Work Text:
"Kuya Jeno, dito!"
Tinaas ni Jeno ang kanyang tingin mula sa cellphone nang marinig ang tawag ni Chenle. Tumakbo siya papunta rito na kasama ang iba pa nilang kaibigan na si Jisung at Mark.
"Wala pa sila Hyuck?" tanong niya.
"Wala pa, stuck daw sa traffic eh." sagot ni Mark.
Nagkayayaan silang magkita-kita at kumain ngayong gabi sa isang community market fair malapit sa U-Belt. Madilim na ang gabi kahit na alas sais pa lamang at may karamihan na rin ang mga taong naglilibot upang kumain o kaya'y tumingin ng mga damit sa mga tiangge.
Lumipas ang limang minuto bago pa dumating ang tatlong taong hinihintay nila. Halatang galing pa ang tatlo sa kanilang unibersidad, naka maong na pantalon at polo shirt, at suot-suot ang kanilang school ID.
"Sorry guys, late kami pinalabas eh." pagpapaalam ni Renjun.
"Hay nako, Kuya. Ang tagal naming naghintay! Libre mo drinks namin ah." Pang-aasar ni Chenle.
"Siraulo, wala na akong pera."
Pumasok na sila sa loob at agad na dumiretso sa tent kung saan nakatayo ang mga food stalls. Iniwan muna nila sa isang bakanteng table si Chenle at Jisung para bantayan ito habang ang iba ay umalis upang bumili ng pagkain.
"Anong bibilhin mo, Jen?"
"'Di ko pa alam kuya, baka shawarma rice na lang ulit."
"Tara, ikot tayo baka may magustuhan kang iba." Aya ni Mark sa kanya.
"'Di na, kuya. Do’n na tayo sa may ihaw-ihaw."
Kaunti lang ang pila nang dumating sila sa stall ng mga ihaw-ihaw. Agad na kumuha ng apat na stick ng betamax si Jeno para kay Donghyuck, iilang barbecue at isaw para kung matripang kainin nila Jisung. Hinintay niyang maluto ang mga ito habang pumunta si Mark sa iba pang stall para maghanap pa ng ibang pagkaing mabibili.
"Sir, okay na po order niyo." Nagpasalamat muna siya bago kunin ang naka paperbag na ihaw-ihaw at pinuntahan si Mark na nakapila sa kabilang stall.
"Hala wait, Jeno ilan binili mong betamax?"
"Apat lang para kay Donghyuck."
"Nag-chat kasi sa 'kin si Jisung, nagpapabili rin."
"Okay, paluto na lang ulit ako." Sinulyapan ni Jeno kung pang-ilan si Mark sa pila at nang mapagtantong malapit na ito, inabot niya ang paperbag kay Mark. "Una ka na, kuya. Baka gutom na mga ‘yon."
"Sure ka? Hintayin na lang kita, sabay na tayo."
Umiling na lang si Jeno at bumalik sa may ihawan at pumwesto sa dulo ng pila na medyo mas kaunti kumpara sa kanina.
Nagbabasa siya sa timeline ng twitter niya nang marinig niyang ang simula ng isang pamilyar na kanta mula sa open mic sa gilid ng mga tent kung saan may tumutugtog na banda.
Dami pang gustong sabihin
Ngunit 'wag na lang muna
Hintayin na lang ang hangin
Tangayin ang salita
Donghyuck Lee to best bros GC:
hoy san na kayo
betamax ko pala wag niyo kakalimutan
"Apat na betamax po." Inabot niya ang bayad sa babae bago pumwesto sa gilid para maghintay ulit. Pinanood niya na lang ang mga taong naglilibot pampalipas oras habang nakikinig sa kanta.
"Sir, ito na po." Nagpasalamat ulit siya sa lalaking nag-iihaw at naglakad na pabalik sa table nila.
Pagdating niya roon ay rinig niya ang pagrereklamo ni Jisung kay Donghyuck.
"Ako nagpabili nito kay Kuya Mark! Ang daya mo lagi ka namang kumakain ng betamax pag pumupunta tayo rito. Ako naman!"
"Huy, 'wag nga kayong mag-away d'yan. Hyuckie, binilhan ka ni—ay, nandito na pala!"
Umupo siya sa harap ni Donghyuck at inabot dito ang paperbag, "Betamax mo, Hyuck.”
Tumingala sa kanya si Donghyuck at ngumiti nang pagkalaki-laki. Ang mga mata nito'y tila nagniningning sa kabila ng madilim na gabing pinaliliwanag ng mga ilaw mula sa mga tent at posteng nakatayo.
Hindi na kailangang maramdaman ni Jeno ang kanyang puso para malaman kung gaano ito bumilis sa pagtibok sa loob ng kanyang dibdib.
Lagi naman siyang ganito pagdating sa isang Donghyuck Lee.
Nilayo niya ang kanyang tingin papunta sa likod ni Donghyuck at mahinang umubo.
“Sa'n sila Jaemin?"
Pang-asar na dumila muna ito kay Jisung bago abutin ang paperbag, "Andun, iniwan ko na. Gusto pa kasi bumili ni Renjun ng takoyaki."
"Ahh, namiss ko 'to!" Masayang sabi ni Donghyuck habang binubuksan ang paperbag.
"Heh, magkahepa ka na sana—joke lang, kuya!" ani Jisung na nagtakip ng ulo nang umamba si Donghyuck na babatukan siya nito.
Naalala ni Jeno na hindi pala siya nakabili ng pagkain para sa sarili niya. Akmang tatayo na siya nang abutan siya ng meal box ni Donghyuck na may tatak ng stall na pinagbibilhan niya ng shawarma rice.
"'O, binilhan na kita ng inoorder mo lagi." ani Donghyuck habang nilalabas ang mga plastic utensils mula sa paper bag sa gilid niya.
"Ay saka sakto may nagbebenta kanina," Masiglang sabi nito at inilabas ang isang kakaning binalot ng gamit ang dahon ng saging. "Binilhan kita puto bumbong. Favorite mo 'to eh."
Gulat itong tinanggap ni Jeno, "T-Thank you."
Jeno couldn't help the wide grin from being plastered on his face. The warm feeling he always feels whenever he's with Donghyuck making its presence known even louder.
Puta naman. Heto na naman tayo sa kilig na 'to.
"Mark, binilhan din kita! Bayaran niyo ko ah! Mga 'di nagsasabi kung anong mga gustong kainin."
Just like that, the moment is gone.
Ahh.
Unti-unting nabawasan ang ngiti sa mukha ni Jeno hanggang sa isa na lang itong tipid na linyang nakaukit sa kanyang mukha.
Hindi ka naman iba sa kanila. Hindi ka special, Jeno.
Because as much as Jeno looks at Donghyuck as the person who lives in his heart, Donghyuck doesn't look at him the same.
Donghyuck only looks at him as a friend in their group. As someone who grew up with him. As someone he holds close to him.
Not the same way Jeno does.
Never the same way Jeno holds him right inside his heart.
"Huy, sinong tinitignan mo d’yan?" Siniko siya ni Jaemin nang umupo ito sa tabi niya.
Mula sa malayo, narinig niya ang malapit na pagtatapos ng kanta. Schooling his gaze, he turns to look at Jaemin and meets his friend's questioning look with a smile.
"Wala."
Pahiwatig
Sana 'di magbago ang pagtingin
