Actions

Work Header

Rating:
Archive Warnings:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2026-09-07
Words:
1,747
Chapters:
1/1
Comments:
11
Kudos:
85
Hits:
624

Suyuan sa Katipunan

Summary:

Normal bang magsuyuan kahit roommates lang ang status?

Notes:

(See the end of the work for notes.)

Work Text:

"Nasaan na ang Jholet?" tanong ni Aiah sa mga kaibigan dahil napansin niyang may dalawang kape pa na hindi nagagalaw

"Ayun oh" tinuro ni Sheena ang dalawang babaeng nakaupo sa bench malapit sa coffee shop table nila.

Hindi man nila naririnig ang pinag-uusapan ng dalawa, pero sa kilos palang ay alam na nilang sinusuyo na naman ni Colet si Jhoanna.

 

"Si Jhoanna talaga napaka pabebe pag dating kay Ate Colet" komento ni Stacey nung makita niyang nakapout si Jhoanna habang pilit na hinuhuli ni Colet ang kamay niya.

Sa 30 minutes na nasa coffee shop sila, mula noong ng order hanggang sa ngayon na halos kalahati nalang ang mga drinks nila, ay pinanood lang nila ang dalawa.

Lahat sila ay invested sa kung ano yung pinag-uusapan at kung ano ang sunod nilang gagawin. 

 

Kung iisipin, para lang silang nag-aya magfood trip sa Katipunan para panoodin ang dalawang 'magkaibigan' na nagsusuyuan.

"Hindi na talaga ko magugulat kung bigla nalang maghahalikan yang dalawa na 'yan" sabi ni Gwenny kaya naman halos masamid silang lahat.

"Imposibleng hindi nag-" 

"Bakit na naman ba sila nag-away?" seryosong tanong ni Aiah kay Stacey na nakatira rin sa building kung saan nakatira ang dalawa.

"ay te may bago ba? As usual nagtampo daw si Jho kay Ate Colet" sagot ni Stacey at kinwento ang detalye na sinabi lang rin ni Jhoanna

 

-Flashback-

“Please, Ate Colet. Samahan mo na ako gumala” Tinabihan ni Jhoanna si Colet sa kama at pilit na hinihila ito para tumayo

 

“Ano ba ‘yan, Jho, ang aga aga. Kay Sheena or Stacey ka na lang magpasama” inayos ni Colet yung kumot na hinihila ni Jhoanna at bumalik sa pagkakahiga

 

“Ikaw nga gusto kong kasama” Jhoanna whined like a kid pero hindi siya pinapansin ni Colet. Tumalikod ito sa kanya at binalot ang katawan sa kumot para matulog ulit.

 

Dahil nga weekend ngayon at halos kakatapos lang ng hellweek ni Colet sa school, mas ginusto niyang matulog at magstay nalang sa apartment. Si Jhoanna, on the other hand, ay gustong gumala at mag grocery ng mga kailangan niyang supplies.

Normally, kapag hindi sobrang pagod si Colet ay sinasamahan niya naman talaga si Jho. Isa na ang paggrocery at window shopping sa mga naging bonding nila, pero this time hindi talaga kayang labanan ni Colet ang antok niya.

 

Isang oras ang lumipas mula nung tumigil si Jhoanna sa pangugulit ay lumabas na si Colet sa kwarto nila para uminon ng tubig sa kusina. Paglabas niya, nakita niyang inirapan siya ni Jhoanna habang bumubulong bulong sa sarili.

 

“Jhoanna Christine, hindi mo ako madadala sa kakaganyan mo. Gumala ka na kung gusto mo, hindi ako sasama” imbes na huminto, Jhoanna pouted even more and umaktong parang batang hindi pinayagan ng nanay

 

“Bakit ba kasi ayaw mo akong samahan? Gusto ko lang naman pumunta ng Mall na kasama ka” pabebe and parang naiiyak na tanong nito sa roommate niya

“Kasi nga gusto kong magpahinga, Jho. Mahirap po bang intindihin 'yon? Kung hindi naman ako pagod at puyat dahil sa exams, sasamahan naman kita” kahit simula ng maasar na si Colet  ay pinilit niya pa ring sagutin ito nang mahinahon kasi ayaw niya itong masaktan.

“Alam mo, i-try mo rin na pumirme dito sa dorm. Masaya naman, manonood ka lang ng series o kaya magbasa ng libro”

 

“ang boring naman nun, lagi nalang ganyan” pag-iinarte pa ni Jho na naging rason para mas maasar pa si Colet

 

“pwes, ayoko ko ring lumabas. Umalis ka na, sayang oras mo sa pag-aarte dyan. Kung lumakad ka na mag-isa kanina, edi sana hindi ka na bored at umiiyak iyak pa dyan”

 

-End of Flashback-

 

"So, nagtampo siya dahil di siya sinamahan ni Colet? parang unfair naman yun" komento ni Aiah kaya naman nag-agree ang iilan sa kanila

"Pagod talaga si Colet kasi ang dami niyang exams last week" dagdag pa ni Maloi

"Wala tayong magagawa, Jhoanna Christine na 'yan eh. Sympre pinalaking bebe girl 'yan ng 'roommate' niya eh"  

Malakas ang tawanan nilang anim pero ni isang tingin ay hindi magawa ng dalawa. Masyadong seryoso ang pinag-uusapan nila to the point na nalimutan nilang may mga kaibigan at kapeng naghihintay sa kanila. 

 

"Pustahan na nga" hamon naman ni Mikha sa kanila. "I told you guys na matagal na nilang gusto ang isa't isa, pero hindi lang sila umaamin"

"Si Ate Colet magkakagusto kay Ate Jho? Awa nalang" sabi ni Sheena sabay tawa.

"Feel ko nakikita lang ni Ate Colet na younger sister si Jhoanna kaya grabe yung pag-aalala niya sa kanya, tapos roommates pa sila" pag-agree naman ni Gwen

 

Muling tumingin si Maloi sa direksyon ng dalawa bago nagsalita, "hindi, feel ko gusto ni Colet 'yan"

"Kasi kung hindi, hahayaan niya lang na magtampo si Jhoanna sa kanya knowing na strong ang personality ni Colet. Kumbaga, wala siyang pakialam kung hindi nag-aagree yung tao sa sinabi basta nailabas niya yung feelings niya, pero pagdating kay Jho, hindi siya mapakali"

"True, tignan niyo ngayon, si Jhoanna yung alam nating cause ng tampuhan nila pero si Ate Colet pa rin yung nanunuyo. Hindi normal 'yun" sabi ni Mikha

"Downbad din si bading eh"  

 

Habang tuloy-tuloy ang pustahan ng mga kaibigan nila, tuloy lang rin ang panunuyo ni Colet kay Jhoanna.

Tulad ng sabi ni Maloi, wala naman talaga siyang ginawang mali, pero ayaw niyang hindi siya pinapansin nito

"Sorry na po. Pagod talaga ako sa mga exams ko noong Friday, Jho. Kailangan ko po bumawi ng tulog" paliwanag ni Colet

"Eh bakit ngayon sumama ka? Dapat natulog ka nalang"

"Kasi po matagal na 'tong plano natin, diba lagi naman tayong lumabas every tapos ng hellweek?

"So dapat matagal rin bago planuhin yung pag grocery natin para sumama ka?" sarcastic na tanong ni Jhoanna sa kanya sabay irap ng mata.

 

Sa totoo lang, gustong tawanan ni Colet si Jhoanna dahil hindi naman ito ganito kababaw na tao para mainis sa simpleng failed grocery run. Pero ngayon kasi alam niyang time of the month nito, kaya expected na mas sensitive at moody si Jhoanna ngayon.

"No po, pero hindi pa rin naman ubos yung supplies natin. Kaya pa 'yon hanggang next week"

"alam ko" mahinang sagot ni Jhoanna habang ang mukha ay parang batang natatalo na sa argumento. Mas lalong pinigilan ni Colet ang matawa dahil alam niyang mas maiinis lang ito sa kanya

"ayun naman pala. Bakit po ikaw nagagalit sa akin?"

"kasi nga gusto kong lumabas, pero ayaw mo ako samahan"

"dahil pagod nga po ako, pwede naman sanang si Stacey or Sheena nalang sinama mo"

"ayaw ko nga"

"kung ayaw mo ng may kasama, pwede rin namang umalis ka mag-isa. Ipapahiram ko naman yung sasakyan eh"

"ayaw ko nga" muling sagot ni Jhoanna habang pinipilit bawiin ang kamay na kanina pa hawak ni Colet

"bakit? ano bang gusto mo?" mahinahong tanong ni Colet sabay ng haplos sa kamay ni Jhoanna para i-encourage itong sabihin ang dahilan

 

Bago magsalita ay huminga muna siya ng malalim, "kasi ikaw nga gusto ko"

Mahina ang pagkakasabi ni Jhoanna pero rinig na rinig ni Colet. Sa sandaling iyon ay parang tumigil ang mundo niya. Tabanggi ko Lord bi. Ilang years ko na rin gusto 'to si Jhoanna, pag hindi talaga ako nakapigil liligawan ko 'to

 

Nadala na rin Jhoanna sa kanyang nararamdaman kaya nagsalita ulit siya, "hindi mo ba nagegets? Ikaw nga yung gusto kong kasama"

"Ikaw yung gusto kong kasama mag-ikot sa grocery"

"Ikaw yung gusto kong kasama na tuwing magttry ng bagong cafe or resto"

"Ikaw yung gusto kong titingin at magsasabi kung bagay ba sa akin yung napili kong damit"

"Ikaw yung gusto kong mag—"

 

"So, gusto mo ako?" hindi makapaniwala si Colet sa mga naririnig niya kaya diretsa niya na itong itinanong kay Jhoanna. 

Para namang nabuhusan ng malamig na tubig si Jhoanna noong marealize niyang napaamin siya nang wala sa oras. Hindi planado. Dito sa labas, sa harap ng mga kaibigan, at sa panahong hindi siya sigurado kung gusto rin siya ni Colet more than sa pagkakaibigan

"Jho, ano? Gusto mo ako?" this time mas may puwersang hinila ni Colet ang kamay ni Jhoanna at gusto niyang tumingin ito sa kanya. 

"Oo o hindi, Jhoanna? Sagutin mo yung tanong ko"

 

Kahit hiyang-hiya pa si Jhoanna ay tumingin ito kay Colet. Diretso sa mata. Pilit niyang hinarap si Colet kahit alam niyang pulang-pula na ang mukha niya

"Oo, Ate Colet. Hindi ko alam kung kailan nagsimula, pero oo, gusto kita. Sorry kung masyado akong naging makulit o papansin sayo. Sorry kung hindi ko napigilan. Sorry kung ikaw lang yung gusto kong kasama kahit alam kong pagod ka na rin saa—"

 

Muling naputol ang sinasabi ni Jhoanna ng bigla siyang yakapin ni Colet. 

"Matagal na rin kitang gusto, Jho. Araw-araw pinipilit kong tignan ka bilang roommate o kaibigan lang, pero araw-araw rin akong sumasablay" 

"Hindi ko kayang nakikita kang masaya dahil sa iba, at mas hindi ko kaya kapag nagtatampo ka sa akin"

 

"Kung papayag ka, Jhoanna Christine, liligawan kita na kita mula ngayon" seryosong sabi ni Colet pagkalas ng yakap nila.

Tumawa at pabirong pinalo naman ni Jhoanna ang kanyang braso, "buong buo naman yung pangalan ko, si Mommy ka ba?"

"At tsaka anong ligaw, magpaalam ka muna kila daddy no. Baka mamaya sabihin nilang binahay mo na ako bago ligawan" this time ay nagtaray na naman si Jhoanna sa kanya.

Hindi mapigilan ni Colet na tumawa at umiling dahil ang bilis ng shift sa mood niya. 

"Okay po, noted po ang lahat. Magpapaalam po ako kina tita bago ka ligawan, okay?" natatawa ngunit malambing na sabi ni Colet bago hinalikan ang noo nito.

 

"Wohooooo. Dito ang tingin, nandito pa kamii" sigaw ni Sheena sa kanila na pareho nilang ikinagulat

"hala nasa labas nga pala tayo. Nakakahiya, Colet" tinatakpan pa ni Jhoanna ang mukha niya dahil sa hiya, pero tinawanan lamang siya ng kasama. 

Isang rason pa para mas lumaki ang ngiti ni Colet ng marealize niyang 'Colet nalang tawag niya sa akin, hindi Ate Colet. Sa sunod, mahal na.'

 

"Ano? Kayo na ba?" tanong ni Maloi paglapit nilang dalawa at parehong namula ang pisngi nila

"Bading" sabay-sabay na sabi ng anim nilang kaibigan

"Sa sobrang tagal niyo be, pati yung kape niyo muntik na rin naming paghatian. Wala ng lasa, tunaw na lahat ng yelo" tinuro ni Gwenny ang kape nilang dalawa na walang bawas.

"Bakit hindi niyo nalang kasi ininom?" 

"Sorry ha, masyado kasi kaming invested sa live showing ng 'Suyuan sa Katipunan'. Tinalo niyo pa ang 'Suyuan sa Asotea' eh" biro ni Sheena kaya naman nagtawanan silang lahat. 

 

Notes:

One-shot lang muna. Wrote this because I couldn't sleep dahil nasobrahan sa kape.

I hope you enjoyed reading it. Ingat palagi :)