Actions

Work Header

marxist in the streets, marupok in the sheets

Chapter 3: the opposite of chalance

Summary:

juhoon atienza kim is a proactive marxist na naniniwalang hindi dapat hinihintay ang grasya kundi ipinaglalaban

Notes:

(See the end of the chapter for notes.)

Chapter Text

so ever since inarbor ni juhoon ang ateneo hoodie ni martin na heavily scented ng amoy ng kanyang ultimate kpop bias, official nang nagstart ang panibagong kabanata ng kanyang buhay: ang oplan pukpok ang pokpok, the nonchalant era.

 

kaya lang, there’s this one huge ass logistical problem—hindi sila nagpalitan ng ig handle ni martin nung time na binagyo siya.

 

like, nakauwi naman siya nang ligtas (thanks, martin), but the bigger problem was there was no way para singlin si martin ng kanyang promised coffee. and since juhoon atienza kim is a proactive marxist na naniniwalang hindi dapat hinihintay ang grasya kundi ipinaglalaban, nagset up siya ng stakeout.

 


 

tatlong araw na si juhoon na tambay sa UP oval tuwing alas-kwatro ng hapon.

 

he’s sporting his pinakamasikip na athleisure set—isang black na razorback tank top at ang, yes, you’ve correctly guessed it, his infamous schrödinger’s shorts—at nagpapanggap na nagsstretching sa tapat ng sunken garden. on his back, nakaupo sina minji at hanni, walang awang nilalantakan ang twenty pesos worth na fishball na nabili nila there lang habang pinapanood ang katangahan ng kanilang bading na kaibigan.

 

“alam mo, sis, para kang unhinged na yoga instructor na naghihintay ng client,” comment ni minji, sabay munch ng kanyang kikiam. “give up ka na. baka inarbor nalang niya wet wipes mo at kinalimutan ka na for real.”

 

“ugh, shut up, minji. the universe rewards the persistent,” medyo maldita na answer naman ni juhoon. he was trying his best to arch his back, all while kunwari nittouch ang kanyang perfectly-trimmed toenails.

 

biglang nabulunan si hanni, “gaga! 12 o’clock! paparating na yung agila!”

 

halos magsnap ang leeg ni juhoon paglingon. and ayun nga, finally, lord, nakaspot narin siya ng endangered species aka si martin na tumatakbo sa ilalim ng puno ng acacia. naka-ateneo track shorts at white sando ito, pawisan pero mukhang commercial model parin ng isang sports drink.

 

and, just like before, nagslow motion ang mundo. pero kasabay nito ay ang violent and involuntary na pagclench ng butas ng pwet ni juhoon. literal na nagtighten malala ang kanyang sphincter sa level na para bang kaya na neto pumutol ng kable ng kuryente.

 

feeling niya, nagleak ang kaluluwa niya pababa sa kanyang pekpek shorts. he kinda had to pinch yung sarili niya to stop himself from literally moaning out in the open. it’s as though he had been catastrophically fucked, or maybe his systems got, kasi nagmamalfunction na ang kanyang biology.

 

hindi pwede, tangina, naghysteria ang utak ni jju. kung marinig man nina hanni at minji ang, probably, most inappropriate na tunog na nagtthreaten na lumabas sa lalamunan niya, for sure siya ang magppay ng therapy ng dalawang to for life.

 

hindi pwedeng siya ang maging dahilan ng ptsd ng kanyang friendships dahil lang sa poging atenista, okay!

 

kalma, self. sabi ni juhoon sa sarili niya, consciously trying to avoid looking at the sheer glisten ng sweaty biceps at chest ni martin. lalaki lang yan, bading ka. ikaw dapat ang nananakit, hindi yung nilalagnat.

 

nang mapansin ni martin si juhoon, agad itong nagstop at lumapit, his lethal smile already on full display. the familiar smell of le babo was still there, albeit faintly; and instead, amoy na amoy na ni juhoon ang mamahaling fabric detergent nito na nakahalo sa natural musk na amoy ng pawis ng lalaki.

 

oh, fuck. mas lumalala ang pagsikip ni juhoon, kung may isisikip pa man siya. though, he reckons that it’s anatomically impossible??? well, tingnan nalang ni martin nang magkaalaman na. charot!

 

“oh, hey! hi!” masayang greet ni martin. “it’s you, from the waiting shed! sobrang thank you ulit sa wet wipes the other day, man. you really saved my life… or at least my car seats.”

 

“it’s juhoon… hehe—“ maarte na sagot naman ng ating bida. pilit siyang tumayo sa kanyang stretching position nang dahan-dahan, elegantly swiping a stray hair behind his ear, hoping na he looked like a seductive, out-of-breath gym bunny. “—uhm… tumatakbo ka rin pala here?”

 

“yeah, sometimes if trip lang umikot sa campus niyo. yours is bigger than ours eh,” martin chuckled, casually swiping his sweat off his forehead gamit ang laylayan ng sando niya, giving juhoon a lethal 0.5-second flash of his rock hard abs.

 

“i’m martin, by the way,” i know, isip ni juhoon. oops! “and oh, i was actually hoping to bump into you. i still owe you that coffee. di ko man lang nakuha ang number or ig mo.”

 

juhoon swears narinig niya ang malakas at mapang-asar na pagcough nina hanni at minji sa background. he tried to ignore it, baka masakal niya ang kanyang mga kaibigan mamaya. nilabas narin ni juhoon ang kanyang phone. “oh, sure! ano ba ig mo?”

 

nitype ni martin ang handle niya: @martin.edwards, ang sarap. pagsauli niya ng phone kay juhoon, nitap na naman nito ang kanyang balikat. “followed you back. sige, i’ll just dm you, bro. catch up soon, ha? solid ng stretching form mo, pre.”

 

nung nakaraan lang, nagbblue screen of death ang utak ni juhoon sa mga yuck na words na yun (bro, pre, and 99+ others). pero now? as he watched martin jog away, napahawak nalang siya sa kanyang malanding dibdib. isang deep na sigh ang pinakawalan niya.

 

tinanggap na ng bading na sistema niya ang assumption ni martin that they’re literally magtropa lang, pero bakit parang may maliit na karayom na tumutusok sa kayang aorta?

 

lumapit sina hanni at minji sabay tapik sa balikat niya, literally just like what martin did. “solid ng form mo, pre,” pang-aasar ni minji.

 

“shut up, magkakahemorroids ata ako sa higpit ng pagpigil ko sa sarili ko,” sabi ni juhoon, holding on his phone tightly that now had martin’s ig in it.

 

that night, after nila magpalitan ng ig handles sa oval, agad agad nagpatawag si jju ng emergency general assembly sa kanilang gc.

 

powder puff girls

 

jju: [sent a post by @martin.edwards]

jju: hi mga sis. need q ng peer review. mag-objectively rate tayo before ako magcrumble bilang aktibista.

 

so ayun na nga, nagsimula na ang kanilang investigation. ang unang post ay kuha mula sa isang obvious na mamahaling chateau overseas—somewhere in europe, maybe in france or italy? naka-tailored suit si martin, may hawak na champagne flute, at pamatay ang ngiti habang sobrang effortlessly classy na nakasandal sa isang vintage car.

 

hanni: hmm… objectively speaking, 10/10 ang tax bracket niya. the atenista runs in the blood, teh. but like honestly i feel na mag-eexplain yan siya ng stock market at crypto out of nowhere. iyong iyo na bes

 

every time na nagsswipe si juhoon, feel niya na para bang sa video game siya at literal na nababawasan ang kanyang hp (hit points).

 

-20 hp.

 

the second post ay isang blurry at candid shot sa isang party. pawisan si martin, disheveled ang buhok, at naka-unbotton ang first three buttons ng kanyang polo. di pa talaga naawa kay jju at nakasmirk pa ang gago while holding a red cup filled with drinks.

 

minji [heart emoji]: even sa 240p lighting, the jawline is jawlining. in fairness bff, hindi siya haggard or something. 10/10 rin, pero feel ko type niyan mga nakaairforce 1 at nagbbreakfast ng acai bowl. good luck beshy namin <3

 

-40 hp. critical hit!

 

nakakatake na ng psychic damage si jju sa sobrang pagkaka-overstimulate ng kanyang frontal lobe, all while his friends ay natitiling immune.

 

at ang ikatlong post—oh my GOD—ay ang ultimate finisher. hiking kung wherever mang bundok. topless si martin, nakatingin sa malayo while wiping his sweat gamit ang kanyang t-shirt. ang kanyang makapal NA MAKAPAL na dibdib ay parang nagppump ng kanya lang—as if it has its own life and casually pays double tuition sa ateneo just because he can.

 

jju: tangina ha nakakapanghina naman to. im literally at 1 hp left…

hanni: scientifically speaking, flawless ang anatomy. a-plus genetics, ganern. 11/10 kasi tangkad din. pero pass talaga sa mahilig sa outdoor, kakapagod kaya? support ka na namin dito sis all the way to the altar

 

habang busy pa si juhoon kakastare sa topless pic ni martin, biglang nagpop up ang isang notif from none other than user @martin.edwards himself. muntik na mahulog ni juhoon ang kanyang phone sa kanyang mukha.

 

@martin.edwards: hey, pre! free ka ba tomorrow? let me buy you the coffee i owe you. uptc?

 

pagbasa palang ni jju sa salitang pre, parang may invisible na hammer na dumurog na sa natitirang 1 hp niya. GAME OVER. silently crumbling like a stale piece of skyflakes, huminga nalang nang malalim ang ating bida. para mapreserve ang kanyang remaining dignity, nagwait siya ng exactly 16 minutes bago magreply para kunware busy at pabebe.

 

@jju.diva: oh hi! slr, let me check my sched munaaa

@jju.diva: hmm.. i can squeeze you in naman hehe siguro 2 pm?

@martin.edwards: nice. see you!

 


 

hindi naman sa pag-aano pero nagprep si juhoon ng tatlong oras para sa kape nilang ito. nag-exfoliate siya, nagshave rin (just in case lang naman, pero regularly naman siyang nagsshave kaya he’s spotless asf), at nagsuot ng gray mesh top na pinatungan ng blazer para kunware modest but accessible. and, of course, you know the drill sa pambaba niya.

 

pagdating niya sa starbucks uptc, andun na si martin. nakasando na ateneo basketball gym shorts, at, lagi nalang, pawisan pa. amoy le babo nanaman siya and juhoon tries so hard not to cry the instant.

 

“hey, pre! over here!” kaway ni martin, his voice so loud na kaya ng marinig ng buong katips.

 

ayan na naman sa pre. pilit nalang nirrepress ni juhoon ang kanyang internal crumbling. he then sat, crossing his legs majestically, making sure na nagffall nang tama yung blazer niya just to highlight his collarbones.

 

“hi. sorry, kanina ka pa? napreoccupy ako ng readings ko eh…” lie. busy siya magpaganda.

 

“nah, just got out of the gym,” martin grinned, flashing those pearl-white teeth. tumayo naman ito para umorder like the gentleman that he should be. “what do you want? my treat. iced americano rin ba sayo?”

 

“matcha latte. sub oat, add three pumps ng white mocha, at venti, if okay?” sobrang atake lang ng pacute ni juhoon, sinabayan niya pa ng patwirl ng kanyang imaginary long hair. “i need something sweet sana today eh…”

 

nagnod lang naman in acknowledgment si martin. pagbalik niya kasama ang drinks, nilapag niya ang venti matcha latte nito sa harap ni juhoon. but like before pa makareact at makapagbat ng eyelash si juhoon, biglang nilabas ni martin ang isang malaking tub ng whey protein powder mula sa gym bag niya.

 

“dude, do you mind if i add a scoop sa matcha mo?” seryosong tanong ni martin. “ang nipis kasi ng suot mo, pre. presko nga yan, solid na fit, pero you need to build some muscle mass para hindi ka na nilalamig when it rains. i got you, bro. vanilla flavor to. babagay sa matcha.”

 

WAIT…ANO RAW?!

 

okay, aside sa ginamit niya ang holy trinity ng straight man language of greetings… HUH??!!

 

build some muscle mass?! excuse me, isang certified twink si juhoon! magseserve siya ng body tea, hindi magbubuhat ng semento or whatever! also, hindi pa ba halata ang kanyang super slim na waist na halos di na makita sa sobrang snatched? tapos papabuild lang siya ng muscle mass? what THE FUCK!!

 

“e-excuse me?” pabulong na sabi ni juhoon.

 

he quite literally doesn’t know what to do anymore—kung maooffend ba siya na hindi na-appreciate ni martin ang kanyang twink proportions, or maiyak nalang kasi walang awang nilagyan na ng approx 30 g of pure, mass-building protein powder ang kanyang supposedly aesthetic matcha drink na sinearch niya kanina sa tiktok.

 

“yeah, man. gotta hit those macros,” martin cheerfully stirred the drink with a wooden stirrer. “it’s done! next time, sabay tayo magbuhat?”

 

imbes na maging romantic coffee date to, nagmukha silang gym bros na nagdidiscuss about calorie deficit except that naka-schrödinger’s shorts si juhoon. kaya ayun, umuwi si jju na busog sa protein pero gutom naman sa pagmamahal.

 


 

hindi sumuko si juhoon. his momma didn’t raise no weak bitch. kaya, kung hindi siya nadaan nung nagkape sila, dadaanin nalang niya sa talino. sabi nga nila, sapiosexuality is real.

 

actually, juhoon is in the middle of his active phase of his undergraduate thesis. kinda stressed siya dahil he’s currently developing a laboratory-scaled research project to synthesize and characterize activated carbon derived from defatted coconut meat. to be brutally honest, mabigat ang kanyang academic load—but in his malanding head, this is the perfect excuse para tumawid sa rizal library ng admu at magpasign in kay martin as guest.

 

nagmessage siya kay martin, adapting to the dudebro language for survival:

 

@jju.diva: hey, bro! (cringe) so i have a hard time coming up with specific resources for my thesis on waste valorization. can you sign me in sa rizal lib as guest? if you’re willing to help a friend lang naman! [teary-eyed emoji]

@martin.edwards: sure thing, pre. i’m studying here anyway. see you sa sec walk!

 

nang makapasok na siya sa loob ng ateneo at otw na sa library, biglang nagising ang diwa ni juhoon.

 

omg kayo mga teh, totoo ang chismis!

 

hindi lang pala puno ng trees ang admu, overflowing din pala to sa mga nagttennis na chinito, mga nakaboat shoes na moreno, at people of all gender na amoy old money. parang buffet ng masasarap na men ang buong campus!

 

but, habang sight siya ng mga taong dumadaan, a hard realization hits him.

 

oo, marami ngang pogi, isip ni juhoon. they can be handsome, but not afam. wow, nagrhyme. talagang iba ata ang amats niya kay martin, literal na nabulag na ata siya ng amoy ng le babo santal 33 na yon dahil kahit na anong dami ng premium na lalaki sa paligid niya, hinahanap-hanap parin niya ang specific blue eagle na sumira sa kanyang ego.

 

pagdating sa lib, umupo sila ni martin sa isang table. sakto, sa other table, may isang group ng mga lalaki na mukhang sa management engineering galing na super award ang face cards.

 

okay, fine, they are not martin, pero c’mon, bakla lang si juhoon, okay? hindi niya mapigilang tumitig at sumilip-silip nang slight sa mga men. sayang naman ang view total puro gym advice lang naman ang nakukuha niya sa kasama niya. baka dito na niya rin makita ang rebound niya, char!

 

pero biglang tumayo si martin, casually dragging his chair, at pumwesto sa mismong harapan ni juhoon, completely blocking his view of the boys.

 

what the hell!

 

napafrown si jju, his forehead creasing in obvious annoyance. the audacity of this blue eagle na takpan ang view niya eh nagsscroll lang naman siya sa ipad niya! mabuti naman kung lalandiin siya nito eh hindi naman!

 

“hey, bro, looking for a specific book?” ask ni martin, ni hindi man lang umangat ang mukha sa screen! sa sobrang lapad ng shoulders neto, tuluyan nang obstructed ang kanyang field of vision. “dito ka nalang tumingin sa notes ko if you need references. you seem distracted?”

 

“i was just looking at… the architecture,” palusot ni juhoon, secretly adjusting his posture para mas lumitaw ang collarbones niya.

 

martin just gave him a nod. “so, ano nga ulit yung thesis mo?”

 

“i’m actually finalizing my synthesis on activated carbon. super hirap kasi nung extraction mula sa defatted coconut meat. it takes up all my energy…” he trailed off. huhu, take the damn hint, martin! “i’m so exhausted na nga eh…” tumingala si juhoon, giving martin his absolute best, most vulnerable puppy-dog eyes.

 

final na ba na hindi mo ako lalandiin? comfort, ganyan? iyak ni juhoon internally while looking expectantly kay martin. ibaby mo naman ako! kahit isang ‘are you okay, baby?’ lang diyan oh!

 

nagblink si martin, baka nagsink in na sa kanya ang sinasabi ni juhoon. “wait. defatted coconut meat? bro, i thought you were making like, a post-workout supplement or something.”

 

“no, it’s for environment chemistry. it’s basically uling, martin. uling.” juhoon sighed delicately. “also, alam mo ba na female dragonflies fake their own death para lang maiwasan ang unwanted male attention? that’s like me sa research na to. play dead nalang pag nakikita ko rrl ko.”

 

a genuine laugh escaped from martin. he leaned back, an amused smirk plastered on his fuckass poging face. “damn! that’s actually wild, pre. you’re extracting agricultural waste? tapos may random etymology facts ka pa on the side?” umiling siya slight, looking mildly impressed without losing his chill conyo aura. “you’re actually so smart, bro. legit genius. akala ko puro cardio lang inaatupag mo.”

 

ay, smart lang? reklamo sa isip ni jju. wala man lang ba plus points sa ganda?! ano to, bulag-bulagan all over again? also, wdym cardio? he just faked that!

 

pero bago pa makasagot si juhoon, biglang nagsnap ang fingers ni martin. the absolute dudebro epiphany lighting up his ridiculously handsome face.

 

“dude, wait! i just realized something! the brain burns a lot of calories, right? kaya pala ganyan ang waistline mo, you’re literally burning so much energy kakaisip diyan sa coconut waste na yan. you’re losing muscle mass dahil sa talino mo! you need to load up on clean carbs. sabay tayo magdinner mamaya, pre. i’ll buy you chicken breast and sweet potatoes para mareplenish yung mental gains mo. you game, pre?”

 

HOLD AWN…!

 

HE NOTICED THE WAISTLINE? HA! sabi na ngang one of these days nak… one of these days! oh ned mejia, you will always be iconic!

 

sa wakas! naacknowledge narin ng blue eagle na to ang kanyang pinaghirapang body tea! gustong magpafiesta ni juhoon. he won! this is a shared victory for the working class! pero…. at the expense of what? nanotice nga ang proportions niya, pero ang excuse ay dahil daw naburn niya ang calories kakaisip sa thesis niya?

 

he was expecting a completely different reaction! sana naman diba napalipbite man lang siya, napastutter, or kahit namula man lang dahil sa fit niya diba—hindi yung may thermodynamics at calorie count sa brain cells or something! ano ba tingin sa kanya ni martin, scientific calculator na nagccharge sa glucose?

 

napapikit nalang nang mariin si juhoon. the phantom pain in his chest throbbed slightly. hindi na nga niya pinansin ang onslaught of str8 addresses na binigay sa kanya ni martin within the span of two hours, pero in fairness, buhay parin ang kanyang fighting spirit dahil, hello, may instant dinner date siya kahit na para to sa mental gains kuno niya.

 


 

fast forward to friday night aka the ultimate testing ground: pop up katipunan.

 

nagkayayaan ang blockmates, and of course, nakadeploy ang mga wingwomen niyang sina minji at hanni na nakaupo sa isang high table, nagssip ng amaretto sour at nakatambay para iwitness ang success (or not) ng kanilang friendship.

 

sakto (kunware di niya alam na magppop up si martin), nandon din si martin with his atenista dudebros. this was the do-or-die moment for his oplan pukpok ang pokpok, so juhoon pulled out the big guns. nagsuot siya ng sikat na sikat na dolphin shorts—yung tipong one wrong move at makikita na ng buong camanava ang buong kaluluwa mo. he paired this with his hapit na hapit na baby tee, serving premium bad bitch energy na handang mang-obliterate ng heterosexuality.

 

maingay, mainit at amoy vape ang buong pop up. he sees martin na nakastand malapit sa isang table, may hawak na bote ng heineken (of course, di fit sa tax bracket niya ang red horse) at tumatawa kasama ang mga kaibigan nito.

 

juhoon made his move. fuck it, sa isip niya. naglalakad siya na parang rumarampa sa victoria’s secret fashion show, making sure that every step emphasized his [redacted] glutes.

 

paglapit niya sa table, biglang napastop sa pag-uusap ang mga kasama ni martin, literal na nanlaki ang mga mata ng tatlong kasamang lalaki ni martin, unable to hide their shock and their stolen glances sa sobrang kinis at nakalantad na hita ni juhoon. nagsiko ang isa, while the other one ay napa-ubo sa iniinom niyang beer.

 

“oh my god, hi martin! what a coincidence,” malanding greeting ni juhoon, flashing his killer smile while batting his eyelashes.

 

lumingon si martin, and immediately umaliwalas ang mukha nito. “oh, hey! juhoon! bro, what’s up?” happy na bati ni martin, totally binalewala ang mga confused stares ng kanyang mga kaibigan. tinapik niya sa shoulder yung friend niyang muntik na mabulunan. “guys, this is juhoon. research bro ko from upd. solid yan, grabe ang mental mass.”

 

research bro. mental mass. gusto sanang sabunutan ni juhoon si martin, but he composed himself. umupo siya sa isang bakanteng bench sa tapat mismo ni martin, ignoring the visibly stunned dudebros.

 

he crossed his legs slowly. the dolphin shorts rode up, perfectly physics-defying, exposing an illegal amount of his milky white skin. he crossed his arms, arching his back, and locked eyes with martin.

 

“grabeng init no, martin?” malanding reklamo ni juhoon, his voice dropping a full octave na para bang nagsesend siya ng distress signal that only a true bred alpha could answer. he fanned himself with his own super slim and slender hands, looking up to him through his lashes.

 

tumingin si martin sa kanya. tumingin sa kamay ni juhoon na pinangpaypay niya. tumingin sa mukha ni juhoon na nagppink na sa init. sa background, nakikita ni jju sa peripheral vision niya na nagcheers pa sina hanni at minji.

 

pero… hindi man lang bumaba ang tingin ni martin sa nakalantad na legs ni juhoon. not even a microsecond of a glance. fuck! immune ba ang lalaking to sa gay witchcraft?!

 

martin gave a shrug, wiping a bit of sweat from his own forehead. “yeah, man. super init talaga rito if friday. the ventilation sucks.”

 

martin, however, reached into a cooler beside their table, pulled out a plastic bottle, and tossed it to juhoon. nasalo ito ni juhoon directly sa kanyang dibdib.

 

“you want gatorade, bro? you look dehydrated. electrolytes yan, pre. drink up!” martin smiled warmly, tapped his chest with a fist and turned back to his friends to continue talking about the nba playoffs na para bang walang bading na naghihintay malandi sa harap niya.

 

gatorade.

 

isang blue frost gatorade.

 

legit lang ah, pero nandilim ang paningin ni juhoon. he was out HERE serving top tier slut-era aesthetics—pinagpawisan nga ang mga friends ni martin kakatitig sa kanya—tapos inabutan lang siya nito ng gatorade na parang bang timeout nila sa basketball court?!

 

ABA’Y GAGO PALA TO EH! this is literally a direct assault na sa kanyang homosexuality!

 

kinagabihan, nakaharap si juhoon sa vanity mirror niya sa kanilang dorm. mugto ang kanyang mga mata sa inis. hawak niya ang cotton pad na basang-basa ng kanyang mahal na exfoliating toner. padabog niya itong inaapply sa kanyang mukha, as if matatanggal na ang unang layer ng epidermis niya sa galit.

 

binuksan niya ang kanilang gc while nagpapatak ng serum sa kanyang doll face.

 

powder puff girls

 

jju: i am officially filing a restraining order against myself para di ko na lapitan ang lalaking yon!!

hanni: sis, we saw everything. ang lala huhuhuhu. like, inabutan ka ng gatorade kahit na nagpapakita ka ng hita??

minji heart emoji]: did the dolphin shorts fail you? imposible. halos mabali na nga ang leeg nung kasama niyang naka-polo kakatitig sayo eh!

jju: IKR??? his friends were ready to risk it all!

jju: i literally exposed 90% of my legs. the shorts were shorting and the crop top was cropping!!

jju: tapos tatawagin akong research bro niya from upd na solid ang mental gains? WTH HELLOOO??

hanni: omg [crying emoji] baka naman str8 talaga yan teh… stop traumatizing straight men

jju: NO! he smells like le babo, he dresses well and bought me sweet potatoes for my ‘mental mass’ nung dinner namin! walang straight na ganyan ang mag-aabala sa kapwa lalaki unless may hidden agenda!

jju: bahala na! kung ayaw niya edi wag!! maglalab nalang ako [broken heart emoji]

 

humiga si jju sa kama, nakatitig sa kisame. tapos na ang toner. tapos na ang serum. pero clearly… hindi pa tapos ang kanyang misyon sa buhay.

Notes:

kasi hindi na talaga kami pinapapasok....

Notes:

live laugh love filo marhoon

@keonwh0__ on x <33

Series this work belongs to: