Work Text:
“Kuya Mark.”
Napahinto si Mark sa paghahanap ng articles sa laptop niya nang marinig ang pagtawag ng kapatid na si Jisung mula sa sahig—malamang ay naglalaro na naman ng Call of Duty kasama ang mga kaibigan nito.
“Nanood ka raw ng livestream namin nila kuya Donghyuck kagabi?” tanong ni Jisung nang nakangiti, halatang nang-aasar at may ibang iniisip—na para bang may something ang panonood ni Mark sa live nila.
(Siguro, meron. Siguro, wala.)
“Napadpad sa Facebook timeline ko eh,” tugon ni Mark.
Totoo naman: alas otso ng gabi nang tinignan ni Mark ang news feed niya, at saktong may nag share ng livestream post ni Donghyuck. Haechan Gaming is now Live—hiiii tara mga lods bawi tayo sa ilang lose streak natin!!—with Jisung Park, Chenle Zhong, Yangyang Liu, and Jeno Lee. At ayun nga, pinindot ni Mark ‘yung live—manonood lang ako, mga five minutes—at nakalimutan ang sinabing five minutes.
(Nanood siya for thirty-eight minutes to be exact.
Kung hindi lang talaga siya minessage ni Hendery para sa presentation nila this Monday, siguro ay naging full hour ‘yun. O kaya, hanggang sa natapos ang live.)
“How did you know anyway? Na nanood ako kagabi?” taong ni Mark bagong ipinagpatuloy ni Mark ang paghahanap ng articles. Ang sakit talaga sa ulo ng research.
Natawa si Jisung. “Nag comment ka, talagang malalaman namin, kuya.”
Ahh. Oo nga pala.
Hindi naman kasi alam ni Mark na mapapansin pala ni Donghyuck ang comment niyang galing mo naman :) haha out of all the comments na rumaragasa sa chat box. Buti nalang at tinawanan lang ito ni Donghyuck—salamat pare, chamba lang ‘to! Uy guys mag hi naman kayo kay Mark, kuya ni Jisung!—at hindi siya na-weirduhan.
Jisung smirks. “Crush mo ba siya, kuya?”
Muntik nang mabulunan si Mark sa sarili niyang laway. “Anong crush? Si Donghyuck? Gago, hindi no,” sambit ni Mark.
(Malamang ay hindi niya sasabihin na oo meron ganun ba ka obvious? kasi si Jisung ‘to—tropa ni Donghyuck, at kapatid ni Mark na kilalang-kilala na niya.
Hindi rin niya ipapahalata kay Jisung na kasinglakas ng drums ang tibok ng puso niya, at kasing-init ng araw ang kanyang mga pisngi.)
Pasikretong pinunasan ni Mark ang pawis na unti-unting nabubuo sa kanyang noo.
(Pilipinas, ba’t parang mas uminit ka ata?)
Tumawa lamang si Jisung, at alam ni Mark na hindi pa talaga tapos ang usapang ito. Magkapatid sila, and they always see each other through their bullshit.
“Okaaaaay.”
Hindi na nagsalita si Mark. Nag-iwas na lamang siya ng tingin at binalikan ang Google Docs ng kanilang research para naman matauhan siya ulit.
Si Donghyuck kasi eh.
♡
Sa totoo lang, matagal na talagang nanonood si Mark ng Facebook live streams ni Donghyuck.
Almost five months ago, ininvite si Mark ni Jisung na i-like ang gaming page ni Donghyuck. Hindi naman siya naglalaro ng Call of Duty, pero he liked it anyway kasi kaibigan ito ni Jisung, at hindi naman buraot si Mark para ipagkait ang isang like.
So, ayun nga. Nakakatanggap si Mark ng notification every time Donghyuck goes live. Hindi niya talaga to pinapansin—he’s almost always busy with acads, considering Grade 12 na siya—pero there was one time when Mark was so bored at pinindot niya without any second thought ang nagpop up na notification about Donghyuck’s live.
Immediately, he was greeted with Donghyuck on the side with his headphones on and phone in his hands, at sa likod naman niya ay ang video ng kanyang gameplay. Sobrang focused niya sa game that he was pouting and halos halikan na niya ang phone niya dahil sa sobrang lapit nito sa kanyang mukha.
Usually, Mark gets bored of watching live streams of games, pero hindi niya talaga alam kung bakit hindi niya agad inexit ang live ni Donghyuck during that time. Kasi magaling siya? Kasi ang cute niyang naglalaro habang ngumunguso? Kasi ganoon ka bored si Mark? Hindi niya alam.
Donghyuck’s character got mysteriously shot, at tumawa lamang si Donghyuck habang pumipili ng bagong baril. “May sniper sila, mga pare! Ano, labas ko rin ba NA-45 ko? Charot, ang boring naman kung ganun. Long shot na lang natin kung kaya.”
Walang naiintindihan si Mark pero nakangiti siya habang pinapanood si Donghyuck na naglalaro. Napatay nga talaga niya ‘yung bumaril sa kanya after he had respawned. “Sabi ko sa inyo eh, kaya naman,” wika ni Donghyuck.
The gameplay became a blur from then on—basta naintindihan lang ni Mark na naka 10x kill streak si Donghyuck, at siya ang MVP ng game with almost 20 kills. (Hindi niya talaga magets ang COD, no matter how many times nang sinabi ni Jisung na madali lang ito.)
“Ha? Gagi, umabot na pala tayo ng 300 viewers? First time, guys!” sabi ni Donghyuck habang nakatitig sa screen. He was smiling so wide, and Mark found himself also smiling. (Parang tanga lang talaga.) Muntik na siyang mag-iwan ng comment pero ‘wag nalang, sa susunod nalang.
And the funniest thing was masaya si Mark pagkatapos manood ng live stream. He didn’t know why but he was feeling giddy—na para bang sobrang nasiyahan talaga siya dun kahit na wala naman siyang naintindihan.
Kaya siguro when Donghyuck went live the next night, hindi na nagdalawang-isip si Mark sa panonood nito—literally from the beginning until the end. Tumatawa siya sakung ano man ang kagaguhan ni Donghyuck, maa-amaze sa galing at mabilis nito sa paglalaro, at malilito sa terminologies na ginagamit ni Donghyuck at ng mga tao sa comment box.
awit retsam (Retsam? Ano ba ‘yan?)
tara kuya br tayo! (BR…?) (Ah… Battle Royale pala.)
lods ano ba attachments mo sa KRM-262? btw ang ganda ng skin mo <3 (‘Yun ba ang baril na ginagamit ni Donghyuck?)
nilabasan kayo ng NA-45 first round hahaha (Assignment ni Mark: mag research about NA-45. Ba’t ba parang ayaw nilang lahat nyan?)
At kung naging supporter man si Mark sa Haechan Gaming page after ng ilang live streams, thatʼs between him and God na.
(And if may maliit na crush man na nararamdaman si Mark para kay Donghyuck—sobrang liit, parang kasinglaki lang ng langgam—ay si Lord lang din ang may alam.)
♡
Kumakain si Mark ng breakfast—sunog na hot dogs at sunny-side up egg, mainit na kanin at gatas—habang si Jisung naman ay nasa sala, nanood ng isang Netflix show, nang bigla na lang sinabi ng mama nila: “Ji, diba pupunta mga kaibigan mo rito mamaya? Baʼt ‘di ka pa nagliligpit? Nakakahiya naman, nak, ang dumi ng bahay.”
Muntik nang mabitawan ni Mark ang kutsarang isusubo niya. “May bisita tayo, ma? Sino?” tanong ni Mark. Alam na niya kung sinong mga kaibigan ni Jisung ang bibisita mamaya, pero ayaw rin mag-assume ni Mark. Eh, baka naman kasi umasa siya. (For confirmation lang.)
“Oo, ‘yung mga kaibigan ni Jisung na kasabay niyang maglaro ng COD na 'yan. Sila Chenle ata?” tugon ng kanilang mama habang nag-aayos ng gamit niya para sa trabaho.
So, sila nga—which means mataas ang possibility na kasama si Donghyuck kasi nga tropa sila at nabanggit minsan ni Jisung ang motto nilang wherever you go, we go.
Hindi alam ni Mark kung dapat ba siyang ma-excite o kabahan. Nakikita naman niya si Donghyuck sa school nila eh, ‘yun nga lang bihira lang masyado silangmag-usap. Hanggang tingin lang naman parati si Mark mula sa malayo.
Pero iba kasi ‘to—makikita siya ni Donghyuck ngayon na hindi lamang bilang Mark Lee na kuya ni Jisung, kung hindi ay bilang Mark Lee rin na nanonood ng live streams niya. Which, in Mark’s very honest opinion, is very embarrassing.
(Oo na, medyo tanga siya sa part na nagcomment siya sa live kung ayaw naman pala niyang malaman ni Donghyuck na nanood siya ng live streams nito. Pero nangyari na kaya naman there’s no point of crying about it.)
“Pupunta raw sila dito mamayang tanghali, kaya Mark”—lumingon si Mrs. Lee kay Mark na ngumunguya ngayon ng hotdog—“make sure na lilinisin talaga ni Jisung ang bahay, ha? Mahiya naman kayo sa mga bisita natin.”
Mula sa sala, napataghoy na lamang si Jisung. “Ma, opo, opo—maglilinis po ako mamaya pagkatapos nito. Opo, papagandahin ko ‘tong bahay natin, ma, don’t worry. Marunong din naman po akong mahiya sa crush ko.”
Tumawa si Mark, habang nagtaas lang ng kilay ang kanilang ina. “May crush ka sa isa sa mga tropa mo, Jisung? Naku, mahirap ‘yan, nak, baka hanggang tropa ka lang nyan.”
Namula si Jisung at nag-iwas ng tingin habang nag-rerelamo. “Ma naman!” Narinig din ni Mark ang bulong ni Jisung na paglilinis ng bahay ang pinag-usapan tapos ang nakuha lang sa sinabi ko’y crush sa tropa badtrip kahit na ang lakas ng volume ng TV. Umiling lang si Mark at tinapos ang natitirang almusal.
“Joke lang, nak. Ito naman ‘di mabiro.” Hagikgik ng ina. “Alis na ako. Mag-ingat kayo, ha? At Mark, si Jisung—i-remind mong maglinis. Love you!”
Tumango si Mark habang si Jisung naman ay nagmamaktol pa rin sa harap ng TV.
“Sino ba pupunta, Ji?” pasimpleng tanong ni Mark habang hinuhugasan ang mga pinggan.
Hindi na kailangan pang lumingon ni Mark para makita ang nakakaasar na ngisi ni Jisung. Noong isang araw pa talaga siyang nanunukso kay Mark pagkatapos ng kanilang usapan.
“Naninigurado ka ba, kuya, kung pupunta si kuya Donghyuck?” sambit ni Jisung. Magsasalita sana si Mark para maglahad ng baduy na excuse—hindi no curious lang baka kasi ang ingay niyo gagawa ako ng research eh—ngunit inunahan siya nito. “Oo, sasama si kuya Hyuck kaya magpa-gwapo ka kuya. ‘Wag mo akong ipahiya, manok kita.”
“Ulol, sabing ‘di ko nga siya crush.”
Jisung only hums smugly. “Okay. Ako naman I hate COD.” Tinitigan lamang siya ni Mark, at nagkibit balikat si Jisung. “Ano? Akala ko ba nagsisinungaling tayo dito?”
Mark only sighs in defeat. Kailan ba siya nanalo laban kay Jisung?
♡
Ang ingay sa baba—specifically, ang ingay sa sala kung saan tumatambay si Jisung at ang tropa niya.
Nasa kwarto si Mark, nag-rerevise ng Chapter 2 ng research nila. Maraming parts ang kailangan baguhin, at iilan lang sa kaniyang mga groupmates ang wholeheartedly na tumutulong—dagdag mo pa ang init sa Pilipinas at ang ingay sa sala, talagang sumasakit ang ulo ni Mark.
Pagkatapos nito, talagang matutulog siya—wala na siyang pakialam kung ‘di man niya makita si Donghyuck kasi responsible rin na estudyante si Mark ‘no; alam niyang i-prioritize ang acads before sa crush niya.
Sa sobrang abala ni Mark sa pag-ttype, hindi niya napansin ang pagbukas ni Jisung sa pinto ng kwarto. Kaya naman nang siya’y magsalita, muntik nang tumalon si Mark sa kanyang kinauupuan sa kama.
“Kuya, tara sabay ka sa amin kumain. Nagluto mga kaibigan ko.”
Napahawak lamang si Mark sa dibdib niya sa kaba. “Kumatok ka naman!”
Sinaaman siya ng tingin ni Jisung. “Luh, kanina pa kaya ako katok ng katok! Makinig ka naman minsan, Donghyuck ka lang kasi ng Donghyuck—”
Mabilis na nakatayo si Mark para tigilan si Jisung sa kung ano pa man ang sasabihin nito. Nilagay niya ang kamay niya sa bibig ng kapatid. “Tumigil ka na nga! Sabing ‘di ko siya crush! Baka ikaw ata may gusto sa kanya eh.”
“Wow, nandadamay,” sambit ni Jisung nang bitawan siya ni Mark. “Sabay ka na sa amin kumain. Tara na, kuya—pakipot ka pa masyado.”
Binalikan ni Mark ang naiwan niyang tab ng Google Docs na puno ng mga comments at naka-highlight na maling parts. “Kayo na mauna. Magluluto lang ako mamaya.”
“Tapos paano kung masusunog? Mahiya ka naman sa crush mo!” Tumawa si Jisung at namula si Mark.
“Ewan ko sa’yo, Ji. Umalis ka na lang nga.”
To Mark’s surprise, mabilis nga na umalis si Jisung. Guminhawa ang loob ng Mark, pero ang tyan niya naman ay hindi.
Dapat siguro inexpect na ni Mark na may kapalit ang mabilis na pag-alis ni Jisung.
At ito ‘yun: si Donghyuck na may bitbit na tray ng pagkain sa labas ng kwarto ni Mark.
“Uh…” Tamemeng-tameme si Mark. Para bang hindi siya makagalaw, at bigla na namang uminit ang kwarto niya kahit pa naka full naman ang AC.
Donghyuck blinks, bago siya ngumiti. Sobrang nakakasilaw, sobrang cute. “Hi. Inutusan ako ni Jisung na ihatid ‘to sa’yo. Ayaw mo raw kasing sumabay sa amin.” Tumawa si Donghyuck.
May kakalbuhin talaga si Mark mamaya eh.
Hindi pa rin kumikibo si Mark. Kasi naman nandito crush niya, sa sarili niyang kwarto—all bright smiles and rosy cheeks—at nginingitian niya si Mark na hindi pa naliligo at sobrang haggard dahil sa research.
Nakangiti pa rin si Donghyuck, pero halata naman na he’s feeling awkward and nervous. Ba’t naman siya kinakabahan? Si Mark lang ‘to.
Buti naman ay natauhan agad si Mark pagkatapos ng ilang segundo. He immediately stands up with a small laugh. “Thank you, hehe.”
Kinuha ni Mark ang tray kay Donghyuck at nilagay ito sa kanyang mesa. He’s expecting na nakaalis na si Donghyuck paglingon niya, pero nandoon pa rin siya sa may pintuan, tinitignan ang buong kwarto ni Mark—ang mga polaroid na nakadikit sa pader, ang mga papel na nagkalat sa may kama, at ang iilang mga damit sa sahig.
Namula si Mark nang mapagtanto ang dumi na nakakalat sa kanyang kwarto.
Lord, sana naman binigyan mo ako ng warning na pupunta pala crush ko sa kwarto ko para naman naglinis ako.
“Uhm… uh, may kailangan ka pa ba?” tanong ni Mark habang kinakamot ang kanyang batok sa hiya.
Lumingon sa kanya si Donghyuck nang nakangiti. “Wala, magtatanong lang sana.”
“Hmm?”
“Nanonood ka pala ng live streams namin?”
Nanonood ako ng live streams mo—ang gustong sabihin ni Mark. Pero sobra kasi ang hiya at kaba na nararamdaman niya kaya naman ang sinabi niya ay, “Oo, minsan pag meron si Jisung.”
Muntik nang mag facepalm si Mark sa kanyang sinabi. Minsan talaga napakatanga niya.
“Ahh…” tumango si Donghyuck. “Naglalaro ka rin pala ng Call of Duty?”
Napatawa lamang si Mark. Ano ba sasabihin niya?
A) Hindi eh, pero ang cute mo kasi pag naglalaro kaya nananood ako. Lalo na kapag nanggigigil ka sa mga kalaban, or B) Oo—sabay tawa. I-cacareer na siguro ni Mark ‘tong chance na ‘to, ano? Minsan lang naman siya ganito—naglalaro ako. Minsan nalang. Busy kasi sa acads, alam mo na.
“Oo, minsan.” Tawa ni Mark. Nararamdaman niya ang pag-init ng kanyang pisngi sa hiya at sa binitawang kasinungalingan. “Nabusy ako sa acads kaya napabayaan ko nalang account ko.”
Ngumisi si Donghyuck. “Sali ka sa amin sa susunod na live ko. Laro tayo. O kaya, pwede rin namang kahit ‘di live! Basta, laro tayo minsan.”
Naku po.
Napakamot na lamang si Mark sa ulo niya habang his insides are screaming—sa kilig, sa kaba, at sa kabuuang sitwasyon niya. Inipit niya lang talaga sarili niya.
“Sure, sige ba,” Mark replies. Kahit 'di niya alam kung papaano mag-COD—pero sige lang, andyan naman si Jisung. “Kapag maluwag na schedule ko, laro tayo. Tinambakan pa kasi kami sa research ngayon.”
Tumawa lang si Donghyuck, at naramdaman ni Mark ang kilig na dumadaloy sa buo niyang katawan. Ilang beses niya ba napatawa si Donghyuck in a span of less than fifteen minutes? Kung tatawa pa siya, baka iisipin na ni Mark na siya ang kaligayahan ni Donghyuck.
(Charot, pero sana siya nga.)
“Kami rin naman, eh. Lalo na sa Pre-Calculus, terror kasi teacher namin.”
“Si Ma’am Beth ba 'yan?” tanong ni Mark habang natatawa. Tumango si Donghyuck. “Goodluck. Last year, siya rin PreCal ko; sobrang daming assignments lalo na kapag malapit na exams.”
“Salamat, lods—ay Mark pala,” sabi ni Haechan na tumatawa. (Tawa ka pa, sige na.) Kung nakita man ni Mark ang pamumula ng pisngi nito, hindi na niya ito pinansin. Baka namamalikmata lang siya. “Sige, baba na ako. Eat well, Mark.”
“Uh, hehe, ikaw rin. Salamat sa pagdala ng pagkain ko, ha.”
“You’re welcome. Laro tayo sa susunod. Invite kita!” dagdag ni Donghyuck.
Bago pa man makasagot si Mark, agad nang umalis si Donghyuck, at naiwan na lang siyang mag-isa sa taas.
So… paano ba laruin ang Call of Duty?
Pagbaba ni Mark nang gabing iyon, pagkatapos makauwi nila Donghyuck, nakangiting Jisung ang tumambad sa kanya na nakaupo sa couch.
“Naglalaro ka na pala ng Call of Duty ngayon?” panimula nito. “Kailan pa?”
Namula ang mga pisngi ni Mark. “Nung tinanong ako ni Donghyuck.”
Tumawa si Jisung, halatang nasisiyahan sa nangyari. “‘Di ka nga naka-try ng COD, kahit once.”
“Ano ba,” iritadong reklamo ni Mark. “Naipit ako eh, alangan namang sabihin kong hindi ako naglalaro.”
“Sana sinabi mo nalang na crush mo siya kaya ka nanonood,” sambit ni Jisung. Tututol sana si Mark, pero alam niyang kahit ano pa man ang sabihin ni Mark para i-deny ang lahat, alam niyang hindi pa rin maniniwala si Jisung.
“Ano gagawin mo kapag ininvite ka talaga?” tanong ni Jisung habang nags-search ng kung ano man na video sa YouTube.
Mark sighs as he plops down beside Jisung on the couch. “Ewan ko.”
“Ang baduy mo kasi, kuya.”
“Mama mo baduy.”
“Iisa lang tayo ng mama. Sumbong kaya kita.”
Muntik na sanang itapon ni Mark kay Jisung ang throw pillow kay Jisung pero tinawanan lang siya nito. “Stressed na nga ako sa research, may COD at Donghyuck pa.”
May pumasok ata na ideya sa isipan ni Jisung sapagkat naging seryoso ito. “Ganito nalang: tuturuan kita. Tapos papataasin natin level at rank mo, para naman magmukhang ‘di bago.”
Walang sinabi si Mark. Ang noob niya sa games—anong ineexpect ni Jisung sa kanya? Na makakaya niyang ipaabot ang account niya ng Level 100 in a week?
Mark groans.
“‘Yan, crush pa more, kuya.”
Kinurot na lang ni Mark ang braso ni Jisung.
♡
At ayun nga, napilitan si Mark na mag-install ng Call of Duty sa phone niya. Aatras sana siya nang makita ang size ng app pero chance na niya siguro ‘to at medyo huli na ang lahat para mag back out.
(Sana nga naman worth it ang isasacrifice niyang 2GB para sa COD.)
The next few days, Mark tries to teach himself the basics. Naglaro siya ng ilang rounds with bots, hanggang sa unti-unti na niyang naiintindihan ang mga buttons. Pagkatapos naman ay sinubukan niya ang Frontline para naman ma familiarize niya ang maps—hanggang sa he’s comfortable enough to try out different modes at pati na rin ang Battle Royale.
Tinutulungan din siya ni Jisung every night na bago lang nakapasok ng Legendary. “Tamang grind lang sa gabi, kuya. Soon, ikaw rin.”
‘Di naman sure si Mark kung ipagpapatuloy ba talaga niya ang kagaguhang ito. Si Donghyuck lang kasi talaga ang dahilan kung ba’t siya napilitang maglaro ng COD. At kung hindi man uubra ang COD para mapalapit siya kay Donghyuck, edi okay. Uninstall niya lang, tapos tamang iwas sa panonood ng live streams niya. Simple as that.
Minsan din, kapag tinatamad si Mark or kaya naman ay may tinatapos siya sa research nila, nanonood siya ng mga dating live streams ni Donghyuck. Pero minsan din napaka-distracting ni Donghyuck; one minute, ang seryoso niyang bumabaril ng mga kalaban at halos lahat sila sa comment section na-aamaze—and the next minute naman, he’s rambling or kaya naman ay nakikipag-away siya sa mga teammates niya over the microphone even during the match kaya muntik silang natatalo minsan. Kaya minsan din walang nakukuhang matinong learnings si Mark sa live streams, at sa halip ay kinikilig na lang siya or kaya naman ay tumatawa.
Pero, ayon naman kay Jisung, may improvements naman si Mark. Kaya na niyang maglaro nang mag-isa, at ‘di na rin siya masyadong aligaga kapag naglalaro ‘di kagaya ng dati. Magaling na rin siyang gumamit ng SMG—as per Jisung’s recommendation, QQ9 ang ginagamit ni Mark—at nagiging MVP na rin siya minsan sa mga gameplays.
Kung tatanungin mo si Mark Lee ng 2020, talagang hindi niya matatanggap na si Mark Lee ng 2021 ay naglalaro ng COD para lamang sa isang lalake. Pero, ganyan naman diba? People change. At least, ngayon si Mark ay mas masaya.
May surprise live stream si Donghyuck ngayon.
Nang nag pop up ito sa notifications ni Mark, agad niyang iniwan ang lahat ng responsibilidad niya—kasama na roon ang research kahit due date nito’y next week na.
Mag-isa lang si Donghyuck, at nakasuot siya ng oversized sweater na kulay pink with matching pink headphones. Kumakain pa ata siya ng dinner kasi ngumunguya pa siya habang minomonitor ang live.
“Loe, mga lodicakes, welcome to my surprise live!” Natatawang pagbati ni Donghyuck. “'Di kasi ako busy tonight, kaya naisipan ko na bumawi nalang sa ilang days kong pagiging MIA.”
Nakangiti na nanonood si Mark—sobrang lawak nito na nahagip niyang tinitigan siya ni Jisung mula sa dining area kung saan siya’y gumagawa ng General Biology assignment niya.
“Ano na naman ba problema mo, ha?”
“Para kang tanga, kuya,” sambit ni Jisung habang umiiling.
“It runs in the blood,” tugon ni Mark. Jisung rolls his eyes bago binalikan ang assignment niya.
Sa live stream, niyaya ni Donghyuck ang viewers na sumali sa private room niya upang makipaglaro ng 1 vs. 1. Gusto mang sumali ni Mark, nahihiya naman siya sa ibang nanonood ng live streams na mas magaling pa sa kanya. Baka ma-judge lang siya, ‘wag nalang.
Ilang rounds din ang napanalo ni Donghyuck laban sa mga sumali sa room habang ginagawa ni Mark ang ilang assignments niya. Malawak ang ngiti ni Donghyuck pagkatapos, at ngayon naman ay sinasagot na niya ang ibang comments at nagpapasalamat sa nag-shshare at nag-rereact sa live.
At bago pa man napigilan ni Mark ang sarili niya, nag-comment din siya ng ang lakas mo haha :) paturo naman dyan.
Hindi na nag-expect si Mark na makikita ‘yun ni Donghyuck—more than 1k ang viewers niya tonight tapos ang daming comments rin sa chatbox—kaya naman ay binalewala na lamang ni Mark ang comment niya.
Pero, the universe works mysteriously, at nabasa iyon ni Donghyuck. Tumawa pa nga siya habang si Mark naman ay gulat na gulat habang tinitignan ang live.
“‘Di naman. Naka-chamba lang,” sabi pa ni Donghyuck. Lahat naman ng comments ay hindi sumasang-ayon sa sinabi niya, ngunit ‘di ito pinansin ni Donghyuck. “Kailan ba tayo maglalaro, Mark?”
Namumula si Mark. Ang daming viewers at marami ring comments pero nabasa talaga ni Donghyuck ang sa kanya at kinakausap pa niya si Mark sa harap ng ibang viewers. Nakaka-conscious din kaya.
Pinilit ni Mark ang sarili na umayos—gago, nakakahiya naman kung ‘di niya rereplyan. Kaya naman ay sinend ni Mark ang sunod na lods, busy pa eh :) with shaking fingers.
Tumawa ulit si Donghyuck. “Sige, sabi mo ha.”
(Kung kinikilig pa rin si Mark kahit na tapos na ang live stream, sikreto nalang niya ‘yun.)
1 Facebook Message!
Donghyuck Lee • 8mins
nanood ka pala? thank you!! hehe
laro tayo this weekend! pupunta kasi kami dyan sa inyo ulit HAHAHAHA
Mark Lee • 7mins
haha oo :) nag notify eh
sure sige di na naman siguro ako busy this weekend
(Kung tatanungin mo ang planner ni Mark, bugbog sirado talaga sila ng deadlines next week, at kailangan pa niyang i-finalize ang kanilang research paper. Pero sabi nga nila, kung gusto may paraan.
BDO lang ‘to: we find ways.)
Donghyuck Lee • 14s
GAGO
HOY
GAGO HOYYYY MARK
Mark Lee • 6s
bakit? hahaha
ano meron
Donghyuck Lee • 2s
SUPPORTER KA PALA NG PAGE KO
WHAT THE FUCK
Mark Lee • 1s
:)
♡
“Hoy, respeto naman! ‘Wag kayong magsmoke sa mid!” naiiritang sabi ni Chenle habang nakaabang ang kanyang sniper sa base ng kalaban.
Natawa si Jeno na nakaupo sa gilid niya. “Sorry, aken. Akala ko kasi naka-flashbang ang loudout na ‘to.”
Alas nuebe pa lang ng Sabado ay sobrang ingay na ng bahay. Ang aga kasi nila Donghyuck—ani pa ni Jisung para whole day COD; walang masasayang na oras—kaya naman ang nakasanayang paggising ni Mark at 10AM every Saturday ay naging 7:30AM.
Ngayon nasa sala sila Jisung, naglalaro ng COD, pagkatapos nilang kumain sabay-sabay ng almusal. Hindi muna sumali si Mark—nahihiya siya, eh. Halos lahat ata ng ranks nila nasa Master na o kaya naman ay Legendary, habang si Mark ay nagtitiis pa rin sa Pro dahil sa lose streaks niya.
Siguro ay malapit nang matapos ang match dahil biglang napasigaw si Yangyang. “Mga dugyot, ibigay niyo sa’kin ang last kill—”
Pero iba siguro ang naka-final kill cam dahil napahiga na lang sa couch si Yangyang, halatang bigo. “Shuta, si Donghyuck na naman!”
“Sorry, lodi.” Tumawa silang lahat, kasali na si Mark na nasa kusina, naghuhugas ng pinggan.
“Tara laro tayo, ulit. Search and Destroy! Ang boring naman ng Frontline,” wika ni Jisung.
“Oo, nga. Sali natin si Mark!”
Natigil si Mark sa pagbabanlaw ng mga baso nang marinig ang sinabi ni Donghyuck.
“‘Wag na! Kayo lang muna.” Umiinit ang pisngi ni Mark sa hiya. Gusto rin naman ni Mark na makipaglaro sa kanila, pero nahihiya lang talaga siya sa mga kaibigan ni Jisung—lalo na kay Donghyuck.
Magsasalita pa sana si Mark pero inunahan siya ni Yangyang. “Sige na, Mark, pagbigyan mo na si Donghyuck. Last week pa siya nyan; gusto ka talaga ata niya maging kaduo sa—”
“Gago, manahimik ka nga,” sambit naman ni Donghyuck na pinipigilan ng nakangiting si Jeno na makalapit kay Yangyang. “Tatawagan ko talaga jowa mo, gago.”
Habang nagsasagutan naman sina Donghyuck at Yangyang, lumingon naman si Jisung kay Mark. Eto na naman po tayo sa panibagong episode ng Jisung Let Mark Live in Peace.
“Nahihiya lang ‘yan. Tara na, kuya,” dagdag pa nito, natatawa at nakangisi.
Mark sighs. Wala siyang choice kung hindi ay sumali dahil lahat naman na sila ay naghihintay sa kanya—kaya tumango na lang si Mark at tinapos ang ginagawa bago pa man niya kinuha ang kanyang cellphone.
“Tabi ka sa’kin.” Hinila siya ni Donghyuck pababa sa sahig nang nakangiti. Nararamdaman na naman ni Mark ang pag-init ulit ng kanyang pisngi at ang nakakaasar na ngiti ni Jisung sa kanyang likod, pero binalewala na lang niya ang mga ito. Kailangan niyang mag focus—dapat hindi siya magiging pabigat sa laro baka ma-turn off pa si Donghyuck. Kailangan niyang magpakitang gilas.
Sinimulan ni Yangyang ang search, habang si Chenle naman ay ‘di muna sumali at nanonood kay Jisung. ‘Di pa masyadong kabisado ni Mark ang Search and Destroy kaya kinakabahan siya.
“Okay ka lang ba?” tanong ni Donghyuck.
“Um. Hindi kasi ako masyadong naglalaro ng Search and Destroy,” natatawang sabi ni Mark.
Natawa rin si Donghyuck at umiling. “Sige lang, sundan mo nalang ako. Kailangan lang naman magtanim ng bomba sa mga designated place, at madali lang din naman mag defuse.”
Sundan mo nalang ako.
Ang bilis ng tibok ng puso ni Mark—para bang may humahabol sa kanya—at ang lapit lapit din ni Donghyuck sa kanya na konting push na lang dikit na dikit na talaga silang dalawa. Biglang uminit ang paligid, at mas lalong kinakabahan si Mark.
Nagsimula agad ang match. Nasa Oasis sila na map na hindi rin kabisado ni Mark.
“Sundan mo ‘ko dali,” sabi ni Donghyuck sa gilid niya. Sinundan din ni Mark ang character ni Donghyuck—isang karakter sa Battle Pass kung natatandaan ni Mark. Sabay silang tumakbo pakanan, habang ang iba sa kanila ay tumungo sa ibang direksyon. “Si Yangyang ata ang may bitbit ng bomb. Kung mamamatay man siya, kukunin dapat natin ‘yun para i-plant.”
Tumango lang si Mark.
Ilang segundo rin silang tumatakbo. Nilibot na ata nila ang kabuuang area nila ngunit wala pa ring kalabang nakikita si Mark.
“Saan ba—”
“Nasa likod mo, Mark!”
Agad na umikot ang character ni Mark at diretsong pinagbabaril ang dalawang kalaban na susugod sana sa kanila. Napatay rin naman nila ang mga ito agad—salamat sa mabilis na Akimbo ni Donghyuck, at sa isang major assist ni Mark.
“Niiiiiice,” sabi ni Donghyuck. Natawa lang si Mark at sinundan ulit si Donghyuck sa kabilang area ng map. Natapos naman agad ang gameplay—ang first round out of five—agad dahil namatay lahat ng mga kalaban bago pa nila ma-defuse ang bomb.
Sa mga sumunod na rounds, ganun pa rin ang nangyari: sinusundan ng karakter ni Mark si Donghyuck at sabay nilang pinagbabaril ang nakakasalubong na mga kalaban. Leading na sila with 4 points, habang ang kabilang side naman ay may 1 point. Kung mananalo pa sila ng isang beses, talagang winner na sila.
Sinusundan pa rin ni Mark si Donghyuck ngayon, pero binaliktad na kasi ang mga base kaya medyo nalilito ulit si Mark.
Diretso lamang silang tumatakbo nang may bumabaril sa kanilang kanan—dalawang mga kalaban na sobrang ganda ng skins na mismong si Mark natataranta sa galing at sa mga baril nito.
“Gagi, naglalag!” reklamo ni Donghyuck habang binabaril ang mga kalaban.
Si Mark naman ay umaatras pero patuloy pa rin niyang pinagbabaril ang kalabang sobrang likot—ito’y talon ng talon para lang hindi matamaan.
Sa pagbabaril ni Mark, naubusan na siya ng bala at nag-rereload pa ang kaniyang baril. Kahit medyo wrong timing man ito, napatay niya naman pa rin ang nag-corner sa kanya gamit ang operator skill niyang Gravity Spikes. (Oo, medyo tanga si Mark dahil ngayon pa lang niya naisip na gamitin ito pero at least ay hindi siya namatay.)
“Ayun, nice one, baby,” sambit ni Donghyuck.
Agad na lumingon si Mark sa kanya, gulat na gulat. Pero focused pa rin si Donghyuck sa laro—na para bang walang nangyari. Na para bang hindi niya tinawag na baby si Mark.
Hindi alam ni Mark kung tama ba ang kanyang narinig o imahinasyon niya lang iyon—pero bigla talagang huminto ang mundo niya. Para bang nagfade lahat, at ang naririnig niya lang ay ang paulit-ulit na nice one baby ni Donghyuck.
Nice one, baby.
Nice one, baby.
Nice one, baby—
Ang bilis ng tibok ng puso niya, pinagpapawisan ang kanyang mga kamay, at nawawala sa focus si Mark. Hindi na rin gumagalaw ang character niya kahit na ongoing pa ang match at may natitirang pang tatlong kalaban.
Nice one, baby.
Nakatingin pa rin si Mark sa kanya—nanlalaki ang mga mata nito, at nakaawang ang labi—kaya naman nang may sniper na naka-aim kay Mark mula sa malayo, hindi siya nakailag at agad siyang namatay.
You will respawn next round!
“Uy, Mark, saan ka—” Lumingon sa kanya si Donghyuck. Siguro ay nakita niya ang pamumula ng pisngi at tenga ni Mark, at ang sorpresa na nakasulat sa kanyang itsura, at siguro rin ay napagtanto niya ang ginawa niya dahil pati siya ay kalaunang nag-iwas ng tingin habang nahihiyang ngumiti.
Patuloy pa rin ang gameplay, pero ang utak ni Mark ay nananatili pa rin sa nangyari.
Nice one, baby.
“Baby…” bulong ni Mark sa sarili habang natutulala pa rin.
Narinig ito ni Donghyuck, kaya naman ay lumingon siya ulit kay Mark—pula rin ang mga pisngi at ‘di kayang tignan si Mark sa mga mata.
Umiling lamang si Mark, kinikilig pa rin at medyo pinagpapawisan, at binalikan ang laro na may matamis na ngiti sa labi.
Nice one, baby.
Natapos din ang kanilang COD session for today after almost seven hours.
Sa pitong oras na iyon, natapos na sana siguro ni Mark ang pag rerevise ng kanilang research. Pero okay lang din naman na wala pa siyang ginawang acads—hindi talaga siya nagsisi dahil mas naging malapit siya sa tropa ni Jisung, lalo na kay Donghyuck at Chenle.
“Uwi na ako, mga tol,” sabi ni Donghyuck habang tumatayo mula sa kanyang kinauupan. “May lakad pa kami mamayang gabi.”
Tumayo rin si Mark kaagad at bago pa niya mapigilan ang kanyang sarili ay nabitawan na niya ang mga salitang Gusto mo ihatid kita sa kanto?
Tinignan siya ng lahat, at napansin ni Mark ang nakakaasar na ngiti ni Jisung (pang-ilan na ba ito for today?) at ang pekeng pag-ubo ni Yangyang. Sina Jeno at Chenle naman ay parehong naghihintay sa sagot ni Donghyuck.
“‘Wag na, kabisado ko na ang lugar na ‘to.” Nahihiyang ngumiti si Donghyuck. Tumango lang si Mark at pilit na binalewala ang pagkadismaya.
“Pero—pero, pwede naman siguro ihatid mo ako hanggang sa gate niyo, Mark,” sabi ni Donghyuck.
Hindi pinansin ni Mark ang mga tingin na ibinibigay nila Jisung sa kanya, at sinundan si Donghyuck palabas ng bahay.
Nang sila'y nakalabas na, medyo mas naging awkward. Hindi nagsasalita si Donghyuck, at hindi rin alam ni Mark kung papaano mag start ng conversation. Pero kakayanin ‘to ni Mark. Kailangan niyang kayanin ito.
Nang umabot sila sa gate, Donghyuck turns to him with a smile. Bawat ngiti niya talaga ay may dalang liwanag at ligaya—kaya naman ay ngumiti rin si Mark. Ang bilis ng tibok ng kanyang puso at nanlalamig ang kanyang mga kamay, pero pinilit ni Mark na kumalma.
Ito na ‘yun, eh. Ito na.
“So…”
Hindi na nag paligoy-ligoy si Mark: “Are you free ba next weekend?”
Nanlaki ang mga mata ni Donghyuck sa tanong niyang napakarandom at unexpected. Buti na nga lang ay agad natauhan si Donghyuck at tumango.
Huminga ng malalim si Mark. Ito na talaga. “Would you like to go on a date? With me?” tanong niya. “Okay lang kung hindi! ‘Di naman kita pinipilit! Alam kong may iba ka ring ginagawa at ayokong maka distorbo—”
Natigilan si Mark sa pagsasalita nang lumapit si Donghyuck. Fuck.
“Uh…” Aatras sana si Mark para magkaroon sila ng space, pero hinawakan ni Donghyuck ang isang braso ni Mark upang hindi siya makagalaw. “Um… Ha…”
Lumapit na naman si Donghyuck. Ang seryoso ng kanyang mukha, na para bang may iba siyang iniisip. May determinasyon din na namumuo sa kanyang mga mata. Para saan?
Hindi pa rin nagsasalita si Donghyuck—siguro nga isa itong senyales na tinatanggihan niya ang date. Hindi niya gusto si Mark—aksidente lang din ‘yung nice one baby—at ito ang kanyang paraan ng pag comfort.
“Donghyuck—”
Nangyari lahat in the blink of an eye. One second, nakatayo lang si Donghyuck sa harap ni Mark—at sa isang iglap, nakaramdam ng malambot si Mark sa kanyang pisngi. Nag-iwan ng halik si Donghyuck sa kanang pisngi niya.
Oh my god.
Halos hindi makahinga at makagalaw si Mark. Nawawala ang lahat, maliban kay Donghyuck na nakangiti at tumatawa sa harapan niya. Sobrang ganda, sobrang nakakapanghina.
“Sige, date tayo next weekend,” sagot ni Donghyuck.
Hindi na makapagsalita si Mark. Sobrang nag-mamalfunction na siya. Kung kanina ay dahil sa nice one baby, ngayon naman ay dahil sa halik sa pisngi. Fuck—anong klaseng panaginip ba ‘to, Lord?
Natawa si Donghyuck sa reaksyon ni Mark, at pinisil ang namumulang pisngi nito. “Una na ako, Mark. Salamat.”
Mark clears his throat. “Sige—sige, ingat ka, ha.”
Ngumiti si Donghyuck. “Chat kita kapag nakauwi na ako. Bye na, Mark!”
Kumaway si Mark at hinintay na tuluyang makalabas si Donghyuck. Ngunit kahit na siya’y nakaalis na, nandoon pa rin si Mark—nakatayo at iniisip kung totoo ba talaga ang lahat ng mga nangyari.
Mukhang totoo naman kasi paglingon ni Mark sa bahay, nakita niya sina Jisung na sumisilip sa bintana—natatawa at inaasar siya. Kumusta puso natin dyan, kuya Mark? Okay pa ba? Kaya pa today?
Umiling si Mark. He’s smiling so hard na sumasakit na ang kanyang pisngi.
Kaya pa naman. Siguro.
♡
galing mo naman :) haha
Muntik nang mabitawan ni Donghyuck ang kanyang phone sa nabasang comment.
Marami na siyang naririnig at nababasang ang galing mo haha lodicakes sa cod—mula sa kanyang followers at mga kaibigan, pero iba ‘to. Iba ang epekto nito.
Pinilit ni Donghyuck na magmukhang normal sa harap ng isang libo niyang viewers. Conceal, don’t feel. Hindi niya pinapansin ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso, ang pangungutya ni Renjun sa Messenger, at ang pag-ubo nila Yangyang.
Ngumiti si Donghyuck. “Salamat pare, chamba lang ‘to!” sambit niya habang tumatawa. “Uy guys mag hi naman kayo kay Mark, kuya ni Jisung!”
Kalma lang, Donghyuck. Kalma.
(At kung nakangiti man si Donghyuck throughout the live stream, iisipin lang ng viewers niya na dahil ito sa winning streak nilang magkakaibigan sa Rank Match, at hindi dahil sa isang comment na sinagot nito.
Hindi ‘yun dahil sa crush niya. Hindi.)
