Chapter Text
Mayroon talagang mga bagay na dapat hindi pag-usapan—at para kay Soonyoung, isa na doon ang pagpunta niya sa main gate ng uni para i-pick up si Jihoon for their supposed ‘date’
Date.
Oo, yung word na ‘yun. Yun yung reason kung bakit ayaw niya pag-usapan ang nangyari sa kanya nung pinuntahan niya si Jihoon. Eto si buboy, masyadong kinilig sa word na ‘date’; nasabik at naloka to the point na he almost made ihi in his pants.
Naalala niya yung sinabi ni Junhui, habang naka-cling sa kanyang ‘my babyloves’ Minghao: Pare ha, huwag kang ma-manok kapag i-memeet mo na si Jihoon. Worst case scenario is maihi ka sa pants mo.
Minghao: Gago ka! Knock on wood!
Junhui: Sorry na, babes!
Pero may good points ata siya kay San Pedro at hindi naman nangyari yung worst case scenario. Ayun, naging wobbly lang ang knees niya, nanlamig ang kamay, at nagpawis na parang basang sisiw. Parang anghel kasi si Jihoon eh.
Biruin mo ‘yun. Last week lang sobrang nagkakandarapa siya tas ngayon he’s gonna go on a date with Jihoon? Amazing.
“Hi,” Jihoon greeted with a smile on his beautiful, award-winning face. “Ready to go?”
“Wow,” biglang sabi ni Soonyoung. Shit, bakit ang cute niya?
“Wow?” tanong ni Jihoon.
Soonyoung blinked. “Ah, wala, wala. Wow—uhm, uh—ang ibig sabihin ko, wowowee sinong ‘di ma-wiwillie! Ganda kasi ng weather eh.”
“Ay oo nga,” nagsimula na silang maglakad papunta sa station ng mga jeep. “Perfect para sa date natin ‘no?”
“Date?” may pa-choke choke effect pa siyang nalalaman.
“Oo,” tumango si Jihoon. “Bakit? Hindi ba ‘to date para sa’yo?”
“Date! Date siya!” biglang sigaw ni Soonyoung. “Date. We’re going on a date.”
Jihoon made kagat-labi, kilig naman itong si kuya. Biglang hinawakan niya ang arm ni Soonyoung. “Tara, let’s catch the jeep bago pa tayo mawalan ng space.”
“My babyloves, I think we should go home,” bulong ni Minghao, “I feel bad na we’re kind of stalking them.”
“We’re not stalking them,” depensa ni Junhui, hiding behind the Soy Yummy stall. “Coincidence lang na we’re in the same mall and same yung direction na nilalakad natin.”
“Bakit nga ba ulit kita sinamahan?”
“Kasi we’re worried for our torpeng buboy Soonyoung. Plus, you love me.”
“Uuwi na ako.”
“Teka, babe! ‘Wag namang ganyan! Tara IMAX tayo, you want?”
Minghao frowned. “May pera ka?”
Junhui made a nerbyos chuckle.
Tinuloy ni Minghao, “maski nga taho hindi mo mabili para sa’kin. IMAX tickets pa kaya?”
“My babyloves naman! Yung tahong 10 pesos na lang. Masyadong mahal ‘to.”
“Ang kuripot mo,” Minghao shakes his head. Na-120 pesos tuloy siya dahil sa dalawang soy smoothies. “Anyway, kung i-sstalk nga natin talaga sila Soonyoung, we better start moving now.”
“Orayt!” sigaw ni Junhui, putting his fists up. Inakbayan niya ang kanyang babyloves at sinabi, “let’s go!”
“Okay lang ba sa’yo ang Mang Inasal?” tanong ni Soonyoung, medyo na-sshy.
Jihoon turned to him, tas oh my god yung ngiti niya. Mukha siyang sobrang excited. “Favorite resto ko ‘to!”
Nag-order si Jihoon ng pork sisig at ng ensaladang talong, meanwhile ang in-order ni Soonyoung ay grilled liempo, at 2 set ng dinuguan at puto para sa kanila ni Jihoon.
“Uhm, Jihoon, don’t worry, treat ko na ‘to,” sabi ni Soonyoung with a smile.
“Ano ka ba. Okay lang. Nag-save up ako para dito.”
“Pero date ‘to diba? Dapat ako manglibre.”
“Hmm, bakit naman? Kung manners ang usapan, edi magbabayad din ako.”
“Basta,” Soonyoung pushed away his hand na may hawak na wallet. “Ako na magbabayad. Imaginin mo na lang na ikaw yung prinsipe ko and I’m your knight in shining armor.”
Parehas namula ang mukha ng dalawang pakipot. Saan kaya nakuha ni Soonyoung ang hugot na ‘yun? Hindi niya alam. It just came out naturally. Jusko, nakakahiya talaga. Hindi niya matingnan si Jihoon sa mata.
“Okay sige,” tumango si Jihoon at tinago ang wallet. “Thank you.”
Nang nakahanap na sila ng upuan, biglang natameme ang dalawang haliparot. Nagpumilit na tumawa si Jihoon para ma-lift ang awkwardness ng atmosphere. Ngunit ito ay wala namang masyadong use; parang statwa parin ang peg ni Soonyoung habang nakatingin sa soysauce.
“So, uhm, kamusta yung plates mo?” tanong ni Jihoon. Medyo na-sshy din siya dahil kaharap niya ang Ultimate Gwapo Chinito ng buong arki department, ng buong campus. “Tapos ka na ba?”
“Uh, yung elevation at perspective na lang gagawin ko,” pabulong na sabi ni Soonyoung.
Nag-whisper din si Jihoon, “bakit ka bumubulong?”
Napangiti si Soonyoung, “wala lang.”
“Ayun oh,” Jihoon made turo at Soonyoung’s labi. “Nag-smile siya oh.”
You make me smile.
“Anong sabi mo?”
“Huh?” Soonyoung shook his head. “Wala.”
“Okay,” tumingin si Jihoon sa kaliwa niya. “Andiyan na yung drinks natin.”
“Ah, okay.”
Silence.
Pagdasal niyo po ang kaluluwa ni Soonyoung. Suddenly, nakalimutan niya na kung paano magsalita. The waitress put the iced teas sa table nila. Narinig niya na mag-thank you si Jihoon sa waitress.
“Uhm, so, uh kamusta life?”
Way to go, Soonyoung. Anong klaseng question ‘yan. Ang loser mo talaga.
“Okay naman,” naki-ride si Jihoon. “Maayos naman yung grades ko, maaga kong natapos yung plates ko.”
Bago makapag-reply si Soonyoung, in the corner of his eye, mayroon siyang nakitang tatlong magkakasama na tinatago ang mukha gamit ang mga menu—pero kahit na. Kaya parin i-recognize ni Soonyoung kung sino ang mga taong ito.
Lord, bakit ganito?
So, stinastalk siya nila Seungkwan, Mingyu at Wonwoo. Teka, ayaw niya muna mag-assume. Tiningnan niya ng mabuti ang trio, two tables away from them. Holy shit. Sila nga iyon. He can tell because medyo kita ang face ni Mingyu dahil parang damulag ito, may nararamdaman siyang emo vibes galling kay Wonwoo at si Seungkwan—well, from here he can hear his boses. (“Ene be nemen keyong dalawa! Joskopo! Masyadung obyus! Baka mahalata tayu ni Ser Soonyang!) Amazing. At—
“Hindi ba si Junhui at Minghao ‘yun?” biglang ininform ni Jihoon, nakaturo sa labas ng Mang Inasal.
Tumalikod si Soonyoung at nag-grimace. Pati ba naman yung bestfriend niya at yung boyfriend ng best friend niya?
“Mag h-hi ba tayo?”
“’Wag na. Just pretend they don’t exist.” Soonyoung raised his fist sa isang tumatawang Junhui and made amba. Pagtapos nito, piningot ni Minghao si Junhui at pumunta somewhere else now that their cover is blown.
Tamang tama, dumating na ang mga food na in-order nila. Sinabi niya na lang sa sarili niya na wag na lang i-mind yung mga nang-sstalk sa kanya—pero he thought na it wouldn’t hurt to make parinig.
“Ang saya! Parang party! Kulang na lang yung baby brother ko!”
Tumawa si Jihoon. “May pinaparinggan ka ba?” lakas talaga pumick up ang future hubby niya.
“Maybe,” he made subo himself the liempo. Don’t mind. Don’t mind muna. Kasama niya ang pinaka mamahal niya sa buhay and that’s all he should care about for now.
“Ah, wait, Soonyoung—may dumi ka sa mukha,” he reached out his hand and wiped the kanin away. “Ayan, wala na.”
Soonyoung gulped and made pigil his kilig. “T-thank you.”
After that, medyo naging comfortable na sila sa isa’t isa. Talking about their terror profs, yung plates nila, or anything under the sun. Isang malaking progress! Parang feeling niya nag-clear na yung skin niya, papasa na siya sa lahat ng subjects niya, the grass is greener, the sun is smiling.
“Miss, isa pa nga pong rice!”
“Pang-ilan mo na ‘yan?” tanong ni Soonyoung na medyo laughing.
“Hmm, pang-apat ko na ata,” sabi ni Jihoon like it’s no big deal. “Sorry, matakaw ako eh.”
“Okay lang,” sabi ni Soonyoung. “Ang cute nga eh.”
If you listen closely, you could hear Yaya Seungkwan making tili.
“Cute ako?”
“Oo, cute ka,” tuloy ni Soonyoung. Eto na, binata na ako.
Kagat-labi naman itong si Jihoon.
“Thank you,” reply niya in a small voice, fixing his hair. “Cute ka rin.”
Ako’y kinikilig
Pag ika’y lumalapit
Ako’y nanginginig
At nadarama ang puso na pumipintig
Natutuwa sa iyong tinig
O ito nga ba ang pag-ibig
“Nakakakeleg nemen ow!”
Napatingin si Jihoon sa direction nila Yaya Seungkwan. “Narinig mo ba ‘yun?”
“Huh? Imagination mo lang ‘yun,” Soonyoung nervously made tawa.
Pagtapos nilang kumain, nagyaya si Soonyoung, “halika, libutin muna natin yung mall.”
“My tatay senses are tingling,” sabi ni Seungcheol, nag-ssniff. “Feeling ko nagbibinata na si Soonyoung.”
Sumimangot si Jeonghan. “’Tatay senses’ ka diyan…kaka-text lang sa’yo ni Mingyu na binata na yung panganay natin oh.”
“Eto naman…hindi mabiro,” kunyaring nagtampo ang haligi ng tahanan. “Anyway, wala pa sila Chan-potpot, yung trio at si Soonyoung…are you thinking what I’m thinking, honey?”
Binaba ni Jeonghan ang newspaper at tumingin sa kanyang asawa. Nag-smirk siya at sinabi, “sabi nga nila, babe, great minds think alike.”
Hindi alam ni Soonyoung kung saan niya nakuha ang kanyang confidence kanina sa Mang Inasal—malakas ang kutob niya na dahil lang sa espiritu ng liempo at unli-rice iyon.
Parang…binawi yung tuli niya.
Ganon.
Ngayon, nasa cinema house sila ni Jihoon, nanonood ng Batman v Superman: Dawn of Justice. May hawak siyang box ng popcorn, big enough for the two of them. Siyempre, medyo breezy siya—kaya kada kumukuha ng popcorn si Jihoon, kumukuha rin siya para mag-brush yung kamay nila sa isa’t-isa.
Sige, breezy nga siya, pero it’s not enough to be a tornado, you know? Hindi pa niya na-mamaster ang art ng pagiging hokage, kaya eto siya—sobrang tahimik, hindi maka-focus sa movie.
Ang worst case pa ay: nakadevelop siya ng ubo.
Yes, ubo.
As in eheu, eheu, eheu—yung tipong bawat cough, lumalabas na yung buong kaluluwa mo.
Nakalimutan niyang medyo sensitive yung throat niya sa mga sobrang lamig. Pano ba naman kasi, ang yabang niya. Nanlibre siya ng yogurt, nag-boba pa sila, and to top it off: nag ice cream pa sila!
“Eheu, eheu, EHEU!”
“Soonyoung,” pabulong na tawag ni Jihoon, “okay ka lang ba? Do you need water? Eto oh, hindi malamig yung binili ko.”
“Okay lang,” Soonyoung reassured him. Binigay parin ni Jihoon yung bote ng tubig, at si Soonyoung—no choice—kinuha at ininom ito.
At shet, dun niya lang na-realize na nag-indirect kiss sila.
“Enderek momol! Enderek momol!”
Nanigas si Soonyoung at tumalikod. Andun, nakaupo sila Yaya Seungkwan, Drayber Mingyu at Hardinerong Wonwoo. Nag-hi si Mingyu, habang si Wonwoo naman ay nag-thumbs up. Si Yaya Seungkwan though, nag-pretend na hindi affected, parang hindi pa na-bblow yung cover niya. Jusko. He won’t be surprised kung biglang mag pop-up ang parents niya, pero least likely—feeling niya nag-jujugjugan na yung dalawang ‘yon sa master’s bedroom. Si Chan-potpot naman, nag-aaral.
“Eheu, eheu, eheu—” huminga siya ng malalim. Kala niya tapos na ang coughing fit niya, pero hindi pa pala, “eheueheueheueheueheueheueheu.”
Nakakahiya talaga. Sobra. Pinagtitinginan na sila ng mga tao.
“Soonyoung, kaya mo bang i-pigil yung mga ubo mo?”
“Sorry, tintry ko talaga…”
“Hm, archi major tayo, pero uhm…may alam akong solusyon para mapigilan yung ubo mo.”
“Huh?” Soonyoung raised his eyebrows. “A-ano ‘yun?”
“Uhm, breathe deeply through your nose—” ginawa naman ni Soonyoung. “At exhale…tapos—” Jihoon pursed his lips, and leaned in closer. Si Soonyoung, nakatingin lang, nag-sshort circuit ang brain. “Tapos eto—” hinalikan niya si Soonyoung sa cheek.
Hinalikan niya si Soonyoung sa cheek.
Oh my God.
Hindi na siya maliligo, hindi na siya mag-fafacial wash; he is so blessed, grateful, thankful. Suddenly, nawala na yung kaluluwa niya. Nasa heaven na. Nasa heaven na siya.
“Sana…maging okay ka na…”
“Uh—” nag-crack ang boses niya. “uhm, oo…”
Nag-nod si Jihoon at bago niya balikan yung movie, tumingin siya sa likod dahil sa ingay. Si Yaya Seungkwan ay namamatay sa kanyang upuan, kinakagat ang kanyang mga fingers. Madilim man, pero kitang-kita ang luha niya. Si Mingyu at Wonwoo naman ay tintry siyang i-pacify. Nag-wave si Jihoon sa kanila at nag-smile.
Tumingin siya muli kay Soonyoung, “kanina pa kasi sila sa Mang Inasal eh.”
“Sorry, haha,” pa-shy na sinabi ni Soonyoung.
“Wag kang mag-sorry, okay lang,” sabi ni Jihoon. “Ang saya nga eh. Masaya kang kasama.”
To conclude the day, parang si Jihoon ang hokage. Pero siyempre, etong si Soonyoung, ayaw maging assumingero. Hays.
Hinatid ni Soonyoung si Jihoon sa bahay niya. Bungalow siya at kinakalawang na ang gate. Pero okay lang, comfortable naman.
“Thank you for this day,” sabi ni Jihoon. “Sobrang na-enjoy ko. Uhm, sana hindi ‘to yung last.”
Nag-nod si Soonyoung. Hindi niya alam kung ano ang sumapi sa kanya, pero kung ano man ‘yun, thankful siya—kasi, nag-lean in siya para i-kiss si Jihoon sa cheeks, ngunit bago mangyari ang life-changing na moment na ito, biglang may sumigaw, “Jihoon, nandiyan ka na ba?!”
Yung nanay niya ata ‘yun. Biglang nag-freeze si Soonyoung. Hay, first time siyang mag-hohokage tas biglang ganito?
Pero biglang hinawakan ni Jihoon ang kanyang shoulders, putting him into place. “I-kikiss mo ba ako?”
Nag-gulp si Soonyoung, “oo sana.”
“Edi ituloy mo…”
“Huh?” mas bumilis ang tibok ng heartchichi niya. “Pero yung nanay mo…”
Nag-smile si Jihoon. “Go na, before I change my mind.”
Soonyoung then leaned in—at ayun! Parang magic.
I knew I loved you before I met you
I think I dreamed you into life
I knew I loved you before I met you
I have been waiting all my life
Hindi na kailangan ng abra kadabra o ng kahit ano pa, kasi si Jihoon? Magic na siya himself.
“Sige, thank you ha,” sabi ni Jihoon, pagtapos niya na buksan yung gate. “See you on Monday! Bye bye!”
Mga ilang minuto na nakatayo si Soonyoung doon, kahit nakapasok na si Jihoon sa bahay niya. The only time na he snapped back to reality is when a car made beep beep at him.
Hay.
“Ser! Dali, hop in na. Madilim na oh.”
Soonyoung shaked his head and got inside the car. “Kayong tatlo talaga…hanggang dito pa naman, sinundan niyo ako?”
“Sos! Ser, walae laeng yaen! Penaheya ke be nemen?! May pa-mwamwa-chupchup pae ngae kaeyong nalaelaeman deyan ey!”
Ngumiti naman etong si buboy Soonyoung.
“Ah! Ah! Cheollie honey naman! Ang sakit,” iyak ni Jeonghan. “Huhubells—ah!”
“’Wag kang malikot, honey, I’m trying to find the right spot,” payo ni Cheol. “Ayun oh!”
“Punyeta ka, ang sakit!” sigaw ni Jeonghan. “Dahan-dahan lang please…”
“Sabi mo, I should do it hard. Eto, I’m doing it hard. Hiyaaaaah!”
Jeonghan shaked his head. “Not that hard…sige soft…massage na lang. Wala kang mercy sa mga lamig ko. Jusko.”
Seungcheol sighed habang nakastraddle sa likod ng kanyang asawa, baby oil in hand. It’s about time na binigyan niya yung asawa niya ng massage. Pagod kasi ang honey niya from doing house chores.
“Aray!”
