Actions

Work Header

Rating:
Archive Warnings:
Category:
Fandoms:
Relationship:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2020-08-10
Completed:
2021-01-04
Words:
7,501
Chapters:
8/8
Comments:
4
Kudos:
37
Bookmarks:
1
Hits:
282

Panliligaw ni Sasuke

Summary:

Isang serye ng mga diyalogo na nagtatala kung paanong niligawan ni Sasuke si Sakura katulad ng panliligaw ng ating mga lolo.
(Setting ng Kwento: Philippines in the 1940s)

Notes:

(first posted on twitter.com/@CoffeeAndSS)

(See the end of the work for more notes.)

Chapter 1: UNANG YUGTO: Tagpo I - III

Chapter Text

I. Naruto at Sasuke

 

"Naruto."

"Oi, Teme! Andiyan ka pal—at bakit nakabusangot ang mukha mong pangit na nga pinapangit mo pa?"

"Hampaslupa! May gusto akong itanong..."

"Wow! Totoo ba? Napagtanto mo ring henyo ako noh?"

"Tch. P-paano mo niligawan si Hinata?"

"OI TEKA! Ang Sasuke Uchiha may gustong ligawan?!"

"S-sagutin mo nalang! Ano ba!"

"Hm,bilang matalik mong kaibigan, bibigyan kita ng payo."

"Ayusin mong kumag ka."

"Eto na nga! Bale alam mo naman ang mga Hyuga, diba? Taas ng standards."

"Ano naman?"

"Syempre kinailangan kong magpasikat."

"Paano?"

"Nag-igib ako ng tubig."

"Ha?!"

"Di lang 'yon, tuwing yayayain ko lumabas si Hinata, kailangan kong sundin ang mga rules ni Papa Hiashi,lalo na ang curfew."

"Papa mo na agad?"

"Tol, ano ba? Dapat may kumpiyansa sa sarili!"

"Tch. Yun lang naman meron ka."

"Ano?!"

"Wala. Ano pa?"

"Hm. Nangharana ako. Oi! Bat ka natatawa?"

"Ikaw nangharana?"

"Aba,kinilig kaya si Hinata!"

"Tch."

"Ayun na nga, ganun ako nanligaw."

"Bale pagsisilbihan ko sa pamamagitan ng pag-iigib ang pamilya ni Sak—"

"Sabi ko na nga ba!"

"T-tumahimik ka diyan!"

"Pambihira!Sa wakas!Sige,ano pa?"

"Susundin ko ang mga gusto ni Tiyo Kizashi pag lalabas kami at..h-haranahin ko siya."

 


II. Naruto, Sasuke, at Sakura

 

“Sinong haharanahin mo, Sasuke?”

“Ayan na siya!”

“Kumag ka! Wag mo ‘kong sikuhin!”

“Ano ‘yon?”

“Ah, wala, wala, Sakura! Nag-kukwentuhan lang kami nitong si Teme.”

“Paupo ah. Hmm. Bale may haharanahin siya?”

“Oi, Sasuke, meron daw ba?”

“Tch. Wala, Sakura. Wala ka ng kinalaman doon.”

“Ang sungit naman. Sige na nga, di na ‘ko mangingialam. Siya nga pala, iniimbitahan kayo ni mama na maghapunan sa bahay dahil birthday niya ngayon.”

“Oo nga pala noh! Aba, Sasuke! Ito na ‘yon!”

“Kanina pa kayo nagbubulungan ah.”

“Ah...eh...nagugutom na kasi kami nitong si Sasuke! Sakto yung pag-imbita mo!”

“Hay, kayo talaga. O siya, alas sais mamaya ha. Uwi muna ako para tumulong sa pagluluto.”

“Sige. Kitakits mamaya, Sakura!”

“...ALAM MO IKAW TATABASIN KO ‘YANG DILA MO EH!”

“S-sorry na, Teme!”

 


III. Team 7, Kizashi at Mebuki

 

“Magandang gabi po! Maligayang kaarawan, Tiya Mebuki!”

“Nandiyan na pala ang dalawa sa pinaka makikisig na binata sa bayang ito!”

“Heh, si Tiya naman nambola pa.”

“Aba! Nagsasabi ako ng totoo. Pumasok muna kayo, Naruto, Sasuke! Ang sabi-sabi ay nobya mo na raw ang anak ni Don Hiashi, tama ba, Naruto?”

“Ay opo. Nung isang linggo lang ho ako sinagot ni Hinata!”

“Mabuti naman kung ganoon. At balita ko rin ito namang si Sasuke ay habulin ng mga dilag kahit saan!”

“Hn. Sabi-sabi lang ho siguro ‘yon, Tiya. Maligayang kaarawan po.”

“Salamat! Pagpalain ka, anak!”

“Oi, anak daw, Teme. Mag-mano ka kaya lagi?”

“Ssh! Naruto!”

“Teka lang ha. Sakura, Kizashi! Nandito na ang mga bisita, nakahain na ba tayo?”

“Opo, mama!”

"Kaso yung ibang silya nasa baba pa pala, Mebuki. Dapat kunin muna nang makakain tayo nang sabay-sabay."

"A-ako na hong kukuha, Tiyo."

"O, Sasuke! Magandang gabi! Naku, salamat! Pasensya na't medyo napagod sa pag-tadtad ng letson si tiyo."

"Ayos lang po. Saan ko po ba kukunin?"

"Nasa garahe lang, anak."

"Aba, strike two agad ah. O ano, papa mo na rin agad diba?"

"Sinabing tumahimik kang kumag ka!"