Actions

Work Header

dos na ice tubig para tres puntos sa puso mo

Summary:

Sumilip sa bintana ang isang binata na pakiwari ni Jaemin ay nasa kasing edaran lang nila. Unang kita pa lamang niya rito ay nabighani na si Jaemin sa tila maamong kuting na hitsura ng nakadungaw na lalaki.

O

Si Jaemin, na pangalawang tahanan ang basketball court, ay suki ni Renjun, na nakatira sa tapat ng court, sa ice tubig.

Notes:

Hello. Naisipan ko lang talagang gawin 'to kahit andami kong backlog na school requirements (at dahil uhaw na rin ako sa renmin contents). I know the title sucks, pero wala kasi akong maisip. HAHAHHAA. Anyway, sana ma-enjoy niyo 'tong kalokohan ko kung may magbabasa man!

Btw in-italicize ko pala 'yung mga english word (kunyari grammarist). Italicized sentences are Jaemin's thoughts! :)

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

Kakatapos lamang maglaro nina Jaemin, Mark, at Jeno maglaro ng basketball. Tamang tama na may nakita silang karatula ng “ ice & ice tubig for sale ” sa bahay na nakapuwesto sa tapat mismo ng court nila. Nagkaayaan ang tatlo na bumili.

 

“Pabili po.” Si Jeno ang nangunang magsalita para bumili.

“Ano ‘yon?”

 

Sumilip sa bintana ang isang binata na pakiwari ni Jaemin ay nasa kasing edaran lang nila. Unang kita pa lamang niya rito ay nabighani na si Jaemin sa tila maamong kuting na hitsura ng nakadungaw na lalaki.

 

“I–”

Ice begtu po.”

“Ilan?”

 

Inunahan ni Jaemin si Jeno sa pagsalita bago pa ito makasagot sa tinanong sa kaniya. Hinawi niya pa si Jeno upang siya ang mapunta sa may harapan at pabulong na nagbilang na may kasama pang pagturo sa bawat isa sa kanila.

 

“Ilan nga ba tayo? 1, 2, 3.”

 

Binilang din niya ang baryang dinukot niya mula sa bulsa niya.

 

“Pabili nga po ng ice tubig, isa.”

 

Nakatanggap siya ng batok mula kay Mark nang sabihin niya ito kaya napasigaw siya ng aray. Iniabot niya na ang bayad niyang dos kaya naman nagsipaggayahan na rin ang mga kasama niya. Nang iniabot na sa kanila ang ice tubig, nagsimula na silang maglakad pabalik sa court (ngunit hindi nang walang ibinulong si Jaemin na isang maliit na "salamat" na may bahagyang kindat sa dulo.)





“Uy pre, parang lagi ka nang ginagabi rito sa court ah. Sabi nung nanay ko lagi ka raw niyang nakikitang maglaro mag-isa rito sa dilim. Samantalang dati, lagi mo kaming tinatakasan ‘pag bayaran na ng pustahan!”

 

“Oo nga, lakas ng loob magpagabi wala namang pambayad sa pailaw!”

 

Hindi sumagot si Jaemin sa mga binabato sa kanya ng mga kaibigan niyang sina Mark at Jeno. Tatapikin na sana ni Jeno sa balikat si Jaemin para sumagot ito nang napansin niyang nakatitig ito sa may ‘di kalayuan. Nang sundan niya ang  direksyon na sinisipat ni Jaemin ay biglang pumitik ito na may kasabay na “Aha!”.

 

Hindi niya muna pinuna si Jaemin at binulungan ang kasamang si Mark na tumingin din sa tinatanaw ni Jaemin.

 

“Kaya pala.” Bulong ni Mark.

 

Sa pagkakataong ito, tinuloy na ni Jeno ang kanyang unang balak na tapikin si Jaemin na nagulat at natarantang sumagot.

 

“Ha? Bakit?”

“Hakdog. Tara biling ice tubig, nauuhaw na kami.”

 

Dali-dali namang tumayo si Jaemin na nakalimutan nang isuot ang kanyang damit bago siya kumaripas ng lakad patungo sa bahay sa tapat ng court .





"Pabili nga po."

 

Hindi na hinintay pa ni Jaemin ang dalawa niyang kasama at agad nang ikinatok ang kantang mga buko ng daliri sa gate ng kanyang pagbibilhan. Ilang beses niya itong ginawa, ngunit wala pa ring sumasagot sa kanya kahit nakahabol na ang dalawa sa kanya. Nakarinig siya ng tawang pigil mula sa dalawa nang biglang–

 

ding dong

 

"Pre, uso doorbell ."

 

Pagkasalita ni Jeno ay bumukas agad ang pinto. Lumabas ang binatang lagi nilang pinagbibilhan at mahinang bumulong na ang intindi ni Jaemin ay hay sa wakas. Ang tila walang siglang ekspresiyon ng tindero ay napalitan ng gulat dahil sa kanyang nakita.

 

"U-uh..."

 

Nagtaka naman si Jaemin kung bakit walang salitang nanggaling sa kaharap niya ngayon. Hindi sa mata, kung 'di sa baba nakatingin ito. Bigla niyang napagtanto na wala pala siyang saplot sa pang-itaas. Nakaramdam siya ng kaunting (weh) kumpiyansa at itinaas pa ang kanyang mga kilay nang dalawang beses nang ibinalik ng lalaki ang kaniyang tingin sa mata niya.

 

" Liking what you see ?"

"Huh? Anong sinasabi mo diyan? Tinitingnan kita nang mariin kasi bawal maghubad dito sa subdivision natin."

 

Agad-agarang isinuot ni Jaemin ang kanyang sando na nakasampay sa kanyang balikat. Mahinang humahagikhik ang kanyang mga kasama sa gilid na sinamaan niya ng tingin.

 

Luh, may ganon pala.

 

"Bibili ka ba?"

 

Tinaasan siya ng kilay ng lalaking kanina pa nasa harapan nila.

 

"Ay, opo opo."

"Ilan?"

"Tatlo po, mx !" Masiglang sinagot ni Jaemin kaya naman ay pumasok na ang lalaki para kunin ang binibili nila. Napakunot naman ang noo ni Mark sa kanya at tinanong siya.

 

"Huh, ice at ice tubig lang tinitinda nila ah? Bakit nabili kang food supplement ?"

 

Batok ang unang natanggap na tugon ni Mark sa kanyang tanong bago siya tuluyang sinagot ni Jaemin.

 

"Gagi pre, 'di ka ba updated ? Uso 'yun sa twitter 'no! It's a gender natural pronoun. "

"Taena Jaemin, gagamit ka na nga lang mali-mali pa eksplanasyon mo. Neutral 'yun bubu."

"Pake mo ba Jenoli? My words, my rules."

"Daming alam."

 

Dumating na ang binata, bitbit ang tatlong ice tubig.

 

"Tutal nanalo tayo ngayon, libre ko!"

 

Tumalikod si Jaemin para hanapin ang benteng nakaipit sa shorts niya ngunit nanlaki ang mata niya nang maramdaman niyang wala na ito sa kanyang pinag-ipitan.

 

"Hala nasa'n 'yun? Dito ko lang 'yun nilagay e!"

“Ayan, bida-bida kasi.”

 

Sambit ni Mark sabay abot ng sampung piso sa tindero.





"Jaemin, anong feeling na napahiya ka sa harap ng crush mo?"

"Pre..."

"Ano?"

"Ang cute niya pala 'pag nagsusungit. Add ko nga 'yun sa Facebook mamaya–teka, 'di ko pala alam pangalan niya!"

 

Nagresulta ang sinambit ni Jaemin sa dalawang paghampas ng kanyang kaibigang sa kanilang sariling mukha.





Sabado ngayon kaya inasahan na ni Jaemin na maraming tao sa court. Kadalasan ay may mga pumunta ring mga dayo mula iba't ibang subdivision upang makipaglaro sa kanila ng basketball . Ang hindi inaasahan ni Jaemin ay makita niya ang kanyang bonsai—oo, iyon ang kaniyang ipinalayaw sa kanyang crush—sa labas ng kanilang tahanan at mapadpad sa clubhouse na katabi lamang ng court na pinaglalaruan nila.

 

Noong naglalaro sila nina Mark, Jeno, at iba pang mga kakilala nila sa court, ang isip niya ay half-distracted at half-determined . Maya't maya ay tinitingnan niya ang kanyang hinahangaan sa pinaroroonan nito, na wari niya'y nag-eensayo para sa kanilang presentasyon kasama ang mga kaklase niya. Ngunit gusto niya ring magpabida rito kaya ginagalingan niya rin nang husto ang paglalaro (iniisip niya na lang na nakikita siya nito kahit hindi niya nahuling ilapat ng binata ang mata nito sa court ).





Maya-maya ay naisipan na nilang magpahinga muna at umupo sa bangko sa may gilid ng court. Hinayaan ni Jaemin ang kanyang sarili na pagmasdan ang mga pangyayaring nagaganap sa clubhouse .

 

Nakita niyang nagpapahinga rin ang mga tao roon kaya mabilis na hinanap ng kanyang mga mata ang binatang kanyang hinahangaan. Nakikipagkuwentuhan ito sa mga kaklase niya at tila ay pagkasarap ng tawa nito.

 

Masaya niya lamang na pinapanood ( read: tinititigan) ang kanyang bonsai nang may humarang sa kanyang tanawin. Mayroong tatlong lalaki sa kanilang harapan, sila'y mga kasama ni bonsai sa pag-eensayo sa court. Maaangas ang dating ng mga ito, ngunit hindi na ito bihira sa kanila dahil marami nang ganito ang personalidad na dumayo sa kanila.

 

"Tatlo kayong naglalaro kanina, right ?"

 

Umimik ang isa sa mga ito na nakatuon ang tingin kay Jaemin. Tinapatan niya ang yabang ng kumausap sa kanila sa pamamagitan ng pagtaas niya nang kilay sa mga ito bago siya sumagot.

 

"Oo, bakit?"

" 3v3, wanna play? "

 

Nilingon ni Jaemin ang kanyang dalawang kaibigan na kanina pa sinusuyod ng tingin ang mga kausap ni Jaemin.

 

"Usap lang muna kami."





Bumalik muna ang mga nag-aya sa kanila sa loob ng clubhouse samantalang ang magkakaibigan ay nagkumpol sa gilid at pinag-uusapan ang inalok sa kanila.

 

"Pre, mukhang mga sosyal 'yung mga 'yun ah."

 

Si Jeno ang unang nagkomento sa kanilang tatlo na pasikretong minamasid ang mga nais kumalaban sa kanila.

 

"Oo nga e, baka mamaya mga varsity pa mga 'yun sa school nila. Lugi tayo kung mga nagte- training talaga mga 'yun."

"Ba't kayo do'n matatakot, Mark? Pakitaan nga natin 'yung mga 'yon."

"Sus, gusto mo lang pakitaan crush mo e!"

"Syempre kasama na rin 'yun!"

"Basta ba, ikaw kakausap e."

"Nako naman Mark at Jeno, sagot ko kayo!"

"Pati pusta?"

"'Di kasali sa usapan 'yon!"

 

Nang tapos na silang mag-usap, tumungo na sila sa may bungad ng clubhouse. Agad naman silang napansin ng mga nakausap nila kanina.

 

"Ano, carpet ?"

"Ha, Jaemin ano raw sabi ba't carpet? " Bulong ni Mark sa kanya ngunit pare-pareho lang silang naguguluhan.

 

"Huh? An'meron sa carpet ?"

 

Tiningnan sila nang nakakaloko ng kaninang nagsalita na mukhang nagpipigil ng tawa.

 

" What the f, seriously dude hindi niyo alam? Carpet as in rug. R.U.G. Are you G ?"

 

Paran'tanga amp. Bakit kaya 'di na lang magsalita na parang normal na tao mga 'to? Ano 'to, text?

 

" Yeah, we are g. "

 

Sinagot siya ni Jaemin na may tonong pang-uuyam. Nagulat siya nang makita niyang nakapaligid na pala ang mga tao sa clubhouse sa kanila. Tiningnan niya mula kaliwa hanggang kanan kung makikita niya ang hinahangaan niya ngunit wala ito sa hagip ng tanawin niya. Hinugot niya ang lahat ng lakas ng loob na kanyang maaaring tinataglay huwag lamang mapalingon palikod dahil nahihiya siyang harapin ito ngayon.

 

" So, what will you bet ?"

Ice tubig ! Ang matatalo manlilibre ng ice tubig sa kalaban.”

Ew, ice tubig ? We drink mineral water , hindi tubig gripo.”

 

Hindi na siya nagdalawang isip na lumingon dahil alam nitong nakikinig naman ang crush niya.

 

"Oy bon b-boss , payag ka, tubig gripo raw ice tubig niyo?"

 

Ibinalik niya ang kanyang ekspresyong may kumpiyansa (o mukha ng humaharot sa bokabularyo nina Jeno at Mark) nang hinarap niya ang kanyang bonsai kuno. Pagkakita niya rito ay naka poker face ito.

 

“Tubig gripo naman talaga.”

“H-huh?”

 

Gagi, kaya ba 'ko nagtae nung minsan?

 

Biglang natawa ang binata nang makita nitong namumutla sina Jaemin, Jeno, at Mark sa narinig nila.

 

Joke lang. Syempre safe ang tubig namin ‘no!”

 

Joke lang pala. Hehe. Baka marami lang akong nakain na betamax no'n!

 

“O, diba? Sabi ko sa inyo e.”

We don’t drink that.

 

Ang arte, mineral pa gusto amp. Pasakan ko 'to ng feldspar at quartz sa bibig nang matigil 'to e–shet teka ang talino ko dun ah? May silbi naman pala pagpasok ko sa STEM kahit nagandahan lang ako pakinggan.

 

"Sige, tigsisenta bawat koponan, ano?"

"What's sisenta?"

 

HAHAHA. Mga bobo! Akala niyo kayo lang kaya makapagpa-speechless ha?

 

Ngumisi si Jaemin bago ito sumagot nang sarkastiko.

 

"Sixty po. Bente per piraso."

"Tch. Game!"





Natapos na ang napagpustahan nilang laro. Natalo sila na may tatlong lamang ang kalaban. Si Jaemin ay tahimik na nakaupo lamang sa sahig ng court at nakatungo.

 

"Uy Jaem, oks lang 'yan."

 

Tinapik siya ni Mark sa balikat habang ito'y nagpupunas ng pawis.

 

"Pre, ano ka ba? Para namang bago na natalo tayo sa dayo. 'Wag ka mag-alala, 'wag mo na isipin 'yun kahit may kasalanan ka pa sa'kin dahil pumayag kang maglaro ta's wala ka palang pampusta. Pasalamat ka may pang-abono ako sayo!"

 

Pagrereklamo ni Jeno sa kanya. Si Jaemin naman ay umiling at bumuntong hininga.

 

"Hindi naman 'yun e."

"Eh, ano?"

 

Hindi sumagot si Jaemin kay Jeno. Biglang napagtanto ni Mark kung ano ang dahilan kung bakit matamlay si Jaemin.

 

"Ah! Gawa ba natalo tayo ta's nanonood crush mo?"

"Sige, ipamukha mo pa."

"Gagi pre, biro lamang."

"Wala lang. Napagtanto ko lang na antaas ko pala mangarap. Ano na lang iisipin niya sakin ngayon? Mayabang pa siguro tingin no'n sa'kin gawa nung kanina. Malamang sa malamang ang hanap nu'n 'yung mga katulad ng mga kaklase niya na mayayaman at higit na mas magaling pa sa'kin mag -basketball. Ano namang panama ko sa mga 'yun?"

"Nako Jaem, 'wag mo isipin 'yan. Sigurado ako kung nagte- training din tayo, baka mas malakas pa tayo sa mga 'yon. Ta's an'lalakas pa ng mga anghit, 'kala mo mga walang pambili ng deodorant! Baka nga tayo natalo gawa nahilo tayo sa amoy e."

"Malay mo Mark, tinuturo na tactics 'yun sa kanila ng coach nila para ma- distract ang kalaban."

"Putek, an'dugyot naman pala ng paaralang 'yon."

 

Naging matagumpay ang dalawa sa pagpapatawa kay Jaemin dahil humalakhak ito nang malakas sa mga sinabi ng mga kaibigan niya.

 

"Pero seryoso Jaem, kung ayaw man niya sayo, kawalan niya 'yun! Dami-dami diyang iba bukod pa sa bonsai mo. Kung gusto mo pa ipaghanap kita ng cactus o orchid kung kina- career mo pagiging plantito e."

"Mga kupal talaga kayo."

 

Nagtawanan silang tatlo sa mga banatan nila. Maya-maya ay nanlaki ang mga mata ni Mark at kinalabit sa braso si Jeno. Dali-daling bumangon ang dalawa at mabilis lamang na nagpaalam kay Jaemin.

 

"Uy Jaem, una na kami! Bye !"

"Lah gagi iniwan lang ako bigla ah–"

 

Pagkatayo niya ay maglalakad na sana siya palabas ng court nang maramdaman niyang may kumalabit sa kanyang balikat. Nilingon niya ito at nagulat nang nakita kung sino ito. Ang crush niya na may bitbit na dalawang baso ng fishball . Mas lalo siyang nagulantang nang iniabot nito ang isa sa kanya.

 

"Uy, para sayo."

"Sa'kin?"

"Oo. Pasensiya na hindi ko kasi alam kung ano gusto mo, hindi na kita natanong–"

 

Hinablot bigla ni Jaemin ang isa sa kaniyang bitbit.

 

"A-ayos lang."

 

(Hindi kumakain ng fishball si Jaemin.)

 

"Teka, bakit nilibre mo ako e hindi naman kami 'yung nanalo?"

"Kailangan ba manalo para manlibre?"

"Hindi naman pero syempre..."

"Ayos lang 'yan, ang galing mo nga kanina e!"

 

Biglang napalingon si Jaemin sa kausap niya. Hindi siya makapaniwala na pinuri siya ng crush niya.

 

"Talaga?"

"Oo, sa inyo nga ako pumusta e!"

"Huh? Pinagpustahan niyo kami? Eh bakit hindi ka sa mga kaklase mo pumusta?"

"Eh gusto ko rin silang matalo e. Kita mo naman kanina, ang yayabang ng mga 'yun! Nakakabwisit!"

"Hala, sorry . Nasayang 'yung ipinusta mo."

"Ngi, okay lang 'yun. Limang piso lang naman!"

 

Tumawa silang dalawa at hindi napigilan ni Jaemin na lalong mas mahumaling sa nakikita niyang kagandahang taglay nito habang tumatawa.

 

"Ay teka, may ibibigay pala ako sa'yo. Dapat prize ko sayo 'to kung mananalo kayo e, pero sige, ibibigay ko na rin."

"Huh? Bukod pa 'yan sa fishball ?"

 

Ngiti at tango lamang ang kanyang natanggap na sagot dito. May hinugot ito sa kaniyang bulsa at paglabas ng kamay nito ay may hawak itong papel. Ibinuka nito ang kamay ni Jaemin at inilagay ito dito.

 

"Ayan–"

"Renjun! Asan ka na?! Umuwi ka na rito, ngayon din!"

 

Bigla silang may narinig na tinig ng babaeng sumisigaw sa may 'di kalayuan.

 

"Hala, 'di ko alam na maaga siyang uuwi. Uy sorry , kailangan ko nang umuwi! See you !"

 

Hindi na nakasagot si Jaemin sa kanya dahil kumaripas na ito ng takbo palabas. Tiningnan niya ang papel na nasa kanyang kamay at binasa kung ano ang laman nito.



Fb name: Renjun Huang

09*********



Sobrang lawak ng ngiti ni Jaemin na halos umabot ito sa kanyang mga tainga. Tumalon-talon pa siya dahil sa sayang nararamdaman niya. Ilang beses niya pa itong binasa at kinabisado nang buong puso ang nakasulat dito. Naglaho ang ngiti sa kanyang mukha nang may napagtantuan siya.

 

Putspa, ngayon ko lang nalaman pangalan niya?!





"Punyeta kang bata ka. Bakit may nakalagay na "ice & ice tubig for sale" dito sa labas? Kaya pala ambilis maubos ng tubig natin! Kala ko para ka nang baka uminom, binebenta mo pala!"



Notes:

Kung nakarating ka hanggang dito, maraming salamat sa pagbasa ng kalokohan kong ito! Hahahaha. Hindi ko rin alam kung anong tumatakbo sa utak ko nung mga panahong itinatype ko 'to. Epekto ata ito ng renmin brainrot. :))))

 

Twitter
Curiouscat