Chapter Text
“Chanyeol, bro! May jowa na pala si Baekhyun? Yung ex mong Thomasian?”
“Oo, pre! Kita namin kahapon ni Sehun sa may España. Akala nga namin hindi siya, pero, kilala namin ‘yun bro! Walastek, ‘di talaga ubra ‘pag Isko at Thomasian, eh. Olats ka, bro!”
“Ayan, ayan. Gago ka kasi, tol eh.”
“Tanga ka, Sehun! Di talaga ubra UST x UP kasi separation of Church and State!”
Masamang tingin lang ang itinapon ni Chanyeol sa dalawa niyang kararating lang na kaibigan. Napag-usapan kasi nila na sa AS sila magkita-kita sa loob ng campus after classes at naiinis na siya dahil kanina pa siya sa dun at ang tagal tagal dumating ni Sehun at Jongin, pero pakiramdam niya mas nadoble ang inis niya dahil sa balitang dinala ng dalawa niyang colleague. Kung bakit? Hindi niya alam.
“Una sa lahat, dumating pa kayo? Hiyang hiya ako sa 20 minutes na nandito ako. Sinagad niyo na sana ng isang taon.” Puno nang yamot na sabi niya habang nakakunot ang noo niya at siya namang pagtawa nung dalawa.
“Bro, sorry na! Eto kasi si Jongin, ang tagal tagal. Sinisilayan pa si Peachie, parang tanga.”
“Hoy! Akala mo naman wala ka ring sinisilayan sa MassCom, sapakin kita eh.”
“Sinong Peachie?” Nawala pansamantala yung inis ni Chanyeol at napalitan ng pagtataka. This time, si Sehun ang tumawa ng sobrang lakas kaya naman siniko siya ni Jongin at umaktong sasakalin pa kaya naman napatakbo si Sehun malapit sa kanya.
“Bro, si Peachie?” Nag-gesture pa ito nang hugis peach gamit ang dalawang kamay nito habang tumatawa, “Ang yum kasi ng ass, bro. 10/10, would claim.”
“Hoy, gago ka! I called it dibs 2 weeks ago! Sinasabi mong would claim diyan?” Urat na sabi ni Jongin habang palapit ulit kay Sehun at akmang sasapakin ito, na agad namang iniwasan ni Sehun habang tumatawa at sumisigaw ng, “Joke lang! Possessive mo! Sayo na ‘yon!”
Chanyeol's brows knitted even more deeply, throwing the two an eye roll before asking, “Oy mga bonak, saan tayo ngayon?”
“Inom tayo Katips?” Sehun flashes a smug grin that caused him to earn a batok from Jongin, “Gago ka ba? Ligwak muna. May ipapasa pa ‘yang plates si Chanyeol bukas. Tamang puyat lang. Naks, ayan kasi bro. Arki pa more. Musta buhay natin?” Pagtatanong ni Jongin na sinundan pa nito ng tawa.
Nagkibit-balikat si Chanyeol, “Ice lang. ‘Wag niyo na lang muna banggitin ang T word. Ayoko muna mag-isip.”
“T word, ah, Thesis?” Nang-aasar na banggit ni Sehun at siya nanamang pagtawa nung dalawa, nag-apir pa ang mga gago.
“Alam niyo, tangina niyo, ano?”
“Oh, oh, chillax ka lang. Sabi kasi sayo bro, hanap ka ng ano, stress reliever ba. Hanap na ba kita? Daming chicks and potential fubus around U-Belt, bro.”
Umiling naman si Chanyeol, “Gago. ‘Di ko kailangan niyan, Sehun. Plates muna bago ‘yan.”
“Plates ba talaga?” Nanghahamon na sagot ni Jongin habang nakatitig sa kanya.
“Oo? Tanga ka ba, ano pa ba.” Plain na sagot ni Chanyeol.
“Sus, sabihin mo, ‘di ka pa nakaka-move on dun sa Thomasian mong ex, si Baekhyun. Chanyeol naman, 2 years na rin. Tsaka almost lang naman kayo nun. Ghinost ka nga eh, musta tayong family jewels ni Chanyeol Park diyan? Tigang na ba us?”
Sinamaan naman ni Chanyeol ng tingin si Sehun at nakaramdam naman si Jongin, siniko niya ulit ito ng malakas at sinabing, “Bro, naman! Plantsahin mo nga ‘yang bibig mong pasmado! Technical Foul ‘yun! In this house, we do not mention—”
“Wala na ‘yon. Memoirs of the past na ba. Nagugutom na ako, tara na.”
Bago pa sila makapagsalita, nauna nang maglakad si Chanyeol habang nakalagay ang dalawang kamay sa pockets nito. Tinapunan naman ni Jongin ng tingin si Sehun, “Gago ka kasi, bro. ‘Pag ‘yan tinopak, wala tayong pera panulsol ng luho diyan!”
👻 👻 👻
Kasalukuyan silang kumakain ngayon ng Siomai ni Ate Vickie kasama na rin ang iconic na PanTea near the Arki, oo, dito rin sila nauwi dahil sa dahilan ni Chanyeol na “tinamad” na raw siya maglakad o byumahe pa. Pero dahil sa kalakasan ng radar ni Jongin, alam niya na nawala ito sa mood. Magmula pa lang nung binalita nila na may jowa na si Baekhyun, ’yung ex na ni Chanyeol. Kahit hindi sabihin ni Chanyeol, ramdam naman niya na ‘affected’ pa ang pokmaru na tropa nila sa Thomasian na ‘yun. Technically, hindi ex kasi, wala namang sila noon. Pero may sila, definitely. Ay, ewan. Kahit sila, hindi rin nila alam. Eto naman kasi si Chanyeol. Tila automatic na naririnig nanaman ni Jongin sa utak niya ang, “Bakit ka naman kasi pumayag na mag-settle lang sa ganon, bro?” ni Sehun– ang paulit-ulit na advice nila kay Chanyeol one time nag-nomi session sila somewhere along the Katips weeks after malaman nila kung anong nangyari.
“Dito rin naman pala uwi natin, Chanyeol, nakakahiya naman sa AS at narinig pa niya ang balak natin mag-PhilCoa tas kay Ate Vickie rin naman pala tayo babagsak– ay hello po, ate Vickie!”
As expected, kumunot lang ang noo ni Chanyeol at hindi pinansin ang pagpapa-cute at biglaang pagsipsip ni Sehun kay ate Vickie, na siya namang nginitian nito sabay sabing, “Andito nanaman pala ang celebrities ng Diliman.”
Umubo-ubo si Jongin dahil doon at napakamot naman ng ulo si Sehun, kunwari pang nahihiya ang gago, “Hala, kayo po talaga. ‘Wag po kayo maingay, sige kayo, dumugin tayo ng fangirls dito.”
“Ang kapal ng mukha amputa.” Bulong ni Chanyeol pero ‘di nakaligtas sa tenga nung dalawa at ni ate Vickie, “Eto si Chanyeol, kilala ‘to bilang masungit pero mabait na Arki. Pero marupok yan para sa Siomai ko.”
Tumawa naman ng malakas si Jongin, sabay sabing, “‘Di lang po sa Siomai niyo ‘yan marupok, marupok din po 'yan para sa taga-kabilang barangay— ay hala, ano ‘yung cheer na naririnig ko? Go USTe ba 'yon, Sehun?”
“Gusto ko ‘yang tambutso ang bibig mo, malapit na kitang alisan ng karapatang maging kaibigan ko.”
“‘Wag ganun, men! Ikaw nga ang daan para magka-mabutihan kami ni Peachie.” Himutok ni Jongin na ngumuso pa.
“Sino ba kasi ‘yang Peachie na ‘yan?” Punong kuryosidad na tanong ni Chanyeol. Lagi na lang kasi nababanggit ng dalawa ‘yang word na Peachie at ‘di niya alam kung sino ba ang tinutukoy nila na sinisilayan daw ni Jongin lagi.
“Ouch, ‘di true friend. ‘Di kilala si Peachie, men.”
“Manahimik ka, Sehun. Gago ka.”
“Bro,” Eto nanaman si Jongin, nakanguso nanaman na parang pato, “Si Peachie, si Kyungsoo Do, ‘yung classmate mo sa isang GE class mo.”
Kumunot ang noo ni Chanyeol, “Sino doon at anong GE?”
“‘Yung pang- Wednesday mo, bro. Uh, ano siya, maliit, pero cute?” Pag-de-describe ni Jongin at sinubukan namang alalahanin ni Chanyeol kung sino bang maliliit at cute sa Wednesday GE class niya. Pero sino bang niloloko niya, hindi siya interesado sa mga tao kaya malabong makilala niya ito.
Dahil nakatalikod si Chanyeol at nakaharap siya sa dalawa, hindi niya napansin na paparating na pala sa gawi nila ang pinag-uusapan nila. Ngumisi si Sehun at dahil nga busy sa sariling mundo nila si Jongin na frustrated na dahil hindi makilala ni Chanyeol ang crush niya kahit anong describe niya rito at si Chanyeol na nayayamot na rin dahil hindi nga niya kilala, hindi nila napapansin ang papalapit nang Kyungsoo.
Ginatungan naman nito ni Sehun habang nakangisi, “Bro, heart shaped lips ba?”
“Oo! Heart shaped ‘yung lips niya, Chanyeol, ano? Nakilala mo na?”
Kumibit balikat si Chanyeol, “Hmm, ‘di eh. Pero sige pa, baka makilala ko na.”
Bumulong si Sehun, ‘di mawala-wala ang ngisi sa labi habang nakatingin kay Kyungsoo na palapit na sa kanila at hindi pa rin napapansin nung dalawa, “Sabihin mo bro, ‘yung mala-owlish ang eyes.”
“Ano bro, owlish ‘yung eyes?”
“Ah.. wait, Wala akong maalala eh.”
“Chanyeol naman! Owlish ‘yung eyes niya, Chanyeol! MassCom student! 4th year din! Maliit! Cute! Heart shaped yung lips! Kyungsoo Do pangalan, Kyungsoo Do!” Pasigaw na sabi ng frustrated na Jongin at sakto, siya namang sabat ng isang ‘di kilalang boses, “Ako ba pinag-uusapan niyo?”
Halos lumubog na si Jongin sa kinatatayuan niya at siya namang hagalpak sa tawa ni Sehun, habang si Chanyeol na clueless sa pangyayari ay napatango-tango dahil gets na niya. Gusto na rin niya matawa sa sitwasyon ni Jongin pero hiyang hiya naman siyang sabayan ‘yung energy ni Sehun na halos halikan na yung estante nila Ate Vickie dahil sa sobrang pagkatawa niya. Namamasa na yung gilid ng mga mata nito at halos maiyak na.
“Pea... Ky.. Kyungsoo....?” Jongin's trying to keep his cool and disregard what just happened pero unsuccessful dahil una, si Sehun ang nagpapahamak dahil ayaw pa nito tumigil at pangalawa, hindi niya alam kung dahil sa eyesight ni Kyungsoo o dahil sa nangyari kaya ang talim ng tingin nito sa kanya.
“Kung iba-backstab niyo ako, sa tagong lugar naman, at siguraduhin niyong wala ako.” Malalim ang boses nito kaya naman automatic na nagpanic si Jongin at kinabahan na rin si Sehun. Sunod sunod naman na iling ang ginawa ni Jongin with hand gesture pa. “Hala! Hala, Kyungsoo, hala, hindi ganon ‘yon! Hindi ka namin bina-backstab, hala ‘wag ‘yan ang isipin mo!”
“Eh ano pala?”
Tikom ang bibig ni Chanyeol at ayaw niyang panoorin si Jongin dahil baka isang tingin pa lang ang itapon niya dito, dahil sa likas na kademonyohan niya, baka matawa pa siya at mas lalong gumulo ang sitwasyon. Kung ano pang isipin ni Kyungsoo. Samantalang si Sehun, medyo namumutla at iniisip niya na baka kasalanan niya pag naligwak agad si Jongin sa crush niya. Zero Balance pa nga lang, ligwak na agad? Iba pa naman magtampo si Jongin.
Napiit naman ni Jongin ang labi niya dahil di naman niya pwedeng sabihing, “Pinag-uusapan ka naman kasi crush kita, Kyungsoo” o kaya naman, “Crush kasi kita at ipinapakilala kita sa kaibigan ko” dahil una, hindi siya papayag na sa ganong unfortunate way niya masasabi ito at pangalawa, torpe siya.
Oo, ang resident homeboy heartthrob ng BS Civil Engineering ay isang torpe. Gustong matawa ni Chanyeol.
“Basta.. basta hindi ganon ‘yun, Kyungsoo! Maniwala ka sakin.”
“Ba’t ako maniniwala sayo, ni hindi nga kita kilala? Pinaghanap mo pa ako, teka, ikaw ba si Jongin Kim? Baka naman hindi pala ikaw, mas lalo lang akong nagsayang ng oras ko. Kung ikaw nga, may pinapasabi si Minseok Kim patungkol sa Pep Squad, alam mo na raw what I’m talking about kaya hindi ko na sasabihin. Magkita raw kayo sa AS mamaya.”
Kumurap-kurap naman si Jongin bago tumango-tango, “Oo, ako nga. Sige, Kyungsoo. Thank you.”
“‘Wag kang magpasalamat, wala akong ginawa. Sinunod ko lang favor sakin.”
Bago pa makapag-sorry si Jongin, mabilis na naglakad paalis si Kyungsoo. Siya namang tingin ng masama ni Jongin kay Sehun at sinuntok ito sa braso ng ubod nang lakas.
“Aray! Gago ‘to! Nang-aano ka?!”
“Tangina mo! Bakit ‘di mo sinabing parating si Kyungsoo! Ginatungan mo pa! Tignan mo, basted na ata ako!”
“Wow, bro. Whipped culture ah,” Natatawang sambit ni Sehun habang hinahaplos-haplos ang braso niya na sinuntok ni Jongin. Akmang iisa pa si Jongin nang umatras na siya at tinaas na rin ang fist niya, “Gago, sige! Masakit na ah, tama na 'yung isa. Kung ‘yang Peachie mo, matabil ang dila, ikaw naman sadista. Bagay kayo ah. Pero 'wag kang kiligin, ligwak ka na nga ata eh.”
Para namang batang nagmamaktol si Jongin at ngumawa nang parang sanggol, “Tangina niyo kasi eh! Paano ‘yan, bad shot na ako kay Peachie! Chanyeol, kasalanan mo rin ‘to!”
Chanyeol frowns, “Ba’t ako? Gago ‘to. Manahimik ka nga diyan, nakakahiya. Para kang bulok na sanggol na ‘di pinadede.”
“Ah, iba talaga ah, matabil pa rin ang dila kahit may kasalanan na. Galawang Chanyeol Park talaga ah. Pucha, bilib na bilib ako ah. Ah, tangina talaga ah. Dahil diyan, ikaw ang magsabi ng sorry ko para kay Kyungsoo!” Himutok ni Jongin habang salubong ang mga kilay.
“Parang tanga ampota, ‘yan ba magpapakalma sayo? ‘Yan lang pala eh.”
“Wow, matapang. Uy, si Chanyeol, lumaban, matapang,” Pang-aasar ni Sehun na tumawa pa.
“Uy, lumaban, matapang, pero, sinukuan~? Ay, iba na ata ‘yon!”
“Tangina mo, Jongin!” Pagmumura ni Sehun kay Jongin pero hindi sa tone na imbis na kampihan siya, kundi nagtawanan pa nang parang walang bukas ang mga tanga.
Siya na ata ang pinakamalas na tao dahil sa mga kaibigan niya.
👻 👻 👻
“Hey, Jongdae! Will you watch the UAAP Cheerdance tomorrow?”
“Oo naman, Baekhyun! Duh, baka doon pa ako makakita ng potential na jowa, ganun.”
“That’s so funny, you’re always funny, kainis ka.”
Inirapan lang ni Jongdae ang kaibigan niya na ‘di niya alam kung sarcastic ba ang pagkakasabi sa pagiging funny niya o ano. They’re at one of milktea shops along España and currently waiting for their another friend. Actually, they’ve been waiting for like, 30 minutes already and he’s kind of annoyed already due to waiting but as expected of super understanding Baekhyun, hindi pa rin ito umaalis sa pwesto nito kahit ilang minuto na sila naghihintay doon.
“How about you?”
Baekhyun was hesitant to answer the question, “I don't know eh, maybe?”
“Sus! Bakit naman? Maraming tao naman bukas, Baekhyun. Hindi mo makikita si ano don. Tsaka, maybe maybe ka pa diyan. You can’t say no, bumili na ako ng ticket mo,” Tumawa nang pagak si Jongdae at naputol ito nang bigla na lang may tumabi sa kanya.
“Wow, nandito ka na pala,” Naka-ismid na bati ni Jongdae at opposite ni Baekhyun na sumigaw ng, “Kyungsooooooo!” bago tumayo at yumakap sa bagong dating.
“Yuck, Baekhyun, ang clingy mo.”
“Bakit ang pawis mo, Kyungsoo? Where have you been?” Curious na tanong ni Baekhyun habang pabalik sa pwesto niya. Umismid naman si Kyungsoo at umirap ang mata, “Sa campus, siyempre. May ginawa pa kasi ako. Hinanap, ganun. Tapos nakakainis pa. Kaya, eto. Sorry, late.”
“Aw, it’s okay! We willingly waited naman, oy, diba Jongdae?” Baekhyun nudges at Jongdae.
“Maniwala tanga.”
Then they all laughed in unison. It’s kind of been a long time since the last time they’ve been together. Baekhyun is a Nursing student from UST, Jongdae is an International Studies student from FEU, and of course, MassCom student Kyungsoo from UP. Surprisingly, they’re all in the same last academic year.
How did they become friends? Honestly, hindi na rin nila gaanong tanda. But, during first year, Baekhyun and Jongdae remember it was on a UAAP game and then they both clicked when they accidentally sat beside each other. Meanwhile, si Kyungsoo naging friend lang nila during their sophomore year, noong “naligaw” silang dalawa ni Baekhyun sa may Farmer's Plaza tapos hindi nila alam kung paanong sumakay pa-Katips through Jeep. They couldn’t book Grab that time because it was rush hour and supper hassle, so they were feeling hopeless that time. Sakto, nilapitan nila ang isang cute guy na may UP lanyard na sa tingin nila, pagawi na rin ng campus, for sure. Hesitant pa nga si Jongdae at first na lapitan nila si Kyungsoo kasi by default na talaga ang resting bitch face nito pero as usual kay Baekhyun na ‘pag may na-spotan na gustong i-friend, wala na rin siyang nagawa.
And here they are.
“So, what's the calling all about?” Baekhyun asks as he casually sips on his wintermelon tea. His usual flavor. He never liked matcha and Jongdae laughs every time he remembers the time Baekhyun made Kyungsoo upset so Kyungsoo ordered him a matcha flavored milktea as a way of telling he's upset. Kakaiba talaga si Kyungsoo.
“Ready na kayo bukas?” Tanong ni Jongdae na naging dahilan naman para mag-groan si Baekhyun.
“For UAAP?”
Tumango naman si Jongdae sa tanong ni Kyungsoo, na kumunot ang noo.
“Bakit ba kasi kailangan annually tayo magpunta don eh hindi naman tayo commentator?”
“Kyungsoo, ‘wag ka nang mag-inarte diyan. We’ll go tomorrow, okay?”
"Baka hindi ko kayo makas—"
Magsasalita pa sana si Kyungsoo pero hinarangan ni Jongdae ang labi nito, “KJ mo naman, Kyungsoo! Bawal humindi, okay? Buti kung araw araw may competition, edi okay lang wag ka sumama. Pero minsan lang 'to, focus naman? Tsaka, I already bought four tickets—”
“Why four? You have a date, Dae?” Baekhyun genuinely asks.
“Gags! No! I have a friend from other uni na nagpasabay kasi, it’s a different seat ticket.” Jongdae answers with a laugh, and Baekhyun nods as the former shifts his gaze on Kyungsoo, “Ikaw badette, sumama ka ah. Minsan lang eh.”
“Oo nga naman, Soo. Lagi kang busy acads eh, please spare time with me and Jongdae naman.” Baekhyun says with a pout on his lips. If he's just soft, he'd be hypnotized by Baekhyun pero may reason kasi siya.
“Tanga, mag-aassist kasi ak—”
“Bawal nga sabing humindi eh!” Jongdae exclaims, and Kyungsoo just rolls his eyes. Ang kulit ni Jongdae, sobra.
“Fine, bahala kayo.”
“Yay!” Baekhyun yells while flashing his rectangular smile.
“Ay, luh. ‘Yan nanaman ‘yang smile na ‘yan. Kaya may nahuhulog na Isko eh. Ay mali, nahulog pala. Past tense kasi past is past.”
“Nahulog na Isko?” Takang tanong ni Kyungsoo na siyang dahilan kung bakit tumawa si Jongdae.
Oo nga pala, hindi pa pala alam ni Kyungsoo ang nangyari 2 years ago. Hindi pa kasi nila friend noon si Kyungsoo and if so, ayaw din talagang i-discuss ni Baekhyun. Not that he doesn't trust Kyungsoo, he just likes things to be kept inside him. Sadyang chismoso lang si Jongdae kaya alam nito ang mga ganap sa buhay niya. Unlike Kyungsoo, the lad usually tells him it’s okay if he doesn't wanna tell, and that Kyungsoo respects his privacy.
Though iba rin ang radar ni Kyungsoo, whether something’s up or not.
“Paaaaaaass,” Umiling-iling si Baekhyun afterwards as sign of ‘sensitive’ topic.
Jongdae just shrugs his shoulders, “So ayun nga! Bukas ha? Sabi ko nga, I actually bought tickets already. Bukas ko na lang ibibigay. Message niyo ako mga badette, ah!”
“Eh paano ‘yan, we have different schools to cheer.”
Jongdae never follows the seat plan given before the competition, kung saan niya matipuhan maupo, doon talaga ito uupo. Of course, damay silang dalawa ni Kyungsoo lagi. They never complain though and it's perfectly alright for them. Nasanay na rin sila— kahit awkward na hindi nila schoolmates ang katabi nila. Basta maraming potential something. Like Jongdae usually says.
“Para namang bago nang bago, Baekhyun! Edi i-cheer mo! Go USTe, go lang sa pang-ghost, USTe! Gho-USTe!”
“Hoy! Foul ka ah, it’s a tiresome people generalize Thomasians as Ghosters kaya.” Baekhyun says with a pout on his lips. Natawa naman si Kyungsoo.
“Tawa tawa ka diyan, badette. Alalahanin mong late ka.” Nakanguso na saad ni Jongdae kay Kyungsoo.
“Hindi, may hinanap kasi ako. Nakakainis, nababanas nanaman ako 'pag naalala ko.”
“Ano ba kasi ‘yan? Bola ng Dragon Balls?”
"Sana alam mong ang corny mo,” Irap ni Kyungsoo kay Jongdae bago nag-proceed, “Isang member ng UP Pep! Pinahanap sakin nung friend ko na member din, tapos ayun. Sumpa rin talaga maging mabait minsan eh ‘no? So the thing was, hindi ko naman kilala, dinescribe lang sakin. Hinanap ko talaga, tas pagdating ko don malalaman ko na pinag-uusapan ako ng mga tropa niya. Kakabanas, diba?”
”Ay, wow. Pinag-uusapan. Iba rin. Artista ka ba, beh?”
“Pero uy diba, member si Kyungsoo ng Theater actors sa UP ha! I forgot the name nga lang. Is it Dulaang UP ba? So technically, yes?” Sabat ni Baekhyun.
“Pwede ba, Baekhyun.”
Ngumuso ito, “Why, true naman eh.”
“Isa pang ulit, gago ka, Jongdae.”
Hinawakan naman ni Jongdae ang dibdib niya, “Ouch, Soo. Ang words mo, sumasabog.”
“Gusto kong sumabog—”
“At magsabi ng masasamang mga words!” Baekhyun exclaimed cheerfully, “Oh diba, I know your references too. Akala mo ikaw lang, Jongdae Kim.”
Jongdae makes face, “Masaya ka na diyan, Baekhyun?”
“Gago.”
Baekhyun doesn’t usually curse pero once he did, it's either you'd burst kasi ang cute or you’d laugh dahil it sounded so hilarious.
Either way, Jongdae loves picking out on Baekhyun and kahit nasusuka siya, aaminin niya na he loves Baekhyun naman and he has a soft spot for the male.
“Pero manageable ba ‘yung mga sinasabi mong tropa, badette? Borta ba, ganun?” Usig ni Jongdae kay Kyungsoo pero kung minamalas nga naman ang notorious potential something founder na kaibigan nila, kinibit lang ni Kyungsoo ang balikat niya.
”Hindi ko na napansin. Mga mukhang tao naman.”
“Ekis mo naman, Soo! Pero, alam ko mga ganyan mo eh. Ligwak ‘pag ganyan.”
“Ikaw, you judge. Lahat naman pasok sa taste mo.”
“Gago.”
👻 👻 👻
“Men, san na kayo? ‘Di niyo na ako mahal?”
“Oy, gago, tinatadtad na ako ni Jongin dito! Bilisan mo naman, Chanyeol!”
“Maghintay ka, tanga.”
Brinush up naman ni Chanyeol ang hair niya for final touch before deciding to call it off and going to Sehun who's at the door of his pad already. Hawak hawak nito ang cellphone niya at nakakunot na rin ng noo. Malamang sa malamang, kausap nito si Jongin na nagda-drama na sa messages nito dahil wala pa sila sa venue.
Ngayon kasi ang UAAP Cheerdance at isa si Jongin sa mga members ng UP Pep Squad. Obligado sila every year na umattend as a support kay Jongin, na pilit na pilit naman ni Jongin kasi wala silang interes ni Sehun dito. Actually, siguro siya lang kasi gustong gusto ni Sehun ng mga gantong event. Baka raw may ma-sight siyang chicks and twinks from other universities.
“Wow, handang handa si gago, oh. Sino pinaghahandaan mo?” Nakangisi na untag ni Sehun sa kanya.
“Burol mo.” Supladong sagot ni Chanyeol.
“Edi wow, savage ka niyan? Tara na nga! Nagda-drama na si Jongin sakin. Magba-back out daw siya ‘pag wala tayo doon sa nireserve na seat niya. Reserve reserve pa, akala mo ‘di binili ‘yung tickets amputa.”
“Back out? Special ba siya?”
“Nga bro eh, feeling marinated. Akala niya ata special siya. Ipapatalo niya pa raw UP ‘pag ‘di tayo pumunta. Hawak natin sa leeg UP, bro! Wow, we feel powerful.” At tumawa pa si Sehun sabay iling.
“Baka tayo ang hawak ng UP. Tatanga-tanga.”
“Alam mo, ikaw, bawasan mo ‘yang tabil ng dila mo ah.”
“Edi wow, savage ka niyan?” Panggagaya ni Chanyeol sa linya ni Sehun kanina pero naputol ang pagsagot ni Sehun nang mag-ring ang cellphone nito.
“Mga bro, ano na?! Ngayon niyo pa ba ako ilalaglag? Bakit naman kayo ganyan? ‘Di niyo na ba talaga ako mahal? Hindi naman ako nagkulang ah, nililibre ko naman kayo kay Mang—”
Hindi na natapos ang litanya ni Jongin dahil binaba na agad ni Sehun ang tawag. Natawa silang dalawa. Kahit kailan talaga si Jongin, mukhang tanga.
“Tara na, bro. Parang tanga na si Jongin don. Halatang kinakabahan na ang gago.”
👻 👻 👻
”Baekhyun, nasaan ka na ba? Balak mo ba magpa-late at mag-bongga ng entrance?”
Nagpa-panic na si Baekhyun habang naglalakad paalis sa kwarto niya at dire-diretso sa may family car nila. On line si Jongdae at pinagmamadali na siya dahil baka ma-late na siya. Right after kasi na magkita sila ni Jongdae early morning for the ticket— which happened so rush din at agad agad ding binigay ang ticket sa kanya dahil may emergency errand ito— ay dumiretso agad siya sa house nila sa Taytay due to his parents' command, and after that, natulog muna siya for he doesn't know how long. Saktong pagka-gising niya, tadtad na siya ng messages at missed calls galing kay Jongdae. Samantalang wala kay Kyungsoo. Siguro nandoon na ito sa tabi ni Jongdae at hinahayaan na lang na ang kaibigan nila na ang bumulabog sa kanya.
Hindi na niya kinailangan pang sabihin kung saan siya ihahatid ng driver nila dahil matik na ito, at sinabi na rin niya na sa condo siya uuwi, and for sure magyayaya si Jongdae sa kung saan so, hindi na siya kailangang sunduin ng driver nila after the event. Pagkadating na pagkadating niya sa arena eh halos lumipad na siya papasok. Sinubukan niyang i-message at tawagan si Jongdae para sana magpasundo since baka kung san diya dalhin ng mga paa niya na naman pero out of reach na ito. Ilang taon na siyang nanonood ng UAAP CDC pero nalilito pa rin siya at lagi siyang naliligaw sa loob ng arena, given na walang sense of direction ang mga paa niya. Paulit-ulit niyang tinawagan si Jongdae pero wala pa rin. Siguro nainis na nang tuluyan o baka naman may ginagawa kaya si Kyungsoo na lang ang tinawagan niya. Ilang rings pa ang inabot bago ito sumagot.
“Oh?”
Maingay na rin ang feedback sa paligid ni Kyungsoo kaya sure siya na nasa venue na ito.
“Kyungsoo! Hello! Ano, where are you?”
“Nandito na sa loob, bakit?”
“Can you.. sundo me, Kyungsoo?”
It took minutes and noises before Kyungsoo could reply, “B, hello? Sorry, ano nga ulit? Sundo? Hala.. can’t, B. Hindi na ako pwede umalis eh.”
Baekhyun thought na hassle nga kung lalabas pa sila ni Jongdae sa pwesto nila, or maybe, maraming borta sa pwesto nila kaya naman ayaw pumayag ni Jongdae na lumabas sila.
“Feeling ko I’m getting lost, Kyungsoo.” Nakanguso na niyang sabi habang fini-fidget ang mga daliri niya.
"Ha? Baekhyun, pumasok ka naman sa tamang gate diba?"
“Oo! Pero.. baka I'm lost?”
Natawa naman si Kyungsoo on the other line, “Baekhyun, para ka na namang tanga. Nakapasok ka na, diba? Tignan mo na lang ulit 'yung ticket mo make sure about your seat na. Again, nakapasok ka naman na diba? Then you're on the right place. You just have to check the number or seat, whatever. Redundant na ako pero, I’m saying, ‘wag kang paranoid diyan."
Baekhyun nods his head even though Kyungsoo wouldn't see it, “Okay, Kyungsoo, thank you!”
“Sige na, sige na. I’m really kinda busy now. Have to focus on things.”
Then without any word, Kyungsoo dropped the call. He was about to do Kyungsoo’s advice and take a glance on his ticket but he frozed for a moment because fucking shoot, where is the holy ticket piece left on him? He was just holding it!
“What the fuck, Baekhyun.”
He tried to knock his things down and almost kissed his own ass nang makita niya itong nakaipit somewhere between his phone and case. Now, he’s pure certain of his place already.
Though there's still little panicking because hindi nga siya sanay ng mag-isa, but he remembered Kyungsoo's magic words. ‘Trust your gut, Baekhyun’ and tried to enter casually.
He inhales. Okay, maybe makikita naman niya sila Jongdae doon so he trusted himself and started walking in.
Pagkapasok niya, medyo nalula siya dahil marami na ngang tao. Nagtataka siya dahil bakit nasa sea of maroon siya? He can clearly see the comrades of UST na katabi lang ng place kung nasan siya ngayon. Kinabahan na rin siya dahil baka nga nasa wrong place siya, though tiwala naman siya because that's what his ticket says and knowing Jongdae nga, kung saan siya maraming na-spot-an na potential something, doon talaga sila pupwesto despite of released seating plan beforehand, disregarding the schools. Buti na lang at hindi niya sinuot ang UST shirt niya dahil baka nakakatakot na suspicious glares ang matanggap niya from Maroons. Luminga naman siya at nakita niya ang tatlong blankong upuan sa may bandang gitna. Nakahinga siya ng maluwag. He’s very certain now. Without checking anything, doon siya nagdire-diretso at hindi na talaga siya nagtaka, pati na rin kung bakit wala ang dalawa dahil iniisip niya na malamang, nasa comfort room sila. Agad naman siyang pumunta sa pwesto na iyon.
Umakto siya ng casual bago umupo sa pwesto niya. Bale two seats na lang ang available, at hinihintay na rin niya ang dalawa na dumating.
Lagpas 5 minutes na pero wala pa rin ang dalawa. Pero being the patient that he is, hindi niya binulabog ang dalawa sa message and calls. Kayang-kaya naman niyang maghintay. Baka may binili lang ang dalawa kaya natagalan.
UE na ang nagpe-perform and everyone was loud and the pressure's already intact inside the arena. Nang may maramdaman siyang two figures na papunta na sa pwesto niya. He grinned to himself that at last! Kasama na niya ang dalawa, though he won’t complain about waiting kasi he doesn’t do that usually.
When he felt the two had sat, from north, he switched his body and faced his west, greeting them, “At last you both came! Akala ko—”
For his surprise, hindi si Jongdae at Kyungsoo ang katabi niya ngayon— and that’s where his lips clamped on its own.
And of all people, kung sino pang least expected na makita niya, ‘yun pa ang nakita at nasa harap niya ngayon.
He didn’t know what to do, the other two looked surprise as well to see him pero the smaller one was the most obvious. The other, hindi gaano but he felt the male being stuck. Also, its expression became rigid.
And right now, he’s just few inches close to that person.
“Baekhyun?”
”Oh... yes! I’m sorry.. I thought..” Baekhyun’s mentally cursing himself for not being able to pull his shit together and the nervousness he’s feeling at the moment. Tila ba nawala ang sigawan ng mga tao from the arena and all he can hear is the sound of awkwardness and confusion kung ano bang dapat na gawin niya.
Instead of a snob, he received a plain “Hey,” from that person and again, Baekhyun didn’t expect that.
“Baekhyun, diba? Uy, Baekhyun! Bakit ka nandito, Thomasian ka ah? Puro Maroons ang nandito,” Sabi nung orange ang buhok at dahil dun, tila nagising siya at agad siyang nag-panic dahil sa sinabi nito, baka maraming makarinig.
”Hala! Quiet lang, Sehun! People might hear you!”
Tumawa ulit ito at umiling, “Okay, boss. Wow, kilala mo pa ako? Galing ah! Pero, bakit ka nga nandito? Naligaw ka ata?”
Tinapunan muna ni Baekhyun ng tingin ang kasama nito bago sumagot, “Ano kasi eh, wait, I don’t know as well. I’m supposed to have my two friends with me, I’m in the right place according to my ticket naman diba?” Out of curiosity, kinuha ni Sehun ang tinge of ticket na hinand ni Baekhyun at inexamine ito.
“You’re in the right place nga.. pero, wow,” Bigla itong tumawa at umiling iling pagkatapos ibigay sa kanya ang ticket tinge, “Nice talaga, the coincidence, pare.”
He just flashes an awkward smile at the taller, pero deep inside, sobrang nagpa-panic na siya at kung pwede nga lang and if he’s that type of person, minumura na niya out of confusion si Jongdae at Kyungsoo. Plus, hindi sinasagot ng mga ito ang calls and messages niya kanina pa.
Bakit ito ang mga katabi niya?
Bakit isang Sehun Oh at Chanyeol Park ang mga katabi niya?
“Well, fuck.” Hindi na niya napigilang masambit pero tila hindi naman nakaligtas ‘yun sa tenga nung dalawa, lalo na kay Sehun na inasar pa siya.
“Owh, owh, cute. Cusser ka rin pala, Baekhyun?” Tumawa ang matangkad na lalaki at naramdaman ni Baekhyun ang pagsingkit ng mata ng katabi nito sa binatang iyon, “Joke. Anyway, tough ‘yan. That really happens, ang weird nga lang. You can sit here naman, Baekhyun. Ang.. amazing lang,” Nagpakawala ulit ito ng tawa at nagtataka na si Baekhyun. Bakit amused na amused ata ang lalaking ito mga pangyayari?
“Anyway, okay lang talaga, hindi naman kami basher ng UST. Well, siguro sa katabi mo,” at ngumisi nanaman ito ng nakakaloko.
Tinignan naman ni Baekhyun ang katabi niya and he felt something. He doesn’t know, but all he can say is.
Wala pa ring nagbago kay Chanyeol Park.
“Malusaw ako.”
Saad nito and in span of seconds, nakatitig na rin ito ng matiim sa mata niya and he definitely, was caught off guard.
Ano ‘to? Bakit ganito?
Naagaw ang atensyon niya ng umilaw ang screen ng phone niya at nag-flash ang message ni Jongdae. Shit, oo nga pala!
“Badette! Ano na? Nasan ka na ba? Nga pala, yummers ang mga Thomasians for this year ha! Ikaw naman hindi ka man lang nagsasabi. So, ayun. Patalastas lang. Nasan ka nga kasi?”
Baekhyun fixes himself before tapping the keyboard to reply, “Jongdae, help.”
He was biting his lips nang matanggap niya ang response ni Jongdae in a flash, “Hoy! Bakit, anong nangyayari sayo? Don’t make me nervous! Nasan ka ba? Naka-hit and run ka ba? Don't tell me, Baekhyun, iba-batista bomb talaga kita!”
Natutop na lang niya ang noo niya dahil sa frustration. How can he tell Jongdae na right at this moment, katabi niya ang taong iniiwasan na niyang makita for 2 years?
As funny as it may seem, mas magpa-panic pa si Jongdae over the fact na nagkrus nanaman ang landas nila ni Chanyeol, ang Isko na “ex-almost” niya kung tawagin na Jongdae, kaysa sa naka-hit & run siya.
“How about you? Where are you? Are you with Kyungsoo? I’m inside! Gags, you’ve got explaining to do, Jongdae! Huhu. I swear to Saint Thomas. This is your fault.”
“My fault? Huh, why? And no, I’m not with Kyungsoo. Wait, okay, let’s just ditch this competition and talk to the nearest 7/11? Mukhang super panic ka, badette eh.”
He just agreed and now, he’s waiting for Jongdae to send the exact location of 7/11 they will be meeting. It was taking so long and it was UST who’s performing already pero he is so much willing to ditch it dahil mas higit ang adrenaline na nararamdaman niya kesa sa feels niya for their uni. Besides, feeling niya nasa wrong seat siya. Actually, nasa wrong seat talaga siya. Very, very wrong.
It feels awkward din pero thank you kay Sehun Oh dahil turo ito nang turo ng mga ‘chicks and twinks' daw from different universities, making the atmosphere less tensional for him and Chanyeol na literally inches lang ang pagitan and their shoulders almost brushing.
He was expecting a message from Jongdae so he was surprised to receive a call, answering it on his seat kahit ba maingay, “Hello, Jongdae?”
“Baekhyun! B, sorry, hindi ata tayo magkikita tonight. Mom called me and there was something up so I need to go. Naloloka na ako. Punong-puno ng unexpected errands ang araw na ito! Pero, did something bad happen to you ba? I can go to you if you really need me, okay ka lang ba? Nasa venue ka ba or something happened talaga?”
Umiling naman ng sunod sunod si Baekhyun kahit hindi siya makikita nito, “No, Jongdae! I’m fine, I’m fine! I’m here at the venue. Unahin mo ‘yung sa family mo, alright? I can manage, besides, Kyungsoo is here as well, I can make it naman.”
Honestly, he was thankful na nagkakarinigan pa sila ni Jongdae despite the massive noise sa paligid niya.
”Sigurado ka ba? Sureball ‘yan, Baekhyun? I haven’t seen Kyungsoo kanina pa talaga, pero for sure nandiyan lang siya. Though, are you really alright?”
Baekhyun heaves a sigh before nodding, “Oo, Jongdae. It’s okay lang, I will find him na lang. Take care, Dae.”
“I can feel something, Badette eh. Tell me about it probably next week, please be alright, B!”
The call dropped and Baekhyun bit his lips. ‘Di niya alam ang gagawin niya dahil first, Jongdae has some errands to do at ayaw naman niyang maistorbo ito dahil family matter ‘yun and second, he doesn’t know where to find Kyungsoo. Hindi niya nga rin alam kung nasaan ang kaibigan niya. Lumipat naman ang tingin niya kila Chanyeol at Sehun. May naisip siya, even though it’s absurd and he only has 10% probability, he’s gonna ask them if they know Kyungsoo, and if the fate is kind to him, maybe they could even tell where he can find him.
“Ah.. excuse me..” Agad namang tumingin ang dalawa sa kanya and he felt his muscles tensed up, feeling niya kasi pini-pierce siya ng stares nung dalawa right his chest.
“May kilala ba kayong Kyungsoo Do? MassCom student siya.. from your campus, uh.. baka lang naman?”
“Kyungsoo Do? Wait.. ah, si Peachie!” Sagot ni Sehun that made him smile cause of relief but frown afterwards dahil sa nickname na sinabi nito.
“Peachie? Bakit Peachie?”
Tumawa naman ito, “Wala lang! ‘Yun kasi ang tawag ni Jongin sa kanya, anyway, bakit mo natanong?”
Tumango-tango naman si Baekhyun bago sumagot, “He’s a friend of mine kasi eh, maybe you could tell me if saan ko siya pwede makita?”
“Hindi namin siya close, sorry.”
Napatitig naman siya kay Chanyeol for minutes na kahit sumagot eh diretsong nakatingin sa may performance area. He just bobs his head and clamped his lips, “Sayang..”
Paano siya uuwi nito?
He knows it’d be hard to book a Grab or anything dahil sobrang rush hour na, and definitely, there’s a lot of people who did already. Not that he can’t go home alone, he’s just afraid to go home without anyone by his side. He can’t message their driver naman, their house is really quite far to Pasay and baka anong oras na siya makauwi, plus, he doesn’t want to disturb their driver anymore na. Adding the fact that he said to his parents na sa condo nga niya siya uuwi.
Bahala na.
It was a long 4 hours ‘til the event was over and uwian na. He had to pat his back dahil hindi biro ang awkwardness atmosphere kung saan siya nakakulob. Or, is it just really him? Siguro siya nga lang ay may awkward issues. The event was long enough and as usual, may mananalo, may matatalo. NU did it again though. It's almost 7 in the evening, and Baekhyun's internally fidgeting as he stands up, casually looking at the two standing male beside him.
“Uhm, guys? I’m gonna head home? Thank you, take care.” He flashes a small smile and heads towards the exit without waiting for their response. Siguro maghihintay na lang siya ng available taxi outside the arena. Goodluck sa kanya.
👻 👻 👻
On the other hand, tinapunan naman ni Chanyeol ng masamang tingin ang kanina pa nakatitig sa kanya at nakangisi ng parang aso. Walang iba kundi si Sehun. Nasa labas na rin kasi sila kanina pa at hinihintay nila si Jongin sa sinabi nitong lugar.
Mahigit 30 minutes na rin nang nakaalis si Baekhyun pero hindi pa rin mawala-wala ang nakakalokong ngisi ni Sehun sa kanya at gustong gusto na niyang punitin ang mukha nito.
“Paano ba ‘yan, bro?” Tumawa pa ito at umiling-iling. “Wow, after 2 years. Pinag-krus nanaman ang landas niyo. Musta sa feeling?”
Chanyeol just crossed his arms at umiling, “Walang feelings. Casual lang.”
“Sus, casual lang ba? Ogag, parang hindi ka nag-stiff nung nakita mo siya ah. Ayos din ‘yon ah, umalis na lang nang ganun ganun. Takot ata sayo eh. Sabagay, feeling ko iiyak ka na kanina eh. Tatakbo rin ako kung ganung sight makikita ko.” At tumawa pa ulit ang kaibigan niya.
Nanahimik naman siya. Magsisinungaling siya kung sasabihin niyang hindi siya nagulat nang makita niya ang taong hinihiling niyang huling makita, at oo, nagsinungaling din siya nung sinabi niyang walang feelings nung nakita niya ulit si Baekhyun.
Shit naman oh, ‘yan tayo eh. ‘Yan ang mahirap satin, laging may sumasabit.
Gulat, at nostalgia. ‘Yan ang naramdaman niya nang makita niya ang binatang Thomasian. Gulat kasi, halos dalawang taon na rin ang lumipas, at nostalgia dahil.. tila totoo talaga ang lyrics ng One Direction na ‘just how fast the night changes’. Ang bilis magdaan ng panahon. Parang ‘yung taong ‘yun, hawak hawak niya pa ang kamay noong Paskuhan sa UST at UP Fair sa UP, pero ngayon, wala na.
Ipinilig ni Chanyeol ang ulo niya. Bakit pa ba niya naiisip ang mga bagay na iyan? Napabuntong-hininga siya.
“Hindi ako naniniwala sa destiny pare, pero ang ironic lang talaga. Sa kulang kulang na 20,000 na tao dito sa arena ngayong gabi, landas niyo pa talaga ang pinagtagpo? Iba rin!” Hindi pa rin tapos ang litanya ni Sehun at tatawa tawa pa ang kumag, “Tapos upuan niyo pa talaga ang pinagtabi? Grabe, kung published lang ‘yang love story niyo, ako magiging basher eh! Grabeng coincidence, halatang ‘di nangyayari sa totoong buhay! Taas ng imagination ng author! Pero wala eh, this night is the witness talaga na unexpected things happen. Shet, man, fanfic ba ‘yang buhay mo? Sabihin mo naman sa author ihanap ako ng jowa!”
Masamang tingin naman ang ipinukol ni Chanyeol kay Sehun bago niya binuka ang bibig niya, “Tangina mo."
“Mukhang problemado tayo diyan ah!”
Nawala lahat ng iniisip niya nang makita nila si Jongin na may nakabalot na gauze sa braso nito. Nanlaki naman ang mata ni Sehun na napasugod dito, “Jongin! Ano nanamang katangahang ginawa mo?”
“Aray! ‘Wag mo namang diinan! Kalalagay lang ni Peachie niyan!”
”Teka, nino? Ni Peachie? Tama ba naririnig ko?” Pag-uulit ni Sehun na naging dahilan ng pagngiti ni Jongin. Kinikilig pa ang gago at umaktong akala mo dalagitang kakapasok lang ng puberty.
“Oo, kasi, na-injure ako kanina. Masakit na talaga ‘yang braso ko before performance pa lang pero ininda ko. Siyempre! Para sa UP nating mahal. Tapos ayun, pagkatapos sobrang sakit talaga. Eh, kung sinuswerte nga naman ako, assistant pala si Peachie at tumulong siya sa pag-apply ng first aid sakin. Pwede pala ‘yun bro? Parang ang sarap halikan at the moment nung kung sino mang kumuha kay Peachie to assist,” Mahabang litanya ni Jongin na tila nakauwi ng tropeo dahil literal na kumikinang ang mata nito habang nagkukwento.
“Eh mukhang volunteer siya eh?” Sabat ni Sehun kaya naman mas lumawak ang ngiti ni Jongin.
“Edi much better, siya hahalikan ko.”
“Kadiri ka, bro. Itigil mo na ‘yan. Di ka nga kilala ni Kyungsoo.” Pangba-basag ni Sehun kay Jongin.
“Ah, nandun pala siya. May naghahanap sa kanya kanina eh,” Pag-iignore ni Chanyeol sa sagutan ni Sehun at Jongin.
Nagtaka naman si Jongin, “May naghahanap kay Peachie? Sino?”
Matik naman na tumawa nang malakas si Sehun, “Bro, may dapat kang malaman.”
“Tangina mo, Sehun, manahimik kang gago ka.”
“Uy, ano ‘yun?”
“Ganto kasi—”
“Isa.”
“Ano nga? Hayaan mo ‘yan si Chanyeol! Takot ka diyan?”
“Gago, hindi! Ayun nga kasi, nakita niya ulit si—”
“Dalawa, Sehun.”
“Parang gago, pabitin naman!”
“Maghintay ka! Parang gago ‘to si Chanyeol!”
“Weak mo naman! Scared ka?”
“Tangina mo, Jongin!”
👻 👻 👻
“Ano?! Nakita mo ulit si Baekhyun? Wow, teka. Naririnig mo ba ‘yun, Sehun? Parang may naririnig akong yumuyupi.”
Kumunot ang noo ni Sehun, “Anong yumuyupi?”
“Yumuyuping yero.”
“Bakit yero?”
“Marupok.”
Dumagundong ang tawanan ng dalawa habang naglalakad sila papunta sa parking lot ng malapit na pinagkainan nila as soon as makalabas sila. Kanina pa kasi dada nang dada si Sehun na nagugutom siya kaya naman no choice sila na kumain at palamunin ang kaibigan nila. ’Di rin naman kalayuan sa may arena ang pinagkainan nila kaya hindi naman hassle, though maraming tao nga lang. Good thing, may dalang kotse si Chanyeol at hindi sana papatalo si Sehun pero tinatamad daw siyang may bitbitin at mas lalong wala siyang kotse. Napakagago.
"Pero, seryoso? Ano nga? Kumusta?" Pagtatanong ni Jongin kay Chanyeol pero imbis na sagot, isang irap ang natanggap niya.
“Manahimik ka nga. Dagdagan ko ‘yang iniinda mo.”
“Pwede rin, para magpagamot ulit ako kay Peachie.”
“Legit bro, nag-stiff siya.” Tumatawang sambit ni Sehun na sinundan naman ni Jongin, “Expected na ‘yun, boi! Puta, 2 years ba naman eh. Ang tanong lang, may feelings pa ba?”
Sasabat pa sana si Chanyeol nang may maaninag siya ‘di kalayuan sa pwesto nila. Mag-isa ‘to at tila may hinihintay. Kabisado ni Chanyeol ang figure na ‘yon kahit silhouette lang ang nakikita niya. Napatingin siya sa wristwatch niya at nagsalubong ang kilay niya. Halos 9 PM na.
Sinong hinihintay niya doon? Delikado na.
Walang pag-aatubili niyang iniwan ang dalawang nagtatawanan pa rin at pinuntahan ang taong iyon. Nang marating niya ang pwesto nito, nakita niya ang gulat sa mukha nito nang makita siya.
“Chanyeol?”
“Ano pang ginagawa mo dito? Gabi na. Delikado na dito. Bakit hindi ka pa umuuwi?”
Nagtataka man, sinagot ni Baekhyun ang sunod sunod na tanong nito habang nakayakap sa sarili niya, “Naghihintay ako ng masasakyan eh.”
“Kanina ka pa nag-paalam na uuwi ka ah. Ibig sabihin halos isang oras ka nang naghihintay dito? At bakit wala ka nang masakyan? Wala bang susundo sayo?”
Nalilito si Baekhyun dahil ang usual resident tahimik ng Arki ay sunod sunod ang tanong sa kanya, hindi niya alam kung anong unang sasagutin niya. Saka, nagtataka pa rin siya bakit nasa harap niya ang binata at tila concern pa sa kanya.
“Hindi ko na kasi nakita si Kyungsoo, eh. Hindi rin niya sinasagot ang calls ko. Tapos.. sa condo ko ako uuwi, hindi na makapag-book sa Grab, saka, oo, walang susundo sakin..?” Unsure na sagot ni Baekhyun sa mga tanong ni Chanyeol, na tinitigan muna siya bago tumakbo paalis.
Okay, that was weird.
Hindi na niya sinundan pa ng tingin ang kaalis lang na binata and he just shrugs his shoulders kahit nawe-weirduhan siya sa inakto nito. Hindi ba dapat iniiwasan siya nito?
He heaves a sigh and juts his lips as he clamps his hands. Hindi niya alam kung gaano pa siya katagal maghihintay doon dahil walang masakyan. Worse, abutin pa siya sa pwesto niya habang bukas. Amp. ‘Wag naman sana.
He’s back to his business of waiting nang may unfamiliar na kotseng huminto sa harap niya. Napaatras siya dahil kinakabahan siya baka kung anong gawin nung driver sa kanya sakaling bumaba ito pero laking gulat niya kung sino ang bumaba mula dito at niyayaya pa siya.
“Halika na.”
“Me?” Takang tanong ni Baekhyun at luminga-linga pa siya para siguraduhing siya nga ang niyaya nito bago bumalik ang tingin niya sa lalaki, “Chanyeol, bakit?”
“Anong bakit? Hindi ka makakauwi nang gantong oras, Baekhyun. Rush hour. Halika na, ihahatid kita.”
Definitely the word of the day is: awkward.
Hindi alam ni Baekhyun kung papayag ba siya o ipagpipilitan na ‘wag na lang pero knowing Chanyeol, matigas ang ulo nito at hindi ito papayag. Which makes him correct dahil hindi talaga siya hahayaan ni Chanyeol knowing what time it is already at lalong mag-isa pa siya.
“Nasan ‘yung mga friends mo?”
Tipid na sumagot si Chanyeol, “Pinauwi ko na. Now, it’s your time. Tara na, Baekhyun.”
“Pero, Chanyeol..”
Ngumisi ang binata, “Hindi lang pala ghosters ang mga Thomasian, ano? Ang titigas din pala ng ulo.”
Nanlaki naman ang mata ni Baekhyun at padabog na lumapit sa kanya, “Hey! That’s bawal! Fine, then. If you insist.”
Agad siyang pumasok sa shotgun seat ng kotse ni Chanyeol at napapikit na lang siya nang maramdaman ang pag-upo ni Chanyeol sa driver's seat.
Ano ba ‘tong pinasok mo, Baekhyun?
“Saan tayo?” Untag ni Chanyeol sa kanya pagkatapos buhayin ang makina. Baekhyun remains quiet dahil pumapasok sa ilong niya ang familiar scent ng kotse, and it’s making him distracted. Favorite niya ang melon scent for cars and he remembers telling it to Chanyeol. Since then, ‘yun na ang default scent ng kotse ni Chanyeol. At ngayon, hindi niya alam kung assuming ba siya o sadyang naalala ni Chanyeol ang fact na ‘yun kaya ‘yun ang amoy ng car niya by default? Ewan, hindi niya alam.
“Baekhyun..”
“Sa condo ko!” Napatutop ng bibig si Baekhyun nang ma-realize niyang naisigaw niya ang sagot niya, "I mean, sa my place. Sa may España, near sa—”
Chanyeol bobs his head, “Baekhyun, alam ko. No need to tell.”
Right.
How could Chanyeol not know?
“Ah.. yeah..” That's what all he could say, and after that, it was a complete silence for almost 10 minutes. He doesn't know what to say and he feels like same goes for the latter too. He inhales before gathering all his courage to ask the other male.
“Chanyeol.. kumusta ka na?”
Baekhyun thought Chanyeol would ignore him for life dahil halos 2 minutes din ‘tong hindi sumagot. Chanyeol's head tilted to his way afterwards as he speaks, “Ice lang, buhay Arki. Ikaw ba?”
‘Di niya alam ang sasabihin niya at first, pero sinagot na rin naman niya 'to. “Okay lang din.. medyo hassle life as graduating Nursing student, pero I can go on naman.”
“Ah..” That was Chanyeol’s last response and he chose to shut up na lang. Medyo malayo-layo pa ang condo niya and for sure, mahaba pa ang biyahe.
Mukhang ayaw din naman siyang kausapin ng binata kaya hindi niya rin alam gagawin at mas lalong hindi niya alam ang sasabihin niya. Saint Thomas Aquinas naman kasi, why leave me in this situation?
The long drive’s full of definite awkwardness, kaya naman he almost bowed down and thanked the heavens when Chanyeol set his music on the playlist of Cigarettes after Sex. The songs were the kind of adult lullabies that can drive anyone to comfort of drifting to unconsciousness, and with that, he feels his body depleted.
He shakes his head uncontrollably to wake himself up, kotse ito ni Chanyeol, he can’t sleep. Not that he doesn’t trust the guy, even though he hadn’t had contact with the latter for how many years, he knows Chanyeol is still that guy with morality. He wouldn't do such ridiculous things. If he could put it into words, he does— he still do trust Chanyeol. ‘Yun nga lang, he can’t sleep sa car nito because nakakahiya. Nakisakay na nga lang siya, ang kapal pa ng mukha niya makitulog.
Baekhyun was too focused on his errands and waking himself up that he didn't feel the pair of eyes glancing on him and the little smile that flashed on the looker’s lips.
As the clock struck at that time, Chanyeol thought how time could fly so fast, as his eyes continue to dart towards Baekhyun from time to time who was already unconscious.
Chanyeol thought so, how beautiful this sight can be.
And how much 2 years have been a burden for him to long in this sight he always wished for.
Baekhyun is still, and will really always be undoubtedly beautiful.
2 years of longing paid off.
