Fandoms
Recent works
-
Tags
Summary
Bumabagyo. Napakalakas ng hangin.
May dalawang batang magkasintahan sa loob ng simbahan, magkaharap. Hawak ng lalaki ang kaliwang kamay ng kanyang tanging minamahal.
"Ako, si Fidel de los Reyes y Maglipol, ay tinatanggap ka, Maria Clara Infantes, upang maging kaisang dibdib, na maging kabiyak ng aking puso, sa habang buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan. Minamahal at mamahalin kita ng habangbuhay."
"A-Ako, si Maria Clara Infantes, ay tinatanggap ka, Fidel de los Reyes y Maglipol...bilang aking asawa upang maging isa sa puso, isip, at kaluluwa, sa habang buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, sa mundong ito o sa iba pa. Minamahal at mamahalin kita ng habangbuhay."
-
an interlude between closeness by binibining_maria (btxtsthetic)
Fandoms: Maria Clara at Ibarra (TV)
09 Jan 2023
Tags
Summary
“Hubarin mo muna ang pantaas na damit mo.” Utos ni Klay kay Fidel habang dali-dali niyang inihahanda ang mga kailangan para tanggalin ang mga natitirang piraso ng bala sa balikat ni Fidel at linisin ang mga sugat nito.
“Aba’t isa ka talagang eskandalosa na babae, Binibining Klay!” Kahit na nababalot ng sariling dugo si Fidel, nagawa pa niyang asarin ang dilag. Ngumisi siya. “Baka nais mo lamang makita ang hubog ng aking katawan. Pakasalan mo muna ako at papayag ako.”
Humarap sa kanya si Klay na nakapatong ang isang kamay sa kanyang balakang at dinuro-duro ang hawak na tuwalya. “Isara mo nga ang pasmadong bibig mo o hahayaan talaga kitang duguan diyan!”

