Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2019-07-29
Updated:
2020-09-06
Words:
1,929
Chapters:
3/?
Comments:
7
Kudos:
19
Bookmarks:
1
Hits:
289

'wag na natin pag-usapan (kung paano mo winasak ang puso ko)

Summary:

Dear Diary,

Puppy love? Anong puppy love?? kagaguhan 'yan! 'yang mga puppy love na 'yan walang ibang iiwan sa'yo yan kundi rabies! Kaya kung ako sainyo magpaturok na kayo! Penetration is better than cure!

- Kyungsoo

Notes:

galing 'tong eksenang 'to originally sa isang script na ginawa ko para sa isang workshop, naisip ko lang na gawing fanfic para rakenrol.

(See the end of the work for more notes.)

Chapter Text

Nag-ring na ang bell, senyales na dismissal na. Naglalabasan na ang mga estudyante papunta sa kani-kanilang mga sasakyan pauwi, yung iba may service, ang iba naman nagsisimula nang maglakad para hindi gabihin.

 

Nagmamadali na din si Kyungsoo dahil baka maabutan sya ni Jongin na ilang araw na nyang iniiwasan. Tamang tama dahil malapit na ang contest na sasalihan nito at hindi papayag ang coach ni Jongin na hindi sa practice dumiretso after ng klase.

 

Malapit nang makalabas si Kyungsoo, konting giling nalang nasa labas na sya ng school nang may tumawag sa pangalan nya, tuloy tuloy lang ang paglalakad nya na parang walang narinig.

 

"Kyungsoo! Kanina pa kita tinatawag, huy, mahal."

 

Marahang hinablot ni Jongin ang braso ni Kyungsoo para humarap ito sakanya. Hindi nagsasalita si Kyungsoo, nakatingin lang ito kay Jongin na parang may gustong sabihin.

 

“Ah! Bago ang lahat eto oh may dala akong turon para sayo, naabutan ko si manong kanina bago pumasok binili ko na kaagad, pasensya na hindi na mainit ah, iaabot ko sana sayo nung recess kaso wala ka naman sa upuan natin sa canteen.”

 

Kinuha ni Jongin ang kamay ni Kyungsoo para ilagay ang turon dito.

 

Oo nga, Jongin. Malamig na.

 

"Iniiwasan mo ba ako?" Tanong ni Jongin habang nakakunot ang noo.

 

"H-Ha? Hindi. Huy may practice ka pa diba? Baka mapagalitan ka. Uwi na ko. Bye." Daig pa ni Kyungsoo yung nag-aannounce ng stasyon sa LRT sa pagiging monotonous ng boses nya. Siguro nga robot na sya kasi bakit wala na syang maramdaman?

 

"Mahal naman. Ang tagal na natin ngayon ka pa ganyan? Ilang araw na kitang sinusubukan na i-contact, pero walang sumasagot. Pumunta ako sainyo, wala ka daw kahit nakabukas ang ilaw sa kwarto mo. Wala naman sanang gaguhan oh." Kasabay ng pagsasalita ni Jongin ang unti-unting pagkabog ng dibdib ni Kyungsoo. May nararamdaman pa pala sya, kahit papaano.

 

Nakatingin lang si Kyungsoo sa mga sapatos nila, pinagmamasdan ang iilang hakbang na pagitan ng mga ito. Ang lapit, pero bakit parang ang layo layo parin? Parang ang layo layo na? Bago pa man makahakbang pa papalapit si Jongin nagsalita na si Kyungsoo.

 

"Jongin ayoko na."

 

“Ayaw mo nang alin? Nung turon? Hayaan mo bukas na bukas sasamahan ko yan ng panulak! Hindi ako nag-tanghalian ngayon kaya sigurado na 'yan!” Ngumiti si Jongin kay Kyungsoo ng napakaganda. Na para bang hindi sya paulit-ulit na sinasaktan ni Kyungsoo noong mga nakaraang araw sa pag-iwas nya.

 

Tama na, Jongin. Huli na 'to. Mas may deserve ng mga ngiti na ‘yan.

 

“Jongin maghiwalay na tayo.”

 

Dali-daling hinawakan ni Jongin ang mga braso ni Kyungsoo, mistulang inaagapan ang nagbabadyang pag-layo nito.

 

"Nakikipaghiwalay ka? Kyungsoo? Paano na yung mga plano natin? Akala ko ba magkasama tayo sa pangarap na ‘to? Na sabay tayong tatapak sa stage? May nagawa ba ako? May nasabi ba akong mali? Kyungsoo magbabago ako kung may ayaw ka sa akin, pangako!”

 

Dito umangat ang ulo ni Kyungsoo para tignan sa mata si Jongin.

 

“Ayan ka na naman eh! Jongin ano ba! Hindi na tayo bata! Gagraduate na tayo!”

 

“Kyungsoo please, wala akong ibang alam kundi ito lang.”

 

“‘Yun na nga Jongin, wala kang ibang alam, paano ka kung wala ako?”

 

“Masama ba na ikaw ang palaging unang iniisip ko? Kasalanan ba na lagi kitang isinasama sa bawat plano ko? Na sa tuwing nakikita ko ang hinaharap, nandoon ka?”

 

“Jongin, please. Hindi ko hiningi na maging mundo mo. Ang dami kong pangarap, Jongin. Pasensya na kung kailangan ko muna ‘tong unahin. Ang daming umaasa sa akin. Mahal na mahal kita. Pero sa ngayon wala akong ibang masasagot sayo kundi pasenysa na.”

 

At katulad ng mga napapanood ni Kyungsoo sa primetime bida, bumuhos ang ulan.

 

Lumapit si Jongin kay Kyungsoo at inilipat ang suot nyang cap sa ulo nito.

 

“Jongin-”

 

“Isuot mo yan at umuwi ka na baka magkasakit ka na naman.”

 

Dahan-dahan na tumalikod si Jongin at tuluyan na ngang umalis sa buhay ni Kyungsoo.