Work Text:
Summer night in Paris .
Moon is beautifully evident within the night sky, as well as the shining stars. Down to the beautiful scenario up above is how it beautifully shines into the city of love where people are enjoying their leisure at night.
Lee Taeyong, a 27 year old man who has moved to France for his job, is now walking on his way back home. Sa kalagitnaan ng kanyang paglalakad, iniangat nito ang kanyang ulo para tignan ang kamangha-manghang kagandahan ng langit.
As well as the way he can’t help himself but to think about one person he wishes to see again. The one whom he always imagine seeing this view from another location on the Earth.
Yung taong nagbigay ganda ng buwan at bituin sa sarili niyang mga mata.
❃
It was way back summer in his childhood when Taeyong first loved the moon and stars.
It was dusk turning into night sky,and there were children who were still playing at the park. But one boy chose to just sit down and watch those other children playing. It was Taeyong. Patuloy nitong pinagmamasdan ang mga kaedaran na naglalaro mula sa pwesto na hindi naman kalayuan sa kanyang inuupuan.
Tahimik itong nagmamasid, hanggang sa may batang lalaki na umupo sa kanyang gilid. Tulad niya, nagmamasid lang ito sa mga batang naglalaro. Lately, he looked up and was amused by the beauty of the shining stars and moon. Hindi lang ito basta bilog na buwan, dahil kung tinignan niya itong mabuti, tumatagos sa puso nito ang kinang. Nakakakalmang at nakakagaang tignan, na tila ba pati ang puso niya’y lumiliwanag tulad ng kung ano ang nakikita niya.
“Ang ganda ng moon, no?” tanong ng batang katabi nito. “Pati ng mga stars na kasama niya.”
Lumingon si Taeyong sa pwesto ng batang katabi niya. He was not familiar with his face (or maybe because he really couldn’t remember because of numerous children in their village), hindi tulad ng mga mukhang madalas niyang nakikita sa kung saan siya ngayon. “Bago ka lang ba dito?”
The young boy answered, “Hindi naman. Pero first time ko lang bumisita sa park dito?”
Taeyong nods with satisfaction from what he heard. He never thought of someone who just wanted to talk to you out of nowhere. That’s why he was never used to having numerous friends.
“Wow, may shooting star!” sabi ng katabi niya na nakatingala upang tingnan ang bagay na tinutukoy nito. “Tara wish tayo!”
Taeyong was confused about what the boy had said to him. Never in his entire life did he believe that wishes said to the shooting star will come true. But he gave himself a try. He wished for this one night.
“Anong wish mo?” tanong ng kanyang katabi.
“Magkaroon ng kaibigan. Ikaw?” tugon ni Taeyong.
Nang lingunin niya ang kanyang katabi, ngumiti ito sa kanya. “Same tayo, hihi.”
Both of them smiled at each other. How coincidence was that for two complete unknown children having the same wish. With no hesitation from the boy beside Taeyong, he initiated at introducing himself.
“Ako nga pala si Doyoung.”
“Taeyong.Taeyong pangalan ko.”
Under the moon and stars that shone brightly, a blooming friendship between Taeyong and Doyoung had started.
❃
In the first summer when Taeyong and Doyoung became friends, Taeyong learned that Doyoung was having his vacation at the house of his cousin and also Taeyong’s neighbor, Jungwoo, every year in their village. It saddened Taeyong to know that he only got the chance to see Doyoung every summer. Until the day where summer ended and Doyoung had to go home,
“Maglalaro pa rin tayo kung magkikita tayo next year, ‘di ba?” tanong ni Taeyong.
“Oo naman. At tsaka hindi lang naman ako yung naging friend mo. Pati rin naman si Jungwoo. Kaya huwag ka na malungkot jan. Sige ka, hindi na ulit magsha-shine yung stars at moon kapag malungkot ka” sabi ni Doyoung.
Hearing the words from his friend, ngumiti si Taeyong sa takot na hindi na niya makita ang magandang pagliwanag ng buwan at mga bituin dahil sa kalungkutan. Nakita naman ito ni Doyoung. Hindi niya mapigilan ang saya nang makita ang ngiti ng kaibigan. Ngunit kahit anong saya man ang gusto niyang ipakita, bakas sa mga mata nito ang lungkot na mawalay sa kaibigan.
“Promise, babalik kami next year. Maglalaro ulit tayo.” Doyoung sadly said while holding Taeyong’s hand. Afraid to let go, but he needed to as he heard his parents calling him, “Doyoung, anak, tara na”
Doyoung removed his hands from Taeyong's. As he went near to their car, Doyoung looked back to Taeyong, waved his hands at him, “Kita ulit tayo next year, Taeyong!” And he entered their car.
Taeyong waved, ngunit nang makaalis ang kotse ng pamilya ni Doyoung, agad itong nalungkot sa kanyang posisyon. Nakita naman ito ni Jungwoo. “Kuya Taeyong, huwag ka na malungkot! Pag nag promise si Kuya Doyoung, tinutupad naman niya yun eh. Yung sabi niya sa akin na bibigay niya yung favorite lego toys niya sa akin pagbalik niya binigay niya.”
“Ganoon ba?” patawang sagot ni Taeyong na siyang ikinatango ni Jungwoo. Young Taeyong believed. If Doyoung did it to his cousin, Doyoung will keep his word.
That same day, as night fell already, Taeyong looked up from the window of his room as he saw the moon and stars shone. Umaasa si Taeyong sa isang shooting star na maaaring makita sa kalangitan.
And it happened. One shooting star appeared.
Sana hindi i-break ni Doyoung ang promise niya . Taeyong wished.
Time had passed by until another year came. Taeyong waited for summer to come. At sa pagsapit nito, saya ang bumalot sa kanya nang makita niya ulit si Doyoung. And so was Doyoung.
It has always been a routine for Taeyong to wish every time a shooting star appeared at the end of summer. For Doyoung to always come back every summer and play with him.
❃
The moon and stars were the first witness of Taeyong’s realization about love.
Graduate na si Taeyong sa elementary noon at nasaktuhang first day of summer rin ang graduation niya. Early in the morning, Taeyong’s mother prepared the things needed for the graduation.
“Anak, tara na?” tanong nito sa kanya.
Sagot niya nang may ngiti sa kanyang labi “Opo, Ma.”
Masaya si Taeyong. Nakatapos na siya sa unang yugto ng pag-aaral, at tatapak na siya sa bilang isang high school student sa susunod na pasukan. Sa simula ng seremonya hanggang sa pagtapos, hindi nawala ang ngiti sa kanyang mga labi.
But smile grew wider in ways he never expected to come.
Outside the school premise was Doyoung with Jungwoo, waiting for Taeyong and his mother to completely go out from inside.
“Congrats, Taeyong!” Doyoung greeted him with a smile on his face, added by a hug that made the latter shocked at his position.
He realized, oo nga pala, first day ng summer . Plus the fact that it was his best moment because of graduation, Taeyong couldn’t help himself but to smile and hug Doyoung back. Parang daig niya pa ang naging valedictorian nila sa batch nila.
“Salamat! Ang aga mo ngayon ha?” sagot ni Taeyong nang natatawa.
“Hindi naman? Kakarating ko lang. Nasabi sa akin ni Jungwoo na graduation niyo kaya hinatid niya ako dito sa school mo.”
Nilingon ni Taeyong si Jungwoo sa kanyang pwesto at nakita niya ito nang kinaway nito ang kanyang kamay sabay sabing “Congrats Kuya Taeyong!”
Ngumiti ito at sumagot, “Salamat, Jungwoo!”
Taeyong was happy to see his friends meet him outside of the school. He could feel how his summer will be enjoyable again because they were complete. Jungwoo was there, Doyoung was there. It was a good one to celebrate at all.
“Buti na lang Doyoung at Jungwoo, andito kayo! May munting salu-salo sa bahay, tara balik na tayo para kumain.” said by Taeyong’s mother with a smile on her face, which is agreed by both Doyoung and Jungwoo also.
As they started going back to Taeyong's house, the latter could feel a warm hand that was holding him. He suddenly looked to the person who’s holding it and when he found out that it was Doyoung, his heart started to race for unknown reason.
Kalma ka lang, si Doyoung lang yan. Kaibigan mo yan . All Taeyong put into his mind at that time.
It was also the same summer when he joined a dance contest in their village. Day of the competition, Taeyong was covered with sweat and fear that he might not execute his piece. He didn’t know what to do when suddenly Doyoung went to the side of the stage where he was staying.
“Doyoung, parang ayoko na lang” Taeyong said, like the tears were near to escape within his eyes.
“Anong ayaw mo na lang? Hindi yan yung Taeyong na kilala ko.” Doyoung started. “Ikaw yung Taeyong na matapang, masayahin, at passionate sa ginagawa mo. Baka Lee Taeyong yan.”
Tawa na lang ang masasagot ni Taeyong sa kung ano ang sinabi ni Doyoung sa kanya. Bakas pa rin dito ang kaba, at ang isipan ay patuloy na nakikipagtalo sa kabang nararamdaman. Kaya ko naman ito, ‘di ba? Magagawa ko naman ‘di ba?
Bago man tumuntong si Taeyong, hinawakan ni Doyoung ang kamay ng kaibigan. Taeyong was unaware of what Doyoung did. It reminded him of the day of his graduation when Doyoung did the same thing, holding his hand. Hindi niya mapaliwanag kung ang dahilan ng mabilis na pagtibok ng kanyang puso ay dahil sa malapit na siyang magperform o dahil sa paghawak ni Doyoung sa kanya.
But what’s the difference between that time and the graduation day was he slowly felt the security and warmth of his friend, like it’s telling continuously that he can overcome the fear within him. He can outdo it. Tulad ng sinabi sa kanya ni Doyoung, siya si Lee Taeyong.
The moment he stepped onto the stage and Doyoung let go of their hands, Taeyong looked at him for a glance, there he found Doyoung plastering his genuine and proud smile and mouthing, “Fighting!” with gestures of his hands. That's all Taeyong thinked about that time. Sinabi ni Doyoung na kaya ko . He thought.
Sa pagsimula niya ng sayaw, alam niyang may kaunting kaba pa rin ang bumabagabag sa kanya. Hanggang sa naalala niya ang mga sinabi ni Doyoung kani-kanina lang, Ikaw yung Taeyong na matapang, masayahin, at passionate sa ginagawa mo. Baka Lee Taeyong yan . Ang paghawak ni Doyoung sa kanyang kamay, ang ngiti ni Doyoung. Si Doyoung. Hindi niya mapaliwanag sa kanyang sarili kung bakit sa dinami-dami ng kanyang pwedeng maalala ay bakit si Doyoung o ang mga small gestures na ginawa sa kanya ng kanyang kaibigan. Pero ito rin ang nagpawala sa natitirang takot na mayroon siya, at paunti-unti rin ang paglakas ng kanyang loob.
Taeyong danced fervently, showing everyone who were watching him perform that he is good, no, he is amazing at dancing. He made everyone leave with a face of admiration as he ended his performance. The crowd wowed into his performance that he didn’t expect at all.
Tumingin si Taeyong sa gilid ng stage kung saan nakapwesto ang kaibigan kanina bago ito nagsimulang sumayaw ngunit hindi niya ito nakita. Inikot niya ang kanyang mata upang hanapin ang naging kuhaan ng kanyang lakas sa kung ano ang ipinakita niya sa entablado.
Until he found that familiar face. The one who took his fear, made him warm, and cheered for him.
He found Doyoung, who was smiling so brightly at him, like his smile was saying how proud he was of Taeyong.
Taeyong smiled at him, also. Bright as the smile of his friend.
Gabi matapos ang contest, tumambay si Taeyong at Doyoung sa tabi ng ilog kung saan mayroon itong damuhan na pwedeng tambayan at higaan. Nakaupo lamang ang dalawa at nagpapalitan ng kwento at tawa sa isa’t isa.
“Sabi sa’yo kaya mo yan, eh” sagot ni Doyoung.
Walang pagpipigil na banggit ni Taeyong, “Hindi ko rin naman ‘yon magagawa kung hindi dahil sa’yo.”
Nagkatinginan ang dalawa matapos marinig ni Doyoung ang mga salita galing sa kaibigan. Kay Taeyong, hindi niya alam bakit ang tanging nararamdaman niya sa panahong ito ay mabilis na tibok ng kanyang puso. Matagal na rin naman silang magkakilala at magkaibigan ni Doyoung pero bakit ganito na lang ang nararamdaman niya sa kaibigan. Hindi niya alam kung tanging may mali ba sa puso nito.
Mas lalo itong lumakas nang ngumiti si Doyoung habang nakatingin ito sa kanya. Para naman akong tanga bakit ako nanghihina sa ngiti niya?
In a cold breeze of the air that they felt, Doyoung looked up above to see the moon and stars, shining brightly into the Earth. Taeyong followed him in looking at it.
“Ganda talaga ng buwan tuwing summer no?” Doyoung asked.
The moment Doyoung let out his question, Taeyong looked into his friend. He adored the latter who was still looking to the celestials they were seeing. There, Taeyong felt something within his heart like it wanted to burst for unknown reason.
Or maybe because at that moment, he knew that the way he will look at Doyoung, it will never be as a friend again. It will be for more. Na kung pagbibigyan siya ng Diyos sa isang dasal, ito ay ang makita lagi si Doyoung na masaya kapag kasama siya.
“Oo, ang ganda nga.” Taeyong replied who was still looking at Doyoung with a sheepish smile.
Under the moon and stars that shone brightly, Taeyong realized that Doyoung is someone whom he wants to keep and be with him, for life.
❃
Before, distance mattered to Taeyong and Doyoung’s friendship. Pero nang makatungtong na sila sa high school, hindi na ito balakid para sa hindi nila pag uusap dahil nung graduation niya, niregaluhan siya ng kanyang magulang ng cellphone. Para sa kanya, hindi na dahilan ang distansya para hindi makausap ang kaibigan. Ikinatuwa naman ito ni Doyoung.
Kaya bago ito umuwi pabalik sa kanila, binigay ni Doyoung ang kanyang number para doon siya kausapin ni Taeyong.
Walang palya ang usapan sa pagitan ng dalawa sa panahong hindi sila nagkikita. Hindi man nila nakakalaro ang isa’t isa, hindi na mahalaga ‘yon. What’s important for them is that they have communication. They are able to talk about things even if they are meters away from each other. Aside from the two of them, Jungwoo was also with them and joined the conversation. Minsan rin ay video call ang ginagawa ng tatlo lalo na kapag miss na nila ang isa’t isa, pati ang pagmumukha nila.
From ‘good morning’ to ‘good night’ messages, Taeyong and Doyoung were happy. Longingness maybe there because they were hoping to talk and face each other physically, but conversations and calls through phone were enough to cover the time they weren’t able to see each other.
❃
The moon and stars were able to witness the sadness and pain.
Taeyong and Doyoung know that relationships, either romantic or platonic, are perfect. Hindi maiiwasan ang tampuhan,bangayan, o sagutan. But what’s good between the both of them is that they never let their anger die down without talking about it. Doyoung was afraid of hurting his friend because of misunderstanding, and so does Taeyong.
But one time it was different. Not even a misunderstanding.
It was the graduation day of Taeyong, pero this time, it was in high school. Hindi niya mapigilang bumalik sa ala-ala ng graduation day niya ng elementary dahil sa surpresang ginawa ni Doyoung sa kanya.
Ganoon kaya ulit ang gagawin niya? Isip-isip nito sa kanyang sarili. Pero kahit hindi naman gawin ito ni Doyoung, okay lang. Kampante naman ito na magbabakasyon ito sa kanila.
Ayun naman ang mahalaga. Being with Doyoung even just for one season is enough.
So Taeyong dismissed his thoughts while in the ceremony, and it’s good that those things hadn’t entered his mind again up until the end of the event.
Paglabas ni Taeyong sa eskwelahan kasama ang kanyang magulang, inikot niya ang kanyang ulo upang subukan hanapin ang partikular na mukha sa kanya. Pero hindi niya ito mahanap.
Nagkibit-balikat na lamang si Taeyong nang biglang,
“Bulaga!” sabay na sabi ni Jungwoo at Doyoung sa kanyang likod.
“Anong akala mo sa amin? Ghoster?” natatawang tanong ni Jungwoo. “Hinding hindi ko makakalimutan graduation day mo, Kuya Taeyong.”
“Well, same sa kanya.” Ngiting sabi ni Doyoung sabay abot ng mga bulaklak na inihanda para sa kaibigan. “Happy graduation day, Taeyong!”
Hindi maipaliwanag ni Taeyong ang saya na mayroon siya nang makita ang dalawa. Nangingilid ang luha nito sa kanyang mata nang niyakap niya si Doyoung at Jungwoo.
Sa pag angat ng mukha nito, nakita ni Doyoung ang luhang nangingilid. “Oh teka, bakit ka umiiyak? Graduation mo umiiyak ka?”
Taeyong couldn’t say that he was happy to see his friends waiting for him outside. He couldn’t say that he was happy to see Doyoung. Taeyong was full of happiness and he couldn’t contain the emotions he had. Maybe that’s why his tears were clouding on the side of his eyes.
“Masaya lang.” Taeyong answered. Then, he hugged Doyoung. A tight hug, showing how happy he was.
Doyoung was taken aback at first, but he didn’t let Taeyong know that he was shocked. He hugged him back and smiled. He could feel the warmth of the embrace of Taeyong. He could feel his heart rushing its beat, but he didn’t care. He loved to have warmth from his friend .
“Ahem ahem, may ibang tao dito.” Jungwoo said that made the two of them unclinged to each other from the hug. “Huwag kayong PDA”
“Siraulo.” both of them replied.
“Oh tignan mo, pati dyan sabay pa rin kayo.” Jungwoo answered back.
Natawa na lang ang dalawa sa sagot ng nakababata sa kanila.
Sa puntong ‘yon, unti-unting pinagninilayan ni Taeyong kung oras na ba para sabihin niya kay Doyoung yung nararamdaman niya sa kaibigan pero natatakot ito na siya lang ang nakakaramdam ng higit pa sa pagkakaibigan nilang dalawa. Taeyong didn’t want to expect that his friend would feel the same way, as well as, he didn’t want to be hurt.
So he saved himself from the heartbreak, as of now.
Sa susunod na lang, pag kaya ko na . He said on his thoughts.
Taeyong’s parents invited Jungwoo and Doyoung to the celebration of their family for the graduation of their son. All of them shared stories, laughter, in Lee’s residence.
Akala ni Taeyong na patuloy ang saya ng summer sa panahon na ‘yon.
Akala niya lang pala.
Isang linggo mula sa graduation ni Taeyong, niyaya siya ni Doyoung buong araw na tumambay at gumala sa village ng kaibigan.
“Gusto talaga makita mukha ko buong araw.” pang aasar ni Taeyong.
“Minsan hindi ko alam saan ka nagmana. Hindi naman ganyan si Tito at Tita.” sumbat ni Doyoung sa kanya. “Tita, mauuna na po kami ni Taeyong.”
“Sige mga anak, mag iingat kayo!” tugon ng nanay ng kaibigan niya.
Taeyong guided Doyoung in exploring the village. Ilang taon na ito na nagbabakasyon sa kanila tuwing summer pero hanggang ngayon ay may mga lugar pa siya na hindi kabisado rito. Nang matapos sila sa village, lumabas sila rito upang pumunta sa malapit na mga mall o kahit saang galaan.
Hindi rin nawala ang tawanan, asaran, at kwentuhan, na para bang hindi nila napag uusapan sa telepono noon. Magku-kwento si Doyoung, makikinig si Taeyong. Magku-kwento si Taeyong, makikinig si Doyoung. Parehas din silang tatawa sa kung anuman ang bagay na nakakatawa sa pinag uusapan nila. Kung tatanungin mo man sila parehas, mas gugustuhin na lang nilang magkwentuhan buong araw nang walang palya o pag usapan ang iba’t ibang bagay.
Walang humpay ang gala at kwentuhan ng dalawa, hanggang sa sumapit ang gabi.
Sa oras na ito, pinili nilang dalawa na tumambay sa park, kung saan sila unang nagkakilala si Taeyong at Doyoung. Kung saan hindi nila inaasahan ang pagbuo ng matibay na pagkakaibigan sa kanilang dalawa. Buti na lang sa mga oras na iyon, wala ng bata ang naglalaro sa lugar.
Doyoung looked up in the sky, like he always does, to see the beautiful stars and moon. Bilog ang buwan sa pagkakataon na ‘yon, walang ulap na siyang nakaharang sa pag-ilaw nito.
“Ang ganda pa rin ng buwan talaga.” panimula ni Doyoung. “Hindi ko naman alam na ito rin pala ang susi na magiging magkaibigan tayo.”
Patawang sumagot si Taeyong habang nakatingala sa langit na pinagmamasdan rin ang buwan. “Ano to, Doyoung? Magti-trip down to the memory lane ba tayo?”
“Hindi tayo matatapos ngayong araw kung ganoon lang din gagawin natin.” tugon ni Doyoung sa kanya.
Sana nga, hindi na lang matapos ang araw na kasama ka . Parehas nilang sabi sa kanilang utak.
There was a comfortable silence between the two of them. But Doyoung’s mind started to rumble with different thoughts. He was hesitating to say words because he didn’t know if he’s going to hurt the other. On the other hand, he didn’t want to hide a secret from him. He knew that he must say it. He weighed those on his mind without Taeyong noticing that he was struggling with words.
Yet he was wrong because Taeyong caught Doyoung staring at him. “May mali ba?”
Doyoung was awakened to hear Taeyong’s question. He had no time to escape after hearing those.
“Wala, napapaisip lang ako.” Doyoung started. “Ang hirap pala ng gawain natin nung bata tayo, no? Hinihintay natin sumapit yung summer para lang makapaglaro at makapag usap tayo.”
Taeyong smiled, “Pero at least, ngayon nakakapag usap na tayo kahit sa cellphone. Para kahit malayo at hindi tayo nagkikita, feeling natin ang lapit natin.”
Taeyong’s smile slowly vanished when he saw Doyoung plastering a sad smile on his lips.
“Paano Taeyong kapag bumalik ulit tayo sa ganung phase?”
Taeyong didn’t know what to answer because he was shocked on hearing Doyoung’s question. He still didn’t get it when he heard Doyoung spoke again.
“Paano kung hindi na tayo tuwing summer magkikita?”
“Anong ibig mong sabihin?” Taeyong intervened, trying his self not to think any bad thoughts that may ruined the day.
Inikot ni Doyoung ang mata para maiwasan ang tingin ng kaibigan, maging ang pagbuhos ng katiting na luha galing sa kanya. Huminga ito nang malalim at nagsimula sa pagsasalita.
“Kasi si Kuya, kukunin kami dito papuntang Europe. Hindi ko pa alam kung saan bansa doon pero ayun pa lang ang sinabi sa akin ni Mama. Sa totoo lang, okay lang ako na ako lang mag-isa, dito na lang ako kina Jungwoo. Ready naman si Tita na patuluyin ako dito. O kaya, magdodorm ako.”
Nakinig si Taeyong sa mga sinabi ni Doyoung. Hindi man bakas sa mukha nito ang lungkot, pero sa pinakaloob loob niya, para siyang binugbog sa hindi malaman ang dahilan.
Unti-unti na humikbi si Doyoung sa kanyang pwesto, “Ang malala, sabi nila 5 to 6 years daw dapat tumira doon continuously. Hindi ako makakapagbakasyon nang ganun katagal. Hindi ko kayang gawin yun, Taeyong. Ayoko naman mawalay sa inyo. Kay Jungwoo. Sa’yo. Maayos naman ako dito. Masaya ako sa inyo eh. Masaya ako sa’yo.”
Taeyong didn’t know how to respond. Lumunok muna ito na senyas na handa siyang magtanong at marinig sa kung ano man ang isasagot ng kaibigan. “Kailan alis niyo?”
“Sa makalawa.”
Tangina . Ayun na lang ang nasabi ni Taeyong sa sarili.
Sa pagbuhos ng mga luha ni Doyoung, niyakap ni Taeyong ang kaibigan para tumahan. Kung tutuusin pinipigilan lang niya ang sarili na huwag umiyak pero hindi niya namalayan na nagbabagsakan na rin paisa-isa ang mga luha sa kanyang mukha. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat i-react, kasi siya rin nasasaktan.
Halos limang taon, na hindi mo makikita yung taong nagbigay saya sa’yo. Summer is not even an excuse for vacation. Ano na lang siya na hindi niya makikita si Doyoung kahit isang beses sa isang taon?
“Doyoung.” panimula ni Taeyong nang kumalas siya sa yakap sa kaibigan. Hinawakan niya ang mukha nito sabay punas sa mga luha na mayroon sa pisngi ni Doyoung. “Yung plano ng Kuya mo, hindi lang naman para sa ikabubuti niya eh. Para rin yun sa ikabubuti mo. Alam niyang may kakayahan ka sa mga bagay na kaya mo, kaya nararapat rin na kunin ka at pag aralin niya doon. It was Europe. A place where the countries are progressing on their own. Maraming opportunities for you. Iniisip niya lang naman yung kung ano mas better para sa’yo. Tahan na.”
“Hindi ko kakayanin na walang Taeyong o Jungwoo doon. Pa’no na lang ako?”
Natawa na lang si Taeyong sa tanong ng kaibigan pero sa totoo lang, lungkot pa rin ang bumabalot sa nararamdaman niya. “Hindi mo naman inisip na kapag walang Taeyong o Jungwoo doon, hindi mo na kami kaibigan, ‘di ba?”
Iling na lang ang tanging sagot ni Doyoung habang nakatungo ito.
“Hindi naman mawawala yung pagkakaibigan nating tatlo, Doyoung. Oo, hindi tayo magkikita pero hindi ibig sabihin non wala na. Nakalimutan na kita. Hindi matatapatan ng limang taong hindi pagkikita ang kung anong nabuo natin. Tandaan mo yan. Sige na, tahan na.”
Taeyong hugged Doyoung for the second time around. Masakit para sa kanya na mawalay kay Doyoung. Lalo na’t hindi pa niya nagawang sabihin ang mga dapat nitong marinig. Kung gaano nito binigyan ng kulay ang bawat oras na kasama niya o nakakausap ang kaibigan, kung paano nito napapasaya at napapagaan ang buhay sa bawat ngiti na nakikita niya o mga matang nagpapakita na masaya ang kaibigan. Hindi pa niya nasasabi kay Doyoung kung paano siya tinuruan magmahal. Kung nagawa niya bang sabihin ang lahat ng ‘to, ito kaya ang mag uudyok lalo kay Doyoung na huwag tumuloy? Sa kagustuhan man niya na magdamot, hindi niya magawa. Alam niyang para rin naman sa ikabubuti ni Doyoung ang ganoong desisyon. Being the selfless man he is, he pushed Doyoung to follow and obey his brother.
Never would Taeyong think that under the shining moon and stars, pain would be felt into the hearts of two people who will long for each other’s presence as the next time will pass by.
❃
The day after Taeyong and Doyoung talked, the latter went home to prepare for his flight the next day. Hanggang sa mga pagkakataon na ‘yon, hindi pa rin makapaniwala si Taeyong na kahit summer hindi niya makikita si Doyoung. Iniisip pa lang ito ng binata, lumbay na ang bumabalot sa kanya. Binabagabag rin siya sa isipan kung tama bang hindi siya umamin sa mga oras na ‘yon.
Siguro pagkatapos ng limang taon na lang, ‘no? Kapag magkita tayo? Sabi ni Taeyong sa kanyang sarili.
Kung magkikita pa tayo. Dugtong niya. Dahil walang kasiguraduhan kung magkita man sila isang araw sa mga susunod na taon. Alam niyang pwedeng magbago ang ihip ng hangin. O siya lang talaga humahawak sa pagkakataon na baka pwede ba matapos ang mga oras na nakalipas. Hindi niya alam.
“Anak, tawag ka ni Jungwoo.” tawag sa kanya ng kanyang ina na siyang dahilan ng paglabas niya ng kanilang bahay, at natagpuan ang pinsan ni Doyoung na naghihintay sa kanya.
Jungwoo and Taeyong stayed at the side of the riverbank, tulad ng ginawa ni Taeyong at Doyoung dati. Tahimik lang silang dalawa, like they didn’t know what should be the first thing they needed to talk about.
“Nakaalis naman nang maayos pinsan mo, ‘di ba?” tanong ni Taeyong na siyang sinagot ni Jungwoo sa pamamagitan ng tango. Tumingin na lang ito sa tubig na dumadaloy sa may ilog.
“Alam mo, Kuya.” panimula ni Jungwoo. “Ang swerte niyo sa isa’t isa ni Kuya Doyoung.”
Nilingon ni Taeyong ang katabi bago ito nagpatuloy sa kanyang sasabihin. “Kasi si Kuya Doyoung mayroong kuya Taeyong na maalaga, mabait, masayahin. Tapos si ikaw naman mayroon kay Kuya Doyoung na supportive, malambing, mapagmahal.”
“Bakit hindi mo sinasali sarili mo sa narrative, ha? Kaibigan ka rin naman namin, ah.” pabirong tanong ni Taeyong sa nakababata.
“Eh Kuya hindi naman kasi friendship yung tinutukoy ko.”
Hindi alam ni Taeyong kung tama ba ang narinig nito mula kay Jungwoo. The confusion was obvious to the face of the elder until Jungwoo released a small laugh. “Akala ko mababasa mo si Kuya Doyoung.”
“Anong ibig mong sabihin?” Taeyong asked, until he slowly realized what the younger wanted to tell him. He didn’t want to assume things but he knew it was that thing. He didn’t know how to react at all. “Paano?”
“Yung mata, Kuya Taeyong.” Jungwoo answered while looking at the person beside him. “Yung way na kung paano mo siya tignan, ganun din yung way paano siya tumingin sa’yo. Matagal ko na kayong napapansin, Kuya. akala ko nga aamin ka kay Kuya Doyoung eh or vice versa, pero hindi pala.”
Sa narinig ng binata kay Jungwoo, hating hati ang nararamdaman niya sa araw na ito. Masaya siya kasi ganun din ang nararamdaman ni Doyoung sa kanya. Panghihinayang kasi ni wala sa kanila ang ang naglakas loob na sabihin ang mga salitang binaon na lang sa tabi dahil sa takot na masira ang pagkakaibigan nila.
Taeyong thinked that the time had been wasted. There will be no new horizon for them in the next coming days, months, or even years, to fully tell what their hearts really feel. To relay the important message to each other. And it hurts. Hoping to rewind the time when Doyoung was still staying here for vacation. Even just for an hour or a couple of seconds. Just a time to tell Doyoung how much he wants to care, keep, and love him. But he couldn’t.
O baka hindi pa talaga ito yung tamang oras para sa tamang pagkakataon.
Inabot ni Jungwoo ang isang sobre na kulay asul kay Taeyong na siya ring kinuha niya sa kamay ng nakababata. “Sabi ni Kuya Doyoung iabot ko raw sa’yo.”
Taeyong chose to open the envelope at night.
Nang kahit papaano, maramdaman niya ulit si Doyoung. According to him.
He took a deep breathe, keeping the tears from falling, kahit na alam niyang anytime ay babagsak rin ito.
Taeyong,
Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano bubungad sa sulat. Pero mas magandang deretsahan na lang, ano? Mga oras na binabasa mo ‘to, siguro nasa airport na ako o kaya nakasakay mismo. Baka nga nasa stop over na kami. Haha. Pero anyways.
Taeyong, gusto ko lang sabihin na isa ka sa mga biyayang kahit kailan ay gusto kong ipagdamot. Kung hahayaan lang ako ni Lord na gawin ‘yon, itatago kita sa bulsa ko. Dejoke. Gusto kong malaman mo na nagpapasalamat ako na nakilala kita, one summer night. Mahalaga talaga summer sa atin kasi ‘yun lang naman yung panahon na pwede tayong maglaro, magkwentuhan, magsama. Sa sobrang saya ko nga halos ikaw na lang nakukwento ko sa mga kaklase ko dati at sinasabing “Buti pa ako may Taeyong, kayo anong mayroon kayo?” Halos ipagyabang ko sa kanila na mayroon akong best friend na tulad mo, not knowing that day by day of thinking about you, nahuhulog na pala ako.
Pero pinili kong tumahimik kaysa masira yung friendship na mayroon tayo. Natatakot ako na isang pagkakamali ko lang, mawala na lang yung pinagsamahan natin. Ganoon ako katakot na mawala ka. Na pinili kong isarili yung damdamin na mayroon ako para lang hindi masira ang kung anong tayo.
“Parehas pala tayong tanga. Nagtataguan ng feelings, akala mo bata.” natatawang sabi na lang ni Taeyong sa kanyang pwesto bago pa ulit ito magbasa.
Sa totoo lang, hindi ko alam paano ko pinalakas yung loob ko para lang masabi sa’yo na aalis kami kasi sa totoo lang, wala akong balak sabihin sa’yo. Pero mas natatakot akong malaman na masasaktan ka kasi bigla na lang akong hindi nagpaalam. Alam kong kamumuhian mo ako ‘don kaya nasabi ko sa’yo na lilipad kami paalis ng bansa. Pero Taeyong, bakit ang sakit pa rin kahit nasabi ko na?
Maya maya’y bumagsak na rin ang luha galing sa mga mata ni Taeyong na akala niya hindi na makakawala.
Hindi ko alam bakit nung mga panahon na sinabi ko sa’yo yun, umasa akong kokontra ka. Na gusto mo dito lang ako, kung pwede lang. Di bale na malayo, ang mahalaga pwede pa rin ako makabalik tuwing bakasyon. Pero, hindi. Ewan ko ba Taeyong dahil siguro kakanood ko ng mga drama sa TV nito pero ang sakit na kahit katiting na pag-asa pumatol ako.
“Sorry. Sorry, Doyoung.” tanging nasabi ni Taeyong habang humahagulhol sa pag-iyak. “Sorry kung naging selfless ako. Sorry.”
Gustuhin man ni Taeyong na hindi na basahin ang sulat, pero nilakasan niya ang kanyang loob para ituloy.
Pero hindi ako nagalit sa’yo, Taeyong. Don’t get me wrong. Dahil nung panahon na nag-usap tayo tungkol dito, alam kong umarangkada ang pagiging selfless mo. Ayan ka nanaman eh, nakukuha mo ako sa ganyan. Yang ugali mo, at buong pagkatao mo, yan ang dahilan kung bakit hirap akong iwan ka. Kasi baka sa susunod, hindi na ikaw yung Taeyong na nakilala ko, hindi na ikaw yung Taeyong na naging kaibigan ko.
Baka hindi na ikaw yung Taeyong na gusto ko pa ring pangarapin kahit na ang layo ko na sa’yo. Literal na malayo dahil sa distansya na mayroon tayo.
Sabi sa isang kanta “all of these stars will guide us home”, tapos naalala ko yung buwan at bituin. Kung paano tayo humanga sa pagkinang at pag ilaw nito. Sana Taeyong sa tuwing titingala ka at titignan yan, ako pa rin ang maalala mo. Pagkakaibigan pa rin natin yung tumatak at pumapasok agad sa isip mo.
“Ikaw lang talaga maalala ko sa buwan at bituin. Ikaw nagtulak sa’kin na mahalin ko sila, eh.” Taeyong added while looking for the moon and stars right through his window of his bed. There it is, the moon and the stars that shine clearly and brightly.
Eto rin ata ang dahilan bakit hindi ko piniling bumati sa umpisa kasi alam kong babati ako sa pagtapos. Taeyong, ayaw kong batiin ka ng paalam. Dahil umaasa akong magkikita pa rin tayo. Kahit isang beses lang.
Hindi ko talaga alam kung kailan, but God knows how willing I am to wait a couple of times, just for the right moment to meet you again. Kahit after five years pa yan, o ten years,
O kahit na magkaroon ka na ng taong magpapasaya sa’yo sa tanang buhay mo. Taeyong, maghihintay ako. Basta ikaw yung makikita ko sa dulo o makasalubong o mismong sa harapan ko. Okay na ako. Masaya na ako.
Sa pagkikita natin, ihanda mo na yung 'sangkaterbang luha at kwento na namimiss ko na sa'yo.
At sasalubungin kita nang may ngiti sa labi.
Tandaan mo rin na isa ka sa mga bagay na ipinagdadasal ko sa Diyos.
Hiling ko lang na mag-iingat ka, palagi.
- Doyoung.
❃
It was six years ago when Taeyong saw Doyoung with his face.
Nawalan na rin ito ng contact simula ng nakaalis ito. Sa lawak ng Europe, wala ring kasiguraduhan na makita ni Taeyong ang natatanging mukha na ninanais na niyang makita. Nakarating na lang siya ng France dahil sa pagtatrabaho (at maging sa tyansang makita ulit si Doyoung).
Slowly, Taeyong doesn’t know if he must hold on to his thinking that they will meet again or not. Because for him, the chance of seeing him again is decreasing.
He is on the verge of losing hope.
“Sure, Kuya. You have done your part naman. Kahit ako na lang po ang magtuloy.” Jaehyun, one of his fellow citizens who is working at a big company in Paris where he is working at the moment, says to him.
“Salamat, Jaehyun.” Taeyong answers as he smiles at the younger. He packs his things, and goes out to his workplace.
Gabi na natapos ang trabaho ni Taeyong sa kompanya. Mabilis siyang nakuha at pinasok sa trabahong ito matapos itong magraduate nang Magna Cum Laude sa isang state university malapit sa village kung saan sila nakatira.
Sa village na saksi ng bawat masasayang ala-ala na ninanais ni Taeyong na balikan.
Mahirap sa kanya na iwan ang lugar na nagbigay ganda sa buhay niya. Pero nakita niya ang malaking oportunidad na makakatulong sa kanya at sa kanyang pamilya. Kaya kinuha niya ang pagkakataon.
Naglalakad si Taeyong pauwi nang mapag-isipan niyang tumambay sa isang park na hindi kalayuan sa Eiffel Tower. Dalawang buwan pa lang si Taeyong sa lugar simula nang lumipat ito para magtrabaho. Aaminin niyang hindi pa siya ganoon ka-familiar sa mga iba’t ibang lugar na pwedeng puntahan hindi lang sa Paris, kung hindi sa buong France.
When Taeyong gets the chance to sit down on one of the empty benches in the park, he observes his surroundings at first to see the number of people he sees within his sight. Gabi na siguro kaya kaunti na lang ang taong nakikita niya dito.
Lately, he looks in the sky above him. There he sees the moon and stars. Tulad ng kung anong nakikita niya dati, makinang at mailaw pa rin ang mga ito. He can’t help but to smile. A sad one. Buti pa ang buwan at bituin, hindi kumukupas ang liwanag. Hindi tulad ng chance na magkita tayo.
Taeyong continues to stare in the celestials until a man, who is wearing a gray hoodie and glasses, sits on the same bench as him. He notices the man’s side but barely recognizes the person. He chooses to ignore it and continues to look over the moon and stars.
Until the man speaks up.
“Ang ganda ng buwan, no?”
Hindi pinansin ni Taeyong ang familiarity ng language sa pagitan ng lalaking katabi niya ngayon. What shocks him and gives a little pang of pain within him is the question itself. Kasi ito rin yung tanong na binabanggit ni Doyoung. Tanong na nagpasimula ng lahat ng kung anuman ang mayroon sa kanila.
Mas pinili niyang hindi sagutin. Kasi after all these years na hindi niya nakita si Doyoung, in almost a strand of hopelessness, and a single thing that triggers about this someone whom he dears so much, nagkaroon pa rin si Taeyong ng rason na umasa. Kahit kaunti lang .
At wala naman siguro ‘yon sa katabi niya kahit hindi niya pansinin. To think na mamaya iba pala intensyon nito.
Not for a long time, a shooting star appears right through the sky, and Taeyong feels nothing but nostalgia. In the moments of a blooming friendship, realizations of affection, sadness, and pain. His memories with Doyoung. Seeing this now in his sight, hindi maiwasan ni Taeyong isipin kung may hiwaga pa rin bang dala ang shooting star na nakikita niya tulad ng kung ano ang dinala nito sa buhay niya nung siya ay bata pa. Hindi naman siguro maling subukan , ika niya.
Kaya sinimulan niya ang taimtim na paghiling.
Wala akong pake kung saan, o kailan, pero sana magkita ulit kami nang mayakap ko na siya.
Mabilis ring nawala ito sa kanyang mata, pero nakatatak pa rin ang hiling niya sa kanyang isipan.
For the last time, the man beside him shoots his way to test if Taeyong will answer or not. So he asks carefully.
“Mahilig ka pala sa shooting star. Anong hiniling mo?”
This time, Taeyong chooses to answer the question of the man beside him. Looking to the ground, he smiles. “Makita yung taong gusto ko na makita. Matagal na. Ikaw?”
Umubo muna ito at huminga nang malalim. Hindi man nakikita ni Taeyong ang mukha nito dahil suot nito ang hood sa kanyang ulo, dama niya ang kaunting lungkot dahil sa pagbuntong hininga nito.
Malungkot na ngumiti ang binatang katabi ni Taeyong. “Parehas din sa’yo. Makita yung taong gusto ko na makita. Matagal na.”
Hindi alam ni Taeyong kung tama bang lumakas ang pagtibok ng puso nito dahil sa sinabi ng kanyang katabi. But the moment this guy has answered Taeyong, he can’t feel anything but to be suspicious. From the questions, the shooting stars, and the wishes.
Taeyong’s hope has filled up from nothing to overflowing one. Na tipong gusto na niya umiyak dahil sa pag-asang nadadama niya.
The man beside him stands and walks slowly away from him.
But Taeyong stops him.
“Sandali.”
Hindi mahirap na pahintuin ang binatang kanina ay katabi lamang niya dahil huminto rin ito agad nang marinig si Taeyong.
Even Taeyong stands from the bench he was sitting a while ago. Not far from his position, he looks into the man’s physique until he sees the hands of it. One thing captures him, and brings him with an overwhelming joy inside his heart. A ring similar to his. A ring that was given by Doyoung together with the letter.
Same ring that resembles to what he is wearing up until now.
Surely, the man slowly turns to Taeyong, and the latter can’t keep his tears anymore. As well as the genuine, wide smile to his lips. Same goes for the man whose tears are flowing even before their eyes meet. Happiness has been evident in the surroundings the moment that they face one another. Finally.
Under the shining moon and stars, two longing souls have found each other again. Summer night, in the city of love.
“Hi, Taeyong!”
