Chapter Text
Eh alam ko na alam mo
Kung ano nasa isipan ko at
Alam mo na alam ko
Kung anong nasa puso mo
Eh bakit pa ba tayo malilito at mawawala
Kung iisa lang naman ang pupuntahan?
Saan nga ba tayo papunta?
(Coeli (2017), Magkaibigan O Magka-Ibigan)
“You shouldn’t be friends with people like him,” sabi sa kanya, pero hindi siya nakinig at nagpatuloy sa pag-encode. “Chanyeol, nakikinig ka ba?”
Pagod siyang tumingin sa papa niya.
Palagi na lang ganito.
“What’s so good about the Byuns anyway? Halatang patapon lang.”
He pursed his lips, pinipigilan na magsabi ng kung ano sa harap ng papa niya.
Palagi naman ganito.
Simula nung nakausap niya si Baekhyun at nahuli siyang kasama ito, walang araw na hindi sinasabi ng papa niya ang pakadismaya niya. Walang araw na hindi niya minamaliit ang pamilya nila Baekhyun.
Sila kasi ang pinakakalaban nila sa business nila. Of course, sumasabay din kasi sila sa kung anong trend.
Nagkataon lang na nung nagsimula ang business ng mga Byun, halos pareho lang sila ng nirelease. Kung anong uso, ‘yun ang sinabayan. Kaya ayun, nagkaroon ng kumpetensya. Naglabanan sa market. Tinignan kung anong mas okay na smartphone sa dalawa.
Dahil nauna marelease ang sa Nano, hindi maiiwasan na may pagtuturo, na baka pareho lang talaga at sinadya para tapusin ang Nano. Syempre, hindi pa stable both companies nung mga panahong iyon. Bago lang eh. So kung ano ang ilabas nila, hindi maiiwasan na magtalo at ipakita ang mga pinagkaiba.
“Manggagaya lang naman ‘yang mga ‘yan. I won’t be surprised if they release a new one the same time that we release ours.”
“Dad, iba na ang focus ng AVID—“
“That’s what they want you to think,” sabi sa kanya. “Baka mamaya nakikipagclose ‘yang panganay na ‘yan nila sa’yo just to spy on our company.”
“Baekhyun’s not like that.”
“Pinagtatanggol mo pa? Ano bang pinapakain nyan sa’yo?” natatawang tanong ng tatay niya sa kanya. Napangisi pa siya. “O baka naman may ibang serbisyo na binibigay sa’yo ‘yun? Kaya hindi mo ‘yan mabitawan? I don’t have anything against it. In fact, we can use that to our advantage.”
Napayukom ang kamao niya sa narinig niya.
Bastos.
He’s fucking terrible. Hindi niya alam kung bakit ganyan kasama ‘yan. Nakatikim lang ng kayamanan, ganyan na magsalita. Akala mo hawak na ang buong mundo at kailangan na lang niyang controlin ayon sa kung ano ang gusto niya.
He’s fucking sick. Bakit ganyan ang sarili niyang magulang? Ang mama naman niya, matatanggap ang kung anong ibinibigay sa kanila at ‘yun, may respeto. Pero itong nasa harapan niya? He’s a terrible, manipulative father.
Ayaw niyang marinig mula sa mga bibig niya ang kung anong kasamaan na posible niyang masabi tungkol sa taong importante sa kanya.
Gusto niyang ipagtanggol si Baekhyun.
Kasi importante siya sa kanya unang beses pa lang na makasama niya siya. Alam niya kung gaano kagenuine na tao si Baekhyun, kung paanong halos lahat ng ngiti niya ay totoo. Ayaw niyang mawala ‘yun dahil lang sa kung anong kasakiman na dala ng mundo na pinag-iikutan nila. Ayaw niyang dagdagan pa ang pinapasan ni Baekhyun—yung natatanggap niyang pressure mula sa pamilya niya, specifically sa papa niya. Gusto niya, siya ang safe space at hindi ‘yung palagi na lang magiging puno ng pagdududa.
Gusto niyang ipamukha sa papa niya na hindi ganun si Baekhyun, na kahit marami nang naachieve ang pamilya nila ay hindi niya nagagawang magpalamon sa lahat ng ‘yun.
Pero hindi niya ginawa. Nanahimik siya at pinakinggan ang lahat ng sinasabi nila.
Kasi wala pa siyang kaya ipakita. Marami pa silang hawak against him. Hindi niya pa kaya ipakita na may posisyon siya, kasi sino ba siya? Isa lang siyang college student na wala pang napapatunayan.
He has to work hard to earn the position. Para wala na silang masabi. Para hindi na nila magawa pang ipamukha sa kung sino-sino na sila ang nakatataas.
This way, magagawa niyang ipagtanggol ang mga taong importante sa kanya.
Lalo na si Baekhyun.
Pero hindi naman magiging madali ‘yun.
The business world is dirty and scary.
Gagawin ng lahat ng tao ang makakaya nila para makaangat, para mapatunayan na sila ang pinakamayaman.
Lahat. Kahit pa illegal. Kapag desperado na, gagawin ang kailangan basta magkapera.
Alam niya ang lahat ng ‘yan.
At susubukan niyang labanan ang lahat para lang hindi sila umabot sa punto ng ganyan. Kailangan niyang maging matalino at maparaan.
Kahit pa kailangan niyang talikuran ang maraming bagay.
Una niyang narealize na mahal niya si Baekhyun nung panahong nahuli niya siyang nakatitig siya sa kanya mula sa classroom nila habang nagbabasketball sila ni Sehun.
Nakangiti siya sa kanila, pinapanood, na parang bata lang na curious na curious sa maraming bagay. Nung narealize niyang nakatingin din si Chanyeol sa kanya, ngumiti siya at binigyan siya ng thumbs up.
Napatitig siya sa mga ngiti na ‘yun.
‘Yun din ang ngiting natanggap niya noon nung unang beses silang nagkausap. ‘Yung ngiting para kang ninanakawan ng hininga. ‘Yung ngiting pakiramdam niya, okay na ang lahat basta andyan.
Biglang nawala si Baekhyun at nagtaka siya, iniisip na baka dumating na ang prof. nila, pero hindi, dahil agad ding bumalik si Baekhyun sa may pwesto niya, may hawak na papel at marker. Pagkatapos, iniharap niya ang hawak niyang papel at ngumiti sa kanya.
Go, Chanyeol!
Nanlambot ang puso niya.
Hindi niya alam bakit hindi na niya maalis ang mga tingin niya sa mga ngiti na ‘yan. Masyado nitong pinalalakas ang tibok ng puso niya at nakakaalarm na.
May sinulat ulit si Baekhyun.
Maze tayo mamaya?
Pinalitan niya ang papel.
Please?
Parang naman makatatanggi siya sa kanya.
Masyado niya siyang mahal at hindi niya kayang basta-basta na lang umayaw, lalo na kung ang kapalit nun ay ang kaligayahan na nakikita niya sa mga mata niya.
May bumato ng bola sa ulo niya at agad siyang napatingin dun—kay Sehun. “Hoy. Naglalaro pa tayo. Mamaya na kayo dyan. Ang lalandi! Mahal na mahal lang?”
Mahal na mahal.
Parang nasagot lahat ng katanungan niya, lahat nung mga iniisip niya kung paanong sobrang importante si Baekhyun sa kanya. Akala niya noon, dahil lang gusto niya siyang maging kaibigan ng pangmatagalan. Tipong gusto niya lang i-cherish lahat ng ‘yun at subukan na hindi mawala sa kanya, hindi katulad ng ibang mga bagay.
Lahat ng ikinukwento niya kay Minseok, lahat ng mga tanong niya sa kanya na hindi niya masagot-sagot, parang isa-isang nagtatagpi ang lahat at ginigising siya sa katotohanan.
Mahal niya si Baekhyun.
At nakakatakot. Kasi naalala niya lahat ng sinabi ng papa niya, kung paanong pwede nila gamitin ang lahat ng ‘to sa advantage nila, at natatakot siya, dahil baka kung subukan niyang sabihin kay Baekhyun na mahal niya siya, ay gagawin niya ang lahat para mahalin siya nito pabalik.
At ayaw niya. Dahil baka puro sakit lang ang magawa niya. Dahil hindi niya alam kung anong klaseng hawak ang mayroon ang pamilya niya sa kanya. Masyadong nakakatakot. Masyadong risky.
Ayaw niyang maging dahilan ng pagkawala ng mga ngiting matagal niya nang hinahangaan.
To: Baekachi
Hindi ako pwede mag-Maze. May kailangan pala ako gawin.
Sinubukan niya siyang iwasan.
Kaso hindi madali.
Masyadong malakas ang kapit ni Baekhyun sa kanya. Isang tawag lang mula sa kanya, parang bumabalik na siya sa kanya. Isang ngiti, at kaya niya nang pagbigyan. Isang kita lang sa kanya, parang hinahatak na siya na lumapit sa kanya.
Isang palokong chi lang mula sa kanya para lang magpacute at mapansin niya, lalo lang niyang minamahal.
Ang hirap. Masyadong malakas ang kapit ni Baekhyun at natatakot siyang kumapit pabalik at gawin ang lahat ng makakaya para lang hindi siya bitawan.
Bawat paglapit niya kay Baekhyun, naaalala niya kung paanong maaaring gamitin ng sarili niyang pamilya ang nararamdaman niya para sa kanya. Natatakot siya na ang bawat ngiting binibigay ni Baekhyun sa kanya ay may ibang kahulugan. Natatakot siyang malaman na may possibility ang lahat ng inaasam niya.
Natatakot siyang mahalin siya ni Baekhyun kasi hindi pwede. Hindi pa pwede. ‘Wag ngayon na kayang-kaya pa siyang mapaikot ng papa niya sa mga kamay niya. Hindi niya alam kung anong kaya niyang magawa kay Baekhyun pag nalaman niya kung ano ang nararamdaman niya at kung ano ang posibleng nararamdaman ni Baekhyun para sa kanya.
Punong-puno siya ng takot hanggang sa naitutulak na lang niya si Baekhyun papalayo.
Hanggang sa unti-unti niyang napansin ang pagkawala ng ilaw sa mga mata ni Baekhyun at ang paminsan-minsan na pagluha at pangngiti niya.
Parang sa bawat pagtulak niya at pagsubok niya na mawala sa buhay niya, lalong nawawala ang liwanag na dala ni Baekhyun.
Kaya nung inaya siya ni Baekhyun na pumunta sa graduation party, pumayag siya. Sinabi niyang pupunta siya, kasi naramdaman niyang may iba. Na parang gustong-gusto niya talaga na pumunta siya.
That day, they were supposed to celebrate the fact na siya ang summa cum laude siya. Pero hindi siya sumama. Kaya nagalit ang magulang niya. Lalo na dahil nalaman nilang para lang sa graduation party at para lang kay Baekhyun kaya siya pupunta.
Hindi niya inisip kung anong magiging dating nun sa iba, lalo na sa Papa niya.
Ang priority niya ay ang makita si Baekhyun, puntahan siya sa Maze, at samahan. Para malaman niya kung ano ang problema. Para subukan niya ulit masilayan ang mga ngiti niya.
That same night, nakita niya ang mga lungkot sa mga mata ni Baekhyun. Nakita niya kung ano ang naramdaman niya, ang lahat ng disappointment, pressure, at insecurity. Nandun. Kitang-kita niya.
That same night, ‘yun ang unang beses niyang naranasan na mahalikan ng isang Byun Baekhyun.
Nakakapanghina. Nakakatakot. Nakakatakot ang pagmamahal na nararamdaman niya para kay Baekhyun. Ito ‘yung tipo ng pagmamahal na handang isakripisyo ang lahat para lang sa taong minamahal niya.
Nakakatakot. Kasi halos bumigay na siya. Gusto niyang gawin ang lahat para maalala ni Baekhyun kung anong ginawa niya, pero hindi. Dahil nakakatakot. Nakakatakot na pag hinayaan niya ang emosyon niya na mag-take over sa bawat galaw niya, maaaring magkamali siya at siya ang maging dahil ng tuluyang pagkawala ni Baekhyun sa buhay niya at sa buhay niya.
Hindi niya kaya.
Kaya kahit gusto niya nang ipagdamot si Baekhyun, iparamdam ang lahat ng emosyong kinikimkim niya, hindi niya ginawa.
Kahit nakikita niya ang pagmamahal ni Baekhyun para sa kanya, wala siyang ginawa.
Mas pinili niyang talikuran ang nararamdaman niya at takbuhan.
Nalaman ng Papa niya ang nangyari sa Maze pero wala siyang ginawa.
Akala niya ‘yun na ‘yon.
Bali-balita sa marami sa business kung paanong vocal si Baekhyun sa pagkainteresado niya kay Chanyeol. Hindi naman cinoconfirm, pero alam naman ni Chanyeol ang totoo.
Pero walang ginawa ang Papa ni Chanyeol. Tahimik lang.
Akala niya okay na.
Akala niya pwede na. Kasi okay na. Stable na ang business. Walang threat. Patuloy lang ang paglaki at pagkarami ng consumers nila.
Kaso dumating ang Zhang Corp. Binago nila ang expectations ng market. Mas nacater nila ang gusto ng marami at naging matindi ang laban, hanggang sa halos lahat ng tao, mas pinipili bilhin ang sa mga Zhang.
‘Dun pumasok ang napakasakim na plano ng tatay niya.
Gusto niya nang i-take advantage ang nararamdaman niya at kung anong hawak ang mayroon siya kay Baekhyun. Gusto niyang ipagmerge ang dalawang kumpanya, after all, kilalang kilala rin naman ang AVID at successful ang business nila at patuloy lang sa paglaki.
After the feud between the two companies, halata namang hindi magiging madali, lalo na after sinubukan na illegal na ipabagsak ang kumpanya nila noon.
Nagkataon na same time na sumikat ang Zhang Corp. ay ‘yun din napagpasyahan na mag-step down ng Mama ni Baekhyun sa posisyon.
Perfect timing ba? Oo, para sa papa ni Chanyeol. Dahil kayang-kaya niya na magamit si Baekhyun at ang kahinaan niya the moment na si Baekhyun na ang nasa posisyon as CEO ng kumpanya nila. Hindi siya maghehesitate na gawin ang lahat para lang malaman at magamit ang kahinaan ni Baekhyun.
Ang kahinaan nilang dalawa.
Pero hindi pumayag si Chanyeol. Sinubukan niya. Sinubukan niyang sabihin na there’s no need to that. That they only have to make changes with the things that they release and try to see kung ano ang wala ang Zhang Corp. na pwede nilang magawa, pero hindi.
Mas gusto nilang makakasakit sila.
Tamang-tama. Bago si Baekhyun, under observation pa kung magagawang gampanan ang trabaho niya.
Sinubukan niya lumayo, ilayo ang sarili niyang pamilya sa pamilya ni Baekhyun para hindi sila magpalaruan. Alam niya kung paano tumakbo ang utak ng Papa niya. Alam niyang once na makuha na niya ang loob ni Baekhyun, unti-unti niya rin magagawang maimpose kung ano ang gusto niyang mangyari sa parehong kumpanya.
Hindi siya makapapayag. Kaya tahimik siyang naghanap ng paraan para hindi mangyari ang gusto nilang mangyari. Kahit halos tumalon na puso niya sa ideya na posible silang makasal ni Baekhyun, hindi niya hinayaan na mauna ang pagmamahal niya sa kanya. Kailangan niya gumalaw nang hindi nila nalalaman. Kailangan niyang i-prove na hindi kailangan ang ganung move for publicity. Kailangan niyang ipakita na may ibang kailangan baguhin, na pwedeng siya ang maging nasa posisyon para lang maimplement ang maraming bagay.
Pero ni hindi man lang siya nabigyan ng pagkakataon, dahil habang naghahanap siya ng paraan para hindi makulong sa isang bagay na hindi niya man lang kaya mapaghandaan at pakiramdam niya ay hindi man lang magugustuhan ni Baekhyun after ng distance sa kanila, nakita niya na lang na pumirma na si Baekhyun bago pa man niya siya makausap, mabalaan, at mapigilan.
He felt so betrayed.
Isang tingin sa ngisi ng papa niya ay alam niyang nangyari ang gusto niyang mangyari at pakiramdam niya ay all this time, pinaglalaruan lang siya at hinihintay na magkaroon ng maling galaw.
Saan siya nagkamali?
Napatingin siya kay Baekhyun at sa malungkot na ngiti niya sa kanya. Para siyang nagiguilty dahil alam niya, alam niyang sana kinausap niya muna siya.
Pero bakit?
Bakit mo pinirmahan?
Hindi mo man lang ba nahintay?
Habang sinusubukan niyang maghanap ng paraan, gumagalaw na sila at naghahanap ng paraan sa kung kailan nila makakausap si Baekhyun nang wala siya.
Tangina.
Hindi mo man lang ba naisip kung anong pwedeng epekto nito sa’yo?
Sa inyo? Sa kumpanya niyo?
Ganitong klaseng bagay baa ng magagawa mong masakripisyo?
Natatakot na siyang harapin ang kinabukasan nila.
Nag-work ang media stunt. Expected naman. Syempre, two big companies ang nababanggit.
Contrary sa kung anong sinabi kay Baekhyun, hindi siya naging CEO. Naging isang puppet lang siya. ‘Yun lang ang pinamukha sa kanila.
At wala siyang magawa. Hindi niya kayang pigilan ang lahat.
Habang papalapit nang papalapit ang kasal nila, bumibigat ang pakiramdam niya. Kasi alam niya, once na mangyari ang lahat ng ‘to, magiging magulo na. Alam niya, posibleng magkaroon na siya ng control. Mas makakagalaw siya sa kumpanya, lalo na dahil kailangan, mapakita na ginagawa ni Chanyeol ang role niya as CEO. Kailangan niya lang na maging tahimik sa lahat ng plano niya.
Kailangan niya makagawa ng plano ahead sa kung anong gusto nila.
Kailangan niya munang itago kung anong nararamdaman niya. Hindi pwedeng maging hadlang ‘yun sa plano nila. Kailangan… kailangan niya hanapan ng paraan para makawala si Baekhyun, at pati na rin siya, sa lahat ng kagaguhan na ginagawa ng sarili niyang pamilya.
Pero… hinayaan niya ang sarili niyang magpakatotoo noong araw ng kasal nila. Kung ito lang ang pagkakataon na magagawa niyang iparamdam ang pagmamahal niya, kung kailangan sa harap ng tao, gagawin niya.
“Byun Baekhyun, you probably already know this, pero minahal kita nung nahuli mo akong nagyoyosi sa may likod ng building natin.”
Natawa ang lahat, kahit si Baekhyun, at kita ng kahit na sino ang pagdududa sa sinabi niya, na alam niyang lahat ng ‘to ay walang kahit anong bahid ng katotohanan.
Kaso hindi. Dahil sa lahat ng pagkakataon, bukod sa mga oras na nakakausap niya si Minseok tungkol sa nararamdaman niya, ito ang panahong masasabi niyang nagpakatotoo siya.
“Binigyan kita ng pochi at ever since then, naging tawagan na natin ang chi. Kasi ‘dun galing ‘yun, diba? Inaasar mo ako. Kasi pochi ang gusto kong kainin sa tuwing wala akong nagagawa.”
Pero andun pa rin ang ngiti niya. Nandun pa rin, hindi nawawala, at ninanakaw pa rin ang bawat hininga niya. Nandun pa rin, na parang sapat na sa kanya ang ideya na mapapakasalan niya si Chanyeol, na kahit ‘yun lang, masaya na siya. May kung anong pag-asa sa kanya.
Sana ganun din ang nakikita niya.
“Nakakatakot ang narararamdaman ko para sa’yo, alam mo ba ‘yun? Sinubukan kong takbuhan ang nararamdaman ko para sa’yo. Ginusto kitang iwasan. Kasi nakakatakot. Kayang-kaya mo akong macontrol kung gugustuhin mo. Isang ngiti mo lang, alam kong babalik ako sa’yo. Isang tulo ng luha, alam kong gagawin ko ang lahat para lang pagbayaran ng mundo ang kung ano mang nagpalungkot sa’yo…”
Nung nakita ko ang lungkot mo at hinalikan mo ako sa Maze, lalo kong naisip na dapat kitang protektahan mula sa lahat ng ‘to.
I should’ve known better.
“Pero ang lakas ng kapit mo sa akin. Bumabalik lang ako sa’yo kahit wala kang ginagawa. Gagawin ko kung anong gusto mo. Ganun kita kamahal. Nakakatakot, pero ito ‘yung pagmamahal na gagawin ang lahat para lang hindi mawala ang mga ngiti na ‘yan…”
Nakangiti lang si Baekhyun sa kanya, at nakita niya ang namumuong luha sa gilid ng mga mata niya. Pinunasan niya ‘yun at ngumiti sa kanya.
Balang araw, malalaman mong totoo ang lahat ng ‘to.
Bigyan mo lang ako ng kaunting oras.
“Gagawin ko ang lahat para lang mapasaya ka. Para lang hindi mo maramdaman ang kahit anong bigat ng mundo. Hindi ko hahayaang mawala ka sa buhay ko para lang maiparamdam ko sa’yo ang pagmamahal na deserve mo. Pangako ‘yan.”
Kaunting oras lang…
Ibibigay ko ‘yan sa’yo.
Pero hindi muna ngayon.
May tiwala ka naman sa akin, diba?
Alam niyang nasasaktan niya si Baekhyun.
Na sa bawat oras na nagtatagal ang arrangement nila, nahihirapan siya.
Habang preoccupied siya sa pagsubok na mag-work ang relasyon nila, tahimik na gumagawa ng paraan ang papa niya.
Plano na nilang i-take over ang AVID. Kailangan lang nila maghanap ng paraan.
Habang ginagawa nila ‘yun, inaasikaso niya ang mga papeles. Divorce papers. Pati ang pag-terminate ng contract nila. Para hindi na sila maging involved sa AVID at para hindi mawala ang pinaghihirapan ni Baekhyun.
Nakita ni Chanyeol ang mga pagbabago kay Baekhyun. Nakita niya kung paanong lagi siyang busy, may inaatupag, pero masaya. Nakikita niya kung paano siya ngumiti at masayang pumapasok ng bahay nila kapag may maganda silang narerelease. Minsan, nakikita niya siya sa dining table nila, nakasalamin at nakaharap sa laptop niya, maraming papel na nakapaligid sa kanya.
Sa ganitong mga panahon, hinahayaan niya ang sarili niyang hangaan si Baekhyun at ang lahat ng pagbabago sa kanya.
Sobrang proud niya. Dahil ang dami niya na naaachieve. Lahat ng nagbago sa kanya is for the better. He can’t be any prouder.
Kaya nga sa tuwing may kung sinong naninira kay Baekhyun sa harap niya, sa Maze, palagi na lang siyang nagagalit. Kasi wala silang alam. Hindi nila kilala si Baekhyun. Hindi niya deserve na maliitin na lang dahil lang sa kung anong status niya sa buhay.
Ang hirap magpanggap. Ang hirap makita kay Baekhyun na bigla na lang nawawala ang lahat ng ligaya sa tuwing pinalalayo niya siya. Ang hirap makita na parang gusto na niyang maggive up dahil sa nakikita niya mula sa kanya. Parang ba… sobrang laki ng tiwala niya sa kanya, pero sa bawat oras na nagkakasama sila, parang unti-unting nawawala at napapalitan na lang ng lungkot at pagdududa.
Nung nagalit si Baekhyun dahil hindi siya pumunta sa meeting, naguilty siya. Kasi malaki ang tiwala ni Baekhyun sa kanya na gagawin niya kung ano ang akala niyang trabaho niya.
Bakit ba naging ganito?
Bakit niya siya tinulak papalayo?
Bakit hindi na lang niya ginamit ang sitwasyon na mayroon sila para makahanap ng paraan?
Sinabi sa kanya na siya ang dapat pumupunta sa mga meeting with AVID, para hindi magduda si Baekhyun. Pero hindi niya ginagawa dahil sa takot na baka ito ang hinihintay nila gawin niya para umayon ang lahat sa plano.
Pero just this once, he feels brave.
Dahil kahit magulo ang sitwasyon, nagagawa ni Baekhyun na maniwala sa kanya. Na kahit puro kagaguhan na lang ang pinapakita ni Chanyeol at puro sakit na lang ang naidudulot niya sa kanya, hindi siya nawalan ng tiwala na kaya niyang gampanan ang role niya.
Just this once, he lets himself be brave and do what should be done.
He should’ve known better.
Nang malaman ng papa niya na may usad na sa project nila at hindi na nagbubulakbol si Chanyeol, inappoint siya as CEO. Siya ang nagsimulang mamahala ng Nano while on going na ang project nila with AVID. Mas kontrolado niya na ang sitwasyon, kaya naging kampante siya. Hinayaan niyang pumasok ulit sa buhay niya si Baekhyun dahil buong pag-aakala niya ay dadaan sa kanya ang lahat bago pa mailabas sa publiko.
Pero tangina. Hindi na siya nadala.
Hindi niya alam na sinabotahe nila ang project.
Nung araw na umamin si Chanyeol kay Baekhyun sa Maze ay ang araw kung saan nalaman niya ang lahat ng ‘yon. Tumawag ang papa niya sa kanya para lang sabihin na nagawa nila ang plano thanks to him.
Sobrang bobo niya. Nanghina siya.
Kaya habang nakikita niya si Baekhyun na tuwang-tuwa na makipag-usap sa iba dahil sa success ng project nila, hindi niya masikmurang maiccredit ang lahat ng ito sa kanila.
Tangina.
Ginawa na naman siyang puppet. Isang taong hawak lang nila sa mga pulso at gagamitin sa tuwing kailangan.
Pagod na pagod na siya. Mag-isa siyang lumalaban sa lahat ng ‘to at wala man lang nakakaalam.
Gusto niya na lang na ipakita kung gaano niya kamahal si Baekhyun. Gusto niyang iparamdam. Gusto niyang maging masaya sila.
Kaya hindi niya napigilan na aminin sa kanya ang nararamdaman niya.
When Baekhyun’s there, his mind is blank, and he suddenly feels all sorts of confident. Parang tumatapang siya, basta andyan ka.
Tipong hangga’t may tiwala siya sa kanya, alam niyang magagawa niyang ipatigil ang lahat ng kalokohan na ito. Hangga’t nandyan si Baekhyun, may rason para lumaban sa lahat. May rason para hindi siya mag-succumb sa kung anong gusto nila. After all, alam niyang may kapangyarihan pa rin siya as the CEO of their company.
Kailangan niya lang mapigilan ang lahat, itago kay Baekhyun kung anong pinaplano ng pamilya nila, at siguraduhin na maiparamdam ang pagmamahal at saya kay Baekhyun.
Kaso lagi na lang siya nahuhuli.
Nung araw na lumabas ang balita, kahit siya ay nagulat. Kaya agad siyang pumunta ng office nila, at dun, nakita niya ang papa niya, kausap ang iba sa board at tumatawa na parang proud sila sa ginawa nila.
Nakakagalit.
Gusto na niyang magising ang papa niya sa kahibangan niya.
Everything was going so well… tapos ganito?
Gusto na niyang matigil ang lahat ng ‘to. Ang lahat ng Nano. At mag-start ng panibago.
Hinanap niya ang lahat ng papeles nila, simula sa contract ng kasal nila ni Baekhyun, na nakapatong sa divorce papers na matagal niyang tinago at nawalan ng silbi.
Handa na siyang kausapin ang lawyer nila, pero naunahan na siya ng papa niya.
Plano na nilang itigil ang partnership with AVID. Gusto lang nilang makuha ito at pagkatapos ay irerebrand para maging isang branch na lang ng Nano.
Lahat ‘yun… magiging posible through Chanyeol… kasi sabi nila, kakayanin niyang maconvince si Baekhyun at mapaniwala dahil ganun siya kahina sa kanya.
Putangina.
Ang sasahol.
He played along, acted na parang wala lang ang lahat sa kanya and that’s all he ever wanted, pero nung mga panahon na ‘yon, nagpaplano na siyang sabihin ang lahat kay Baekhyun para mabalaan siya, para hindi siya maniwala sa kung anong lalabas sa media.
He should’ve done this long ago. He knows he’s been stupid.
Pero mas gugustuhin niya na lang na mahirapan na mairevive ang Nano under his father’s name at bumangon under his name.
Gusto niyang tuparin ang promise niya kay Baekhyun na he’ll be there for him, katulad ng ginagawa niya for him. Gusto niyang ibalik ang tiwalang mayroon siya sa kanya. Gusto niyang i-prove na naiiba siya sa kanila, na kaya nilang maging masaya despite all of this.
Gusto niya siyang makasama… for better or for worse. He knows Baekhyun is down for that. Alam niyang willing si Baekhyun na tulungan siya.
Pero nagkamali na naman siya.
Ngayon, wala na si Baekhyun sa tabi niya.
Wala na siyang maramdaman. Nakatingin lang siya sa dating pwesto ni Baekhyun at inaalala kung gaano kahigpit ang yakap niya sa tuwing natutulog siya at nasa tabi niya si Chanyeol.
Ang saya-saya na nila. Nagagawa na ni Chanyeol ipakita ang tunay na narararamdaman niya. Hinahayaan niya rin ang sarili niyang sumaya dahil ‘yun ang nakikita niya kay Baekhyun. Abot-kamay niya na eh. ‘Yun lang naman ang matagal niya nang ginugusto. Gusto niya lang makasama si Baekhyun, mahalikan, mahawakan. Nasa kamay niya na lahat, eh. Wala na siyang planong bitawan pa.
Gusto niyang malaya lang siyang hinahawakan ni Baekhyun, tinatawanan ang bawat katangahan niya, at kinukwento ang bawat ganap sa araw niya. Gusto niya lang na nasa tabi niya si Baekhyun, nayayakap at naririnig ang bawat tibok ng puso niya.
Maibabalik niya pa ba ‘yun?
Masyado na ba siyang nahuli sa lahat?
Noon, tinanong niya, kung saan siya nagkamali.
Ngayon, alam niya na ang sagot.
Maling itinago niya lahat. Maling sinarili niya.
Masyado siya nagpadala sa takot niya.
Ngayon, pinagbabayaran niya ang lahat. Ang katangahan niya, ang kabobohan niya, ang lahat. Kaya pati si Baekhyun nawala sa tabi niya.
Ang sakit. Pero hindi niya magawang hayaan na lang mawala dahil hindi pa tapos ang laban.
Napagpasyahan niyang sabihin sa mama ni Baekhyun ang lahat. Mula sa plano at sa kontrata, lahat. Sinabi niya, na kung gusto niyang sampahan sila ng kaso, wala siyang pakialam. Basta kung ‘yun ang tama.
Gusto niya nang makawala sa lahat ng ‘to.
Gusto niyang sabihin kay Baekhyun ang lahat. Gusto niyang makinig si Baekhyun sa kanya.
Gusto niyang pagkatiwalaan niya siya ulit.
Gusto niyang mahalin niya siya ulit.
At gagawin niya ang lahat, kahit mahirap, kahit mukhang walang pag-asa, basta para lang sa kanya.
Kailangan lang nila ng oras.
Nung nakita niya si Baekhyun na nakaupo sa harap ng bahay niya, parang nakahinga siya ng maluwag.
Para siyang nananaginip, pero ang pinagkaiba lang—totoo ang lahat. Totoong nandito si Baekhyun, totoong kaya niya siyang mayakap, totoong handa siyang makinig.
At handa na rin si Chanyeol sabihin sa kanya ang lahat.
Kaya ngayon, nandito sila sa kama. Yakap ni Baekhyun si Chanyeol, hinahagod ang braso habang ang pisngi ay nasa kanyang ulo, paminsan-minsan ay hinahalikan ang bumbunan, para lang pakalmahin siya.
And he’s there, just listening to everything, and that’s enough for him. Dahil nandito siya sa tabi niya, at ayaw niya siyang pakawalan kasi ngayon lang ulit siya nakahinga. Ngayon niya lang naramdaman ang pagkawala ng pagkabigat ng lahat ng pinapasan niya.
Handa siyang pagbayaran lahat ng kamalian niya para lang makabawi kay Baekhyun. Paghihirapan niya makuha ang tiwala at pagmamahal niya.
Basta andyan siya sa tabi niya.
Hindi niya na maiwasan ang mapahagulgol, pinapakiramdaman ang bawat halik ni Baekhyun sa kanya para patahanin siya.
“Baekhyun… chi… mahal na mahal kita…” sabi niya, humihikbi. “Sorry. Natakot ako eh. Duwag kasi napangasawa mo eh. I’m sorry… pero, Baekhyun, sige na… selfish na, alam ko… pero ‘wag mo ako iwan. Gagawin ko lahat para lang mapatawad mo ako. Please—“
Natahimik siya nang hinalikan ni Baekhyun ang labi niya at ngumiti sa kanya. ‘Yung ngiting minahal niya na una pa lang.
“I’m not going anywhere, Chanyeol,” sabi niya, at naramdaman ni Chanyeol ang paninikip ng dibdib niya sa sinabi ni Baekhyun, na parang nagbara na lahat ng nararamdaman niya. “I love you, Chanyeol. Hindi naman agad mawawala ‘yun, pero you have to understand na hindi magiging madali para sa akin na paniwalaan ang lahat. But I’m willing to give it a try and give you the benefit of the doubt.”
Tumango na lang si Chanyeol at niyakap si Baekhyun, humihikbi pa rin.
Baekhyun ran his hands through his hair, humming. Sobrang nakakakalma. Kahit noon pa, ganito ang pakiramdam na naibibigay ni Baekhyun sa kanya, and suddenly, he feels safe.
“Gusto ko lang… na kapag umuwi ako, by the end of the day, nandyan ka, nakangiti, nagkukwento tungkol sa araw mo. Kahit bigyan mo lang ako ng pochi, asarin mo ako, hindi na ako magrereklamo. Basta andyan ka…” mahina niyang sinabi. “Baekhyun, I love you… hindi ko kayang basta-basta na lang kita pakawalan. I know there’s no excuse for what I’ve done and a sorry isn’t enough, pero please… ‘wag mo ako iwan. I’m sorry if I sound so selfish—“
“We’ll get there, chi,” bulong ni Baekhyun. “For now, magpahinga ka. You look like you haven’t had some rest…”
“Pero—“
“Then tomorrow, start again. ‘Wag mo na takbuhan ang mga problema mo, ‘wag mong takbuhan ang lahat ng nasa paligid mo, ‘wag mong takbuhan kung anong nararamdaman mo, at hayaan mo lang ang buhay na ibato ang lahat sa’yo. Lahat ‘yun, haharapin mo.”
Tumingin si Chanyeol kay Baekhyun. “And nasa tabi lang kita sa lahat ng 'yan?”
Baekhyun smiled and wiped his tears away. Hinayaan lang siya ni Chanyeol, pinakiramdaman ang bawat paghinga ni Baekhyun, ang init na dala niya, at ang kung anong saya na bumabalot sa sistema niya.
Hinalikan ulit siya ni Baekhyun at naramdaman ni Chanyeol na unti-unti na siyang nakakahinga ng maayos.
Hindi pa tapos ang lahat. Hindi pa nabibigyan ng solusyon ang maraming problema, pero unti-unti, kahit papaano, ay gumagalaw sila. At kahit ‘yun lang, kahit ganito lang muna, masaya na siya.
Masaya na siyang makita ang mga ngiti na ‘yan sa labi ni Baekhyun at ang hayaan ang sarili niyang ibalik ang lahat ng kaligayahan, pagmamahal, at oras na ibinibigay niya sa kanya noon pa.
“And I'll always be here for you. I promise.”
