Actions

Work Header

sinulid ng pag-ibig, patungo sa'yo

Summary:

Isang kwento ng pagmamahal, pagkabigo, paghahanap ng kasiyahan, at pagbalik sa hinahangad ng puso't kaluluwa: ito ang kwento ng pagtatagpo nina Xiao Zhan at Yibo.

Notes:

HELLO GUYS HEHEHEEH eto ang first full-blown taglish fic ko. Usually, nakaoneshot lang ako, noh? Dapat kasi english 'to (see for you, an astilbe kaso sabi ko mas masaya at mas masakit pag nakafilipino. So, here we are.

Mahaba-haba talaga 'tong fic na 'to. As of posting, mayroon pang 12-13 scenes na kailangan isulat. Sana mahintay niyo 'ko hehe labyu po.

For elle, para sa walang sawa niyang pagsuporta sa kahit anong work ko, lalo na sa Filipino works hehe.

Wala 'tong beta beta. Kung pangit at awkward yung grammar, sorry hahahaahhaa saka ko an ayusin kasi ang haba neto.

Di pa masyadong ayos 'tong playlist, pero solid na yung for the first part of this fic. PAKINGGAN NIYO PLZ TAS SUGGEST PA KAYO NG BET NIYONG ILAGAY

(See the end of the work for more notes.)

Chapter 1

Notes:

I'll be dividing each scene into chapters. That way, mukhang collection of moments lang 'tong fic na 'to. Pero, may patutunguhan!!!!

ALSO I CAN FINALLY SUGGEST INDIVIDUAL SONGS TO BE PLAYED PER SCENE!
For Chapter 1, eto po and mga kanta natin:
1. Dinamalayan by Ferdinand Argon
2. Aphrodite by The Ridleys

Chapter Text

Noong nakita ni Yibo ang senior, madaling nahulog ang binata.

 

Pangalawang taon na niya noon sa unibersidad. Aakalain mo ngayong sophomore na siya, marami na siyang alam tungkol dito. Pero, hindi. Wala. Walang alam si Yibo kung hindi ang College of Engineering, College of Arts and Sciences (AS), at College of Human Kinetics (CHK). Home college niya ang Engg, at siyempre hindi niya rin malilimutan ang bawat General Education (GE) units an tinake niya sa AS. Bilang street dance member, parang home college niya na rin ang CHK. Pero, ang Fine Arts? Wala. Hindi gamay ni Yibo ‘to. Aside from the fact na napakalayo ng college na ‘to, wala talagang siyang ka-art art sa katawan. Performing arts kaya pa, pero drawing? Painting? Sculpting? Lalo na pottery? Gago . Ang alam lang niyang gawin ay magmodel ng Tender Juicy jumbo hotdog mula sa tig-15 pesos na clay ni Aling Nena sa kanto. Kung wala lang talagang extra points ‘tong 6-week pottery classes na ‘to, wala siya dito. Kaso, kailangang bumawi eh. Binagsak na nga niya yung unang LE dahil ilang beses niyang kailanangang umabsent para sa SDC ( Street Dance Competition ).

 

Kaya ngayon, tatanga-tanga siya sa harap ng FA. Nakapasok na siya sa parang garahe pero hindi niya alam kung nasaan yung pottery area. Nawawala yung guard na nagbabantay. Ilang beses na yata siya pabalik-balik dito sa parking na ‘to. Kingina. ‘Pag nakakita ulit siya ng Mazda 3 na gray, makakasampal na siya ng tao.

 

Putang —” Napamura si Yibo nang may biglang tumulak sa kanya mula sa likod. Nadapa ang binata sa mabatong lupa ng parking.

 

Shit ! Sorry!” May dalawang kamay na umakay sa kanya para makatayo siya ulit. Pinagpagan muna ni YIbo ang sarili bago tignan nang masama ang nakabangga.

 

Ngunit, hindi niya madala ang sarili na magalit.

 

Naririnig niyo ba ‘yon? Oo, tama ka. ‘Yun ay ang This Guy’s In Love With You , Pare ng Parokya ni Edgar. 

 

Pakshet.

 

Bilang nasa street dance team, sanay si Yibo nakakakita ng magaganda at gwapo. Mga mukhang dapat nagartista. Mga mukhang exotic beauty. Sanay na siya diyan. Pero, eto? Tangina, eto? Fuck. Talong-talo silang lahat sa kanya. Gago.

 

Hindi mo siya maconfine sa “gwapo” lang eh. Para bang transcendent (o tamo nakikinig naman si Yibo sa prof niya). Para bang otherworldly ‘Yung hugis ng mga mata niyang almond, tapos ipares mo sa maliit niyang mukha...andiyan din yung mukhang malambot niyang buhok. Shit. Gusto niyang hawakan ‘yun.

 

Napatingin si Yibo sa mga labi nito. Matambok. Mukha ring malambot. May nunal din siya sa baba. Ano kayang feeling na halikan ang kanyang mga labi? Ay, ayan, nagbubukas na siya. Ano kaya itsura ng dila niya? Masarap kayang imomol—

 

Ay shit nagsasalita na pala siya. “Sorry! Hindi ko sinasadya, promise! Nagmamadali lang talaga ako, may ituturo ako in—” tumingin siya sa wristwatch niya. “Shit! Five minutes na lang! Fuck, um,” lumingon ulit ang lalaki sa kanya. “Anong pangalan mo?”

 

“Uh, Wang Yibo. Yibo na lang.”

 

“Yibo, may utang ako sa’yo, ha? Kailangan ko na talaga umalis eh.”

 

Papaalis na ang lalaki papunta sa ibang direksyon nung biglang napasigaw si Yibo. “Wait lang!”

Lumingon siya. “Ah, bakit?”

 

“Sino ka ba?” Tangina naman, Wang Yibo. Kung kailan hindi mo kailangang maging masungit, dun ka nagsusungit. Umiling si Yibo. “Um, alam mo ba kung saan yung pottery class?”

 

“Ah, oo.” Ngumiti ito sa kanya. Pwede nang malusaw si Yibo. “Actually, sumama ka na sa akin. Ako magtuturo ‘nun eh. Halika na.”

 

Nagmadali si Yibo upang tabihan ito sa paglalakad. “Bakit? Prof ka?”

 

“Mm, di naman. Org lang namin yung nagorganize nung lessons. Ako nga pala si Xiao Zhan.”

 

“Hello, Xiao Zhan.” Aba, ano, Yibo? Hello lang irereply mo? Napaghahalataan ka!

 

Tumawa si Xiao Zhan ng konti. “Oo, hello. Sorry nga pala dun sa kanina ha. May utang ako sa’yo.”

 

“Wala ‘yon, ano ka ba. Magaling ka ba magpottery?”

 

“Hmm, okay na? Sanay ako kasi may pottery business yung pamilya namin.” Hinawakan ni Xiao Zhan ang kanyang baba. “Mas magaling pa rin naman si Mama sa’kin. Mas canvass ang medium ko.”

 

“Wow. Artist.”

 

Namula siya ng konti. Cute . “Sus, akala mo naman. Ikaw ba? Ba’t ka magpopottery classes? No offense ha, pero wala kasi masyadong naattend sa lessons namin. Usually din mga tanders na. Kaya ang weird na gusto mong magpottery. Let me guess. Required kayo noh?”

 

“Di naman sa required. Extra points lang daw sabi ni Sir. Binagsak ko kasi yung first LE kakaabsent ko para sa SDC.”

 

“Ah. Dancer. I would’ve guessed. Familiar ka nga.”

 

Nagsmirk si Yibo. “Dahil ba ang gwapo ko?”

 

Umirap si Xiao Zhan. “Feeling gwapo pala. Nevermind.”

 

Nagpatuloy sila sa pag-uusap hanggang sa makarating sila sa isang maliit na shed kung saan may samu’t saring mga pottery projects: vases, miniature people, cups, at iba pa. Maraming natutunan si Yibo tungkol kay Xiao Zhan. Pagraduate na pala siya; thesis na lang yung kinukuha niyang subject ngayon, kaya naman siya ang pinili ng org na magturo ng pottery. Nadelay siya ng isang taon kasi nagshift out siya galing Bio. “Sabi ko noon, di ako tutulad sa pamilya ko. Tignan mo kung nasaan ako ngayon.” Sabay tawa. Hindi lang siya ang magtuturo ng pottery, pero mostly siya kasi siya nga pinakafree. May dalawa pa raw na iba na magtuturo.

 

Hinayaan ni Yibo na magset up si Xiao Zhan sa bandang unahan. Nilapag niya ang kanyang Jansport sa isa sa mga benches, iniingatang hindi madumihan ang bag. Malamang siya nanaman sasabihan ng nanay niya na maglaba non. Pinagmasdan niya ang iba’t ibang projects sa kwarto. Kaya kaya niya gawin ‘yang mga ‘yan? Baka naman may maimpress siya sa pasimple niyang jumbo hotdog.

 

“Yibo, antay ka lang dito ha. Pasok lang ako para sunduin yung iba.” Umalis si Xiao Zhan ng shed at pumunta sa building. Nilabas ni Yibo ang kanyang phone para madistract ang sarili.

 

Di tumagal, bumalik si Xiao Zhan kasama ang dalawa pang magtuturo. Nagpakilala sila bilang si Xuan Lu at Zhang Min. Silver blonde ang buhok ni Xuan Lu, at marami siyang beaded bracelets. Nakakainggit magkaron ng ganong buhok. Dati, pinangarap ni Yibo pahabain ang buhok niya at maging blonde. Wala lang. Parang maganda sa kanya.

 

Si Zhang Min naman ay matangkad. Walang masyadong nakakapukaw ng atensyon tungkol sa kanya sa unang tingin, pero nakita ni Yibo ang sumisilip na mga tattoo mula sa kanyang sleeves. Mukhang detalyado yung tattoo. Mahal siguro ipagawa ‘yun.

 

Hindi niya rin alam kung namamalikmata lang siya, pero medyo madikit si Xiao Zhan kay Zhang Min. Hmm. Nagkukulitan sila sa harapan gamit ang basang clay. Pinapanood lamang sila ni Yibo.

 

“Ang haharot, noh?” Umupo si Xuan Lu sa tabi niya. “Nako, bagong relationship lang eh. Tamo, pag tumagal, mag-aaway na yan.” Sabay tawa.

 

Ah.

 

Okay.

 

So, may jowa.

 

Wala pa ngang isang oras noong makilala niya si Xiao Zhan ngunit nadama na niya ang kirot. 

 

Haha, tangina. Wala naman siyang karapatan mafeel ‘to. Bagong-bago pa lang naman silang magkakilala. Wala pa siyang halaga kay Xiao Zhan.

 

Tangina.

 

“Ah,” naistorbo ni Xuan Lu ang kanyang pag-iisip. “Alam ko ‘yan, Yibo. Promise.”

 

“Huh?” Kumunot ang noo niya. “Ang alin?”

 

Kinindatan lamang siya nito. “Anong gusto mong gawin sa clay mamaya?”

 

“...Pots?”

 

“Hay nako, pilosopo.”

 

Pinigilan ni Yibo na tumingin sa dalawa sa harap. Itinuon niya ang kanyang atensyon kay Xuan Lu. Kung paminsa’y lumilihis ang kanyang mata papunta sa binatang ngayo’y nakasandal sa isa, hindi niya na lang ito sasabihin sa iba.

 

Nagpatuloy ang klase. Dumami ang kanyang mga kasama. Tama si Xiao Zhan: karamihan sa kanila ay mga matatanda na. Ngunit hindi ito naging hadlang kay Yibo. Sa dulo ng klase, halos lahat ng dumalo ay tumatawag na sa kanyang, ‘bunso’. Di naman kaso kay Yibo. Lahat sila naging matulungin kahit na wala talaga siyang ka-art art sa katawan. Sa kahit anong sitwasyon, halos lagi siyang tinatrato bilang nakakababatang kaibigan, kahit na mas matanda siya sa kanila. Ibang usapan na ‘yan kapag sayaw at coding projects ang pinag-uusapan.

 

Pinilit niyang hindi pansinin ang palitan ng maiinit na tingin ng dalawang magjowa sa harap ng kwarto.

 

Matapos ang ilang minuto, nakatapos na ang lahat ng tig-iisang paso. Ilang beses na triny ni Yibo gumawa ng matinong paso, ngunit lagi itong nagiging masyadong flat o masyadong matangkad. Parang hindi na nga paso ang itsura eh. Parang iba na.

 

Naggood luck sa kanya ang kanyang mga kaklase at iniwan siyang nagninilay-nilay kung tama ba ang kanyang desisyon na pottery class ang kinuha niya.

 

Tangina naman eh. Gusto lang naman niya pumasa kahit papano kasi i-sususpend siya sa team kung hindi niya itataas grades niya. 

 

“Yibo, okay ka lang?” May tumapik sa kanyang balikat. Tumingin si Yibo pataas. 

 

“Zhan ge,” medyo natulala siya. Natawa ng konti si Xiao Zhan.

 

“Hirap ba?” Tinabihan siya nito. Kunwari hindi napapansin ni Yibo ang init na nanggagaling sa pagtabi ng hita ni Xiao Zhan sa kanya. “Hmm. Try mong ikurba yung kamay mo. Imaginine mo may hawak ka sa palms mo.”

 

Ginawa ni Yibo ang sinabi niya. “Ganito?” Nilakihan niya ng konti ang pagkakahawak sa clay.

 

“Oo! Ganyan!” Hinawakan ni Xiao Zhan ang biceps ni Yibo at pwinersang bumuka. “Wag mong paliitin ang sarili mo. Liliit din ‘yung gawa mo. Relax, clay lang ‘to. Kapag nagkamali ka, kaya nating gumawa ng bago.”

 

“Sayang yung clay?” Kinagat ni Yibo ang kanyang labi. “Baka maubusan kayo ng clay.”

 

“Well, true,” Hinawakan niya ang baba niya. “Wala pa man kami masyadong budget para dito.”

 

Aray . Pero, kung si Yibo ang bibili ng clay, edi hindi magiging problema. Iipunin na lang niya ang allowance niya. Ah, kaso wala rin siyang masyadong pera. Ayaw niya rin namang maging maaksaya. 

 

Tumingin siya kay Xiao Zhan. Paano kung…

 

Okay lang naman, di ba?

 

Concerned student lang naman siya. Gusto niyang ipakita sa Arts Stud prof niya na may natutunan naman siya kahit papano, na deserve niya yung plus 0.25 sa grade. Wala naman siyang ibang intensyon.

 

Wala.

 

Sige, Yibo, ulit-ulitin mo pa sa sarili mo para maging totoo.

 

“Zhan ge,” lumabas na ang mga salita bago pa man niya ito mapag-isipan ng mabuti. “Okay lang ba kung magpaturo ako sa’yo at least twice a week? Yung hindi during lessons?”

Tumaas ang kilay ni Yibo. “Huh? Sigurado ka?”

 

“Oo, bibili na lang ako ng clay. Kaso, ayoko rin naman kasi masayang kung di ko rin magagawa ng maayos…” medyo obvious ka na, gago . “Please?”

 

Tinignan lamang siya ng nakakatanda. Matapos ang ilang minuto, bumuntong-hininga ito. “Sige na nga. Okay lang ba Tuesdays and Fridays? May GA kami ng Thursdays, and Wednesdays ‘tong klase na ‘to. Siguraduhin mong maganda kalalabasan ng final project mo, ha. Ayokong masayang yung pera mo pati oras natin.”

Hindi mapigilan ni Yibo ang pagbusilak ng ngiti sa kanyang mukha. “Yes, sir!”

“Ano ‘to, ROTC? NagLTS ako huy.”

 

“Fine,” nakangisi pa rin ang binata. “Thanks, ge. I’ll see you Friday? San tayo?”

 

“Dito na lang, kilala ko naman si kuya dito. Papahiramin niya ‘ko ng susi kasi college ko naman ‘to.”

 

“Okay. See you, ge.”

 

“Ingat pauwi, Yibo, ha?” Kumaway si Xiao Zhan habang naglakad papalayo si Yibo. “Kumain ka ng maayos! Mukhang busy na busy ka eh.”

 

“Thanks, ma! Pahingi allowance!” Sinigaw niya habang tumakbo papalayo. Narinig niyang magmura si Xiao Zhan, at natawa na lamang siya. Hindi niya mapababa ang kanyang pusong nagpupumilit pumiglas mula sa kanyang tadyang. Tangina, kinikilig siya kahit hindi naman dapat.

 

He’ll take what he can get, ika nga.