Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2021-07-30
Words:
2,080
Chapters:
1/1
Comments:
9
Kudos:
217
Bookmarks:
21
Hits:
1,695

zoom into your heart

Summary:

It was supposed to be a private message. Para kay Mark Lee lang sana talaga ‘yun; only for his eyes to read, only for him na pagtawanan ang kagaguhan niya.

Pero medyo tanga kasi si Donghyuck (surprise!) sa part na nakalimutan niyang i-set into for Mark Lee only ang message niya sa chat box. Kaya ayan tuloy, his message is out there in the Zoom chat box for everyone to see.

Notes:

very short and fluffy(???) and ~kilig~ (I HOPE SO.... *crosses fingers*)

shawrawt to tomi kasi kung wala siya 'di siguro 'to matatapos THANK YEWWW!!! <3

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

Wala sa mood si Donghyuck this morning because of two things:

  1. Na-lowbat ang phone niya habang natutulog siya kaya walang sandamakmak na 7:00 to 8:30 AM alarms ang gumising sa kanya. Ayan tuloy, muntik nang mahuli sa unang araw ng school orientation si Donghyuck.

    Muntik lang naman. Nakahabol pa siya two minutes before mag-alas nuebe. Sakto rin na medyo matagal pumasok ang adviser nila kaya may oras pa si Donghyuck para ayusin kaunti ang sarili bago magsimula ang napakahabang orientation. ‘Yun nga lang:

  2. Hindi pa siya naliligo at twenty minutes into the session ay nagsimula nang kumulo ang sikmura niya dahil ‘di rin siya nakapag-almusal.

Kaya naman, nakasimangot si Donghyuck ngayon habang nakatitig sa screen ng laptop niya kung saan naka-flash ang PPT tungkol sa rules at policies ng paaralan nila. Wala siyang energy ngayon para magpaka-estudyante kaya naman lahat ng mga sinasabi ng teacher niya’y lumalabas lang sa kabilang tenga. Pero okay lang kasi since kindergarten pa siya sa school na ‘to; kabisadong-kabisado na niya ang nakalagay sa handbook nila cover to cover.

Donghyuck yawns for the nth time this morning. Pagod pa talaga siya—kung pwede lang na tulugan ‘tong orientation na ‘to ay gagawin niya talaga pero nakakahiya na rin kasi. Ilang ulit nang nabisto si Donghyuck na natutulog habang nagd-discuss last year, at ayaw na niyang maulit ‘yun—please, naka quota na siya sa ayaw mo na ba talagang masali sa honors list? ng adviser niya at sa ‘yan sa kakalaro mo ‘yan ng COD! ng mommy niya.

(But Donghyuck swears hindi naman niya talaga kasalanan na nakakatulog siya—siguro, oo minsan kasi naglalaro siya magdamag ng Valorant kasama sila Yangyang pero minsan lang din naman ‘yun—sadyang hindi lang talaga marunong magturo ang ibang teachers nila at may blatant favoritism pa ang mga ito na pinaka-ayaw talaga ni Donghyuck. So he just slept to avoid wasting his time at bago pa siya tuluyang magalit.)

To kill a little of his boredom, kinuha ni Donghyuck ang phone niya from his bedside table na kanina pa nagch-charge and checks his socials for the first time that morning. May notifications from YouTube at ilang emails from websites, may sasali ka ba sa orientation? ‘wag na please galing kay Yangyang thirty minutes ago, at may one hour old chat din si Jeno na remind lang kita may orientation tayo later sana gising ka na.

Donghyuck merely reacts to their messages with a like bago niya naman binuksan ang sandamakmak na messages at missed calls galing kay Renjun sa Messenger. Mostly, ‘yung messages at calls are failed attempts para gisingin si Donghyuck nang maaga.





huang mong replyan <3

7:34 AM

good morning besfran

may orientation tayo mamaya hyuck, wag masyadong magpadala sa sarap ng tulog!




8:15 AM

ano plano natin dyan hyuck




8:29 AM

hoy kailan ka gigising

8:30 na lods magrereklamo ka na naman kasi di mo kayang mag prepare in less than 30 mins




8:33 AM

You missed a call from huang mong replyan.

You missed a call from huang mong replyan.

You missed a call from huang mong replyan.




Then, marami pang calls at messages na tinawanan lang ni Donghyuck as he scrolls down. He’s about to reply and tell Renjun about his shitty morning nang nahagip ng mga mata niya ang isang pangalan sa chat ni Renjun.

Mark Lee.

Agad na natigil si Donghyuck sa pagt-type, nanlaki ang mga mata habang tinititigan ang pangalan ulit just to make sure na hindi siya namamalikmata.

Mark Lee.

Mark Lee na isa sa mga top students ng batch nila who sometimes competes in inter-school quiz bees and writing contests. Mark Lee na kilala ng lahat dahil napaka-approachable, mabait, at friendly—at syempre, napaka-talented.

Mark Lee na matagal nang crush ni Donghyuck, specifically since Grade 9 pa sila pagkatapos nitong sumali sa isang dance contest nung intramurals. When Mark started to dance to every beat of Major Lazer, Justin Bieber, and MØ’s Cold Water right then and there, with his precise angles and brisk movements, Donghyuck instantly knew na wala na talaga—talo na siya.

Si Mark Lee na hinahabol ni Donghyuck since Grade 10 pa sila—all for the laughs, Donghyuck would say, pero deep down gustong gusto niya talagang mabigyan siya ng chance. Three years na niyang crush ‘to, eh.





huang mong replyan <3

8:31 AM

GAGO GISING

ASAN KA NA BA

TANGINA

CLASSMATE PALA NATIN SI MARK?

MARK LEE?????

 




Donghyuck’s breath hitches nang makita niya talaga ang pangalan ni Mark sa members ng Zoom Meeting ng section nila.

Fuck, kailan pa nagsimulang umayon ang tadhana sa gusto ni Donghyuck? At kailan pa lumipat si Mark ng strand? Gago.

Ever since Junior High School, even way before naging crush niya ‘to, never talaga naging mag classmates sina Mark at Donghyuck. Always malayo ang pagitan ng classrooms nila, at mutual friends lang nila ang dahilan kung bakit sila magkakilala. And there was a time na gustong-gusto talaga ni Donghyuck na ma-experience niyang maging classmates sila ni Mark, kahit once man lang.

Wala lang, trip lang niya.

(Pero sino ba naman kasi ang ayaw na maging classmates ang crush niya? Nakakahiya man pero think about it: easy sightseeing kapag wala ka sa mood? Check. May chance na maging close kayo—even if the possibility is low? [Number lang ‘yan, bestie! That’s nothing compared to fate.] Check.)

Matagal na siyang sumuko though, sa chance na maging classmates sila ni Mark. Last year pa, when Donghyuck really thought na God would go easy on him kasi Senior High School na siya—pero ayun nga, hindi pa rin siya pinagbigyan kasi nasa STEM si Mark surprisingly, habang nasa HUMSS naman si Donghyuck.

Pero ngayon—fuck.

(Legit, ‘yan lang talaga ang masasabi niya.)

Pinaglalaruan ata siya ng tadhana kasi bakit ngayon pa talaga na Grade 12 na sila, last year ng High School at naka online classes pa? Donghyuck’s first and last chance na mapalapit kay Mark tapos ngayon pa talaga na hanggang Zoom, Google Meet, Discord, at Messenger lang sila. God, napaka-unfair naman ata.

(But then again, dapat nga siguro magpasalamat si Donghyuck na lumipat si Mark sa HUMSS at nilagay pa talaga sila sa same section.)









huang mong replyan <3

9:34 AM

my senses are tingling gago ano ba ginagawa mo

FUCK DONGHYUCK

kung ano man ang gusto mong gawin rn

WAG MONG GAGAWIN

PLEASE.




It happens pagkatapos silang hayaan ng adviser nila to have at least a ten-minute break—masakit lalamunan ko today, guys, kaya let’s take a break muna; alam ko rin naman na bored na kayo.

Donghyuck knows he should take this chance para kumain ng almusal at ayusin ang itsura niya—maghilamos, magsuklay kaunti, at magpalit ng damit kasi naka pyjamas pa siya—but he doesn’t. Instead, he’s typing down something habang nakangiti—unang ngiti sa umaga niyang puno ng pighati brought to you by none other than Mark Lee!




(Fun fact: never talagang nakining si Donghyuck kay Renjun, even after a decade of friendship—except nga lang kung may recitations at quizzes.)








It was supposed to be a private message. Para kay Mark Lee lang sana talaga ‘yun; only for his eyes to read, only for him na pagtawanan ang kagaguhan niya kasi ‘yan naman talaga ang ginagawa ni Mark kapag lowkey bumabanat si Donghyuck sa kanya noon—tamang tawa lang, sobrang lakas pa kala mo kung anong klaseng punchline ang sinabi ni Donghyuck, tapos tamang sapak sa braso akala mo ‘di masakit.

Pero medyo tanga kasi si Donghyuck (surprise!) sa part na nakalimutan niyang i-set into for Mark Lee only ang message niya. Kaya ayan tuloy, his message is out there in the Zoom chat box for everyone to see.




From Donghyuck Lee to Everyone           9:40 AM

hi Mark kumain ka na?




(Hindi naman masyadong nakakahiya, hindi talaga.)

Pero at least ‘di ba hindi nakakahiya ang sinend niyang message. ‘Yun nga lang nagmukha siyang tangang concerned citizen sa chatbox.

Donghyuck, who is quite stunned at his own stupidity, blinks. ‘Di nga siya nakatulog during their discussion pero ganito naman ang kagaguhang ginagawa niya.

Uminit ang pisngi ni Donghyuck after a few seconds of just blinking—isa, dalawa, tatlo, ano ba dapat ang gagawin ko?—at the monitor of his laptop, halos ‘di gumagalaw at ‘di humihinga. Naririnig na niya ang disappointed sigh ng adviser niya, ang nakakainis na tawa at pang-aasar ng mga kaibigan niya, at ang signature awkward laugh ni Mark from here.

Nang tuluyan na talaga siyang natauhan at nakapag-isip kung ano ang sasabihin, Donghyuck immediately types something sa chatbox. Nakakahiya, first day na first day ganito agad ang simula ng Grade 12 niya. Parang gago.

Isesend na sana ni Donghyuck ang baduy niyang apology nang nakita niya ang bagong message sa chatbox. Huminga si Donghyuck nang malalim at hinanda ang sarili sa message ng adviser niya—kaya niya ‘to, marami pa siyang nakakahiyang ginawa sa buhay niya wala lang ‘to—but then wala. Instead, he sees a reply from Mark Lee himself.

Donghyuck’s eyes widen.




From Mark Lee to Everyone           9:48 AM

Hi, tapos na. Ikaw? :)




OH MY GOD.

‘Di naman nag-expect si Donghyuck na mababasa ‘yun ni Mark, much less replyan siya kasi nga break nila at baka may ibang ginagawa.

Pero, wow. Saang universe ba talaga nagising si Donghyuck ngayong umaga? Kasi there is no way na nangyari ‘to lahat—when he discovered he’s classmates with Mark, and when Mark replied to his Zoom message nang ‘di rin naka-private (tanga rin ba ‘to o sadyang gago lang din talaga?)—in just a span of an hour.

Pinisil ni Donghyuck ang sarili at shuta masakit nga bago niya naman chineck ang sariling phone na ngayo’y may sandamakmak na messages galing kay Renjun, Yangyang, at Jeno. ANG LANDI MO says Renjun, habang tawa lang naman ang pinagsesend ng dalawa niya pang kaibigan.

So he’s definitely not dreaming.

He’s not imagining Mark’s reply with his signature smiley face at the end, and the auto capitalization of words.

It’s real.

Ano ba dapat ang sasabihin niya? Sanay na si Donghyuck na ‘di masyadong pinapansin ni Mark ang mga banat niya, kaya naman now that he’s responding—out of respect? Out of kindness? Bahala na—hindi alam ni Donghyuck kung ano ang dapat niyang gawin.

Huminga nang malalim si Donghyuck para naman maging kalmado ang naghuhuramintado niyang puso, bago siya nagtype ng reply.




From Donghyuck Lee to Everyone           9:49 AM

hehehe wala pa nga eh




Ang pakipot pakinggan pero wala siyang pakialam kasi nakausap niya si Mark. He swallows the embarrassment and decides to just savor the moment—mamaya na lang siya magpapakain sa hiya minsan lang naman kasi ‘to.




From Mark Lee to Everyone           9:50 AM

Ahh, ganun ba. Kain ka na. :)




“At sinong may sabi na pwede kayong magchikahan sa chatbox?” tanong ng adviser nilang si Sir Johnny na dahilan upang mas pumula ang pisngi ni Donghyuck. Mabuti na lang talaga napaka-chill lang ng adviser nila at tinatawanan lang ang kagaguhan nila sa chatbox.

“Guys, sa susunod, ‘wag nyong kalimutan na i-set ang messages niyo into private, ha. Huwag niyo namang ipamukha na walang nagtatanong sa’kin kung kumain na ba ako,” sambit ni Sir Johnny na dahilan upang asarin siya ng ibang mga kaklase niya. Diba sir may jowa ka? ‘Di ka niya pala tinatanong kung kumain ka na?

Pinagpapawisan at nakangiti si Donghyuck habang nakikinig. The embarrassment he feels has gone through the roof right now, pero kaya pa naman. Kakayanin.

Donghyuck wills his heart to calm down, taking slow deep breaths in, kasi kanina pa talaga mabilis ang kumpas nito. Dug, dug, dug, dug. Sobrang bilis akala mo kung anong klaseng cardio exercise ang ginawa ni Donghyuck.

Nang kalmado na siya, Donghyuck types a message for Mark (and he makes sure na this time naka-private na ito).




From Donghyuck Lee to Mark Lee           9:53 AM

sorry mark nadamay ka pa HUHUHU

sorryyyyyy




From Mark Lee to Donghyuck Lee           9:53 AM

Hahaha, okay lang.

Sana kumain ka na though, lol. :)




Buti nalang talaga at hindi sila required na mag open cam at mic kasi sobrang pula ng mukha ni Donghyuck at sobrang lakas din ng tili na pinakawalan niya sa unan niya.




(Nang bumalik si Sir Johnny sa discussion nito about sa rules at policies ng school later on—ang sinabi niyang ten minute break ay naging thirty minutes, by the way—ay ngumunguya na si Donghyuck ng french toast, abot tenga ang ngiti at kinikilig pa rin.)

Notes:

thank you so much for reading! sana napasaya kayo nito kahit sobrang short lang

(reminders: make sure na naka-private ang zoom message niyo before sending it DHASHDF)