Post Header
Anunsyo Ukol sa mga Kandidato
Ikinalulugod ng OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) na i-anunsyo ang mga sumusunod na kandidato para sa Halalan 2024 (na pinagsunud-sunod ayon sa unang titik ng kanilang unang pangalan):
- C. Ryan S.
- Erica F.
- Rachel L.
- Tish S.
Dahil mayroong 2 posisyong kailangang punan at 4 na kandidato, ang halalan ngayong 2024 ay magkakaroon ng tunggalian — sa madaling salita, boboto ang mga miyembro ng OTW upang piliin kung sino sa mga kandidato ang ihahalal.
Ikinagagalak ng Komite ng Halalan na ipakilala ang mga kandidato sa lahat ng mga miyembro ng OTW! Kasama sa paskil na ito ang mga kawing para sa maiikling Talambuhay at Plataporma na isinulat ng bawat kandidato. Ipapaskil ang impormasyon tungkol sa panahon ng botohan at kung paano bumoto sa sandaling panahon.
Samantala, mayroong timeline ng mga kaganapan sa Halalan na makikita dito para sa iyong sanggunian. Patuloy na magbasa upang malaman ang higit pa tungkol sa mga kandidato at kung paano magsumite ng katanungan para sa kanila!
Mga Talambuhay at Plataporma
Humingi kami ng talambuhay mula sa bawat kandidato na nagbubuod ng kanilang propesyonal at fannish na karanasan, pati na ang pagsulat ng kanilang Plataporma tungkol sa kanilang mga layunin para sa kanilang termino sa Lupon sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na katanungan:
- Bakit naisipan mong tumakbo sa halalan para sa Lupon?
- Anong mga kakayahan at/o karanasan ang iyong maibabahagi sa Lupon?
- Pumili ng isa o dalawang layunin para sa OTW na mahalaga sa iyo at nais mong pagpursigihan sa iyong termino. Bakit mo pinahahalagahan ang mga layuning ito? Paano ka makikipagtulungan sa iba upang makamit ang mga ito?
- Ano ang iyong naging karanasan sa mga proyekto ng OTW at paano ka makikipagtulungan sa mga kaugnay na komite upang suportahan at palakasin ang mga ito? Subukang magbanggit ng iba't ibang klase ng proyekto, bagama't huwag mag-atubuling bigyang-diin ang mga partikular na proyekto kung saan ika'y dalubhasa.
- Paano mo babalansehin ang iyong trabaho sa Lupon sa iba mo pang tungkulin sa OTW, o paano mo balak ipasa ang iyong mga kasalukuyang tungkulin upang ituon ang pansin sa trabaho sa Lupon?
Maaaring mong basahin ang kasagutan ng mga kandidato sa mga katanungang ito at ang kanilang mga talambuhay sa mga kawing na nasa ibaba.
Isang organisasyong di-pangkalakal ang OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) na sumasaklaw sa ilang mga proyekto, tulad ng AO3, Fanlore, Open Doors, TWC, at Ligal na Pagtataguyod ng OTW. Pinapatakbo ang buong organisasyon ng mga boluntaryo at dumepende lamang sa mga donasyon. Maaari niyong alamin ang higit pa tungkol sa amin sa pagbisita sa website ng OTW. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa aming mga boluntaryong tagasalin, na siyang nagsalin ng paskil na ito, maaaring tumungo sa pahina ng Komite ng Pagsasalin.
