baka siya ang hindi masiyado nakakapagbigay sa tahanan nila, dahil bellboy lang siya, na mas maliit pa sa minimum ang kinikita niya. Sobrang nasasaktan si Mingyu ngayon pero kahit nasasaktan siya, pinili na lamang muna niya na manahimik, pinipigilan ang sarili na magsalita ng masama. Dahil kay Mingyu, pipiliin niya pa rin si Wonwoo sa kahit anong bagay sa mundo. Tulad ng ipinangako niya.
“Oh nasaan ang helmet mo?” Sa parehas na gabi na umuwi si Mingyu sa bahay nila pagtapos ng trabaho.
“Nasa hotel iniwan ko na muna.”
“Huh? Paano ka umuwi?”
“Sinangla ko po muna ‘yung motor.”
Tuluyan nang umiyak si Wonwoo, hindi niya alam. Siguro dahil sa pagod, sa hirap, sa ginhawa, sa takot na masaktan si Mingyu, sa halo-halong emosyon. Basta ang higit na nararamdaman niya ngayon, para siyang si Solomon hindi dahil sa yaman sa pera, kundi sa yamang higit na pinipili, parati.
“I’m sorry, ‘ga,” ani Wonwoo. Nakayakap pa rin sa asawa at patuloy na humahagulgol. Si Mingyu naman nakahawak sa bewang ng asawa inaalo ang tunog at hikbi sa balikat niya, kahit siya tumutulo na ang luha, pero hinding hindi niya gagawing magsumbong sa asawa. Sa sobrang mahal ni Mingyu si Wonwoo, hindi niya hahayaan matapos ang araw na magkaaway sila. Kaya habang tulog ang mga bata, hinayaan nila maglakbay ang oras ng isa’t isa sa hirap at sa ginhawa.
“Mahal na mahal kita, Wonwoo.”
Nagdaan pa ang ilang taon nilang dalawa, nasa kolehiyo na ngayon si Ayan, sa magandang paaralan nila ipinasok ni Mingyu, ang kurso ay Bachelor of Science in Business Administration, kinuha ang halos pareho na tinahak ni Wonwoo, pero sakaniya naman, tungkol sa pera. Disiotso na siya ngayon at imbes na mag-hangad ng engrandeng handaan o hindi kaya debut, ang gusto niya, magaral sa pribadong paaralan. Sino naman si Mingyu at Wonwoo para humindi, habambuhay nila si Ayan. Si Anyel naman na magki-kinse, nasa high school na, nasa public school siya ngayon dahil una gusto niya naman ‘to dahil dito rin pumasok ang mga kaibigan niya at para naman kina Wonwoo at Mingyu, pabor sakanila ‘to dahil libre sa pagaaral ang isa nilang anak. Si Ako naman, grade 4 at sampung taon, nasa private school siya tulad kung saan nagaral ang ate at kuya niya. She’s been really good in classes because during the past years, she was recognized as a consistent honor student, she also got a merit from the Office of the Mayor. Ako is a smart kid.
Sobrang swerte nila Mingyu at Wonwoo sa mga anak nila. Napapalaki nila ng tama at ng may pake sa mundo. Tulad ni Ayan, sumasali sa mga diskurso sa paaralan at sa mga rally patungkol sa politika, tama ‘yan dahil botante na siya at dapat maging mulat sa katotohanan ng mundo. Si Anyel naman, palakaibigan, kilala ng maraming tao at gustong gusto siya ng mga ‘to, kuhang kuha niya talaga ang ugali ni Mingyu, madaldal pero sa magandang paraan. Si Ako naman, kahit tahimik, magalang at matalino, panabla nila sa paaralan, kuhang kuha ang ugali ni Wonwoo.
9:410919 3699 1841

Good Morning, Mr. Jeon-Kim. This is from the office of the clinic from Lyceum of the Philippines University. I just wanted to inform you about your child, Ayan, because she's feeling nauseous and had vomited twice. She also has a high fever and she said her body is aching. Thank you and please reply
hi po.papa po ito ni Ayan.. kamusta po sya mam? ano pong nararamdaman? papunta na po ako jan. slamat po.

Yes, Sir.
She's still with me, however, she's resting right now. I hope you get to check her today.
Thank you.
Wonwoo rushed to the school where Ayan was studying, galing pa siyang Pasay kaya medyo natagalan siya dahil nasa Cavite pa ang paaralan nito. Nakapag-file siya ng leave at pasalamat nalang na pumayag agad ang manager niya dahil emergency ito. Pagdating niya, nakita niyang nasa higaan si Ayan natutulog at halatang mahina, kaya nang makapagpakilala na siya sa nurse na narito, agad siyang tumungo sa anak at hinawakan ang noo nito. Sobrang init. Halatang nagaapoy na sa lagnat. Nang ginising niya ang anak, kahit mahina pa ay tumungo sila agad sa pinakamalapit na ospital, mabuti nalang may ospital na malapit dito sa paaralan nila. Isang jeep lang ang layo.
At doon, parang bumagsak ang mundo ni Wonwoo dahil sa balita ng doktor. May dengue fever si Ayan at kailangan niya ng masinsinan na gamutan.
Nang tinawagan niya si Mingyu para ibalita ang nangyari kay Ayan, ay agad na naghanap ng paraan si Mingyu para makahanap ng pera. Mabuti nalang ay kahit papaano may hulog sila sa PhilHealth. Pero gayumpaman, naging malaki pa rin ang gastusin nila sa ospital. Inabot si Ayan ng isang linggo rito, patuloy na gamutan. Kaya ang tanging naisip ni Mingyu na paraan ay mag-loan. Mahirap pero kailangan, para sa anak nila. Para sa isa sa habambuhay nila.
Sa awa ng Diyos at sa walang tigil na pagdarasal nila Mingyu at Wonwoo, naging ligtas si Ayan, nakauwi nang ligtas at patuloy na ulit magaral matapos ang halos dalawang linggo. Gayundin si Anyel at Ako. Sina Mingyu at Wonwoo, baon sa utang. Pero wala nang mas hihigit pa sa habambuhay nila. Debt can be paid, a lifetime can’t.
Kaya mas pinursigi ni Wonwoo at Mingyu ang pagtatrabaho, kumuha sila parehas ng sidelines kahit na kalahating araw ang duty nila at parang nauubusan na sila ng oras sa mga anak nila.
Nagdaan ang mga taon, mas nagkaroon ng maraming suliranin, mas bumigat ang bitbitin, mas naging mahirap. Naging baon sa utang, mga araw na walang kuryente, araw na fried chicken ang ulam ng tatlong anak, at ang kina Mingyu at Wonwoo, itlog at kanin, at mga gabing mainit. Gustong gusto nilang dalawa manghingi ng tawad sa mga anak nila at sa isa’t isa, kasi pakiramdamn nila humihina sila, hindi na nila nagagawa ‘yung pangako sa isa’t isa, parang natatalo na sila.
Kahit mahirap kay Mingyu ang desisyon, pinagisipan niyang mabuti. Para kay Wonwoo, kay Ayan, Anyel, at Ako, ginawa ni Mingyu. Ibinenta niya ang motor sa mataas na halaga. At doon, nakapagsimula na ulit sila. Nakakabangon na muli sila.
Ayan graduated from college finally. Gustong gusto na rin kasi niya makatulong sa pamilya niya. Si Anyel naman, senior high school na, samantala si Ako, grade eight na.
Wonwoo and Mingyu built a strong foundation in their relationship to withstand thunderstorms, rage, and hurricanes. Ganiyan katibay ang relasyon nila, na kahit ilang delubyo ang dumating, hawak nila ang isa’t isa para kahit umanod, magkasama silang aanurin. One year and five months, ang tagal nilang nagmahalang walang lebel, kaya kahit nung magkaroon, walang hadlang sakanila, sapat at katapatan. At kahit nung naging magasawa na, ganoon pa rin. Patuloy na nagmamahalan, onti-onti naibabalik nila ang sarili sa landas na ipinangako nila sa isa’t isa. Ang habambuhay.
Mingyu and Wonwoo would love a wealthy life, who wouldn’t, right? Mayaman kayo, nakatira sa malaking bahay, masarap ang kinakain, kumpleto, may almusal, tanghalian, miryenda, at hapunan. But Mingyu and Wonwoo are never like that to begin with. They did not live life to be beautiful, to be fun. Pinili nilang mabuhay para harapin ang hirap, ang delubyo, at ang mga bagay na hadlang sa isang relasyong pang habambuhay. Para rin kasi sakanila, mas masarap makuha ang mga bagay nang magkasama, masarap manalo sa buhay nang pinaghirapan at may katuturan.
Kaya para kina Mingyu at Wonwoo, kahit mahirap, patuloy nilang pipiliin ang isa’t isa. Sa hirap, sa ginhawa, at sa sakit.
“Ano oras duty mo mamayang gabi, ‘Ga?” Ani Wonwoo habang nagmimiryenda silang pamilya, linggo ngayon pero may pasok si Mingyu, ganiyan naman sa hotel e. Bilang bellboy wala kayong pahinga, isang araw lang sa isang linggo, tapos lahat na ng trabaho niyo, dose oras, iba-iba pa ng oras ng duty.
“Alas syete, ‘Ga,” panimula ni Mingyu, “ang tapos alas siyete ng umaga.” Gano’n nga. Alam na ‘yan ni Wonwoo. Alam niya kung grabe ang paghihirap ng asawa niya, kung paano ‘to nagtatrabaho ng dose oras, ni bawal maghawak ng telepono o ng kahit na ano bukod sa kinakailangan ng mga guests niyo. Wonwoo memorized them all.
“Okay, pagbaunan kita ng pagkain mo.”
“Sorry, ‘Ga, ‘di kita mahatid bukas sa trabaho mo, anong oras na ako makakauwi sa bahay niyan e.”
“‘Pa, edi double pay ka niyan?” Excited na sabi ni Ako, bata pa lamang alam na niya ang palatuntunin sa trabaho ng tatay niya. Basta kapag gabi ka papasok, double pay ka. “Bili ka, ‘Pa, ng pagkain paguwi bukas, lunch natin,” patuloy ng bata.
“Sige, daan ako Jollibee sa inyo.”
“Masusundo mo po ako sa school, ‘Pa?” Sabi ni Anyel.
“Tingnan ko, ‘nak, baka pagod si Papa e, pero subukan ko ah.”
“Nako, ‘Nyel maglakad ka nalang, mapapagod pa si Papa mo ang lapit lang ng school mo, rito.” Pagsingit naman ni Wonwoo.
“E ang hirap maglakad, ‘Pa. Alam mo naman ‘tong tiyan ko.”
Kaya nagtawanan ang buong tahanan. Ang sarap ng ganito, ‘yung maingay sila. Puno ng tawanan, ng paguusap, at ng pagmamahalan. Kaya naman bago magpaalam si Mingyu kay Wonwoo para pumasok, inuusisa muna ng isa't isa ang kagustuhan mangyari sa mga susunod na araw, habang pinapainit ang motor, gayundin ang paginit ng damdamin sa bawat istorya at kwento na inaabangan nilang marinig sa isa't isa. At kapag sapat na ang init, hahalik sa labi, panabla sa apoy na lumiliyab sa tiyan, ang lamig ng akap na babalik balikan.
Nang makaalis, siya naman ay naghanda na para sa hapunan ng mga anak at sa oras na ilalaan sa tulog para sa isang panibagong araw.
Alas kwatro palang gumigising na si Wonwoo. Ganito ang araw niya kapag wala si Mingyu para ihatid siya. Malayo kasi kung iko-commute ang Cavite papuntang Pasay. Nakakapagod lalo kasabay mo pa ang samu’t saring tao, may estudyante, may kapwa mo manggagawa, ‘yung iba naman uuwi sa probinsya, halo-halo. Kaya inaagahan ni Wonwoo. Pinaghahandaan niya.
Papasok ka palang kasi sa trabaho, isang panibagong araw, isang panibagong paghihirap sa lugar na napipilitan ka lamang kaharap ang mga kliyente, kaharap ang iba’t ibang klase ng tao, may mga galit, may mabait, ‘yung iba nasigaw, ‘yung iba hindi marunong makaintindi, hinanda na agad ni Wonwoo ang sarili sa ganitong klaseng araw. Paulit-ulit lang naman kasi, nakakapagod man, pero nakasanayan nalang.
9:410921 5231 5929

Ser wonwoo, si seok po ito.. katrabaho ni Mingyu. Makakapunta po kayo sa ospital ngaun? May nangyari po kay Mingyu. Kung okay lang d2 ko nalang po sasabijin.
seok anong nangyri? kamusta ang asawa ko? nasaktan ba siya?

Pasensya n wonwoo ah.. sinubukan din namin ang lahat n makakaya nmin.
anong ospital yn seok..? nattkot ako seok. knakabahan ako sa message mo. ayos lng ba si mingyu?

D2 malapit sa hotel, pare.. palanca lng din.. explain ko syo pagdating
Ilang taon naman na ang nakalipas noong naranasan niya ang ganitong klaseng kaba, ‘yung papunta kang ospital dahil sa isang pangyayaring wala kang kaalam alam, puro hula, tanong sa utak, at pangamba sa kung anong mangyayari.
Ang dami nang bagay na umiikot ikot sa utak ni Wonwoo, kinakain na siya ng kaba dahil sa text na natanggap. Ganitong ganito rin siya noong nanyari ito kay Ayan. Patuloy na tumitibok ang puso at sa sobrang ingay at bilis, gustong gusto nitong kumawala. At ang hirap dahil hindi ‘to kayang pigilan ni Wonwoo. ‘Yung pangangatog ng dibdib, panginginig ng kamay at binti, lahat. Hindi naman niya kayang hawakan ang puso niya pero sa sobrang bilis nito, gusto niya patigilin kahit saglit, kung kaya niya lang sana tanggalin muna, ginawa na niya.
Kaya habang hinahanap niya ang daan papunta sa ospital room nito, sa alas syete ng umaga, inihahanda ang sarili sa maririnig. Kahit parang sa loob niya, alam na niya. Ayaw niya lang muna tanggapin.
“I’m sorry, Mr. Jeon-Kim. Ang sabi ng mga nagdala rito, may buhay pa raw siya noong nasa daan papunta rito. Pero noong nandito na, we announced him dead on arrival, Sir.”
Wonwoo was out of words. He’s beyond shocked—he’s petrified.
“Anong… oras po?”
“Time of death, 6:08 AM,” ang sabi ng doktor, hindi nagpakilala o hindi niya na narinig ang pangalan.
Honestly, he doesn’t know what to feel right now. Lahat ng ‘to bago kay Wonwoo. Lahat ng mga nadirinig niya ay ‘yung mga bagay na hindi niya pa kayang intindihin ngayon. Itong mga bagay na ni kailanman, hindi niya ginustong intindihin.
Masakit, nakakalito, gusto niyang sumabog, gusto niyang magsisi, magsumbong, manghingi ng tulong o kaya ng lakas ng loob sa mga anak nila, sa taas, sa kaniya, kay Mingyu.
Kaso sa bilis din ng tulo ng luha niya, sa bilis ng pagtibok ng puso, sa daloy ng dugo, sa kumpol na naka bara sa lalamunan, hindi niya alam kung paano sumigaw, kahit magsalita, hindi niya kaya.
Ang gusto niya lang mangyari, mahawakan ang asawa niya, umiyak kahit wala pang nalabas ngayon, at sumigaw.
Parang ubos na ubos na si Wonwoo. Lahat ng ipinangako niya kay Mingyu, onti-onting bumubulong sa utak niya. ‘Yung panahon na nagkita sila, kung paano niya ginusto ang mga maliliit na tawa ni Mingyu, ‘yung mga biro niya sa sinehan palang. ‘Yung tuwing inaasar sila ng mga katrabaho. Tuwing ang date nila ay ang libreng pelikula na kung saan nagtatrabaho si Mingyu pa. Bumabalik ‘yung oras na sabay pa sila mag tanghalian sa karinderya ni Aling Cecilia, coke at bicol express kay Mingyu, sprite at sisig kay Wonwoo. Tuwing sinasabayan siya ni Mingyu pauwi sa dorm niya. Naalala niya ‘yung araw na unang pinakilala niya ang nobyo sa nanay at tatay niya. Takot na takot pa siya noon kasi akala niya hindi ‘to tatanggapin, pero sobrang gaan ang loob sakaniya, tipong naginuman agad si Mingyu at ang ama niya. ‘Yung panahon na nagswimming sila sa ilog sa Arayat, ‘yung lamig na dumadaloy sa balat pero nandiyan si Mingyu para aluhin ka at ibalik ang init sa katawan mo. ‘Yung kasal nila—tangina ‘yung kasal nila. ‘Yun ata ang pinakamasayang araw sa buhay ni Wonwoo bukod sa mga habambuhay niya. Kasi kung panatag si Mingyu kay Wonwoo, mas panatag si Wonwoo sakaniya. Mataas mangarap si Wonwoo, pero para sakaniya, mas mataas si Mingyu rito. Sobra sobra. ‘Yung oras na dinadala nila si Ayan, ‘yung unang iyak niya noong lumabas. ‘Yung first birthday ni Anyel. ‘Yung recognition ni Ako. Lahat ‘yon bumabalik kay Wonwoo.
Ubos na ubos na siya pero naalala niya na mayroon pa siyang habambuhay. Na naghihintay sakaniya—sakanila.
“Anak… si Papa mo… wala na siya, anak,” balita ni Wonwoo kay Ayan. Gusto niyang palakasin ang loob niya. Tatagan ang boses. Pero wala e, kumirot mismo ‘yung puso niya, parang dinudurog sa sakit. Kaya noong binitiwan niya ‘yung mga salitang ‘yon, parang doon na rin niya sinimulang tanggapin ‘yung nangyari.
Buong araw nasa morge si Wonwoo, nagpunta sa ospital, sa polisya, at sa punerarya para ayusin ang mga papel. Nakakahiya nga e, nasa jeep siya tapos ‘yung luha niya hindi natitigil sa pagbuhos. Dapat hindi niya ‘to nararamdaman ngayon e. Dapat nandito pa ‘yung pinakamamahal niya e.
‘Yung kaibigan, katuwang, kasama, kabalikat, at kabiyak.
Kagabi lang bago siya umalis pinaplano nilang mag-date e.
Gusto siya dalhin ni Mingyu sa Quiapo Church e.
Bakit Mo agad siya kinuha sa ‘kin?
Iilang pangako palang ‘yung nagagawa ko e, bakit Mo agad siya kinuha sa ‘kin?
Pagkauwi sa bahay, ala una ng madaling araw, inalo agad siya ng mga anak niya. Wala na siyang luha, wala na siyang boses, kahit lakas, ubos na. Almusal palang ang kain niya buong araw, isang bote ng tubig palang ang naiinom, tuyong tuyo na pati labi niya.
“Mga anak… mga anak… wala na si papa niyo. Kinuha na siya ni God.”
Walang marinig si Wonwoo kundi ang hikbi ng mga anak niya kasabay ang luhang bumabahid sa mga pisngi niya. Akala niya ubos na ‘yung luha niya. Hindi niya alam, kaya niya pala umiyak ng isang buong araw.
“Sorry, mga anak ah… hindi pa namin nagagawa ni Papa niyo ‘yung pangako namin sa inyo.”
“‘Wag kayong magalala, nasa mabuti nang kalagayan si Papa niyo. Ako naman, hangga’t nandito ako, kasama niyo ‘ko. Tatapusin ko ang pangako namin sa inyo.”
“Mahal na mahal ko kayo, ah… mahal na mahal namin kayo ni Papa niyo.”
“Kahit mawala pa si Papa niyo, hinding hindi mawawala ‘yung pagmamahal niya sa inyo.”
Wonwoo was on his knees, begging the Highest to hear his prayers. Nandito siya ngayon, sa lugar kung saan dapat sila pupunta ni Mingyu. Sa Quiapo Church. Magkasama dapat silang magdadasal at mangangako sa Panginoon e. Pero ngayon, siya lang magisa, kinakausap ang Diyos at sana… pati si Mingyu… naririnig siya.
Oh irog, rinig mo ba?
Nasa harap din sila ng simbahan noon nung pinangakuan nila ang isa’t isa. Ngayon nakaluhod ulit siya. Nangangako sa Panginoon at kay Mingyu, na kahit mawala ka pa, hinding hindi mawawala ang damdamin ko.
Sayong sayo. Mahal ko.
![]() |
PHILIPPINE NATIONAL POLICE Incident Report Form |
Report No. 001169311 |
| INFORMATION ABOUT THE INCIDENT | |||
| Date of Incident | 08/26/2018 | Time of Incident | 5:45 ☑ AM ☐ PM |
| Location of Incident | 123 Palanca Hotel, Quiapo, Manila, Philippines | ||
| Police Notified | ☑ Yes ☐ No Responding Officer: Det. Jary Macarpio #5th District | ||
| Description of Incident (what happened, how it happened, factors leading to the event, etc.) | |||
|
On the above date, the incident happened without an early noticed. Until he was found by his coworker, Seok, who was calling out his name. His body was already hanging on the entrance of the dumbwaiter. But still alive during the incident. Cause of death: Brain and Skull Injury |
|||
| Were there any witnesses? ☑ Yes ☐ No If yes, attach separate sheet with names, addresses, and phone numbers. |
|||
| Was the individual injured? Describe the injury, part of body, and any resulting information. | |||
| ☑ Yes ☐ No — Skull Injury | |||
| Was medical treatment provided? ☐ Yes ☑ No ☐ Refused | |||

