Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Categories:
Fandom:
Relationship:
Character:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2019-12-11
Words:
469
Chapters:
1/1
Kudos:
6
Hits:
93

BAKIT GANON ANG KAPALARAN SANA LANG PINAGBIGYAN

Summary:

Naranasan niyo na ba yung pakiramdam na napapalibutan ka ng madaming tao pero daig mo pa ang nag-iisa?

Notes:

A/N: Hindi ko na-imagine na ganito ang unang fic na ipopost ko dito after all these years. Para sa GGDD gc, sorry na sa kacornihan na to.

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

Naranasan niyo na ba yung pakiramdam na napapalibutan ka ng madaming tao pero daig mo pa ang nag-iisa?

Hindi ko din maipaliwanag pero madalas ko tong maramdaman. Siguro dala na rin ng pagiging mahiyain ko kaya madalas tahimik lang ako. Kung hindi pa dahil sa bff ko na si Yibo, malamang nakakulong lang ako ngayon sa kwarto ko.  Pero minsan, kahit kasama namin ang tropa, feeling ko mag-isa pa din ako. Feeling ko, walang nakakaintindi sa akin pero dahil friends kami, sinasakyan na lang nila ako sa mga gusto ko. 

Minsan iniisip ko na lang talaga na siguro mahirap lang talaga ako intindihin. Hindi ko naman sila masisisi. Aminado naman akong hindi ako ganon katalinong tao. Madalas may pagka-abacus pa ko sa pag-gets ng jokes sa barkada namin pero tumatawa na lang ako pag tumatawa sila para belong pa din. Alam ko din namang mga tunay silang kaibigan at kapag may kailangan ako, andyan sila para sa akin. Pero hindi ko pa din matanggal yung pakiramdam ng nag-iisa.

Siguro naiinggit lang ako kasi mas madali mag-open up ang mga friends ko kesa sa akin. Lalo na si bff. Kahit na gaano katabil ang dila niya, madami pa din siyang kaibigan. Iniisip ko nga, napakaswerte ko kasi sa dami ng friends niya, ako ang bff niya. 

Kaya masaya ako na malungkot lalo na pag kinukwento niya sa akin ang crush niyang dugyot. Masaya ako kasi nakikita ko talaga ang pag-glow niya kapag kinukwento niya ang mga bagay bagay tungkol kay kuya Xiao Zhan. Tulad kahapon, may clean-up drive yung batch nila kuya dugyot. Ayun si bff, bumili ng madaming potato chips at soft drinks sa tindahan ni nanay para daw pang food support sa crush niya. Natutuwa talaga akong makita kung paano siya magmahal.

At the same time, nalulungkot ako. Hindi dahil gusto ko si bff o si kuya dugyot pero naiisip ko, sana ako din. Mararanasan ko kaya yung ganyang uri ng pagmamahal? Iniisip ko kasi, kapag nangyari yun, baka wala na yung pakiramdam na nag-iisa lang ako.  

Hay. 

Sorry napahaba. Minsan lang naman. Kakantahan ko na lang kayo. Sabi kasi ni ate maganda daw boses ko at never nagsinungaling ang ate ko.  Sana magustuhan ninyo lalo na sa mga katulad ko na Single Since Birth.

"May nakita akong mag-jowa...."

#

Kinabukasan, nag-viral ang video ni Zhuocheng na naging dahilan para siya maging top youtuber and in the end ay madiscover as a singer. Pero hindi ang magandang boses niya ang pinakadahilan bakit ito nagtrending kundi dahil sa mga comments.

"Napaisip ako. Kung single since birth ka, anong tawag sa relasyon naten, imagination?"

"Sa loob ng 5 taon na pagkakakilala natin, andyan ako sa tabi mo. So nung sinabi mong SSB ka, where was I?"

"Alam kong slow ka, pero pati ba naman sa relasyon naten, pentium 1 ka?"

-end

Notes:

A/N2: huhuhu hindi talaga ako pinatulog ng sana all may jowa. Oo, corny to. Jusmiyo, 3am ko to sinimulan, natapos ko ng 3:20am okay. Aayusin ko na lang next time. Hahahahaa