Chapter Text
[x] day 1 - rest, cuddle, samg with jaemin at sa pangit niyang jowa
[ ] day 2 - rizal park and ocean park, puro park hehe
“ang itinerary natin ngayon ay rizal park at ocean park!” masayang sigaw ni haechan habang pasakay sila ng jeep.
“oh maki eto bente, bayad ka na.”
“ha? anong sasabihin ko?” naguguluhang tanong ni mark. nakasakay na siya ng jeep before pero ilang taon na ang nakalilipas. walang jeep sa probinsya nila, puro tricycle at bangka.
“ay, makikiabot ka ng bayad tapos sigaw mo lang ‘dalawa pong estudyante, luneta, kasasakay lang.’ alam na yun nung driver pagkatapos.” tumango si mark. kaya niya ‘to. parang sasakay lang ng bangka para tumawid sa kabilang isla, ang twist ay may student discount dito?
“makikiabot po, dalawa pong luneta, estudyante parehas!” kinakabahang sigaw ni mark. maya maya pa ay may parang tinatanong ang jeepney driver na hindi mainitindihan ni mark kaya tiningnan niya na lang si haechan. the same adorable clueless look whenever he was faced with something new.
“kasasakay lang po!” sigaw ni haechan. pinisil naman ni haechan ang pisngi ni mark.
“ang cute cute mo talaga maki!”
—
“yan daw yung kalabaw na nasa piso? limang piso? dati. basta! dali picturan kita!” nag-pose naman si mark sa tabi ng kalabaw.
“oh don’t move, selfie naman.” itinaas naman ni haechan ang cellphone niya at nag-peace sign.
tatawid na sana sila papunta sa kabilang side ng parke kung nasaan ang statue ni rizal nang makita ni haechan ang mga kalesang nakapila sa may gilid.
“maki!! sakay tayo don oh!” turo ni haechan sa mga kalesa. nilingon niya si mark ngunit wala ito sa tabi niya. hinagilap niya si mark sa paligid at nakita niya ito sa harap ng isang mamang nagtitinda ng sorbetes. mukhang matagal ng magkaibigan ang dalawa dahil patuloy sila sa masayang pag-uusap.
“maki naman!” kinawayan lang ni mark si haechan.
“donghyuck!” pagbati sa kanya ng mamang nagtitinda ng sorbetes nang makalapit siya dito. matangkad ito at nakasuot ng polo at shorts. familiarity hits haechan in the face.
“mang johnny?!”
“diba! akalain mo yon haech! bibili lang sana ako ng sorbetes para sa’tin tapos si mang johnny pala yung tindero!” mark exclaimed excitedly. si mang johnny ang tindero ng buko sa may tapat ng bahay nila mark, suki sila dito dati. isang araw nabalitaan na lang nila na nagsara na ang bukohan nila mang johnny dahil lumipat na ang pamilya nila sa maynila.
“sabi na nga ba at may something na sa inyo bago palang kami umalis sa baler! tsk tsk, mark at donghyuck ha!” tinaas-taas pa ni mang johnny ang kilay niya. napatawa na lang ang dalawa sa mama, they really missed him.
“mang johnny alam mo naman na crush ko si mark noon palang!” nakipag-apir naman si haechan kay mang johnny.
“mang johnny akala ko ba walang sikreto sa’tin! ba’t di ko alam yan!” ani ni mark na humawak pa sa dibdib animo’y nasasaktan.
“favoritism markie! oh dahil jan libre ko na ‘tong sorbetes niyo, mabuti naman at napasyal kayo dito, parang dinala niyo na rin sa’kin ang probinsya.”
—
matapos magpaalam kay mang johnny ay naglakad-lakad na ulit sila.
“hindi talaga ako makapaniwala na nakita natin si mang johnny dito.” hanggang ngayon ay amazed na amazed pa rin sa mark sa naganap na pagkikita. sa laki ba naman kasi ng maynila, kahit sino magugulat.
“kay mang johnny tayo no’n nagpapasama mag-swimming kasi ayaw tayo payagan nila inay tapos tamang tambay lang tayo sa may bukohan nila pagkatapos.” haechan smiled with the memory.
“nakakamiss din pala maging bata. yung mga panahong hihiramin natin yung surfing board kila kuya taeyong tapos sasamahan mo ‘kong mag-practice.” mark said. they both felt nostalgic. haechan hugged mark, still holding his hands. hindi talaga mabibilang ang happy memories nilang dalawa na magkasama.
“at ang maganda pa don, walang regrets kasi i spent my childhood with you, kaya lagi akong masaya.” mark said that made haechan smile even more.
“nagiging sappy ka na kaya sakay na tayo ng kalesa! love you!” haechan kissed mark’s cheeks at binitiwan na niya ang hawak sa kamay ni mark at tumakbo papunta sa direksyon ng mga kalesa.
—
“teka lang mga iho at uma-attitude na naman ‘tong si chittaphon.” sabi ng mama habang hinihimas himas ang kabayong puti na may buhok at buntot na pink.
“ok lang po manong-?” tanong ni haechan. nakasakay na sila sa kalesa (excited kasi si haechan) ngunit nakasilip sila pareho sa may direksyon ng kabayo.
“ten. manong ten.” sagot naman nito.
“hindi naman po kaya gutom si chittaphon? ganyan din po yung kalabaw namin kapag gutom, ayaw mag-araro.” ani ni mark.
“baka nga iho. teka ikukuha ko lang ng pagkain sa likod. pasensya na kayo talaga.” paghingi ng paumanhin ni manong ten. agad namang umiling si haechan at mark, “ok lang po, hindi naman din po kami nagmamadali.” ang naging sagot ni haechan.
maya maya pa ay nagsimula na ngang maglakad ang kabayo. medyo nalula pa nga si mark nang umandar ang sinasakyan nila. tinawanan lang siya ni haechan at binuksan ang kanyang cellphone upang kuhanan ng litrato si mark.
“wow maki parang first time eh sumakay na din tayo sa ganto no’n sa vigan.” pang-aasar ni haechan sa kasintahan.
“bawal malula ha? laglag kita jan ay.”
“wag po baka mahulog ako lalo sayo.” kinikilig na sabi ni haechan, ginantihan naman ito ni mark ng kiss sa cheeks.
“hindi pa ba?” and they both smile, unti-unti na ngang naglalapit ang mga mukha nila, both leaning for a kiss.
nagising na lang sila sa katotohanan nang umubo ng sunod sunod si manong ten. “manong ten! ayos lang po ba kayo?” dali-dali namang kumuha ng tubig si haechan sa bag at iniabot ito sa mama.
“no offense mga iho, ang corny niyo.”
—
“dahil mamaya pang hapon yung fountain show, dito muna tayo sa ocean park!”
“hindi ko sure kung mag-eenjoy ka dito kasi lagi ka naman sumasama kay kuya yong pag nags-scuba diving siya so- let’s go!” dagdag ni haechan.
“as long as i’m with you.” mark mumbled ngunit narinig pa rin siya ni haechan.
“mark ha! anong nangyayari sayo at nagiging super sappy ka these days!” pang-aasar ni haechan kay mark. he’s secretly loving mark’s actions pero hindi niya ‘yon sasabihin dahil ‘masaya kaya asarin si mark!’ he gets all pouty everytime haechan teases him, and that scene is worth all the ‘panunuyo’ haechan had to go through after.
“edi wag.” mark let go of haechan’s hand and he began running to the entrance.
“I LOVE YOU MAKI KO! MAHAL!” sigaw ni haechan na ngiting-ngiti habang hinahabol ang kanyang kasintahan.
—
“wow maki pwede ka pala magtrabaho dito as guide, halos lahat ng isda alam mo.”
“ay alam ko yan. si nemo yan mark! ha! ako lang ‘to maki.” haechan said with a smug face, still pointing on the fish.
“clownfish ‘yan, ay.”
“alam ko! joke time lang ‘yon maki, eto naman haha, you know.” mark laughed at his boyfriend’s shenanigans.
“anyways, dun na nga tayo sa fish massage!” dagdag pa ni haechan sabay hatak kay mark. hinubad na nila ang kanilang mga sapatos at akmang ilulubog na nila ang kanilang mga paa nang may nagsalita mula sa madla na nakapaligid sa fish massage area.
“kawawang mga isda, mga nagagawa nga naman ng kapitalismo.” sabi nito. natigil ang dalawa sandali.
“imaginin mo pare, nananahimik ka sa dagat tas kukuhanin ka lang para kumain ng kalyo ng tao.” dagdag pa ng lalaki sa kaibigan na halatang pinariringgan si haechan at mark. babalik na ulit sana sila para magpamasahe ngunit nagsalita ulit ang lalaki.
“alam mo ba pre, banned na yang fish massage sa ibang bansa dahil animal cruelty yan. di ko nga alam bakit uso pa yan dito sa pilipinas.” sinilip ng lalaki ang reaksyon ng magkasintahan na agad namang napansin ng dalawa.
“tara na nga maki ‘wag na.” sabi ni haechan at nagsimula na nga ulit magsapatos.
“yuta tumigil ka na nga sasapakin kita sige.” wika ng kasama ng lalaking nagpaparinig. maya maya pa ay lumapit ito sa kanila.
“hello huhu, i’m doyoung, pasensya na kayo dito sa friend ko malakas talaga amats netong lalaking ‘to, halika nga dito yuta! mag-sorry ka!” hinila ni doyoung ang tenga ni yuta para mapalapit sa kinaroroonan ni haechan at mark.
“aray ko doie! tama naman ah!”
“loko ka sinira mo date nila mag-sorry kang kupal ka!”
“ay hindi po ok lang po,” pagsingit ni haechan at sumang-ayon naman si mark sa sinabi ng katipan.
“tama naman po yung sinabi ni kuya, na animal cruelty po yan. i’m sorry po na ngayon ko lang din na-realize kung gaano kalala po yung issue na yan.”
“oh diba sabi ko sayo doie eh! yuta nga pala, sorry kung nasira ko yung date niyo libre nalang namin kayo ng ice cream?” pag-aalok ni yuta sa dalawa.
“why not po, haha salamat po! tara maki!” hinawakan na nga ni haechan ang kamay ni mark at sumunod sa dalawang magkaibigan.
—
Nang makalabas sila ng ocean park ay hapon na. Unti-unti ng lumulubog ang araw at malapit na nga magsimula ang fountain show malapit sa rizal park.
“ang bait nila ‘no?” tanong ni haechan kay mark.
“ang sabog ni kuya yuta di ko matapatan energy.” tumawa naman si mark. kung ano anong tricks kasi ang pinapakita ni yuta sa kanila kanina, muntik pa nga mag-tumbling sa gitna ng food park kung hindi lang siya pinigilan ni doyoung.
“pero alam mo feel ko,” naging seryoso ang mukha ni haechan habang nakatingin sa kawalan.
“ano haech?”
“feel ko lang ha,” tumango si mark at tiningnan sa mata si haechan.
“feel ko may gusto si kuya doyoung kay kuya yuta, pansin mo ba kanina?”
“pano mo naman nasabi? pramis di ako nakapag-focus kay kuya doyoung kanina dahil sa mga kalokohan ni kuya yuta.” pag-uusisa ni mark. nakatingin pa rin siya kay haechan na nakatingin pa rin sa kawalan. then he noticed haechan’s moles, the pretty moles he adores so much. hindi na siya nakatiis and he peck haechan’s cheeks three times, on the same spots where his moles are located.
“maki naman may kwento pa ko eh,”
“continue lang, love.”
“di mo kasi nakita eh! yung mga tinginan talaga ni kuya doyoung kay kuya yuta, parang ano, wait, di ko ma-explain, parang may pagmamahal na may halong lungkot? yung tipong hesistant ganon? parang natatakot siya sa magiging resulta once na umamin siya, kaya ayon mas gusto niya na nasa tabi na lang siya ni kuya yuta kahit as friends lang. ayon ang sad lang maki.” nilipat na ni haechan ang tingin niya kay mark.
“ang detailed naman non mahal,”
“observant kasi ako,”
“pero sa tingin mo maki may pag-asa pa kaya sila? parang tayo lang dati?” tanong ni haechan. childhood friends turned lovers rin kasi sila, mabuti na nga lang at naging madali para sa kanila ang pagdating ni pag-ibig kung hindi baka pareho rin sila ng sitwasyon ng dalawang nakakatanda. naglalakad na sila ngayon sa rizal park at syempre magkahawak ang mga kamay nila.
“‘di natin alam, hindi rin kasi natin alam yung nararamdaman ni kuya yuta. malay mo meron, malay mo wala. hilingin na lang natin na sana pagdating ng araw, hindi man masuklian ni kuya yuta yung pagmamahal ni kuya doyoung ay magkaroon ng masayang love life si kuya doyoung.”
“kahit kailan talaga alam na alam mo yung iniisip ko, love you maki.” mark kissed haechan in the forehead at alam ni haechan ang ibig sabihin non, ‘mahal rin kita.’
