AO3 News

Post Header

Published:
2017-06-30 16:43:18 UTC
Original:
Progress Report: AO3 Rails Upgrades!
Tags:

Kung inyong napansin habang sinusubaybayan ninyoang aming mga release note para sa Archive of Our Own - AO3 (Ating Sariling Sisidlan), karamihan sa aming mga tinututukan ay ang mga update sa back-end. Ang mga salitang "test coverage" (sakop ng pagsusubok) at "strong parameters" (mga matatag na parametro) ay kitang-kitang tumatampok sa bawat changelog sa halos na isang taon, at dahil dito ay hindi kami makatutok sa mga katangian at pagkukumpuni na malinaw niyong nakikita. Gayunman, may mga progresong nangyayari, at dahil sa inyong mga donasyon, mayroon kaming pinansiyal na kakayahan na makipagtrabaho sa mga kontraktor sa karamihan ng mga update na ito!

Naranasan na naming makipagtrabaho sa ilang mga kontraktor, pangunahin ay sa mga mas maliliit na mga pagkukumpuni sa aming codebase. Ngayon, mayroon na kaming isang kahangahangang koponan sa panig namin para sa karamihan ng aming malaking Rails upgrade, at inaasahan naming mananatili sila sa ilan pang mga proyekto pagkatapos nito. \o/

Gayunman, mahalagang tandaan na hindi ibig sabihin na lahat ng kailangang gawin ay matatapos kaagad-agad dahil lamang kaya naming umarkila ng mga kontraktor. (Naku.) Kailangan paring ganap na suriin at subukin ng aming maliit na koponan na mga boluntaryong coder at tester ang lahat ng mga isinumiteng code, habang tinutupad rin ang kanilang mga nakakayamot na responsibilidad sa "totoong buhay". Maski man binabayaran o hindi ang taong nagtatrabaho sa code, maaari pa ring umabot ng ilang araw upang malutas ang mga bug. At ang pinakahigit ring pinapahalagahan ay ang mga di inaasahan na problema na nakasasama sa stabilidad at sekyuridad ng site, at dahil dito ay nauubusan ng oras ang mga boluntaryo para sa iba pang mga gawain. (Ito rin ay isang dahilan kung bakit ang mga higit na mahalagang code update ay matagal ng naaantala: parating may mga problemang kailangang lutasin agad!)

Dahil dito, ang paglusong sa aming lipas na code ay matatagalan pa, at sa mata ng mga tagagamit ay para bang mabagal ang progreso. Sa kasulukuyan, gamit namin ang Rails 3.2, at pagkatapos ng upgrade, ang ating magagamit ay ang pinakabagong bersyon ng Rails 5. (At alam naman ng sinumang pamilyar sa Rails na ito'y isang mahirap na gawain.) At pagkatapos namin sa mga gawaing Rails, kailangan naming i-upgrade ang Elasticsearch, ang nagpapagana sa kakayahan ng AO3 na hanapin at salain ang mga katha. At pagkatapos noon ay iidlip muna kami ng saglit maaari na naming tutukan ulit ang mga mas nakatutuwa at mas makikitang mga proyekto namin!

Nais namin kayong pasalamatan sa inyong pasensya sa lahat ng mga ito, at sa inyong mga donasyon na ginagawang posible na i-outsource ang ilang mga kailangang gawin kasangkot sa pag-uupdate sa code ng AO3. Kahit man hindi namin kayang sagutin ang lahat ng mga komento dito, o tugunan ang bawat tweet (kahit man sobrang nakakatawa ang inyong reaction gif), kita namin kayo, at hanga kami sa inyo. Maraming salamat sa inyong suporta sa lahat ng nakalipas na mga taon! <3